Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 9: 2 Down

Qetsiyah Pov

Mabilis lang na nawala ang itim na usok. Bumungad agad saakin ang mga kasamahan namin. Ngunit....

Napatingin ako sa paligid. "What happened here?" Mahinang tanong ko. Magulo kasi para bang sumabak sila sa pakikipag laban. Nandito kami sa ibang lugar ng gubat.

Napatingin ako sakanila. Lahat sila tahimik at tulala. Napatakbo din ako kay taylor nang makita kong umiiyak siya.

"Why?" Hinawakan ko ang magkabilang pisngi nito. I know something happened.

"S-s-she's g-gone." Hikbi niya.

"Who?" I asked. Tinignan ko sila. Wala si Aubree. "Where's Aubree?" Napatingin ako kay Ethan na nakayuko lang at halatang malungkot. Bigla akong kinabahan.

"Where is Aubree." Mariin kong sabi.

"Demon hunters took her."

"What?!" Nabaling ang tingin ko kay Kamila sa sinabi niya.

"Also the other demon just disappeared. We don't know how that happens, Pero si Aubree lang ang nakita naming hawak ng isang Demon Hunter at bigla nalang silang nawala." Si Vladimir naman ang nagsalita. No... Is it because of Holy water? So it's true... Napansin kong andito si Theo. Tahimik lang sa isang tabi. So it means si Fred ang nawala.

"We tried to stop them but we can't..." Sabi ni Sephyr.

Napaluhod ako at sunod sunod na tumulo ang luha ko. "N-no. No! N-no..."

"Qetsiyah..." Hinawakan ni taylor ang kamay ko. She's also crying.

"We need to save her." I said.

Nagulat kaming lahat nang sinipa ni Zane ang Isang puno. Sa sobrang lakas niya ay parang matutumba na ang punong sinipa niya. Napansin ko ang pagsara ng kamao niya. Nakikita ko sa Mukha niya ang galit.

He cares... He cares to his friend, to fred... Hindi naman siya magkakaganyan kung wala siyang pakealam sa kasamahan niya.

"That fucking signal." Malamig na sabi nito. Tama lang na matakot kaming lahat. Dahil napansin din naman ang paghaba ng sungay nito, At ang unti unting pagbabago sa katawan nito.

"Zane you need to calm down." Linapitan siya ni Theo.

Nabaling ang tingin sakanya ni Zane. "You. How come that—"

"I used my power." Taylor cut him off. "I tried to protect them also but..." Napayuko si Taylor. Hindi niya maibanggit ang sasabihin niya, Pero naintindihan ko naman.

"You told us that we'll give you a signal when the demon hunters are gone. Since i have a shell horn that it can send a signal, I said to them that i'm the one who'll send signal to you. Pero hindi pa ako gumamit ng shell horn para sainyo bakit pumunta kayo agad dito?"

Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Merliah. Ang sabi ni Zane kanina ay nagbigay na ng signal ang mermaid kaya pwede na kaming bumalik...

"You sent a signal. A mermaid signal." Nakunot noong sabi ko.

"That's impossible. Kasama niya ako, I didn't hear or see her use the Shell horn." Sabi ni Sephyr.

"Ikaw lang ba ang mayroong Shell horn? Baka naman isa sa kasamahan mo ang gumamit ng Shell horn." Tanong ni Denise dito.

"Ako lang ang meron." Sabi niya at hinalungkat ang maliit niyang bag na nakasabit sakanya. "No. Where is it." Rinig naming bulong niya na tuloy padin sa pagkalkal sa bag.

"Now it's gone?" Kamila said sarcastically.

"Sigurado akong nandito lang yun kanina. Hindi ko yun linabas." Natatarantang sabi ni Merliah habang nakatingin sa maliit niyang bag na walang laman.

"I didn't do it." Sabi ng Mermaid na si Meredith.

"Me too." Sabi naman ng isa na si Charlotte.

Halata sa kanilang dalawa na hindi naman talaga nila ginawa. Napatingin kaming lahat sa isang mermaid na si Matilda, Tahimik lang siya. Nang mapansin niyang nakatingin kami sakanya ay nagsalita siya.

"Not me." She said.

Napahikbi nalang ako. Paano kung may gawin silang masama kay Aubree? Hindi ko kakayanin na mawala si Aubree. Isa siya sa naging malapit na kaibigan saakin. Medyo ikinakalma ko ang sarili ko dahil alam kong malakas si Aubree at kaya niyang protektahan ang sarili niya.

"Where's the Demon Hunters place? I will save Aubree." Matapang na sabi ko.

"You can't. And i will not let you." Malamig na sabi saakin ni Zane.

"I can! And i don't care about your opinion." Mariing sabi ko. Nagtaasan ang mga balahibo ko nang masama siyang tumingin saakin.

Nagmakaawa akong tumingin sakanya. "Zane. Aubrey is so important to me. Please, Help me save her." Umiiyak na sabi ko. Siguradong sila ang may alam nasaan ang mga Demon Hunters.

"Maililigtas mo siya kung matalo natin si Liviana. Ang mga demon hunters ay kasapi sa Shadows. Kaya maililigtas mo lang siya once na makarating na tayo sa kinakaroonan ng mga Shadows."

Nanghina ako sa sinabi ni Sariel. It means ilang araw at buwan pa bago ko siya mailigtas? Paano kung may gawin na masama sakanya ang mga Hunters?

"Don't worry. They will not kill her. Their job is to kill demons not elementalist." Sabi ni Theo.

Kahit papaano ay medyo gumaan ang pakiramdam ko doon. Just wait Aubree, We're coming.

"Tch. Just like i said, She's useless." Kamila rolled her eyes and walk away. Pinigilan ko ang sarili ko sa narinig ko mula sakanya. Dahil alam ko ang mangyayari pag hindi ako nakapagpigil.

"Let's go. The sun is setting."

Matamlay kami ni Taylor na sumunod sakanila na naglalakad na. Mapakla akong ngumiti kay Taylor, She's also sad and worried. Hinawakan ko ang kamay niya at sinabing magiging okay din ang lahat.

Ilang oras lang ay madilim na muli. Nandito kami sa gitna ng gubat at nagpapahinga.

"Papalipasin lang natin ang dilim at lalakad muli tayo." Sabi ni Sariel.

I took a deep breathe. Umupo ako sa damo at sumandal sa Puno, at inalala si Aubree. Siya kasi ang kauna unahang naging kaibigan ko, kaya sobrang importante siya saakin. Kaya hindi ko hahayaan na mapahamak siya.

Naramdaman kong may tumabi saakin. "I can't tell what will happen or what's happening to Aubree...but don't stress out. We will try to save her."

Tumingin ako kay Sariel at bahagyang ngumiti. She just said that we will save aubree, Sasama siya saamin sa pagligtas kay Aubree and that made me happy. "Thank you, Sariel."

Tumango ito. "I think malapit na tayo makarating sa kinakaroonan ng shadows. Are you ready?"

Iniwas ko ang tingin ko. "I don't know.... No... To be honest, I'm not, Sariel. I can't control my Element, And Liviana, My mother." Tumingin ako sakanya. "I really don't know if i can fight her. Meron saakin na excited akong makita siya pero may part din na... natatakot sa magiging reaksyon niya pag nakita niya ako." Bumuntong hininga ako. "I really don't know, Sariel."

"You don't need to fight her." Saad nito.

"I can't just run away from it."

Tumayo na si Sariel sa pagkakaupo. "Well, you still have days to think and a days to be ready. Just a little advice, Believe in yourself, Princess Qetsiyah. Don't be scared to use your Element."

Tinignan ko ang mga kamay ko. "but this element can kill everyone..." I whisper.

"but what if... using that element can save everyone? We'll never know." Huling salita ni Sariel bago siya umalis sa harap ko.

Napatitig ako sa kamay ko. Is this element can really save everyone? or kill everyone? I took a deep breath, at isinandal nalang ang ulo ko sa puno. Hinanap ng mata ko si zane ngunit ko siya mahagilap. Naalala ko nanaman ang nangyari kanina... I bit my lip. Hindi ko na talaga alam ang nangyayari saakin, hindi ko alam paano ako nagkaroon ng lakas ng loob para sabihin sakanya 'yon, at ang pagtapon ng sarili ko sakanya, Pinipilit kong idikit ang sarili ko sakanya kahit na hindi na tama ang ginagawa ko. Pero isa lang ang alam ko sa sarili ko... May kakaibang nararamdaman na ako kay zane, Hindi ko alam paano at kailan nagsimula basta totoo ang sinabi ko sakanya at sisiguraduhin kong mapapalambot ko din ang puso niya at ako'y iibigin niya.

Napahikab ako, at ipinikit na ang mata nang maramdaman ko ang antok. Siguro ay ipapahinga ko muna ang sarili ko at muling haharapin ang bukas.

"Qetsiyah. Gising." Unti unti kong idinilat ang mata ko nang marinig ko ang boses ni Taylor at ang mahinang pag alog niya sa balikat ko. Napapikit pa kong muli dahil sa ilaw ng araw na tumama sa mukha ko. Umaga na pala. Umayos ako ng upo at tinignan si taylor.

Nakita ko naman sa mukha ni taylor ang pagkataranta. "Anong problema?" Tanong ko dito. Hinawakan ko ang kamay nito nang mahalata ko na nanginginig siya. Nerbiyosa kasi si taylor.

Naiiyak itong itinuro ang hindi kalayuan. Nakita ko naman ang lahat sa di kalayuan at di ko alam anong mayroon doon. Tumayo kami ni taylor at pumunta sa kinaroroonan ng kasamahan namin. Habang palapit ng palapit ay rinig ko ang iyak ni Merliah.

"What happened here?" Tanong ko, ngunit walang pumansin saakin kaya ay tinignan ko kung ano ang tinitignan nila.

Agad naman akong napaatras at napatakip ng bibig sa nakita ko. Hindi ko matagalan ang nakikita ko, grabeng halimaw ang gumawa sakanya nito.

"A demon killed her. I guess you already know who is it." Rinig ko ang boses ni Kamilla sa likod ko.

"Tsk tsk tsk. Two down." Boses naman ni Vladimir sa likod ko din ang narinig. At sigurado akong ako ang pinaparinggan nila.

Napatingin muli ako sa gutay gutay na katawan na isang sirena. No... ang kanyang buntot. Napasinghap ako sa nakikita ko. Hiniwa hiwa ang buntot nito at ang buong katawan nito ay punong puno ng dugo at sugat, Makikita nga din na may mga nakabukang sugat at labas ang laman nito. Halata din ang kagat ng isang demonyo sa leeg nito, para bang inubos ang leeg nito. Sa puno ng dugo nito ay hindi na masyadong mamukhaan si Matilda.

Umiwas na ako ng tingin. Hindi ko matagalan ang nakikita ko. Pero bago ko maiwas ang tingin ko ay nakita ko sa wrist nito ang dalawang letra na para bang pinang ukit dito at isang mahaba at matalim na kuko. Natuyo ang dugo rito kaya kitang kita ang nakaukit dito, ZL.

Bumilis ang tibok ng puso ko. Zane Lockwood. Kahit sa ibang mga namatay din sa kamay niya na elementalist dati ay mayroong ganyan na nakaukit. At kung may ganyan ay siguradong siya ang may kagagawan ng pagpatay.

Halos lahat ay nararamdan ko ang awra nila. Lahat sila ay may galit at pagkaawa. Ang mga sirena din ay walang tigil sa pag iyak. Halos mabingi na nga ang lahat dahil sa sobrang tinis ng kanilang mga boses.

Hinanap ng mata ko ang mga demons ngunit wala talaga. Ganito naman pag may ginawa silang eksena, hindi sila mahagilap. Ngunit, gusto ko makita si zane at makausap. Gusto kong malaman ano ba ang tunay na dahilan bakit niya ito nagawa.

Alam kong napakasama ng ginawa niya. Kahit ako ay nakaramdam din ng kaunting galit ngunit mas nangingibabaw ang pag intindi ko sakanya na baka may dahilan. Baka may mabuting dahilan.

At sa pagtingin tingin ko sa paligid ay nakita ko na ang hinahanap ko. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang makita kong nakita siya saakin, sa mga mata ko... Nakakalunod ang titig niya, Nakakalunod ang mga mata niya, Para bang sa paningin ko ay hindi siya masama, kundi isang mabuti at may dahilan kung bakit niya nagawa ang klaseng yon.

Natapos ang titigan namin. Siya ang unang umiwas ng tingin at tinalikuran ako na para bang aalis. Kaya agad akong tumakbo palapit sa kinakaroonan niya.

"Zane."

Tumigil naman siya sa paglakad niya. Kaharap ko ang likod niya. And hindi niya alam kung gaano ko kagusto na yakapin siya at tanungin kung bakit niya nagawa yun. I know there is a reason. Magsasalita sana ko ngunit naunahan niya ako.

"It's impossible to like me. I'm not good. I'm a fucking demon, A heartless and a killer demon. I admit that. So stay the fuck away from me or i will really... really kill you without thinking you're the princess of the south." Malamig na tugon nito. Hindi parin siya humaharap saakin.

"It's not zane." Unti unti ako naglakad palapit sakanya. "It's not impossible to like you. I like you, zane. I really do. I don't care if you kill people or what. I know there's a reason behind all of that. I want to help you. Please, Zane let me help you."

Humarap siya saakin. Bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ko na hindi maganda ang aura niya. Ano ang ikinagalit niya sa sinabi ko?

"You don't fucking like me. Stop saying things that you really didn't mean it. Kung may pinaplano ka man, itigil mo na dahil hinding hindi mo magugustuhan kung paano ako gumanti. You fucking can't handle half of what i've dealt with."

Napakunot ang noo ko. "Zane no... Walang ako pinaplano. And my feelings are true! I feel that... just...Argh." Bumuntong hininga ako at tinignan siya ng mabuti sa mga mata niya. "I just want you to feel loved and i want me to do that to you."

Napatawa siya. "You bitch. I don't want love. I don't want your love! I'm a fucking demon. Alin ba dun ang hindi mo maintindihan?" Lumapit siya saakin na nag uusok ang mga mata. "Maybe you're the one who wants love. Don't use me to your fucking wants and wishes."

Napatanga nalang ako habang nakatingin sakanya na papalayo. Bakit ba hindi niya maintindihan? Gusto ko lang naman siyang mahalin, Alin ba ang masama doon?

"Rose."

Napatingin ako nang may tumawag saakin. Si Taylor. Nagtataka siyang nakatigin saakin, at nalaman ko na agad na nakita at narinig niya ang nangyari kanina lang.

"How?" Naguguluhan niyang tanong. Bago ko siya sinagot ko lumapit ako sakanya at yumakap.

"I don't know. Please don't hate him." Naiiyak na sabi ko.

"Rose, hindi mo siya pwedeng mahalin..." Mas lalong nanikip ang dibdib ko sa narinig ko kay taylor. Alam ko din naman kasi hindi talaga pwede dahil isa siyang demonyo at pag nalaman ito ni Ama ay magiging malaking hadlang siya samin.

"Alam kong magagalit si Ama. Pero taylor, hindi ko talaga kayang pigilan ang nararamdaman ko." Sagot ko.

"Paano, Rose? Paano ka nahulog sa isang demonyo, i mean rose... para saakin, siguro sa iba din nating kasamahan wala talagang mahuhulog sakanya."

Umiling ako at ngumiti. "Pero nahulog ako. Hindi niyo kasi nakikita ang nakikita kong kabutihan sakanya—"

"Damn it rose. Anong kabutihan? Aware ka naman siguro sa mga nangyayari this past few days, Tapos yung nangyari lang ngayon kay Matilda? Anong kabutihan yun, Rose?"

"He have reasons." Maikling sagot ko.

"Reasons?" Napatawa si taylor. "Ano yung reasons niya dahil gusto niya lang?" Napailing iling si taylor. Alam kong nagagalit na siya. Minsan lang magalit si Taylor at kung magalit siya talagang matindi ito. "Siguradong pag nalaman din ito ni Aubrey magagalit siya—"

"Can you just please support me?" I cut her off.

"I'm sorry, but i can't!" Hindi ko akalain na mapapagtaasan ako ng boses ni taylor. I can see the anger on her eyes. "Wake up, rose! He killed so many innocents! He is killing people because he just want to. He doesn't have reason! And sooner or later, he will kill you too! Please, rose? Stop it." Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko at tinignan ako ng diretso sa mata.

"Remember who you are. You are a Princess, the princess of the south. You are soon to be a Queen, so why chase a demon who's not worthy of your love?"

I wiped my tears. Bumitaw ako sa pagkakahawak niya saakin at tinignan din siya ng diretso sa mata.

"You don't understand." Seryosong sabi ko at tinalikuran siya. I'm so dumb to think that they will support me on this.

***

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro