Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

EPISODE 24: Hindi Patatalo

EPISODE 24: Hindi Patatalo


EXT. MANILA CITY. UMAGA.
Makikita ang magulo at masiglang siyudad ng Maynila, isa sa highlights ang famous Manila City Hall, pupunta ang view papasok ng Intramuros.


INT. SIKAT NA UNIBERSIDAD. UMAGA.
At dahil nailibing na ang kanilang ama. Balik eskwela ulit si Misha, balik ulit siya sa kanyang pagkatao bilang si Professor Misha Lisano, isang ordinaryong babae na nagtuturo sa isang private school.  Iibis siya mula sa sasakyan, na kakabili lang niya dahil sa nakuha niyang mana. Makikita siya ng mga estudyante at kaagad siyang pagtsitsimisan.


ESTUDYANTE 1
Wow, nag-leave lang si mam pagbalik big time na.


Siyempre wala namang pake si Misha sa mga bulung-bulungang kanyang naririnig. Nanawa na rin kasi siyang makipagsapalaran sa araw-araw na traffic kaya naisipan niya ng mag-invest ng sariling kotse. Finally.

Balik normal ulit ang buhay niya. Walang nakakaalam (maliban sa college dean) tungkol sa tunay niyang pagkatao. Dumiretso siya ng faculty para maghanda sa una niyang klase.

At hindi niya maiwasang masaktan nang maalala si Troy, ang kanyang ex na kasamahan din niya sa trabaho. Lihim niyang pinagdasal na sana'y huwag silang magkasalubong ngayon sa university. Pero mabuti na lang ay may mas importanteng bagay na umookyupa ng kanyang isip, ang mga hindi inaasahang pangyayari sa Hacienda Barosa. 

History. Iyon ang una niyang subject na ituturo. Pero hindi pa rin mapakali si Misha. Kahit kasalukuyang nagkaklase, at nagre-report ang mga estudyante niya sa harapan, nasa likuran siya ng classroom, nakatayo at nakahalukipkip, kala mo ay nakikinig ngunit malayo ang tinatakbo ng isip.

Paulit-ulit pa rin niyang tinatanong sa kanyang isipan kung anong nangyari. Bakit hindi si Leiah ang naging Primo Propietor? Kahit na alam niya ang madilim na lihim kung bakit hindi naman talaga dapat... Hindi niya lubos maintindihan ang "ancient will" ng kanilang mga ninuno.


MISHA

Tanging mga lalaki lamang ang maaaring maging Primo Propietor?


Hindi pa rin niya ma-gets kaya naman pa-simple siyang nag-browse sa net gamit ang kanyang Ipad, kunwari'y nakikinig pa rin siya sa nag-rereport. Nakita niya sa internet ang sistemang tinatawag na "Primogeniture" according to internet, ang defnition nito ay "The status of being the firstborn child among several children of the same parents. A rule of inheritance at through which the oldest male child has the right to succeed to the estate of an ancestor to the exclusion of younger siblings, both male and female, as well as other relatives."

Biglang mamamatay ang Ipad dahil hindi niya namalayan na malo-lowbat na pala 'yon.


MISHA

Puta?


ESTUDYANTENG NAGREREPORT

Mam?

MISHA

Huh? (Mare-realize niya na nakatingin sa kanya lahat ng estudyante.) C-continue.


INT. FACULTY ROOM. UMAGA.

Pagkatapos na pagkatapos ng unang klase ni Misha ay dumiretso siya sa faculty room, sinaksak niya ang Ipad sa dala niyang battery bank at binuhay ang power. Pero nang magsi-search na siya ulit ay mare-realize niya na naputulan na siya ng data dahil hindi pa nga pala niya 'yon nababayaran.

Napasandal si Misha sa upuan niya at tila mamamatay siya sa kuryosidad hangga't hindi nalalaman ang tungkol sa na-research niya kanina. Naisipan niyang pumunta sa library para mag-internet doon pero nagbago ang kanyang isip.


MISHA

Maraming estudyante roon, at malamang ay mahinang mahina ang connection.

(Saktong napalingon siya at nakita ang kanyang co-professor na kakagaling lang sa labas at nagkaroon siya bigla ng idea.)


Nang makita niya na nakaupo na ang co-professor niya ay lumapit siya sa cubicle nito.


MISHA

Hi, Ma'am Alyssa.


ALYSSA

(Mag-aangat ng tingin kay Misha pero walang emosyon.)

Hi, Miss Lisano. May I help you?


Si Professor Alyssa Buendia, nasa mid-30s, isa sa mga pinaka-wirdong professor ng department nila, wirdo pero ubod ng talino. Graduate ng UP with the highest latin honor, major in history, kasalukuyang nagdo-doctoral. Wirdong matalino pero may pagka-anti-social. Ngayon lang lumapit si Misha rito dahil alam niya na ito ang taong hindi na kinakailangan ng internet at google.

MISHA

(Mahinang nagsalita at ayaw iparinig sa iba.)

Gusto ko lang sanang hingin ang insights mo tungkol sa Primogeniture. 


ALYSSA

You mean, history of it?


MISHA

(Tumango.)

Yes, please. 

(Umupo na siya sa visitor's chair kahit hindi siya inaalok dahil alam niyang mahaba-haba itong kwentuhan.)


ALYSSA 

Well,  Primogeniture has two closely related meanings; first, a principle of seniority and authority whereby siblings are ranked according to their ages, with the eldest coming first; and a principle of inheritance, in which the firstborn child receives all or his parents' most significant and valuable property upon their death. In most cases, the rules have been applied primarily or exclusively to males.


MISHA

It is widely used in monarchy systems, right? Paano kung wala ng male na successor?


ALYSSA

Right.  The Crown of England, for instance, has passed to the eldest daughter when a male heir was not available as was the case with Elizabeth II in 1953.


MISHA

It means, Primogeniture has its flexibility. Depende sa sitwasyon. Pero iba ang sitwasyon ng Hacienda Barosa, ni hindi pinayagang ipasa sa panganay na babae ang titulo katulad nang kay Queen Elizabeth.


ALYSSA

Marami kasing variations ng Primogeniture. Merong Absolute Primogeniture, kung saan equal ang babae at lalaki. Meron namang Primogeniture na panganay na lalaki lang ang maaaring magmana ng trono at hindi kinikilala ang mga babae bilang tagapagmana, katulad na lang na tinatawag nilang Salic Law.


MISHA

Salic Law?


ALYSSA

(Kumislap ang salamin sa mata, dahil lumalabas na ang second form ng pagkamamaw niya sa History.)

Salic Law in terms of inheritance, prohibited females, and descendants in the female line from inheriting land, titles, and offices.  It's just a name of a French rule that prevented men from inheriting the crown through a female line.


MISHA

Bakit? Bakit nila hindi pinayagang magmana ang mga babae? (Medyo triggered dahil may pagka-feminist si ate girl.)


ALYSSA

It all started when the French Capetian line that a king died without leaving a surviving male heir was in 1316. When Louis X died leaving a six-year-old daughter Jeanne and a pregnant widow.  The widow gave birth to a son who died within days. During the pregnancy, Louis' brother Philippe had been regent for both kingdoms of France and Nava. At the death of the infant, he had himself proclaimed the closest heir by an assembly of lords and prelates and was crowned on January 9, 1317.


MISHA

(Napanganga dahil sa pambihirang mamaw skills ni Alyssa sa History.)

Parang may pagkakahawig nga ito sa sitwasyon ng Hacienda Barosa.


Fast forward, kahit hihikab-hikab si Misha ay nakinig pa rin siya sa History101 lessons ni Alyssa. Hindi roon natapos ang pag-uusap nila dahil kahit sumapit na ang lunch ay magkasama sila sa cafeteria at kinukwentuhan pa rin siya ni Alyssa tungkol sa European monarchies. Noong sumapit lang ang uwian ay tsaka ito naawat.


INT. MANSION DE BAROSA. LIBRARY. HAPON.

Busy sila Diorella at Sabing sa library dahil sa usual routine nila na kanilang "training". Nakatayo si Diorella habang nakalagay ang dalawang kamay sa likod, at si Sabing naman ay pabalik-balik na naglalakad habang nakasuot ng killer heels at may mga librong nakapatong sa ulo.


SABRIELA

One... Two...

(Nagse-self count siya habang naglalakad at binabalanse ang katawan.)

Ay! (Sabay babagsak ang mga libro.)


DIORELLA

(In a strict but firm voice.)

Again. 


SABRIELA

Y-yes po,teacher.

(Pupulutin ang mga libro at ilalagay ulit sa ibabaw ng kanyang ulo.)


Biglang magba-vibrate ang phone ni Diorella, at madidismaya siya nang hindi makita ang inaasahan niyang contact number. Unknown iyon at kaagad niyang sinagot ang tawag, naglakad siya palayo kay Sabing.


DIORELLA

Hello? Who's this?


MISHA

Diorella? It's me, Misha.


DIORELLA

(Magugulat.)

Oh, senyorita! Napatawag ka? Anong maitutulong ko sa'yo?


MISHA

Pasensya ka na kung ikaw ang tinawagan ko,may kaunti lang sana akong pabor.


DIORELLA

(Hindi man lang siya magtataka kung paano nakuha ni Misha ang number niya.) 

Ano 'yun senyorita?


MISHA

Pwede mo bang hanapin sa library kung may history book or any document about Hacienda Barosa?


DIORELLA

(Napatingin sa sandamukal na libro at gigantic, engrand library ng mga Barosa.) 

Uhm... That's not possible if you needed it right now, senyorita.


MISHA

I know, I know. Masyadong malaki ang library namin. Uhm... It's okay, hindi ko naman kailangan sa ngayon. You can take your time finding it. And... I'm not still sure kung kailan ako uuwi pabalik.


DIORELLA

Babalik ka ng Hacienda Barosa?


MISHA

Yes, pero sana keep it a secret muna between us.


DIORELLA

I know I'm not in a position to ask this, pero... may nangyari ba? (Sounds worried.)


MISHA

I can't tell now, Diorella. Bye.

(Mapuputol ang tawag.)


Matutulala saglit si Diorella at babalikan niya si Sabing na ngayon ay naglalakad na pabalik-pabalik nang walang kahirap-hirap. Hihinto ito nang makita siya.


SABRIELA

Teacher! Sanay na ko! Yey!

(Parang bata na nakakuha ng star.)


DIORELLA

Very good, Sab. That's all for today, you can rest now. 


SABRIELA

Eh? Teacher, wala pang five.


DIORELLA

Uhm... We're ending our session early. Sige na, mauna ka ng mag-miryenda susunod ako sa baba.


Nakaramdam naman si Sabing na pinapalayas siya ni Diorella sa library at kaagad itong lumabas. Nang maiwan si Diorella ay kaagad siyang napatingin sa kabuuan ng magarbong library.


DIORELLA

History of Hacienda Barosa huh? Bakit naman pinapahanap ni Misha 'yon? But...before anything else. (Kinuha ang kanyang phone.)



INT. MANILA. APARTMENT NI MISHA. GABI.

Dahil nag-aapartment lang si Misha sa Maynila, at ngayong may kotse na siya, napilitan siyang i-park ito sa gilid ng kalsada. Kahit na may ordinansang bawal 'yon, okay lang, dahil ganon din naman ang ginagawa ng mga kapitbahay nila. Ang lalakas ng loob bumuli ng kotse pero wala namang garahae. Well, dats layp. 

Pagpasok niya ng loob at pagbukas ng ilaw ay mapapaupo siya sa sofa. Hindi siya makapaniwala sa nangyari ngayong araw. Bukod sa nakakaantok at mahabang history lesson ni Alyssa. Pinatawag siya ng kanilang college dean kaninang uwian.


FLASH BACK

INT. DEAN'S OFFICE. HAPON.

Dr. Romero Brillantes blablabla na may mahabang titulo bunga ng maraming natapos na edukasyon. Mataba ito at dambuhala, nakasalamin at may kakaibang halakhak kapag tumatawa. At siya lang naman ang nakakaalam sa totoong pagkatao at background ng pamilya ni Misha.

MISHA

Tungkol saan po ba 'to?


DR. BRILLANTES

Pinatawag kita rito dahil concern ako sa'yo Misha.


MISHA

Concern?


DR. BRILLANTES

Next academic year ay magkakaroon ng revolutionary change sa ating university, maraming mga guro ang matatanggal at ibabase sa hiearchy ng academic ranks ang ititira para magturo.


MISHA

P-po? 


Biglang kinabahan si Misha dahil sa totoo lang, kahit na sabihing may masteral degree siya at tinatawag na professor, ay wala pa rin siya sa posisyon na sigurado para magtagal sa university na tinuturuan niya. Academic survival kung tawagin nila, mayroong seniority complex, parang sa konsepto ng Primogeniture, ang labanan dito ay kung gaano karaming titulo ang nakuha mo para maging angat ka.


DR. BRILLANTES

I'm afraid isa ka sa listahan ng mga matatanggal next year.


MISHA

Pero... Sir...


DR. BRILLANTES

Pinatawag kita rito dahil nga concern ako, siyempre ayaw ko naman na matanggal ka basta-basta. (May kakaibang ngiti ang sumilay sa kanyang labi.)


MISHA

Anong dapat kong gawin sir?


DR. BRILLANTES

Kailangan mong ma-promote as Associate Professor within this year, at pag nangyari 'yon, siguradong hindi ka matatanggal.


MISHA

A-associate Professor? Ibig sabihin...


DR. BRILLANTES

Kailangan mong mag-present ng research. Iyon lang, Misha.


MISHA

Research? Tungkol saan?


DR. BRILLANTES

(Ngingiti saglit bago sumagot.)

Tungkol sa Hacienda Barosa.

END OF FLASHBACK


Hindi makapaniwala si Misha na kailangan niyang gawing research presentation ang tungkol sa Hacienda Barosa para ma-promote siya as Associate Professor at masigurado ang posisyon niya sa university. Mahal niya ang kanyang propesyon mas higit pa sa lupang pinanggalingan niya, ang Hacienda Barosa.

Pumayag siya dahil napag-isip-isip niya na gusto rin niyang malaman ang dahilan kung bakit ganon ang sistema ng Hacienda nila. Pero alam niya na may paglalabag iyon dahil ieexpose niya ang "lihim" ng kanilang pamilya, ang lihim ng Hacienda Barosa. Kaya nga tinawagan niya si Diorella para magsimula na itong mangalap ng mga research materials na pwede niyang simulan.

Pinag-leave siya ni Dr. Brillantes at binigay sa kanya ang natitirang buwan ng taong 'to para sa research niya, leave with pay 'yon partida. Basta kailangan pagbalik niya ay may research siyang ipepresent sa kanila. Then boom, Associate Prof na siya ng ganon lang.

Pumunta si Misha sa kusina niya, kumuha siya ng beer sa ref at binuksan 'yon. Tinungga iyon.


MISHA

Primo Propietor. Sino bang may ayaw sa titulo na 'yon? (Naalala niya ang kapatid sa labas na si Margot.)


Noong una'y akala niya talaga ay si Leiah ang magiging Primo Propietor. Kaya siya bumalik dahil mayroon siyang pinlanong paghihiganti rito, ang agawin ang trono kay Leiah.


MISHA

You're still in a win-win situation, Misha. Hindi mo man nagantihan si Leiah, pero babalik ka ng Hacienda para mag-research, garantisado na rin ang promotion mo sa academic society at higit sa lahat... May pag-asa pang makuha mo ang titulo ng Primo Propietor.  

(Haharap sa camera at tila kakausapin ang viewers.)

  Paano? Dahil alam ko ang totoo. Hindi talaga anak ni Don Rico Andreigo Barosa si Leiah.

Hindi ako magpapatalo.  

(intense music.)

CROSS FADE



-xxx-


A/N: #TeamLeiah or #TeamMisha?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro