Chapter 10 (Hunt 3: Attack of the Halfblood)
Ade Pov
Nagising ako sa mahinang pagtapik sa aking pisngi at ang mahinang pagbulong sa akin.
"Ade, gising gising." Marahan kong binuksan ang mata ko at kinusot ito. Nang nakapag-adjust na ang paningin ko ay bumungad sa akin ang mukha ni Elo.
Bumangon ako at umupo pagkatapos ay nagtatakhang tumingin sa kanya. She seems uncomfortable, ibubuka ko na sana ang bibig ko upang magsalita ngunit pinatahimik niya ako. She put her index finger in her mouth, a sign to keep quiet.
Pagkatapos ng ilang segundo ay nalaman ko kung bakit niya ako pinatahimik. I heard some faint noises—not far from where we are.
Nagkatinginan kami ni Elo at sabay na tumango. It's a message that we can get through our stares. Some connections.
Marahan akong tumayo at nagulat na hindi na masyadong masakit katulad kanina ang paa ko. Naguguluhan akong tumingin sa katabi ko at ngumiti ito sa akin. I nearly forgot, she can heal wounds, but not that mastered to do it.
May konti pa ring kirot but at least it's not like earlier. Walang ingay kaming naglakad palayo sa puno. Nauuna akong maglakad sa kanya, maingat ang bawat pagtapak namin. Careful not to break some small branches of woodsticks that create sounds.
I saw a large bush just a few walks away from us. “Doon tayo.” maikli at mahina kong sabi kay Elo sabay turo sa pagtataguan namin. Tumango siya at nauna ng nagtungo doon habang ako naman ay sumunod sa kanya.
Nang makatago na kami sa likod nito ay mas naging malinaw ang mahinang boses kanina.
“Ang sakit na ng paa ko huhu, dito na muna tayo Kads.” That voice. I think it's familiar, I just can't remember who exactly owns it.
“Okay let's now rest here.” Isa pa yung boses na yon, I know I already heard that somewhere. Sadyang makakalimutin lang ako. I assume they are both girls base from their voices. Ilang minutong katahimikan ang namayani sa paligid ng bigla ulit silang nagsalita.
“Kads, do you think papasa tayo dito test?” The cheery voice spoke.
“Ofcourse we will, we should. If we don't then all our efforts will go to waste.” the other girl with the sophisticated tone said. Ang pagkakaiba ng boses nila ang gagawin kong palatandaan para malaman ko kung sino ang nagsasalita. I'm pretty sure I know their voices, I'm just too old to remember things—kidding.
I just have some problems regarding memories. Sometimes I do remember a lot but most of the times I don't. And that sucks.
“We don't intend to eavesdrop, do we Ade?” May inis na pagbulong sa akin ni Elo. Humarap ako sa kanya at nagkibit-balikat, “Let's just stay here for a while.” Pagkasabi ko non ay humarap ulit ako sa likod ng puno.
“Did you heard that Xy?”
“Huh ang alin. Ano yon Kads?” The atmosphere started to get heavy after the girl spoke.
Nawala ang atensyon ko sa kanila ng marahas akong kalabitin ng katabi ko. “What?!” Pabulong kong sigaw ng humarap ako kay Elo.
“Wag kang maingay tingnan mo yon oh.” Sabay turo sa gilid ng puno. Napapalibutan ang lugar kung nasaan kami ng talahib na may katamtamang taas. The tall grass are moving, a sign that there's someone coming. We can see it because of the light that the moon provides.
Well even without the moon, I can still see through the dark.
Kinabahan ako ng tumigil ang paggalaw ng talahib at lumabas ang may sanhi nito. It's the monstrous daemon again. At hindi ito nagiisa, they are group consist of six.
And I can sense their bloodlust.
They stink as Gods. Gross.
Mukhang naramdaman ng mga babae ang panganib dahil biglang tumahimik ang paligid. Tanging mga kuliglig na lang ang maririnig. The deafening silence gave me creeps and chills. At the same time the strange excitement I don't know where it came from
Maya maya pa ay nakaramdam ako ng kakaibang aura sa paligid. The trees and grass started to sway and the cold breeze brushes in my skin. Malakas ang bawat hampas ng hangin na tumagal ng ilang segundo hanggang sa isang iglap ay tumigil ito.
Napatingin ako sa katabi ko at napansing tahimik lang ito ay nakatitig lang sa harapan. “Did you notice the aura?” tanong ko sa kanya. Tumango lamang ito at hindi nagsalita.
“Strange, sanay ako na madaldal ka.” Doon ay nakuha ko ang atensyon niya dahil tumingin siya sa akin.
“Shh, may iba pang dadating.” Kinilabutan ako sa narinig ko, “Sino?” Tanong ko sa kanya ngunit hindi na siya muling nagsalita pa at binaling ang atensyon sa harap.
Elo may be a crybaby, talkative and bubbly at all times but she's scary when she is in her serious mode.
It scares the Olympians out of me. Why did I said it? Because Olympians are piece of shits.
Halos mabingi ako ng may sumabog malapit sa gilid namin. Mariin akong napatakip ng tainga at napapikit. The sudden explosion gave me a shock kaya may sa isang minuto din akong ganon ang position.
Bigla akong hinila patayo ni Elo. “Let's go Ade, we're not safe here.” Her deep blue ocean eyes stares at me intently, but I can see the forming fear in her eyes. Marahas ang bawat paghinga naming dalawa, her hands are shaking. Napalingon ako sa likod ng may sumigaw dito.
“Xy sa likod mo!” When i saw them, I felt the familiarity in their faces.
The girl who tricked me earlier, the one who has the irritating smile. And the other girl that has a sophisticated voice.
Sinubukan umiwas ng babae na may maikling buhok pero hindi niya naiwasan na tumalsik sa puno dahil sa lakas ng impact ng pagsipa sa kanya ng daemon. Namilipit ito sa sakit.
She's so dumb, serves her right. She tricked me earlier so it's a quits.
Naalerto ako ng maramdaman kong may bagay na bubulusok sa akin. Yumuko ako upang maiwasan ito. Buti na lamang at hawak pa rin ni Elo ang kamay ko kaya sabay kaming napayuko.
“Oh my Olympus, what the Gods was that?”
Tiningnan ko ang puno na nasa likod namin at nakita ang spear na nakatarak dito. Another halfblood huh?
My eyesight automatically enhanced to search for the intruder. There I saw the black figure in branch of tree not so far away from us. Sinasamantala niya ang pagkakataon na may mga daemon na umaatake dito.
And that really offended me.
Akmang tatayo ako ng hawakan ni Elo ang kamay ko. “At san ka naman pupunta ha?” Nakakunot ang noo nito habang nakataas ang kaliwang kilay.
“I will just return the favor.” Pagkatapos kong sabihin yon ay tumayo na ako at deretsong naglakad. I saw the shock face of Xy when she saw me, but I have other business to mind than to meddle with their fight.
I ignored them and vanished within the darkness. This is my favorite ability of mine. I can be the darkness itself. How amusing it is right?
I let myself float while heading to that damsel. I made sure that no one can't feel my presence within the dark. I alreadt mastered this ability and I'm confident with it.
Nang malapitan ko siya ay napagtanto kong babae ito. Her hair was kind of silver and white and her eyes are brown and she's wearing a hood.
“Nasaan na ang babae na yon?” Malikot ang tingin niya sa paligid habang nanginginig ang buong katawan niya.
Lumapit ako sa kanya at bumulong, “Am I the one you're looking for?” alerto siyang tumingin siya sa kaliwa niya ng marinig ang bulong ko.
But she cannot see me, I'm with the dark mist.
“Sino ka? Magpakita ka kung di ka duwag! Wag kang magtago!” I wickedly laugh. Natatakot itong lumingon sa harap, likod, sa kanan, kaliwa at sa itaas niya. Dahil dito ay luminsad siya sa sanga at nahulog sa baba. Napasigaw ito at namilipit sa sakit.
Tanga.
I don't know why the Gods love to make offspring that are dumb. No wonder, it's hereditary.
Bumaba ako at hindi ko pa din siya hinahayaang makita ako. I want to see the terrified look on her face.
Mostly people and even dumb halfbloods are scared of darkness, because they don't know what's behind and lurking in it.
It can be their scariest nightmares or the darkest secrets they buried a long time ago. Which is which.
“What happened, are you scared now?” I showed myself in front of her. Her eyes look terrified while looking up on me.
Matalim ko siyang tiningnan, enough to let her know that I'm not just an easy target.
“Why did you do that? Do you think I'm just some kind of weak?” Nagngingitngit kong tanong sa kanya. Madaling maginit ang ulo ko kapag iniisip ng iba na mahina ako when in the first place I can erase their existence in a snap.
“It w-was a m-mistake.” She stuttered. I didn't mind what she said.
Bahagya akong yumuko para pantayan siya. I look at her dead in the eye.
“You know I really hate it when someone is meddling with my business.” I sweetly smiled at her and summoned my dagger.
Hindi ko pinutol ang titig ko sa kanya para malaman niyang hindi ako basta basta. I'm not planning to kill her even though it was her intention to me.
I'm just scaring the Olympians out of her.
“Who told you to do this?” Itinutok ko ang dagger sa leeg niya. I'm sure there's someone who summoned her to kill me.
Natatakot itong tumingin sa akin habang iniinda pa rin ang sakit sa binti niya.
“I'm not a-allowed to speak his name.” Nahihirapan niyang sabi. His? Who could it be? As far as I know wala akong nakaalitan na lalaki o kakilala ko na nagawan ko ng di maganda.
Except… don sa antipatikong lalaki na tumulong sakin. I mentally shake my head, no no he didn't helped me because he just needed it for points.
Tumingin muli ako sa babae at idiniin pa lalo sa leeg niya ang dagger. “Tell me who the Tartarus is he?!” Nanlaki ang mata nito at unti unting namuo ang luha.
She's a weak halfblood, I can sense it. She don't even use her specials, what's with this girl.
“If I dare to say his n-name, he would c-curse me and my f-family.”
“Then I'll torture and curse you if you don't, how about that?” I really love this side of me, when I get dead serious and pissed off. It feels like I'm a different person.
“Maikli lang ang pasensya ko wag mong sagarin, hindi mo magugustuhan ang gagawin ko. If I were you-”
“If I were you I'll get my hands off to her.” Biglang nagliwanag ang mata ng babae ng marinig ang nagsalita sa likuran ko.
“Kuya Neo!”
Hindi pa ako nakakalingon sa likod ko ng sa isang iglap ay lumipad ako at tumama sa puno na di kalayuan sa akin. I didn't expect that blow and honestly it hurts as fuck.
Putangina.
Kakagaling lang ng sugat ko sa paa pero may panibago na naman akong sakit sa katawan.
Mahilo hilo akong tumunghay upang makita kung sinong gago ang umatake sakin. Sa di kalayuan ay may pigura ng isang lalaki na casual na nakatayo habang nakatingin sa akin. He seemed familiar.
I can feel his piercing gaze at me. Para bang gusto ako nitong lapain sa paraan ng pagtingin niya sakin.
Akmang tatayo ako para sumugod ng hindi ko ito nagawa dahil mas mabilis pa sa isang kisapmata na napunta siya sa harap ko habang mahigpit ang hawak sa leeg ko.
“Why don't you fight someone who's stronger than you?”
When I saw his face, my blood started to boil. Siya yung antipatikong lalaki na iniwan lang ako basta kanina sa gubat.
The arrogant man!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro