Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

| 7 | Living Up to Expectations

Chapter Theme - Elesi by Rivermaya

 ORION 

ONE THING I appreciate about a person is their initiative to uplift and empathize with other people. Whether it's through lending an ear to their endless rambles, checking in on the feelings they keep bottled up, or simply assuring them that you'll be there for them, these simple acts of kindness make a significant impact in one's life.

Raphael has no idea how much he helped me when we first met. I'll cherish that moment we shared for a lifetime.

That's the reason he's the perfect partner for my passion project. Parehas kaming may puso na tumulong sa ibang tao, kilala man namin sila o hindi. Though, it might also look like an excuse to get closer to him. Well... it kinda is.

"I heard from Raguel's parents that you have a passion project?" Dad asked.

Magkaibigan ang mga magulang namin ni Raguel at isa sa madalas nilang pinag-uusapan ay ang pag-aaral namin. Hindi na dapat ako nagulat na alam ito ni Dad.

"Yes, Dad," I said in a formal tone. "I already thought of a project, actually."

I've been worrying about his approval of my passion project. Pakiramdam ko kasi hindi niya magugustuhan. It's no use ruminating about it, it's better to tell him and see what he thinks of it.

"Connected ba sa business ang gagawin mo? If it is, that's good! It will help you in the future!" My mom exclaimed.

An awkward smile escaped my lips. Nahawa na ata ako kay Raphael. "It's about helping other people. Do you know the cafe near my school? There's this wishing board where they write their heart's desire. I want to help them in fulfilling it."

Nanatiling tahimik ang mga magulang ko, kaya nakaramdam ako ang kaunting kaba. Do they not like it? Are they dismayed? Will they go against it again? Will they tell me to change it and do as they say?

Bumasag sa katahimikan ang pagtawa ni Ate Aries. "Ang korny naman niyang naisip mo! Making others happy? Ano ka, santo?"

Is there something wrong with wanting that? I wanted to ask her, but I kept my mouth shut. Hearing my parents' thoughts about it is more important.

"Orion, I don't think that's a good idea. You're not their servant," Father sighed.

Humagikgik si Ate Aries sa gilid. Kung hindi pa siya pinatahimik ni Mom, siguro hanggang bukas niya akong pagtatawanan. Malakas mang-asar, e. I'm not evern sure if she's really my sibling. Ang layo ng ugali sa'min.

"Your mother's right. It should be connected to the course you're taking in college, not something useless like granting wishes. You should know that you need to do something related to your future! Alam mo na dapat 'yon! Ilang taon ka na, eh," he clicked his tongue and went back to eat.

My smile remained on my face. Hindi ko gustong ipakita na apektado ako sa mga sinasabi niya sa kahit na anong paraan. But why should I be affected in the first place? Totoo naman. Dapat talagang related sa future ko ang gagawin ko dahil magkokolehiyo na ako.

"Oh! What if magsimula ka ulit ng small business?!" Mom exclaimed, looking excited. "What would you like ba? Pastries? I could help you with that! Or maybe a pasta restaurant? Or a bar?"

Hm? Maybe it's the right choice. Ano nga naman ang mapapala ko sa pagtupad ng hiling ng ibang tao? Wala. Hindi rin naman matutuwa ang mga magulang ko do'n. It would be better to do a small business again. Doon sila magiging masaya. Looking at how my Mom smiles as she shares her ideas for my passion project makes me think it's worth it to change it.

Orion:

Meet up tayoo 😀

May change of plans lang sa project

It will be worth it in the end. My mother's smiles when she sees me being passionate about her passion in life, and my father being proud when my business becomes a success once again. Ano pa ba ang mahihiling ko bukod doon? And all I need to do is follow my father's advice. Especially if I don't want to see my Mom shed tears because of me again.

。✧:˚*:・。。・:*˚:✧。

"IS there something bothering you? Kanina ka pa tahimik," tanong ni Raguel habang naglalakad kami patungo sa Senior High School building.

"Iniisip ko lang kung kailan papasok sina Gabriel. Lagi silang late, e," kunyari akong tumingin sa paligid. 9 A.M. na nga simula ng klase, nahuhuli pa rin. Kung sila yung anak ni Dad, baka matagal na silang itinakwil. Ang ayaw ni Dad sa lahat ay ang mga tatamad-tamad at hindi marunong rumespeto sa oras.

"Yung sa project ba? Gusto papalitan nila tito?"

Marahan akong natawa. "I'm changing the topic nga, makisakay ka naman."

Ang tagal na naming magkaibigan ni Raguel kaya hindi malabo na alam na niya kaagad kung may nagbobother sa'kin. Kapag napansin niyang meron, magtatanong agad siya kung ayos lang ako. Hindi naman siya mamimilit na sumagot ako, pero nakaka-pressure minsan. Kapag hindi ko sinabi, baka isipin niyang wala akong tiwala sa kaniya. Hindi naman sa gano'n. Ayaw ko lang na problemahin niya ang mga bagay na ako lang dapat ang namomroblema. Though, I'll always appreciate his concern.

"Feeling ko kasalanan ko, e. Nakwento ko kasi kay Dad about do'n sa passion project, kaya sure akong nakwento niya na agad sa Dad mo. Ta's... feeling ko hindi siya nag-agree sa gagawin mo kasi mukha kang problemado ngayon," he explained.

Napahawak naman ako sa magkabilang pisngi ko. "Panong... mukhang problemado? Pumangit ba ako?"

Raphael might find it amusing if he sees me looking like I have problems, especially if I look ugly with that kind of expression.

Nagsalubong ang kilay ni Raguel. "Pumangit? Kelan ka ba hindi pangit, Rye?"

Pabiro ko siyang sinuntok sa braso. "Seryoso nga."

"Seryoso ako," sabi niya, pero nakakurba ang labi. Pinanliitan niya ako ng mata. "At kelan ka ba naging conscious sa ganyan? Are you really courting someone?"

Sinumpong nanaman siya ng pagiging lowkey chismoso niya.

Tumikhim ako. Wala sa plano kong ipagsabi sa mga kaibigan ko na lalaki ang gusto ko. Nagkataon lang na nalaman ni Gabriel, at dahil 'yon sa carelessness ko. Hindi na 'yon mauulit. As of now, I have no plan being open about it to other people. Sapat nang may dalawang nakakaalam. I trust Raguel, but I'm not ready yet.

"Wala. 'Wag kang maniwala sa sinabi ni Jeremiel no'n. Misunderstanding lang naman. Friend ko lang 'yon," paglilinaw ko ulit.

"Ah. Yung kacollab mo sa passion project? Paano pala 'yon? Papalitan niyo?"

"Of course. Wala na naman akong choice. Alam mo namang lagi kong susundin kung ano ang gusto nila," sinubukang kong ngumiti. Well, I'm really fine with it. If it makes my parents happy, how could I not be?

Napabuntong-hinihinga siya. "Sa bagay. Kahit ako rin naman, hindi gustong madisappoint parents ko. Kaya nga nagpupursigi ako rito sa ABM, 'di ba? I understand you, man. If you think you should change it, then you should. For your peace of mind."

。✧:˚*:・。。・:*˚:✧。

PEACE of mind. Isa iyan sa dahilan kung bakit ko sinusunod ang gusto ng magulang ko. Hindi matahimik ang utak ko sa tuwing iniisip ko ang mangyayari kapag nalaman nilang nilabag ko sila. Madidisappoint sila sa'kin, that's for sure. Iyon na nga ang nangyari kagabi nung dinner, uulitin ko pa? Sabi nga ni Dad, matanda na ako. Alam ko na dapat ang tama para sa future ko.

"Nagkamali ka?" hindi makapaniwalang tanong ni Jeremiel nang makita ang quiz ko.

Shit. Looks like I still don't know what's right. How could I get something wrong?

Nagkaroon ng surprise quiz sa Fundamentals in Accounting, Business, and Management. Hindi naman talaga surprise kasi sinabi ni sir na mag-aral kami for an upcoming quiz, 'di lang sinabi kung kelan. I studied for it, so how could I make a mistake?

"Weh? Ngayon, alam ko nang tao ka talaga! Nagkakamali rin!" sabi ni Gabriel at napahagikgik sila ni Jeremiel.

It wasn't just one subject. Pati yung activities na pinagawa sa amin ngayong araw, nagkakaroon ako ng pagkakamali. It was unsual. Sa mga activities, lagi akong perfect sa mga ganyan. Sa quiz, most of the time napeperfect ko. Kung magkakamali, laging isa lang. That wasn't the case today. Limang mali. Anim. Walo. Ang dami. Kung sa iba, konti lang 'yan, sa akin hindi.

Accounting requires a precise and accurate computation and solution to get the answer. Kapag alam mo ang process at formulas, mataas ang chance na makukuha mo ang tamang sagot. No, it's certain. Kaya anong naging problema ngayon? Saan ako nagkulang?

"Rye, mamaya na 'yan. May exam pa, doon ka bumawi," sabi ni Gabriel at tinapik ang braso ko.

"Mauna na kayo kumain. Susunod ako kapag nahanap ko na," sabi ko at ipinagpatuloy ang pagchecheck ng balance sheet ko. Saan ba? Hindi ako pwedeng umalis dito nang hindi nalalaman kung saan ako pumalya. Hindi ko 'to mapapasa hangga't hindi siya balanced!

"Dude, umalis na si sir. Baka hindi na niya tanggapin 'yan kapag pinatagal mo pa. Mas ayos na 'yan kesa wala kang puntos," si Jeremiel.

"Gagi! 'Wag mong gayahin si Rye sa'yo na basta pasa na lang! Baka mamaya, maging itlog score niyan kagaya mo!" hirit ni Gabriel.

"Kung hintayin na lang natin siya sa labas, 'no? Ginugulo niyo pa, eh. Mas lalo lang siyang matatagalan," sabi ni Raguel at hinawakan ang palapulsuhan ng dalawa bago sila hatakin palabas. "Take your time. Hanggang uwian pa naman daw 'yan."

Nanlaki ang mata ni Jeremiel. "Weh?! Nagmamadali pa naman ako?! Ta's hindi ko pa natapos!"

"Hindi kasi nakikinig! Tignan mo ako, nagpasa rin, pero kompleto!" pagmamayabang ni Gabriel.

Binalingan ako ni Jeremiel. "Mamaya pa pala, eh! Kain ka muna!"

Umiling ako. Kanina pa breaktime, baka hindi sila makakain kahihintay sa'kin. "Ayusin ko lang muna, ta's susunod na ako. Mauna na kayo."

Tumango si Raguel. "Bilhan ka na rin namin food. Libre ko na."

Tatanggi pa sana ako pero nakalabas na sila ng classroom. Binalik ko na lang ang tingin ko sa balance sheet, scratch paper, at calculator. Kailangan kong makuha ang tamanag sagot, baka ito pa ang maging dahilan ng pagkawala ako sa Top 1. Every point matters.

Laking tuwa ko nang mabalance ko na siya. Dinouble check ko ulit ang gawa ko, bago mapagdesisyonang ipapasa ko na. Baka hindi nga lang ako makasunod kanila Raguel, ilang minuto na lang matatapos na ang break namin.

Kumatok muna ako at bumati sa teachers bago pumasok ng faculty room. Hinanap ko ang desk ni Sir Chris. Nadatnan ko siya roon, nagchecheck ng mga balance sheet nung mga nagpasa kanina. Nakakunot pa ang noo niya, parang jinujudge yung mga sagot ng kaklase ko.

"Excuse me po, sir. Ipapasa ko lang po," sabi ko at linahad ang papel ko sa harap niya.

Umangat ang tingin niya sa'kin. "Orion! Kaibigan mo si Jeremiel, 'di ba? Pwede bang pakibalik muna sa kanya yung balance sheet niya? Ang dami niya pang kulang. Baka bumagsak kung chineck ko as is."

"Sige po, sir." Kinuha niya ang papel ko at binigay naman sa'kin ang papel ni Jeremiel. Tinignan ko ito saglit para malaman kung saan ko siya matutulungan. Maayos naman ang pagkakagawa niya, sadyang kulang lang dahil nagmamadali siyang magpasa kanina.

"Kamusta pala yung passion project mo? Is it going well?" tanong ni sir.

Ah. Yung passion project. Kailangan ko rin pala kausapin si Sir Chris dahil papalitan ko 'yon. I'll have to present again, together with my classmates who have yet to present. Hindi ko alam kung bakit pero nakaramdam ako ng panghihinayang. Nagustuhan ko ng sobra ang gagawin ko sanang passion project. I was looking forward to helping other people achieve what they want, pero hindi ko na 'yon magagawa. It's either I do it and disappoint my parents, or I'll follow my parents and... and what? Akala ko ba ayos lang sa'kin na sundan sila? I can't count how many times I chose what they want over mine, so what's the difference?

"Orion?"

"About that... pwede po ba kayong makausap? I'm planning to change it..." I told myself I will, but why do I sound hesitant?

"Why? I can tell that you are passionate about it, kaya bakit babaguhin? Are there problems you're encountering? May maitutulong ba ako?" he asked with a concerned voice.

"Wala po, sir. Naisip ko lang po na mas maganda kung magsisimula na lang ako ng small business para sa project na 'to. Mas makakatulong din 'yon sa future ko," sagot ko. Despite sounding determined, I feel like there's something telling me to stop myself from... changing it? Why?

Tumango-tango siya. "Hm? Future? By any chance... sinuggest ng parents mo?"

"Yes. I understand why they want me to change it. Mas maganda naman po kasi kung connected sa future ko, hindi yung.... tutupad ka lang ng hiling..." I trailed off. Why do I sound so... against it? Ginagawa ko naman para sa magulang ko, ah?

Nanatili ang tingin sa akin ni Sir Chris, tila pinoproseso pa ang sinabi ko.

"It's up to you. You either discover or make your passion in life. Take note, you. At the next meeting, you can come up and present your new passion project if you're sure of changing it."

If I'm sure? Hindi pa ba ako sure? I thought following my parents will give me a peace of mind? Then, what's this?

"Kailangan mong magseryoso sa subject ko, naiintindihan mo? Kung hindi, babagsak ka talaga. Malapit na exams, bumawi ka 'nak. Pati na rin sa iba mo ring subjects. Nak-kwento ng ibang teachers mo na mababa ang nakukuha mong scores..."

Naligaw ang tingin ko sa kabilang side ng faculty room. Tahimik sa loob dahil nasa labas ang mga teachers para kumain, o hindi kaya busy sa ginagawa, kaya maririnig mo talaga kung may nagsasalita.

Nagtama ang tingin namin ni Michael. Inalis niya rin agad ang tingin sa'kin at binalik ito kay Ma'am Erma, ang teacher namin sa Earth Science nung Grade 11. Siya rin siguro ang teacher nila sa Science subjects sa STEM.

Halos walang ekspresyon sa mukha niya. He was wearing his usual poker face, pero napansin ko na problemado siya. His hands were on his back, and his index finger kept on scratching the back of his thumb.

Nagpaalam na ako kay Sir Chris at nauna nang lumabas. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang narinig. Babagsak siya kung hindi siya magseseryoso? Nakita ko ang hiling niya sa wishing board. Gusto niyang maging parte ng honors list. Doon pa lang, masasabi mong gusto niyang magseryoso sa academics. Kaya bakit siya bumabagsak? May hindi ba siya nagegets sa lessons? Kailangan niya ng tulong? Since I found his wish, should I walk up to him and ask him if I could help him? But I can't tell him he's cute just like what I did with Raphael. Though, he looks attractive. The cold and snobbish type.

"Hi!" bati ko sa kanya pagkalabas niya ng faculty room.

Kinunutan niya ako ng noo at nilagpasan. Ganitong-ganito rin yung trato sa'kin ni Raphael noon. Magkaibigan nga sila.

Kahit mukhang ayaw niya akong makita, sinundan ko siya. If he asks why, I'll tell him I have something to talk about with Raphael. But before that, I have to strike up a conversation. Kahit hindi ko na passion project ang tumupad ng hiling, pwede ko pa rin siyang tulungan.

I came up to him and plastered a friendly smile on my face. "I overheard your conversation with Ma'am Erma. Do you need help with your studies? I can–"

Tumigil siya at nilingon ako, masama ang tingin. "Pake mo ba? Pakielamero ka? Wala na nga akong pera, peperahan mo pa sa tutoring sessions mo."

I was taken a back. Peperahan? Ako? "It's not my intention. Gusto ko lang makahelp."

Napairap siya. "Tch. Oo nga pala, mapera ka na, anong gagawin mo sa pera ko? Kaya ano? Volunteer work? Hindi ko kailangan 'yan," sabi niya at naglakad ulit paalis.

Okay, I'll let him go after I clarify some things. "No. I just–"

Hinarap niya ulit ako at kinwelyuhan. Nakatingala pa siya sa'kin ng kaunti dahil mas matangkad ako sa kanya. Hanggang baba ko lang siya.

"Ano ba? Tinugariang Top 1 pero bobo? Sinabi na ngang–"

"Michael," a familiar voice called out with an authoritative tone.

Agad siyang bumitaw sa kwelyo ko. Lumambot ang ekspresyon niya at linipat ang tingin sa likod ko kung saan nakatayo ang tumawag sa kanya. Napalingon na rin ako. It was Raphael holding a mango milkshake, staring quite intently at Michael. Kasama niya si Chamuel at Muriel na nagtataka kung anong nangyayari.

Despite the weird atmosphere, all I could think about was how attractive he was when he stared like that.

"Ba't mo sinisigawan crushie ko?" nakangusong tanong ni Muriel.

Crushie?

Binalingan ako ng sama ng tingin ni Michael bago ako lagpasan at pumunta sa mga kaibigan niya. He got mad, but I understand it's entirely my fault. Hindi naman kami close pero ipinagpipilitan ko na tutulungan ko siya. Mukhang hindi lahat ng tao, na-aappreciate kapag gusto silang tulungan ng hindi nila kakilala. It's too invasive of their personal space. I'm at fault here. I got too desperate.

"Tch. Ba't parang kasalanan ko pa?" inis na tanong ni Michael, pero kumpara sa tono ng boses niya kanina, may pagkamalumanay na ito.

He isn't that mad anymore? Or maybe because of Raphael? May soft spot din ba siya sa kanya? If he told me, maybe we could have gotten a bit closer. We have something in common.

"Una na kayo, kausapin ko lang siya," sabi ni Raphael at naglakad patungo sa'kin. Binati pa ako ni Chamuel at Muriel bago umalis kasama si Michael na inirapan ulit ako.

"I should apologize to your friend," I admitted.

Uunahan ko na siya. Pakiramdam ko kasi pagsasabihan niya ako kaya niya muna pinaalis mga kaibigan niya. Maybe he'll do the same to Michael later. Sa itsura niya kasi ngayon, para siyang magulang na nahuling nag-aaway ang dalawang anak kaya manenermon siya.

He sighed. "Magsorry din dapat siya sa'yo. Hindi ka niya dapat tinawag na gano'n."

"It's my fault, Raph. I was... forcing him to accept my help," bumaba ang tingin ko sa sahig. I feel like a child getting scolded, even if he's not even mad at me. I thought he would be. I'm the reason his friend is in a bad mood.

Bahagya siyang natawa. "Hindi ka pa nadala nung tinanong mo ako na tutuparin mo wish ko sa cafe noon? Baka kasi tinawag mo ring cute kaya nainis. Ayaw pa naman niyang tinatawag na gano'n."

Tumikhim ako. "Hm? Cute yung height niya. Pero mas cute ka pa rin."

"Masusuntok ka no'n kapag narinig ka niya. Ayaw rin no'n inaasar sa height niya," natatawa niyang sabi. "Pero 'wag mo na masyadong alalahanin 'yon. Ako na kakausap sa kanya. Sorry din kasi napagbuntungan ka pa niya ng emosyon niya."

Napailing naman ako. "Kasalanan ko, Raph. Tama naman siya na pakielamero ako." Hindi iyon tinanggi ni Raphael, kaya baka sumasang-ayon din siya roon.

"May kasalanan din siya. Yung ibang sinabi niya, sumobra na."

He heard? Nasa hallway kami na wala masyadong dumadaan na students, hindi malabo na maririnig nila ang sinabi ni Michael.

"It's okay. I've heard worse," I said to give him a sense of relief. Hindi na niya dapat problemahin 'yon. It's my problem in the first place and a problem I did myself.

Tumaas ang kilay niya. "What do you–"

The bell rang. Our break time's over, kaya siguro wala na rin masyadong students sa hallway dahil nasa classroom na sila.

Ngumiti ako. "Let's talk later. Magsosorry din ako kay Michael, don't worry."

We bid our goodbyes. On my way back, my stomach grumbled. Hindi pa nga pala ako kumakain. I hope our teacher's not yet in the classroom para makakain pa ako.

"Hindi mo pa pinasa? Wala ba si sir sa faculty?" tanong sa'kin ni Gabriel pagkabalik ko sa classroom.

Binalingan ko ng tingin si Jeremiel na nagp-phone sa upuan niya. Linapag ko ang papel na hawak sa table niya. "Pinapa-finish sa'yo ni sir. Magsabi ka if need mo ng help."

Tumigil siya sa pagph-phone at tinignan ako, tila gulat. "Nagmakaawa ka kay sir para patapusin ako sa gawa ko?! The best ka talaga, Rye!" Nagthumbs-up siya sa'kin.

Bahagya akong natawa. "Hindi. Binalik niya sa'kin, ipatapos ko raw sa'yo. Tama naman daw gawa mo, kulang lang."

Babalik na sana ako sa upuan ko nang may kumalabit sa'kin. Pagkalingon ko, sumalubong sa'kin ang isang cinnamon roll na nakaplastic. Lumipat ang tingin ko sa may hawak nito, si Raguel.

"Bilisan mo kumain, ah? Baka dumating na si ma'am," sabi niya.

Kinuha ko ang cinnamon roll mula sa kamay niya at bumalik na sa upuan ko. Liningon ko siya at nginitian. "Thanks," sabi ko.

Tinanguan niya lang ako at binalik ang atensyon sa notebook na nasa harap. Pagkaharap ko naman sa table ko, mayroon nang nakapatong na bote ng chocolate milk.

"Touched ka na niyan? Naiiyak ka ba?" nang-aasar na tanong ni Gabriel.

Natawa ako. "Sobra. Salamat sa donasyon, ah?"

I'm thankful for having them. Lagi silang andiyan sa tuwing kailangan ko sila, at gano'n din naman ako sa kanila. Naramdaman din siguro nila na may bumabagabag sa'kin kaya ganito sila ngayon. I made a lot of mistakes from my activities, kaya siguradong madodown ako. Natatakot akong maapektuhan ang class standing ko. Hindi ako pwedeng mawala sa Top 1.

I said that, yet my actions say otherwise. I kept getting distracted in class. Pumapasok sa isip ko si Raphael, ang passion project na ipapalit ko, yung nangyari kay Michael, at yung sinabi ni sir sa'kin sa faculty.

It's up to me. I make and create my passion in life.

Halata naman kung ano ang ibig-sabihin no'n. I understand what it means, but that doesn't mean I know how to put it into action. Do I even have the courage to?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro