Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 3

Speechless


Nang maihatid ako ng isa sa mga kasambahay ng mga Fortich sa room na pag stay-yan ko ay kaagad kong nilibot ang tingin sa kabuoan ng silid. Wow. Ang ganda at ang laki. May walk in closet pa at napakalaking kama. Nilingon ko ang mga gamit ko na parang nag mistulang basura sa kabuoan ng silid. Dios ko. Sa pagkakaalam ko, si Adam ang nag-akyat ng mga gamit ko rito.

I smirked. May pagka mabait naman pala.

Kaagad kong hinahanap ang outlet para makapag charge ako. Sobrang drain na ng cellphone at power bank ko at hindi pa ako nakapag update sa mga magulang ko at kay Lolo at Lola!

"You don't have to worry, Pearl, she's so very fine here!"

Narinig ko ang boses ni Senyora Ophelia sa labas ng silid at mukhang papalapit ito rito. Nilingon ko ang pintuan nang may kumatok doon ng bahagya. Hindi ko iyon naisara nang maayos at medyo naka awang ito. Nilingon ko si Senyora na may pagtatakang tingin.

"There you are. See, Pearl? She's fine!" aniya sabay pakita sa akin ng mamahalin niyang Ipad. Did she just video called my Mom? Kaagad akong tumayo at tumakbo papalapit kay Senyora.

"Say hello to your Mommy, Minna!" maligayang sinabi ni Senyora at ibinigay sa akin ang Ipad.

Mommy looks devastated as worried face was evident on her face. Nag face palm si Mommy nang makita niya ako. I can't find Daddy. Baka na sa opisina na.

"My God, anak! Halos mabaliw na ako kakaisip kung nasaan ka since tumawag ang Lolo at Lola mo na hindi ka raw nila mahagilap sa terminal ng bus! What happen?" bungad kaagad ni Mommy.

I pressed my lips. "S-Sorry, Mommy. Dahil na rin sa pagod ay hindi ko na namalayan na maling bus pala ang nasakyan ko," I gulped and threw a second gaze to Senyora. "P-Pero I am safe, Mommy. I am fine here. I can call Lolo and Lola--"

"Natawagan ko na sila na nandiyan ka sa Mansion ng Fortich. They are relieved as well. Nasabi rin nilang pupunta sila riyan sa Lanao del Norte since bibisitahin ni Papa ang kapatid niyang babae sa Bacolod. Diyan ka muna raw," mahabang lintanya ni Mommy.

Napatanga ako. I am out of words! Ano? H-Hindi puwede! Alam kong maganda rito sa mansion pero ayokong matagalan pa rito, ano! Ano namang gagawin ko rito? Araw-araw makikipag bardagulan kay Adam?!

"S-Si Daddy po, my?"

"He is fine. Nag-alala rin pero no'ng nasabi kong na sa mansion ka ng mga Fortich ay napanatag naman na ang Dad mo. All you can do right now is to behave and wait your grandparents. They will pick you up there once they will arrive."

I sighed. Senyoara excitedly hugged me. Ngayon ay dalawa na kaming na sa screen at kaharap si Mommy. Mom smiled at us. Siguro ay close na close si Mommy at Daddy ni Adam dati. Halata kasi si Senyora na gustong-gusto si Mommy at parang nasabik.

"Don't worry, Pearl I will take care your daughter just like how I took care of you!"

Mama laughed. "Thank you so much, Senyora. Sa ngayon ay pagpasensyahan mo na at may pagka makulit talaga 'yang anak ko."

My eyes widened. "Mommy!"

"Just like you in your younger age! Kaya nga hindi kayo noon magkasundo ni Manolo!" natatawa ring sagot ni Senyora kay Mommy.

Hello, nandito pa ako?

"Kaya nga, Senyora. By the way, Adam is there right now?"

Kunot noo akong napatitig sa ina. Kilala niya is Adam? Bakit hindi niya nasabi sa akin? Not that I was interested way back when she told me about this Mr. Fortich that was his bestfriend who lived in Bukidnon. Malay ko rin bang may anak itong siraulo.

"Yes! They are very good. Minna and Adam are very good!"

V-Very. Very good? Naknang.

Napansin siguro ni Mommy ang pagsama ng timpla at pagkunot ng noo ko kaya ibinaling niya ang tingin sa akin. I cleared my throat and tried to lighten my mood.

"Minna...be a good girl," banta ni Mama with her flashy smile.

Nang makapag paalam na si Mama ay excited na naman akong hinarap ng matanda. She put her both hands on my cheeks like she was examining my whole face.

"Ang ganda mo!" she smiled and slightly pinched my cheeks. "Parang bumata ako no'ng makita kita kasi kamukha mo talaga ang Mommy mo, e. It's feels like I am taking care a young Pearl again," she said lovingly.

"Pasenya na sa pagiging hyper ko, Minna. It's just," she sighed and smoothly pulled me on the sofa near at the king size bed. "I dreamed to have a daughter. Noong na sa Bukidnon pa lang kami, palaging nagagawi ang Mommy mo sa rancho namin para roon magbasa ng paborito niyang libro. May malaking punong Acasia kasi roon. When Manuel----my husband wanted to cut that tree, hindi ako pumayag. Baka kasi hindi na babalik ang Mommy mo."

Wala sa sariling napangiti ako roon. Ano kayang hitsura ni Mommy noong kapanahonan niya habang may bitbit itong libro gamit ang maliliit na mga kamay tapos magtungo sa rancho ng mga Fortich para roon magbasa sa ilalim ng punong Acasia.

"Palagi kong tinatanaw ang Mommy mo mula sa malaking bulwagan namin sa Mansion. Then she met Adam's father."

Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan. Did they just...

"No, no," agap sa akin ng matanda. Napansin niya sigurong parang namuo ako ng ideya tungkol sa mga magulang namin ni Adam.

"They never dated. Naging matalik lang silang magkaibigan at parang naging kapatid na rin ang turing niya sa Daddy ni Adam. Tatlo ang mga anak ko at lahat sila lalaki kaya they dear your mother so much."

"Nasaan nga pala si uhm...Daddy ni Adam?"

The room suddenly felt cold and quiet, the only sound being the ticking of the old clock on the wall. I watched Senyora's face, her eyes filled with a deep sadness that made my heart ache. Parang nagsisi na tuloy ako kung bakit tinanong ko pa kung nasaan ang Daddy ni Adam.

"H-hes dead," she finally said, her voice barely above a whisper. "Actually, both of Adam's parents. They died in an accident in Manila."

Bahagyang nanlaki ang mga mata ko. I could feel the blood drain from my face. The words echoed in my head, each one hitting me like a punch to the gut.

"Binisita nila ang Mommy mo at ang pamilya niya. Nang pauwi na sila galing sa pagbisita, doon sila na aksidente," she continued, her voice shaky.

My heart felt heavy in my chest. I was speechless, the news hitting me like a ton of bricks. I didn't know. How could I not know? The room spun around me as I tried to process the devastating news. Paano ko na haharapin si Adam ngayon?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro