Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 1: Pilot

South, Royal Kingdom

Napangiwi ako nang maramdaman ko ang sakit ng likod ko dahil sa malakas na pagtalsik ko, Kanina pa ang pag eensayong ginagawa namin pero hindi parin lumalabas ang malakas na kapangyarihan ko. "That's Enough." Napatingin ako sa malamig na boses na nagsalita. Ang hari, Ang hari ng South at ang Ama ko...

Tumayo ako. "Father, I'm so sorry." Nanghihina kong sabi pero pinipilit kong maging malakas sa paningin niya. Matagal ng nadidismaya saakin si Ama dahil nasa tamang edad na ako pero hindi ko parin kayang magpalabas ng malakas na mahika at lumaban nang nananalo.

Sinenyasan niya si Jake na umalis muna, Sinunod naman niya agad ito. Si jake ang magaling lumaban kaya siya ang inassign na maging Trainor ko. Lumapit saakin si Ama at kaunting ngumiti saakin. Matanda na ang ama ko, Maputi na ang buhok nito pero halata parin ang pagkamay itsura niya. "That's Okay, Qetsiyah. Siguro ay hindi ka palang talaga handa. Pero sana kahit sa pagdepensa maging magaling at matalino ka. Walang poprotekta saiyo kapag mag isa ka." Napayuko ako. Alam kong pilit lang ang ngiti niya, Bakas parin sa mukha niya ang pagkabigo. Hindi ko siya masisisi na ganyan lagi ang reaksyon niya pagtapos ng ensayo ko. He's Expecting me. Ako ang tagapagmana niya sa Kaharian, Lilipas ang taon ako ang magiging Reyna ng Royal Kingdom, kaya gusto niyang maging malakas ako upang kaya kong maprotektahan ang kaharian namin.

Naglalakad ako papunta sa aking Kwarto. Nakasalubong ko ang reyna. Yumuko ako at humingi ng pag galang. "Mother." Ngumiti siya saakin at yinakap agad ako. Nabalitaan niya muli na hindi perpekto ang pag eensayo ko.

"You're good." Pag papagaan niya saakin. "Ang galing mong humawak ng Espada." Humiwalay siya saakin ng pagkakayakap at nginitian ako. "Magiging magaling ka pa balang araw. Magiging malakas ka pa. Just work hard okay?" Hindi ko mapigilan ang pagtulo ng mga luha. "Shh. It's okay. You're doing great and i'm proud of you." Minsan napapaisip talaga ako, bakit ganito ang trato niya saakin? Bakit kung tratuhin niya ako ay parang tunay niya akong anak? Naiiyak nalang ako dahil kahit hindi siya ang tunay kong ina, at hindi niya ako tunay na anak ay pinaparanas niya saakin ang pagmamahal ng isang ina. Sana... sana siya nalang ang naging ina ko.

"Thank you." I smiled to her.

Bago pa ako umalis ay may sinabi muli siya. "Ginagawa niya lang ito kasi nag aalala siya sayo. Nag aalala siya kasi mahal ka niya at gusto niya na kaya mong protektahan ang sarili mo upang walang may mangyaring masama sayo."

Tumango tango ako. "I understand."

Habang naglalakad ako nakasalubong ko si Sariel. Ang tinitingalaan na anghel. Napansin niya ako kaya ay ngumiti ako sakanya. "Hi Sariel."

She just bowed to me and Half smile. At naglakad na muli. She's always like that. Tahimik lang siya at hindi nakikipag usap sa iba, Minsan nga ay hindi niya pinapansin ang bumabati sakanya, I know ayaw niya rin ako pansinin but she still bow to me and smiled. She have respect.

***

"Focus rose." Sabi saakin ni Jake pagkatapos niya akong mapatumba. Inabot niya ang kamay niya upang tulungan ako tumayo pero hindi ko iyon tinanggap. Tumayo ako mag isa at nagulat naman siya sa ginawa ko kaya agad ko siyang inatake gamit ang espada, Hindi niya naiwasan ang una pero agad din niyang itinapat ang Espada niya at linabanan ako.

"Great huh." Saad niya.

"Don't be friends with your enemy." Sabi ko sakanya, Ito ang sinasabi niya saakin lagi. Dahil kapag natatalo niya ako, tutulungan niya ako tapos ako naman ay tatangapin ko yun kaya nawawala ako sa focus. Nagpatuloy lang kami sa aming paglalaban, Pero wala paring pinagbago. Lagi parin akong talo. Mahina.

"AHH!" Napahiyaw ako sa naramdaman kong sakit sa dibdib ko. Nabitawan ko ang Espadang hawak ko at napaluhod dahil sa sakit na iyon. Yung parang may biglang binunot na matulis na bagay mula sa dibdib ko. Narinig ko rin ang hiyaw ni Jake at kita ko rin ang sakit sa mukha niya. Ilang segundo lang ay narinig namin ang tunog ng kampana, Ang ibig sabihin saamin nito ay may Panganib na nangyayari kaya maging handa.

Mula sa malayo kita ko si Ama na nakasakay sa kabayo palapit saamin. "Qetsiyah!" Malakas na sigaw nito at bakas sakanya ang pag aalala.

Nakarating siya saamin at agad akong tinanong kung ayos lang ba ako. Inalalayan niya ako at isinakay sa kabayong dala niya.

"Nasira ang Barrier. Kailangan nila ng tulong sa Majestic Falls." Sabi nito kay Jake na agad na nagpatakbo dito.

Pinatakbo na ni Ama ang Kabayo, Pabalik kami sa Kaharian. "Father, What's happening?" Tanong ko rito.

"Someone took all the Stones." Maikling sagot nito pero sobrang kaba ang naramdaman ko. May kumuha ng Life stones? Imposible! Sobrang lakas at tibay ng Shield na ginawa ng Apat na kaharian doon, At isa pa, Hindi pwedeng mawala doon sa Majestic Falls ang mga Stones, Malaking problema ito, Siguradong lahat kami ay mapapahamak hindi lang dito sa Kaharian namin kundi Ang Apat na kaharian.

Nakarating kami sa Kaharian. Agad akong pinatakbo ni Ama sa aking kwarto at sinabihan na huwag daw akong lalabas. Sinunod ko ang sinabi niya at Eto ako mababaliw na sa kakakaisip at sa pag aalala sa lahat. Pero sa kabila non, Alam kong magiging ligtas padin kami dahil kasama namin ang mga Anghel sa Kaharian na ito.

North, Dark Kingdom

"Something happened in Majestic Falls." Biglang sabi saakin ni Fred. Napataas ang kilay ko sakanya.

"Do i look like i care?"

Tinaas niya ang dalawang kamay niya. "Woah, Easy man. Are you hungry? Gonna bring you a snack." Sabi niya at agad na umalis. Napailing nalang ako dahil halata naman ang takot sakanya. Naalala ko ang naramdaman kong sakit kanina at sigurado din akong naramdaman iyon ng iba. Tsk someone failed to protect the life force, o may pumoprotekta nga ba?

Ilang minuto ay bumalik dito sa Fred na may dalang babae. Nakagapos ang kamay at may takip ang bibig. Halata din dito ang takot dahil sa pag iyak nito.

"I brought you a snack." He devilish smile to me.

I smirk. "Which clan?" Tanong ko habang tinatanggal ang takip sa bibig nito.

"Elementalist, Wizard or whatever is that. Your Favorite."

"Please don't kill me." Iyak ng babae. Sa tingin ko ay bata pa ito at mahina pa. Hindi pa lumalabas ang totoong kapangyarihan nito. Hinawakan ko ang buhok nito at inilagay sa likod.

"Are you going kill me?" Nanginginig na tanong nito.

I smiled. "Yes." Naramdaman ko ang pag iba ng anyo ko, Naramdaman ko ang lakas at sabik sa dugo nito. Agad kong sinungaban ang leeg nito at sobrang lakas naman sigaw nito. Ilang segundo lang ay wala na siyang malay, She's dead.

"Malalagot ka pag nalaman ito ng Hari ng South." Iling na sabi ni Fred habang inililigpit ang Babae.

"Like i care." Umupo ako sa Trono. "Mind his own business and his Kingdom. And Fred, We are Monsters and Killers, A Demon! We kill, and kill and kill and we don't care."

"That's your Father throne. You can't sit there."

Naramdaman ko ang paglabas ng sungay ko, at pangil ko. Siguradong nagiba na din ang kulay ng mata ko, kahit ang paglabas ng pakpak ko ay ramdam ko. Dahil ito sa galit.

Mabilis ang galaw ko, agad kong naitulak si Fred sa malayong pader at sinakal siya.

"You can't just command me, Fred." Matalim na sabi ko sakanya habang diretsong nakatingin sa mga mata niya na bakas ang takot. "Remember, I don't really care. You're my friend but i can kill you."

"Z-zane... I'm sorry. Please don't kill m-me." Nahihirapang sabi niya. Lalo kong idiniin ang pagkakasakal sakanya, Ramdam ko ang paglalaban niya pero mas malakas ako sakanya.

"I don't show mercy, Fred. But you're my friend i can give you second chance. But if you do that again? I will not give you another chance and you'll be dead. You understand?" Agad kong itinanggal ang pagkakasakal ko sakanya.

"Y-yes zane."

"Get out of my sight." Mabilis siyang tumakbo palayo saakin. Ibinalik ko ang Human form ko at muling naupo sa Trono.

East, Nightworth Kingdom

"Get your ass up, Vladimir. We need to know what's going on." Ugh! This freaking little vampire really pissed me off!

"Easy, Witchie. We have time for that." Sagot niya habang sarap na sarap na umiinom ng dugo sa baso. Gross.

Huminga ako ng malalim. Tinignan ko siya mabuti at sumigaw naman agad siya sa sakit at nahulog ang baso na may lamang dugo.

"S-stop! S-stop it!" Namimilipit sa sakit na sigaw nito. Itinigil ko ang Pain Infliction at pinagmasdan siyang nanghihinang tumayo.

"Now, Let's go back. Like i said, We need to know what's happening. So we're going to Majestic Falls." Malamig na sabi ko sakanya.

"Argh you little witch. It's Day time! How can i go out?!" Inis na sigaw nito saakin.

"Hello? You have a witch on your side." Mataray na sabi ko. "Kaya kong gumawa ng spell na hindi ka masasaktan ng araw."

"Then what are we waiting for?" Tinarayan niya ako at naunang umalis. I rolled my eyes at sumunod.

"Kamila." Napalingon ako sa tumawag saakin. Jake, from the south. "What are you doing here?" Napatingin siya sa kasama ko. "with a vampire? Are you crazy?"

"Nope, Just a witch." Inalis ko ang tingin ko sakanya, At tinignan ang nangyayari dito. Maraming mga Elementalist, Mayroon ding mga hindi ko mawari kung ano pero siguro ay clan ito ng sino mang kalaban iyon.

"Someone took all the Stones." Sabi ni Jake na nagpalingon saken.

"What?!" Sigaw ko. That's freaking stone is our Life!

"Yes. You felt the pain right?" Tanong nito.

"No. I'm in protection shield. I can't feel pain." Sagot ko. Tinignan niya ako ng nailing. "Stay away. Don't act like we're friends." I rolled my eyes to him, Hindi nalang niya ako pinansin at umalis na sa tabi ko.

"Kamila!" Hindi ko pinansin ang boses ni Vladimir. Isa rin itong sakit sa ulo.

"Are they fucking kidding me? Our life force is fvcking gone! How can that be possible?!" Sigaw nito. Hindi ko siya pinansin at pinagmamasdam lang ang paligid. Minemorize ko ang mga itsura ng hindi namin alam kung saan galing. They're all wearing red hood, their eyes is Yellow or gold, And lalaki silang lahat pero mahahaba ang kanilang mga buhok.

"Hey witchie! Paano ka nagiging kalmado kahit na wala na ang bumububay saatin? Are you—" "Shut Up!" Sigaw ko sakanya.

"Let's go back. I'm sure the King of the South already have a plan." Sabi ko at tinalikuran na siya. Pero hindi siya sumunod. "Gagana lang ang spell kapag malapit ka saakin. So if you don't want to die, Freaking follow me!"

West, Aqualand Kingdom.

Nag eensayo ako gamit ang Pana. Itinitira ko ito sa mga puno habang tumatakbo nang bigla kong maramdaman ang pagtawag nang aking ina kaya ay agad ako tumakbo sa kaharian.

"Mother." Pagbati ko sakanya. "Mayroon bang nangyari?" Tanong ko agad dito. Minsan lang kasi ito magpatawag, At pag tumawag ito ay may kailangan itong ipagawa.

"King Valter just give us a Message. The stones are gone, Someone stoled it."

Nagulat naman ako sa balitang sinabi nito.

"Hindi nila mapadalhan ng Mensahe ang kaharian sa ilalim ng Dagat, Dahil siguradong may Protection ito. Kaya inuutos ko saiyo na tawagin mo si Merliah upang ihatid ang mensahe sakanilang kaharian."

"Masusunod po." Sagot ko at agad na tumakbo papunta sa Dalampasigan.

Inilabas ko ang Mermaid Signal na galing kay Merliah, Ang Prinsesa ng Karagatan. Inihipan ko ito at siguradong narinig na ito ni Merliah at ilang segundo lang ay narito na siya.

Nakita ko mula sa malayo ang paglangoy nito. Ang mahabang buhok nito na kulay asul.

"Hello my Horse friend. What can i do for you?" Malambing ang boses nito at ang pagsasalita nito ay parang bang musika sa pandinig mo.

"The Stones are gone. Ibalita mo daw ito sa inyong kaharian. At maari niyo bang alisin ang Protection spell niyo? Dahil hindi daw kayo mapadalhan ng Hari ng South ng Mensahe."

"Hmm." Napaisip siya at maya maya din ay nanlaki ang mata niya at nagulat nalang ako dahil nakasakal na saakin ang kulay asul niyang Buhok. This is just a hair but its hurts! "What did you just said? The stones?"

"Are gone."

"That's Impossible!" She hissed.

"Easy mermaid. Just stay calm. I'm sure the king of the south is already planning what to do."

Tinignan niya ako at huminga ng malalim at unti unti kong naramdaman ang pag alis niya ng buhok niya sa leeg ko.

"Now go back to your Palace and tell your father. And Hello to you too my fish friend." Agad na akong tumakbo paalis at hindi na hinintay ang sasabihin niya. Bumalik na muli ako sa pag eensayo.







"This is Valter. King of the South. I know we're not all in the Good Terms but our world, Our kingdoms is in Danger. So I'm calling all of you to gather here in Majestic Falls."

"Again, I'm calling all of you to gather here in Majestic Falls. South, North, East and West Kingdoms. If you want to save our kingdoms then you will come here. The choice is on yours. Thank you."


***
Author's note

I hope you enjoy this First Chapter. Sorry for all the Typograpical Errors and Wrong Grammatical. Still working on it. No one's perfect. Thank you.

Ketsiya/ Ket-siya/ Ket-see-ya

Zeyn

Sa-ri-yel

Merliya/ Mer-lee-ya

Sefar

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro