EPISODE 31: Thriller Night
EPISODE 31: Thriller Night
ANG NAKARAAN:
Nalaman na ni Leiah ang kasaysayan ng Hacienda Barosa nang isalaysay sa kanya ni Pietro, at ipinagtapat din nito na mayroong kopya ang kanilang pamilya ng Las Historias de Barosa, kung kaya't alam niya ang kasaysayang ng pamilya Barosa.
Dahil nakakabasa at nakakaintindi ng Espanyol si Misha ay natuksalan na rin niya ang kasaysayan ng kanilang mga ninuno. Ngayon, parehong alam na ni Leiah at Misha ang tungkol sa lihim na sistema ng pagpili ng Primo Propietor sakaling walang lalaki ang magmana nito. Ang 'El Portador Primogenito' o ang The Firstborn Bearer, kung saan ang magmamana ay may panganay na anak na lalaki, at ang 'El Gobernante del Pueblo' o ang The Chosen of the People, kung saan ang taumbayan ang mamimili ng kanilang pinuno.
Parehas aware si Leiah at Misha sa threat ng mga rebelde, at parehas nilang naiisip na malaki ang tsansa na mapunta sa kanila ang titulo ng Primo Propietor.
KASALUKUYAN:
Noong ding araw na 'yon ay kumalat ang balita na magreretiro na si Madam Z, ang master oracle ng mga Barosa. Dumating ang kanyang anak na si Therese upang ipagpatuloy ang tradisyon.
INT. LIVING ROOM NG MANSION DE BAROSA. HAPON.
Nakaupo sa couch si Gwen, katabi ang kanyang anak na si Gio, medyo stressed pa rin ang mamshie natin dahil sa nangyaring pagsabog noong nagdaang gabi.
MADAM Z
(Biglang dadating mula sa second floor.)
Gwen.
GWEN
(Tumayo at lumapit kay Madam Z.)
Madam Z.
MADAM Z
Ipinakikilala ko sa'yo ang papalit sa akin, ang anak kong si Therese.
(May sinenyasan di kalayuan.)
THERESE
(Lumapit sa kinaroroonan nila.)
Magandang hapon ho. Ako nga ho pala si Therese.
(Medyo matinis ang boses.)
GWEN
It's nice to meet you, Therese.
(Nakipagbeso kay Therese at humarap kay Madam Z.)
Madam Z, I'd like to consult something before you go.
THERESE
Maiwan ko na muna po kayo.
(Umalis.)
Pumayag naman si Madam Z at pumunta sila ni Gwen sa may garden para mag-usap. Samantala si Andra naman ay nakapamanewang na pinagmamasdan sila, nakabusangot ang mukha.
ANDRA
Tingnan mo 'tong si Gwen, nagpapaniwala pa rin sa kakultuhan.
Maya-maya'y biglang tataas ang balihibo ni Andra sapagkat may naramdaman siyang lumapit sa kanyang likuran.
???
(Nakakatakot na boses.)
Senyora...Andra...Senyora...Andra...
ANDRA
(Manlalaki ang mata. Dahan-dahang lilingon na kala mo may stiff neck. At makikita niya ang isang demonyo.)
AHHHHH!!!!!!! AHHHHHH!!!!!!
MARILYN
Senyora Andra! Ako po 'to!
(Tinanggal ang maskarang demonyo.)
ANDRA
AHHH—Walangya ka!
(Pinaghahampas niya si Marilyn ng handbag niya.)
MARILYN
Aw! Senyora staph!
ANDRA
(Hinahampas pa rin si Marilyn.)Bakit ka naman nakasuot ng ganyan?!
MARILYN
Sorry naman po. Si Senyora Andrew po kasi nagpapatulong mag-ayos para sa Halloween party. Tawag niya po kayo sa Great Hall.
ANDRA
Halloween party?!
INT. GARDEN NG MANSION DE BAROSA. HAPON.
Magkatabi sa bench si Gwen at Madam Z. Bakas ang pag-aalala sa mukha ni Gwen at si Madam Z naman ay kalmado lang.
GWEN
What should I do, Madam Z? Dahil sa uprising sa hacienda ay manganganib ang pamilya namin lalo na ang anak kong si Gio.
MADAM Z
Nasa sa iyo ang desisyon, Gwen. Tayo ang gumagawa ng ating kapalaran.
GWEN
Pero ginawa ko ang lahat ng 'to para sa ikabubuti ng hacienda. To the point na niloko ko silang lahat tungkol kay Gio. Para lang sa misyon na maipamigay ang lupain sa mga tauhan ng hacienda.
MADAM Z
Minsan nasa atin man ang kakayanan na kontrolin ang mga nangyayari sa ating paligid. Tandaan mo, Gwen.
(Tumingin kay Gwen ng seryoso.)
May mga bagay pa rin na tanging nakatataas lamang ang nakakakontrol.
Hindi na nakapagsalita pa si Gwen at tumayo sila parehas ni Madam Z.
MADAM Z
Ikinagagalak ng aming angkan ang pagsisilbi sa mga Barosa sa loob ng mahabang panahon.
GWEN
Are you going already?
MADAM Z
Oo, Gwen.
GWEN
Why don't you join stay for a while? May inihahandang party si Andrew mamaya.
INT. SA SECOND FLOOR HALLWAY NG MANOR DE BAROSA. HAPON.
Kakatapos lang ng training ni Sabing kay Diorella, pagkalabas niya ng library ay naglalakad siya hanngang sa makita niya ang isang 'di pamilyar na babae na tila may kinakausap.
Bahagyang lumapit si Sabing at tinitigang maigi kung sino ang kausap ng babae, subalit wala siyang nakita. Nakaramdam ang babae at kaagad itong lumingon sa kanya.
SABRIELA
H-hi?
(Na-awkward-an siya dahil nahuli siyang nakatitig dito.)
THERESE
(Ngumiti.)
Hi.
SABRIELA
(Mas lumapit pa kay Therese.)
Sinong kausap mo?
THERESE
(Tiningnan ang kausap niya kanina pero wala namang tao.)
Ah, ligaw na kaluluwa na nakatira rito sa mansion niyo.
SABRIELA
(Nanlaki ang mata.)
L-l-ligaw na k-kaluluwa?!
THERESE
(Natawa.)
Ay pasensya ka na, nakalimutan kong magpakilala. Ako nga pala si Therese Deuna. Anak ako ni Madam Z, at simula ngayon ako na ang papalit sa kanya.
SABRIELA
(Bumalik sa normal ang mukha.)
Anak ka ng manghuhula? Kaya may powers ka rin? Wow.
(Manghang wika niya.)
Ah, ako nga pala si Sabriela, pero pwede mo 'kong tawaging Sabing.
THERESE
Ang cute naman ng nickname mo, parang Saging.
(Natawa sila parehas.)
SABRIELA
Pwede mo ba kong kwentuhan tungkol diyan sa powers mong makakita ng multo. Nakakakita ka rin ba ng hinaharap?
Hindi na napaghiwalay si Sabing at Therese simula ng sandaling 'yon. Magaan ang loob ni Sabing kay Therese dahil ngayon lang ulit nakatagpo si Sabing ng kasing edad niya na maaari niyang maging kaibigan sa loob ng mansion.
EXT. SA HARAPAN NG MANSION DE BAROSA. HAPON.
Samantala, busy ang mga tauhan sa manor sa pagdidisenyo ng mga katatakutan para sa Halloween party mamaya. May mga naglalagay ng mga sapot, pumpkin, mga estatwa ng mga nakakatakot, at kung anu ano pang mga pakulo na utos ni Andrew para magmukhang haunted house ang manor.
Lalabas mula sa loob ng mansion si Margot, nakasuot siya ng simpleng navy dress, nakalugay ang buhok na kinulot ang dulo. Mukha pa rin siyang super model kahit na effortless ang ayos ng kanyang itsura.
Excited siya dahil inimbitahan niya si Marlon na pumunta sa kanilang mansion para sa Halloween party na inihahanda ng kanyang Tita Drea.
MARGOT
(Nakita si Dario the driver.)
Mang Dario, sabihin niyo sa guard sa main gate pagbuksan si Marlon. Invited siya sa party.
DARIO
Masusunod po, senyorita.
(Umalis.)
Hindi mapakali si Margot sa excitement kaya hindi niya namalayan na nasa tabi na pala niya si Misha na kagagaling lang din sa loob. Si Misha naman ay nakasuot pa rin ng usual 'professor attire' niya na maong at white polo.
MISHA
So.
MARGOT
(Muntik nang mapatalon sa gulat at lilingon.)
My god, Misha! Don't scare me like that, para kang multong biglang lumilitaw.
MISHA
(Bahagyang nangiti.)
I heard your boyfriend is coming over.
MARGOT
(Ngumiti ng malapad.)
Yes. Sinasamantala ko ang pagkakataon na wala si Queen Leiah. Mamaya ipapakilala kita.
MISHA
(Sumeryoso.)
His name is Marlon Mortell.
MARGOT
(Nawala ang ngiti at napalitan ng pagtataka.)
How did you know his name?
MISHA
Misha, kapatid siya ni Macoy. Don't you remember?
MARGOT
Sinong Macoy?
(Umiling.)
MISHA
She doesn't really remember.
Margot, sigurado ka na ba talaga sa lalaking 'yon?
MARGOT
(Napakunot.)
What do you mean?
MISHA
I have this feeling... na... na baka saktan ka lang niya...
MARGOT
(Nadismaya ang mukha.)
Misha... Where do you get those assumptions? You don't even know Marlon.
MISHA
What I'm trying to say is... Gusto kong mag-ingat ka. Ingatan mong mabuti ang puso mo.
MARGOT
(Sumeryoso.)
Misha, thanks for the concern but I'm fine.
(Aalis na.)
MISHA
Ilang lalaki na ba ang nangwasak ng puso mo?
(Natigilan si Margot at tumingin sa kanya.)
Don't you forget na social media celebrity at model ka, Margot? I read the news about your break-ups.
MARGOT
(Inis na tumingin kay Misha.)
And so what? Why do you even care?
MISHA
Dahil kapatid kita.
Magtititigan lang silang dalawa hanggang sa unang aalis si Margot para puntahan si Marlon. At si Misha naman ay naglakad para pumasok loob ng mansion, makakasalubong niya si Andrew na naka-costume na, hybrid costume ni Lady Gaga at Michael Jackson kaya pwede na siyang tawaging Michael Gaga..
ANDREW
Misha, magsisimula na ang party! Bakit hindi ka pa naka-costume?!
MISHA
I'll see you later, tito.
(Matamlay at kaagad na pumasok sa loob ng bahay.)
ANDREW
Anong problema nun?
Pinagmasdang maigi ni Andrew ang buong manor, kumpleto na ang Halloween designs at ready na ang party later. Pati mga katulong at staff ng manor ay naka-costume din, actually wala namang invited sa labas maliban sa mga close friends nila.
ANDREW
(Pinagmamasdan ang mga workers niya.)
Perfect.
Maya-maya'y makikita ni Andrew ang isang itim na kotse, hihinto ito sa harapan ng manor at laking gulat niya ng umibis dito ang pamilyar na mukha.
ANDREW
Leiah?
(Kaagad na lumapit.)
Pagkababa ni Leiah at Pietro ay mapapansin nila ang mga Halloween decorations. Mapapakunot naman si Leiah.
LEIAH
What the hell is going on?
ANDREW
Leiah? Ang aga naman ng uwi mo, hindi ba't nasa honeymoon pa kayo?
(Mapapatingin kay Papa Pietro)
And hello there. (Kinindatan niya ito.)
Hindi mo naman kami ininform na ganito ka-hot at ka-gwapo ang pinakasalan mo, Leiah!
PIETRO
My name is Pietro—
(Makikipagkamay sana pero nakipagbeso-beso sa kanya si Andrew.)
LEIAH
(Hindi pinansin si Andrew.)
What mess is this?
ANDREW
We're going to have a Halloween party later! Kaya kung ako sa inyo magpalit na kayo ng mga costumes niyo na nakahanda na! Go!
LEIAH
Wait, wait, wait.
(Tinaas pa ang kamay.)
I came here para alamin ang nangyari tungkol sa pagsabog at mga rebelde—
ANDREW
Oh, Leiah, masyadong mahaba ang binyahe niyo!
(Umakbay sa mag-asawa at naglakad sila papasok sa loob ng mansion.)
Why don't we just enjoy first before anything else. Oki?!
At wala ng nagawa sila Pietro at Leiah.
INT. GREAT HALL NG MANSION DE BAROSA. GABI.
All out ang Halloween party na inorganize ni Andrew. Walang tao ang hindi naka-costume, lahat game na game. May buffet kung saan may masasarap na pagkain. May "Bloody Fountain" pero wine naman talaga. Mayroon ding Halloween designed cakes. Mayroong inarkilang DJ na nagpapatugtog ng remix music, kabog din ang lights. Daming pakulo ni Andrew.
Kanya-kanyang party ang mga bisita. Siyempre hindi papahuli ang ating mga tauhan sa kanilang mga costume. Si Marilyn the vice-mayordoma atribida ay naka-costume ng Valak habang nagseserbidora. Si Janina at Janine ay nakapang-hogwarts attire. Ang ilang mga katulong ay nakapang-Zombie at mga witch.
Si Andra ay nag Cruella de Vil, bagay sa kanyang personality na devil. Si Barney ay nagcostume ng Gandalf. Si Andrew ay naka-Michael Gaga. Si Gwen ay naka Glinda from Wicked. At si Gio ay nakacostume ng Chucky.
Si Margot ay sexy na sexy sa kanyang Poison Ivy costume. At ang jowa naman niyang si Marlon ay naka-Batman costume.
Si Leiah ay nakacostume as Morticia Addams at ang asawa na si Pietro ay si Gomez Addams.
At dahil si Misha ay single, naka-costume siya ng Elsa from Frozen, strong independent woman kuno. At si Sabing naman ay fierce na fierce bilang Daenerys Targaryen ng Game of Thrones.
KENNETH
(Lumapit kay Misha na mag-isang umiinom ng wine sa gilid.)
Hey.
MISHA
(Nagulat kay Kenneth na naka-costume ng Ironman)
Anong ginagawa mo rito?
KENNETH
Invited kami ng Tito Andrew mo.
MISHA
(Aalis pero piniglan siya ni Kenneth.)
Kenneth, ano ba?
KENNETH
Misha, I have something to tell you.
MISHA
Let me go—
KENNETH
Your family is in danger.
Matitigilan si Misha kaso biglang maaagaw ang atensyon ng lahat nang huminto ang music at nang magsalita si Andrew sa gitna.
ANDREW
Ladies and gentlemen, first of all, I'd like to thank you for coming here tonight. I hope you'll all enjoy the party!
Naghiyawan naman ang mga guests dahil halata naman na nag-eenjoy silang lahat.
MISHA
Anong sabi mo?
KENNETH
I know something about the revolt.
MISHA
Let's talk outside.
Hindi makakalabas sila Misha at Kenneth dahil bigla silang madadapuli ni Andrew na papalabas sa exit.
ANDREW
Where are you going? Magsisimula na ang intermission!
MISHA
Intermission?
Sa background ay maririnig ang tugtog ng phenomenal song ni Michael Jackson na thriller. Ang intermission na tinutukoy ni Andrew ay ang flashmob na kanyang binabalak.
It's close to midnight🎶🎵🎶🎼
Something evil's lurking from the dark🎶🎵🎶🎼
Under the moonlight🎶🎵🎶🎼
You see a sight that almost stops your heart🎶🎵🎶🎼
MISHA
Kenneth, halika na—
KENNETH
(Nakangiti.)
Let's enjoy the party for now.
MISHA
What?
(Siya ang nahila ni Kenneth.)
You try to scream🎶🎵🎶🎼
But terror takes the sound before you make it
You start to freeze🎶🎵🎶🎼
As horror looks you right between your eyes
You're paralyzed🎶🎵🎶🎼
'Di kalayuan ay napapa-roll eyes lang si Leiah sa mga kalokohan ni Andrew na ayun sumasayaw sa gitna bilang starter, background dancers niya ang ilang mga katulong na kinuntsaba niya kanina. Hanggang sa dumating ang chorus at nakisabay na rin sa pagsayaw ang ilang guests.
'Cause this is thriller🎶🎵🎶🎼
Thriller night
And no one's gonna save you
From the beast about to strike🎶🎵🎶🎼
You know it's thriller
Thriller night🎶🎵🎶🎼
LEIAH
My god.
PIETRO
Marunong ka bang sumayaw? I bet not.
LEIAH
Excuse me? Nag-ballet lessons ako noong bata ako.
PIETRO
Talaga ba?
(Pinoprovoke si Leiah.)
You're fighting for your life🎶🎵🎶🎼
Inside a killer thriller tonight, yeah
Ahahahahahahahaha
I'm gonna bring it tonight🎶🎵🎶🎼
Dahil sa pang-chachallenge ni Pietro, humataw na si Leiah sa dance floor. Sumasayaw na rin sila Andra na noong una'y aayaw ayaw pa. Si Gwen din dahil game naman ay naki-join na kasama si Gio. Ang magjowa na Margot at Marlon naman ay go with the flow lang.
Makikita ni Gio si Sabing sa isang sulok, nahihiya, kaya 'agad niya itong lalapitan.
GIO
(Hinawakan si Sabing sa braso.)
Hey, let's dance!
(Nakangiti.)
SABING
(Shy siya ih.)
A-ah nakakahiya, 'di ako marunong.
GIO
Don't worry. Just let yourself enjoy the moment!
Sa huli'y wala ring nagawa si Sabing at nahila na siya ni Gio sa dance floor para sumayaw. Halos lahat ng tao sa Great Hall ay umiindak na.
Noong una'y nahihiya pa si Sabing pero ang totoo niyan kanina pa niya gustong humataw, at nang maging komportable ay nag-all out na siya sa pag-indak.
You hear the door slam
And realize there's nowhere left to run🎶🎵🎶🎼
You feel the cold hand
And wonder if you'll ever see the sun
You close your eyes🎶🎵🎶🎼
And hope that this is just imagination
Girl but all the while
You hear a creature creeping up behind🎶🎵🎶🎼
You're out of time
Makikita ni Margot na si Misha na lang ang KJ na hindi sumasayaw.
MARGOT
Wait lang, babe.
(Iniwan niya si Margot at nilapitan si Misha.)
Misha.
MISHA
Margot?
MARGOT
I'm sorry earlier.
MISHA
A-ano ka ba, ako dapat ang mag-sorry.
MARGOT
Kaya join us! Wag kang killjoy.
MISHA
Margot—
MARGOT
Dali na Misha, papatalo ka ba kay Queen Leiah?(Itinuro si Leiah na todo hataw sa Zombie moves.)
So let me hold you tight and share a killer, thriller, chiller🎶🎵🎶🎼
Thriller here tonight ....
Pagpatak ng final chorus ay sabay-sabay na sasayaw lahat ng casts, siyempre nasa unahan ang mga bida na sila Leiah, Misha, Margot, at Sabing, habang kasabay ang iba pang casts at mga back up dancers.
'Cause this is thriller🎶🎵🎶🎼
Thriller night
And no one's gonna save you
From the beast about to strike🎶🎵🎶🎼
You know it's thriller
Thriller night🎶🎵🎶🎼
You're fighting for your life
Inside a killer thriller tonight
Ahahahahahahahaha
I'm gonna thrill ya tonight🎶🎵🎶🎼
INT. KWEBA. GABI.
Habang abala sa pagsayaw ng thriller ang ating mga tauhan sa mansion. Wala silang kamalay-malay na may niluluto na namang pasabog ang mga rebelde sa kanilang kuta.
Subalit, hindi ito ang rebelde na nakilala natin noon, hindi sila ang Anak Araw. Dahil ang totoo niyan ay nahati sa dalawang faction ang mga rebelde sa loob ng hacienda. Ang Anak Araw ang mga mabubuti at malinis ang pamamaraan, at ang mga rebeldeng ito... ang siyang kabaligtaran.
SIMON
Masyadong mahina si Andoy, kailangan nating magpalaganap ng takot sa hacienda para ibigay nila sa atin ang hinihinging lupa.
Sasang-ayon ang kanyang mga kasamahan. Sila ang may pakana ng pasabog sa fiesta noong isang gabi at ngayon ay nagpulong sila dahil nakatanggap sila ng suporta mula sa isang taong makapangyarihan.
SIMON
Tayo ay narito ngayon dahil sa isang misyong inatas sa atin kapalit ng maraming salapi.
REBELDE 1
Ano ang misyon, pinuno?
SIMON
Ang patayin si Giovanni Barosa.
(Magugulat ang ilan.)
REBELDE 2
At sino naman ang makapangyarihang tao na nagbigay sa atin ng salapi para gawin 'yon??
SIMON
Si Luke Nacional.
At para sa kaalaman ng lahat, si Luke Nacional ang asawa ni Gwen, ang foster father ni Gio.
-xxx-
A/N: Thanks for reading! Want to have some dedication? Just comment your insights! Thanks again!v
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro