Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

EPISODE 6: Grand Entrance


EPISODE 6: Grand Entrance


INT. SIMPLENG BAHAY. KWARTO. GABI.

Unti-unting dumilat si Margot at tumambad sa kanya ang nakasisilaw na liwanag galing sa fluorescent light. Mapapakunot siya nang maramdaman ang sakit sa katawan. Susubukan niyang bumangon pero napangiwi siya sa sakit.


MARLON

Easy. Huwag kang gumalaw.

(Deep and manly voice pero medyo malambing.)


At makikita ni Margot sa gilid niya ang mukha ng isang estranghero, at dahil against the light ay hindi niya iyon maaninag mabuti. Napabalikwas ng bangon si Margot kahit na masakit ang katawan at kaagad siyang inalalayan ng estranghero na ngayon ay mas nakita niya ng mabuti ang mukha.

Oh my holy cow, ang gwapo nito! Kasing gwapo ni Adonis, may maamong anyo, mga matang mapang-akit, makapal ang kilay, tisoy, at tila nililok ng griyego ang perpekto nitong panga, itim na itim ang buhok na medyo gulu gulo. Rugged pero mala-anghel.


MARGOT

S-sino ka?


MARLON

Isang 'di hamak na delivery boy.


May ganito bang kagwapong delivery boy? Naisip-isip ni Margot.


MARLON

Pasensya ka na, miss. Nagmagandang loob lang naman ako na tulungan ka.


Atsaka tila nagising si Margot sa katotohanan. Bigla niyang naalala ang mga pangyayari na akala niya ay isang panaginip. She was almost kidnapped and her precious car from her dad was...Oh and her dad! Kailangan na niyang pumunta sa burol nito!


MARGOT

I... I need to go.

(Tinangka niyang umalis sa kama pero mahina pa siya.)


MARLON

You can't—ang ibig kong sabihin, hindi mo pa kaya.


MARGOT

Look, thank you so much for helping me, but I really need to go.


MARLON

No.


Nagulat si Margot nang hawakan siya nito ng maigi sa magkabilang balikat at ilang segundo silang nagtitigan, nang mapagtanto nila na masyado pala silang malapit sa isa't isa ay kaagad na bibitaw si Marlon.


MARLON

Kailangan mo munang magpahinga dahil sa mga sugat mo. At isa pa... 'Yung mga taong umatake sa'yo, may ideya ka ba kung bakit at sino ang may gawa sa'yo noon?


Natigilan si Margot nang itanong iyon ng lalaking hindi niya man lang alam ang pangalan. At bigla siyang napaisip ng malalim kung sino... at bakit... Wala siyang maisip na dahilan at wala naman siyang alam na mayroong galit sa kanya.

Kaya isang iling ang isinagot niya kay Marlon.


MARLON

Sorry pero sa tingin ko mas safe ka kung dito ka muna magpapalipas ng gabi at bukas ay ihahatid kita sa pupuntahan mo.


MARGOT

Pero—


MARLON

Hindi natin alam kung baka balikan ka ng mga taong 'yon.


Margot gave him a distrustful look dahil hindi niya matanggap ang idea na magpalipas ng gabi rito imbis na pumunta agad sa burol ng kanyang ama na si Don Andy, at higit sa lahat ay makasama ang isang estranghero—o isang gwapong estranghero sa loob ng bahay na 'to.

Pero parang nabasa ni Marlon kung anong nasa isip niya.


MARLON

Wala akong gagawing masama sa'yo. Kung nagugutom ka o may kailangan ka, puntahan mo lang ako sa ibaba.


Natanga na lang si ate girl nang makita niyang tumayo ito at mas napagmasdan niya ang pigura nito, fit na fit na V-neck white shirt at halos pumutok ang biceps nito sa manggas ng tshirt, at ripped jeans. Tumungo si Marlon sa pintuan at lalabas na siya ng silid.


MARGOT

W-wait.


MARLON

(Huminto with twinkling eyes.)

Yes?


MARGOT

Anong pangalan mo?


MARLON

(Bahagyang ngumiti.)

Ako si Marlon.

(At lumabas na ito.)


INT. MANSION DE BAROSA. GABI.

Mag-aalas dose na ng madaling araw at paunti na ng paunti ang mga nakikiramay sa lamay sa Great Hall. Hindi na naman mapakali si Andra sa entrada ng mansion at pabalik na pabalik ang paglalakad.


ANDRA

Punyeta! Nasaan na ba ang ingratang bastarda na 'yon? Anong oras na?! Confirmed from Attorney Guerrero na uuwi silang lahat ngayong gabi!

(Muntangang kausap ang sarili habang nanggigil.)

Aileen! Aileeeen!

(Tawag niya sa kanyang P.A.)


AILEEN

Yeszzz, madam?!


Mula sa kung saan ay parang kabuting lumitaw ang payat na P.A. ni Andra na si Aileen, five years na itong nagsisilbi sa kanya, loyal pero nasa loob ang kulo.  


ANDRA

Ang iphone ko?!

(Nilahad ang palad without looking at her.)

(Kaagad na inabot ni Aileen ang Iphone n Andra pero hindi niya iyon tinanggap.)

I-dial mo si Attorney Guerrero, tonta!


AILEEN

(Pagtalikod kay Andra ay kaagad na nagmake-face.)

Ito na po, my beautiful madam!

(At itinapat niya sa tenga ni Andra ang Iphone.)


EXT. MANSION DE BAROSA. MAIN ENTRANCE NG MANSION. GABI.

Dahan-dahang hihinto sa may tapat ng gate ang isang helicopter, maaagaw ang atensyon ng mga guards, mga muchacha, at iba pang tauhan sa lakas ng hangin na dinudulot nito.


ANDRA

Punyeta!

(Kaagad na lumabas mula sa entrada kasunod ang kanyang P.A. na si Aileen.)

Anong kalapastangan ito?!


Nang makahinto ang helicopter ay malakas na tutugtog mula speakers sa helicopter ang 'Oh-oh-oh-oh-oh! Oh-oh-oh-oh-oh-oh! Caught in a bad romance. Oh-oh-oh-oh-oh! Oh-oh-oh-oh-oh-oh! Caught in a bad romance.'

At makikita ng mga tao mula sa helicopter ang grandeng entrance ng isang diva, mula roon ay parang si darna na nakasabit sa mga tali si Jose Andromeda Barosa o Andrew, ang bunsong kapatid nila Andy, Andra, at Gwen. Tumutugtog par in ang Bad Romance ni Lady Gaga, ang paboritong kanta ni Andrew

Rah rah ah-ah-ah! Ro mah ro-mah-mah! Gaga oh-la-la! Want your bad romance.

Hanggang sa tuluyan itong makatapak sa lupa at tsumupi na palayo ang kanyang helicopter. Rumampa na kala mo ay model sa Victoria Secret Angel runaway si Andrew na suut suot ang kanyang personalized black gown, na kita ang itim na parang bathing suit sa panloob, nakasuot ng malaking black floppy hat at itim na belo, naka-shades at pulang-pula ang kanyang labi, at siyempre magpapatalo ba ang kanyang most proudest asset? Ang kanyang nunal malapit sa labi.

ANDRA

Madre de dios!

(Kaagad niyang sinalubong ito.)

Ang akala ko'y may gera!


ANDREW

It's gooooood to be back!

(Nagtuluy-tuloy lang siya sa paglalakad at dinaanan lang si Andra at Aileen na parang hangin.)


ANDRA

Ano yang suot mo?!


ANDREW

Oh, this is my latest masterpiece, sistuhhh!


GWEN

(Sumulpot sa entrada)

Oh my god! Sisteeeeeer!


ANDREW

Sisssstuuuuuurh!

(Nang magtagpo si Andrew at Gwen ay kaagad silang nagbeso-beso.)


GWEN

You look so kabog!


ANDREW

Pota! Gwen! Nakiki-kabog ka na!


GWEN

Yass! Of course! Magpapahuli ba ko?!


ANDRA

Hoy!


Pero hindi pinansin ni Gwen at Andrew ang malditang si Andra at dali-dali silang pumasok sa loob. Pero dahil sadyang bitchesa si Andra ay kaagad niyang haharangan si Andrew.


ANDRA

Diosmiyo, Andromeda! Wala ka man lang bang kahihiyan?!


ANDREW

Three words, sistuh! I. DON'T. FUCKING.CARE. Oh, that's four.

(At nagtawanan sila ni Gwen.)


ANDRA

Gusto mo bang bumangon si Andy mula sa kabaong niya kapag humarap ka sa mga tao na ganyan?!

(Umuusok na ang ilong niya.)


AILEEN

Oo nga!

(Out of nowhere biglang nakialam si gaga.)


ANDREW

Tsupi!

(Walang nagawa si Andra at Aileen nang hawiin sila ng bongga ni Andrew at nakapasok na ito sa loob ng mansion.)


ANDRA

Gwen! I can not tolerate this! This is immoral!


GWEN

Oh, ate, you speak highly of morality. What do you even know about it?

(Ngumiti si madam sabay alis. Pak ganern!)



INT. MANSION DE BAROSA. SA LABAS NG GREAT HALL. GABI.

Imbyernang imbyerna na lang si Andra na nakatingin sa loob ng Great Hall at rinig na rinig niya rito ang mga bulungan ng mga tao tungkol sa maeskandalong pagdating ni Andrew.


BARNEY

Kapatid pa rin naman siya ni Andy.

(Biglang sumulpot sa likod ni Andra na parang multo.)

Sige na, Aileen, iwanan mo muna kami.


AILEEN

Madam?

(Hingi niya ng permiso sa amo dahil ito lang dapat ang kanyang susundin.)


ANDRA

Alis, alis.

(At umalis naman si Aileen.)

Kanina pa ko nasstress sa paghihintay kay Margot at bigla-biglang darating 'tong si Andrew! To make a scandalous scene like that! Walang kahihiyan!


BARNEY

Margot must be on her way.


ANDRA

Kahit kailan talaga ay napakapasaway ng batang 'yon! Ingrata! Kinausap ko si Attorney Guerrero at bukas na bukas siya darating dito, with or without that bastarda.


BARNEY

Oo nga pala, bukas din ay aasikasuhin ko ang paglipat sa bayan ang labi ni Andy para sa public viewing ng mga tauhan ng hacienda.

ANDRA

Very well.


INT. MANSION DE BAROSA. GREAT HALL. GABI.

Jose Andromeda knew it since she was born in this world that she's gay. Yes. She. As in S-H-E. Last year pumunta siya ng Thailand para magpasex-change at ngayon isa na siyang ganap na tranela (transgender), pinalitan niya ang kanyang buong pagkatao maliban sa napakagandang pangalan niya na binigay ng kanyang late mother.

Tho her nickname "Andrew" is still there, mas kilala na siya ngayon bilang "Drea" sa industriyang kanyang kinabibilangan. Andrew and Andy had a quarrel a long time ago about her being gay, ayaw ni Andy sa kagustuhan niya na maging isang ganap na babae pero wala rin itong nagawa nang nakuha niya ang kanyang ganap na kalayaan noong siya'y umalis ng hacienda.

Andra, also agrees to Andy, at tanging si Gwen lang ang sumusuporta sa kanyang naging desisyon na alam niyang hindi niya pagsisisihan. She's happy and she don't give any fucks to those who judges her and her community, the LGBT.

Sa Great Hall ay nakuha niya ang lahat ng kanyang atensyon ng umentra siya at seksing naglakda papunta sa kabaong ni Andy.


ANDREW

Oh, my poor big brother.

(Hinimas pa niya ang salamin ng kabaong.)


Andrew knew why Andy badly wanted to forbid her from changing her sex.

And most of all, Andrew knew that the only who can inherit the title of "Primo Propietor" must only be male. 



-xxx-





A/N:

 I'm writing this for fun and pang-stress reliever. Haha. So here's the other players of Hacienda Barosa.

Lea Salonga as Gwenella Andrassi Barosa-Nacional

Paolo Ballesteros as Jose Andromeda Barosa

Carmi Martin as Maria Andrada Barosa-Lim

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro