EPISODE 15: Alianza
EPISODE 15: Alianza
EXT. MANSION DE BAROSA. ENTRANCE. GABI.
Madaming mga mamahaling sasakyan ang nakahilera papasok sa loob ng manor. Idagdag mo pa ang high security at mga pulis na nag-eescort dito. Bubukas ang gate at papasok isa-isa sa loob ang mga mamamahaling sasakyan, Ferrari, Aston Martin One, Mercedes Benz, Bugatti Veyron, BMW, Audi, Porsche Panamera, Volkswagen Phaeton, Jaguar XJ, Maserati Quattroporte, name all the luxury cars you knows.
Halos mapanganga naman ang mga alipin ng hacienda na nasa gilid at hinaharangan ng mga security sa nakikita nilang tila exhibition ng luxury cars.
Nakatayo sa entrada ng mansion ang labing isang "Head" of the families at sabay-sabay na pumasok sa loob kasabay ng pagbibigay pugay sa kanila ng mga alipin.
INT. MANSION DE BAROSA. GREAT HALL. GABI.
Ikatlong gabi ng burol. Ngayong kumpleto na ang mga heredera ni Don Rico Andreigo o ang Barosa Sisters, nagsidalo ang lahat ng kasabi ng Alianza de Familias ng Bayan ng Rosaroso. Sa pamumuno ng mga Barosa, ang alyansa ay binububuo ng mga pamillyang Rosaroso, Torrero, Moruga, Simsuangco, Manzanares, Del Pozo, Madriaga, Almendara, Ceron, Quiroga, Lim at Nacional.
Hinidi mo mawari kung burol ba o isang enggrandeng party ang ganap dahil sa dami ng mga "high class" people na nandito, lahat ay nakapustura at nakasuot ng eleganteng mga damit. Di kalayuan ay abala ang tatlong magkakapatid sa pagbati sa kanilang mga bisita.
Si Leiah, as usual, ang nag-eentertain sa mga 'Head' of the families, assuming na sa kanya na talaga ang role na 'yon. Nakasuot siya ng Long gold dress, v-neck kung kaya't kita ang kanyang cleavage, front slit exposing her sexy legs, at ang kanyang trademark hairstyle na updo messy elegant hair. Pinarisan din niya 'yon ng golden drop earrings.
DON TORRERO
My goodness, Leiah, it's been a long time, my dear.
(Bumeso kay Leiah.)
LEIAH
It's good to see you, Tito Robert. How's your company?
Si Misha naman ang nag-eentertain sa mga iba pang miyembro ng mga pamilya. Nakasuot naman siya ng long sleeve bateau neck red vintage evening dress. Hindi siya nagsuot ng contact lense kaya nakasalamin pa rin siya, may light make up, at nakalugay lang ang buhok.
MISHA
Kamusta, tita?
DONYA MARTHA
Ayon, ang Tito Robert mo...
(bumulong kay Misha.)
Nambababae pa rin.
At si Margot ang masayang nakikipag bonding sa mga teenagers at mga bagets, nakasuot ng Bold Move Navy Maxi Dress, backless, highslight sa front, crisscross spaghetti straps and back zipper closure. Style with pointed heels and a cluth to knock 'em dead.
BATANG BABAE
Tita Margot!!!
(Tumakbo at yumakap kay Margot.)
MARGOT
Hello,sweetie. (Binuhat ang bata at hinalikan sa pisngi.)
Dumalo rin ang iba pang mayayamang pamilya para makipagsocial climber—este makipag-socialize dahil bibihirang pagkakataon lang magsama-sama sa isang event ang Alianza de Familias. May iba na nagsiseek ng business opportunities, 'yung iba naman ay sadyang nakikiramay lang sa pagkamatay ni Don Rico, at 'yung iba ay sadyang mayroong hidden agenda.
Narito rin ang pamilya Yupangco, Sotelo, Ibañez, Zorita, at iba pang pamilya na umaaligid sa Hacienda Barosa. Di kalayuan ay nag-uusap ang magkaibang Kenneth Yupangco at Felipe Ricablangca.
FELIPE
(May hawak na wine.)
Ibang klase, akala mo ay party ang pinuntahan natin.
KENNETH
(May hinahanap.)
FELIPE
Sino bang hinahanap mo?
(At nang huminto si Kenneth ay nakita niya ang hinahanap nito.)
Ahh kaya naman pala. Bro, baka nakakalimutan mo na ikakasal ka na kay Pauline.
KENNETH
(Tumingin kay Felipe.)
Alam ko. It's just that...
FELIPE
Nako, Kenneth, huwag mong sabihing mahal mo pa rin si Misha?
KENNETH
What are you saying? (Trying to dismiss what Felipe said.)
Nga pala, nakita mo ba si Kuya Kennard, pupunta raw siya dito.
FELIPE
Si Kennard? Pupunta?
KENNETH
Oo raw eh.
FELIPE
Sigurado ba siya? Baka gusto niyang sabugan siya ng bomba ni Leiah?
KENNETH
(Pinanlakihan ng mata si Felipe dahil baka may nakarinig sa sinabi nito.)
FELIPE
Joke lang, alam mo naman na isa siya sa dahilan kung bakit nag-away dati ang mga Barosa at Yupangco.
Napatingin na lang si Kenneth sa kawalan dahil sa sinabi ni Felipe. Sa kabilang banda ay naroon din ang magkaibigang Duke, James, at Jaylord, nagsa-sight ng mga magagandang babae na pwede nilang bingwitin, dahil ang mga ito ay anak ng kanya-kanyang mayayamana na pamilya.
DUKE
Ayun, pre, maganda.
(Pasimpleng nguso sa isang chix.)
JAMES
Anak 'yan ni Quiroga, gusto mo bang maputulan ng ulo?
JAYLORD
Well, if the riches are worth it.
DUKE
Come on, guys, we also came from a rich family, hindi lang tayo bahagi ng Alianza de Familias kaya tayo ang underdogs dito.
JAMES
Paano ba magiging parte ang pamilya natin ng Alianza na yan?
JAYLORD
Seriously, James? Hindi ba sa'yo tinuro ng daddy mo ang tungkol doon?
JAMES
I don't like to listen to that old fart.
DUKE
Well, to be part of the Alianza de Familias, you have to marry a Barosa. Basically, the alliance is a circle of the family in Hacienda Barosa, and they rule the whole land of Rosaroso.
JAMES
Pangalan ng bayan na 'to ang Rosaroso, and I heard they're also a clan?
JAYLORD
Yes, they are the first family in this land, later on pinangalan sa kanila ang lugar, then a Barosa came, nagsama ang dalawang pamilya and boom, Hacienda Barosa is born.
DUKE
They were called, "the Rose family". And that family started to expand their influence by making allies with other families. Rumors said that they were too powerful at ni hindi sila na-colonize ng Spanish, Americans, and Japanese!
JAMES
Woah, how the fuck did that happen? Pero, hindi niyo pa rin nasasagot 'yung tanong ko kung paano maging parte ng Alianza.
JAYLORD
God, dude, you're not listening. Kailangan mong magpakasal sa isang Barosa para maging parte ang pamilya niyo ng Alianza.
DUKE
At hindi ka ba nagtataka kung bakit ang daming tao rito ngayon?
(Tinuro pa ang mga tao.)
JAMES
Uhm... Why?
JAYLORD
Seriously? (Medyo napa-face palm.) Well, bukod sa dahil bihira ang okasyon kung saan nagpapapunta ang Barosa dito kahit hindi member ng Alianza, at bukod din sa business opportunities... (Tumingin siya sa direksyon ng Barosa Sisters.) It's because of them.
DUKE
Yes, the heiresses of Don Rico Barosa. Sa pagkakaalam ng lahat, they're all single, not yet engaged. And bro! Look at them, they're all fucking gorgeous.
JAMES
And it means all of the families here...
JAYLORD
Are interested in them. Sabihin na nating may marriage proposal competition ang meron dito.
DUKE
They are the best catch.
Hindi nila alam na naririnig pala sila ni Pietro dahil tahimik lang ito sa isang tabi habang umiinom ng wine. Sang-ayon siya sa mga narinig niya, the Barosa sisters are the best catch, pero kung siya ang papipiliin, the best among them is Leiah, the eldest, and most likely the next Primo Propietor. And knowing him, he will always choose the best among the best.
Naglakad siya palapit kay Leiah habang kinakausap nito si Don Torrero, ang head of the family ng Torrero clan.
PIETRO
Good evening.
(Natigilan si Leiah at Don Torrero. At bumeso siya kay Leiah!)
DON TORRERO
Oh. (Nag-assume agad na nobyo ito ni Leiah.) I know you.
LEIAH
Puñeta! Anong ginagawa niya rito? (Pilit ngumiti dahil kaharap niya si Don Torrero.)
PIETRO
Hello, sir, I am Pietro Ibañez.
DON TORRERO
Sabi ko na nga ba, anak ka ni Hector. (Nakipag-kamay kay Pietro.) Leiah, you never mentioned me that you're seeing the next Governor—
LEIAH
You're mistaken—
PIETRO
Presumably the next Governor of Rosaroso. (Tumingin kay Leiah at kinindatan ito.)
DONYA MARTHA
(Biglang sumingit.)
Honey, can I talk to you for a second?
DON TORRERO
Excuse me.
(Iniwan si Pietro at Leiah.)
LEIAH
(Pabulong pero nanggigigil.)
Just what the hell are you trying to do, mister.
PIETRO
(Pasimpleng hinawakan si Leiah sa braso. Mahigpit kaya hindi nakapalag si Leiah.)
I want to show these people that you are already mine.
LEIAH
Ang kapal na masyado ng mukha mo para sabihin 'yan.
(Naglakad-lakad sila at hindi pinahalata sa mga tao ang tensyon sa pagitan nila. Nagbulungan ang mga tao dahil nakahawak si Pietro kay Leiah at nag-assume ang mga ito na may something sa kanila.)
Don't make me do the worst thing, Mr.Ibañez.
PIETRO
Sa oras na malaman mo, ikaw pa mismo ang lalapit sa'kin para ayain akong magpakasal.
LEIAH
(Umismid at huminto sila sa paglalakad. Hinarap si Pietro.)
I won't fall to your games.
PIETRO
(nilapit ang mukha kay Leiah at bumulong.)
You will.
(At umalis.)
Naiwan si Leiah na walang magawa kundi mainis, sira na ang gabi niya dahil sa lalaking 'yon. Pero aaminin niya na hindi na siya natutuwa dahil kinakabahan na siya sa kung ano mang alam nito. Samantala... Papalabas na si Misha ng Great Hall nang may tumawag sa kanya.
KENNARD
Misha?
MISHA
(Paglingon niya ay gulat na gulat siya nang makita ang kanyang first love, si Kennard Yupangco, kuya ni Kenneth, ang pinaniniwalaan niyang inagaw sa kanya ni Leiah.)
H-hello.
KENNARD
Kakarating ko lang, sorry, kung hindi ako nakasabay kay Kenneth noong isang araw. Condolence pala.
MISHA
K-kamusta ka na?
KENNARD
Ok naman.
(Ngumiti.)
Kenneth?
MISHA
(Napalingon at nakita si Kenneth na papalapit sa kanila.)
Shit naman.
KENNETH
Kuya, buti nakauwi ka na?
KENNARD
(Natatawa na tumingin siya kila Kenneth at Misha.)
These bring me back the memories, parang dati lang mga bata pa tayo.
MISHA
Shit, wag mong simula 'yung flashback.
KENNETH
(Tumingin kay Misha.)
Pwede ba kitang makausap?
MISHA
Ano na naman kailangan nito?
KENNARD
Sige, iwan ko na kayo, I'll pay my respect to Misha's father.
(Pumasok na siya sa loob at saktong napahinto nang makita siya.)
Leiah?
LEIAH
(Natigilan at parang nakakita ng multo. Pero kaagad niyang inayos ang sarili.)
Hello, Kennard, mukhang nagkamustahan na kayo ng kapatid ko.
(Tiningnan niya si Misha na katabi si Kenneth, parehas gulat dahil sa encounter ng dalawa.)
KENNARD
I-I didn't expect...
LEIAH
Oh, feel free, Kennard.
(Naglakad siya at nilagpasan niya ito.)
It's good to see you, my ex-husband.
INT. MANSION DE BAROSA. LIVING ROOM. GABI.
May kausap si Gwen sa telepono, ibinaba niya 'yon at nakitang paparating sila Barney, Andrew, at Andra na kagagaling lang sa Great Hall.
ANDRA
I thought uuwi si Luke, Gwen?
GWEN
He can't make it.
BARNEY
Where's your son?
ANDRA
His adopted son kamo.
GWEN
Hindi pa nakakauwi from States si Gio. (Pasimpleng inirapan si Andra.)
BARNEY
Anyway, regarding my sister, Betty, nakatanggap ako ng tawag sa kanya.
ANDRA
May balak pa ba siyang magpakita?
(Naimbyerna.)
BARNEY
Mayroon siyang malalang sakit at kinailangan ng agarang gamut sa Amerika.
ANDREW
What?! Alam na ba to ng mga anak niya?
BARNEY
Hindi pa, kakatawag ko lang din sa kanya, kaya hindi na siya makakauwi. Sasabihin ko na lang siguro bukas bago ilipat sa Bayan ang burol.
GWEN
Speaking of, may narinig akong problema kanina, nabalitaan ko sa security, nasunog ang Barangay Maharlika.
ANDREW
Whaaat?! (Mas O.A. yung reaction niya.) Anong nangyari?! Bakit nasunog?!
GWEN
I don't know. The problem here is, dahil wala pang Primo Propietor, walang magbibigay ng direct command kung anong gagawin sa situation.
ANDREW
I volunteer! (Tinaas pa ang kamay.) Ako ang bahala magmando sa sitwasyon don, bukas na bukas!
ANDRA
(Napakunot)
Huh? Anong nakain mo at gusto mong tumulong sa mga alipin?
ANDREW
Don't call them such as alipin! I just wanted to help, that's all.
ANDRA
(Hindi kumbinsido.)
Anyway, babalik ako sa great hall dahil naghihintay ang husband ko. (Parang nananadyang iparinig kay Gwen at umalis.)
BARNEY
Mauuna na rin muna ako.
(Umalis na rin at naiwan si Andrew at Gwen.)
Nang mawala sila Andra at Barney sa sala ay naglakad papuntang taas si Gwen. Kitang-kita ni Andrew ang kakaibang lungkot sa itsura nito kaya sinundan niya ang kapatid.
INT. MANSION DE BAROSA. SECOND FLOOR. VERANDA. GABI.
Hindi namalayan ni Gwen na nakasunod sa kanya si Andrew kung kaya't medyo nagulat siya nang makita ang kapatid.
ANDREW
Hey, sisum, what's the problem?
GWEN
Marami lang akong iniisip.
ANDREW
Oh, come on, hindi ako sanay na makita kang low energy. Si Luke ba 'yan? Miss mo na hubby mo?
GWEN
(Bahagyang tinawanan sinabi ni Andrew.)
Haha, hindi.
ANDREW
Oh, ano nga?
GWEN
Can I trust you, Andrew?
ANDREW
(Lumapit kay Gwen at hinawakan sa balikat.)
Well, I won't force you to tell whatever's bothering you, sisum.
GWEN
(Napahinga ng malalim.)
It's about my child.
ANDREW
Who? Si Gio?
GWEN
Yes.
ANDREW
Hindi pa rin ba siya tanggap ni Luke?
GWEN
He knows, that's why hindi na niya ko inuuwian.
ANDREW
Ang alin? Alam naman niya na adopted mo lang si Gio ah.
GWEN
No, Andrew... Gio is my... Gio is my child.
ANDREW
H-ha?
GWEN
Anak ko siya kay Agaton. Two years before ako magpakasal kay Luke, pinanganak ko si Gio, and I registered his name... as Giovanni Barosa.
ANDREW
A-ano?! (Sobrang shookt) Gwenella, sigurado ka ba? Hindi 'to magandang biro! (Hininaan ang boses.) Y-you even registered his name...as Barosa...Alam mo ba kung anong ibig sabihin non?!
GWEN
Oo, alam ko.
Natahimik silang dalawa at hindi nila alam na nakikinig sa kanila ang dalawang malalaking tainga ni Gely at Marilyn na nagtatago sa likod ng higanteng vase.
GWEN
Sinasabi ko 'to sa'yo dahil may tiwala ako sa'yo, Andrew.
ANDREW
I'm so shookt... I don't know what to say...
GWEN
Kapag dumating ang oras na malaman ng mga anak ni Kuya Andy ang totoo... Maaaring manganib ang buhay ni Gio sa mga may interes sa trono ng Primo Propietor.
Dahil maaaring si Gio ang maging Primo Propietor.
FADE OUT
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro