EPISODE 26: Naive
EPISODE 26: Naive
EXT. HACIENDA BAROSA. GABI.
Hindi pa malalim ang gabi, sunud sunod na naman ang tila parada ng mga mamahaling sasakyan sa kalsada papuntang Manor de Barosa.
INT. MANOR DE BAROSA. CONFERENCE HALL. GABI.
Nagtipun-tipong ang puno ng bawat pamilya ng kasapi ng Alianza. Narito sila ngayon upang makita ang bagong Primo Propietor, at lahat sila ay iisa ang inaasahan ngayong gabi, walang iba kundi si Leiah, pero lingid sa kanilang kaalaman, dahil ignorante sila sa sikretong "tradisyon" ng mga Barosa, na kailanma'y hindi pa nagkakaroon ng babaeng Primo Propietor.
HOST
(Mahabang intro.)
... Let us all welcome the sixth Primo Propietor of Hacienda Barosa
(Bubukas ang malaking pinto.)
Giovanni Barosa.
Magugulantang ang lahat ng kasapi ng Alianza nang bumukas ang pinto at tumambad sa kanila ang makisig na bagets si Gio. Makikita sa mukha ni Gio ang niyerbos at pag-aalinlangan. Ano ba naman kasi ang alam ng isang kinse anyos sa politiko at negosyo? Lalo pa't akala mo ampon ka tapos hindi naman pala? (Amponception)
DON TORRERO
Dios mio! Anong ibig sabihin nito? Nasaan si Leiah?
(Napatayo pa sa kinauupuan.)
DOÑA NACIONAL
A-anong ginagawa mo rito, mijo?
Napuno ng agam-agam ang buong silid habang si Gio naman ay nanatili lang nakatayo, 'di alam ang gagawin. Maya-maya'y mananahimik ang lahat nang pumasok sa loob si Attorney Guerrero at ang inyong Mamshie Gwen, gwapisimang gwapisima sa kanyang simple white one-piece dress matchy sa kanyang pearls.
DOÑA NACIONAL
Gwenella!
(Windang siya nang makita ang asawa ng kanyang anak.)
What is the meaning of this?
GWEN
(Poker face at tumingin kay Attorney Guerrero.)
ATTY. GUERRERO
(Na-gets ang signal ni Gwen.)
Good evening to all of you.
Si Attorney Guerrero ang nagpaliwanag sa buong Alianza kung bakit si Gio ang Primo Propietor. Bago pa ang pagpupulong na ito ay nagkaroon ng agreement at kasulatan na ang sasabihin sa publiko kung bakit si Gio ang Primo Propietor, na siya ang napiling tigapagmana ni Don Rico matapos di umano'y tumanggi si Leiah sa posisyon, upang mapagtakpan ang lihim na tradisyon na matagal ng iniingatan ng mga Barosa.
ATTY. GUERRERO
And due to Señor Gio's minority age, he will be guided by the Penta Council...
Ang Penta Council na tinutukoy ni Atty. Guerrero ay isang ekslusibong grupo na binubuo ng iba't ibang tao ang humuhubog at gumagabay sa bawat Primo Propietor ng iba't ibang henerasyon. Ang mas astig pa rito, hindi nakikita ng publiko ang Penta Council, para itong secret society.
ATTY. GUERRERO
... And also Señor Gio will be guided by her mother, Gwenella Andrassi Barosa-Nacional.
DON DEL POZO
Sandali lamang, attorney. Ipagpaumanhin mo, Gwenella, hindi ko pa rin maintindihan kung bakit pinili ni Rico ang isang ampon na maging tagapagmana. At bakit tumanggi si Leiah sa posisyon?
GWEN
(Bahagyang ngumiti. Well, prepared ang mamshie niyo.)
Leiah declined the title because she's going to marry next week.
Nagulat ang Alianza siyempre, wala silang kaalam-alam sa kasal na sinasabi Gwen. Dahil kung mayroon man ay sana invited sila, hindi pwedeng hindi.
DON SIMSUANGCO
Magpapakasal ulit si Leiah? Kanino? Paanong hindi namin ito nalaman?
Kanya-kanyang chika ang mga bakla, hindi nila matanggap na hindi sila invited sa #WeddingoftheYear and of course may isa na namang pamilya ang madadagdag sa kanilang circle, which is very careful sila dahil makakaapekto yon sa kanya-kanya nilang interest. At malay ba nila kung anong pamilya ang pinakasalan ni Leiah, dapat kasi dadaan muna 'yon sa kanilang evaluation kung pasado ba o hindi.
GWEN
Señores, ipagpatawad mo ngunit hindi ko masasagot ang mga bagay na 'yan ngayon. Let's respect my niece's decision and I think it is more appropriate if she'll announce it by herself. As of the moment let us talk about the more important matters because the future of Hacienda Barosa is entirely in my son's hands with your guidance of course.
DOÑA NACIONAL
Mija, I'm sorry but I can't still believe this. That boy... He's not even a Barosa by blood! How can Andy approved this?
GWEN
No, mama, he's a pure blooded Barosa. He is my real son. Itinago ko ito for Gio's safety, I registered his name under Barosa.
DOÑA NACIONAL
He's your son?! Who's his father?
(Alam niya kasi na imposibleng ang anak niya ang ama ni Gio.)
GWEN
His father is Agaton Sotelo.
Kontrobersyal ang naging unang pagpupulong ng Alianza kasama ang kanilang bagong Primo Propietor. Mabilis na kumalat ang balita at hindi 'yon nakaligtas sa Agila, ang espiya at mata ng mga rebelde.
Natapos ang pagpupulong, nasa likuran lang ni Gio sila Gwen at Attorney Guerrero, wala mang naiintindihan ay pilit niyang pinakita ang interes na hindi nakatakas sa matalas na paningin ng ilang kasapi ng Alianza. Natapos ang meeting, naiwan saglit ang tatlo.
DON SIMSUANGCO
I got this feeling that Gwenella set all this up. Hiding a secret son with a Barosa surname? (Umiling.)
That's smart.
DON DEL POZO
(Hinawakan sa balikat si Don Simsuangco.)
Amigo, let's see the brighter side. Hindi mo ba nakikita na isang magandang senyales ito para sa atin. Tama ba, señores?
(Tumingin kay Don Torrero.)
DON TORRERO
Oo, amigo. Wala akong pakialam sa rebelasyon na anak pala ni Gwenella ang ampon na 'yon. Naresolba na ng kusa ang ating problema
DON SIMSUANGCO
Problema?
DON DEL POZO
Si Leiah.
Ngayong hindi sa kanya napunta ang titulo, maaari nating magamit ang batang si Gio.
DON TORRERO
Or what's best, mi amigos. One of us can be finally a Primo Propietor.
Wala silang kaalam-alam na may ginagawang comeback revenge si Leiah. Wala silang idea kung sino ang papakasalan nito, isang anak ng politiko, si Pietro Ibañez.
INT. MANSION DE BAROSA. SALA. GABI.
Nagsi-uwian na ang lahat ng bisita at nagpapahinga na ang mga tao. Palabas na si Attorney Guerrero, galing siya sa study room dahil kinausap siya nk Gwen kasama si Gio.
Mapapahinto siya nang makitang nakatayo si Diorella, nakaharang papuntang pinto palabas.
DIORELLA
Hello, William.
ATTY. GUERRERO
(Magugulat.)
D-diorella. What are you doing here?
DIORELLA
(Nagkibit balikat.)
Well, I'm a personal tutor of Sabriela Barosa.
ATTY. GUERRERO
(Dahan-dahang lalapit kay Diorella, di pa rin makapaniwala.)
How many years...
DIORELLA
It's been five years.
(Hahawakan siya ni William pero siya ang iiwas.)
Good night, William.
(Sabay alis.)
Maiiwang tulala si Atty. Guerrero kahit umalis na si Diorella. At kahit pumusta pa kayo ng bente, may past silang dalawa.
EXT. BAYAN. UMAGA.
Isang panibagong umaga para sa buong Hacienda. Kumalat na ang tsismis kung sino ang bagong Primo Propietor. Nagkalat na rin ang posters ng announcment na magkakaroon ng publikong palabas ang Primo Propietor sa darating na Biyernes ng gabi na gaganapin sa plaza sa Bayan. Excited na ang buong Hacienda at nagtitweet na ang ilan sa kanila ng #PrimoPropietorReveal na pasimuno siyempre ni Andrew.
INT. MANOR DE BAROSA. UMAGA.
At speaking of Andrew, PA niya na ngayon si Carmela kaya malayang-malaya na magkita ang mag-ina subalit dahil mahigpit si Andra kay Sabriela sa training nito kay Diorella ay hindi pa makaporma si Carmela na malapitan ang anak na si Sabing.
Magkasama si Carmela at Andrew sa may hardin, malapit sa swimming pool area, nag-aagahan.
CARMELA
Kailan ko ba maaaring makita ang anak ko?
ANDREW
(Mapapatingin kay Carmela.)
Girl, first day mo pa lang huwag kang excited.
ANDRA
Well, well, well.
(Biglang sumulpot at papalapit sa kanila.)
ANDREW
(Tinaas ang kamay para pigilan si Andra.)
Wait, sister, huwag kang gumawa ng eksena ke aga-aga. I'm not in the mood to fight your bitchiness.
CARMELA
Excuse me.
(Umeskapo para hindi mapag-initan ni Andra.)
ANDRA
(Hindi pinansin sinabi ni Andrew.)
Totoo nga na magtatagal ka talaga sa pag-stay dito sa Hacienda. Bakit ba hindi kayo bumalik ni Margot sa pinanggalingan ninyo?
ANDREW
That's impossible because galing ako sa pe*pe* ng nanay natin.
(Walang keme sabay subo sa kinakain.)
ANDRA
(Nagulat.)
Watch your filthy mouth. Kadiri ka!
ANDREW
Aba bakit totoo naman? Atsaka ano bang carelalu mo eh parehas kaming Barosa ng pamangkin ko at karapatan naming mag-stay sa lupa na 'to.
ANDRA
Kung ganon, para lang din may silbi ka. Bakit hindi mo kausapin si Gwenella para malaman kung ano ba talaga ang pinaplano niya! I got a feeling that she's plotting something. Biruin mo't nagawa niyang itago ang katotohanan tungkol kay Gio! She's suspicious!
ANDREW
Bakit ako ang inuutusan mo? Dahil wala kang nahita nang kausapin mo si Gwen? Hah!
(Tumawa.)
Calm yo tits, sister, who knows. Wala akong alam o idea sa pinaplano ni Gwen. Pero what I am confident is, it will be for the betterment of Hacienda.
ANDRA
(Nanggalaiti.)
Andromeda! Our sister! Naniniwala siya masyado sa occult na si Madam Z! Sinalalay niya sa hula o kung anong witch craft ang kapalaran ng Hacienda! She's frequently visiting that charlatan! Hindi ito normal Andromeda! We need Leiah back!
ANDREW
(Hinila si Andra para maupo.)
Relaaaaax, sis! Napaparanoid ka na naman. Tamo dumadami na 'yang wrinkles mo.
Alam mo, mabuti pa huwag natin masyado i-stress 'yan. Magpa-salon na lang tayo later, oki?
Himalang natahimik naman si Andra at hindi na nagsalita pa, dumampot na lang ng tinapay at kumain. Si Andrew naman ay lihim na napaisip, aalamin niya ang plano ni Gwen. Dahil ang totoo may plano rin talaga siya para sa hacienda, kaya nga siya nag-stay eh.
INT. MANSION DE BAROSA. HALLWAY. UMAGA.
Si Carmela naman ay nagpalibut-libot sa loob ng mansion kahit na hindi ito kabisado. At sakto, makikita niya si Sabing na kakalabas lang ng library.
CARMELA
Anak!
SABRIELA
Nay?
(Lalapitan si Carmela.)
Anong ginagawa mo rito?
(Yayakap.)
CARMELA
Ginawa akong PA ni Señora Andrew para magkasama tayo rito. Miss na miss na kita!
(Kumawala sa yakap.)
SABRIELA
Ako rin nay! Miss na miss ko na kayo.
(Naluluha.)
CARMELA
Break time mo ba? Ang sabi kasi sa'kin ni Señora Andrew ay busy ka sa training mo. Kamusta naman? Masungit ba ang teacher mo?
SABRIELA
(Umiling.)
Hindi naman po, sadyang mahigpit lang si Teacher Diorella. Ang dami ko ng natutunan, nay!
CARMELA
Mabuti kung ganon. Proud na proud ako sa'yo.
(Hinaplos ang buhok ng anak.)
SABRIELA
Pero nay. Sobrang bored na ko rito. Tska miss na miss ko na sila Jhonna, Zachary, lahat ng kapitbahay natin sa Barangay Maharlika. Gustung gusto ko na sila makita ulit.
CARMELA
Anak, nandito naman na ako kaya hindi ka na malulungkot pa. Tsaka mahigpit na pinagbabawal na lumabas ka para sa'yong kaligtasan.
SABRIELA
Nay sige na naman oh.
(Parang batang maiiyak.)
Hindi natin masasabi dahil baka hindi ko na sila makita sa oras na naging isang Barosa na ko.
CARMELA
(Napaisip.)
Pero... Paano ka makakalabas dito?
SABRIELA
(Pilyang ngumiti at halatang may brilliant idea.)
INT. BRGY. MAHARLIKA. UMAGA.
At tama kayo ng hinala, tumakas ang mag-ina sa mansion. Sa high-tech security at dami ng tauhan, paano sila nakatakas? Diyos lang nakakaalam---este si Direk lang ang nakakaalam.
Akala mo'y may celebrity na dumating at pinagkaguluhan ang dalawang mutya ng Barangay Maharlika. Natigil ang construction workers at ang lahat ng kanilang kapitbahay ay sumalubong.
JOHANA
Sabing! Na-miss kita!!!
(Niyakap si Sabing.)
Kamusta ang pag-aaral? Grabe akala ko di ka na uuwi!
Napatingin muna si Sabing sa kanyang ina. Ang pinalusot kasi ni Carmela sa mga kapitbahay ay pinag-aaral niya si Sabing at walang kaalam-alam ang mga ito na nasa Manor de Barosa lang si Sabing, ginugroom maging isang heredera.
SABRIELA
Ah... Ano, okay naman.
ZACHARY
Sabing... (Nahihiya)
Kamusta ka na?
SABRIELA
Z-zachary!
(Sa tuwa niya ay kaagad niya itong niyakap.)
Okay naman ako. Ikaw?
(Medyo nagpipigil ng feelings dahil nandyan ang kanyang inay.)
ZACHARY
Eto, mabuti naman.
(Napakamot at tumalikod saglit, humarap at may hawak siyang kamay...)
SABRIELA
(Mapapatingin sa hawak ni Zachary.)
Ahm... Sino siya?
ZACHARY
Ito nga pala si Denise, tiga-kabilang baryo at...
DENISE
Hello, Sabing, palagi kang kinukwento sa'kin ni Zach. Den na lang for short, oh, girlfriend ni Zachary.
(ngiting-ngiti at inabot ang kamay kay Sabing.)
Biglang tutugtog sa background ang "Bakit Nga Ba Mahal Kita" ni Roselle Nava, mag-islow motion at simpleng mawawala ang ngiti ni Sabing habang nakikipagkamay kay Denise. Mapapasulyap siya kay Zach at magpa-flashback ang kabataan nila, 'yung panghaharana sa kanya at iba pang pinagsamahan nila.
MANG JAJA
Sabing! We miss yu!
Biglang sisingit ang jester trio at iba pang kapitbahay nila sa pangangamusta sa kanya, pero tumutugtog pa rin sa background ang malungkot na theme song ng mga sawi.
Bakit nga ba mahal kita
Kahit na may mahal ka mang iba
Ba't baliw na baliw ako sa 'yo
Hanggang kailan ako magtitiis
O, bakit nga ba mahal kita
Hanggang sa mawawala sa eksena si Zachary at Denise, magkasamang umalis. Si Sabing naman ay pilit na ngumingiti kahit na nasasaktan. Nasasaktan siya sa nanagyari, parang isang buwan lang siya nawala at pinagpalit na siya sa iba. #Masakit
Maya-maya'y nang humupa na ang atensyon na binigay ng mga tiga-barangay Maharlika kay Sabing ay tsaka papasok sa eksena si Margot, na as usual ay palaging nagbo-volunteer tumulong sa barangay, kasunod ang kanyang ka-M.U. (Malanding Ugnayan) na si papa Marlon.
MARGOT
Oh my god, anong ginagawa mo rito?
(Nag-hug muna kay Sabing.)
Paano ka nakalabas?
CARMELA
Ahm... Pinilit ko kasi siya.
(Pagtatakip niya 'agad sa anak.)
SABRIELA
Nay! Ako ang may gusto na pumunta rito!
MARGOT
Pero, Sab, hindi ka pwedeng lumabas, alam mo 'yon.
SABRIELA
S-sorry, Ate Margot, gusto ko lang talaga sila makita.
INT. MANOR DE BAROSA. UMAGA
Nagkakagulo sa mansion dahil nawawala si Sabing. Matapos hindi ito bumalik sa library ay nagsumbong na si Diorella kay Andrew at Andra.
ANDRA
Anong klaseng teacher ka?! Nawawala ngayon 'yung bata, paano kung mapahamak 'yon?! (sigaw niya kay Diorella.)
ANDREW
Nawawala rin si Carmela... Nako, alam ko na kung saan nagpunta ang mag-ina!
ANDRA
Sinasabi ko na nga ba at may pagkasalot 'yang ina niyang Sabriela na 'yan!
(Bumaling sa mga gwardiya.)
Ibalik niyo rito ang Sabriela na 'yon, at pati ang magaling niyang ina! Ngayon din!
MGA BODYGUARD
Opo, senyora!
(Nag-disperse.)
INT. BRGY. MAHARLIKA. UMAGA
Nagkagulo bigla sa 'di malaman na dahilan. Akala mo ay nagkaroon ng raid ng sumugod ang mga tauhan ni Andra galing sa manor. Dahil nagpanic 'agad ang mga tao ay nagkagulo, akala nila ay nire-raid sila sa isang ilegal na bagay kahit hindi naman.
GWARDYA 1
Nasaan si Senyorita Sabriela?!
CARMELA
S-sabing!(Hinila siya ng dalawang gwardya.)
SABRIELA
Nay!
CARMELA
Takbo, anak!(Akala niya ay may kidnap-an na ganap kaya pinatakbo niya ang anak.)
SABRIELA
Nay!(Takbo naman si bagets palayo roon.)
MARGOT
What's happening?! Where's Sab?!
MARLON
Let's get out here!
(Hinila niya si Margot kung saan mas safe at wala ng nagawa ito para mahanap si Sabing.)
Samantala ay tumatakbo patungo kung saan si Sabing at may mga humahabol sa kanya sa likuran. Wala siyang choice kundi lumiko at magtago muna sa isang eskinita hanggang sa lumagpas ang mga humahabol sa kanya. Lumabas siya ng pinagtataguan at napadpad na siya sa kalsada.
Saktong may sasakyan ang pumreno dahil nasa gitna siya ng kalsada. Really? Sakto talaga eh no? Bababa ang driver at guess what.
ABRAHAM
Magpapakamatay ka ba?!
SABRIELA
S-sir Ram?
ABRAHAM
Ikaw!(Duro kay Sabing.)
Isang buwan ka ng hindi nagpapakita! May atraso ka sa'kin!
SABRIELA
A-atraso?
ABRAHAM
Wag ka ng magmaang-maangan! Sakay!
Sa takot ni Sabing kay Abraham at sa mga humahabol sa kanya, wala siyang ibang nagawa kundi tumayo lang. Hanggang sa si Ram pa ang lumapit sa kanya at hinila siya para papasukin sa loob ng kotse. Walang idea kung saan siya nito dadalhin, at maging si direk ay hindi pa alam kung saan dahil wala pa raw venue sa next episode. At kung ano man ang atraso ni Sabing kay Abraham, si direk lang din ang nakakaalam.
Saan nga ba dadalhin ni Abraham si Sabing?
-xxx-
https://youtu.be/5HBIhrp-DZc
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro