EPISODE 9: Oracle
EPISODE 9: Oracle
EXT. HACIENDA BAROSA RESORT SA KANLURAN. UMAGA.
Isang tricycle mula sa terminal ng kanilang barangay ay natunton ng magkaibang Sabriela at Johana ang likurang entrance ng resort sa loob ng Hacienda Barosa. Pagbaba nila ay kaagad nilang narinig ang alon ng dagat at mas nasabik silang dalawa lalo. Pero hindi sila nagpunta ng palihim dito para maligo sa dagat, kundi para tulungan ni Johana si Sabriela na makahanap ng pwedeng maging trabaho sa resort.
JOHANA
Naku, Sabing, gusto mo ba talaga magtrabaho rito? Ako ang papatayin ng Nanay Carmela mo sa oras na malaman niya!
(Ngayon lang nag-sink in sa kanya at biglang kinabahan.)
SABRIELA
Ano ka ba, Johana, huwag kang matakot kay nanay. Atsaka alam ko namang hindi naman na ko makakapg-aral ng college no? So mas mabuti na siguro na maghanap ako ng mapagkakakitaan na mas madali pero malaki ang kita kesa sa bukid. Tsaka sasabihin ko rin kay nanay, wala na ring magagawa 'yon kapag nakakapagbigay na 'ko sa kanya ng pera.
JOHANA
At ito ang naisipan mo? Dito talaga sa resort?
SABRIELA
Oo, siyempre rito ka nagtatrabaho eh.
JOHANA
Girl, kasi 'yung magulang ko dito na tumanda sa pagtatrabaho kaya siyempre nasasama nila ako. Eh ikaw, alam mo namang protective sa'yo ang nanay mo.
SABRIELA
Malaki na 'ko no, kaya kailangan kong tulungan si nanay.
JOHANA
Umamin ka nga sa'kin, may gusto kang pag-ipunan no?
SABRIELA
Oo na nga, sinabi ko na sa'yo dati na gustung gusto kong mag-aral ng college, sobrang sakto lang sa'min ni nanay 'yung kinikita namin sa bukid, hindi man lang kami makakapag-ipon.
JOHANA
Hays, ano pa nga ba, oh bueno pumasok na tayo sa loob.
Dahil kilala ng guard si Johana ay pinapasok lang sila nito, sa back entrance kasi ang daanan ng mga empleyado at lahat ng empleyado rito ay laking Hacienda Barosa, maliban sa mga managers at owners ng iba't ibang umuupa sa resort.
Hindi naman Summer season ngayon kaya hindi ganoon karami ang mga tao, sakto lang ang mga turista at may mga ilang foreigner pa. Sa kaalaman ng lahat ay pinapalitan dati ni Don Andy ang pangalan ng resort, Alizandra Resort, inalay niya iyon para sa kanyang mahal na asawa na si Donya Alizandra Bettina.
Kulang na lang ay mapanganga si Sabriela dahil sa kamanghaan, ngayon lang kasi siya nakapunta rito sa Alizandra Resort at lahat ng makita niya ay bago sa kanyang paningin. Sa loob kasi ng labingwalong taong pamumuhay niya sa mundo ay tanging bukid, dampa, at ang Bayan lang ang nakikita niya. Ngayong nakikita niya ang magagandang structures ng hotel, mga restaurant, may DJ pa nagpapatugtog sa balkohane ng mixed at mash-up music, pati sa mga kasuotan ng mga turista.
SABRIELA
Saan tayo pupunta, Jo?
Hindi sumagot si Johana at huminto lang sila sa paglalakad nang marating nila ang harapan ng isang magarbo at mukhang mamahalin na restaurant.
SABRIELA
Teka, huwag mong sabihing—
JOHANA
Dito ako may kakilala na pwedeng magpasok sa'yo, may bakante raw diyan. Siyempre sa likuran tayo dadaan.
(Hinila niya ulit sa Sabriela at papunta sila ngayon sa likuran.)
INT. CRAM'S RESTAURANT. KITCHEN. UMAGA.
Pumasok ang magkaibigang Sabriela at Johana mula sa back exit at doon sumalubong sa kanila ang abalang kusina, at as usual 'yung mga empleyadong lalaki ay kaagad na napatitig sa kagandahan ni Sabriela, kahit na itsurang probinsyana ito ay nangingibabaw pa rin ang ganda.
JOHANA
Uy, Sharmaine!
(Tawag ni Johana sa isang mapayat na babae na naghuhugas ng pinggan.)
SHARMAINE
(Lumapit sa kanila at nagpunas ng kamay sa apron.)
Jo! Oh, siya ba 'yung sinasabi mo?
JOHANA
Oo, girl. Sabing, siya si Sharmaine, taga-Barangay Sampaloc. Shar, si Sabing, kababata ko sa Barangay Maharlika.
SHARMAINE
Hello!
SABRIELA
H-hello.
(Shy type pero maganda pa rin.)
JOHANA
Oh, siya iiwanan na kita, Sabing.
SABRIELA
H-ha?
JOHANA
Si Shar na bahala sa'yo, pupuntahan ko lang sila inay sa main house, nandon sila eh.
SHARMAINE
Sige, Jo, ako na bahala rito sa pretty friend mo.
JOHANA
Sige, byeee.
(Umexit.)
SABRIELA
Teka, Jo—
SHARMAINE
Halika at ipapakilal na kita kay Boss.
ABRAHAM
Nasaan si—
(Biglang dumating at napahinto nang makita si Sabriela dahil hindi ito pamilyar.)
Sharmaine, sino 'yang bisita mo?
(Sarcastic pagkakasabi ng bisita.)
SHARMAINE
N-naku Boss Ram, hindi ko siya bisita, siya 'yung nahanap kong pamalit kay Julie.
(Medyo nautal dahil takot sa boss.)
Napatunganga si Sabriela kay Abraham, ito 'yung boss? Naisip-isip niya habang pinagmamasdan ang itsura nito. May mahabang buhok na nakapony tail, balbas sarado, nakasuot ng polo pero bukas 'yung butones hanggang dibdib kaya kita ang balahibo rito. Ang mukha nito, hindi ngumingiti, nakasalubong ang kilay, matalas ang mga mata, mukhang masungit pero gwapo.
ABRAHAM
Very well. Anong pangalan mo?
SABRIELA
(Nakatunganga lang kay Ram.)
SHARMAINE
Sabriela po ang pangalan niya.
ABRAHAM
Hindi naman siguro pipe 'tong nakuha mong pamalit?
(Nakasimangot si Koya.)
SABRIELA
A-ah eh, ako po si Anna Sabriela Garcia.
(Natatarantang sabi niya.)
ABRAHAM
(Tinignan mula ulo hanggang paa si Sabriela na kinailang ng dalaga.)
Sige, pwede ka ng magsimula ngayon. Sharmaine, ikaw na bahalang magturo sa kanya.
(Sabay layas at naiwang shookt si Sabriela.)
SHARMAINE
Pasensya ka na kay Boss Ram ha.
(Bumulong.)
Ganyan talaga 'yan, masungit. Pero hindi naman dati, simula lang nung iniwan siya ng girlfriend niya.
(Intrigera si ate!)
Wala namang nagawa si Sabriela kundi mapahinga ng malalim, medyo nahiwagaan din siya bigla kay Boss Ram, bukod sa kagwapuhan at malakas nitong sex appeal, mukhang hindi magiging madali ang pagtatrabaho niya rito. At iniisip na rin niya kung anong idadahilan niya sa Nanay Carmela niya kapag umuwi siya mamayang hapon.
SABRIELA
Bahala na.
(Dyan tayo magaling lahat.)
INT. MANSION DE BAROSA. ORACLE ROOM. UMAGA
Ang Oracle Room ay isang espesyal na kwarto para sa Family Seer o Family Prophet ng mga Barosa. Simula pa noong unang henerasyon ay malakas na ang paniniwala ng Pamilya Barosa sa astrolohiya, occult, at mga mystical views. At narito sa Oracle Room ang ika-aanim na henerasyon ng Family Seer, si Madam Z, ang kanyang alyas ngunit Zenaida Deuna ang kanyang tunay na pangalan.
Nakaupo si Madam Z habang tinitignan ang kanyang bolang crystal, medyo madilim ang Oracle Room, sa kisame makikita ang pinasadyang disenyo ng galaxy o universe, habang nakasabit ang mga planeta sa high-ceiling room. May library, chemist table, at iba pang weird na aparato.
MADAM Z
Hmm...
(Nakapikit.)
Saktong dumilat si Madam Z at sakto rin na may kumatok na para bang alam niya na may darating.
MADAM Z
Pasok.
At mula sa labas ay pumasok sa loob si Gwen at para sa kaalaman din ng lahat, si Gwen at Andy lang ang may natitirang paniniwala sa mga ganitong bagay.
MADAM Z
Inaasahan ko ang pagdating mo, Gwenella. Upo ka.
GWEN
I know, Madam Z.
(Marahang ngumiti at umupo.)
MADAM Z
How can I help you, my dear old friend?
Kadalasan ang family head ng Barosa ay kumukonsulta sa "prophet" upang alamin kung tama ba ang kapalaran ayon sa mga bituin. At sa loob ng anim na henerasyon ay hindi natibag ang paniniwala ng mga nagiging Primo Propietor sa "hula" o misteryo ng kapalaran ayon sa mga bituin, kahit na kilalang Katoliko ang mga Barosa, isa ito sa kanilang mga munting lihim.
GWEN
Ngayong patay na si Andy, I'm afraid na baka hindi na sigurado kung mananatili ka pa rito, Madam Z.
(Nag-aalala.)
At... lingid sa kaalaman ng lahat ay mayroong naging pagkakaibigan si Gwen at Madam Z noon dahil sa palihim na pagpapakonsulta ni Gwen tungkol sa kanyang kapalaran. Naputol lamang ang ugnayan nang ikasal noon si Gwen sa ipinagkasundo sa kanya, na nahulaan din noon ni Madam Z.
MADAM Z
Don't worry about me, Gwen. Matanda na ako at magre-retire na.
GWEN
Pero kung mawawala ka mapuputol ang isa sa mga tradisyon ng mga Barosa
MADAM Z
Huwag kang mag-alala dahil nakita ko na hindi 'yon mangyayari. Kapag nag-retire ako ay papalit kaagad sa akin ang anak kong si Therese.
GWEN
Madam Z, ang issue dito ay ang magiging epekto ng pagkamatay ni Kuya Andy. Kung sino man ang magiging bagong Primo Propietor ay doon nakadepende lahat ng kapalaran ng Hacienda Barosa.
MADAM Z
Hmmm...
(Hinimas ang bolang kristal.)
I see, kaya ka pumunta rito dahil nababagabag ka sa kung ano ang mga mangyayari sa Hacienda Barosa.
GWEN
Madam Z, lahat ng mga anak ni Kuya Andy ay babae at ayon sa will ng mga ninuno naming Barosa—
MADAM Z
Tanging mga lalaki lamang ang maaaring maging Primo Propietor.
GWEN
(Nagulat.)
Paano mo 'yon nalaman?
MADAM Z
(Ngumiti at itinuro ang noo na para bang sinasabi na may third eye siya.)
Gwenella, nakita ko rin sa aking mga visions... Isang kaguluhan na magbabago sa buhay ng mga tao sa Hacienda Barosa, mula alipin hanggang sa pinakatuktok. Isang tagapagmana ang isusugo ng taumbayan.
GWEN
(Napakunot.)
Tagapagmana na isusugo ng taumbayan? Sinasabi mo ba na wala sa mga anak ni Kuya—
MADAM Z
Hmm...
(Parang nawawala na sa sarili.)
Gwen, mag-iingat ka.
GWEN
(Natakot na kaya tumayo na siya.)
T-thanks.
(At umalis.)
INT. MANSION DE BAROSA. HALLWAY SECOND FLOOR. UMAGA.
Nakita ni Andra na naglalakad si Gwen at kaagad niya itong sinalubong. Ayon sa tsismosang katulong na si Marilyn ay pumasok si Gwen sa loob ng Oracle Room, tiyak para magpahula!
ANDRA
Hoy, Gwen! Nagpakonsulta ka na naman sa manghuhulang 'yon?
(Hinarang si Gwen para di makadaan.)
GWEN
(Wala ang kanyang usual energetic aura.)
Excuse me, sister.
(Pero ayaw siyang padaanin ni Andra.)
ANDRA
Sabi ko na sa'yo na wag kang magpapaniwala roon! Naku, kapag si Leia hang naging Chief Owner unang-una kong ipapatanggal sa kanya ang kabaduyang tradisyon na 'yon.
GWEN
(Tumitig muna kay Andra.)
Hindi si Leiah ang magiging Primo Propietor.
ANDRA
(Shookt to the highest level.)
A-ano?! S-sinabi ba sa'yo 'yan ng bruhang manghuhula na 'yon?!
(Galit siya kay Madam Z dahil sa nagpahula siya noon at sinabing hindi siya ang magiging makapangyarihan sa lahat.)
GWEN
Alam mo kung ano ang customs ng inheritance sa pamilya natin.
ANDRA
Don't say it—
GWEN
Tanging lalaki lang ang pwedeng maging tagapagmana. Unless—
ANDRA
Don't say it!
Tumigil na si Gwen at nilayasan niya na si Andra. At wala silang kaalam-alam na nakasahod pala ang dalawang malalaking tenga ni Marilyn di kalayuan at narinig lahat ng kanilang pinag-uusapan.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro