
EPISODE 27: Before the Wedding
EPISODE 27: Before the Wedding
ANG NAKARAAN SA HACIENDA BAROSA:
At dahil sobrang tagal mag-update ng author ay kailangang magkaroon ng quick recap upang maalala ng mga cute na readers na naghihintay ang mga naging pangyayari sa loob ng hacienda.
Pagkatapos mailibing ang namayapang si Don Rico Andreigo aka Andy ay sa anak ni Gwenella na si Gio napunta ang titulo ng Primo Propietor. Samantala, si Leiah, ang panganay na anak ni Don Rico, ay tinanggap na rin sawakas ang proposal ni Pietro na magpakasal bilang estratehiya na mabawi ang titulo ng Primo Propietor. Si Misha naman ay babalik sa hacienda upang gumawa ng research na ika-popromote niya bilang associate professor sa unibersidad na pinapasukan. Si Margot naman ay nanatili pa ring unemployed, kasalukuyang tumutulong sa charity ng tiyuhin na si Andrew at abala sa pakikipaglandian---este pakikipag-develop-an ng nararamdaman kay Marlon, isang Mortel na nais maghiganti sa mga Barosa. At si Sabriela, ang isa pang anak ni Andy kay Carmela na isang tauhan sa hacienda, ay tumakas sa mansion at sa huli siya'y nadapuli ng kanyang former boss na si Abraham.
Sa tagal ng pag-aupdate, ano na bang nangyari sa ating mga tauhan sa Hacienda Barosa?
INT. CRAM'S RESTAURANT.
Kung natatandaan niyo pa kung saan nagtrabaho noon si Sabing ay dito siya dinala ng kanyang hunk na boss na si Abraham. Walang customer dahil matumal ang bisita sa resort at may iilang staff lang ang naroon. Halos kaladkarin ni Ram papasok sa loob ang ating pretty girl na si Sabing.
SABRIELA
B-boss Ram, ano po bang atraso ko sa inyo?
(Confused niyang sabi and of course pretty pa rin.)
ABRAHAM
Wag ka ng magmaang-maangan pa, ikaw ang nakasira ng mga gamit sa kitchen kaya hindi ka na sumipot sa trabaho!
SABRIELA
(Na-shookt sa baseless accusation ni Boss Ram.)
H-huh? Hindi ko po alam ang sinasabi niyo.
'Di kalayuan ay nanunuod sa kanila ang kunwaring nagwawalis na si Lolet, at base sa kanyang itsura ay tiyak na siya ang totoong salarin at tinuro lang niya si Sabing at ginamit ang biglang pagkawala nito sa trabaho upang lalo siyang madiin.
Well, wala silang kamalay-malay sa nangyari sa buhay ni Sabing, na naging instant heredera ang ate girl niyo, at 'di lang basta heredera, isa lang naman siyang Barosa na nagmamay-ari ng buong hacienda kasama ang resort na 'to.
ABRAHAM
Nakita ka ni Lolet kaya wala kang makakaila.
(Tuminin kay Lolet.)
Hindi ba?!
LOLET
O-opo!
(Bida-bida.)
SABRIELA
(Tumingin kay Lolet.)
Wala akong sinisira! Huwag kang manbintanh ng hindi totoo!
ABRAHAM
Kung ganon bakit hindi ka na nagpakita?
(Naningkit ang mga mata.)
SABRIELA
(Hindi nakasagot at napalunok.)
K-kasi...
Napa-isip si Sabing dahil alam niyang hindi niya pwede basta sabihin sa kung sino ang nangyari., dahil sinong maniniwala?! Baka hampasin lang siya ng chair ni Ram. Pero nasa dilemma siya ngayon, napagbintangan siya ng isang kasalanan na hindi naman niya ginawa. Sasabihin ba niya ang tunay na dahilan?
SABRIELA
Boss Ram.
(Humingi ng malalim.)
Gusto kong humingi ng sorry kung hindi ako nagpakita sa trabaho. Pero... Hindi ibig sabihin ay totoo ang bintang na 'yon sa'kin.
ABRAHAM
Bakit hindi ka nagpakita sa trabaho kung ganon?
(Hindi pa rin convinced.)
SABRIELA
Sasabihin ko ba? Baka hindi siya maniwala sa'kin...
ABRAHAM
If your reason is not valid, that will make you guilty as hell.
Hindi rin natin ma-gets kung ano talagang ikinapuputok ng butse ni Boss Ram, daig pa niya ang babaeng may regla sa sobrang kasungitan at ka-highblood-an, walang mag-aakala na kaya lang naman talaga siya naging ganyan ay dahil sa emotional pain na dinanas niya mula sa kanyang ex-girlfriend, kaya lahat na lang ng bagay ay ginagawa niyang big deal.
SABRIELA
Kasi po!
Sasabihin na sana ni Sabing ang totoo nang bumukas ang pinto at sabay silang napatingin sa bagong dating. Nagulat si Abraham sa nakita at pati na rin si Sabing. Just right in time! Sabi ni direk.
ABRAHAM
Pietro? And...
(Gulat.)
PIETRO
Hi, bro.
(Confident na confident.)
Kasunod ni Pietro ang taas noo at ever sophisticated, super-poised, and snob na si Leiah, sexy na sexy sa outfit nito kahit na fitted jeans at plain blous lang ang suot, nakasuot ng shades at floppy hat. Muntik nang malaglag ang panga ni Sabing dahil nakita niya ang kanyang Ate Kween Leiah. Lagot siya ngayon dahil tumakas siya sa mansion.
ABRAHAM
Leiah? Bakit kayo magkasama?
(Nawala sa atensyon niya si Sabing.)
PIETRO
Sinamahan ko lang si Leiah dahil may gusto siyang i-discuss sa'yo tungkol sa business.
LEIAH
(Tinanggal ang shades.)
Hello, Abraham, dear. I'm here to---
(Natigilan nang makita si Sabing.)
What the hell are you doing here?!
Sabay-sabay tuloy na napalingon sila Pietro at Abraham kay Sabing na parang isang kuting sa sulok. Hiyang-hiya siya at the same time ay natatakot dahil lagot na lagot siya kay Kween Leiah.
PIETRO
Who is she?
(Bulong kay Leiah.)
ABRAHAM
Pumasok ka sa loob ng kusina, hindi pa tayo tapos mag-usap.
LEIAH
Ram!
ABRAHAM
(Tumingin kay Leiah.)
What?
LEIAH
She's not going anywhere!
PIETRO
Leiah, did you know her?
(Tanong niya ulit dahil 'di siya pinansin nung una.)
LEIAH
(Tumingin sa dalawang hunks.)
Let's discuss this privately.
Dahil matalas pa sa kutsilo ang instincts ni Leiah, alam niya kasing maraming tenga ang nakasahod sa kanilang dalawa, and revealing to these gorgeous men that Sabing is her sister is definitely a suicide. Kaya naman pumasok silang apat sa office ni Ram kung saan walang makakarinig sa kanilang usapan.
INT. OFFICE NI RAM. CRAM'S RESTAURANT.
PIETRO & ABRAHAM
What?!
ABRAHAM
S-she's your... sister?
(Sobrang shookt niya.)
Nakaupo silang apat ngayon sa conference table, magkatabi si Leiah at Sabing habang kaharap nila ang dalawang lalaki.
LEIAH
Yes, and it's a secret. Mamamatay ang sino mang magkalat.
(Feel niyang chain message kaya may gana siyang manakot. May pagka-childish pa rin ang kween natin.)
Anyway, na-mention nga pala dati ni Sab na dito siya nagtatrabaho sa restaurant mo, Ram, at base sa narinig ko kanina mukhang may kasalanan siya sa'yo.
ABRAHAM
Yeah, she did work here but she suddenly disappeared at isa sa mga tauhan ko ang nagsumbong sa'kin na nakasira siya ng mga gamit sa kitchen.
LEIAH
At naniwala ka naman?
ABRAHAM
(Napalunok dahil sa intimidation ni Leiah.)
Well, dahil bigla na lang siyang hindi nagpakita...
LEIAH
Hmp! Wala akong super powers para malaman kung totoo ba ang bintang sa kanya ng empleyado mo pero isa lang ang sigurado, noong mga panahong hindi na siya nagpakita rito ay dahil sa amin na siya nakatira. I'm currently grooming her to be a rightful Barosa!
(Feel niyang "I" at i-claim lahat ng credit. That's what kween Leiah is.)
ABRAHAM
What the...
(Speehcless.)
SABING
A-ate Leiah...
(Na-touch siya dahil feel niya pinagtanggol siya ni Kween Leiah.)
LEIAH
Don't be confident, Sab. Baka nakakalimutan mong tumakas ka sa mansion. Diorella called me and she told me na tumakas ka kasama ng magaling mong ina!
SABING
K-kasi...
LEIAH
I don't wanna hear your pathetic excuse.
(Humarap kay Ram.)
Nandito sana ako para kausapin ka tungkol sa negosyo ng resort na 'to Ram.
ABRAHAM
Bakit pala kayo magkasama ni Leiah?
(Tanong niya kay Pietro.)
PIETRO
(Hindi sumagot at tumingin kay Leiah.)
Well.
LEIAH
Because we're getting married.
ABRAHAM
What?!
LEIAH
(Tumayo.)
I think this is not the right time to talk about business.
(Tumgingin kay Sabing.)
We're going back to Manor de Barosa!
EXT. MANOR DE BAROSA.
Samantala. Pagkatapos ang fiasco sa Barangay Maharlika kanina ay nag-aalalang bumalik sa mansion sila Andrew, Carmela, at Margot. Nauna nang pumasok sa loob si Margot at naiwan naman sa may gate sila Andrew.
CARMELA
(Mamatay-matay sa pag-aalala.)
Diyos ko, ano nang nangyari sa anak kong si Sabing.
ANDREW
Don't worry, bitch, pinapahanap ko na ang anak mo sa mga tauhan ko sa buong hacienda.
(Pumanewang.)
Ano ba naman kasing naisipan mong kainin at itakas mo sa labas ang bata? Hindi ba't sabi ko sa'yo ay may magandang timing naman para diyan, kasalukuyang tinetraining ang anak mo at pinapangalagaang mabuti ang lihim na isa siyang Barosa!
CARMELA
Pasensya ka na pero hindi ko kasi siya matiis.
ANDREW
Hay, ano pa nga ba. May magagawa ba 'ko? Eh ikaw ang ina.
(Napahinga ng very deep.)
Sa ngayon, mabuti pa't umuwi ka na muna sa inyo dahil kapag nakita ka ng bruha kong sister na si Andra ay baka magdilim ang paningin non at 'di kayanin ng powers ko na ipagtanggol ka, nagiging chaka monster 'yun pag nagagalit, wala kaming panama ni Gwen.
CARMELA
(Naluluha.)
Hindi ko alam kung bakit napakabuti mo sa'ming mag-ina. Oo, kasalanan ko kung bakit nawawala ngayon si Sabing, kung hindi ko siya pinagbigyan na lumabas ng mansion eh di sana hindi 'to nangyayari.
ANDREW
Nako, tama na ang drama, I'm so tired of that! Ipapahatid kita sa driver at babalitaan kita kapag nahanap na ang anak mo. Mahahanap din 'yon! Baka nag-piso net lang ulit sa kanto or what!
CARMELA
Hihintayin ko ang tawag mo.
ANDREW
Tawag talaga? 'Di ba pwedeng text na lang?
(Aarte pa sana si Carmela pero umo-oo na lang siya.)
Ay nako, oo na! Sige na girl! Baka maabutan ka rin ni Leiah dito! Kaya, shoo na! Kuya driver, hatid mo na si Carmela!
DRIVER NI ANDREW
Hehe, sige po, boss. Lowell po pala ang pangalan ko.
ANDREW
(Dinuro 'yung driver niya.)
Oh, Lowell, umayos ka, single pa 'yang si Carmela baka may balak ka.
LOWELL
(Ngingiti-ngiti.)
Grabe naman si boss.
Umalis na sila Carmela at papasok na sana sa loob ng mansion si Andrew nang mapansin niya ang isang pamilyar na kotse na huminto. Mula roon ay umibis si Misha na siyang ikinagulat ni Andew.
ANDREW
My god, Misha?
MISHA
Tito Andrew!
Sinalubong si Misha ng isang usher at inabot niya rito ang susi ng kotse niya para iparada nito ang kanyang sasakyan at ibinilin na ihatid na lang sa kanyang silid ang mga bagahe. Naglakad si Andrew palapit sa kanya at nagbeso silang dalawa na akala mo'y hindi nagkita noong isang araw.
ANDREW
Anong ginagawa mo rito? 'Di ba may work ka pa sa Maynila?
MISHA
Uhm... Yes, Tita. Pero binigyan ako ng leave ng boss ko.
ANDREW
Leave? 'Di ba prof ka? Paanong leave? Maternity leave? Omg, buntis ka?!
MISHA
No, I'm not!
(Naloka kay Andrew.)
Tito, hindi ako buntis.
ANDREW
Ay hindi ba. Haha! Kung ganon, bakit ka nag-leave?
MISHA
May research kasi akong ginagawa and pinayagan akong mag-home based. Dito nakasalalay promotion ko, tito.
ANDREW
Ah, ganoon ba, you're very masipag as ever talaga. Tara pasok na tayo sa loob.
INT. MANOR DE BAROSA. DINING AREA.
At ikinuwento na nga ni Andrew kay Misha ang kasalukuyang kaguluhan sa hacienda, ang pagkawala ni Sabing. Kasalukuyan silang kumakain ng hapunan sa dining area, si Andra at ang kanyang anak ay hindi pa rin umuuwi. Si Gwen naman at Gio ay nasa conference pa rin, si Margot naman ay natutulog. Hindi pa rin umuuwi si Leiah kaya silang dalawa lang ngayon ang kumakain ngayon.
MISHA
I just hope na walang masamang nangyari kay, Sab.
(Sabay subo.)
ANDREW
Maghapon na kong na-stress sa batang 'yan. So, by the way, tungkol naman pala saan 'yang research mo?
MISHA
(Biglang nabulunan at tumalsik ang mga kanin sa mukha ni Andrew.)
JANINE
Tubig po, senyorita!
(Mabilis na inabutan ng glass of water si Misha.)
MISHA
T-thank you.
(Pagka-inom ay nakita niya 'yung mukha ni Andrew.)
Nyay! Sorry, tito!
(Sabay abot ng table napkin.)
ANDREW
Talaga naman kailangang ibuga sa face ko?
MARGOT
Anong ulam?
(Sumulpot na parang kabute at nakita si Andrew.)
Hahaha! Anong nangyari sa'yo, tita?!
ANDREW
Gaga ka talaga, Margot, at tinawanan mo pa ko!
MARGOT
(Napansin niya rin si Misha.)
Oh my god! Misha? What are you doing here?
(Umupo na rin at inahinan siya ng mga katulong.)
MISHA
Na-miss mo ba 'agad ako?
MARGOT
Haha, hindi noh! Nakakagulat lang kasi bumalik ka 'agad.
MISHA
(Para hindi na ulit mapunta sa kanya ang topic ay kaagad siyang nag-isip ng ibang pwedeng topic.)
Balita ko, Margot, may boyfriend ka na raw.
MARGOT
(Siya naman ang napabuga ng kinakain at nagtalsikan lahat kay Andrew.)
Ay!
(Nagtawanan sila ni Misha.)
ANDREW
Talagang ibuga na naman sa'kin?! Ang bababoy niyo!
MARGOT
Huh? Saan mo naman nakuha ang fake news na 'yan?
MISHA
Fake news nga ba?(Tumingin kay Andrew.)Sabi ni Tito Andrew kanina lang, nagkakamabutihan na kayo.
ANDREW
Ay nako, oo.(Pinunasan ulit ang mukha.)Pabebe pa 'yang si Margot. Ang lalande.
MARGOT
Grabe ka sa'kin, Tita Drea.
MISHA
So, sino ang malas na lalake?
MARGOT
(Hindi na nagpabebe at ngumiti ng matamis.)His name is Marlon Mortel. (Nagsimulang magkwento na parang teenager na kinikilig.)
MISHA
(Hindi niya pinahalatang na-bother siya sa pangalang narinig at kunwaring nakikinig siya kay Margot pero deep inside ay napaisip.)M-mortel?
Nasa kalagitnaan sila ng kwentuhan nang makirinig sila ng ingay mula sa sala. At mula sa sala ay pumasok sa loob ng dining hall si Leiah, hawak-hawak niya sa braso na parang bata si Sabing. Napatayo sila Andrew, Misha, at Margot nang makita ang entrance ni Kween Leiah, para itong tigre na manlalapa sa sobrang fierce.
ANDREW
Leiah?! At kasama mo... si Sabriela?!
MARGOT
Sab!
SABRIELA
S-sorry po talaga sa inyo. H-hindi na po mauulit.(Akala niya papagalitan siya ng bongga ni Leiah.)
LEIAH
(Binitawan si Sabing.)
At dahil magaling ako, as expected, ako ang nakahanap sa nawawala nating kapatid. Oh, Misha, nandito ka pala, wala kang pasabi na uuwi ka, sayang at hindi ka nabigyan gn welcome party.
(Sarcastic niyang sabi.)
Well, well, it's ironic that we're complete before the day of my wedding.
ANDREW, MISHA, MARGOT, & SABRIELA
Wedding?
LEIAH
Nasabi ko na noon, magpapakasal ako sa Amerika.(Taas noong nag-step forward.)At dahil kumpleto tayong magkapapatid... We're going to have a party, sisters. (Smiled devilishly.)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro