(2) almost
Isang lalaki ang naglakas loob na nag-abot ng tsinelas kay Aphrodite. Napatago ang prinsesa sa likod ng waiting shed dahil natatakot siya sa lalaki.
"Huwag kang matakot sa akin.. I'm harmless"pakilala ng lalaki na nagngangalang Jake.
"Mukhang mabait naman prinsesa"bulong ni Nidora.
"Okay. Kanina pa kasi kita
napapansin na palakad lakad at naawa naman ako sa'yo kasi baka masugatan yung paa mo."dahilan ni Jake.
"Mabango din siya.."pagsusuri ni Tinidora habang inaamoy si Jake.
Parang bata si Aphrodite na tinititigan si Jake mula ulo hanggang paa.
Ganito ba talaga sa mundo ng tao? Mala prinsipe ang kanilang kagwapuhan? Ang tanong ng prinsesa sa kanyang isipan.
"Tao ka ba?"tanong ni Aphrodite habang nakatago sa likod ng shed.
Napangiti si Jake dahil sa lahat ng babaeng nakilala niya, si Aphrodite lang ang hindi lumalapit sa kanya.
"Of course Miss."sabi ni Jake na unti-unting lumapit kay Aphrodite na nakakasilaw ang kagandahan kahit gabi na. Natulala si Jake sa kanya dahil sa kanyang mga ngiti na nakakabighani.
"Prinsesa ang gwapo niya"sigaw naman ni Tidora na naghuhugis ang mata kay Jake na hindi maalis ang tingin sa prinsesa.
"Wow. You're the most gorgeous girl I've ever seen"he uttered.
"Okay ka lang ba harmless?"tanong ni Aphrodite.
Napaisip si Jake at naala niya ang sinabi niya kanina.
"Huwag kang matakot sa akin.. I'm harmless"
"You're really different."bulong sa sarili.
Hindi rin maalis ang mga tingin ni Aphrodite kay Jake dahil parang may kamukha ito ngunit hindi niya mawari kung sino.
"Pauwi na ako. Baka gusto mong ihatid na kita." aya ni Jake.
"Saan?"tanong ng prinsesa.
"Sa bahay niyo."
"Malayo ang kastilyo ko dito."sagot ni Aphrodite.
"Prinsesa alalahanin mo nasa mundo ka ng tao"paalala ni Nidora.
"C'mon.. Delikado sa babaeng katulad mo ang tumambay sa kalsada ng ganitong oras. Saan kita ihahatid?" pamimilit ni Jake. Tinanggal niya ang jacket na suot niya at ipapatong sana niya ito sa balikat ng prinsesa.
Hahawakan na sana ni Jake ang kamay ni Aphrodite ngunit nakaiwas ang prinsesa.
"Hindi ko alam kung saan ako nakatira."nakangiting sabi ni Aphrodite.
Nagtaka si Jake kung saan ba talaga nanggaling ang dalaga na parang walang muwang sa mundo.
"Are you sure? May nangyari ba sa'yo? Anong huli mong naalala miss?" he asked. Bahagyang lumapit si Jake ngunit ramdam niya ang pag-iwas ng dalaga.
"Gumising na lang ako na nasa kalsada ako." pag-amin ni Aphrodite.
"Kung gusto mo sa bahay ka muna namin tumuloy ngayong gabi. Baka pag gising mo bukas alam mo na kung saan ka nakatira. May paparating na bagyo kaya kailangan mong mag-ingat. Halika na?" Inilapat ni Jake ang kamay niya ngunit hindi ito pinansin ng prinsesa. Naglakad lang siya at umiwas sa binata dahIl bawal siyang mahawakan ng kahit sino.
Tumingin sa paligid si Aphrodite at nabalot ito ng kadiliman kasabay ng malakas na hangin.
"Nasaan ang karwahe mo?" tanong ni Aphrodite.
Sinakyan na lang ni Jake ang akala niyang biro ni Aphrodite upang makaalis na sila dahil lumalakas na ang hangin at nagbabadya na ang malakas na ulan.
"Here's my car."turo niya sa itim na sasakyan na nasa harapan nila.
May pag-aalinlangang sumakay si Aphrodite ngunit kalaunan ay naramdaman naman niya ang pagiging matulungin ni Jake.
Sumunod naman ang tatlong fairy at muntikan nang maipit si Nidora sa pintuan dahil hindi agad siya nakapasok.
"Okay ka lang ba?"tanong ni Aphrodite kay Nidora.
"I'm perfectly fine."sagot naman ni Jake.
Ngumiti na lang si Aphrodite sa kanya .
"Nasaan ang kabayo mo?"tanong muli ng dalaga.
Napataas ng kilay si Jake at pasimpleng ngumiti.
"Cute.." sabi ni Jake sa isip niya.
"Prinsesa nagmumukha kang tanga. Kotse ang tawag dito hindi karwahe. Walang kabayo at tanging makina lamang." biro ni Tinidora.
"Pagod ka lang siguro. Don't worry in 15 minutes nasa bahay na tayo." nakangiting sabi ni Jake. Binuksan niya ang radyo at nakinig sa kanta habang naka stoplight.
Isang billboard muli ni Asterran ang nakabalandra sa kahabaan ang C5. Nakatopless ang binata at nakapants lang habang seryoso ang mukha.
"Prinsesa hindi na ako magtataka kung playboy si Asterran. Tignan mo naman ang kanyang katawan
" kinikilig na sabi ni Tidora. Nasa bintana ang tatlong fairy at pinagmamasdan ang makisig na katawan ni Asterran.
Walang masabi si Aphrodite at nakatitig lang siya sa billboard ni Asterran.
"By the way, ano nga palang pangalan mo?"tanong ni Jake sa dalaga.
"Huwag mong sasabihin ang tunay mong pagkatao prinsesa. Alalahanin mo, baka hindi ka makabalik sa kastilyo"
"Mag-iisip ako ng pangalan
"tarantang sabi ni Tidora.
Napansin ni Tinidora ang malaking signage ng isang gamot habang nasa byahe sila.
"Tuseran?" bulong ni Tinidora sa sarili.
Ang buong akala ni Aphrodite ay iyon ang pangalan na naisip ng mga fairy niya ngunit nagbabasa lamang si Tinidora sa paligid ng maaring ipangalan sa prinsesa.
"Tuseran.."nakangiting sabi ni Aphrodite kay Jake. Napa-preno bigla si Jake dahil hindi ito makapaniwala sa narinig niya. Tinitigan niya ang dalaga at tinitigan ng totoo-ba-ang-sinasabi-mo-look.
"Nice name.." bulong ni Jake.
"Forte"basa muli ni Tinidora sa signage sa labas.
"Forte."sambit muli ni Aphrodite.
"Tuseran Forte?"tanong ni Jake.
Tumango lang si Aphrodite. Binatukan ni Nidora si Tinidora dahil ang pangit ng suggestion niya.
"Aray naman Nidora, nagbabasa lang ako sa labas hindi ko naman akalain na gagamitin ng prinsesa ang sinabi ko
" dahilan ni Tinidora.
"Huwag na kayong mag-away, bagay naman sa prinsesa."sabat naman ni Tidora.
Nakatingin lang si Aphrodite kay Jake at isinasaulo nito ang bawat parte ng mukha ng binata.
"Nandito na tayo." sambit ng binata nang makarating sila sa isang malaking bahay.
"Ito ang kastilyo mo?"tanong ng prinsesa.
"Yes. "sagot na lang ni Jake. Pinagbuksan niya ng pintuan ang dalaga at pinapasok ito sa loob.
Pagtapak pa lang ni Aphrodite sa sahig ay naalala niya ang gabi ng pagtitipon sa kanilang mundo. Nakita niya sa mga mata niya ang imahe ni Prinsipe Garetia, ang lalaking iniibig niya.
Ngunit dahil sa kapatid niyang si Athena ay nagparaya si Aphrodite dahil sa kanyang kabaitan at nadala sa pagmamaka-awa ng kanyang kapatid.
"You can stay on the guest room for the meantime. Nasa shooting pa yung kapatid ko so it's okay."
"May kapatid ka?"
"Hottest celebrity here and abroad" seryosong sabi ni Jake habang inaayos ang nga gamit ng kapatid niya na nagkalat sa sofa. May mga alak, sigarilyo at nagkalat pa ang condom. Agad itong itinago ni Jake ngunit may napulot si Aphrodite dito at akala niya ay lobo.
Nanlaki ang mata ni Jake dahil muntikan nang hipan ito ng dalaga.
"Prinsesa!" sigaw ng mga diwata upang pigilan ito.
"Bakit? May problema ba?" tanong niya.
Tumingin sa paligid si Jake ngunit wala namang tao.
"Are you okay? Parang kanina ka pa may kinakausap?" tanong ni Jake kay Aphrodite na parang nakikipagtalo sa hangin.
"Wala. Maraming salamat sa pagpapatuloy mo sa amin. Malaki ang utang na loob ko sa iyo." pasasalamat ng prinsesa. Yumuko pa ito sa harapan ni Jake na ikinagulat ng binata.
"Walang problema. Tara sa taas? Para maituro ko sa'yo ang kwarto mo at makapagpahinga ka na."magalang na sabi ng binata.
Naglakad sila paakyat ng hagdan at nabibighani si Aphrodite sa ganda ng kanilang bahay.
Isang sasakyan ang kanina pa bumubusina sa labas dahil nakaharang ang sasakyan ni Jake
"Sino 'yon?"tanong ng prinsesa.
"Napaaga ata uwi ng kapatid ko. Ipapasok ko lang sa garahe yung sasakyan ko. Dito ka muna."sabi ni Jake at binuksan niya ang guest room kung saan pwedeng matulog ang dalaga.
"Salamat."sambit muli ng dalaga.
"Maiwan muna kita. Baka banggain niya yung kotse ko kapag hindi ko inalis sa dadaanan niya.
"Sige."paalam ni Aphrodite.
Pagkalabas pa lang ni Jake ay isang lalaki na nay kasamang babae ang pagewang-gewang na naglalakad sa labas ng bahay nila.
"Hey Jake.."bati ni Asterran kasama ang manager nito na nangngangalang Darla.
"You're drunk again, Asterran!"galit na sabi ni Jake
"Nagcelebrate lang ang buong production team sa success ng movie ng kapatid mo."katwiran ni Darla. Siya ang laging nag-uuwi kay Asterran kapag lasing ito at siya rin ang umaayos sa lahat ng gusot na hinaharap ni Asterran.
"Thanks Darla. Ako na magpapasok sa kanya sa loob."
Inalalayan ni Jake ang kapatid niya at inihiga ito sa sofa.
Tinanggal niya ang sapatos at medyas ng kapatid niya at kinumutan ito.
Kahit may galit si Jake sa kanya, nangingibabaw pa rin ang pagmamahal niya sa kadugo niya.
"Harmless."tawag ni Aphrodite na nakasilip sa pintuan ng kwarto.
Kanina pa niya pinagmamasdan ang dalawa ngunit hindi niya makita ang mukha ng kapatid ni Jake dahil nakayuko ito sa sobrang kalasingan.
"Yes,Tuseran?" agad na sagot ni Jake. Bumaba ang dalaga at pinuntahan si Jake.
"Sino siya?"tanong ni Aphrodite.
Ito na sana ang pagtatagpo ng dalawa ngunit dumapa si Asterran at hindi ito nakita ng prinsesa.
Para bang may nagtulak kay Aphrodite na lapitan ang binata na nakahiga sa sofa. Umupo siya sa harapan nito at pilit tinitignan ang mukha ngunit nakatago ito.
"It's past 10. Matulog ka na Tuseran. Makikilala mo siya bukas."wika ni Jake habang nilolock ang pintuan nila.
"Sige."sambit ni Aphrodite. Tumayo ito at umakyat na ng hagdan ngunit bago siya pumasok sa kanyang kwarto, tinitigan niyang muli ang binata na natutulog.
Ibinaling niya ang kanyang atensyon sa labas habang pinagmamasdan ang mga bituin.
"Dalawang araw na ang lumilipas ngunit tanging larawan mo lang ang aking nadadaanan. Oh Asterran, saan kita matatagpuan?"tanong muli ni Aphrodite sa sarili.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro