Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Ika-walo

Si Roger po 'yang nasa multimedia. :))



Isang buwan na rin mula nang mangyari iyon, at hanggang ngayon ay nahihirapan pa rin akong tanggapin ito. Ang sabi ni aling Lolita'y kalimutan ko na lang daw iyon dahil baka makasama lang ito sa aking pagbubuntis. Pero hindi ko pa rin maiwasang hindi isipin iyon lalo na't nasanay na ako sa presensya ni Art sa paligid.

Nasanay na ako sa mga ginagawa niya. Pero may hangganan ang lahat at sa tingin ko, dumating na iyon. Hanggang dito na lang talaga siguro ang lahat at kahit kailanman wala ng lalaki pang magmamahal at tatanggap sa akin. Isang mapait na ngiti ang sumilay sa aking labi kasabay no'n ay ang pagbagsak ng aking mga luha.

Mayamaya pa'y narinig ko na parang may nag-uusap, kaya agad akong lumabas ng aking silid at nang tingnan ko'y gano'n na lamang ang gulat ko. Ang taong sobrang nami-miss ko at gustung-gusto kong makita ay nasa akin nang harapan, si mommy, na tila naiiyak nang makita ako kasama si Roger na kasalukuyang nakangiti sa tabi nito. Hindi ko inaasahan na muli ko pang makikita ang mga taong 'to.

"Aloha.. Sinamahan ko na si ma'am Myrna papunta dito. Ang tagal na rin kasi niya akong kinukumbidang samahan siya papunta dito sa isla ang kaso'y lagi akong kinukulang sa oras. Buti na nga lang at natapos na ang final exam namin kaya libre na ang oras ko ngayon," masayang salaysay nito.

Napakabait talaga nitong si Roger. Buti na lang at may mga kagaya pa niyang tao ngayon. Nakita kong napangiti naman si mommy sa sinabing iyon ni Roger.

"Aloha.. Kumusta kana anak? I missed you so much. Sorry kung ngayon lang ako nakadalaw sa'yo huh? Alam mo naman siguro ang sitwasyon natin," naiiyak nitong sabi kasabay noo'y niyakap niya ako ng mahigpit. Hindi ko namang mapigiling hindi mapaluha habang nakayakap sa kanya. Sobrang nami-miss ko na rin si mommy. Kaya ang makita at mayakap siya ngayon ay sobrang ipinagpapasalamat ko sa diyos.

"Okay lang po iyon mommy ang importante nandito kayo ngayon kasama ko," tugon ko sa kanya nang bumitaw ako mula sa pagkakayakap niya kasabay noo'y pinahid ko ang mga luhang kanina pa umaagos sa aking mata.


"Maraming salamat sa 'yo Roger. Sa lahat ng ginawa mo at sa lahat ng tulong na naibigay mo para sa anak ko," naluluhang wika ni mommy habang nakatingin sa deriksyon ng binata.

"Wala ho 'yon. Ang totoo nga po niyan eh ang pamilya ni'yo ang maraming naitulong sa amin. Tumatanaw lang po ako ng utang na loob," nakangiti ring tugon ni Roger habang nakatingin sa 'min kaya nginitian ko rin siya.

"Siguro po'y kailangan ni'yo munang mag-usap ni Aloha. Kaya maiwan ko na muna po kayo dito," dagdag pa nito kasabay noo'y napatingin siya sa direksyon ng mag-ina.

"Sa tingin ko nga. Halika Elisa tulungan mo akong maghanda ng meryenda ng ating mga bisita," sang-ayon naman ni aling Lolita at kasabay noo'y hinatak na niya sa kusina ang kanyang anak.

Naiwan kami ni mommy dito sa munting sala ng mag-ina. Kaya hindi ko na napigilan pang itanong kung ano na ang kalagayan ni daddy at ni ate. Pero gano'n pa rin pala ang sitwasyon ng pamilya namin. Galit pa rin si daddy kay ate, dahil maaga ring nabuntis si ate. Pero hindi lang naman siya kay ate galit eh, pati rin naman sa 'kin, dahil din sa katangahang ginawa ko. Kaya ano pa bang aasahan kong balita eh alam ko namang hindi pa rin niya matanggap ang ginawa ko.

Napatigil ako sa pag-iisip nang dumating ang meryendang inihanda ni aling Lolita. Masaya naman namin itong pinagsaluhan habang nagkukwentuhan. Samantalang si Roger naman ay nakikipagkulitan sa kanyang pinsan na nasa labas.

Hindi namin namalayan ang oras kaya nang tingnan ko ang aking relong pambisig ay agad akong nadismaya. Ala-sais na kasi ng gabi at kinakailangan nang magpaalam nila mommy at Roger dahil huling biyahe na ng bangka kapag ganitong oras.

Ayaw man nilang magpaalam sa 'min ay kailangan na dahil baka nag-aalala na rin sa mga oras na 'to si daddy at baka maging dahilan pa iyon upang mag-away ulit sila ni mommy at 'yon ang pinakaayaw kong mangyari sa kanila.

"Mag-iingat ka, Aloha. Dadalawin ka namin ulit dito kapag may libre uli akong oras. Kaya huwag kana masyadong nag-iisip nang kung ano para hindi ka ma-stress at pati na rin si baby," paalala nito sa akin na animo'y aking nakakatandang kapatid habang nakahawak sa aking magkabilang braso. Ngiti lamang ang naitugon ko sa mga sinabi niyang iyon, kasabay nito'y naglakad na sila papunta sa pangpang.

Hindi ko namang maiwasan hindi malungkot habang tinatanaw ang papalayong bangka nila sa amin.

"Huwag ka ng malungkot ate Aloha. Hindi ba nga sabi ni kuya Roger dadalaw sila ulit dito," nakangiting wika ni Elisa kaya napangiti na lang ako nang mapakla dahil do'n.

"Hindi ko naman kasi maiwasan Elisa eh? Pero sige pipilitin kong ngumiti para tumigil kana sa pagkulit sa 'kin," tugon ko sa kanya pero niyakap niya lang ako ng mahigpit. Mabuti na lang talaga at kasama ko ang batang ito ngayon. Kahit papaano'y naiibsan nito ang kalungkutang nararamdaman ko.

Pagkatapos naming maghapunan ay dumeretso na ako sa aking silid para makapagpahinga. Sana maging okay na ang lahat paggising ko. Sana mas maging matatag pa ako para sa anak ko.


----

Nang matapos kaming mag-almusal ay agad din namang nagpaalam sa amin si aling Lolita dahil may gagawin raw ito sa community center samantalang naiwan naman kami ni Elisa dahil sem-break na rin nila.

Mayamaya pa'y isang katok ang aming narinig kaya nagkatinginan na lamang kami ni Elisa. Pero agad din naman siyang tumayo at nagprisintang buksan ang pinto. Since may kalakihan na rin ang aking tiyan dahil nasa ika-walong buwan na rin ang batang nasa sinapupunan ko.

Nang tuluyan nang mabuksan ang pinto'y isang binatang hindi ko inaasahan ang iniluwa nito. Ang maamo nitong mukha, ang mapuputi at panta-pantay nitong ngipin. Ang matipuno at moreno nitong pangangatawan, maging ang medyo kulot nitong buhok, higit sa lahat ang kulay abo nitong mga mata. Isang perpektong depinasyon para sa salitang guwapo. Hindi ko maitatangging ang mga ito'y sobrang na-miss ko.

Halos manuyo ang lalamunan ko nang tumitig siya ng deretso sa aking mga mata na waring kinukumusta ako.

"Hindi mo man lang ba ako patutuluyin?" Pabiro nitong wika kaya agad napatingin sa akin si Elisa na wari'y nagtatanong kung pahihintulutan ko bang pumasok ang aming bisita. Kaya tinanguhan ko na lamang siya bilang tugon. Sukat doo'y pumasok na rin siya at kaagad na umupo sa kaharap kong upuan.

Si Elisa nama'y nag-prisintang maghahanda ng aming memeryandahin. Tumanggi man ako sa ninanais ng dalaga ay tila mapilit pa rin siya. Katwiran niya'y kailangan daw naming magka-usap ng sarilinan.

Isang malalim na buntong hininga ang kanyang pinakawalan bago tuluyang magsalita.

"Alam kong nagtataka ka kung bakit ako narito ngayon," seryoso nitong saad habang nakatingin sa akin. Kaya agad kong ibinaling ang aking tingin sa ibang direksyon. Ang totoo'y kanina ko pa gustong itanong ang mga katagang iyon sa kanya ngunit tila naumalid ata ang aking dila at ayaw lumabas ng mga salitang gustung-gusto kong sabihin. Kaya tahimik ko na lamang siyang pinapakinggan at sukat doo'y isa uling buntong hininga ang kanyang pinakawalan.

"Alam mo ba, mula no'ng araw na malaman ko ang totoo mong kalagayan ay hindi na ako pinatahimik ng aking konsensya," patuloy nitong wika kaya muli na naman akong napaisip. Hindi mo dapat nararamdaman iyon Art.

"At alam mo ba kung ano ang na-realized ko?" Seryoso nitong tanong kasabay noo'y tumingin muli siya sa aking direksyon kaya napayuko na lamang ako. Bakit nga ba hindi pa ako nasasanay sa mga titig niya.

"Na-realized kong hindi lang pala simpleng paghanga ang nararamdaman ko para sa 'yo Aloha, dahil unti-unti na pala kitang natututunang mahalin. At habang tumatagal na nakikita kita dito sa isla ay mas lalo pang lumalalim ang nararamdaman ko para sa'yo," walang pag-aalinlangan nitong wika na siya ko namang ikinagulat kahit pa matagal ko ng napapansin iyon. Kaya hindi ko na napigilang hindi mapatingin sa kanyang direksyon, ngunit isang matamis na ngiti lamang ang kanyang itinugon sa akin.

"Sabi ko na nga ba at magugulat ka eh?" Patuloy niyang wika habang 'di pa rin tinatanggal ang mga ngiti sa kanyang labi.

"Pinilit kong iwaksi ka sa aking isipan. Pinilit kong mag-concentrate sa pag-aaral para lang makalimutan ka pero hindi ko pa rin magawa. Kaya isa lang ang naisip kong paraan. 'Yon ay ang bumalik dito sa isla para ipagtapat sa'yo ang nararamdaman ko. Kaya no'ng matapos ng finals namin ay agad na akong bumalik dito para makita ka," mahaba nitong salaysay pero ramdam ko pa rin ang sinseridad sa bawat katagang binibigkas niya. Kaya hindi ko na namamalayang umiiyak na pala ako. Agad naman siyang lumapit sa kinaroroonan ko at pinahid ang mga iyon.








Itutuloy..



A/N: Pabitin muna ah? Abangan na lang sa susunod na kabanata. 😘

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro