3
Sakay ng kotseng bibihira kong gamitin ay binabaybay ko ang dulo ng Dublin. Malaking tulong ang paggamit ng Google Map para marating ko ang bahay ni Nicky Byrne.
Bumili pa ako ng mechanical kit at set ng overalls. Tinahian ko pa iyon ng logo ng Vodaphone para kapani-paniwalang technician ako para hindi magduda si Nicky.
Isang malaking bawal itong ginagawa ko. If the management would know, I am very sure that I will be terminated on the spot. Maling-mali ang puntahan ang bahay ng customer namin lalo pa sa aking kaso na hindi naman namin hawak ang pagdi-dispatch ng technicians.
Habang papalapit ako sa lokasiyon ay umuunti ang kabahayan na nakikita ko sa tabing-daan. Mas dumarami ang oak and ash trees na siyang nagpapaberde lalo ng kapaligiran.
Ilang segundo kong hinugot ang aking paghinga nang sa wakas ay marating ko ang six bedroom detached house na napaliligiran ng Victorian garden na may iba't ibang shrubs at bulaklak na tanim. Hindi rin nalingid sa aking mga mata ang ilang luxury cars na nakagarahe na sa sobrang gara ay mangingimi kang daitan man lang iyon ng daliri.
Pagkababa ko ay dumiretso na ako sa pivot door. Nanatili lang ako sa harap noon. Nagdadalawang-isip kung papasok na ba o maghihintay ng hudyat.
Sa puntong iyon ay may mukhang dumungaw, dahilan para umawang nang bahagya ang aking bibig. Sunod-sunod na pagtambol ng aking puso ang nagpapayanig sa aking dibdib na lalong lumala nang magtagpo ang mga mata namin ng taong iyon.
"You must be the technician, right?"
"Yes po."
Tumango siya at pinapasok ako. He guided me inside. Napapiksi pa ako nang ialalay niya ang kaniyang kamay sa aking likod. Nagdulot kasi iyon ng kakaibang kuryente na nagpakiwal-kiwal sa sistema ko.
Bumungad sa akin ang nakalululang living room ng bahay. The sombre of black and gold dominate the area. At the center, a luxe velvet sofa emanates class and indulgence. The coffered ceiling adds elegance and charm to the room.
A patterned carpet and shiny brass lamps easily catches anybody's eye. Overall, the entire living room screams expensiveness and elegance.
"Let's go upstairs. Nandoon ang router." Pagsasalita ni Nicky ang nagpabalik sa akin sa reyalidad.
Agad akong sumunod sa kaniya. Dahil nasa likod niya ako ay malaya ko siyang napagmamasdan. Lihim akong napapalunok habang inoobserbahan ang katawan niyang kulang na lang ay pumutok sa fitted niyang suot na white shirt. Para bang uminit ang pakiramdam ko kahit pa sabihing kabi-kabila ang aircon sa malaki niyang bahay.
Mas lalong tumindi ang nararamdaman ko nang bumaba pa ang aking paningin. Nakasuot lang pala siya ng manipis na sweat shorts dahilan kaya kita ko ang hugis ng kaniyang buttocks.
"Come in." Medyo nataranta ako nang lingunin niya ako. Nandito na pala kami sa harap ng isang kuwarto.
"This is the master's bedroom. The router is located at the bedside table."
Tumango lang ako.
Akala ko iiwan niya ako pero sumama siya papasok. Naghuramentado na ako lalo!
Paulit-ulit kong kinukumbinsi ang sarili kong umakto nang normal ngunit paano ko gagawin iyon gayong narito kami ni Nicky sa iisang silid?
Mas lumala pa ang pagwawala ng loob ko nang humiga siya sa malambot na kama. He groaned while flexing his muscles.
Intentional or not, it made me crazy deep inside. Init na init na ako. Buti na lang ay kaya ko pang magpigil.
Nag-focus ako sa pangungutingting ng router. Dahil nga wala naman talaga itong problema ay kung ano-ano na lang ang ginagawa ko.
"Anong oras kaya maaayos iyan, miss?"
"Kaya na po ito ng isang oras."
He nodded. "I haven't asked for your name yet."
"Charlene." Huli na nang mapagtanto kong nasabi ko ang pangalan ko, na pangalang ipinakilala ko rin sa kaniya kahapon.
Kulang na lang ay tampalin ko ang sarili ko. Kagabi kasi ay desidido na akong magpapakilala bilang Ashley. Hindi kasi puwedeng Charlene kasi ang sabi ko kay Nicky e magpapadala ako ng staff from the technical department.
Pero wala na, nadulas na ako.
Confusion was drawn on his face. "Charlene, you mean the representative I talked to yesterday?" Tumaob siya sa kama paharap sa akin.
Nilunok ko muna ang bumara sa lalamunan ko bago sumagot. "H-Hindi, Sir. Mag... Magkapangalan lang p-po."
"Okay."
Tumayo siya sa kama at naglakad papunta sa pinto. "I'll just go down. Babalikan kita." He winked at me before closing the door.
Napahinga ako nang maluwag nang wala na siya. Kung nakumbinsi ko ba siya sa sinabi ko ay wala akong kaide-ideya.
Ilang minuto pa ang ginawa kong pagbabaklas sa router ay ibinalik ko na rin iyon sa dati. Sakto namang bumalik si Nicky na may dala-dalang cookies at melon juice.
"Tapos ka na?"
I nodded. Isinara ko ang kit na dala ko pagkapasok ko ng mga gamit doon.
"Magmeryenda ka muna."
Nagdiwang ang puso ko nang malamang ipinaghain ako ni Nicky ng pagkain. Kung puwede nga lang iuwi iyon at palagyan na lang ng salamin tapos tititigan ko na lang araw-araw ay ginawa ko na.
Ayoko namang mabastusan sa akin si Nicky kaya kumuha agad ako ng isang pirasong cookie. Kinagatan ko iyon. Sa pang-apat na kagat ay naubos ko na sa sobrang sarap.
Kumuha pa ako ng isa hanggang sa makaapat na piraso ako. Nang makaramdam ng pagkabusog ay nilagok ko naman ang juice na walang kasintamis. Nanunuot ang lasa noon sa bawat parte ng dila ko.
"I'm full. Thank you for this, Mr. Byrne."
He smiled at me.
Nang hinanap ko ang mechanical kit na dala ko ay para bang nagdadalawa ang paningin ko pero inignora ko iyon. Nang makuha ko ay tumayo na ako. At ewan ko ba, nakakalimang hakbang palang ako ay nakaramdam ako ng panghihina. Bumibigat ang talukap ng mga mata ko at mayamaya pa ay nagdilim na ang paningin ko.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro