EPISODE 11: Harana
EPISODE 11: Harana
EXT. SA LABAS NG DAMPA. GABI.
Urong sulong si Sarbriela dahil tiyak niyang malalagot siya sa kanyang Nanay Carmela dahil ginabi siya mula sa kanyang instant "first day" of job sa Cram's Restaurant sa Alizandra resort. Walang kaalam-alam ang kanyang ina na naging tiga-hugas at serbidora siya ngayong araw. Nag-iisip si Sabriela ng pwedeng ipalusot kung bakit siya ginabi.
SABRIELA
Okay, inhale, exhale. Kaya mo 'to, Sabing!
(Dahan-dahan siyang umakyat sa hagda hanggang sa makapasok siya sa loob ng bahay ng hindi lumilikha ng ingay.)
Samantala, saktong pagkapasok sa loob ni Sabriela ay papasok sa eksena ang paparating na Jester Trio ng barangay, sila Mang Jaja, Mang Menok, at Mang Larry. Pero sa pagkakataong 'to ay kasama nila ang makisig at gwapito na si Zachary, may dalang isang bouquet ng bulaklak na personal niyang pinitas para kay Sabriela, nakasuot ng long-sleeve polo si Zachary, naka-tuck in at nakapomada ang buhok.
ZACHARY
Mang Jaja, dapat hindi tayo pumalya rito ah. Pagkakataon ko na 'tong magpa-pogi points sa mahal kong si Sabing.
MANG JAJA
Wag kang mag-alala, Zachary boy, ha, kami bahala rito. Pagdating sa ganito, kami ang number one sa barangay na 'to.
MANG MENOK
Panglaban ako noon sa Tawag ng tanghalan!
MANG LARRY
Hah! At ako naman, kita mo naman 'tong gitara ko diba.
ZACHARY
Sige, sige, may tiwala naman ako sa inyo kaya nga kayo 'yung hiningian ko ng tulong eh.
MANG JAJA
Oh siya, siya, magsimula na tayo ha. Ikaw ang unang babanat, Zacharias.
ZACHARY
Sige, sige.
(Bumwelo.)
Mang Larry, bigyan mo ko ng malupit na intro.
MANG LARRY
Olyart.
(nagsimulang mag-bigay ng wapak na intro, finger style, feel na feel niya habang bumubwelo pa rin si Zachary.)
ZACHARY
(Kakanta pa lang pero di siya makasingit dahil nag-iintro pa rin si Mang Larry.)
MANG JAJA
Ayan na, pumasok ka.
ZACHARY
(Kakanta siya pero nagpapasakalye pa rin si Mang Larry hanggang sa nag-free style na ito sa paggigitara.)
MANG JAJA
Tarantado!
(Binatukan si Mang Larry.)
Magsosolo 'tong si Zachary! Nagsolo guitar ka dyan!
MANG LARRY
Bakit?!
MANG MENOK
Gago! Anong bakit?! Manghaharana nga tayo eh!
MANG LARRY
Ay, manghaharana ba tayo?
MANG JAJA
(Binatukan ulit si Mang Larry with BOINK! Sound epek.)
Ay hindeeee, waaaw namaaaan, kaya nga tayo pumorma ng ganito para magpalakas sa nililigawan nitong bata natin!
INT. SA LOOB NG DAMPA. GABI.
Pagpasok sa loob ni Sabriela ay inaasahan na niyang bubungad ang sermon ng kanyang ina ngunit katahimikan lamang ang sumalubong sa kanya.
SABRIELA
Nay?
(Nakita ni Sabriela si Carmela sa hapag habang nakatulala lang. Nilapitan niya si Carmela at niyugyog ng onti dahil parang wala itong narinig.)
Nay, okay ka lang?
(Nawala lahat ng rehearse niya kanina.)
Nay, umiyak ka ba? Bakit mugto 'yang mga mata mo?
(Matinding nag-aalala.)
CARMELA
Anak, may kailangan kang malaman...
(Hinang hina ang boses.)
SABRIELA
A-ano 'yon, nay?
(Kabado.)
CARMELA
I-ikaw ay...
Bigla silang nagambala ng ingay na naririnig nila mula sa labas dahilan para hindi masabi ni Carmela ang dapat niyang sabihin.
Samantala...
EXT. SA LABAS NG DAMPA.GABI.
MANG LARRY
Oh sige, ulitin na lang natin.
ZACHARY
(Kakamut-kamot.)
Mang Jaja, kayo muna kaya kumanta para susundan ko kayo mamaya.
MANG MENOK
Good idea, Larry, bigyan mo kami ng tugtugang Larry Miranda!
MANG LARRY
Rayt away!
(Nagsimulang magbigay ng intro.)
MANG JAJA
Oh ilaw.
MANG MENOK
Oh ilaw.
MANG JAJA
Sa gabing madilim.
MANG MENOK
Sa gabing madilim.
MANG JAJA
Wangis mo'y.
MANG MENOK
Wangis mo'y
MANG JAJA
Bituin sa langit
MANG MENOK
Bituin sa langit
MANG JAJA
Oh tanglaw
MANG MENOK
Oh tangnamorin
MANG JAJA
(Natriggered kay Menok at sinakal ito.)
Ba't ka nagmumura?!
MANG MENOK
Eh nagmumura ka rin!
MANG LARRY
(Binatukan 'yung dalawa, BOINK!)
Tangna nyo, magmurahan kayo diyan!
ZACHARY
Teka nga! (Inawat 'yung tatlo na nag-aaway away na.)
Para walang gulo, ganito na lang. Ako na lang kakanta.
(Huminto 'yung tatlo sa pag-aaway.)
Mang Larry, bigyan mo ko ng pang Parokya ni Edgar na kantahan.
MANG LARRY
Okidoki.
MANG JAJA
Mabuti pa nga para wala ng gulo.
Nagsimula ulit magbigay ng intro si Mang Larry, at nang makakuha si Zachary ng tiyempo ay kaagad siyang bumanat na mala Chito Miranda ang datingan.
ZACHARY
Uso pa ba ang harana? Marahil ikaw ay nagtataka Sino ba 'to, mukhang gagoNagkandarapa sa pagkanta At nasisintunado sa kaba Meron pang dalang mga rosasSuot nama'y maong na kupas At nariyan pa ang barkada Nakaporma naka barong sa awiting daig pa minus one at sing along
At dahil malapit na ang chorus ay biglang bubukas ang malaking bintana at dudungaw ang mag-inang Carmela at Sabriela sa kanila.
ZACHARY
Puno ang langit ng bituin At kay lamig pa ng hangin Sa'yong tingin akoy nababaliw, giliw At sa awitin kong ito Sana'y maibigan mo Ibubuhos ko ang buong puso ko Sa isang munting harana para sayo
Nag-apir si Mang Jaja at Mang Menok, at todo hataw lang sa gitara si Mang Larry. Mas ginanahan sa pagkanta si Zachary nang makita si Sabing, at si Sabing naman ay abot tainga ang ngiti dahil sa kilig na nararamdaman, hindi na niya dineny na natutuwa siya rito ngayon. Biglang nawala sa eksena si Carmela, at maya-maya'y bumalik ito dala ang isang timba na may tubig at inihagis ang laman sa apat. Pero dahil jester trio sila ay kaagad na nabuksan ni Mang Jaja at Mang Menok ang mga payong nilang dala.
CARMELA
Sabing ha. Doon ka sa kwarto.
(Strict si mother.)
Wala namang ibang nagawa kundi sumunod si Sabriela pero bago siya umalis ay pasimple siyang nag-wave kay Zachary at kumaway naman ito pabalik.
Alam ni Sabriela, sulit ang pagod niya maghapon dahil matutulog siyang may ngiti sa labi. Dahil dalaga na ang ating bida ay natural lang na ito ay lumandi—este umibig.
EXT. MASUKAL NA GUBAT. GABI
Inabot na nga ng dilim sila Margot at Marlon sa paglalakad sa gubat kaya no choice sila ngayon kundi magpalipas dito ng gabi. Nakalimutan na nila ng tuluyan na hinahabol sila ng mga masasamang loob at ngayon ay prente silang nakaupo habang pinanunuod sa gitna ang apoy na ginawa ni Marlon.
MARGOT
(Nakatitig sa kawalan)
Wala silang kaalam-alam sa kung anong nangyayari sa'kin ngayon.
MARLON
Gusto mo?
(Inabot kay Margot ang prutas)
MARGOT
Wala akong ganang kumain.
MARLON
Wala kang gana? Pagkatapos ng mahabang nilakad natin?
Hindi siya pinansin ni Margot dahil sa totoo lang ay nangingibabaw sa kanya ngayon ang kalungkutan kaysa sa gutom. Maya-maya'y pinatay na ni Marlon ang apoy dahil mahirap na't baka matunton sila ng mga taong humahabol sa kanila.
MARGOT
Diyan ka lang kung nasaan ka man at huwag kang magtatangkang lumapit sa akin.
(Babala niya.)
MARLON
(Ngingiti-ngiti lang.)
Okay.
Humiga sila parehas na may layo ng tatlong metro. Sinubukang matulog ni Margot pero na-realize niya na sobrang lamig pala kaya wala siyang ibang nagawa kundi mamaluktot. Literal na siyang nanginginig pero bigla niyang naramdaman ang isang mainit na pakiramdam sa kanyang likuran.
MARGOT
H-hoy!
(Sinubukan niyang pumalag pero nakayakap na 'to sa kanya.)
MARLON
Sshh...
MARGOT
Baliw ka!
MARLON
Hindi kita gagawan ng masama.
(Kalmadong kalmado lang.)
Natameme si Margot nang maramdaman niya na wala na ang pangininig na nararamdaman niya dahil sa body heat na pinagsasaluhan nila ngayon ni Margot. At dahil matindi ang sexual tension, napapikit na lang siya at nagdasal na sana bukas makauwi na siya ng buhay.
Pero aaminin niya.
Kailangan niya nga ng init ni Marlon.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro