| 9 | First Step
Chapter Theme - Tataya by Cup of Joe
ORION
HANGGANG ngayon, pinoproseso ko pa rin ang katotohanan na magagawa ko na ng tuluyan ang passion project ko. Hindi ako makapaniwala na hinayaan ako ni Mom na gawin ang gusto ko. I never had the courage to ask her before, I only did what I was told. If only I took a leap of faith before, would I have done the things I wanted?
Obviously, no. The answer still lies with my parents. The strings are not controlled by me, but by them. However, having the courage to do what I initially wanted gave me a sense of control, and unexpectedly peace of mind.
Sa ngayon, ang bumabagabag na lang sa'kin ay ang hindi namin pag-uusap ni Raphael. It's been days since our last conversation. Puro batian lang sa hallways ang ginagawa namin. I can't deny that it's my fault. Hindi ko siya kayang harapin nang hindi pa ako sigurado sa gusto ko.
Raphael seems like he knows what he wants, and what he stands for. He's certain about himself. Nakakahiya na ganito ako, ang daming pagdududa sa sarili. Parang hindi pa ako worthy maging kaibigan niya. Pero ayos na lahat ng iyon. I still have doubts, but I'm proud I took a step forward.
Orion:
Let's talk?? 😊
Raphael:
'Di mo na ako iniiwasan? 🤨
Orion:
Sorry hehe
Was it obvious?? 😣😣
Raphael:
'Di ako tanga
Kala ko nga galit ka sa'kin dahil sa sinabi ko sa'yo sa cafe
Ta's binabati mo ako sa hallways para magpanggap na ayos lang tayo
You reacted 😅 to Raphael's message
Orion:
That sounds something I would do 😂
Raphael:
Tawa ka riyan?
Pagkatapos mong i-seen mga message ko?
Ta's tinatakasan mo pa ako kapag hinihintay kita sa classroom niyo?
Orion:
I'm sorryyy 🥺🥺
I wanted to think about what you said and face what's been bothering me
Raphael:
Sinabi mo na lang sana para hindi ko iniisip na may ginawa akong mali 🙃🙃
At natulungan din sana kita, 'di ba?
Orion:
Opo opo
Sorry na po 😣😣
Raphael:
Abangan ulit kita sa classroom niyo
Kapag ako tinakasan mo nanaman, malalagot ka sa'kin 🙂🙂🙂
You reacted 💙 to Raphael's message
。✧:˚*:・。。・:*˚:✧。
PAGKATAPOS ng klase namin, nag-ayos na ako ng gamit ko. Kanina pa ako tingin nang tingin sa bintana ng classroom para makita kung andoon na ba siya, pero wala pa rin. Baka nauna nanaman ang dismissal namin. Kaya ko siya natatakasan nung mga nakaraang araw kasi unang natatapos ang klase namin kaysa sa kanila. Kinikilig pa nga ako no'n kasi siya mismo ang pumupunta sa classroom ko para hanapin ako.
Nalihis ang tingin ko sa labas nang marahan ako sikuhin ng katabi ko, si Gabriel. "Ano? Tatakasan mo nanaman ba? Ihanda ko na ba mga excuse ko?"
"Kakausapin ko na," mahinang sagot ko.
Napangisi naman siya. "Sa wakas! Naawa na nga ako ro'n kasi lagi kang inaabangan 'pag dismissal. May ginawa ka bang kasalanan kaya mo tinatakbuhan? Siguro inutangan mo ta's ayaw mong bayaran?"
Tumawa ako. "Walang gano'n. Kakausapin ko na nga. Nahandle ko na kasi ang problema ko kaya kaya ko na siyang harapin ulit."
"Ikaw talaga... hindi nagsasabi kapag may problema," napailing siya. "Pero ngayon, problema mo naman kung paano siya susuyuin. Ilang araw mong iniwasan yung tao, oh? Hindi naman agad back-to-normal 'yon dahil lang ayos na yung problema mo."
Natahimik ako. He's right. "Should I give him flowers?"
Saglit akong tinitigan ni Gabriel bago humalagpak sa tawa. Pinagtitinginan na siya ng mga kaklase namin dahil bigla na lang tumatawa kahit wala namang nakakatawa. Sometimes, I worry for his mental health. Is he okay?
Kinalabit ako ni Jeremiel at nginuso si Gabriel. "Anong nangyari sa kanya? Sinusumpong nanaman."
"Oo nga. Baka hindi nakainom ng gamot," pagsang-ayon ni Raguel.
Mangiyak-ngiyak na si Gabriel kakatawa nang iduro niya ako. May gusto sigurong sabihin pero hindi magawa dahil nauunahan ng tawa. Napailing na lang si Raguel at sinabing iwanan na namin siya. Nakakahiya raw kapag sinama pa namin sa labas, pagtitinginan kami dahil may maingay kaming kasama.
Akmang tatayo na ako nang bigla akong hampasin ni Gabriel, tumatawa pa rin habang may tinuturo sa labas. Sinundan ko ito ng tingin at nadatnan si Raphael na nakataas ang kilay sa'kin. Katabi niya si Chamuel na nakikipagkwentuhan na kay Aimee. Hindi niya kasama sina Michael at Muriel. Bati na kaya kami no'n ni Michael? Ang sama pa rin kasi ng tingin niya sa'kin kapag nagkakasalubong kami.
Agad kong sinukbit ang bag ko sa balikat. Nagpaalam ako kanila Gabriel bago lumabas at salubungin si Raphael.
Kumawala ang ngiti sa labi ko. "Hi!"
Nanatili ang tingin niya sa'kin bago tumango bilang bati. "Buti hindi mo ako tinaguan ngayon, ah?"
Tanging ngiti lang ang nasagot ko sa kanya. Ngayon ko lang natuklasan na ganito pala ako kapag may gusto sa isang tao. Gusto kong nakikita lang niya ako kapag maayos ako at walang problema. Ang hirap humugot ng lakas ng loob na harapin siya kapag ang dami kong iniisip, o kapag pakiramdam ko hindi pa ako sapat na harapin siya. It's embarassing. I thought I was already confident with myself... I was wrong.
Iniwan na namin ang mga kaibigan namin at naglakad kung saan man kami dalhin ng paa namin. We were both silent. Hinihintay niya siguro na magsalita ako, na magbigay ng dahilan kung bakit bigla ko siyang iniwasan. Where do I even start? There's a lot of things I want to say.
"Ano? Ba't ang tahimik mo? Nawala ba bigla social skills mo? Naging inverter bigla?" biro niya, pero hindi halata sa tono ng boses niya. Para siyang naghahamon ng away. Nagtampo ba talaga siya? Of course, he did! After what I did, who wouldn't get mad? But... inverter?
Nagsalubong ang kilay ko. "Inverter? What's that?"
"Pft. Introvert kasi, ginawa lang inverter. Ito naman, hindi updated sa mga slang words," natatawa niyang sabi. "Speaking of, anong update sa'yo? Maayos na ba yung tinutukoy mong problema?"
I smiled proudly. "Of course. Medyo nga lang. Nakausap ko na si Mom tungkol sa passion project. Kung ano raw magpapasaya sa'kin, 'yon ang gawin ko," kwento ko. "Gumaan nga pakiramdam ko nung narinig 'yon. I didn't expect to hear that from her. I thought she would be disappointed, like my father was."
"Kailangan mo talaga ng lakas ng loob para may magbago. Kung hindi mo ginawa 'yon, paano mo malalaman na ayos lang pala sa mom mo, 'di ba?" sabi niya.
I nodded. "That's why I'm thankful for you, Raph. I wouldn't have the courage to do it if it weren't for you," I admitted, a sincere smile escaping my lips.
Our eyes remained on each other until he suddenly averted his gaze from mine. He faked a cough. "Wala lang 'yon," he said as he faced straight ahead, looking as if he didn't want to lock eyes with me again.
Bakit ba lagi siyang umiiwas ng tingin sa'kin? Ayaw niya ba akong tignan? O baka... nahiya siya bigla dahil sa sinabi ko? Hindi ko mapigilang tumawa ng marahan. Bakit ba ang cute niya? Mukhang hindi siya sanay makatanggap ng pasasalamat at ng mga compliment. Ang awkward niya.
I leaned forward, trying to catch his gaze. Hindi naman ako nahirapan dahil napatingin agad siya sa'kin, kunot ang noo dahil nagtataka kung anong ginagawa ko.
"Bakit?"
I small laugh escaped my lips while I slowly shook my head. "Nothing."
"Weirdo," he murmured. Getting called a weirdo should be something I'm offended by, but I find it amusing when it comes from him. Kung maging kami, baka pumayag pa akong gawin niya 'yong endearment sa'kin.
Tumikhim ako. "Since I already gained the approval of my mom... I want to continue the passion project with you."
"Mukha naman itong wedding proposal," biro niya.
I bit my lower lip to stop myself from smiling. "Pwede rin naman kung papayag ka."
Napatigil siya sa paglalakad kaya tumigil din ako. Liningon niya ako, nakakunot ang noo. "Ha?"
"Ha?" panggagaya ko sa kanya. Be calm. Be calm. Pretend as if you didn't say that ridiculous thing a while ago. "Sinasabi ko na gusto kong ituloy yung passion project natin," pag-uulit ko.
He eyed me suspicously before nodding slowly. "Buti naman. Akala ko rin kasi pinalitan mo na ta's iniwan mo ako sa ere kasi hindi mo na rin ako gustong kapartner. Iniiwasan mo pa nga ako, eh. Naisip ko baka nag-guilty ka," aniya.
Bahagyang nanlaki ang mata ako. Akala niya gano'n ang ginawa ko? "Raph, ikaw lang ang gusto kong makapartner," I assured him.
Inasar niya pa ako tungkol sa pag-iwas ko sa kanya. Hindi ko mabasa kung nagtatampo ba siya o sadiyang natutuwa lang siyang asarin ako. Panay hingi ako ng tawad, sinasabi na babawi ako sa kanya. Hinayaan din naman niya akong i-kwento ang side ko. Sinabi ko na naman 'yon kanina, pero binigyan ko siya ng mas detalyadong eksplanasyon. It felt like I needed to explain myself to him.
My mind was in peace. Ayos na kami ni Raphael at wala na akong aalalahanin sa passion project dahil tuloy na. Ang bumabagabag lang sa isip ko ay ang katotohanang kailangan ko iyon itago kay Dad. I'm not a fan of keeping secrets from the people I love, but it's something needed to be done in this situation.
"Hell week na pala next week, 'no? Magbababad nanaman ako sa pag-aaral," sabi ni Raphael.
Pagkatapos kong sabihin sa kanya ang tungkol sa'kin, kung ano-anong topic na ang pinag-usapan namin. I don't mind having conversations with him about the most random and mundane topic. Hindi ako nab-bored. Natutuwa pa nga ako kasi ang dami kong natututunan tungkol sa kanya.
"Ikaw din siguro. Magiging busy tayo parehas kaya baka after exams na natin masimulan yung project," pagpatuloy niya.
It was the only way both of us could focus on studying. Pero kung after exams pa kami magsisimula, doon ko na lang ulit siya makikita. He and I might study day and night the whole week to keep our ranks in the honors. Lalo na ako. I can't give up the first spot.
"Wait," I halted. "How about Michael's wish? Kung ikaw ang mag-aalok sa kanya, hindi naman siguro siya magagalit."
Ngumiti siya. "Tinutulungan ko na nga, pero hindi dahil kasama yung hiling niya sa tutuparin natin. Kailangan niya nga rin ng tulong sa ibang subjects, mas madadalian ako kung kasama ka. Sana nga lang ayos na sa kanya. Baka makwelyuhan ka ulit no'n."
Kinabahan talaga ako nung bigla siyang nainis sa'kin. Inaasahan ko namang mayroon talagang hindi gustong pinapakelaman sila, pero iba kapag naranasan mo na talaga ang pagreject nila. Higit pa doon, hindi ako komportable na may nakakaaway ako o na may nagagalit sa'kin. Hinahayaan ko na lang minsan kasi hindi ko naman sila kontrolado, pero nadidisappoint ako sa sarili ko dahil may nagawa akong kinaayawan nila.
。✧:˚*:・。。・:*˚:✧。
NANG sabihin ni Raphael kay Michael na isasama niya ako sa group study nila, halos hindi na maipinta ang mukha niya. Gano'n niya ba kaayaw na makasama ako? I thought we were okay, but it's one-sided. I'm the only one who thinks that way.
Binalingan niya ng tingin si Raphael. "Ayos na kayo? Akala ko ba may kasalanan siya sa'yo? Kung makaiwas, eh. Hindi ka naman virus."
"Kasalanan niya lang sa'kin, hindi niya sinasabi na kailangan niya ng space," sagot ni Raphael.
Nagsalubong ang kilay ni Michael. "Space? Bakit? Magb-break na ba dapat kayo?"
Kaming dalawa naman ni Raphael ngayon ang puno ng pagtataka. Anong sinasabi niya? He thought Raphael and I were together? Does that also mean he thinks we look good together? Or maybe not. Baka iyon ang rason kung bakit ang sama ng tingin niya sa'kin.
"Ha? Magkaibigan kami. At... hindi kami gano'n," napailing na lang si Raphael. It looks like he didn't open up to Michael about that yet. Gaya nga ng sabi niya, ako palang ang nakakaalam.
"Kaya ba galit ka pa rin sa'kin dahil akala mo kami?" I asked.
"Malamang," pabalang niyang sagot kaya nasita siya ni Raphael. "Pero bakit kayo andito? Para lang sa passion project niyo? Tch. Dinamay niyo pa wish ko. Nananahimik 'yon do'n sa cafe, eh."
Pinagbuksan niya kami ng pinto para makapasok kami sa bahay niya. Tinitignan pa ako ni Michael, parang naiilang. "'Wag mo i-judge bahay ko dahil maliit lang. Malinis naman kaya 'wag kang maarte."
"Michael!" pinanlakihan siya ng mata ni Raphael.
Napanguso lang si Michael at sinenyasan kaming umupo. Umalis siya saglit at tumungo sa kusina. Pagkabalik, may dala na siyang baso ng juice. Linapag niya ito sa center table bago umupo sa one-seater na sofa, habang kami ni Raphael ay magkatabi sa three-seater.
Linibot ko ang tingin sa paligid. Gaya nga ng sabi ni Michael, maliit lang ang bahay nila. Kung ikukumpara sa'min, buong bahay na nila ang malawak naming living area. Sa ganitong kaliit na bahay, aasahan mo na close ang mga nakatira dahil mas mataas ang chance na makapag-interact sila. Hindi gaya sa'min na malaki at mararamdaman mong talaga na malayo ang loob namin sa isa't isa. Kahit nga nasa iisang bahay lang kaming pamilya, ang dalang namin magkita.
"Woi! Sabi ko 'wag mo i-judge bahay ko!" pagsusungit ni Michael habang dinuduro ako.
Hindi ko na lang 'yon pinansin. Mukha kasing gano'n talaga siya magsalita, mukhang galit o hindi kaya nagsusungit. "Close siguro kayo ng family mo, 'no?"
Imbis na sumagot, sinimangutan niya lang ako.
Am I being too nosy again? Kulang nalang sabihan niya ako kung ano pake ko, pero andito si Raphael sa tabi ko at sisitahin ulit siya kaya hindi niya magawa.
Napabuntong-hininga siya at ginulo ang buhok niya. "Tch. Sana nga. Dadalawa na nga lang kami sa bahay, ang dalang pa namin mag-usap."
"Really? I always thought having a smaller house meant the family was closer together. Mukhang hindi pa rin pala?" I said, speaking out my thoughts.
"Wala 'yon sa kalakihan o kaliitan ng bahay, Orion. Nasa tao 'yon na nakatira sa loob," makahulugang sabi ni Raphael na sinang-ayunan naman ni Michael.
"At kung gaano kadali lumapit ang loob niyo sa isa't isa sa maliit na bahay, gano'n din kadali na lumayo 'to," dagdag ni Michael. Is that how it is?
"Asan pala si tita? Umalis ba saglit?" tanong ni Raphael.
Nanatiling tahimik si Michael, nakatingin sa sahig. Ilang segundo ang lumipas bago siya sumagot. "Nasa... ospital..." He began to share his story. All we could do was sit in silence.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro