Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

EPISODE 20: Sikreto

EPISODE 20: Sikreto


EXT. BAYAN. SAN LAZARO. UMAGA.

Matiwasay na nailipat sa ika-apat na araw ang labi ni Don Rico Andreigo Barosa sa Parokya ni San Lazaro sa pangangasiwa ni Andra at sa tulong ni Barney. Mahigpit ang seguridad at kaagad na dumagsa ang mga tao. Samantala, naiwan ang Barosa sisters sa mansion kasama si Sabing. At si Gwenella naman ay may importanteng pinuntahan.


ANDRA
(Nakasuot ng shades habang pinapaypayan siya ng julalay niyang si Aileen.)
In fairness, mukhang mahal na mahal nga ng mga aliping ito ang kuya Andy ko.


BARNEY
Kindness is one of the redeeming qualities of your brother, Andra.


ANDRA
Kindness. Ayan, maaga tuloy siyang kinuha ni Lord, right, Father Cedric. (Binalingan ang katabing pari.)


Si Father Cedric De Jesus ang kura paroko ng San Lazaro sa loob ng maraming taon. Sa edad na 70 ay malakas na malakas pa rin ito kahit na puti na ang buong buhok. Siya ang nagkasal kay Andy at Bettina pati na rin sa mga nauna pang mga Barosa. Nakatayo silang apat di kalayuan habang pinagmamasdan ang pila ng mga alipin na sumisilip sa kabaong ni Andy.


FATHER CEDRIC
Siyang tunay, Señora Andra, ang mga mababait ay kinukuha kaagad ng panginoon at itinitira niya lang dito sa lupa ang mga masasamang damo. (Sabay tingin kay Andra.)


AILEEN
Bet ko yan, father!


ANDRA
(Pinanlakihan ng mata si Aileen atsaka ulit bumaling kay Father Cedric.)
Ilang taon ka na nga ulit, father?


FATHER CEDRIC
Setenta años, Señora.


ANDRA
Huwag kang mag-alala dahil may oras din ang mga masasamang damo. Hmp. By the way (bumaling naman kay Barney.) kailan ang necrological service? At buhay pa ba ang magaling na asawa ng kapatid ko? Baka gusto niya ng sumabay.


BARNEY
(Hindi man lang na-offend sa sinabi ni Andra tungkol sa kapatid niya.) It's the day after tomorrow.


ANDRA
Very well.


BARNEY
Nabalitaan kong nakausap na ni Attorney Guerrero ang magkakapatid, how is it?


ANDRA
(Sumenyas kay Barney na lumayo sila mula sa crowd para pag-usapan ng lihim ang tungkol sa mana.)
Well, according to Leiah, may huling will si Kuya Andy na kailangang mai-grant bago opisyal na ipamahagi sa tatlo ang mana.


BARNEY
Will? At paano ang titulo ng Primo Propietor? Hindi maaaring mabakante ng matagal ang trono dahil magkakainteres ang mga miyembro ng Alianza na agawin ito.


ANDRA
(Hininaan lalo ang boses.) Ayun na nga ang problema, Barnabas. Kailangang i-honor as Barosa ang isa pang bastarda ni Kuya Andy bago magproceed sa inheritance distribution.


BARNEY
Bastarda? (Hindi bakas na na nagulat.) Hindi ko alam na mayroon pang isang anak sa labas si Andy.


ANDRA
So do I. (Tumingin kay Aileen.) Aileen! Halika rito!


AILEEN
Yizz my beautiful madam?


ANDRA
Ang Hermes bag ko akin na.
(Kinuha niya nang iabot 'yon sa kanya at kinuha mula sa loob ang isang brown envelope.) I hired a professional investigator para kilalanin kung sino na naman ang babae ni Kuya Andy. (Mula sa loob ng envelope ay nilabas ni Andra ang isang larawan, isang portrait stolen shot ng isang babae sa bukid.) Her name is Carmela Garcia.


Saktong napatingin sila ni Barney sa may altar at sakto ring si Carmela na ang sumisilip sa kabaong. Coincidence? Nope, iyon ang sabi ni direk. Kaya mula sa malayo ay kitang-kita nila ang babaeng nasa larawan at ang babaeng malapit sa kabaong.


ANDRA

Speaking of the devil. (Akmang lalapit sa kinaroroonan ni Carmela pero pinigilan siya ni Barney.)


BARNEY

Teka lang, Andra, hindi 'to telenovela para gumawa ka ng eskandalo.


ANDRA

Hmf! Hindi ko naman siya ipapahiya sa harap ng maraming tao.


Kaya hinintay nila si Carmela, mga sampung minuto itong nag-emote sa kabaong ni Andy at kung hindi pa siya kalabitin ng nasa likuran niya ay hindi pa siya aalis. Sinundan ni Andra at Barney si Carmela papalabas ng parokya. At nang masiguro nilang wala ng tao ay tsaka hinarangan ng mga body guard ni Andra si Carmela.


CARMELA

A-anong kailangan niyo? (Maang na tanong niya sa mga nakaharang na mama na animo'y bouncer at naka-shades pa.)


ANDRA

Tingnan mo nga naman ang pagkakataon. (Donya mode si gaga at nakasuot na siya ng shades at pinapayungan na siya ni Aileen kahit hindi pa tirik ang araw.)


CARMELA

S-sino ka?


ANDRA

Hindi ako sinuka! Ako lang naman ang kapatid ng lalaking inahas mo!


CARMELA

K-kapatid ni Rico?


ANDRA

Rico?! Nasaan ang delikadeza mong alipin ka! Ang kapal ng mukha mo para umapid sa Primo Propietor! (lakas loob siyang nag-eesakandalo dahil nakasisiguro siyang walang nakakarinig sa kanila.)


CARMELA

Pasensya na pero ayoko ng gulo. (Aalis siya pero hinigit siya ni Andra sa braso.)


ANDRA

Kung inaakala mong magiging maginahawa na ang buhay niyong mag-ina dahil sa huling will ni Kuya Andy, pwes nagkakamali ka. Once na maging isang ganap na Barosa ang anak mong bastarda ay hinding hindi mo na siya makikita pa! Katulad na lang ng nauna pang bastarda ni Kuya sa ibang babae!


CARMELA

(Kaagad na natakot sa narinig na hindi na niya makikita pang muli si Sabing.) Ikaw ba ang nagpadukot sa anak ko?! (Galit niyang inalis ang kamay ni Andra sa kanyang braso.) Nasaan ang anak ko?! Mandurukot!


ANDRA

(Shookt dahil bigla siyang napagbintangan) Watch your filthy mouth! Wala kang karapatang pagtaasan ako ng boses, alipin!


CARMELA

(Beast mode si mamshie.) Ilabas mo ang anak ko!


ANDRA

Wala akong alam sa mga sinasabi mo! Ang kapal naman ng mukha mo para pagbintangan ako na ako pa talaga ang kikidnap sa—(Bigla siyang natigilan nang marinig niya ang tsismis mula sa mga muchacha sa mansion.)


FLASHBACK:

MARILYN

Naku, si Senyorita Leiah mayroong 'samting' sa kotse niya.


GELY

Samting?


MARILYN

Sabi ng driver, may kasama raw na babae sa senyorita!

END OF FLASHBACK


ANDRA

Barney, may alam ka ba rito?! (Sabay baling kay Barnabas na kanina pa nanunuod sa eksena nilang dalawa.)


BARNEY

I'm sorry but I don't know she's talking about. No one kidnapped her child.


CARMELA

Mga sinungaling! Sino pa ba ang ibang magkakainteres sa anak ko?! Oo, anak namin siya ni Rico! At kayo lang mga Barosa ang maaaring gumawa nito!


ANDRA

Bintangera! Sinungaling!


Mag-aaway na sana ang dalawa at mabuti na lang ay humarang si Aileen sa gitna at siya ang nasabunutan ni Andra at Carmela. Maya-maya'y dumating sa eksena si Andrew na as usual ay kabogerang outfit.


ANDREW

My gad! Staph that!

(Natigilan ang dalawang babae nang makita siya at si Aileen na nagmukhang bruha. Kaagad na sumaklolo si Andrew kay Carmela.)

Ano na namang ka-matapobrehan ang ginawa mo, sister?!


ANDRA

Wala akong ginagawang masama! Iyang babaeng 'yan ang basta-basta nambibintang!


ANDREW

Bitch, leave her alone!


ANDRA

(Hindi siya makapaniwala na kinakampihan ni Andrew si Carmela.)

Is this really true? Andromeda?!


ANDREW

(Bumaling kay Carmela.) Girl, let's get outta here. (At sabay silang lumayas ni Carmela kabuntot ang mga body guards at julalay ni Andrew.)


INT. MCDONALDS SA SAN LAZARO. UMAGA.

Oo tama ka ng nabasa, may Mcdo sa loob ng Hacienda Barosa, ito kasi ang napili ni direk na shooting location dahil suki ang Mcdo ng mga nagmu-move on, mga dating magjowa at magbebreak pa lang (Free advertisement to ha.). One hour early dumating si Agaton sa dating tagpuan nila ni Gwenella). 'Di ba sa dinami-rami ng tagpuan na mapipili nila ay dito pa? (Kahit na endorser si Aga Muhlach ng Jollibee, Mcdo pa rin tayo, sabi ni direk.)

Papasok si Gwenella sa loob ng store at tutugtog na sa background music ang revived version ng Tuloy Pa Rin by Neocolours. Mag-aangat ng tingin si Agaton kasabay ng slow mo na paglalakad ni Gwen at mapapanganga siya sa walang kupas nitong ganda.


AGATON

Gwen. (Kaway niya kay Gwen.)


GWEN

Talagang dito rin ano? (Sa loob-loob niya nang mapansin na sa same spot nakaupo si Agaton, 'yung pangdalawang tao lang talaga. Umupo siya kaagad nang makalapit at napansin niya rin na naka-order na ng coffee and pancakes si Agaton.)


AGATON

Kumain ka na ba?


GWEN

Yeah. Look, Agaton, let's get to the point already.


AGATON

(Sumeryoso.) I think so too. Bakit hindi mo sa'kin sinabi ang totoo tungkol kay Gio?


GWEN

Bakit? Kung sinabi ko ba sa'yo noon hindi mo pakakasalan si Alexa?


AGATON

Gwen, alam mo, hindi ko na rin matandaan kung bakit tayo naghiwalay noon. Pero kung sinabi mo sa akin kaagad hindi kita iiwanan—


GWEN

Past is past, Agaton. It's pointless if magtatalo tayo sa kung ano mang sa tingin nating "tama" na bagay na ginawa natin noon. What we need to settle is about the present, okay?


AGATON

Then how we will settle this?


GWEN

First, kailangang maging lihim ang tungkol dito—


AGATON

Lihim? Kasing bilis ng apoy na kumakalat ang balita, kahit na sabihin mo sa'kin na ilihim ko 'to sa pamilya ko, Gwen, I believe that the truth will always prevail.


GWEN

(Napa-face palm saglit.) I know. What I mean is, for now, let's be mum about this as much as possible.


AGATON

Andra also told me that you even registered his as a Barosa, not your husband's—


GWEN

Because hindi pa kami kasal ni Luke nang ipanganak ko si Gio.


AGATON

Why? Please, I want to know why.


GWEN

(Napahinga ng malalim.) Hindi ko pa pwedeng sabihin hangga't hindi pa naililibing si Kuya Andy. At hangga't hindi pa nagagawa ng Barosa sisters ang huling will, hangga't hindi pa nagiging Primo Propietor si Gio.


AGATON

Kung ganon anong sense ng pag-uusap natin dito?


GWEN

To tell you to wait.


AGATON

To wait? Hanggang kailan mo ba ko pag-hihintayin?


GWEN

Geez, why is he speaking as if he still has feelings for me? Sa ayaw at sa gusto mo iyon ang desisyon ko, Agaton. (Akma siyang aalis pero kaagad na nagsalita si Agaton.)


AGATON

Sasabihin mo rin ba sa kanya ang totoo? Na ako ang tunay niyang ama? Na anak natin siya?


GWEN

We'll see what will happen. (Ayaw na niyang pahabain ang usapan dahil sa totoo lang nate-tense na siya sa aura ng paligid. Kaagad siyang tumayo at umalis. Leaving Agaton shattered.)


INT. MANSION DE BAROSA. UMAGA

Dahil sa magic ng teleserye ay hindi pa rin kumakalat sa buong hacienda na ang nawawalang si Sabing ay kinidnap pala ni Leiah at ngayon ay nandito siya sa loob ng Mansion De Barosa. Maaga pa lang ay gising na si Leiah at kaagad niyang inutos sa mga katulong na ipatawag at ipaghanda si Sabriela dahil ngayon ang first day of training niya. Kaagad na pinaggayak ng mga katulong si Sabing at inihatid siya sa Library kung saan naghihintay si Leiah kasama ang professional na magiging trainer ni Sabing.

Pagkapasok sa loob ng library ay nalula si Sabing sa laki nito at sa dami ng library. Sa may lounge area ay prenteng naghihintay si Leiah kasama ang isang babae.


JANINE

Senyorita, nandito na po si Sabriela. (Sabay alis.)


SABRIELA

G-good morning po, Q-queen Leiah.


LEIAH

Good morning, sweetheart. (Pumalakpak ang tenga niya nang tawagin siyang Queen Leiah.) Kanina ka pa namin hinihintay, have a seat. (Kaagad sumunod si Sabing.)  Please introduce yourself to her.


DIORELLA

Hello, Sabriela, ako nga pala si Teacher Diorella, ako ang magiging trainor mo. 


LEIAH

Dahil marami pa akong gagawin, Diorella, I'm leaving her to you. (Tumayo at huling beses na lumingon kay Sabing.) Be a good girl, Sabriela.


SABRIELA

Baka hinahanap na po ako ng nanay ko... (Pero di siya pinansin ni Leiah at dire-diretso itong umalis.)


DIORELLA

Let's not waste our time, Sabriela. (Mukha namang mabait na teacher si Diorella.) Magsisimula tayo sa proper body posture at kung paano maglakad etc.

Pero lutang si Sabing, wala siyang ibang iniisip kung paano siya makakauwi sa kanila at kung ano ang magiging reaksyon ng kanyang Nanay Carmela sa oras na malaman nito na inihahanda siya ng Barosa sisters na maging Barosa.


EXT. PARK SA BAYAN. SAN LAZARO. UMAGA

Magkasama si Andrew at Carmela sa Bayan, nagtungo sila sa parke malapit sa plaza at simbahan upang makapag-usap.


ANDREW

Mamshie, ako na ang humihingi ng pasesnsya sa mga sinabi at ginawa ng kapatid kong bruha sa'yo.


CARMELA

Kaya ko namang tiisin lahat ng sakit pero huwag lang ang anak ko. Diyos ko, kagabi pa ako halos mamatay sa pag-aalala sa kanya.


ANDREW

Huwag kang mag-alala dahil kumikilos pa rin ang mga tauhan ko ngayon sa paghahanap sa kanya. (Biglang tumunog ang iPhone niya.) Excuse me. Hello?


MARGOT

Hello? Tita Drea?


ANDREW

Oh, Margarita! Why? Napatawag ka?


MARGOT

Nasaan ka, Tita? Nasa Bayan ka ba kasama ang mother ni Sab?


ANDREW

Sinong Sab?


MARGOT

I'm sorry, I mean si Sabriela.


ANDREW

Yes, why?


MARGOT

Nasaan kayo?


ANDREW

Nandito sa park malapit sa plaza.


MARGOT

Diyan lang kayo, pupuntahan ko kayo. May dapat kayong malaman.


ANDREW

Sure. Hindi mo ba pwedeng sabihin sa phone na lang? (Atat eh.)


MARGOT

No, this is too important, Tita. Kailangang malaman mismo ng mother niya. Nandiyan na ko mga ten minutes, okay?


ANDREW

O-kay.


EXT. SA MAY MALAWAK NA LUPAIN MALAPIT SA MANSION DE BAROSA. UMAGA.

Katulad ng normal routine ni Leiah ay nangangabayo na naman siya ngayon suot ang kanyang equestrian attire. Nang magsawa siya ay ibinalik niya sa kwadra ang kanyang favourite horse na si Silver Stallone. Pabalik na siya ngayon ng mansion nang heto na naman ang hunk na si Pietro para bwisitin ang araw niya.


PIETRO

I missed you, future wife.


LEIAH

Nagtataka na talaga ko dahil basta-basta ka na lang nakakapasok dito. (Well, dahil telenovela ito, girl.)


PIETRO

I can find any way just to see your beautiful face.


LEIAH

Oh, shut up. Ano na naman ang kailangan mo bukod sa bwisitin ang umaga ko?


PIETRO

Napag-isipan mo na ba ulit mabuti ang proposal ko sa'yo?


LEIAH

(Nag-roll eyes.) Come on, wala akong oras para pag-isipan ang mga walang kwentang bagay katulad mo.


PIETRO

(Natawa at mas lalong na-challenge sa pagiging hard to get ni Leiah.) Same as usual, kaya mas lalo kitang nagugustuhang makuha.


LEIAH

(Nainis dahil hindi talaga tinatablan si Pietro ng bagsik niya.) Get the fuck out here.


PIETRO

I really don't like to play games with you, Leiah. (Sumeryoso.) Sasabihin ko sana sa'yo 'to pagkatapos ng libing ng iyong ama pero hindi na ako makapaghintay. (Lumapit lalo at hindi natinag si Leiah.) Mayroon akong sikretong hindi mo dapat malaman, isang sikreto na tiyak kong ikagagalit mo sa oras na malaman mo.


LEIAH

And don't tell me na sasabihin mo lang sa'kin 'yon kung papayag akong magpakasal sa'yo? Hindi ako ganon ka-estupida. (Nagtaas ng kilay.)


PIETRO

(Natawa lalo.) No, no, no, I'm not like that, at alam kong hindi ka nga ganoon ka-tanga. Ang sikretong hindi mo dapat malaman... na hindi ikaw ang magiging Primo Propietor.


LEIAH

(Parang umakayat lahat ng dugo niya sa ulo sa narinig.) Nice try to provoke me. (Aalis pero hinigit siya sa braso ni Pietro.)


PIETRO

Do you know why?


LEIAH

(She's starting to get nervous dahil ito ang pinaka-ayaw niya sa lahat.) I don't care—


PIETRO

Ibig sabihin hindi pa sinasabi sa inyo ng family lawyer niyo ang 'customs' ng inheritance ng Primo Propietor title. Dahil hindi mo pa alam na tanging lalaki lamang pwedeng magmana ng trono.


LEIAH

That's absurd! (Now she's mad. As in totally mad.)


PIETRO

It's up to you kung maniniwala ka sa'kin o hindi. Pero tandaan mo ang mukhang 'to, Leiah, sa oras na narinig mo mismo ang katotohan ng 'tradisyon' ng mga Barosa. Kakailanganin mo ako.


LEIAH

Lumayas ka sa harapan ko! Layas! (Histerikal na siya pero nanatiling kalmado si Pietro kahit na nagsisisigaw na siya.)


PIETRO

I swear to gods, Leiah. Ako ang magiging kakampi mo sa labang ito. (Then he walks away, grinning.)


LEIAH

He's trying to say na hindi ako ang magiging Primo Propietor kung hindi ko siya pakakasalan? No fucking way. Leiah gets what she wants, without any man.

(Then she remembered him, Kennard. Her ex-husband. She changed—because of him.)


Hindi nila alam na kanina pa nanunuod si Misha mula sa bintana ng kwarto niya.


EXT. PARK SA BAYAN. SAN LAZARO. UMAGA

Kakaibis lang ni Margot sa motor niya at di kalayuan ay may isang itim na sasakyan, may dalawang tao sa loob nito ang nagmamantyag sa kanya na hindi niya alam ay matagal na siyang sinusundan—walang iba kundi ang Mortell brothers, Marlon and Macoy.


MACOY

She's really hot in person. (Nasa-passenger's seat at nasa driver's seat naman si Marlon.) You're so lucky if you caught her.


MARLON

How can I get her?


MACOY

Nakapag-establish na kayo ng rapport sa isa't isa noong "iniligtas" mo siya sa fake abduction at sa gubat. Don't worry, I'll prepare more scenes and script for you, brother.


MARLON

That Andrew Barosa, can we get rid of him? Nakakahalata siya sa'kin?


MACOY

As much as possible kapag mag-iinteract kayo ni Margarita, dapat walang nakakakitang ibang Barosa. Mahirap na at baka madiskubre nila na isa kang Mortell.


MARLON

Hindi ko dapat sinabi ang totoo kong pangalan.


MACOY

That'll complicate more, bro. Just play naturally. Malakas ang instinct ko na madali lang mapo-fall sa'yo si Margarita. I can sense that she's really a lonely soul, longing for approval and love.


MARLON

Then?


MACOY

We know their "customs", Marlon. Walang tagapagmanag lalaki si Don Rico Andreigo, and according to their "ancient" tradition, lalaki lang ang pwedeng maging Primo Propietor, the next in line to the throne is Andrew Barosa but he changed his gender. So...


MARLON

That leaves no heir.


MACOY

Unless merong mas malapit na relative ang mga Barosa na lalaki na maaaring mag-success ng title. Pero according sa research natin, walang mga anak na lalaki si Andrada Barosa-Lim at Gwenella Barosa-Nacional. Unles... One of the daughters of Rico Andreigo will have a first-born-son, dito mapupunta ang titulo. Absurd tradition right?


MARLON

I still don't get it.


MACOY

Me too. Pero wala na akong pake sa ancient history ng pamilya nila kung bakit. This is an opportunity for us, you know. Bago pa tayo maunahan ng ibang 'mangingisda', we need to bait one of them, and let's catch the easiest.


MARLON

And the easiest, you believe, is Margarita Barosa.


MACOY

Yes. (Natawa bigla.) Imagine, kailangan mo lang siyang buntisin, bro. It's just a matter of 'paunahan' kung sino sa kanilang tatlo ang magkakaanak ng first-born-male. Nakakatawa talaga.


MARLON

Aside from that. We also have another issue to settle.


MACOY

I know. A revenge.


-xxx-




A/N:

Young Agaton on the multimedia. Btw here's the other selected fictional characters:

Ina Raymundo as Carmela Garcia (She's a hot momma, and mainstream TV nowadays portrays her as the mayaman kontrabida. Her role for HB as the poor but hot mama of Sabing fits for me.)

Nonie Buencamino as Barnabas "Barney" Lisano (Omg, when he's the actor you already have a hunch that there's something fishy in his character and yeah, Barney is a kind of fishy character, di ko lang alam kung bagay sa itsura niya 'yung hating-libro-hairstyle and the flower shirt outfit, but the role is perfect for him.)

Cacai Bautista as Aileen (The sidekick will play an important role later on. Who knows? Cacai will do well in her role.)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro