Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

(12) captured

Biglang napatingin sa paligid si Asterran nang makita niya ang mga pulis na nagsidatingan.

Nagtatakbuhan ang mga tao kaya hinila niya si Aphrodite sa isang iskinita upang itago muna ang dalaga.

"Huwag kang aalis dito." bilin niya.

Tinanggal ni Asterran ang panyo na nakatali sa kanila ni Aphrodite at itinakip niya ito sa mukha niya.

"Saan ka pupunta?" tanong ng dalaga. Ipinagtaka ng mga diwata ang nangyayari at kung paanong ganoon ka close sina Aphrodite at Asterran.

"Kailan pa mahal na prinsesa?"tanong ni Tidora.

Nanlaki ang mga mata nilang apat nang makita ang isang babae na papalapit sa kanila.

Sa pag-alis ni Asterran ay siya namang pagdating ni Athena, ang kapatid ni Aphrodite.

Napa-atras si Aphrodite at napahawak sa isang malaking basurahan.

"A..anong ginagawa mo dito?" mautal na tanong ng dalaga. Alam niyang ayaw ng kapatid niya ang magtungo sa lupa kaya ipinagtataka nito ang biglang pagsulpot niya.

"Hindi ko ba pwedeng kamustahin ang kapatid ko?" nakataas na kilay na tanong nito.

Umatras muli si Aphrodite nang makita niya ang dalawang lalaki sa likuran ni Athena, ang mga alagad niya.

"Anong ibig sabihin nito?"

"Kahit kailan talaga, tatanga-tanga ka Aphrodite.. hulihin niyo siya!"

Sinubukang harangan ng mga diwata ang mga ito ngunit mas malakas ang kapangyarihan niya. Sinubukang pahintuin ni Aphrodite ang paligid ngunit hindi gumagana ang kapangyarihan niya.

Napatingin si Aphrodite sa mga kamay niya na parang nawalan ng lakas..

"Mahal kong kapatid, iyo nang paghandaan ang nalalapit mong kamatayan.." makahulugang sabi ni Athena.

"Anong pinagsasabi mo Athena?"

"Dahil sa ginawa mong kasalanan, lalo mong sinira ang ating kaharian. Nararapat lang na ikaw ay parusahan!" galit na sabi ni Athena.

"Hindi kita naiintindihan! Anong karapatan mong pagsabihan ako Athena? Baka nakakalimutan mo, mas malakas ako sa'yo."

"Alam ko, pero dahil sa katangahan mo, unti-unting mawawala ang kapangyarihan mo."

"Ginawa ko lang ang nararapat Athena.." Iyon ay ang patungkol niya sa pagtulong niya kay Asterran.

"Ginawa ang nararapat? O para iligtas siya mula sa kapahamakan? Umibig ka sa isang tao at iyon ang pinakamalaking kasalanan na ginawa mo.." wika ng kanyang kapatid.

"Hindi ko alam ang sinasabi mo! Isa lang ang iniibig ko at alam mong si Garetia iyon.." bawi ni Aphrodite.

Lumapit si Athena at ipinakita sa harapan niya ang mga alaala nila ni Asterran at kung paano niya ito tinutulungan.

"Siya nga ba ang laman ng iyong puso at isipan? O ang isang mortal na palagi mong pinagsisilbihan?"

Napayuko si Aphrodite sa sinabi ng kanyang kapatid. Tunay nga kayang nahulog na siya sa binata o dahil lamang ito sa pangungulila niya kay Garetia?

Unti-unting nawalan ng malay si Aphrodite at dinala siya sa isang lugar na si Athena lang ang nakakaalam.

"Paano ba yan Athena? Panahon na para magpakilala kay Asterran.." nakangiting sabi ni Aphrodite habang hinahaplos ang mukha ng kapatid niya.

"Kay tagal naming hinintay ang araw na ito,. Ginawa ko ang lahat para maging tao, aagawin ko siya sa iyo." huling sabi ni Athena bago umalis.

X

Nakayuko si Asterran na lumapit sa mga pulis at sa isang lalaki na parang nawawala sa pag-iisip.

"Boss, nakita ko po. Pinahinto niya yung paligid kaya nagkaroon ng banggaan sa dulo.." pamimilit ng isang mamayan. Nanlaki ang mga mata ni Asterran sa kanyang narinig. May tatlong tao ang patay sa banggaan at dumating na rin ang mga pamilya ng mga nasawi.

"Maaari mo bang maidescribe ang kanyang mukha upang maikalat sa mga mamamayan at mahuli ang babaeng ito?"

Agad na bumalik si Asterran sa pinang-iwanan niya kay Aphrodite upang itago ito.

Ipinagtataka niya kung bakit may taong nakakita sa ginawa ni Aphrodite gayong buong paligid ang pinahinto niya.

"Posible kayang humina na ang kapangyarihan niya?" bulong sa sarili habang naglalakad pabalik sa kinaroroonan ng dalaga.

Naalala rin niya ang aksidenteng paghawak niya kay Aphrodite kanina at wala man lang nangyaring masama sa dalaga.

Pagpasok niya sa iskinita ay wala na si Aphrodite. Hinanap niya ito sa paligid ngunit hindi niya makita ang dalaga.

Phone ringing...

"Asterran, may photoshoot ka in 30 minutes. Pinuntahan kita sa bahay niyo pero sabi ni Jake, hindi ka pa umuuwi. Ano ba talagang balak mo sa career mo?!" sigaw ni Darla.

"I'm coming.."Iyon na lamang ang naisagot ng binata.

Tinatanong pa rin niya ang sarili kung saan nagpunta si Aphrodite.

Habang nagdadrive ito ay kalat pa rin ang mga mata niya at nagbabaka sakaling makita ang dalaga. Hindi niya dapat maramdaman ito pero..

Huminto siya sa pagmaneho at sumandal ito sa upuan. Napasuntok na lang siya sa manubela habang iniisip kung saan nagpunta ang dalaga.

"Where on Earth did she go? Bakit pakiramdam ko nasa masama siyang kalagayan?"

Agad itong umatras at bumalik ito sa lugar kung saan niya iniwan si Aphrodite.

Hinihintay niyang dumating ang dalaga at hindi napapansin ni Asterran na nasa tabi niya pala ang mga diwata na hindi niya nakikita. Gusto nilang humingi ng tulong kay Asterran dahil may kumuha kay Aphrodite at tila ba mas malakas ang kapangyarihang taglay nito kesa sa kanila.

Pinilit nilang kalabitin si Asterran ngunit hindi ito napapansin ng binata. Sabay sabay nilang sinisipa ang tenga ni Asterran at nararamdaman niya ito ngunit nasampal pa sila ng malakas sa pang-aakalang may lamok sa paligid.

"Aray ko beh, yung balakang ko.." reklamo ni Nidora.

"Mukhang mahihirapan tayo na kausapin si Asterran.." nag-aalalang sabi ni

"May naisip akong paraan." agad na sabi ni Tidora.

Umalis muna ang mga diwata upang maghanap ng bagay na maaring makatulong sa kanya.

Hindi namamalayan ni Asterran ang bawat oras na lumilipas dahil ang kalagayan lang ng dalaga ang nasa isip niya.

Tumayo ito at umalis na lang. Ilang endorsement shoots din ang hindi niya napuntahan dahil sa kakahintay kay Aphrodite.

Dahil sa galit niya ay nagtungo ito sa bar at doon nakipag inuman sa mga babaeng umaaligid sa kanila. Alam niyang mali ito pero naiinis siya sa sarili at kay Aphrodite na bigla na lang naglaho.

"Asterran.." tawag ni Sam, ang sikat na model. Umupo ito sa lap ni Asterran at hinalikan ito.

"Not now, Sam.." pakiusap ng binata.

"C'mon Asterran, lately parang hindi ka na pumupunta dito. Don't you miss me?" pang-aakit nito. Humarap siya kay Asterran at halos maisubsub na ni Asterran ang mukha niya sa hinaharap ni Sam.

Ang hindi alam ni Asterran ay sa tuwing nakikipaglandian siya sa ibang babae ay lalong nanghihina si Aphrodite, dahil hindi napigilan ni Aphrodite ang kanyang puso na mahulog sa isang mortal. Hindi man aminin ni Aphrodite, ito ay sumasalamin sa kanyang lakas at kapangyarihan na unti-unting nababawasan.

Hinalikan niya si Sam at isinandal ito sa pader ngunit ang nasa isip niya ay si Aphrodite. Kumalas ito sa pagkakayakap niya kay Sam at napasuntok na lang sa pader.

"Anong problema Asterran?"

Ininom ni Asterran ang natitirang beer sa lamesa at hinagis ang baso.

"Her.."he whispered.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro