Epilogo
Nalaman kong kaya ako natunton ng Garda e dahil sa call recording sa pagitan namin ni Nicky na pinakinggan ng quality auditors sa aming kompanya. Hindi nila agad napakinggan iyon noong araw na mawala ako. Napakinggan lang nila iyon nang magkaroon ng random pick ang client nang isagawa ang annual audit.
Naalarma sila at nagkaroon ng hinuha dahil sa recording na iyon kaya ipinasa nila iyon sa otoridad. Akala kasi nila noong una ay nag-AWOL lang ako pero naging kahina-hinala dahil ang pagkawala ko ay nangyari pagkatapos ng call recording na iyon.
Doon napagtagni-tagni ng Garda police ang lahat. Maging ang pagkakawala ng sampung babae ay napatunayang may kaugnayan kay Nicky.
He was charged with multiple counts of murder and abduction. He offered to file a bail but the court denied it. Napakabigat ng ginawa niya. He was sentenced to a lifetime imprisonment.
Ako naman, heto at pauwi na ng Pilipinas. Matapos ang lahat ng nangyari, wala rin akong babalikang trabaho. The company did not file a case against me dahil na rin sa trauma na nangyari sa akin. At the same time, they also did not allow me to work again under their management.
Ayos lang naman sa akin. Ayoko rin naman nang bumalik sa call center. Naiisip ko palang e parang umaalingawngaw na ang boses ni Nicky sa kabilang linya. Parang ikababaliw ko iyon.
Tinanggap ako ng mga magulang ko nang buong-buo at tinulungan nila ako sa proseso ng pagpapagaling. They even brought me to psychiatrist. Sinasamahan din nila ako sa simbahan para um-attend ng pagsimba. Pero para bang lahat ng iyon ay hindi nakatutulong sa estado ko.
Gabi-gabi, hindi ko mapigilan ang sarili kong umiyak nang umiyak. Para akong nasa dilim. Hindi ko alam kung kailan ako makakawala.
May pagkakataon din na titingin lang ako sa isang parte ng kuwarto at nakikita ko roon ang silhuweto ni Nicky na tinatawanan ako. Takpan ko man ang mga mata ko at tainga ko e hindi pa rin siya tumitigil. Mababaliw na ako.
Ilang buwan at ilang taon kong pilit nilabanan ang nararamdaman ko. Nagpakatatag ako at kumapit sa Diyos subalit pilit na luluwag sa pagkakakapit ang kamay ko.
Nawawalan na ako ng pag-asa. Habambuhay na yata akong hahabulin ng multo ng nakaraan.
•••
Nakita ko na lang ang sarili ko na nasa isang cruise ship. Natuwa pa ang mga magulang ko nang mag-initiate ako noon. Mula sa kanilang ipon at retirement pay ni itay ay sila pa ang nagpresentang magbayad sa cruise.
Nandito ako sa dulo ng barko. Sinasalubong ang mukha ko ng sariwang hangin na napakasarap samyuin.
Inilibot ko ang aking tingin. Walang anumang anyong lupa ang natatanaw ng aking mga mata.
Sa kanlurang bahagi ay napatigil ang aking pagmamasid. Tila ba may isang babaeng nakalutang sa ibabaw ng tubig. Nakangiti siyang kumakaway sa akin. Tila ba siya ay nag-aanyaya.
Sa kauna-unahang pagkakataon ay napangiti ako nang malawig. Natagpuan ko na yata ang kapayapaan ko sa pagkakataong ito. Ang pananahimik ng kalooban ko na matagal ko nang inaasam.
Habang papalapit ang barko sa kaniyang puwesto ay mas lumilinaw ang kaniyang mukha. Noon ko na-realize na kilala ko pala siya.
Si Gina.
Ngayon, alam ko na kung bakit siya nagpapakita.
Wala akong alinlangang iniangat ang aking mga paa sa poop deck ng barko. Lumingon-lingon muna ako at nang masigurong walang tao ay wala akong pagdadalawang-isip na ibinagsak ang sarili sa asul na karagatan na hindi ko alam kung gaano kalalim.
Bago ako bumulusok ay nakita ko pa ang unti-unting paglayo ng barko kung saan naroon ang mga taong walang kaide-ideya na nabawasan sila ng isang pasahero. Pasahero na ang tanging hanap ay kapayapaan ng isip na hindi kailan maibibigay ng paglilibang lamang sa isang cruise ship.
Had I known that you are a monster, I should have prevented myself from meeting you, and I may still be alive...
End
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro