Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Ika-labing isa

Tatlong buwan matapos kong manganak, pero ni anino ni Art ay hindi ko man lang nakita.



Hindi ko alam kung ano'ng nangyari sa kanya. Pero malinaw na sa akin ang lahat. Malinaw pa sa sikat ng araw ang dahilan kung bakit hindi na siya nagpakita. Iyon ay dahil hindi talaga niya matanggap ang sitwasyon ko. Napakagat ako sa ibang labi ko para pigilan ang luhang kanina pa nagbabadyang bumuhos.



Bakit pa ba ako nasasaktan? Dapat ay sanay na ako. Dapat ay matagal na akong handa. Sukat doon, isang kamay ang naramdaman kong umaalo sa akin. Napa-angat ako ng tingin at pagkuwa'y napayakap ako sa kanya at tuluyan na ring napahagulgol.



-----



Nilalaro ko ngayon ang sanggol na tangi kong dahilan para ipagpatuloy ang aking laban. Pinangalanan ko siyang Earl Justin alinsunod na rin sa pangalan ni daddy. Kahit papaano'y gumagaan ang bigat na aking nararamdaman kapag nakikita ko siyang tumatawa.


"Ikaw na lang talaga ang nagpapasaya kay mommy," malungkot kong sabi rito kahit alam ko namang hindi niya iyon naiintindihan.


Mayamaya pa'y sunud-sunod na katok ang aking narinig. Kaya naman agad ko siyang inilipag sa kanyang kuna. "Teka lang baby huh? Bubuksan lang ni mommy ang pinto," masuyo kong wika sa kanya at pagkuwa'y mabilis na tinungo ang pinto.

Nang buksan ko na'y gulat ang namayani sa akin. Isang hindi inaasahang bisita ang bumungad sa aking harapan. Si mommy, kasama si daddy. Ilang segundo rin akong naestatwa sa kinatatayuan ko. Namalayan ko na lang nang yakapin ako ng mahigpit ni mommy kasabay noo'y ang pag-agos ng aking mga luha.

"I missed you Aloha," haluluhang sambit nito sa pagitan ng aming pagyayakapan. Habang si daddy nama'y hindi ko mabasa ang ekspresyon.

Pinatuloy ko sila at pinaupo sa aming munting sala. Agad naman akong nagtungo sa kinaroroonan ng aking anak nang marinig ko itong umiiyak. Maingat ko siyang kinarga at agad ding bumalik sa kinaroroonan ng mga magulang ko.


Nang makalapit na kami'y natutuwang kinuha ni mommy ang sanggol mula sa akin.


"Tingnan mo 'tong apo natin Ernesto. Hindi ba't napaka guwapo niyang bata?" Masiglang wika ni mommy habang si daddy nama'y nakangiti na. Sa wakas, nakita ko na ring ngumiti si daddy. Hindi pa rin ako makapaniwala na kasama na namin siya ngayon dito sa isla. Hindi ko alam kung anong nangyari. Hindi ko alam kung paano nakumbinsi ni mommy si daddy. Pero hindi na siguro mahalaga iyon. Dahil ang mahalaga kasama ko na sila ngayon.


Kasalukuyan silang nakikipaglaro kay baby EJ nang makarinig uli ako ng isa pang katok. Agad kong tinungo ang pinto sa pag-aakalang si aling Lolita na 'yon. Ngunit isa na namang hindi inaasahang bisita ang aking napagbuksan.

"Art?" Gulat kong tawag sa pangalan niya, ngunit ngiti lamang ang kanyang itinugon.


"Anong ginagawa mo dito?" Hindi makapaniwalang tanong ko.


"Dinadalaw ka. Teka, hindi mo man lang ba ako papapasukin?" Nakangiti niya pang tanong. Kaya kahit naguguluhan ay pinatuloy ko na lamang siya.

Agad namang napatingin sa amin si mommy nang makarating kami sa kinaroroonan nila.


"Oh Art, and'yan kana pala," nakangiting wika ni mommy dahilan upang lalo akong maguluhan. Magkakilala pala sila ni mommy? Ngunit, kelan pa? Bakit wala man lang nababanggit si mommy sa 'kin. Nagpalipst-lipa pa ang tingin ko sa kanila na wari'y inaalam ang kasagutan sa aking mga tanong.


At mukhang nahulaan din naman nila iyon, dahil sabay-sabay pa silang natawa nang makita nila ang aking reaksyon. Ano ba talaga kasi ang nangyayari?


"Kelan pa kayo nagkakilala ni Art, mom?" Gulat kong tanong rito. Sa wakas ay naisatinig ko rin.


"Actually, si Art ang dahilan kung bakit kasama ko ngayon ang daddy mo," tugon pa nito na lalo ko pang ikinagulat. Nadapo ang tingin ko kay daddy na kasalukuyang nilalaro ang munting sanggol. Napangiti ako ng wala sa loob dahil do'n at pagkuwa'y napatingin ako sa kinaroroonan ni Art. Ngumiti lang siya kaya tinugon ko rin iyon ng isang ngiti. Ngiting punung-puno ng kasiyahan.

Nag-umpisa nang magkuwento si mommy. Hinanap pala ng binata ang tinitirahan namin sa Maynila at lakas loob na nagtapat sa aking mga magulang. Kaya pala bigla na lang siyang nawala pagkatapos kong manganak, 'yon ay dahil matiyaga niyang sinusuyo ang aking mga magulang. Hiningi niya ang kanilang permiso para payagan siyang manligaw. Kapag wala raw siyang pasok ay dumadalaw ito sa amin at matiyagang naghihintay sa magiging desisyon ng aking mga magulang.

Matapos ang tatlong buwang panunuyo ay napapayag na rin niya si daddy. Nakita raw ni daddy ang determinasyon niya kaya naman di na ito nagdalawang isip pa at ibinigay na nga niya ang kanyang basbas.

Habang kinukwento ni mommy ang mga bagay na iyon, ay tila ba gusto nang matunaw ng aking puso. Tila walang mapaglagyan ang sayang nadarama ko ngayon. At mas lalo ko pa siyang hinangaan at minahal dahil do'n.

"Kaya naman kahapon ay napagdesisyunan naming puntahan ka dito. At dahil nga, nagpresinta na si Art na siya ang susundo sa'min ay pumayag na rin kami," nakangiti pang sabi ni mommy kaya hindi ko na napigilang hindi maluha dahil do'n. Lumapit naman si daddy sa akin at maingat na ibinigay ang munting sanggol kay mommy.


Niyakap ako ni daddy. Kaya niyakap ko na rin siya. Ang tagal kong hinintay ang pagkakataong ito. Ang magka-ayos kami ni daddy. Sobrang nangungulila ako sa kanya. Maraming beses kong kinuwestyon ang diyos kung hanggang kelan ako magiging ganito. Pero heto't dininig na niya ang aking dasal. Kasama ko na ang mga magulang ko at napatawad na nila ako. Higit sa lahat, andito na ang lalaking pinakamamahal ko.


Napatingin uli ako sa kinaroroonan niya atsaka bumulong sa hangin. "Salamat," tinanguhan lamang niya ako atsaka ngumiti. Bumitaw ako sa pagkakayakap at pinahid ang aking mga luha.




----



Magka-akbay kami habang naglalakad ngayon sa dalamapasigan at masayang tinatanaw ang papalubog na araw. Pagkatapos ng tila madrama naming reunion noong nakaraang araw ay kaagad din namang nagpaalam si daddy. Marami raw itong inaasikaso sa kompanya kaya hindi na namin siya pinigilan pa, habang si mommy nama'y nagapaiwan para daw makasama ang kanyang apo.


Nangako naman si daddy na babalik din sa isla kapag hindi na siya gaanong busy at isasama na raw nito ang pamilya ni ate Aileen. Nagkaayos na rin kasi sila ni ate. Kaya naman, laking pasasalamat ko talaga sa ginawa ni Art, nang dahil kasi sa kanya nabuo ulit ang aking pamilya.

"Ang lalim naman ng iniisip ng mahal ko?" Nakangiti nitong turan habang inaalalayan akong umupo sa buhangin, 'di kalayuan sa dalampasigan. Gusto kasi niyang panoorin namin ang paglubog ng araw nang magkasama. Hindi naman ako kumontra sa suhestiyon niyang iyon.

"Naisip ko lang kasi ang mga nangyari. Hindi ko alam kung papano ako makakabawi sa lahat ng mga ginawa mo," nakangiti kong tugon habang ang isang kamay niya ay nakaakbay sa akin.



"Ano ka ba? Maraming beses kana kayang nagpasalamat, atsaka ginawa ko 'yon dahil mahalaga ka sa'kin, kayo ni baby EJ," masuyo nitong wika habang nakatitig ng deretso sa aking mga mata. Pagkuwa'y agad niya akong ginawaran ng halik sa aking noo.

Sumandal ako sa kanyang matipunong dibdib at ipinikit ang aking mga mata. Dinig na dinig ko ang bilis ng tibok ng kanyang puso. Parang musika iyon sa aking pandinig.


Salamat po panginoon sa lahat ng ginawa niyo. Kung hindi ni'yo siguro ako inilagay sa ganoong sitwasyon ay baka hindi na ako napadpad sa islang ito at hindi ko makikilala ang guwapong lalaking kayakap ko ngayon. Hindi siguro ako magiging matatag at magiging ganito kasaya.

Mayamaya pa'y nakarinig kami ng isang awitin mula sa 'di kalayuan. Kung hindi ako nagkakamali kanta iyon ni Celine Dion na BECAUSE YOU LOVED ME pero ibang version naman itong naririnig ko dahil lalaki na ang kumakanta.



Bawat lyrics ng kanta ay tila ba tagos na tagos sa aking puso. Pakiramdam ko'y para sa akin talaga ang kantang iyon. Napangiti uli ako at nakita kong napangiti rin siya. Mahal na mahal ko talaga ang lalaking 'to. At alam kong gano'n din naman ang nararamdaman niya para sa akin.


Medyo madilim na ng maisipan naming umuwi. Hinatid ako ni Art sa aming kubo. Nasa tapat na kami ng pinto nang bigla niya akong titigan. Mayamaya pa'y masuyo niyang hinaplos aking mukha habang di pa rin inaalis ang mga titig niya sa akn. Pagkuwa'y masuyo niya akong hinagkan. It was sweet and gentle. Kaya napapikit na lamang ako at buong pusong tinugon ang halik na iyon. Hindi ko mabilang sa aking isipan kung gaano katagal iyon. Basta ang alam ko masaya ako.



"Mahal na mahal kita, Aloha," tanging bulong niya matapos ang sandaling iyon.


"Mahal na mahal din kita, Art," nakangiti ko ring tugon.


Mayayama pa'y nagpaalam na rin siya. Tinatanaw ko na lamang ang kanyang paglalakad habang nakangiti, nang hindi ko na siya matanaw ay saka lamang ako pumasok sa loob at masayang tinungo ang kinaroroonan nila mommy.









Itutuloy..

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro