Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

EPISODE 2: The Martyr


EPISODE 2: The Martyr



ANG NAKARAAN SA HACIENDA BAROSA: Nakilala natin ang panganay na anak ni Don Rico Andreigo Barosa na walang iba kundi si Reyna Lazaleiah Barosa o mas kilala bilang Leiah, isang terror na boss at binansagang Hitler ng kanyang mga empleyado. Nang malaman ni Leiah ang balita na pumanaw na ang kanyang ama ay kaagad siyang nag-vacation leave upang pumunta agad sa kanilang bayan, bahagyang nagluluksa ngunit mas nangingibabaw ang kanyang ambisyon---ang maging susunod na tagapagmana ng Hacienda Barosa.


CROSS FADE.



INT. CONDO SA MAY ESPANYA MAYNILA. UMAGA.

Makikita ang alarm clock at pagpatak nito sa ala-siete ay bigla 'yong tutunog at maglilikha ng ingay. May kamay na makikita, papatayin nito ang alarm clock. Pag-usod ng camera pagilid ay makikita ang babaeng babangon mula sa pagkakatalukbong, maalarma siya at magigising naman ang katabi niya.

TROY

It's too early to rise, my love.

(Pipigilan siya sa pagbagon at hihilahin ang nobya.)

MISHA

Male-late ako kapag hindi ako kaagad kumilos.

(Natatawa at kaagad na babangon din.)


Pagkatayo ni Misha ay kinuha niya ang nakapatong na damit sa table, maluwag na T-shirt kasi ang suot niya at shorts na pinahiram sa kanya ng nobyo.


TROY

Ihahatid na kita.

(Bumangon din at makikitang walang suot na pantaas, kita ang kanyang six-packed abs.)

MISHA

No, ma-stuck lang tayo sa traffic. Mas mabilis kapag magko-commute ako. Atsaka mamaya pa ang klase mo.


Pumunta si Misha ng banyo at naligo. Pagkatapos magbihis ay lumabas siya at nakitang naghahanda si Troy ng agahan sa mesa. Studio type kasi ang condo kaya may kaliitan, pangdalawang tao lang ang pwedeng tumira. Naki-overnight si Misha sa condo ng boyfriend niya dahil kinailangan niyang magpatulong dito sa kanyang masteral thesis. Wala namang nangyari sa kanya, kaya wag kayong malisyoso. Isa si Misha sa mga endangered species na naniniwala sa prinspyong 'Marriage before sex' kaya nagpapasalamat siya na understanding naman ang kanyang nobyo.

TROY

Grab some breakfast before you go.

MISHA

Hindi na. I'm sorry, babawi ako sa'yo.

(Inayos ang mga gamit niya na nagkalat sa study table.)

TROY

Babe, you're too serious, you know.

MISHA

Alam mo naman kung bakit ako purisigido, 'di ba?

(Huminto at ngumiti, pagkatapos ay nagpatuloy ulit sa pag-aayos.)


Ang alam ni Troy ay pursigido si Misha para ma-promote ito sa trabaho para magkaroon ng mas mataas na sahod. Pero ang totoo wala siyang kaalam-alam sa totoong pagkatao ng kanyang nobya at ang madilim nitong nakaraan mula sa malayong lugar.

Makalipas ang sandali, matapos makapag-ayos ng sarili at ng gamit si Misha ay handa na siyang umalis.


MISHA

I'll see you later.

(Humalik sa pisngi ni Troy.)

TROY

Your place?

MISHA

Sabi ko sa'yo pagluluto kita para makabawi ako sa'yo sa pagtulong sa'kin.

TROY

Sure.


Lumabas na si Misha at tila nakahinga siya ng maluwag. Aminado siya sa sarili niya na kaya lang naman niya sinagot si Troy ay para maging convenient sa kanya ang mga bagay-bagay, katulad na lang minsan may taga-hatid at sundo siya, o kaya'y may katulong siya sa thesis. Co-prof kasi niya si Troy at walang gaanong nakakaalam ng kanilang relasyon.

Siya si Andreia Mishal Barosa o mas kilala bilang Professor Misha Lisano, may maikling buhok, mestiza, at nakasuot ng salamin sa mata. Isang Magna Cum laude graduate mula sa isang tanyag na uniberisdad at isa na ngayong professor and researcher sa Social Sciences Department. Walang nakakaalam sa Unibersidad na pinapasukan at maging ang kanyang nobyo na isa siyang Barosa at heredera mula sa isang mayamang angkan maliban sa kanilang College dean.Mahirap na at mas pinili niya kasing mamuhay ng low-profile.

She ran away from home at the age of 20 at 7 years na siyang namumuhay mag-isa sa siyudad matapos ang isang insidente.

And right now, she's contented living her life in a simple way. Or... She's trying to convince herself that she does not deserve the best, unlike her older sister, Leiah.


EXT. ISANG SIKAT NA UNIBERSIDAD SA INTRAMUROS MAYNILA.

Ipapakita ang buong shot ng isang tanyag at lumang unibersidad at magsu-zoom sa logo nito. Makikita rin sa labas ang mga estudyanteng naglalakad na galing din sa iba pang unibersidad. Malilipat ang shot sa main gate, at ayun si Misha na mabilis na naglalakad at bigla siyang haharangin ng guard.


GUARD

Ay, sorry mam! Faculty po pala kayo rito

(Ngiting aso si kuya dahil sa chix.)


Hindi siya pinansin ni Misha at matipid na ngiti lang ang sinagot Naglalakad siya sa hallway papuntang Faculty room at lahat ng makasalubong na estudyante ay binabati siya.


ESTUDAYNTE 1

Hi, mam!


ESTUDYANTE 2

Good morning, Mam Misha!


Tinanguan lamang niya ang mga ito hanggang sa marating niya ang Faculty room ng Social Science Department sa College of Letter and Arts. Marami pang bumati sa kanya, normal na 'yon araw-araw, dahil bata pa siya at bonus na maganda pa, 'di maiiwasang kagiliwan siya ng mga estudyante. 

Ito ang simpleng buhay ni Misha araw-araw, umiikot sa eskwelahan at sa kanyang thesis. Sa tuwing sumasagi sa kanyang isipan ang kanilang hacienda ay nalulungkot lang siya. Marami kasi siyang gustong kalimutan. 


INT. CLASSROOM SA *INSERT FAMOUS SCHOOL NAME* SA INTRAMUROS.

Naglilibut-libot si Misha sa buong klase habang hawak ang libro na Rizal Without The Overcoat ni Ambeth R. Ocampo, habang nakasulat sa pisara ang buong pangalan ni Dr. Jose Rizal. Isa kasi ito sa mga subjects na hawak niya at mga graduating students ng Architecture ang tinuturuan niya. Tahimik naman ang lahat at taimtim na nakikinig sa kanya. 

MISHA

(Naglalakad-lakad sa classroom)

Have you ever wondered what if Jose Rizal is not the chosen National Hero of the Philippines?

(Rhetorical ang question kaya walang sumagot at nagpatuloy lang siya sa pagsasalita.)

Well, ang tanong talaga ay kung bakit si Dr. Jose Rizal ang napili upang maging pambansang bayani.


Someone raised a hand kaya huminto si Misha para tawagin ang sumagot.


ESTUDYANTE 1

Aside from the fact that he fought for freedom, he was hailed as the hero because the way on how he died, compared to Marcelo H. Del Pilar, who is also an option for the title, Rizal's death is way more dramatic and inspiring to ignite the Filipino's heart.


MISHA

Very good. That's correct.

(Umupo ang estudyante at muling nagpatuloy si Misha.)

But even before his execution on December 26, 1896, he is already considered as a hero. Due to the suspicions of the Spaniards in his involvement in the Katipunan—


Biglang tutunog ang walang kamatayang Iphone Ringtone at marerealize ni Misha na sa kanya pala 'yon, pupunta siya sa desk sa harapan, at io-off sana ang phone nang makita niya ang isang unregistered number.

Nagdalawang isip saglit si Misha pero ewan niya kung bakit may naramdaman siya na kailangan niya 'yong sagutin. Kinuha niya ang cellphone at hinarap ang buong klase.

MISHA

Excuse me for a while.

(At kaagad siyang lumabas ng classroom at pinindot ang answer button.)

Hello?


???

(boses ng lalaki)

Is this Andreia Mishal Barosa?


MISHA

S-speaking.

  (Medyo nagulat siya dahil sa pagbanggit ng buo niyang pangalan, napalingon pa nga siya at sinigurong walang tao na malapit dahil walang nakakaalam dito na isa siyang Barosa.)  


???

(Boses ng lalaki.)

This is Attorney William Guerrero, and I'd like to inform you that your father, Andy Barosa, passed away yesterday.


MISHA

(Sa sobrang gulat niya ay kulang na lang ay mag-walling siya.)

A-ano? I-is this a joke?


ATTY. GUERRERO

This is an urgent matter, Misha. You are requested to go home immediately.


Hindi na siya nakasagot at wala siyang nagawa kundi ibaba ang tawag.Pumasok siya sa loob ng classroom at kitang-kita ang pagkaputla ng kanyang mukha, nawala ang energetic aura niya kumpara kanina noong nagtuturo siya.

MISHA

I'm sorry, class. I need to dismiss you early. May emergency lang ako na kailangang puntahan.


(Hindi na niya hinintay mag-react ang klase niya at kaagad niyang dinampot ang hand bag at nagmamadaling umalis.)


Hindi na nakapasok si Misha sa mga sumunod niyang klase, ni hindi na nga siya nakapagpa-consult sa kanyang masteral thesis adviser sa sobrang kabiglaan sa natanggap na balita. Sobrang lutang niya at hindi alam ang gagawin. Kailangan niya ng makakausap, kailangan niya ng karamay.

Kaya napagpasyahan niyang bumalik sa condo ni Troy. 


INT. CONDO SA MAY ESPANYA MAYNILA. HAPON.

Seven pm pa matatapos ang klase ni Misha pero alas dos pa lang ng hapon ay pumunta na siya sa condo ni Troy kahit na usapan nila na mamayang gabi ay doon sila sa apartment niya magkikita. Sobrang bigat ng nararamdaman ni Misha.

Hindi sinasagot ni Troy ang mga tawag niya kaya dumiretso na siya 'agad sa unit nito, kilala naman na siya ng guard. Mabuti at may spare key siya ng pinto dahil binigyan siya ni Troy.

Pagkabukas niya at pagpasok sa loob ay nakarinig siya ng mga halinghing.


MISHA

Troy?


At laking gulat ni Misha nang mahuli niya sa akto na may kahalikang ibang babae ang boyfriend niya. Nasa kama ang mga hayop at halos maghubaran na. 

Halos mapatalon si Troy ng makita siyang nakatayo.


TROY

M-misha? L-let me explain!


Kaagad lumabas si Misha ng unit pero hinabol siya nito. Hindi na nakakawala ang luha sa kanyang mga mata, hindi niya alam kung naiiyak ba siya dahil patay na ang papa niya o dahil sa panloloko sa kanya ni Troy.

TROY

Misha, wait!

(Pinigilan siya sa braso.)

MISHA

(Pilit na tinanggal ang kamay ni Troy.)

Wala ka ng dapat ipaliwanag. Troy, I trusted you! 

TROY

Misha, please... It's not what you think!

MISHA

'Di mo ko maloloko! Hindi lang makamot 'yang kati mo magpapakamot ka na sa iba?! We're over, Troy.

(Kalmado niyang wika at kaagad na iniwanan ito.)


Sa totoo lang ay nagdadalawang isip si Misha na umuwi sa kanilang hacienda dahil nga sa mga pangit na alaala na naiwan doon. Pero nang traydurin siya ng taong akala niyang mapagkakatiwalaan ay nagkaroon siya ng dahilan para takasan ang mundong kinabibilangan niya ngayon na akala niya ay payapa na siya. 

Nagdesisyon si Misha ora mismo, uuwi siya ng Hacienda Barosa. 


INT. HALLWAY SA PAREHONG LUGAR NA UNIBERSIDAD SA INTRAMUROS.HAPON.

Kinabukasan ay kaagad na nagtungo si Misha sa Dean's Office. Kakalabas lang ni Misha at nakausap ang kanyang boss. Nagawa niyang makapag-paalam ng maayos para kaagad na umalis. 

Ilang beses siyang tinawagan at tinext ni Troy pero wala na siyang balak sagutin pa ang mga 'yon. 

Naglalakad siya habang maraming iniisip, bukod sa panloloko ni Troy, ang pagkamatay ng kanyang mahal na ama, at ang pagbabalik niya sa lugar na pilit niyang kinalilimutan, ang Hacienda Barosa. Remembering that place triggers all the painful memories, ang kompitensya nila ng kanyang Ate Leiah at ang isang lihim na matagal niya ng pinipilit ibaon sa hukay.  


MISHA

Pero kailangan kong umuwi. Kailangan kong umuwi para kay Papa Andy.


She knew she had no choice, she has to face them all, including Leiah, na panigurado ay mamaliitin ang kung anong meron siya ngayon. Marami na siyang isinakripisyo, at nilunok niya lahat ng masasakit na salita.

Misha still remembers it...And she knew that Leiah won't stop until she raised her white flag, dahil alam niyang siya ang isa sa malaking threat nito sa trono.

She knew something that she was never supposed to know.

She knew that Leiah is not the deserving queen she thinks to be. 





xxx


Bea Alonzo as Andreia Mishal Barosa

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro