EPISODE 4: Proposal
EPISODE 4: Proposal
ANG NAKARAAN SA HACIENDA BAROSA: Nakilala natin ang tatlong anak na babae ni Don Rico Andreigo Barosa na sina Leiah, Misha, at Margot, na matapos matanggap ang balita mula sa nagpakilalang si Attorney William Guerrero ay kaagad na lumipad pabalik sa kanilang lupang sinilangan, ang Hacienda Barosa.
Tunghayan natin ngayon ang pagbabalik ng ating mga senyorita sa Hacienda at ang iba pang mga importanteng tao sa buhay ni Don Andy...
CROSS FADE.
EXT. MANSION DE BAROSA. GABI.
Maraming mga tauhan sa hacienda ang nakaabang sa labas ng gate ng manor ng mga Barosa, marahil sa kasabikang gusto nang makiramay sa burol. Nakatayo sa entrada ng mansion si Maria Andrada Lim-Barosa, o Andra, ang sumunod na kapatid ni Don Rico, nakapamewang habang katabi ang isang muchacha na nagpapaypay sa kanya. Nakasimangot si Andra dahil naiirita siya sa mga panawagan ng mga alipin sa labas ng gate, ang kanyang mukha na ilang beses na niyang pinabanat sa derma upang di makita ang katandaan at kilay na sobrang nipis at taas na pinasadya niya rin sa espesyalista at ang ubod niyang kapal ng make-up, hindi rin nagpatalo ang kanyang long-brown curled hair na alaga ng salon.
ANDRA
(Nakapamewang)
Mga hampaslupang alipin! Ang kukulit ang titigas ng mga ulo na sinabing hindi sila pwedeng pumasok dito sa mansion dahil baka madumihan ang bahay ko!
(Claiming na agad si gaga na sa kanya mamamana ang Manor dahil nabalitaan niya ang pag-alis ng bansa ng kanyang sister-in-law na si Alizandra Bettina.
Ikaw!
(sigaw niya sa nagpapaypay sa kanya.)
Sabihin mo kay Dario na paalisin ang mga alipin sa labas ng gate at sabihing hindi sila maaaring pumasok dito!
Sumunod ang alipin at maya-maya'y may darating.
BARNEY
Andra, hindi magiging maganda ang imahe ng mga Barosa sa gagawin mo, may karapatan ang mga tauhan ni Andy na makiramay dahil napamahal sa kanila ang kuya mo.
ANDRA
(Mataray na lumingon with matching swaying hair.)
Aba, aba, look who's here. Barnabas, baka nakakalimutan mong may atraso pa ang kapatid mong si Bettina sa biglaang pagtakas, isa siya sa pinaghihinalaan na may kinalaman sa pagkamatay ni Andy!
Nanatiling nakangiti at hindi nagpa-insulto sa sinabi ni Andra. Siya si Barnabas Lisano, ang nakatatandang kapatid ni Donya Bettina. Kilala siya bilang Uncle Barney o Barney ng kanilang mga kamag-anak. Palaging nakangiti, nakasuot ng khaki polo-shirt at bagsak ang buhok na nakahati sa gitna na parang libro, hindi pa ata ito nakikitang nagalit.
BARNEY
Hindi tumakas ang kapatid ko dahil wala siyang kasalanan at malinaw sa imbestigasyon na heart attack ang dahilan ng pagkamatay ni Andy.
ANDRA
Hmp!
BARNEY
Siguro ay magtakda tayo ng petsa ng pakikiramay para sa mga tauhan sa Hacienda. Ngunit kung ayaw mong ipatapak ang mga paa nila sa mansion ay maaaring dalhin natin si Andy sa simbahan ng bayan upang doon ay mas lalong mapalapit sa puso ng mga tao ang mga Barosa.
ANDRA
Teka nga, kung makapagsalita ka ay para kang isang Barosa?
BARNEY
Malapit na ang eleksiyon, Andra. Simula nang ikasal ang kapatid ko kay Andy ay naging tiga-suporta ako ng mga Barosa sa loob ng halos dalawang dekada.
Natameme na lang si Andra sa pahayag ni Barney dahil may punto naman ang lahat ng ito.
BARNEY
Ano bang ginagawa mo rito sa labas? May mga bisita sa loob.
ANDRA
Kanina ko pa hinihintay ang mga magagaling na anak ng kapatid ko! Ang tagal-tagal, tinubuan na 'ko ng ugat dito!
(Inis na inis.)
BARNEY
Bakit? Ano namang dahilan?
(Nagdududa.)
ANDRA
(Inirapan si Barney.)
Tinatanong pa ba ang bagay na 'yan, Barney?
(Ngumiti ng nakakaloko, kitang-kita ang motibo sa mukha nito.)
INT. MANSION DE BAROSA. GREAT HALL. GABI.
Nang bumalik si Andra at Barney sa loob ng mansion ay sinalubong nila ang mga bisita na nakiramay, mga bisita na galing sa matataas na antas ng lipunan. Kaya naman ayaw ni Andra na papasukin ang mga alipin dahil narito ang mga big-time na tao at ayaw niyang paghaluin ang mga hig-class sa low-class na tao.
Umugong ang bulungan at napatingin ang lahat sa pintuan nang makita nila ang isang babae na nakatayo, nakasuot ng all-black gown, at black shades.
ANDRA
Teka...
(Namukhaan ang bagong dating.)
Naglakad ang babae at nagsunuran ang tingin ng lahat.
BARNEY
Leiah!
(Tuwang-tuwa at kaagad na lumapit, kasunod si Andra.)
LEIAH
Hello, Uncle Barney. Hello, Auntie Andra.
(Walang emosyon na sabi niya at nakipagbeso sa dalawa.)
ANDRA
My goodness! Leiah! How are you? My favorite beautiful, charming, gorgeous, smart niece! Mwah! Mwah!
(OA 'yung pagbeso niya na medyo kinainis ni Leiah.)
Pagkatapos bumeso sa kanya ay kaagad siyang nagtungo sa kabaong ng ama at sumilip. Nakatingin ang lahat at kanina pa ang panay pag-click ng camera ng mga photographer na hinire ni Andra. Nanatiling poised si Leiah at 'di man lang tinanggal ang shades.
Hinimas ni Leiah ang salamin ng kabaong at pagkatapos ng limang minuto ay muli siyang lumapit kina Andra at Barney na nasa likuran lang niya halos. Napansin niya kanina pa na wala pa ang dalawa niyang asungot na kapatid na sina Misha at Margot. Nauna na naman siya, as usual.
LEIAH
Where's Attorney Guerrero?
Nagkatinginan muna si Andra at Barney.
BARNEY
Sa pagkakaalam ko pupunta lamang si Attorney Guerrero rito pagkatapos ng burol.
LEIAH
(Sumimangot at dismayado.)
What?
(Naglakad siya paalis pero napigilan siya ni Andra na may hidden agenda.)
And where's my mother by the way? She's not answering my calls.
BARNEY
May emergency siyang pinuntahan sa Amerika, hija.
LEIAH
Oh, well.
ANDRA
Dear, saan ka pupunta?
LEIAH
Magpapahinga, mahaba ang binyahe ko, pakisabi sa driver ko sa labas dalhin 'yung mga gamit ko sa labas ng kwarto ko, at wag na wag kakatok.
(Walang pake niyang sabi at naglakad muli.)
ANDRA
(Pilit na ngumiti pero naimbyerna deep inside dahil mission failed siya.)
Okay, dear.
Nasa labas na ng Great Hall si Leiah at papunta na siya sa kanyang silid nang may humarang na naman sa kanya. Inis na inis siyang humarap dito.
LEIAH
Get out of my way.
PIETRO
My condolences.
LEIAH
(Hindi pinansin at akmang aalis pero humarang na naman ang antipatikong lalaki.)
Ano bang problema mo? Nandon ang burol.
(Turo pa niya sa pintuan ng Great Hall.)
PIETRO
I need to talk to you.
(Seryoso siya.)
Napagmasdan ni Leia hang lalaki, mas matangkad ito, nakasuot ng black suit, unat na unat ang buhok na naka pomada, kasing puti ng buwan ang kutis, makapal ang kilay at labi, matangos ang ilong at kasing itim ng gabi ang mga mata. Makisig. Matipuno. Gwa—
LEIAH
Do I know you?
PIETRO
I am Pietro Ibañez, the son of late Hector Ibañez.
Kilala ni Leiah ang apelidong nabanggit, isa sila sa mayayaman na angkan sa bayang ito, isa sa mga katunggali sa politika ate negosyo ng mga Barosa. At si Hector Ibañez ang dating Governor na tumakbo ring Senador noon.
LEIAH
Well, anong kailangan mo sa akin Mr. Ibañez?
(Humalukipkip.)
PIETRO
Matagal na kitang kilala, Leiah. And I know you for your reputation, you tend to be straightforward.
LEIAH
(Hindi niya na-gets 'yung unang sinabi ni Pietro na matagal na silang magkakilala.)
And?
PIETRO
I have a proposal for you.
LEIAH
Ano?
PIETRO
Marry me.
Saglit na maririnig ang kuliglig sa pagitan nilang dalawa atsaka marahang humahalakhak si Leiah.
LEIAH
I do like that joke, but no, thank you.
PIETRO
Alam kong hindi kita basta-basta mapapa-oo sa pagpapakasal sa'kin, pero marerealize mo rin ang value ng alok ko sa'yo sa oras na malaman mo.
LEIAH
(Nawala ang ngiti sa labi.)
Anong ibig mong sabihin?
PIETRO
Makapangyarihan ang mga pamilya natin, and marriage will seal an ultimate power. Kapag nagbago ang isip mo, pwedeng pwede mo akong tawagin.
(Inabot niya kay Leiah ang isang business card na tinanggap ni Leiah.)
Akala ni Leiah ay aalis ni si Pietro pero nabigla siya nang lumapit ito at bumulong sa kanyang tainga na ikinagulat niya.
PIETRO
(With a low, sexy, and deep voice.)
See you later, my future wife.
(Umalis at naiwan si Leiah na nakatunganga.)
Ito yata ang kauna-unahang pagkakataon na napa-shut up si Leiah ng kung sino man. Naiwan siyang hawak-hawak ang business card na nagpakilalang si Pietro Ibañez. At ang mas ikinaiinis niya ay siguradong sigurado ito sa mga mangyayari!
LEIAH
Ang kapal ng mukha niya para sabihin 'yon. Future wife? Tch!
Aside from that, the idea of marriage is making her sick. She don't believe in it pero aaminin niya na sang-ayon siya sa huli nitong sinabi. Marriage is one of the ways to seal power between two rivals. Pero hindi pa rin niya alam kung anong ibig nitong sabihin at tiyak niyang hindi siya nito patutulugin ngayong gabi.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro