(5) spell
"Sandali lang!" tawag ni Asterran. Nagmadaling tumakbo si Aphrodite palabas ng dressing room at nagtago ito sa likod ng isang sasakyan.
"Asterran!" tawag ni Direk Cathy. Gusto niya sanang ipanood sa kanya ang nakunan niyang video kanina.
"No thanks.."sagot ni Asterran. Pinapanood ni Direk Cathy kung gaano kaganda si Aphrodite.
Sa mata lang ng binata pangit ang imahe nito ngunit kapag humarap sa salamin, nakunan ng larawan o nahagip ng video sa camera ay lumalabas ang angking ganda ni Aphrodite na siya lang ang hindi nakakakita.
"Are you sure?"tanong muli ni Direk na abot langit ang ngiti habang nakatitig sa camera.
Para bang gustong panoorin ni Asterran ang video upang makita kung paano nadulas sa kanal si Aphrodite.
"I'm coming."sambit ni Asterran.
Papanoorin niya na sana ito ngunit nahagip ng mga mata niya si Aphrodite kasama si Sue, ang babaeng naghahabol sa kanya.
Nagpe-play na ang video sa harapan niya ngunit hindi niya ito napansin dahil pinagmamasdan niya si Aphrodite. Nakita na sana niya kung sino ang totoong Aphrodite na mala-dyosa ang ganda.
"She's something."bulong ni Asterran habang nakatingin sa dalawang babae.
"Yes, she is Asterran."sagot naman ni Direk na akala ay tinutukoy ng binata ang nakunan niya kanina.
"I'll be back."paalam ng binata.
"Wait. I want you to convince that girl. Alam mo ang kakayahan ko Asterran. Kung hindi dahil sa akin hindi mo mararating ang kinaroroonan mo. Kaya kong pabagsakin ang career mo kapag hindi mo sinunod ang gusto ko." makahulugang sabi ni Direk kay Asterran. May pinag-usapan sila ni Direk na sila lang ang nakakaalam.
Napamura si Asterran sa isip niya at wala siyang choice kundi sundan si Aphrodite at pilitin ito. Hindi niya maintindihan kung bakit lahat ng tao ay gustong kunin ito sa kabila ng kanyang panlabas na kaanyuan.
Nagtungo ito sa kinaroroonan ng prinsesa at pinagmamasdan niya ito.
"Ikaw yung fan na umaaligid kay Asterran?"tanong ni Sue sa prinsesa na nagtataka kung bakit hinarang siya ng tatlong babae.
Ang dalawang babae ay may hawak na poster ni Asterran at ang isa naman ay mukhang mayaman.
"Sino kayo?"tanong ng prinsesa. Pilit niyang hinahanap ang mga diwata niya ngunit hindi niya ito makita.
"Gusto mong malaman kung sino kami? Ako si Sue ang fan ni Asterran na dapat niyang makasama sa pelikula. Kung sino ka man, pwedeng bumalik ka na sa pinanggalingan mo? Akin lang si Asterran."pagmamaldita ng babae na nagpakilala bilang si Sue.
"Hindi ko siya inaagaw sa inyo."bulong ni Aphrodite.
"Hindi? Bakit mo siya sinusundan? Bakit ka nakikipaglandian sa kanya?"
"Mawalang-galang na po ngunit kailangan ko nang lumisan."yumuko si Aphrodite bilang pag-galang at naglakad ito patalikod.
"Sandali lang miss." Napahinto si Aphrodite sa paglakad nang marinig niya ang boses ni Asterran na papalapit sa kanya.
Unang hinarap ni Asterran sina Sue at pinagsabihan niya ito na layuan si Aphrodite.
"Leave her alone."seryosong sabi ni Asterran.
Dahil sa kahihiyan ay umalis ang grupo ni Sue at tanging ang prinsesa na lang at si Asterran ang nasa likod ng set. Nagkatitigan sila. Napahawak si Aphrodite sa kwintas niya at yumuko ito.
"Lovely Aphrodite?"tanong ni Asterran. Dahan-dahang itong nagpakad palapit sa prinsesa na ikinagulat ng huli.
"Paano mo nalaman ang pangalan ko?"tanong ng prinsesa.
Itinuro ni Asterran ang kwintas nito.
"Do you even know what Aphrodite means?"sarkastikong tanong ni Asterran sa kanya.
"Anong kailangan mo Asterran?"sagot naman ni Aphrodite.
Nagtaka si Asterran kung paano nalaman ni Aphrodite ang pangalan niya.
"Paano mo nalaman kung sino ako?"
"May misyon akong kailangang tapusin. Kailangan kitang bantayan para makabalik ako sa mundo ko"pag-amin ng prinsesa. Natawa lang si Asterran at inisip pang nababaliw na ito.
"You're crazy.."natatawang sabi ni Asterran.
"Look. Hindi kita lalapitan kung hindi ako pinilit ni Direk na pilitin ka. Kailangan kita." Nang sambitin iyon ni Asterran ay nakaramdam ng kaba si Aphrodite. Napansin ito ni Asterran kaya sinabi niya ang dahilan kung bakit niya ito nilapitan.
"Don't take it seriously. It's for the movie and not for me."dugtong ni Asterran.
"Kapag ba tinulungan kita, tutulungan mo akong tapusin ang misyon ko?"tanong ni Aphrodite.
"Anything.."seryosong sabi ni Asterran.
Lumapit ang prinsesa sa kanya at tinignan ito mula ulo hanggang paa.
"Huwag mo akong tatakasan."nakipagtitigan si Aphrodite kay Asterran.
"Huwag mo akong lalapitan."sagot naman ni Asterran. Tinanggal niya ang shades niya at sumandal ito sa pader habang nakapamulsa ang mga kamay niya.
"Huwag mo akong hahawakan."ang sabi muli ni Aphrodite.
"Susundin mo lahat ng gusto ko."sagot ng binata.
Kahit nahihiya ang prinsesa ay sinabi pa rin niya ang mga bawal sa kanya.
"Huwag mo akong hahalikan"
"That will never happen monster, huwag kang umasa, masakit."kampanteng sagot ni Asterran sa kundisyon ng dalaga.
"Bawal kang mambabae."
Nanlaki ang mata ni Asterran sa narinig niya.
"What? So gusto mong ikaw lang yung kasama ko?"he said while pointing her.
"Naririnig mo ba yang mga sinasabi mo?"dugtong ni Asterran.
"Iyon lang naman ang gusto ko bago mo ako mapapayag sa gusto mo."makahulugang sabi ni Aphrodite.
"Paano kapag hindi ko sinunod ang mga gusto mo?"tanong ni Asterran.
Tumalikod si Aphrodite sa kanya at tinignan ang kapaligiran.
"Ikamamatay ko.."she whispered. Biglang lumakas ang hangin na ipinagtaka rin ng binata.
Natahimik si Asterran ngunit hindi pa rin ito naniniwala sa sinabi ng dalaga.
"Meron pa pala." sabay nilang sabi. Nagkatitigan sila at lumapit sa isa't isa.
Asterran: "Don't you dare fall in love with me.."
Aphrodite: "Bawal kang mahulog sa akin.."
♫♪ Got to believe in magic,
Tell me how two people find each other
In a world that's full of strangers;
You've got to believe in magic,
Somethin' stronger than the moon above
'Cause it's magic when two people fall in love.♪♫
Nabalot sila ng katahimikan at parang sila na lang ang tao sa mundo. Pareho nilang kinikilatis ang isa't isa at iniisip kung tama ba na magtulungan sila.
"Sino ka ba talaga Aphrodite?"seryosong tanong ni Asterran.
"Gusto mong malaman kung sino ako?"hamon ng prinsesa.
Tumingin si Aphrodite sa paligid at hindi ito nagdalawang isip na ipakita kay Asterran kung sino siya. Gusto niyang matapos na ang kanyang misyon at bumalik sa mundo niya.
Pumikit si Aphrodite at lahat ng bagay ay nawalan ng malay maliban kay Asterran.
Nanlaki ang mata ng binata dahil ang bata na nagbabike malapit sa highway ay hindi umaandar ganun din ang sasakyan na katabi nito. Ang mga tao ay parang nanigas na yelo at tanging sila lang ni Aphrodite ang may buhay.
Hindi natakot si Asterran sa dalaga ngunit nabalot ito ng maraming kataungan.
"Paano nangyari 'to?"
"Asterran.. hindi ako sa mundo niyo nakatira.. Maaring kapag tumagal pa ako sa mundo niyo, mamamatay ako. Sana tulungan mo ako." ang sabi ng prinsesa habang kinokontrol niya ang mundo.
"Bakit ako?"
"Malalaman mo rin Asterran. Matutulungan mo ba ako?"
Hindi nagsalita si Asterran at tinignan niya ang buong paligid at hindi ito maaring mamalikmata dahil wala talagang buhay ang lahat ng tao sa paligid niya.
"Bawal akong mahawakan..Bawal mahalikan,, bawal yakapin at bawal akong umibig sa tao.."
Inakala ni Asterran na epekto ito ng kanyang mga sleeping pills ngunit may parte sa puso niya na naniniwala sa dalaga kahit ito ay imposible.
"How is that even possible?"
"Magka-iba tayo ng mundo Asterran.. Tutulungan kita at sana matupad mo ang kahilingan ko, ang protektahan ako."
Dahil sa kapangyarihan na nailabas niya pata pahintuin ang oras ay unti-unting nawalan ng malay si Aphrodite.
Napansin ito ng ilang staff na nagtaka kung bakit parang huminto ang oras nila ngunit hindi na lang nila ito napansin.
Agad na pinuntahan ni Direk Cathy si Aphrodite kasama ang ibang staff.
Bubuhatin na sana ng cameraman si Aphrodite ngunit pinigil ito ni Asterran.
"Don't touch her!"masungit na sabi nito.
Natatakot itong hawakan ang dalaga ngunit naawa siya rito at ayaw niyang ibang tao pa ang makadiskubre ng katauhan niya.
"Ako na bahala sa kanya.."pamimilit ng cameraman.
"Sinabi nang huwag niyo siyang hahawakan!"sigaw ni Asterran na ikinagulat ng lahat.
Napansin ni Asterran na lalong dumarami ang tao kaya kahit ipinagbabawal ni Aphrodite ay binuhat niya ang dalaga.
"Direk.. pwede bang mag pack up muna? I need to take care of her."seryosong sabi ni Asterran.
"Okay."bulong ni Direk Cathy.
Pinagmamasdan ng lahat ang paglayo ni Asterran sa kanila at kumalat na nga sa social media at trending si Asterran at ang larawan nila ni Aphrodite.
"Fvck. Why me of all people?"he asked himself.
Pwede naman niyang iwan na lang ito at takbuhan ang kababalaghan na bumabalot sa pagkatao ng dalaga pero mas pinili pa rin niyang protektahan ito tulad ng hiniling ng prinsesa bago ito mawalan ng malay.
Napahinto si Asterran sa paglakad nang tawagin siya ni Louise. "Asterran. We have to go. May mall show ka sa Trinoma in 30 minutes. May interview ka with Iya at 6 at shooting for your commercial around 9pm."
Tinignan ni Asterran si Aphrodite na natutulog at hindi niya ito maiwan dahil baka mapahamak ito ngunit may kontrata siyang pinirmahan.
"Papakiusapan ko si Mang Joey na siya na ang mag-asikaso sa babaeng yan habang hindi pa siya nagigising."dugtong muli ni Louise.
Hindi namamalayan ni Asterran na nasa harapan niya na pala si Louise at Mang Joey na may dalang sasakyan.
Binuksan ni Louise ang back door at hinihintay niyang ipasok ni Asterran ang dalaga.
Inihiga na lang ni Asterran si Aphrodite at ibinilin kay Mang Joey.
"Manong kahit anong mangyari, huwag mo siyang hahayaang mahawakan ng sino. Ayaw niyang may humahawak sa kanya."bilin ni Asterran.
"Copy sir."
"Asterran let's go.! Marami ng tao sa venue."pamimilit ni Louise na nakasakay na sa isang van sa likod.
"Ser saan ko po pala siya dadalhin?"
"Just stay here. Wait for me."paalam ni Asterran.
Sumakay na ito sa van at pinaharurot ng driver niya ang van upang makarating na sila sa Trinoma. Kasalukuyang nasa Antipolo ang location nila upang kunan ang ibang scenes ngunit hindi ito natuloy dahil sa pagback out ni Julia.
Tulala lang si Asterran sa buong byahe at paulit-ulit na nagpeplay sa isip niya ang sinabi ni Aphrodite.
"Magka-iba tayo ng mundo Asterran.. Tutulungan kita at sana matupad mo ang kahilingan ko, ang protektahan ako."
Nakalayo na rin sila sa location at tinatahak na nila ang daan patungong Trinoma.
"She will be fine.."buntong hininga ni Louise.
May make up artist na rin sa loob ng van at inaayusan nila si Asterran.
"Are you ready?"tanong ni Louise.
Sa likod sila ng mall dumaan at sinalubong sila ng mga security guards upang hindi pagkaguluhan ang binata. Maging ang anak ng may-ari ng mall ay sumalubong sa kanya.
"Magka-iba tayo ng mundo Asterran.. Tutulungan kita at sana matupad mo ang kahilingan ko, ang protektahan ako."
"Shit."bulong ni Asterran. Nakokonsensya siya sa pag-iwan niya kay Aphrodite at tulog pa naman ito.
"Bakit Asterran?"tanong ni Louise.
May ilang fans nang nakakita kay Asterran at unti-unti siyang dinumog ng mga tao.
Bumulong siya sa isang gwardiya na may suot na jacket at hiniram niya ito.
"Louise..cancel my mallshow."pahayag ni Asterran.
"What? They already saw you Asterran!"galit na sabi ni Louise.
"Mamili sila.. ikakansel ang show ko o hindi na ako aapak sa mall na to".pananakot ni Asterran.
"That's okay. Kami na bahalang mag explain sa audience"bulong ng anak ng may-ari ng mall na si Patricia.
"Louise..Kailangan ko siyang balikan.."sabi ni Asterran habang sinusuot ang jacket ng gwardiya.
Pinakuha rin niya ang shades niya sa makeup artist niya upang mas madali siyang makalabas ng mall dahil maging sa parking lot ay dinumog na ng fans.
Hindi na nagsalita si Louise at sumunod na lang ito kay Patricia na kinakausap ang event organizer upang humingi ng tawad sa mga fans.
"Si Asterran nasa stage na!"sigaw ng isang babae na kinausap ng gwardiya upang pumunta ang lahat sa Activity Center.
Tinulungan siya ng mga gwardiya na makalabas at pasimple itong sumakay sa van niya at halos hindi nila ito napansin dahil hindi nila nakilala ang binata at sumugod ng karamihan sa event.
"Manong balik tayo sa Antipolo."utos niya sa driver.
Nakatingin lang siya sa labas at iniisip kung panaginip ba ang nakita niya o totoo si Aphrodite. Ngunit sa tuwing naalala niya ang sugat na nawala, ang pagbuhat niya sa dalaga at ang pagpapatigil ito ng mundo, para siyang nababaliw.
"Naniniwala ka ba na may magic?"nagulat ang kanyang driver at ngumiti ito.
"Ser Asterran, isang magic lang ang alam ko. Magic ng pag-ibig.."masayang sabi nito.
Nakaidlip na rin sa byahe si Asterran dahil wala pa itong tulog.
"Ser nandito na po tayo."gising ng driver sa kanya.
Tinignan niya ang relo niya at isang oras at kalahati ang lumipas. Bumaba ito ng van at nilibot ang buong lugar.
Hinanap niya si Mang Joey at nakita niya itong natutulog sa loob ng sasakyan.
"Nasaan siya?"bungad ni Asterran.
Naalimpungatan si Mang Joey at nagulat din ito ng makitang wala na si Aphrodite sa likod ng sasakyan.
Sinundan ni Asterran ang boses na parang pamilyar sa kanya at nakita niya ang kanyang kapatid kasama si Aphrodite na nag-uusap malapit sa bangin.
Hindi na niya tinuloy ang paghahanap dahil mukhang nasa mabuting kalagayan naman ang dalaga.
Naglakad ito palayo upang umalis na sa lugar dahil baka makita pa siya ng kapatid niya. Palayo na sana ito ngunit napapikit siya ng marinig ang tawag ni Mang Joey na umagaw ng atensyon nina Jake at Aphrodite.
"Ser Asterran.. Nandoon po siya!"sigaw ni Mang Joey habang tinuturo si Aphrodite.
Napahinto rin sa paglakad si Asterran at rinig nina Jake at Aphrodite ang sinabi nito.
Hindi na nakalayo pa si Asterran dahil lumapit ang kapatid niya.
"Akala ko may mall show ka sa Trinoma?"tanong ni Jake.
"What are you doing here?"balik tanong naman ni Asterran.
"Kasama ko si Sophia kanina. Hinahanap ka niya pero sabi ng mga staff, umalis ka na raw kaya sumunod siya sa'yo. May naiwan ka ba? You should've texted me para naihatid ko."wika ng kapatid niya.
"Nothing.."seryosong sabi ni Asterran habang nakatingin kay Aphrodite.
Hindi na ito nagpaalam sa dalawa at nang makasakay siya sa van ay napasuntok ito sa bintana dahil nasayang ang effort niya.
Hindi niya alam kung bakit bigla siyang nagalit kay Aphrodite sa nangyari.
"Saan po tayo ser?"tanong ng driver niya.
"Let's go to the bar." kunot noong sabi ni Asterran habang pinagmamasdan ang kapatid niya at si Aphrodite na kung makangiti ay may milagrong nangyari sa buhay niya.
Namuo ang galit kay Asterran at sinumpa pa niya sa sarili na hindi na niya tutulungan ito at gagawa siya ng paraan para umalis na si Aphrodite sa buhay niya dahil ginugulo lang nito ang isip niya.
"Ang sumpa ng nakaraan,
magdudugtong sa kasalukyan."
"Ang pag-ibig na kanyang inilaan,
unti-unti niyang mararamdaman"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro