Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 5: Fallen Angel

Qetsiyah Pov

"Are you okay now?" Tanong saakin ni Merliah. Naglalakad muli kami. Pero this time ay sobrang ingat na namin dahil baka mayroon nanamang sumugod. Halos lahat ay hawak ang kanilang mga armas.

"I should thank him." Sabi ko.

"Who? Zane?" Tanong nito.

Tumingin ako sakanya pero agad ding binawi. "Yes. I think his blood is the cure for a Dark Poison. He cured me." I said. Pagkatapos kong inumin ang dugo niya, Agad kong naramdaman ang pagdaloy nito sa buong katawan ko at naramdaman ko din na nawala ang lason. Lumakas muli ako. Pagkatapos niya rin ang painumin ay agad siyang umalis sa tabi ko, kaya hindi ako nakapagpasalamat, at hindi rin naman agad nag sink in saakin ang ginawa niya.

"You really should. He's a Demon, not just a demon but the demon who have a highest position. Knowing him, Hahayaan ka nalang niya mamatay doon." Aniya. "Wait. Yeah... He have no mecy... Pero bakit ka niya nagawang iligtas?" Naguguluhang saad niya. Kahit ako, I didn't expect that a demon would save my life. Take note, A Demon and I'm an Elementalist. Sa pagkakaalam ko din ay ang pinakamarami na nilang napatay ay mga Elementalist, Dahil ito daw ang gustong gusto nilang dugo. Yes, Hindi okay saamin iyon, Kaya nga rin ay sobra ang galit ng buong kaharian namin sakanila, pero hindi namin sila pwedeng labanan, kahit na sobra na ang ginagawa nila saamin. Why? Dahil kapag pinansin mo pa ito, ikaw rin ang mapapahamak. Wala kaming lakas kalabanin ang mga Demons, Kilala sila bilang mga halimaw... Labanan namin ito kami ang mapapatay. Wala ring magawa dito si ama kaya ang ibang mga Elementalist ay galit sakanya lalo na ang mga nawalan. Pero para saakin ay hindi na kasalanan iyon ni Ama. May rules kami na bawal silang maggala sa mga Kagubatan pero anong ginawa nila? They break it. Kaya sila nahanap doon ng mga Demonyo. Bawal naman kasi pumunta ang mga Demonyo sa kaharian namin, Hindi sila makakapasok doon o kahit saang kaharian pa. Dahil kung saan ka dapat doon ka lang.

"Hanggang kailan ba tayo maglalakbay para makapunta sa kaharian ng mga Shadows?" Tanong ni Denise.

"A month? I Don't know." Sagot ni Sariel na nasa unahan.

"So... Sa madaming gabi nandito lang tayo sa gubat nakatanga?" Sabi naman ni Aubree na nasa harapan ko. Gusto ko siyang pagsabihan na manahimik at wag nang sumabat lagi sa mga usapan. Ang mga Demons ay nasa likod lang namin baka onting inis lang nila ay pumatay nanaman sila, At hindi ko kakayanin kapag namatay ang mga kaibigan ko.

"Why? Anong gusto mo? Magbuhat tayo ng bahay habang naglalakbay? Kung magrereklamo ka lang din ay sana hindi ka na sumama pa dito." Malamig na sabi ni Kamila. Kanina pa sila tahimik at ngayon nalang ulit siya nagsalita. Hindi parin siguro sila makapaniwala na namatay ang isa sa kasama nila, kahit naman kami, At hindi namin alam kung bakit nga ba niya pinatay nalang bigla si Cordelia.

Kapag nag gabi na at huminto muli kami. Susubukan ko siyang kausapin upang makapagpasalamat at susubukan ko din kung kaya ko bang itanong bakit niya iyon ginawa. I know, It's dangerous, But i really want to thank him and i want to know why he did that.

"Oh trust me witch. Kakailanganin niyo din ako." Sabat muli ni Aubree at tinarayan ang nasa harapan niyang si Kamila.

"As if."

"Look. It's a cabin." Napatingin kaming lahat sa itinuro ni Sephyr. A small house, nasa gitna ito ng gubat.

"Stay focus. Hindi natin alam kung anong mayroon jan." Sariel said.

Walang gumalaw isa saamin. Nagtinginan ang lahat kung sino ang titingin sa Cabin na iyon, pero walang gumalaw. Lahat kami ay natatakot kung ano man ang mayroon doon, well except demons.

"Now i know." Tumango tango si Zane habang matapang na naglalakad palapit sa Cabin kasunod niya ang kasamahan niya. "Really? Bakit kayo ang pinasama kung duwag na kayo kaagad sa isang bahay?" Tumingin si Zane saaming lahat pero agad ding nagpatuloy sa paglalakad.

I sigh at nagsimula ding sumunod sa mga Demons.

"Qetsiyah..." Tawag saakin nila Aubree pero hindi ko sila nilingon. Zane is right. At kung duwag kaming lahat walang mangyayari saamin. Sinipa ni Zane ang pinto at agad namang itong bumukas, Salamat naman at hindi ito nasira. Hindi pa pumapasok si Zane, Nakatingin lang siya sa loob at seryoso ang mukha kaya nilapitan ko siya, At tumingin din sa Loob. Mahigpit ang pagkakahawak ko sa Sword ko and i can feel my heart is beating fast. Wala naman akong naramdamang kakaiba sa Bahay na ito, and i feel that we are welcome here, Tumingin ako sa katabi ko na seryoso parin na nakatingin sa loob, Is he scared?

"What's with the face?" Tanong ko rito.

"I can feel them, Dark, Dangerous and Strong aura." Sabi niya sa nakakatakot na boses, Tumingin siya saakin, And with that our eyes met. "They're looking for you and they want you. They want you dead." Hindi ko maintindihan bakit ganoon ang pagsasalita niya, Pero dahil sa sinabi niya at sa boses niya ay nagsitayuan ang mga balahibo ko at ramdam ko rin ang kaba ko, Sobra. Lalo ko pang hinigpitan ang sword na hawak ko.

"W-who? Bakit, A-anong kailangan nila s-saakin?" Hindi ko alam kung naintindihan niya ba ang sinabi ko dahil sa sobrang utal ng pagsasalita ko at naglingon lingon pa ko sa paligid dahil baka bigla nalang may sumugod saakin. Pero napakunot ang noo ko nang bumalik ang tingin ko kay Zane at kita ko ang pagpigil ng tawa nito.

"Labas mo na." I said to him and rolled my eyes. Bigla kong narinig ang mahinang pagtawa niya. Damn! He's making fun of me! Nakatingin lang ako sakanya habang tumatawa siya, Why this demon have a gorgeous face? and Oh gosh, His laugh...

"Scaredy-cat." Sabi niya at pumasok na sa bahay. "It's from your Kingdom." Sabi niya.

I sigh at tinignan ang mga kasama namin na nasa malayo at nag aabang saamin.

"It's for us." Sigaw ko sakanila. Mabilis naman silang tumakbo palapit dito. Lahat kami ay pumasok na sa maliit na bahay. Pero hindi mo aakalain na itong maliit na bahay na ito ay mayroong anim na silid, Hindi kaliitan na kusina at sala. It's complete.

"Nice." Saad ni Aubree habang pinapalibot ang tingin sa kabuuan ng Cabin.

"Good Afternoon." Lahat kami nagulat nang biglang may magsalita. Napatingin kaming lahat dito at isa itong matandang lalaki and it's a Hologram. Tumingin ito saakin. "Princess Qetsiyah." Bati nito saakin, napakunot ang noo ko, at inaalala kung sino ito.

Napasinghap ako. "Uncle Felix!"
It's my father's brother.

"Itong cabin na ito ay matagal nang nakatayo dito. It's for Elementalist, Mga Elementalist na naglalakbay dito sa gubat, ito ang matutuluyan nila. But when i heard about my brother's plan, Sinuggest ko na ipakita sainyo ito at dito kayo magpalipas ng gabi o ilang araw kung kelan niyo gusto. This is Invisible no one can see this except all of you. I activated it. There is just rules in this Cabin. No Fighting, Don't mess, And no throwing things outside, they will know. That's all. Goodluck and I just want you to know that we're all counting to all of you." Bago siya mawala ay tumingin muna siya saakin at nginitian ako.

Lahat kami ay pumunta na sa mga silid. Pero syempre sa isang kwarto magkasama doon kung saan ka nabibilang. Just like our kingdom. Pero nakita kong mag isa lang na pumasok si Zane sa isang silid at walang sumunod sakanya sa ibang silid pumasok ang mga kasama niya. Nagkibit balikat ako at pumasok na sa Silid namin. Walang kama dito, kaya ay sa lapag lang kami matutulog, but thankfully may mga unan at kumot.

"Uhm is this okay with you girls?" Tanong ni Ethan. Siya lang kasi ang nag iisang lalaki. "May dalawa pa namang bakante, pwedeng mag isa nalang ako doon."

"The one in the Left is Taken." Sabi ko at napatingin sila saakin. "Uh i saw Zane na pumasok doon."

"Then meron pang isa." Sabi ni Ethan.

"Silly Ethan. It's okay. No one gets left behind. Mag isa ka lang doon baka mapaano ka pa." Sabi ni Taylor. Sumang ayon naman kami sa sinabi ni Taylor. Inayos namin ang higaan namin at nahiga na, Napapagitnaan ako nila Sariel at Aubree.

"Aubree?"

"Hmm?"

"May tampo pa ba kayo saakin?"

"Nah. Alam mo naman hindi ka rin namin matiis." Napangiti ako sa sagot niya. "Qetsiyah, Please take care of yourself. Muntik ka nang mamatay sa lason na iyon, at hindi namin alam ang mangyayari kung sakaling mawala ka. Hindi natin alam anong kayang gawin ng Hari kapag nalamang—"

"Shh. Don't worry, Aubree. I can take care of myself." Pagputol ko sa sasabihin niya.

"I'm just reminding you. You're important to us. Bata palang tayo magkakaibigan na tayo, Hindi ko alam anong mangyayari saamin ni Taylor kapag nawala ka."

"Well thank you for reminding me. Just don't worry, I promise okay? Basta't ipromise niyo din na walang mangyayaring masama sainyong dalawa."

"I promise." Sabi niya. Maya maya lang din ay natulog na siya. Ako ay hindi nanaman makatulog. Nakatulala lang ako sa kawalan nang maalala kong katabi ko pala si Sariel.

"Sariel? Are you still awake?" Mahinang tanong ko.

"Yeah."

"Are you okay?" Tanong ko. Hindi kasi namin siya nakakasabay sa paglalakad at hindi namin siya nakakausap dahil nasa unahan siya upang mag guide saamin.

"Yes."

"May tanong ako, Sariel." Hindi siya nagsalita, so siguro hinihintay niya ang tanong ko. "Nang ipainom kasi saakin ni Zane ang dugo niya nawala ang lason sa katawan ko. It's a Dark poison, right? You and Kamila can't heal it, Pero paanong naging dugo niya lang pala ang magpapagaling sa Lason na 'yon?"

"Because he's a Demon, A Fallen Angel."

"Fallen Angel? Hindi ba't kakampi na ito nang mga shadows?"

"Yes." Hinihintay ko pa ang sunod niyang sasabihin pero hindi na siya nagsalita.

"Tell me more, Sariel."

"Bakit gusto mong malaman ang tungkol kay Zane?"

Napatahimik naman ako. Yeah, Why? Bakit ko nga ba gustong malaman?

"Kung mabibigyan mo ako ng magandang sagot, I will tell you."

I sigh. Ayoko na sana muling magsalita pero gusto ko talagang malaman. "I don't know... Maybe i just want to know him." Mahinang sabi ko.

"Why? He's a Demon."

"So? Isa siya sa masasama pero hindi hadlang iyon para kilalanin at maging interesado ako sakanya. I want to know him, not being a Killer, Ruthless, Heartless, Mean or whatever but the real him." Hindi ko alam paano ko nasabi ang mga ito but maybe this is really what i feel.

"Well sorry to disappoint you, Princess Qetsiyah. But that's the real him. No one can change that, Demons don't change." Sabi nito. "If you want to know him, Ask him yourself. Hindi ako siya para ikwento ang buhay niya. But remember what your father said before you go. Stay away from Zane Lockwood." Magsasalita pa sana ako ngunit nagsalita siya. "Goodnight, Princess Qetsiyah."

Huminga ako nang malalim. "Drop the Princess, You can call me Qetsiyah or just plain rose." Sa tingin ko ay natulog na talaga siya dahil hindi na muli siya nagsalita.

Ilang minuto ang lumipas hindi talaga ako makatulog kaya ay dahan dahan akong tumayo at walang ingay na lumabas ng Silid, Pero paglabas ko palang ng Silid ay bumungad saakin ang kanina pang tumatakbo sa isipan ko.

"Zane."

Sa tingin ko ay kakalabas niya lang din ng Silid niya at papunta siya sa Sala. Tumingin siya saakin, Oh gosh his eyes, Pakiramdam ko malulunod ako sa tingin niya. Ang tingin niyang akala ng iba ay nakakatakot pero para saakin... hindi. Para saakin kapag tumitingin siya saakin ay hindi ko rin maalis ang tingin ko sakanya. His serious face, His beautiful eyes, His lips... God he's so perfect, He's driving me crazy.

I'm sorry, Father, but something told me that staying away from Zane lockwood... was going to be impossible.



***

Merry Christmas Everyone! Wish you all the best. xoxo

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro