EPISODE 28: Ang Espiya
EPISODE 28: Ang Espiya
INT. DINING AREA. MANSION DE BAROSA. GABI.
Makikita ang confused faces nila Misha, Margot, at Sabing habang si kween Leiah naman ay nakahalukipkip at kampanteng nakaupo sa Head of the Family seat. Samantala si Andrew naman ay nakatayo lang at hindi rin alam kung anong mangyayari.
LEIAH
(Tumingin kay Andrew)
I appreciate it if you'll leave us alone, Tito Andrew. I want to have some quality time with my sisters.
ANDREW
(Tumingin kila Margot.)
Sa tingin ko naman hindi mo sila kakatayin so sige aalis na 'ko. Have fun my nieces.
(Sabay exit.)
MARGOT
Ate Leiah, what kind of party are you talking about? Lalabas ba tayo? Pupunta ng bar?
LEIAH
No need, Margarita. We'll just celebrate here.
MISHA
What are we going to do?
(Suspicious.)
SABRIELA
...
(Palipat-lipat ng tingin sa magkakakapatid.)
LEIAH
Why are you so pessimist about this, Misha? Gusto ko lang kayong makabonding bago ikasal.
(Inosenteng face.)
MISHA
The last time I remembered we had a "bonding", we almost burned down this house.
LEIAH
(Tumawa na pang reyna.)
Hahaha. My god, Misha! You're such an antique! That was a long time ago and I can't even remember it!
MISHA
Anong antique?! Who would forget your evil ways?!
MARGOT
(Pumagitna sa dalawa.)
Hey, huwag na kayong mag-away. Why don't we just enjoy this night since after this lilipad pa-Amerika si Ate Leiah para magpakasal. Come on.
(Pilit ngumiti.)
LEIAH
Mabuti ka pa, Margot. Mas may utak ka pa kesa sa kapatid nating naturingang prof!
(Sabay layas.)
MISHA
(Susugurin sana si Leiah kaso pinigilan siya ni Margot.)
MARGOT
Kalma na, Misha. Hayaan na natin. Pagkatapos nito hindi na natin siya makikita ng matagal.
MISHA
(Huminga ng malalim.)
You're right. Pagbigyan na natin. Kawawa naman kasi.
(Iiling iing.)
MARGOT
Halika, Sab.
SABRIELA
P-po?
INT. SWIMMING POOL AREA. GABI.
Sa may clubhouse nagtungo ang magkakakapatid para mag "bonding". Who knows kung ano ang masamang kalokohang binabalak ni Leiah, maliban kay direk.
At dahil nasa swimming pool area sila ay nakapang-swimsuit sila. Si Leiah ay nakasuot ng bikini, si Misha naman ay bandeau, si Margot ay hot monokini, at si Sabing ay naka-one piece.
Nagpahanda rin ng foods, cake, and wine si Leiah. Siyempre may music to set the mood. Akala mo may birthday.
Nagpo-floating sa gitna si Leiah, si Margot naman ay palanguy-langoy. Si Misha naman ay naka-upo lang sa pool. At si Sabing ay patikim-tikim ng mga pagkain.
Mayamaya'y umahon si Leiah at nagtungo sa may table, umupo at uminom ng wine. Umahon na rin sa Margot at umupo katapat ni Leiah, si Misha ay napatingin lang.
MARGOT
May I ask something?
LEIAH
(Tumaas ang kilay.)
What is it?
Ngayon lang nagkaroon ng lakas ng loob si Margot dahil sa bihirang pagkakataon na mag "bonding" sila kaya lulubus lubusin niya ang pagkakataon hangga't hindi pa tinotopak si Leiah.
MARGOT
Why exactly are you marrying again?
The word "again" triggered something in Leiah. Pero siyempre hindi niya basta-basta ipapakita ipapakita na naaapektuhan pa rin siya ng nakaraan.
LEIAH
(Ngumiti.)
That's a quite question, Margot. Since you asked me. Well. You know me. I don't marrying that guy just because of love.
MARGOT
That guy? Who? And... Are you really serious?
MISHA
(Kunwari nakatingin sa malayo pero nakasahod ang tenga.)
SABRIELA
(Walang pake basta busy siya sa pagkain.)
LEIAH
I'm using my brain, Margot. Not my heart. And as your sister, I might give you this advise, don't use your heart too much because it will make you do stupid things.
MARGOT
Paano ka magiging masaya kung puro utak lang ang gagamitin mo?
LEIAH
(Tumitig saglit sa malayo at may naalala.)
I thought I'm going to happy with him but I didn't.
(Muling tumingin kay Margot.)
My, my, Margot. You're still a baby. Open your eyes and don't be blinded by love.
Biglang tumawa si Misha at sabay na napatingin si Leiah at Margot sa kanya. Si Leiah ay umasim ang mukha habang si Margot ay nangamba dahil baka oras na naman para mag catfight ang dalawa. Si Sabing, wapakels pa rin.
LEIAH
Anong nakakatawa, Misha?
MISHA
(Tumayo at medyo lumapit sa kinaroroonan ng dalawa.)
It's amusing. I can't help it. You, advising Margot like that.
MARGOT
Misha...
LEIAH
(Napatayo rin.)
I heard that there's someone hitting our sister, Margot. Tinuturuan ko lang naman siya na gamitin ang utak niya para hindi siya masaktan.
MISHA
I know. That's how you play a game, right? I know you're going to marry that Ibañez guy because you will use him to win back the throne you lost.
LEIAH
(Lumapit kay Misha.)
Be careful, Misha.
MISHA
(Hindi nagpasindak si mamshie at ngumisi lang.)
Ako dapat ang magsabi niyan, Ate Leiah. Be careful because history repeats itself, no, actually, people repeats history.
LEIAH
So you are trying to imply that my marriage will be broken again? Hanggang ngayon ba bitter ka pa rin dahil ako ang minahal ni Kennard?
SABRIELA
(Biglang sumingit habang kumakain.)
Sino si Kennard?
MARGOT
(Pinanlakihan ng mata si Sabing at sumenyas na huwag magsalita.)
MISHA
Why are you bringing that man's name? You're always using him against me! Naka-moved on na ko!
LEIAH
I don't believe you! Alam kong tuwang tuwa ka nang maghiwalay kami!
MISHA
Oo! Tuwang tuwa ako! Because Kennard don't deserve a woman like you! What do you even know about love?!
LEIAH
You, bitch!
Sa sobrang inis ni Leiah ay tinulak niya si Misha at humampas ang katawan ni Misha sa mahabang mesa. Mabuti na lang ay nakaiwas si Sabing, si Margot naman ay napatayo at napasigaw.
MISHA
W-what the...
Sa inis din ni Misha ay nakadampot siya ng cupcake at hinagis kay Leiah na sapul namang tumama sa mukha nito.
LEIAH
How dare you!
(Sumugod.)
MARGOT
Oh my god! Stop! Stop it guys! Sab! Call someone!
SABRIELA
O-opo!
(Daladala pa niya ang plato nang umalis.)
Sinubukang humarang ni Margot pero natulak siya ni Leiah kaya napasubsob siya sa may table. Si Leiah ay kaagad na dumampot ng isang plato ng cake at hinagis kay Misha.
MARGOT
Ate Leiah! Misha! Tama na!
Kahit anong sigaw ni Margot ay ayaw magpaawat ng dalawa sa pagbabatuhan ng pagkain. Food wars. Kung anu anong desert ang lumilipad sa ere. Meanwhile, paparating si Andra dahil narinig niya ang ingay.
ANDRA
What the hell is going on?!
Saktong pagpasok ni Andra sa swimming pool area ay matatamaan siya ng lumilipad na tinapay at sumalpok sa kanyang noo at mahihimatay siya. Tsaka lang hihinto sa pag-aaway si Leiah at Misha.
INT. LIVING AREA NG MANSION DE BAROSA. GABI.
Tapos na ang "bonding" slash warla ng magkakapatid at nasa sala sila ngayon, nakasuot na ng mga roba. Magkakahiwalay na nakaupo sa sofa sila Leiah, Misha, at Margot.
GWEN
Diorella, pakihatid na si Sab sa kwarto niya.
DIORELLA
Yes, señora. Sab, let's go.
(Hinila si Sabing.)
GWEN
(Hinarap ang tatlo.)
What are you thinking? Ang tatanda niyo na! Akala niyo ba mga bata pa kato? My goodness!
Hindi maganda ang mood ni Gwen dahil sa nangyaring meeting kanina sa Alianza kaya ngayon niya nabe vent out ang kanyang bad mood sa tatlo. Bihira lang naman magalit si Gwen kaya tameme ang tatlo.
MARGOT
Tita, hindi ako kasali...
GWEN
Silence!
MARGOT
(Tumiklop.)
GWEN
Don't you forget that there are other important matters. Your mother is nowhere to found! Please lang, mga mija, para sa inyong papa, be modest!
MISHA
Y-yes, Tita Gwen.
Nang sumunod na araw ay kaagad na lumayas si Leiah patungong Amerika para sa kasal nila ni Pietro. Si Misha naman ay nagsimula na sa kanyang research sa library sa mansion. Si Margot naman ay muling lumandi kay Marlon. At si Sabing ay abala sa lessons kay Diorella.
Isang linggo na ang nakalipas at hindi pa rin inaanunsyo sa buong hacienda ang tungkol sa bagong Primo Propietor, ilang beses napostpone ang announcement dahil alam nila Gwen na isa itong nakakagulat na balita para sa lahat, na hindi si Leiah ang naging tigapagmana.
Ano na nga kaya ang magaganap sa Hacienda? Ngayong handa na ang mga rebelde, bumubuo ng masasamang plano ang mga miyembro ng Alianza, at mga tao sa anino.
INT. STUDY ROOM. UMAGA.
DIORELLA
Read the following chapters, Sab. Pagbalik ko we will put in on a demonstration, okay?
SABRIELA
Opo, Teacher Dio.
DIORELLA
(Smiling.)
Okay.
Lumabas si Diorella ng study room at dahan dahan siyang sumilip sa library na katabi lang nito, nakita niya si Misha na may sangkatutak na librong nahalungkat.
Nilabas ni Diorella ang cellphone at kinuhanan ng litrato si Misha. Pagkatapos ay inattach niya ang mga pictures at sinend iyon sa kung sino.
Mabuti na lang at nakasilent ang phone niya dahil biglang may tumawag. Sinagot niya iyon.
DIORELLA
(Mahinang boses.)
Hello? Agila? Yes. Nandito ako ngayon sa mansion. Umalis na si Leiah at si Margot naman ay nasa Maharlika. I have so many things to update you but this is not the time. I'll call you later.
SABRIELA
Teacher?
DIORELLA
(Halos mapatalon sa gulat.)
Sab! Anong ginagawa mo rito?
SABRIELA
Ano po...
DIORELLA
Kanina ka pa ba diyan?
SABRIELA
(Umiling.)
DIORELLA
Let's go back.
Yup. Hindi nila alam na espiya si Diorella, isa siya sa mga mata ng "Agila".
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro