Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

| 1 | What is Your Purpose?

°✴⋆.࿔* Note: Welcome to the first chapter! It's been years since I took writing quite seriously, instead of simply jotting down scenes with no specific direction or plot. Before reading this, I would like to remind you that there will be grammatical errors, mistakes, and the like as this is unedited. I am still in the process of improving my writing and will edit this in the future. For now, please enjoy reading the current version! Feel free to vote and leave your thoughts in the comment section. Constructive criticisms are welcomed and appreciated. Thank you!

♪°⋆♫ patutunguhan by cup of joe ♪°⋆♫


ORION

WHAT IS your purpose in life?

In this vast universe, there is a sea of possibilities regarding one's purpose in life. Lost answers float on the surface, while some lie deep beneath the sea, waiting to be discovered. Some are lucky enough to find their answers, while others spend a lifetime searching without success. Some are courageous enough to take a leap of faith and create their own purpose, instead of waiting for a miracle to provide the answer.

When our homeroom teacher asked us what we think our purpose is, I undoubtedly answered, "To make people happy."

Kaso hindi naman lahat ng kaklase ko ay katulad kong nahanap na ang purpose nila sa buhay. Andoon pa sila, naghahanap, naghihintay, o sinusulat pa ang sarili nilang sagot sa katanungang iyon.

Napangiti ang homeroom teacher ko, si Sir Chris, nang mapansing walang maisagot ang ilan sa amin. "That's perfectly fine. Hindi naman lahat ay alam na ang purpose nila sa buhay. It takes time to find it, or even a lifetime. But finding it is definitely worth the wait," he paused. "But for this project, if you aren't sure about your purpose, instead of doing something na connected to it, do something you find meaningful or enjoyable. Malay niyo, iyon pala ang purpose niyo."

A passion project. That's what we'll do as our last requirement for our homeroom subject before graduating senior high school. My heart began to race in excitement. Sa pamamagitan ng project na ito, mas magagawa ko ang kagustuhan kong magpasaya ng mga tao. Through my words and actions, I can have a positive influence on their lives.

"Ang dami talagang alam ni sir. Ano bang ambag niyan sa life ko? Tsk," nakasimangot si Gabriel habang palabas kami ng classroom. Dinismiss na kami ni Sir Chris pagkatapos niyang i-discuss ang final project namin. May apat na buwan kami para tapusin iyon, isang buong semester 'yon. Kahit anong klase ng output ay tatanggapin niya. We can be creative.

"Pero buti pumayag siya sa collab," sabi ni Raguel bago tumingin sa amin. "Collab na lang kaya tayong apat?"

Napaisip ako saglit. "Baka magkakaiba ang gusto nating gawin lahat. Lalo na 'tong dalawang ito, laging salungat ang gusto sa isa, mag-aaway nanaman," tinuro ko si Gabriel at Jeremiel na laging nagtatalo kahit sa maliliit na bagay dahil madalas magkaiba ang mga gusto nila. Wala ring nagpapatalo dahil parehas sila na gusto laging nasusunod. Tiklop nga lang kapag si Raguel na ang nagdesisyon.

"Ano muna gagawin?" Nakakunot pa rin ang noo ni Gabriel.

"Alam ko na! Magsimba tayo! Purpose ng parents ko sa buhay nila i-serve si Lord, gayahin na lang natin," sabi ni Jeremiel, nakangiti ng malapad at mukhang proud na proud sa suhestiyon niya.

One answer to discovering one's purpose in life is serving God. Filipino Catholics made it their purpose and passion to be God's servant and follow His teachings. Isa na roon ang mom ko at ang pamilya niya. Tinuruan nila akong lumaki na marunong manampalataya at matakot sa Diyos. Isa iyon sa nakatulong para mahanap ko ang purpose ko. Ayon sa mga salita ng Diyos, mahalagang mahalin ang kapwa mo, at isa sa mga bagay na pwede mong gawin para maipakita iyon ay pasayahin at tulungan sila.

Binatukan ni Gabriel si Jeremiel. "Gago! Gusto mo bang masunog tayo?!"

"Gago ka rin! Ikaw lang masusunog! Mababait kaya kami, lalo na si Rye!" binalik niya ang batok kay Gabriel.

Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang sarili kong matawa. It's always lively with these two around. Nakakatuwa silang panoorin kapag nagtatalo sila. Minsan nga lang, sumosobra na kaya kailangan naming pigilan ni Raguel.

"Parang gusto kong magteach sa mga bata sa orphanage. Hindi ba maganda 'yon?" sabi naman ni Raguel at binalingan ako ng tingin. Nung birthday niya kasi last year, pumunta kaming dalawa sa orphanage kasama ang pamilya niya at iba pa niyang kaibigan para tumulong sa mga bata roon. Hindi sumama sila Gabriel dahil busy daw sila no'n.

Nang-aasar na ngumisi si Jeremiel. "Baka lumaki silang barumbado kapag ikaw ang nagturo."

"Grabe ka naman kay Raguel. Masasaktan yung tao," natatawa kong sabi at tinignan si Raguel na nakasalubong ang kilay. Ayaw pa naman nitong inaasar, pero nakakatuwa ang mga reaksyon niya.

"Ayos lang iyan, bro," ngumiti si Jeremiel, hinimas niya ang likod ni Raguel na para bang dinadamayan siya. "The truth hurts, and the truth will set us free," tuloy niya at pumikit pa na para bang sobrang deep at life-changing ang sinabi niya.

Napahalakhak naman kami ni Gabriel, lalo na nung napamura si Jeremiel dahil pabiro siyang piningutan ni Raguel sa tenga. Pero baka nga hindi na iyon biro, may halo nang sama ng loob. Pumiglas si Jeremiel sa pagkakahawak ni Raguel at hinawakan ang tenga niyang namumula na.

Bumaling ang tingin ni Gabriel sa akin. "Teka, 'di ba suki ka sa mga volunteer orgs?" panimula niya.

"Ay oo nga pala. Andami niyang sinalihan nung bakasyon. Baka may alam ka namang pwede naming salihan diyan, bro?" ngumisi si Jeremiel at siniko ako. Namumula pa rin yung tenga niya hanggang ngayon. Nahigpitan siguro ni Raguel ang pagkakahawak niya.

"Nung pinapasali ko kayo, ayaw niyo," sabi ko.

Sumali ako sa maraming volunteer organizations nung bakasyon para may pagkabusy-han naman ako. Hindi magandang tignan sa pamilya namin na wala kang ginagawa sa buhay mo. Hindi nga ata uso sa amin ang salitang pahinga, dapat laging busy. My family is a fan of the grind mindset, and I'm no different from them.

Minsan, kasama ko ang Mom at ate ko sa non-profit organizations na sinasalihan o sinisimulan namin, habang si dad naman ay busy sa trabaho niya sa kompanya ng pamilya namin. Ito namang mga kaibigan ko, hindi interesado dahil meron din silang sari-sariling ginagawa sa buhay.

"'Di naman kasi required noon," nakangusong sabi ni Gabriel.

"Busy ako no'n! Pinapaattend nga ako ng magulang ko sa simbahan halos araw-araw!" si Jeremiel.

Lumipat ang tingin ko kay Gabriel dahil pakiramdam ko may entry nanaman siya. "Talaga ba? Eh ba't ganyan pa rin ugali mo?"

Tinakpan ko ang bibig ko para hindi nila mapansing natatawa ako. Nakakainis talaga yung mga salitang binabato nila sa isa't isa, bentang-benta sa akin. Baka nga lang maoffend si Jeremiel kapag nalaman niyang tumawa ako ro'n.

Natatawang ngumiti si Jeremiel. "Anong akala mo, papatulan kita? Hindi. Mabait kasi ako. Mala-anghel ba? Kaya papalagpasin ko 'yang insulto mo. Ipagdarasal na lang kita," Jeremiel clapped his hands together in a praying position and showed it to Gabriel.

"Tch. Kalokohan," Gabriel scoffed and tilted his head to the other side. I caught a glimpse of the tip of his lips rising into a smile. Hmm?

Umalis ang atensyon ko kay Gabriel nang sikuhin ako ni Raguel. "Rye, hindi ba't kotse ng Dad mo 'yon?" Ngumuso siya para ituro ang metallic navy blue na kotseng nakapark sa malapit entrance/exit ng Maximillian University. Sa harap no'n ay nakatayo ang bodyguard ni Dad na sinenyasan akong pumasok sa loob.

"Mercedes-benz? Yayamanin, ah? Kanila Rye ba 'yan? Kamukha ng kotse nila, eh," sabi ni Jeremiel, nakatingin din sa kotse ng Dad ko.

"Kanila nga 'yan!" sagot naman ni Gabriel.

Nilingon ko ang mga kaibigan ko at nagpaalam na sa kanila. Binalik ko ang tingin ko sa harap. Hindi ko inaasahan na susunduin ako ni Dad. Wala naman siyang sinabi kanina. Ibig sabihin nito, may family dinner kami mamaya at may mahalaga siya sasabihin.

Linahad ng bodyguard ni dad ang kamay niya para kuhanin ang bag ko, pero sinabi kong ayos lang. Pinagbuksan niya na lang ako ng pinto sa backseat kung saan nadatnan ko si dad na nakakrus ang braso at nakakunot ang noo sa akin. Bad mood?

"Good afternoon, Dad," bati ko at pumasok na sa loob.

He sighed. "Rye, how many times do I have to remind you that you'll inherit my company? You should be used to other people serving you because sooner or later, you'll be the CEO with many people working under you."

Tipid akong ngumiti, "Yes, Dad. I'll keep that in mind."

We were quiet the entire ride. It's always like that-cold and distant. The only topic we could talk about was his aspirations for me. Kaya minsan, napapaisip ako kung anak ba talaga ang turing niya sa akin, o magmamana lang ng business niya.

° ✴ ⋆ .ೃ ࿔ * ・ ° ⋆

"HOW ARE your studies?" the first thing my father asked when we were all seated at the dining table.

Ate Aries went ahead to answer first. "I'm having fun, Dad! Fashion design is my passion! That's why I passed my subjects with flying colors!" she beamed before turning her head to me and giving a teasing smirk. For some reason, her words and actions left a bitter taste in my mouth. Passion. She's pursuing her passion and my family allowed her to. While I...

"Ikaw, dear? Kamusta naman senior high school?" My Mom smiled sweetly at me. Lumuwang ang pakiramdam ko nang marinig ang tono ng boses niya. It was different from Ate Aries' teasing voice and my father's authoritative tone. Her voice brings me a sense of warmth, the reason I'm able to breathe properly in this household despite the suffocating pressure from my father.

"I'm doing great, as usual. Matataas ang grades and active rin sa extracirriculars," I answered.

"Remember to study hard. Aries was a valedictorian when she graduated from high school. You should strive for the same. You have to. There's no Barrinuevo that settles for less than the best."

"I will be, Dad. Don't worry," I assured him.

Isinabuhay ko na ang paniniwala na iyan. Sa lahat ng bagay na ginagawa ko, sinisigurado ko na ginagawa ko ang lahat ng kaya ko para maabot ang isang bagay. Kapag hindi ko ito nakamit, malaking disappointment iyon sa pamilya ko at sa sarili ko... and I don't want that.

Throughout dinner, I listened attentively to everything they said. On the other hand, Ate Aries was absorbed in her dinner with no care about the family conversation. Natutuwa ako na pinagkakatiwalaan ako ni Dad sa business namin, but there was something bothering me. I can't point it out. What could it be?

I wanted to think about it. I wanted to reflect on my emotions. There was one place I could find solace in. A sort of safe haven.

° ✴ ⋆ .ೃ ࿔ * ・ ° ⋆

KRUSTIE KRUMB Cafe. Ang cafe na ito ang madalas kong takbuhan sa mga panahong gumagawa ako ng schoolworks o hindi kaya kapag kailangan ko ng oras para makapag-isip tungkol sa mga bagay. The welcoming atmosphere every time I enter this café is one of the reasons why I keep coming back. It's the reason it became my sanctuary.

The environment gives me comfort. Ang malakas na amoy ng coffee at pastries, ang classical music na pinapatugtog nila, at ang mga halaman at bulaklak na nakatanim sa paligid. Sa pader ng café' ay may mga nakadikit na pahabang kulay beige na paso kung saan nakatanim ang mga halaman. Kahawig ito ng mga bookshelves, iyon nga lang ay mga halaman ang nakalagay. Sa ibang pader naman ay may nakadikit na mga halaman kaya nagmumukhang nakatanim dito ang halaman kahit ang totoo ay inilagay lang siya roon.

Konti na lang ang tao ngayon dahil gabi na. Kapag hapon, marami-rami ang mga estudyanteng andito. Madalas nila itong pagtambayan para makipagkwentuhan, magrelax, o hindi kaya gawin ang mga schoolwork nila. Madalas ay kasama ko rin ang mga kaibigan ko kapag pumupunta rito. Pero ngayon, pumunta akong mag-isa. Paniguradong hindi ako makakapag-isip ng maayos kung andito ang mga iyon. Imbis na magbrainstorm ng gagawin ay mauuwi ito sa pagk-kwentuhan.

Dumapo ang tingin ko sa 'Wishing Board' na nakadikit sa pader na malapit sa entrance. Pagkapasok mo ay ito kaagad ang makikita mo. Maraming mga hiling na nakasulat dito na madalas kong binabasa kapag wala akong magawa. If only I knew every person who wrote here, I would immediately meet them and help fulfill their wishes.

I'll gladly be their fairy godfather. Even though I may not have power, I will do everything in my capability to help them through what they are going through, well, if they allow me to.

Maglalakad na sana ako para pumunta sa counter at umorder nang mahagip ng mata ko ang isang pamilyar na lalaki. Naglakad siya patungo sa tapat ng 'Wishing Board' at kumuha ng sticky note na nakapatong sa mahaba at payat na lamesang nasa pagitan naming dalawa. Kumuha rin siya ng isang ballpen sa lalagyan at nagsimulang magsulat.

He looks familiar.

Lumapit ako kaunti para mas makita ng malinaw ang itsura niya. With his usual soft anf fluffy wavy brown short hair, nakompirma na ang lalaking nasa harap ko ay ang hinahangaan ko. Mag-isa lang siya ngayon. Hindi niya kasama si Chamuel na laging nakadikit sa kanya.

I flinched when he suddenly turned his gaze to me after putting his blue sticky note on the 'Wishing Board', right at the bottom corner. Ilang segundo kaming nagtitigan bago niya itaas ang kilay niya na para bang tinatanong kung bakit ako nakatitig sa kanya. His soft dark brown eyes never fail to captivate me.

A soft chuckle escaped my smiling lips.

"I'm sorry," I said. I bit my lips to stop myself from smiling further because he was staring at me like I was some weird and crazy guy and it was... cute.

"Baliw," he mumbled. Inalis niya ang tingin niya sa akin at tumungo sa pila sa counter.

When he passed by me, I seized the opportunity to retrieve the sticky note he left. And there, I found it at the bottom of the board. I didn't know how I would feel after reading his request. His situation seemed difficult. I want to help him.

Inalis ko ang sticky note sa board, tinupi ito, at sinuksok sa bag ko. I wasn't here to think about the passion project, but fate presented it to me anyway. Not only that, it gave me a chance to be closer to the person I admire.

Binalik ko ang tingin ko sa kanya. Siya pa rin ang nasa dulo ng pila. Agad akong naglakad patungo roon at tumayo sa likod niya bago pa may makaagaw nung pwesto. Pasimple akong lumapit sa kanya. I noticed our height difference even more now, something I used to subtly measure when we pass by each other in the hallway. His height matched my eye level. Even his height was cute for a 6-footer like me.

"I'm a Barbie Girl~"

Natigilan ako nang marinig iyon. Who would play that in public? I searched for where that ringtone came from, only to find out it was from the person in front of me. He quickly answered the call to stop it.

He likes Barbie, huh? That's a good thing to know. I happen to like... Ken. My sister does too.

"Tch. Paalam na, baka maabala ko pa kayo ni Aimee," napabuntonghininga siya pagkatapos ibaba ang tawag. It's possible that Chamuel was the person he was speaking with since Aimee happens to be Chamuel's girlfriend. And... maabala? Where?

I was about to check if he was alright until I noticed it was his turn, yet he stood in front of the counter in silence. The barista looked at him and smiled awkwardly as he hadn't spoken a word since earlier.

I took the chance to talk to him. "It's your turn."

He flinched after hearing my voice, before laughing awkwardly. "Sorry."

"May I take your order, sir?" the barista asked.

"Caramel Latte."

Caramel Latte? Does he like that? Might as well order the same one since I haven't decided yet.

Habang hinihintay ang order ko, biglang nagvibrate ang phone ko kaya agad ko itong kinuha mula sa bulsa ko. Bumungad sa akin ang message ng mga kaibigan ko.

MGA ITLOG NI JEREMIEL

Bebe Rem:
Gagoooo

May nagbigay sakin kanina ng love letter pero bakla

Tinapon ko bwahahahaha

Gabo:
Proud gago ka ah

Sayang effort non

Bebe Rem:
Pake ko sa bading

Rgul:
Bat m nmn tnapn

Gabo:
Ayan nanaman si tamad typings

Bebe Rem:
Kasi di ako interesado

Orion Notebook:
Binalik mo na lang sana


Gabo:
Hahaha baka biglang halungkatin ni Rye 'yon para mabalik mo Rem

Bat mo naman kase tinapon?

Bebe Rem:
Akin naman yon kaya ako na bahala sa gagawin ko don

At sorry po boss @Orion, di na po mauulit

Gabo:
Buti pa si Rye hinihingan mo ng sorry

Look like they'll have an argument again. Don't they get tired? Kaya minsan lang ako tumingin sa group chat namin, laman kasi puro insulto nila sa isa't isa. Para namang hindi friends. Instead of fighting, dapat happy-happy lang.

"Raphael?"

Napaangat ako ng tingin ng marinig ko ang pangalan niyang tinawag. Napasulyap ako sa kanya na naka-upo sa sulok ng café at akmang tatayo na para kuhanin ang order.

This is my chance. I should do my best to interact with him.

Inunahan ko siyang tumayo at naglakad patungo sa counter. Kinuha ko ang Caramel Latte niya at nagpasalamat sa bartender. Binalik ko ang tingin kay Raphael at nadatnan siyang nakatingin sa akin. I remembered what he did earlier when he caught me looking at him, so I did the same. I raised my left eyebrow at him, smirking. Umiwas ng tingin si Raphael at tumingin sa kung saan.

When I walked towards him holding his Caramel Latte, his body stiffened and his eyes were still wandering somewhere. Inangat ko ang Caramel Latte niya at binasa ang pangalan niyang nakasulat dito. "Raphael..."

Kumawala ang ngiti sa labi ko.

Raphael. It is the name of the archangel from the bible I admire. He embodies the person I want to be--- compassionate and someone who heals. I was suddenly reminded of the moment I fell for him. His name fits him perfectly.

My eyes remained on him.

Sa tuwing nakikita ko talaga siya, gusto ko siyang kausapin. Mas lumala lang iyon ngayon dahil sa passion project na dapat kong gawin. Nasaktuhan na nakita ko siya rito na nagsulat ng hiling. Ang hiling niya ang una kong tutuparin. Sana pumayag siya.

"Ano?" he asked, trying to sound firm.

Hala? Kinausap niya ba ako?

I placed my arms on the table and leaned forward. "You're cute. Kaya naman, I'll be your fairy godfather! I'll help you grant your wish!"

His eyebrows furrowed. He glanced at me like I was the weirdest human being in the universe. No, it was like I was the weirdest being surpassing even the extraterrestrial beings in the universe.

"No thanks," he replied. He stood up, took his Caramel Latte, and hurriedly walked away as if he wanted to escape this situation as soon as possible.

I slammed my palm on my face, frustrated and embarrassed with what I said. Sa dinamiraming salita na pwede kong sabihin, bakit iyon pa? Hindi ba't pinlano ko na ito ng paulit-ulit sa isip ko dati pa? Ang unang pag-uusap namin?

It's okay. I'll have another chance. I'll create one if I have to.

Bumalik sa isip ko ang wish niya. It's not something he can handle alone unless there's someone he can share it with. Alam ko dahil parehas lang din kami. We both have feelings we don't want to share with others because of our circumstances.

I wish these feelings would come to an end. Ayokong maabala ka dito pagdating ng oras na hindi ko na makontrol 'to.

- RL

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro