Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

| 8 | Embracing Courage

Chapter Theme - Huwag Kang Matakot by Eraserheads

RAPHAEL

COURAGE is the driving force that moves people forward in times of adversity. It's the inner strength that enables us to confront our fears and personal challenges in life even when the path ahead seems overwhelming. It urges us to persevere in attaining our goal to become the better version of ourselves.

Every action in our life requires us to embrace courage. Kagaya na lang ng katapangan na akuhin ang pagkakamali mo. Making mistakes is inevitable, especially towards other people. Mahalaga na alam mong nagkamali ka, at magkaroon ng lakas ng loob na aminin ito.

"No," Michael said firmly, avoiding my eyes.

Nakakafrustrate i-handle si Michael. Siya yung tipo ng tao na hindi agad aamin sa pagkakamali niya. Mataas ang pride niya. Hindi ko alam kung saan niya nakuha. Mana sa pinagmahan. Pero sa itsura niya ngayon, mukha siyang guilty. Ayaw niya lang aminin. Nahihirapan siya.

"Michael," I sighed. "Mali na kinulit ka niya kahit tinanggihan mo na siya, pero hindi rin tama yung mga sinabi mo," sermon ko.

Bahagyang lumapit sa akin si Chamuel, "Ano ba sinabi?"

Lumayo ako ng kaunti dahil ulit ramdam ko ang boses niya sa tenga ko. Magkakasama kami kanina pero wala siyang narinig dahil nagchichismisan sila ni Muriel. Hindi ko na kasalanang hindi niya alam.

Umirap si Michael, "Wala ka na ro'n."

"Ano bang nangyari? Parang laki-laki ng galit mo sa mundo!" sabi ni Muriel, may bakas ng pag-aalala sa tono.

Galing si Michael sa faculty kanina, pinapatawag ni Ma'am Erma. May sinabi siguro sa kanya na hindi niya nagustuhan. Dalawa lang naman ang dahilan kapag pinatawag ka ni Ma'am Erma sa faculty: mataas ang grade mo kaya pupuriin ka, o pabagsak na ang grade mo at sasabihing pagbutihin mo. From his recent scores on her subject, it's the latter. Nakita ko rin si Orion na lumabas sa faculty. Baka narinig niya? Ta's naisip niyang alukin ng tulong si Michael? Para sa passion project na rin 'yon kasi nakuha niya yung wish ni Michael.

Nanatili ang tingin ko kay Michael na nakasalubong ang kilay at nakakrus ang braso.

"Mag-usap kayo mamaya ni Orion," sabi ko. Hindi ako papayag na gano'n na lang 'yon. Parehas ko silang kaibigan kaya ang awkward kung hindi maayos ang relasyon nila. They'll be seeing more of each other, it's better if they get used to it. Lalo na si Michael.

Umangat ang tingin niya sa'kin. "Raphael, wala kaming pag-uusapan. Mangingielam nanaman 'yon."

Bumuntong-hininga ako. "Sasama ka sa'kin mamaya at mag-uusap kayo. Okay?"

Umiwas siya ng tingin. "Tch."

"Kasama rin ba kami?" tanong ni Chamuel at tinuro ang sarili. Ngiting-ngiti pa ang mokong.

"Kami lang," sagot ko at bumalik na sa upuan ko.

"Hmph. Porke't may bago kang gwapo na kaibigan, kakalimutan mo na ako? Friend ko rin naman 'yon!" nagtatampong sabi ni Chamuel. Kahit hindi ako nakatingin sa kanya, alam kung nakanguso siya at nakasalubong ang kilay. Akala mo naman cute, mukha namang dugyot.

"Kapag sumama ka, sasama si Muriel. Alam mo naman 'yan, crush na crush si Orion. Baka maging uncomfortable siya," paliwanag ko.

Bukod doon, naiinis ako na mukhang enjoy na enjoy si Orion kapag pinupuri siya ni Muriel. Ang yabang talaga. Porke't gwapo? Pero kanina, mukha siyang problemado. Nabawasan attractiveness niya. Binabagabag na nga ako sa gwapo niyang mukha, pati ba naman kapag mukha siyang problemado? Pero normal na siguro 'yon. Magkaibigan kami.

Napairap si Muriel. "Raph! Ano kala mo sa'kin? Walang self-control?"

Binalingan siya ng tingin ni Michael. "Wala naman talaga," pabalang niyang sabi, "'Tsaka tuwing nakikita mo siya, mukha kang asong baliw na baliw sa kanya."

Agad namang hinawakan ni Muriel ang buhok ni Michael, kaya napapikit ito sa sakit. Ang higpit ng pagkakahawak, nanggigigil.

"Dila mo, ah! Sarap putulin!" inis na sabi ni Muriel, mas lalong humigpit ang pagkakahawak sa buhok niya.

"Tumigil na kayo, maguidance pa kayo kapag nahuli, eh," saway ko.

Bumitaw na si Muriel pero masama pa rin ang tingin kay Michael na unbothered at nag-aayos ng buhok.

Nanatili ang matalim kong tingin sa kanya. Nang mapansin niya, umiwas ulit siya ng tingin. Makuha rin sa tingin 'to, eh. Wala na siyang magagawa kung hindi makipag-usap kay Orion. Alam din naman niyang hindi ko siya titigilan hangga't hindi sila nag-uusap. Kapag may problema, kailangan ayusin agad. Hindi dapat pinapatagal kasi lumalaki ang problema kapag hinayaan mo lang.

。✧:˚*:・。。・:*˚:✧。

"SORRY. Sana mapatawad mo ako," monotonong sabi ni Michael kay Orion.

Nagkita-kita kami sa Krusty Krumb Cafe pagkatapos ng klase. Sinabihan ko na si Orion na isasama ko si Michael para maayos agad nila ang problema nila. Ayos lang naman daw sa kaniya kasi magsosorry din siya.

"Gawin mo namang sincere," natatawang sabi ko. Halatang napilitan lang si Michael sa tono ng boses niya, eh. Akala mo naman thinreathen ko.

"Tch. I apologize sincerely," sabi niya ulit, mas maayos na ang tono ng boses pero halata paring napipilitan.

Umiling si Orion. "I'm the one who should be saying that. Nangielam pa kasi ako. Hindi ko na dapat pinilit."

Tumango lang si Michael at binalingan ako ng tingin. "Ayos na ba? Pwede na ba akong umuwi?"

"Hindi. Diyan ka muna. Palamigin muna natin ulo mo, okay?" sabi ko. Mukha kasing mainit pa ang ulo. Malala pa naman anger issues ng isang 'to.

"I'll buy you a drink as an apology," Orion offered.

Linipat ko ang tingin ko sa kanya. Tatanggihan ko na sana siya nang sumingit si Michael, medyo lumambot na ang ekspresyon.

"Hindi ako tatanggi sa libre. Isang matcha latte," sabi niya.

Seryoso ba siya? Kanina ininsulto niya pa si Orion dahil ayaw niya ng libreng tutoring session, pero kapag pagkain payag agad?

Napangiti si Orion. "Food? Baka gusto mo rin?"

Tumingin saglit si Michael sa counter ng mga pagkain, "Pizza bread."

Marahan ko siyang pinalo sa braso. "Ano ka ba? Akala ko ba ayaw mo ng tulong niya?"

Tinaasan niya ako ng kilay. "Bakit? Pagkain naman. Gutom na ako."

Binalingan ako ni Orion. "Ikaw, Raph?"

Agad akong tumanggi. Nakakahiya na sa kanya. Lilibre na niya nga si Michael, ta's dadagdag pa ako? Wala lang siguro sa kanya 'yan dahil mayaman naman siya, pero hindi ibig sabihin no'n magt-take advantage na ako sa kanya.

Tumayo na siya at bahagyang ngumiti, "I'll go order."

Mas gwapo sana siya kung pati yung mata niya, ngumingiti. Kumikinang kasi ang mga mata niya kapag masaya siya. Ngayon, parang nawala 'yon.

"Papogi," rinig kong bulong ni Michael, kaya siniko ko siya.

"Ililibre ka na nga kahit may kasalanan ka rin," paalala ko sa kanya.

Nakasalubong ang kilay niya nang balingan ng tingin si Orion, "Bakla ba 'yon? Kung makatingin sa'yo, eh."

Nanlaki ang mata ko, pero sinubukan kong umakto na hindi ako apektado sa tanong niya.

Nag-ikbit balikat ako. "Malay ko. Wala na tayo do'n. 'Tsaka anong makatingin sa'kin?"

Nanatili ang mata niya sa'kin, tila binabasa ang ekspresyon ko, bago umiling, "Wala..."

Kumunot ang noo ko. Napansin niya rin ba? Kaduda-duda rin kasi ang tingin sa'kin ni Orion, matagal ko nang napapansin. Hindi ko na masyadong inisip dahil baka mag-assume pa ako ng kung ano-ano. I'd like to think it's because he noticed I like Chamuel, and wanted to get close to me because of that. Baka naexcite lang dahil may nakita siyang katulad niya at gustong kaibiganin.

Oo. 'Yon lang. Imposibleng may gusto sa'kin si Orion. Ang dami pang magaganda't gwapo riyan, kaya bakit sa'kin na average looking lang?

"Ano? Nabakla ka na ba? Kanina ka pa nakatingin sa kanya."

I scoffed. "Kahit naman straight, mapapatingin sa mukhang 'yan. Ikaw nga rin, eh." Binack-to-you ko siya para wala nang masabi. Totoo naman.

"Tch."

Binalik ko ang tingin kay Orion na nakakunot ang noo sa'min ni Michael. Bad mood ba siya? Baka nagpanggap lang siya kanina na ayos na siya kay Michael kahit hindi talaga. Nang mapansin niyang nakatingin ako sa kanya, lumambot ang tingin niya at ngumiti sa'kin. Weirdo.

"Ganyan ba talaga 'yang lalaking 'yan? Bigla ka na lang kakausapin ta's sasabihing tutulungan ka niya?" tanong ni Michael, nakakunot din ang noo habang tinitignan si Orion. Ginagantihan siguro.

Tumango ako. "Oo. Nawirduhan nga ako nung una, eh. Pero narealize ko na gano'n lang talaga siya, matulungin. Napasobra lang ata."

"Inalok ka ba rin niya? Para sa'n?"

Natigilan ako. Hindi ko pwedeng sabihin ang totoo. Wala naman akong balak ipaalam sa kanila na may gusto ako kay Chamuel. Sapat na sa'king may isang nakakaalam. Kaya ano ang sasabihin ko?

"Ikaw? Ano ba inalok niya at kinwelyuhan mo pa siya?" pagbabalik ko ng tanong.

"Narinig niya kasi na pinapagsasabihan ako ni Ma'am Erma na mababa raw grades ko. Pagkalabas ko, sinalubong niya ako ta's tinanong kung kailangan ko raw ba ng tulong. Potek. Ang pakielamero ng gago, 'di ba? Pwede namang hindi nalang pansinin. Hindi naman kami close." reklamo niya. "At isa pa, hindi ko siya kailangan. Pwede naman ako magpatulong sa inyo nila Muriel."

Bumuntong-hininga ako. "Gets ko naman na nainis ka dahil sa paraan nang pag-alok niya, pero hindi ibig sabihin no'n magagalit ka agad sa kanya. Pwede mo namang sabihin nang maayos, 'di ba? At wala namang masama kung tutulungan ka rin niya."

Kung ibang tao ang kausap ni Michael ngayon, siguro nangatwiran na siya. Ipagpipilitan niya pa ang side niya dahil iniisip niyang siya ang tama. Sa tingin ko, wala namang tama at mali sa kanilang dalawa. Naiintinidihan ko ang side nila pareho. Hindi lang siguro tama ang paraan kung paano nila inapproach ang isa't isa. Pero mabuti na lang at nagkaayos na sila. Sana.

Tahimik lang kami ni Michael habang hinihintay si Orion. Busy siya sa phone niya kaya hindi ko rin makausap. Mukha rin kasing may kachat siya roon, sobrang seryoso habang nagtitipa ng reply. Baka nanay niya? Hinahanap na siya? Kung gano'n, kailangan niya na rin umalis pagkatapos kumain. Gusto ko man siyang tanungin tungkol doon, hindi ko magawa. Sa mga taong kagaya ni Michael, dapat ikaw ang maghihintay na mag-open up sila. Ang mahalaga, iparamdam mo sa kanila na andiyan ka para makinig.

Maya-maya, dumating na si Orion sa table namin dala-dala ang inorder nila. Bumaba ang tingin ko sa tray, napansing dalawa ang Caramel Latte roon. Macha Latte lang inorder ni Michael, tapos yung isa namang Caramel Latte ay kay Orion. Kanino yung isa? Siguro para sa kanya ulit? Gano'n ba siya kaadik sa kape? Pati yung cinnamon roll, bakit dalawa?

Linapag niya sa harap ko ang isang Caramel Latte, pati ang isang plato ng cinnamon roll. Siniko ako ni Michael at makahulugang tumingin sa'kin. Ano nanaman kaya ang pumapasok sa isip niya?

Binalik ko ang tingin kay Orion. Wala naman akong sinabi na bilhan niya ako, kaya ano 'to? Wala siyang dahilan para ilibre ako. Hindi naman makapal mukha ko kagaya ni Michael. Nakarinig lang ng libre, payag agad.

"Libre ko na. Bawi ka na lang next time kung gusto mo, hm?" sabi niya, may ngiti sa labi. Ano? Gagamitin niya kagwapuhan niya para hayaan siya sa gusto niya? At inunahan pa talaga niya ako magsalita. Alam siguro na tatanggi ako, o hindi kaya mag-ooffer na babayaran ko siya.

"Sige. Basta hayaan mo akong i-treat ka sa susunod. Kukutusan kita kapag ikaw ulit nagbayad," banta ko.

He chuckled. His smile was enough to make his eyes squint. Hindi na kataka-taka na ang daming nagkakagusto sa kanya. Sarap talaga suntukin ng mukha para naman maranasan niyang maging pangit.

Tumayo si Michael at kinuha ang inorder niya. "Patake out ko. Uuwi na ako kasi baka hinahanap na ako sa'min."

Aalukin pa ata sana siya ni Orion ng tulong, kaso tinaasan niya ito ng kilay bago tumungo sa counter.

"Ano? Aalukin mo na ihahatid mo pauwi?" biro ko.

He shrugged, a smile still playing on his lips. "Sama ng tingin sa'kin. Baka masuntok pa ako kapag ginawa ko."

Sabay kaming natawa. Muntik na nga siya masuntok kanina kung hindi ko lang napigilan. Hinayaan ko na lang ba sana?

Pagkatapos ipatake-out ang pizza bread, bumalik si Michael sa lamesa namin at nagpaalam. Ang sama pa ng tingin niya kay Orion pagkaalis. Akala ko ba ayos na sila?

Tumikhim si Orion. "May... sasabihin pala muna sana ako. Tungkol do'n sa passion project natin?" panimula niya.

"Oh?"

"If it's okay with you, palitan sana natin. Maiintindihan ko kung ayaw mo, o kung magbaback out ka. But I hope you'll still be involved with the project with me," he said carefully. His eyes were filled with anticipation for my answer.

Pero... bakit? Hindi ko maintindihan. Nung ineexplain niya sa'kin yung project niya, mukhang passionate talaga siyang gawin 'yon. Ngiting-ngiti pa siya, at pansin ko ang pagkinang ng mata niya. Tapos ngayon, babaguhin niya bigla?

Meron siyang hindi sinasabi sa'kin.

。✧:˚*:・。。・:*˚:✧。

ORION

UNTIL the moment I told Raphael we'd be changing our passion project, doubts flooded my mind. The feeling of hesitation might have been so strong that even he sensed it. Still, he remained silent, but his gaze remained on me as if he were trying to read my expression.

"Bakit? Mukha pa namang gustong-gusto mo gawin 'yon?" he asked and took a sip of his coffee. Nadistract tuloy ako kasi ang cute niyang uminom.

I sighed and covered my lips with my fingers. Baka mapansin niyang napapangiti ako out of nowhere. Kunyari seryoso ako.

"Well... I told my parents about it and they didn't like it. Sabi nila kailangan daw business-related, o dapat may ambag sa future ko. May sense naman, 'di ba? Ano ba namang magagawa ng pagtupad ng wish ng mga tao? Baka nga magalit lang sila sa'kin gaya ng kay Michael," I said.

Tumango-tango siya, pero hindi pa rin siya mukhang kumbinsado. "'Yan ba iniisip mo nung nakaraan? It looks like you always worry about what other people would think, especially your parents, at naiintindihan ko naman."

"Ha? Can you tell?" I asked, confused.

"Ewan. Iba kasi vibes mo."

Kumunot ang noo ko. "What do you mean? Ano ba vibes ko?"

He leaned on the table and looked squinted, his eyes pondering. "Madalas kasi na positive at maliwanag ang aura mo, yung parang wala kang dinadalang problema. Pero nung isang araw, parang nabawasan liwanag mo."

So... that's how he sees me? Bright and positive? Does he also think I'm attractive? Hmm... that might be too much. Kapag um-oo siya, baka mamatay ako sa kilig.

"How often do you look at me na pati 'yon, napansin mo agad?" I teased.

"Kapansin-pansin ka lang talaga, okay? At balik tayo sa'yo. Sabi mo, gusto mo palitan because of your parents. Pero ayos lang ba sa'yo 'yon? Gusto mo ba talaga?" he asked with a hint of concern.

I should be reflecting right now, but instead, I'm getting butterflies with the way he's concerned with me. What was it again? If I want to change it?

Tipid akong ngumiti. "It doesn't matter, as long as my parents aren't disappointed with me."

"Masaya ka ba sa gusto nila?"

Saglit akong napatahimik. Masaya ba ako sa pinili nila para sa akin? Masaya ba ako na dinidiktahan nila ang mga dapat kong gawin? Ilang tanong pa ang pumasok sa isip ko, pero isa lang ang masasagot ko.

"...If it makes them happy," a small smile plastered on my lips. Hindi ako makapaniwala na nakita ko ulit ang sarili ko sa sitwasyon na ito kasama siya, pero wala pa rin akong pinagbago. And it's been years since that moment.

"Ayos lang sa'yo? Kahit hindi ka masaya?"

"...I am," I said, almost whispering.

"Sigurado ka?" tanong niya ulit. Hinuhuli niya talaga ako.

My gaze remained on him, unable to find words to respond with. He kept on breaking the walls I built to hide my true feelings. It was like he was destroying all the beliefs I tried holding onto my whole life.

A reassuring smile registered on my face as I nodded. "Sure ako, Raph. Don't worry about me, okay?"

He sighed, leaning his back on the chair. May ginawa ba akong mali? Bakit ganyan reaksyon niya? Shouldn't he be relieved that I'm fine? That he doesn't need to worry anymore?

"Hm? So ano? Are you okay with me changing it?" I asked, trying to revert the topic to where it was in the first place.

He laughed softly, but I could tell it was out of frustration... and disappointment.

"Sa totoo lang...hindi ko maintindihan kung bakit mo hinahayaan ang ibang tao na diktahan ang gagawin mo sa buhay mo. Yes, they're your parents, but it doesn't mean that they can tell you everything that you need to do with your life. You're not their puppet, you're their child. May sariling buhay ka rin, Orion. At isa pa, paano mo mapapasaya ang ibang tao kung ikaw mismo, hindi masaya?"

。✧:˚*:・。。・:*˚:✧。

I PONDERED upon what he said over the past days. Hindi ko pa magawang kausapin siya dahil hindi pa malinaw sa isipan ko kung ano ang gusto kong gawin. Nanatili akong nakahiga sa kama ko, nakatitig sa kisame at iniisip ang mga salitang sinambit niya.

What should I do? Buong buhay ko ay dinikta ng mga magulang ko kung ano ba dapat ang gagawin ko, kung ano dapat ang sasabihin, kung paano dapat ako aakto, kung paano dapat ako makipag-usap, kung paano dapat ako mag-isip, at kung saan pa man. Lahat ay dinikta sa akin.

Puppet. Iyan ang salitang tinawag sa akin ni Raphael. Hanggang ngayon ay naalala ko pa rin kung paano niya ako tignan nang sinabi niya sa akin iyon. It was disappointment, but it was different from what I am used to seeing in my father's eyes.

Para bang binuksan nito ang kahon na naglalaman ng mga nararamdaman kong matagal ko nang ibinaon sa isipan ko. Iniisip ko na hindi naman iyon mahalaga, kaya bakit ko pa ito hahalungkatin?

However, Raphael made me feel it was important and that I should put it out for the world to know. But wouldn't that be too selfish of me? Should I just tell them what I want without being considerate of their feelings? Should I just tell them what I want without thinking about how disappointed they will be? Should I tell them what I want even though I know they wouldn't be happy about it?

I can't risk it. How can I be so selfish and think about my happiness before my family? They have sacrificed a lot for me. They are the sole reason why I have this privileged and wealthy life. Making them happy by being obedient to them is the least that I can do to repay them. Pero masaya nga ba ako? Kahit na sinabi ko kay Raphael na oo, alam kong hindi. Alam kong may kulang.

"Paano mo mapapasaya ang ibang tao kung ikaw mismo, hindi masaya?"

Should I? For the first time in my life, should I be selfish? Should I put myself first over the opinion of my family?

Raphael's right. How can I make people happy if I'm not happy? If I am not doing something to make myself happy.

Happiness for me is simple. My happiness is other people's happiness. Pero hindi ko magagawa iyon kung pinipigilan ko ang sarili kong sumugal. Kailangan kong magsakripisyo para matupad ang kasiyahan na hinagangad ko.

"Mom."

Nang tawagin ko siya ay napatigil siya sa pagbabasa ng documents habang nakaupo sa sofa at itinuon ang tingin sa akin. Nanliwanag ang kaniyang mukha. Tumayo siya at ipinakita ang mga papel na hawak niya. "Dear! May isa pa akong ideya sa project mo! Paano kaya kung fundraising campaign? Maganda iyo--"

"I want to continue with the project that I thought of," I said, determined. Kahit mukha akong maayos sa ilabas ay kumakabog ng mabilis ang puso ko dahil sa kaba. What if she hates me? What if she becomes disappointed? What if she tells me that I'm a bad son for not following her?

Mukhang nabigla si mom dahil sa sinabi ko, pero hindi ko nakikita sa kanya ang disappointment na inaasahan ko. Wala ring bakas ng tampo at galit ang kaniyang mukha. Natigilan lang siya at mukhang pinoproseso ang mga salitang sinabi ko. Pagkatapos ng ilang segundo, matamis siyang ngumiti at hinawakan ang kamay ko.

"Matanda na talaga ang baby ko."

Hindi ko maintindihan ang mararamdaman ko nang sabihin nia iyon. Lahat ng inakala kong mangyayari ay mali. Napatunayan ito ng mga salitang lumabas sa bibig niya at ng mga kilos niya.

Unti-unting sumilay ang ngiti sa labi ko. Inalis ko ang kamay ko sa pagkahawak ni mom at ikinulong siya sa bisig ko. Nagpapasalamat talaga ako na nagkaroon ako ng magulang na kagaya niya.

"Thank you, mom."

Yinakap niya rin ako pabalik. "Sorry din pala kasi mukhang napressure ka sa mga suggestions ko. I was being inconsderate of your feelings."

"Is it really okay?" I asked, hesitating. Paano kapag hindi pala ito ang magpapasaya sa kanya?

"Whatever makes you happy, dear."

For the first time, my heart felt at ease. Kailangan ko lang palang maglakas-loob na sabihin ang gusto ko. Nawala lahat ng pag-aalala ko dahil nagawa ko nang ilabas ito. To my surprise, Mom accepted what I wanted. If I didn't have the courage, would I have known the outcome.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro