Chapter 10
Iwinakli ko ang kamay ni Leonor sa takot sabay napaatras. Bumilis ang aking paghinga sa bawat hakbang ni Leonor.
Halos hindi ako makahinga sa sobrang kaba, ano bang dapat kong gawin? Paano ako aalis dito? I don’t even know where I am!
I was in a state of a panic nang may biglang humawak sa kanang kamay ko at hinila ako papalayo kay Leonor.
Ang pamilyar na pigura na ’to...
“Elena?”
Nilingon niya ako sabay tumango bilang sagot. Patuloy lang kaming tumatakbo hanggang sa—
“I don’t know who you are but I know you’re the only person who could confront that woman. I don’t have enough time, so, I’ll make this short, you are the key to solve all of this. Don’t let her take over. Save Chase, save him and we'll all be free," mabilis niyang paliwanag.
Magtatanong pa sana ako ng biglang hilain ni Leonor ang buhok ni Elena. Natataranta akong tumakbo papunta kay Elena para sana tulongan siya ngunit tinulak niya ako dahilan para mahulog ako sa isang madilim na bangin. Tanging sigaw lamang ang nagawa ko habang nararamdaman kong nahuhulog ako.
“Akin lang si Rafael!” Umaalingawngaw na sigaw ng isang boses.
Boses na pamilyar at nakakatakot... boses ni Leonor. Agaw hininga kong binuksan ang mga mata ko at nahanap ang sarili ulit sa warehouse.
Nanghihina akong napatingin sa harap at nakitang nakahiga na sa sahig ang pitong bodyguard at nakaluhod na si Tito Isme.
Nanlamig ako ng makita ang nakakatakot at walang emosyong mata ni Chase habang nakatitig sa limang babae. Pawisan siya at mukhang hinihingal pero kahit ganon ay ramdam mo na may kakaiba sa awra niya. Ngayon ko lang siya nakitang ganyan ka kagalit.
“C-Chase, halimaw ang babaeng ’yan! Huwag kang lumapit sa kanya! Layuan mo siya,” sigaw ng babae sa kanya.
Sinamaan lamang ng tingin ni Chase ang babaeng sumisigaw.
“You should shut your mouth before I could turn into one,” malamig na sagot ni Chase.
Natahimik ang mga babae at nanginig sa takot ng makita ang reaksyon ni Chase. Kahit ako ay natatakot sa nakikita ko, iba magalit si Chase. Makakaramdam ka ng tinding takot sa mga tingin palang niya.
His face was cold yet beautiful. Para bang kahit anong oras ay kaya niyang pumatay gamit lamang ang mga titig niya. I saw Chase tightly gripped his fist... may kakaiba kahit kutob ko lamang ito.
Pagod na pagod na ako, it's scare after scare. Naramdaman ko na lamang ang pagtulo ng luha ko at ang mahinang paghikbi ko.
“I will f*cking make you pay. You will regret you messed up with a Rodriguez,” puno ng poot niyang sambit.
“Ginawa lang namin ’to para sa ’yo, bindi mo kami kaaway—”
“The woman you just hurt is a Rodriguez,” galit na pagputol ni Chase. “My fiance!”
Hinila niya ang braso ng babaeng sumabunot sa akin. Gusto ko man siyang pigilan, walang salitang lumalabas sa bibig ko dahil sa takot.
I just woke up from a terrifying vision. At pag-gising ko ay ito na agad ang bumungad sa akin. Hindi ko alam kung bakit mas nakakadama ako ng takot kay Chase ngayon keysa sa mga pangitain na nakita ko, wala ng mas nakakatakot pa sa isang galit na Chase Rodriguez.
“C-Chase, believe me. Ginagawa lang namin to para sa ’yo,” nauutal na sambit ng isa sa babaeng sumampal sa akin.
“A-ayaw lang namin na gamitin ka ng babaeng ’yan!” Segunda naman ng isa.
Lalong naging mas mabangis ang mga tingin ni Chase. I saw the five girls flinch. Ramdam na ramdam ko ang lakas na pagtibok ng puso ko sa kaba at takot.
“Rodriguez, calm down. You should go to your fiancè. Ako na ang bahala rito,” sambit ng isang maginoong lalaki nang lumapit siya kay Chase.
Mariin na napapikit si Chase bago malakas na binitawan ang babae. Nakita ko ang pamumula ng braso ng babae. Humarap siya sa kasama niyang pumipigil sa kanya.
“I’ll leave it to you, Javier. Make sure they’ll receive a harsh punishment. Baka ’di ko mapigilan ang sarili ko at ako pa ang gagawa nun. I owe you this time,” gigil na sambit niya
“Come on now. Hindi mo naman siguro gustong makita ng iba ang ayos ng fiancé mo, Rodriguez.”
Napalingon sa akin si Chase at agad na lumapit. Lumuhod siya sa harap ko at maingat na tinanggal ang lubid sa nakatali kong kamay sa likod ng upoan.
Out of instinct ay napapigil hininga ako ng maramdaman ko ang balat niyang tumama sa akin. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya.
“I’m sorry I scared you,” bulong niya habang patuloy na tinatanggal ang lubid.
Nang matanggal niya ang tali ay tumingin siya sa mga mata ko. This is the first time I see real emotion in his blank enticing eyes.
“I’m sorry you have to go through all this.’’ Ipinatong ni Chase ang noo niya sa balikat ko. “I’m sorry, I know you’re scared. I’m sorry, Malia. I know saying sorry is not enough but I’m really sorry Malia. You don’t deserve this.”
Parang naglaho bigla ang takot at kaba ko ng makita ang maamo niyang mga mata na puno ng pag-aalala.
“You're a girl who doesn’t even go out but here you are being caught up in a mess because of me,” patulog pa niya.
Umiling ako sa narinig. Ako ang may kasalanan dito, kung hindi ako lumapit sa kanya, kung hindi dahil sa mga pangitain ko ay hindi rin siya magkakaproblema ng ganito.
Wala siyang kasalanan dahil desisyon ko ang lumapit sa kanya, sa totoo lang nagpapasalamat pa ako at niligtas niya ako kahit na p’wede naman niyang hindi ako pansinin.
At sa sandaling nagkakilala kami ay ngayon ko lang nakita ang mata niyang puno ng emosyon. Tinanggal niya ang suot niyang black leather coat at ipinasuot ito sa akin.
Binuhat niya ako na ang isang braso niya ay nasa ilalim ng aking mga binti at ang isa ay sumusuporta sa aking likod, at dahil sa pagod ay hindi na ako muling nakaprotesta.
“I promise, I’ll take responsibility for this,’’ huling narinig kong sambit niya bago tuloyang nilamon ng kadiliman ang paningin ko.
Nasa alaala na naman ba ako muli ni Leonor? Muli akong kinabahan ng maalala ang nangyari kanina, paano kung bumalik si Leonor? Paano kung magpakita siya muli at hindi na ako maligtas ni Elena?
“Talaga bang bumalik na ang iyong mga alaala, Rafael? Iiwan mo na ba ako?” Umiiyak na sambit ni Leonor.
Naputol ang pag-iisip ko ng marinig ang paghikbi ni Leonor. Isang ngiti ang isinagot ni Rafael, hinalikan niya ang noo ni Leonor saka pinunasan ang mga luha nito. Mahigpit na hinawakan ni Rafael ang kamay niya.
“Aalis ako para ayusin ang gulong naiwan ko, Leonor. Aalis ako para malaya nating maipakita sa lahat ang relasyon natin. Hintayin mo ako, mahal. Sa aking pagbabalik ay sabay nating tutuparin ang pangarap na nabuo ng ating pagmamahalan. Magpapadala pa rin naman ako ng liham, mag-uusap pa rin tayo,” pag-aamo nito.
“Kailangan mo ba talagang bumalik doon mahal?” Malungkot na tanong ni Leonor
“Babalik ako,” sagot ni Rafael. “Hinding hindi ko susukuan ang pag-ibig natin, mahal. Iyan ay ang aking pangako sa ’yo.”
“Ikaw ang nangako pero ikaw rin ’yong bumitiw.”
Natigilan ako sa narinig. Boses iyon ni Leonor, paglingon ko sa kanan ay muli kong nakita nag maamong mukha ni Leonor. Nagulat ako ng biglang lumingon sa akin si Leonor. Puno ng galit ang mga mata niya.
“Alam mo ba ang batas ng kalikasan?”
Napakunot ang noo ko sa sinambit ni Leonor. Isang nakakatindig balahibong ngiti ang gumuhit sa labi niya.
“Kukunin ko ang nararapat na sa akin. Hindi ako papayag na kahit sa panahong ito ay ipagkakait niyo ang kaligayahan ko. Hindi mo matatakasan ang katotohanang sa mundong ito...” napalunok ako sa mga titig ni Leonor. “Ikaw ay ako at ako ay ikaw pero ako ang magwawagi sa huli.”
“Tita Lia, it's time to wake up.”
Nagising ako ng marinig ko ang boses ni Johnny, ramdam ko pa rin ang malakas na pagkabog ng dibdib ko. Anong ibig sabihin ng huling katagang sinambit ni Leonor?
May hindi maipaliwanag na kaba sa dibdib ko. Kailangan kong humanap ng lunas bago ako maunahan ni Leonor. I don’t know where this feeling of urgency is coming from or what it is.
Isa lang ang sigurado ako. Ang nararamdaman ko ngayon ay tila ba na dapat kong mahanap ang lunas bago pa maging huli ang lahat.
Hawak hawak pa rin ni Johnny ang kanang kamay ko, habang tumatagal ay naramdaman ko ang pagkalma ng pagtambol ng puso ko. Saka ko lang napansin si Yana kasama si Mrs. Rodriguez na pulang pula ang mata at sumisinghot pa ng lumapit sila.
“Ate, ayos ka lang? Wala bang masakit sa ’yo? Tatawag na ba ako ng doctor?” Nag-aalalang tanong ni Yana habang humihikbi. “Dapat ’di kita pinabayaan eh, Ate, sorry. Sisiguradohin kong hindi ka na malalapitan ulit ni Papa, magbibigay ako ng statement sa kapulisan para makulong na si Papa.’’
Hinawakan ni Mrs. Rodriguez ang kaliwang kamay ko na umiiyak din. Bakit parang kung makaiyak sila ay nasa burol na ako?
“I didn’t know na mangyayari ito. I’m sorry, Malia, I will make those witches pay, no one messes up with my daughter-in-law!” sambit ni Mrs. Rodriguez na may panggigigil.
I awkwardly smiled Upon hearing Mrs. Rodriguez. Tinitigan ko siya at isang simple black sailor pants na pinaresan ng fitted white t-shirt, at mukhang hindi pa ata siya nakapag-suot ng make up ang datingan niya.
This is the first time na makita ko ang bare face ni Mrs. Rodriguez mula ng makilala ko siya. Napaka ganda at sopistikada pa rin niya.
“A-ayos lang po ako. Walang may gustong mangyari ’to at kasalanan ko rin po ito. Hindi niyo po kailangan humingi ng tawad,” sagot ko.
“Naku, Lia. Hindi namin alam kung bakit biglang gusto kang makita nitong si Johnny tapos nabalitaan nalang namin na andito ka na pala sa hospital,” pasingit ni Trisha.
Napatingin ako kay Trisha, nakapangbahay pa siya at tanging cardigan at maliit na bag ang dala niya. Mukhang minadali niya ata ang pagpunta dito. Napansin ko ring wala ang asawa niyang kumag.
Napatingin ako kay Johnny, anong alam ng pamangkin ko dito? May kutob ako na may kakaiba sa kanya pero di ko alam kung ano. Alam kong 'di din sya magsasalita tulad ng dati. Napaisip ako ng malalim.
Lalong lumalakas ang kutob ko na may kinalaman si Chase kung bakit may kakayahan akong makita ang nakaraan ng isang tao. Ang sunod sunod na pagbabago ng abilidad ko, ang mga panaginip ko kay Chase bago ko siya makilala, ang pagkikita namin ni Leonor, ang pagligtas ni Elena sa akin, ang sumpa ng pamilya nila, anong ibig sabihin nung babaeng si Elena na kailangan kong iligtas si Chase?
Anong ibig niyang sabihin na magiging malaya kaming lahat, anong koneksyon ng lahat ng ito? Was it a coincidence? Coincidence lang ba na ginising ako ni Johnny bago pa ako muling maging alipin ni Leonor.
Naputol ang aking pag-iisip ng may narinig kaming katok kaya sabay kaming lahat na napalingon dito at iniluwa nito si Chase na may dalang pagkain.
“You girls need to eat, mahirap na kayo naman ang magkasakit,” sambit niya saka inilapag ang dala niyang pagkain sa lamesa. “You’re awake,” pagpapatuloy niya ng makita akong nakatingin sa kanya.
Nagtipon-tipon sila Yana sa lamesa at nagsimulang kumain. Lumapit naman si Chase sa akin at umupo sa bakanteng pwesto sa higaan.
Binuksan niya ang dala niyang lunchbox na may lamang kanin at chop suey, pinanood ko siyang kumuha ng kutsara at kumuha ng kanin at chop suey. Nagulat ako ng humarap siya sa akin at nagtangkang suboan ako.
“Kaya ko ng suboan ang sarili ko, Chase,” natatarantang sambit ko sabay inagaw ang kutsara.
Isang mahinang pagtawa ang narinig ko kay Chase. Kumain na lamang din ako dahil nagugutom ako. I felt awkward as he quietly stared at me eating. Nang hindi ako makatiis ay nakasimangot akong tumingin sa kanya sabay abot ng pagkain.
“Kung nagugutom ka sabihin mo, hindi ’yong tititigan mo ako habang kumakain,” naiilang kong tugon.
Napakunot ang noo ko nang hindi niya tinanggap ang pagkain. Anong kailangan niya? May gusto ba siyang sabihin? Pati sila Yana na nagkekwentohan ay napatigil at tiningnan din kami. Mahabang katahimikan ang sumakop sa amin bago nagdesisyon si Chase magsalita.
“So I’ve been thinking, Malia,” panimula niya.
Why do I have a bad feeling about this?
“I said I’ll take responsibility, I was thinking how but the only option I can think of which would benefit us the most is this. I want to tell you though, I cannot promise that I’ll learn to love you at alam mo ’yon dahil sa sumpa but I still want to give it a shot at ito lang ang paraan na naisip ko para maprotektahan kita. I’m saying yes to your marriage proposal,” nakangiting sambit ni Chase.
***
Ewan ko lang din kung bakit ang brutal ko ngayon 😂 I was going to post 2 chapters pero umeepekto na ang cetirizine na ininom ko 😱 Bakit kasi ang sarap ng bawal huhubels 😭😭 Anyway to the person reading this hopia like it
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro