Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Ikalawa

Naalimpungatan ako dahil sa narinig kong pagtawag ng aking pangalan. Nakatulog pala ako nang hindi ko namamalayan dahil sa kakaisip sa mga nangyari sa akin.

"Mabuti naman at gising ka na ate, Aloha. Kanina ka pa po kasi namin ginigising eh? Handa na po pala ang hapunan, tara na po," nakangiting bungad sa akin ni Elisa dahilan upang mapatingin ako sa kanya.

"Kung gano'n ay gabi na pala," tugon ko sa kanya kasabay noo'y napatingin ako sa nakabukas pang bintana atsaka natanaw ang nakakasilaw na liwanag ng buwan at mga bituin.

"Oo nga po eh? Mukhang ang sarap ng tulog niyo ate ah. Kaya siguro hindi ni'yo napansin na gabi na at kanina pa namin kayo ginigising," paliwanag nito habang nakatingin din sa labas ng bintana.

"Ah gano'n ba? Sorry ah, sige tayo na sa kusina para makakain na tayo," aya ko sa kanya dahil ramdam kong nagugutom na siya.

Naglakad kami papunta sa kusina at kaagad na naupo pagkarating namin sa hapag. Hindi kalauna'y nagsimula na rin kaming kumain.


----

"Oh Aloha ba't 'di ka pa nagpapahinga? Masama sa buntis ang nagpupuyat," tanong ni aling Lolita nang makita niya akong nakadungaw pa rin sa may bintana.

"Mamayang konti na lang po siguro. Magpapahangin lang po ako sandali," tugon ko rito. Nilingon ko rin siya kasabay noo'y ngumiti ako upang mapanatag siya. Alam ko kasing nag-aalala siya sa kalagayan ko at nang masiguro niyang maayos naman ako ay nagpaalam na rin siya at kaagad na nagtungo sa higaan nilang mag-ina para makapag-pahinga na rin.

Nakaupo ako ngayon sa isang upuan na malapit sa bintana habang tahimik na pinagmasdan ang buwan at mga bituwin. Lagi ko na lang naaalala ang nakaraan, kung paano ako iniwan ni Joshua at kung paano ako itakwil ng mga magulang ko. At sa tuwing naaalala ko 'yon ay agad akong binabalot ng kalungkutan.

Nami-miss ko na po kayo mommy, daddy. Kumusta na po kaya kayo d'yan? Halos dalawang buwan na pala akong nananatili dito sa isla at dalawang buwan ko na rin kayong hindi nakikita at nakakasama.

Hindi ko na napigilan ang aking mga luha at unti-unti na itong nag-unahan sa pagbagsak.

Hindi dapat nangyari sa 'kin 'to, kung sinunod ko sa daddy eh? Kung nakinig lang sana ako, 'di sana'y wala ako sa lugar na 'to, 'di sana'y kasama ko sila ngayon, 'di sana'y masaya ako ngayon. Pero ito na siguro ang kapalaran ko.

Medyo nahahalata na rin ang aking tiyan dahil nasa ika-limang buwan na ako ng pagdadalang tao. Napabuntong hininga na lang ako kasabay nito'y pinahid ko ang aking mga luha.


Kakayanin natin 'to anak, basta 'wag mo lang iiwan si Mommy huh, sa 'yo lang kasi ako kumukuha ng lakas. Malungkot kong saad  habang hinihipo ang aking tiyan.



----


Maagang umalis ng bahay si aling Lolita dahil may gagawin daw siya sa barangay, kaya heto at naiwan kami ni Elisa dito sa bahay.

Napadungaw naman ako bigla sa bintana nang may marinig akong nag-uusap sa tapat ng bahay.

"Elisa sino ba 'yang babaeng and'yan sa inyo?" Tanong ng lalaking estranghero sa aking paningin. Ngayon ko pa lang kasi siya nakita dito sa isla. At mukhang ako ang kanyang tinutukoy dahil ako lang naman bago dito sa bahay nila aling Lolita.

"Sino ba ang tinutukoy mo kuya Art?" Balik na tanong ng dalagita sa lalaki.

"Sino pa ba eh 'di 'yong magandang babaeng nakadungaw nagyon d'yan sa bintana ni'yo," sabi pa nito habang nginunguso ang kinaroroonan ko, kaya napalingon naman si Elisa atsaka ngumiti. Pero ako? Heto pulang-pula ang mukha, 'di kasi ako sanay na pinupuri lalo na kung isang estranghero ang gumagawa no'n.

"Ah si ate Aloha 'yan," mabilis naman nitong tugon, pagkuwa'y bigla na lang bumulong 'yong lalaki sa kanya, pero tumunghay muna ito sa kinaroroonan ko atsaka ngumiti. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Bigla na lang kasing bumilis ang pintig ng puso ko.

----

"Sino pala 'yong lalaking kausap mo kanina, Elisa?" Agad kong tanong pagkapasok nito sa bahay. Curious na talaga kasi ako dahil sa pagbubulungan nila at tiyak na ako ang kanilang paksa.

"Si kuya Art 'yon, anak siya ni kapitan. Bakit mo pala naitanong ate? Crush mo ba siya? Alam mo wala pang girlfriend 'yon."

Bigla na lang akong pinamulahan ng mukha dahil sa sinabing iyon ni Elisa. Pero ikinubli ko na lang para hindi niya mahalata.


"Huh? Hindi! ngayon ko palang siya kasi siya nakita dito sa isla eh?" Pagsisinungaling ko.


"Ah? Akala ko kasi crush mo siya eh? Nag-aaral kasi 'yon sa bayan at bihira lang din kung umuwi dito. Atsaka, bago ko nga pala makalimutan ate, pinapasabi nga pala niyang ang ganda  ni'yo raw po."


Napalingon naman ako dahil sa sinabi niyang iyon. Marahil ay iyon ang ibinulong niya kanina kay Elisa. Napangiti naman ako ng palihim matapos kong marinig 'yon. Ewan ko ba pero pero nakaramdam ako ng kakaibang kasiyahan dahil sa sinabing iyon ng dalagita.

"May crush siguro si kuya Art sa'yo ate? Ano sa tingin mo?"

"Huh? Naku, parang napaka-imposible naman ata 'yang sinasabi mo Elisa. Nakikita mo naman siguro ang kalagayan ko 'di ba?" Malungkot kong saad sa kanya.

"Hayyy! Kung sabagay may point ka d'yan ate," may panghihinayang pa nitong sabi kasabay nito'y niyakap niya ako mula sa aking likuran. Napangiti naman ako dahil sa ginawa niyang iyon.

"Huwag ka mag-alala ate, kahit wala nang magka-crush sa'yo andito pa rin kami ni nanay at nila tiyang Lope para sa'yo. Kaya huwag ka nang malungkot, kasi baka maging sad din si baby."

Napangiti uli ako sa kanyang mga sinabi. Marami pa sana akong itatanong pero bigla na lang akong naunahan ng hiya dahil sa mga narinig ko kaya sinarili ko na lamang iyon.


----

"Nay, nay!" Tawag ni Elisa sa ina nito kaya sabay kaming napalingon ng ginang sa kanyang kinaroroonan.

"Oh Elisa ano bang problema mo at tawag ka ng tawag dyan?" Iritang tanong ng kanyang ina.


"Tingnan ni'yo po itong nakita ko do'n sa ilalim ng puno ng gumamela," sabi nito habang ipinapakita sa 'min ang tatlong pulang gumamela.

"Eh ano naman ang gagawin ko d'yan sa mga gumamelang iyan?"


"Nay, tingnan ni'yo po kasi itong card, may nakasulat po kasi ditong To: Miss A. Pero wala namang nalagay kung kanino galing."

"Naku, baka nalaglag lang 'yan do'n sa puno, o di kaya'y may pumitas tapos 'di niya namalayang naihulog niya. Kaya ang mabuti pa ibalik mo na lang 'yan kung san mo nakuha."

"Eh 'nay! Baka po sinadya talagang iwan do'n, baka po para 'to kay ate Aloha. Nahihiya lang siguro 'yong magbibigay kaya iniwan na lang do'n atsaka nilagyan ng card. Tingnan ni'yo naman po oh? Miss A raw eh malang si ate Aloha talaga ang tinutukoy niya dito."

"Hay naku! Ikaw talagang bata ka! Pa'no ka naman nakasisigurong para kay Aloha 'yan eh wala namang nalagay na pangalan d'yan?"


"Eh kaya nga po may initials 'di ba? Atsaka malay ni'yo galing 'to sa secret admirer ni ate," pagpupumilit naman nito na animo'y kinikilig.

"Naku, naku Elisa! Magtigil ka nga riyan! Kung anu-ano na naman ang sinasabi mo. Ang mabuti pa ibalik mo na 'yan do'n sa puno. Hala, sige na at tutulungan mo pa akong magbilad nitong idadaing natin," saway pa ng kanyang ina sa dalagita. Pero mabilis namang tumakbo si Elisa sa kinaroroonan ko atsaka niya ibinigay sa'kin ang hawak nitong bulaklak.


"Ate! Alam ko para talaga sa'yo 'yan, kaya heto tanggapin mo na. Huwag mo na lang pansinin 'yong sinabi ni nanay ah?" Sabi pa nito sabay abot sa 'kin ng mga gumamela, pagkatapos noo'y agad din siyang lumabas at nagtungo sa kinaroroonan ng kanyang ina.

Napatingin na lang ako sa hawak ko ngayong mga bulaklak. Atsaka napaisip kung kanino ba ito galing.

Miss A? Sino kaya ang nagbigay nito? Para nga ba talaga sa'kin 'to? Wala naman kasi akong kakilalang puwedeng magbigay sa 'kin nito. At ang malaking tanong bakit gumamela? Hindi rosas o kung ano pang uri ng bulaklak.

Napabuntong hininga na lang ako, atsaka ito inilagay sa bakanteng garapon at nilagyan 'yon ng tubig upang hindi agad malanta.


Salamat kung sino ka man. Kahit hindi ko alam kung para saan 'to. At kung para ba talaga sa akin ito. Salamat pa rin.

Nakadungaw na naman ako ngayon sa bintana habang nakamasid sa puno ng gumamela. Simula nang dumating kasi ako sa lugar na ito ay hindi pa ako lumalabas ng bahay. Dito lang ako naglalagi sa loob, kaya kapag naiinip ako'y dumudungaw lang ako dito sa bintana at tahimik na pinagmamasdan ang puno ng gumamela, hindi ko rin maintindihan pero sa tuwing nakatitig ako sa punong iyon ay gumagaan ang aking pakiramdam.


Kung minsan nama'y nakatitig lang ako sa pangpang at pinagmamasdan ang mga taong naroon. Naging ganito na ang routine ko habang narito ako sa isla. Hindi kasi ako pinapayagang magtrabaho o gumawa ng mga gawaing bahay ni Aling Lolita o 'di kaya nama'y maski lumabas man lang dahil ayaw niyang pag-usapan ako ng mga taga rito. Wala naman akong magawa kundi ang sundin sila dahil dito ako nakaitra.


Mayamaya pa'y bigla na lang dumaan ang lalaking kausap ni Elisa kahapon kasabay noo'y bigla na lang siyang ngumiti sa 'kin pagsapit nito sa tapat ng bintana kung saan ako nakadungaw. Hindi ko na naman maipaliwanag ang nararamdaman ko sa mga oras na ito habang nakatingin ako sa kanya.


Nagulat na lang ako nang bigla akong tapikin ni Elisa sa balikat. Gulat na humarap ako sa kanya.

"Oh ate? Bakit parang gulat na gulat ka d'yan? Ano ba 'yang kanina mo pa tinitingnan huh?"

"Ah eh? Wala naman, ang ganda kasi no'ng bulaklak ng gumamela hindi ba?" Pagsisinungaling ko.

"Ahh.. 'Yan pala ang tinitingnan mo. Mahilig ka siguro sa gumamela ate no?"

"Ah hindi naman gaano, pero isa kasi 'yan sa mga paboritong tanim ni mommy eh?"

"Ah kaya pala d'yan ka laging nakatingin. Siguro nami-miss mo na ang mommy mo?"

"Oo Elisa. Sobrang miss ko na sila," malungkot kong wika sa kanya atsaka ngumiti ng mapakla.

"Huwag kang mag-alala ate hindi ka rin matitiis ng mga 'yon tiyak dadalaw din sila dito."

Nginitian ko na lang si Elisa atsaka tahimik na umusal ng isang panalangin. Sana nga Elisa. Sana nga.

Ilang sandali pa'y bigla na lang bumalik sa akinh balintataw ang eksena kanina habang nginingitian ako ng lalaking 'yon.

Bakit kaya gano'n ang reaksyon ng puso ko no'ng makita kong ngumiti sa 'kin ang lalaking 'yon kanina, nakapagtataka naman.


Ano kaya 'yon baby? Bakit napaka-weird ng heartbeat ni mommy? Imposible namang magkaroon ako ng sakit sa puso. Hayyy! Ayaw ko na ngang isipin, bahala na si batman.












Itutuloy..

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro