Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

6

Gusto kong magtatalon sa saya nang sa wakas ay makababa ako pero wala na akong oras. Nagpalinga-linga ako. Napangiti ako nang makita ko ang malaking gate na pinasukan ko nang pumasok ako rito. Sarado iyon pero kaya ko namang akyatin.

Maglalakad na sana ako papunta roon nang may marinig akong sasakyan na humimpil sa harap ng gate.

Halos tumalon ang puso ko palabas sa tadyang ko. Iisang tao lang ang naiisip kong papasok.

Si Nicky.

Taranta kong tiningnan ang paligid. Wala akong choice kundi pumunta sa likod. Doon ako maghahanap ng puwedeng akyatan.

Sa aking pagtakbo ay ’di ko namalayang natanggal ang ipinulupot ko sa aking sugat. Hindi ko rin naramdaman ang pag-iwan ng bakas ng dugong lumalabas mula roon. Ang nasa isip ko lang kasi ay ang makatakas.

Napangisi ako nang tingnan ko ang pader sa bandang likuran ng bahay. Mas madali itong akyatin. Kung ano ang nasa kabila nito ay wala akong ideya. Bahala na. Mas delikado kung mananatili ako sa loob nito.

Paakyat na sana ako nang may humampas sa aking ulo na sinundan ng pag-ikot ng paningin ko. Bago ako mawalan ng malay ay nakita ko si Nicky. Madilim ang paningin niya habang nakahawak sa isang baseball bat na sa tingin ko ay pinanghampas niya sa akin.

•••

"Pakawalan mo na ako," nawawalan ng pag-asa kong sabi habang nakatunghay sa mukha niyang hindi ko gaano maaninag.

Kung makailang daang beses ko na iyong nasabi sa kaniya ay hindi ko na alam.

"Hindi! Dito ka lang, babae. Hindi ka na makakaalis. Dito ka lang sa piling ko." Tumaas ang balahibo sa aking braso nang tumawa siyang parang baliw.

Humakbang siya nang paunti-unti. Sa bawat paglapit niya sa akin ay palakas nang palakas ang tibok ng puso ko, tila ba anumang oras ay sasabog iyon. Nang makalapit siya ay siya namang pagdantay ng isang malamig na metal na bagay sa aking pisngi. May talim iyon. Kung kutsilyo ba iyon ay wala akong ideya.

Napapapikit na lang ako nang mariin habang tinitiis ang sakit habang pinadaraan niya iyon sa aking mukha. Mayamaya ay tumigil iyon sa gilid ng aking kanang mata. Pinaikot-ikot niya ang talim doon na mas lalong nagpadoble ng aking takot.

"H-Huwag."

Napuno ang silid ng kaniyang nakabibinging tawa.

Bahagya siyang lumayo na medyo nagpaluwag sa dibdib ko. Pagpapasalamat ang umusal sa likod ng utak ko. Buti na lang hindi niya tinusok ang mata ko.

"Ganiyan ang gusto ko. Nagmamakaawa." Tumapat sa ilaw ang kaniyang mukha. Lumantad sa akin ang mukha ng taong noo'y pinapangarap ko pero ngayo'y labis kong kinasusuklaman. "Sumunod ka lang sa gusto ko para hindi ka matulad sa kanila!"

May binuksan siyang switch at nang kumalat ang liwanag sa silid ay gayon na lang ang aking panggigilalas sa aking nakita!

Bumalandra sa akin ang lampas sampung kalansay na may mahahabang buhok kaya alam kong babae ang mga iyon.

"Isang beses pa na magtangka kang tumakas, Charlene, mabibilang din ang katawan mo sa kanila." Ngumisi siya nang nakatatakot habang pinaglalaruan ang kutsilyo sa kaniyang kamay. Dinilaan niya pa iyon na para siyang nasasarapan.

Nilapitan niya ako at hiniklas. Umalis kami sa kuwartong iyon na ipinagpapasalamat ko naman. Hindi ko makakayanan kung doon niya ako ikukulong lalo pa at may mga bangkay roon!

Muli niya akong dinala sa loob ng bahay. Pinaliguan. Dinala niya ako sa guest room at doon ay paulit-ulit niya akong pinagsamantalahan. Kahit masakit na ang aking pagkababae ay tila ba wala siyang pakialam.

Bukod sa pagdodoble niya ng lock ng pinto ay ikinakadena niya ang paa ko. Wala naman na akong pakialam. Hindi na rin ako nagtatangkang tumakas. Tanggap ko na ang kapalaran ko na habambuhay ko nang mararanasan ang impiyerno sa buhay ni Nicky.

Hindi ko na nabilang ang mga araw. Ayoko nang bilangin kung gaano na ako katagal dito. Para saan pa? Para ipaalala sa akin ang masaklap na dinanas ko sa buhay na ito?

Masasarap ang pagkaing inihahain sa akin ni Nicky pero tila ba wala iyong lasa. Minsan nga e hindi ko na nagagalaw. Wala akong enerhiyang ngumuya at lumunok. Miserable na ako.

"Humanda ka, Charlene. Magpapakasal tayo bukas." May inilapag siyang malaking box sa gilid ng kama. Tiningnan ko lang iyon nang blangko. Sa totoo lang, hindi ko alam kung paano magre-react o marunong pa ba akong mag-react. Nakalimutan ko na kung paano magpakita ng emosyon. Hindi ko na alam kung paano magulat, ngumiti, malungkot, at magalit. I'm expressionless.

When he didn't receive a response from me, he heaved a deep sigh and left the room.

Suicidal thoughts start to invade my brain.

Siguro nga mas mainam na mawala na lang ako. Ayoko nang mabuhay.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro