2
Ilang minuto na lang ang bibilangin ko bago matapos ang araw. Uwian na naman. Lampas isandaang tawag na rin ang natanggap ko ngayon. Halos kalahati pa roon ay galit na customers.
Iba-iba ang concerns na itinatawag nila. May tungkol sa internet, landline, o TV. Kapag hindi namin kaya i-assist lalo na kung internet router issues, inire-refer namin sa Tech Department para magpadala sila ng technician sa address ni caller.
Kanina naman, may caller akong galit na galit kasi naputulan ng internet. Pagtingin ko, naka-plan siya at three months nang hindi nagbabayad. Noong sinabi ko iyon sa kaniya, pinagmumura ba naman ako sabay nagbanta na ipasusunog daw ang building namin. Hayun, isinumbong ko sa manager ko then 'yong manager ko, nakipag-coordinate sa Irish police. Ang huling update ko e papunta na ang pulis sa address ng caller na iyon.
I smirked. Akala ng caller na iyon palalampasin ko lang siya, ha? Manigas siya ngayon sa kulungan.
Nagka-countdown na ang mga kasamahan ko rito. Isang minuto na lang kasi, out na namin.
Prente akong nakaupo habang nakaabang sa oras ng log out. Kasabay noon ang aking kaba na baka mapasukan pa ako ng call. Kung kamalas-malasan ko pa e granny call pa ang napunta sa akin o 'yong in layman's terms e matatanda. Mababait naman sila. Iyon nga lang e sila 'yong nakakausap namin nang matagal dahil bukod sa problema sa internet e mahihilig silang magkuwento ng tungkol sa buhay nila. Hindi naman namin basta-basta puwedeng iwanan kasi madalas e sensitibo ang damdamin nila.
Segundo na lang bago ang alas singko. Handang-handa na akong pumindot sa log out button nang tumambad sa screen ang salitang ayaw na ayaw kong makita.
One incoming call....
Napakagat ako nang mariin sa ibabang labi ko. Naroon ang thought na what if sadyain kong i-drop ang tawag para makauwi agad ako? Na palalabasin kong si customer ang nag-hang up at hindi ako?
Pero nandoon pa rin ang takot. Isa sa mga katrabaho ko ang nahuling nag-release ng call kaya tinanggal agad. Mortal sin kasi sa industriyang ito ang pagda-drop ng calls intentionally.
Wala akong choice kundi ang sagutin ang tawag.
"Thank you for calling Vodaphone, my name is Charlene. May I know your name please?"
"Hi, Charlene. This is Nicky. Nicky Byrne. I'm calling because..."
Para bang nabingi ako sa pagkakataong iyon. Hindi ko na narinig ang sunod pang sinabi ng kausap ko dahil tumaginting sa mga tainga ko ang pangalang Nicky Byrne.
"Hello, miss? Are you still there?"
"O-Oh. Y-Yes." I tried my best to compose myself.
"Can you help me?" ani ng boses sa kabilang linya. Boses na pagsasalita palang ay kilalang-kilala ko na.
"Y-Yes. I'm sorry. The line cut off earlier. May I request to repeat your concern?"
"Not a biggie, dear. I have a new card and I plan to enroll it in auto-debit so that my internet bill payment will be automatically deducted from it."
"Sure! I can definitely help you with that, Mr. Byrne."
Halos nanginginig na ang kamay na pinantitipa ko sa keyboard habang pinoproseso ang request niya.
Sa totoo lang, kaya kong gawin iyon sa loob ng tatlong minuto pero sadya kong pinatatagal para matagal ko siyang makausap. Ito na ang tsansa ko!
"I already set up an auto debit for you, Mr. Byrne. You will see it on the left side of the dashboard on your online account in our website. This will take effect immediately."
Ilang segundong katahimikan ang lumipas. Pagkatapos noon ay nagsalita si Nicky. "I saw it. Thank you, Charlene!"
Bumangon ang lungkot sa dibdib ko nang napagtanto kong matatapos na ang tawag naming dalawa. Umisip ako ng paraan para mas mapahaba pa at mas mapatagal ang pag-uusap namin.
Kahit mali.
"Ohh, Mr. Byrne. I show here that your internet has an abnormal traffic as compared to the other residence within your area." I bit my tongue so that I wouldn't stutter.
"Really? My internet is working fine."
"It may seem to be that case, Mr. Byrne." Lumingon-lingon ako para masigurong walang nakaririnig sa akin. "But you will notice the changes in your internet speed in the next few days."
"Ohh. What should I do then?"
Isang lihim na ngiti ang sumilay sa aking mga labi. "We will bring a technician in your area tomorrow morning, Mr. Byrne."
"Can they fix the issue?" pag-aalala ang nasa tono ni Nicky.
"I am confident that they can fix it. Our technical team is trained to produce high-quality output to assist our customers."
"Well then, if that is the case, dispatch them to my house tomorrow."
Kulang na lang ay magtatalon ako sa kinauupuan ko, lalong-lalo na habang lihim kong isinusulat ang address ni Nicky sa palad ko.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro