Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 4

Confirm


Nakatulog ako matapos ang isang malalim na usapan kanina kasama si Senyora. Nang tingnan ko ang orasan sa pader, ala uno imedya na. Humikab ako sabay bangon at pinikit sandali ang mga mata. Napatingin ako sa tiyan ko nang bigla itong nagreklamo. Parang gutom na yata ako.

Before I stood up, I picked up my phone to see if there is notifications and saw's Chelsea messages there and Dad's. Mamaya ko nalang siguro 'yon bubuksan. Puno na rin ang percentage ng battery nito kaya ni unplug ko na ang charger.

I decided to go downstairs to get some food. Gutom na talaga ako at nagwawala na rin talaga ang tiyan ko. As I walked towards the grand staircase of the Mansion, I pressed my lips together because of nervousness. Hindi ko rin alam kung bakit ni-niyerbyos ako.

Nang pa baba na ako, I glanced at the large picture frames hanging on the walls. They exuded elegance and class, like a royal family. Maraming mga malalaking pictures doon na mukhang kuha pa sa sinaunang camera.

Nang nilipat ko ang mga mata sa isang dako ay napako ang mga mata ko roon. I saw pictures of Adam when he was a child, posing with his family. Hindi ko mapigilang hindi mapangiti lalo na at malaki ang ngisi niya roon at kita pa ang cute niyang dimple roon sa kaliwang pisngi niya. May malaking snow siya sa ulo niya habang may isang batang babae na pa ambang lalagyan ulit ang ulo niya ng snow. Kapatid kaya niya ito?

While most of his features resembled his father, his eyes were an exact replica of his mother's. Ang ganda ng Mommy niya. She's like an old money type elegancy of woman. Ang Dad niya naman ay mukhang mixed. It's like a Russian bloodline or German. Ang batang babae naman ay kamukhang-kamukha ng Mom niya. Siguro nga ay kapatid niya ito. Nasaan kaya ito? Hindi kaya ay nasama siya noong na aksidente ang mga magulang ni Adam? Napalunok ako.

Nang tuluyan na akong makababa ay nilibot ko ang mga mata sa paligid. Sa napakalaking Mansion na ito, parang kay hirap mang hagilap ng mga tao rito sa loob. Papunta na ako sa kusina nang may namataan akong isang katulong na nagpupunas ng naglalakihang vase. Nilingon niya ako. Yumukod pa ito ng bahagya sa akin sabay ngiti. Hala?

"S-Sorry sa abala," pagsisimula ko. "Um...may pagkain po ba? Nagutom kasi ako," nahihiya kong sinabi.

She abruptly put down the cloth she's holding then nooded. "Ano po bang gusto ninyo, Miss Minna para magawan ko po kayo?"

Kaagad din naman akong umiling. Please, I know how to make my own food. Parang nakakahiyang iutos 'yon sa kan'ya. Hindi pa naman ako sanay mang utos.

"Ako na---"

"Naku, Miss Minna hindi puwede na ikaw ang gagawa at baka mapagalitan kami ni Senyora. Bisita ka rito, e."

I bit my lower lip as I slowly nodded. "Sige."

She smiled. "Ano po bang gusto ninyo? Oo nga pala, ako nga pala si Tessa, Miss Minna."

I smiled back. It's like she's older than me in two years. Mas matangkad din siya sa akin ng kaunti.

"It's nice meeting you, Tessa. Chicken sandwhich at orange juice lang ang gusto ko."

"Sige po, Miss Minna. Puwede ka munang magliwaliw rito o hindi kaya ay sa may golf course at parang nandoon sila Sir Adam."

Mangha at gulat akong napatitig kay Tessa. Ano raw?! There's no way na may golf course rito. Ay, bakit? Baka nakalimutan mong na sa napakalaking Mansion ka, Minna? Sigaw ng utak ko.

Kaagad akong kinabahan. Sila. So, marami sila?

"Saan 'yon, Tessa?"

"Dito po," turo niya sa may isang pasilyo. "May malaking back door diyan. Makikita mo rin kaagad ang golf course dahil gawa sa glass ang sliding door."

Tinanguhan ko siya at nagpaalam na rin siyang magtungo na sa kusina. Umakyat ulit ako sa kwarto para maligo. Nakakahiya at parang marami talagang kasama si Adam ngayon sa Mansion. Mga kaibigan niya siguro. I sighed. Just, wow. Up until now, hindi ako makapaniwalang nandito ako sa Lanao del Norte.

Pagkatapos kong maligo ay blinow-dry ko na ang buhok. Sabi ni Mommy ay namana ko raw ang buhok ko kay Lola. It's long and wavy tapos kulay mahogany ang buhok. I pressed my lips again and sighed. Nahihiya na ako rito. Gusto ko na talagang umalis dito pero kailangan ko pang hintayin sila Lolo at Lola.

Pinagkatitigan ko ang sarili sa salamin. Napako ang tingin ko sa maliit na mole kong nasa lower lip. Sabi ni Chelsea ay kaya raw ako madaldal dahil may ganito ako. Siya nga walang ganito pero mas madaldal pa sa akin. Ka echosan lang, e.

Sinout ko ang baby blue na sunday dress at hinayaan ko ang buhok na nakalugay. Malapit na palang aabutin 'yon sa baywang ko at hindi ko alam kung kailan ko ito papagupitan. Nasasayangan kasi ako. Siguro kapag opening na ng skwela.

Bumaba ulit ako at nakita kong nakalapag na ang pagkain at juice sa center table roon napaka laking living room. Hinahanap ko si Tessa para sana pagpasalamatan pero hindi ko na ito mahagilap. Dinampot ko ang chicken sandwhich sabay kagat noon. Wow, ang sarap!

May nakita akong dalawang serbadora na galing doon sa itinuro ni Tessa na pasilyo kung saan ang golf course. Nagsisikuhan ang mga ito habang may bitbit na mga food trays. Nang namataan nila ako ay kaagad silang umayos at yumukod ng kaunti sa akin. It's seems like they are just in my age.

Uminom muna ako ng juice at naglakad papalapit doon sa pasilyo. Bitbit ko pa rin ang chicken sandwhich habang naglalakad ako. When I reached the last wall then saw the reflection of the light that probably from the outside ay hindi muna ako humakbang doon.

Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan. Tumikhim ako sabay hakbang ulit. Mayroon nga roong napakalaking sliding door na glass. Nanlaki ang mga mata ko nang may lalaking tumayo at naglakad palapit sa pintuan. Kaagad akong nagtago sa dingding.

What the fuck?! Ano 'tong ginagawa ko? Mga ilang minuto nang hindi naman ito lumabas ay dahan-dahan akong sumilip doon. Nakatayo sa hindi kalayuan ang lalaki at parang may kinakausap sa kabilang direksyon. He is tall like Adam. Nakasout ito ng itim na cap pero pabaliktad. He's wearing a black shirt and white trousers. Humakbang ulit ako para mapunta sa kabilang dingding para masilip kung nandoon ba si Adam.

Malapit na sana ako sa kabila nang biglang lumingon 'yong lalaki sa gawi ko. Nanlaki ang mga mata ko at kabadong bumalik sa pinagtataguan ko kanina. Nahulog pa ang ginawa ni Tessa na chicken sandwhich! Naknang!

Babalikan ko pa sana 'yon para pulutin nang makita kong may anino na papalapit sa direksyon ko. Shit! Wala akong choice kung hindi ang iwan ang sandwhich na parang naiiyak na rin dahil sa ginawa kong pag-iwan.

Hindi ko alam kung saan ako magpunta. Lakad lang ako nang lakad habang ang puso ko ay hindi pa rin humuhupa. Shit. Nakakahiya! That guy will think I am a creep or a crazy fan girl! Dios ko!

"Miss Minna, anong nangayayari? Namumutla ka?" nag-alalang tanong sa akin ni Tessa.

I blinked numerous times. Na sa living room na pala ako. Tiningnan ko ang orange juice sa center table. Dinampot ko iyon sabay inom ng juice. Mabuti nalang at naibsan ang kabang naramdaman ko pagka inom ko sa juice.

"W-Wala, Tessa. Uhm, pwede gawan mo ulit ako ng chicken sandwhich? G-gutom pa kasi ako." Which is very true. Naka tatlong kagat pa lang ako no'n, e. Sayang 'yon. Ang sarap pa naman.

"Sure po," kunot noong sagot niya naman at tila naguguluhan sa disposiyon ko ngayon.

I smiled. "Thank you, Tessa---"

"Sir Kento, ikaw pala!" masiglang bati ni Tessa sa lalaking parang na sa likuran ko ngayon.

Ang kabang naramdaman ko kanina ay mas trumiple. I gulped as my sweat started to form on my forehead. Shit! Shucks! Please, brilyante ng lupa kainin mo na ako at huwag nang ibalik dito sa mundong ibabaw!

"Ikaw ba ang may gawa nito, Tessa?" he playfully asked.

Bahagyang umawang ang bibig ni Tessa sa sinabi niya. T-Teka, huwag mong sabihing dinampot niya ang sandwhich na nahulog? I secretly gasped. Gulo akong tinapunan ng tingin ni Tessa sabay balik ulit ng tingin sa lalaking na sa likod ko.

"O-Oo," ani Tessa. "Pero si Miss Minna lang po ang ginawan ko ng ganyan, Sir Kento."

"Too bad because it looks like it's meant for me?" he chuckled.

Hindi ko na napigilan at nilingon ko na talaga siya. Bitbit niya mga ang sandwhich at mukhang paubos na. What the? Kinain ba talaga niya? Pero nahulog 'yan!

"Pwede bang pakuha ng juice, Tessa?" he sweetly asked.

Wala sa sariling sumunod kaagad si Tessa pagkasabi niya roon. He looks so different. His looks was a very bad boy type. Mestizo rin siya kagaya kay Adam. But he have a bit chinky eyes and he somewhat looks like a Japanese. May silver piercing pa ito sa kaliwang tainga niya at hindi nawawala ang ngisi sa kan'yang labi. He's handsome. A model type of man. Knowing he is tall like Adam, I can be so sure of a reputation of him towards women lalo na at may parang mapaglarong personalidad ito.

"D-Did you just ate a sandwich that literally fell on the ground?" hindi ako makapaniwalang napatitig sa sandwhich na paubos na.

"Sayang, e. Wala pa rin namang five minutes."

Is he serious?!

"Sana tinapon mo nalang. Baka iisipin ni Tessa na binigay ko 'yan sa 'yo," kunot noo kong sinabi.

"Wala ka nang magagawa. Paubos na." He shrugged. "I am Kento Emmanuel Fortich, by the way. You must be Minna, Adam's....friend?" aniya sabay ngisi.

"Sort of..." sagot ko nalang. Baka mapahiya pa ako kapag sasabihin kong magkaibigan kami ni Adam. I know for sure that he is not seeing me as his friend because we literally always banter to each other.

Pinagtaasan niya ako ng kilay sabay subo sa last nang sandwhich. He nodded and chew the food. Kinain niya nga talaga. Knowing na hindi lang 'yon nahulog sa sahig ay may mga kagat ko na rin 'yon. He was just...argh! Bakit mukha akong nahalay sa ginawa niya?

"Bakit ka nga pala naroon? You look like a thief earlier, you know?" aniya sa natatawang boses. Dinampot niya ang baso ng juice ko sa center table sabay inom.

Uminit ang magkabila kong pisngi. Hindi ko alam kung saan ako mas nahihiya. Doon sa sinabi niyang nakita niya ako roon kanina at napagkamalang magnanakaw o sa pag inom niya sa juice ko.

Shit. He's really a playboy!

"P-Pupunta sana ako roon sa golf course kaso may tao pala."

"To see Adam, perhaps?"

"H-Hindi, 'no!" kaagad kong depensa.

"So, to see me?" ani Kento with his playful smirks appearing again.

Suminghap ako sabay irap sa kanya. Aba, ang kapal din. Confirm! Magpinsan nga kayo ni Adam.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro