(10) charm
Buong araw na magkasama sina Asterran at Aphrodite para mapabilis ang pagtapos ng pelikula. Kung tutuusin ay hindi mahihirapan si Aphrodite dahil konti lang ang dialogues na kanyang bibitawan at karamihan dito ay point of view ng bidang lalaki. Hindi siya pinabayaan ng binata pagdating sa mga eksena kaya komportable ang buong team na matatapos ang pelikula on time.
Direk: "Okay last shot Aphrodite!"
Nakatalikod si Aphrodite at ang eksena ay hahabulin siya ni Asterran. Labis ang kasiyahan ni Direk dahil napaka natural na lumalabas sa kanilang dalawa ang emosyon sa bawat eksena.
Matagumpay na nakunan ang eksena kaya nag packup na ang team at sa susunod na araw muli ang shooting.
Hindi matahimik si Asterran dahil sa mga binitawan niyang salita kaya napakaseryoso nito at hindi niya alam kung paano kakausapin si Aphrodite. Napaka casual lang ng pakikitungo ni Aphrodite kaya nanibago ang binata sa kanya.
Habang tinitignan ni Asterran si Aphrodite ay tila ba may kakaiba rito. Hindi namamalayan na umiikot na pala ang mundo niya sa dalaga.
Matapos ang shooting ay nagpaalam na si Aphrodite dahil kailangan pa niyang hanapin ang kanyang mga diwata ngunit hindi ito natuloy dahil nakiusap si Direk na umattend sila pareho sa mini show ni Tito Boy gaganapin mamayang gabi para sa promotion ng pelikula.
"Just let her go Direk. Hindi pa siya handa sa mga interviews." pagtutol ni Asterran.
Nakikipagtalo ito kay Direk dahil mas gusto nilang magkasama ang dalawa.
Noong una ay hindi nila napapayag si Aphrodite ngunit sumunod na lamang ito alang-alang kay Asterran.
"Sige po. Dito muna ako" nakangiting sabi ni Aphrodite habang nakatingin kay Asterran.
"No." agad na sabi ni Asterran.
Ngumiti lang sa kanya si Aphrodite at umupo sa pwesto niya.
"Bakit ba pinipigilan mo siya Asterran? Kailangan nating sanayin si Aphrodite sa environment mo."paliwanag ni Direk habang nirereview ang mga eksena kanina.
"Mahihirapan lang siya." sambit nito habang nakatingin kay Aphrodite na inaamoy ang mga bulaklak sa set.
"Nandiyan ka naman diba? Kakayanin niya 'yan. Listen to this song. This will be the theme song of the movie." Tinapik ni Direk ang balikat ni Asterran at pinalakasan ang music upang marinig ng lahat. Ito ay ang kantang Only Hope at sa oras na matapos nila ang shooting ng pelikula, gagawa sila ni Aphrodite ng sarili nilang cover.
Umupo si Asterran sa gilid at naglagay ito ng shades ngunit ang mga mata niya ay nakatitig kay Aphrodite.
♫There's a song that's inside of my soul ♫
♫It's the one that I've tried to write over and over again♫
Biglang umulan ng malakas ngunit kabaliktaran naman ito sa panahon. Napakataas ng sikat ng araw kaya marami ang nagulat dahil maraming gamit sa labas at kailangan itong isilong ng mga staff.
♫♪I'm awake in the infinite cold♫♪
Mapatayo si Asterran nag biglang tumakbo si Aphrodite at nagmamadali ito. Tinanggal niya ang shades niya at hinanap ang dalaga sa buong paligid.
♫♪But You sing to me over and over again♫♪
Naabutan siya si Aphrodite sa isang open field ngunit ang ikinagulat niya ay ang isang lalaki na bigla na lang sumulpot sa tabi niya at niyakap ang prinsesa.
Bumalik si Asterran sa set at napaisip. Paanong ang lalaking nakita niya ay kamukha ng lalaking nasa panaginip niya.
♫♪So I lay my head back down
And I lift my hands
and pray to be only Yours♪
Napahawak ito sa ulo niya at pilit inaalala ang mga panaginip niya. Noong bata pa lamang siya ay dinadalaw na siya ng isang babae sa panaginip. Kasabay nang paglaki niya ay ang pagdalaga rin ng babaeng ito sa panaginip niya. Naglalaro sila ngunit hindi makita ni Asterran ang bata dahil wala itong mukha.
♫♪I pray to be only Yours
I know now you're my only hope♫♪
Hindi siya maaring magkamali, siya ang lalaking pilit umaagaw sa babaeng iyon. Ito rin ang dahilan kung bakit laging tulog si Asterran ngunit nitong mga nakaraang araw ay hndi na siya dinadalaw ng babaeng iyon kaya laging mainit ang ulo niya.
Napahilamos si Asterran at nagtungo sa banyo upang mahimasmasan. Saktong paglabas niya ng banyo ay naghihintay na si Aphrodite sa labas.
Hindi na siya nilagyan ng make up dahil natural ang kanyang ganda at mas nangingibabaw ang kanyang kasimplehan.
Kung kanina ay matamlay ang dalaga, ngayon ay sobra ang kasiyahan nito. Hindi na nila kailangang bumyahe dahil sa studio ginanap ang shooting at katabi lang nito ang studio 4 kung saan gaganapin ang show ni Tito Boy.
Nakakunot ang noo ng binata habang pinagmamasdan si Aphrodite. Hindi niya maintidihan kung bakit may kakaiba siyang nararamdaman o dulot ito ng takot niya dahil hindi tao ang kasama niya.
Sila na lang ang naiwan sa dressing room dahil ang ibang staff ay naghahanda para sa naturang guesting ng dalawa. Isang lingon lang ni Asterran sa salamin ay makikita na niya ang tunay na kagandahan taglay ni Aphrodite ngunit nakatingin lang ito sa prinsesa dahil kinakabahan siya sa guesting nila.
"Pwede ba kitang makausap?"
"Nag-uusap na tayo Asterran."
"I mean, ito. Bakit mo ginagawa ito?" Umupo si Asterran sa harapan ng salamin at hinarap ang prinsesa.
"Hindi ba sinabi mo sa akin na sinira ko ang career mo. Tutulungan kitang ibalik ito. Huwag kang mag-alala dahil hindi ko hihilingin na protektahan mo ako. Pero hindi magbabago ang misyon ko sa iyo." paliwanag ng prinsesa habang nakatingin sa salamin.
"Do you really need to do this? Baka lalo ka lang mapahamak." seryosong sabi ni Asterran. Napansin ni Aphrodite ang isang malaking ilaw sa harapan niya at namangha ito.
"Kinukuha na tayo ng liwanag!" sambit nito.
Napailing na lang si Asterran at inilapit pa niya ang mukha niya sa dalaga.
"Hindi mo kailangang sabihin ang totoo kapag tinanong ka ni Tito Boy. Ako na lang ang sasagot para sa'yo." wika ni Asterran.
Pareho silang napatigil nang dumating ang director ng show upang tawagin sila.
"Asterran, you know the drill. Kailangan niyong makuha ang atensyon ng mga tao. Hold her hand." utos ni Louise. Nagkatinginan silang dalawa dahil hindi sila pwedeng maghawak.
"Asterran? Do it." utos muli ni Louise.
"Is this even a joke now? Paano naming makukuha ang atensyon nila kung siya ang partner ko?" reklamo ni Asterran habang nakatingin kay Aphrodite.
Hindi niya talaga maintidihan kung bakit lahat ng tao ay nakatingin sa dalaga. Akala ni Asterran ay dahil ito sa kapangitan ni Aphrodite ngunit nagkakamali siya, lahat ng tao ay nabibighani sa kanyang kagandahan.
"Asterran bakit maraming ilaw na kumukurap?" tanong ng prinsesa.
"Those are cameras. Nakabroadcast tayo sa buong bansa kaya umayos ka."
Agad na pumunta sa gilid sina Asterran at Aphrodite ng stage at doon nila naabutan si Tito Boy na naghahanda sa kanyang spiels.
"Magandang gabi po." bati ni Aphrodite.
"Magandang gabi iha. Wow. I can smell the success of this movie. You're so beautiful." bati nito na ipinagtaka ni Asterran. Ngumiti lang si Aphrodite at tumahimik dahil ito ang utos ni Asterran.
Biglang bumukas ang maraming ilaw na hudyat na pagsisimula ng show. Nagpalakpakan ang mga tao na ikinagulat ni Aphrodite.
"Ngayong gabi, makikilala natin ang mga bida sa bagong pelikula ni Direk Cathy Garcia Molina na pinamagatang "Only Hope". Hindi pa tapos ang shooting ng pelikula ngunit marami na ang naintriga kung sino ba ang babaeng makakapareha ni Astrerran Richards, ang pinakasikat na artista ng kaniyang henerasyon. Dito po sa Tonight with Boy Abunda ay labis ang aming pasasalamat sa handler nilang dalawa dahil pinaunlakan nila ang aming imbitasyon. Bago po natin simulan ang programa, may ibabahagi po ako sa inyo. Nakausap ko sa backstage ang babaeng ito at ako mismo ay nabighani sa kanyang angking kagandahan at sobrang bait ng dalagang ito. Bago po tayo magbigay ng komento, kikilalanin muna natin ang babaeng nauugnay sa likod ng isang Asterran Richards. Please welcome Asterran Richards and Aphrodite!" tawag ni Tito Boy.
Sabay na umakyat sina Asterran at Aphrodite sa stage at biglang nagkagulo ang mga tao dahil ngayon lang nila nakita si Aphrodite na naka-ayos at nakasuot ng eleganteng damit.
Ilang minuto pa lang ang nakakalipas ay trending na ang #AandAonTWB.
"Welcome to Tonight With Boy Abunda Asterran and Aphrodite."
"Magandang gabi Tito Boy."
"Magandang gabi Titi Boy" panggagaya ni Aphrodite na nagpatawa sa lahat.
"Sinabi ko ako na ang sasagot." bulong ni Asterran kay Aphrodite.
Hindi na lang nila ito pinansin dahil maaring pagod lang ang dalaga kaya namispronounce niya ang bagay na iyon.
"Maraming balita ang kumakalat na may relasyon nga kayo ni Aphrodite. What can you say about this Asterran?"
'"Well, what they see is what they get."matipid na sagot ni Asterran.
Nagkasigawan ang karamihan sa pagpapatunay ni Asterran sa binitawan niyang salita noon.
"Sandali lamang po mga kaibigan. Okay. Aphrodite, Gaano magmahal ang isang Asterran Richards?" tanong ni Tito Boy.
Nagkatinginan ang dalawa at kinakabahan si Asterran sa sasabihin ng dalaga.
"Paano siya magmahal? Handa ka niyang protektahan sa kahit na sino. Kung hindi dahil sa kanya, maaring ako ay lumisan na. Napapangiti niya ako at nalulungkot ako kapag nagagalit siya sa akin." makahulugang sabi ni Aphrodite. Hindi inaasahan ni Asterran ang mga sagot ni Aphrdoite kaya lalo itong nakonsensya sa sinabi niya kagabi.
"Bagay na bagay kayong dalawa. Isang tanong, isang sagot. Ano ang masasabi niyo sa isa't isa?"
Nagkaroon ng katahimikan sa buong paligid at nagsimulang tumugtog ang isang musika.
"Aphrodite, hindi ko maipapangako na nasa tabi mo ako sa bawat segundo pero makakaasa ka na hindi kita iiwan." seryosong sabi ng binata.
"Asterran, sana hindi ka na maging babaero." sagot naman ni Ahprodite. Nabalot ng tawanan ang buong studio sa sinabi ni Aphrodite. Maging si Asterran ay natawa sa sagot niya. Sa unng pagkakataon ay nakita nilang ngumiti si Asterran sa isang interview ng wagas at natural dahil dati ay para itong napipilitan.
"Maraming salamat. Ito na ang pinaka-aabangan ng lahat ang Fast Talk. May itatanong ako sa inyong dalawa at kailangan niyo itong masagot sa lalong madaling panahon."
Tito Boy: Ano ang paboritong niyong pagkain?
Asterran: Pasta.
Aphrodite: Dahon.
Tito Boy: Sinigang o Adobo
Asterran: Sinigang
Aphrodite: Sinigang?
Tito Boy: Black or White?
Asterran: Black
Aphrodite: White
Tito Boy: Kung bibigyan kayo ng pagkakataon na dalhin ang isa't isa, saan?
Asterran: Sementeryo
Aphrodite: Love Castle
Marami ang tumaas ang kilay kung bakit iyon ang mga sagot nila kaya kahit wala sa script ay may karugtong na tanong si Tito Boy. Mas nakahalo ng tensyon ang background na tila ba may hinahabol na oras.
Tito Boy: Bakit Asterran? Bakit Aphrodite?
Asterran: I want her to meet my mom.
Aphrodite: Para malaman niya kung anong mundo ang ginagalawan ko.
Marami ang kinilig sa sinagot nila at sa konting minute ay marami na ang mga humahanga sa kanilang dalawa.
Tito Boy: Career o Pag-Ibig
Asterran: Pag-ibig
Aphrodite: Pag-Ibig
Tito Boy: Yes or No. Mahal niyo ba ang isa't isa?
Asterran: Yes
Aphrodite: Yes
Nang sagutin nila ang tanong na iyon ay nakaramdam sila pareho ng malakas na tibok sa kanilang mga puso. Nagkatitigan sila at hindi nila naririnig ang hiyawan ng mga tao.
♫♪So I lay my head back down
And I lift my hands and pray
To be only yours
I pray to be only yours
I know now you're my only hope♫♪
"Its for the movie." bulong ni Asterran sa dalaga.
"Katulad nga ng sinabi ni Asterran, what you see is what you get. Bago magpatapos ang programa, imbitahan niyo ang lahat na manood ng inyong pelikula."
Nalungkot si Aphrodite sa sinabi ni Asterran dahil parang umaasa ito na totoo ang sinabi ng binata ngunit ang lahat ay palabas lang pala.
"Iniimbitahan po naming kayong manood ng Only Hope malapit na po. Sana suportahan niyo kami ni Aphrodite and it's directed by the one and only, Cathy Garcia Molina."
Tumayo si Aphrodite at humarap sa camera.
"Gusto ko po sanang manawagan kina Nidora, Tidora at Tinidora, kung nanonood man kayo ngayon, puntahan niyo ako kung saan nagsimula ang lahat. Maghihintay ako." malungkot na sabi ni Aphrodite.
Matapos ang show ay balisa ang prinsesa at tahimik na naglalakad patungo sa lugar kung saan sila gumising noong napunta sila sa lupa.
Hindi niya alam na nakasunod sa kanya si Asterran sa likod na dahan-dahan na nagmamaneho.
Tila ba malalim ang iniisip ng dalaga at palakad-lakad lang ito sa kalsada. Nang mapansin ni Asterran na wala sa sarili si Aphrodite ay binusinahan niya si Aphrodite ngunit parang hindi siya naririnig nito.
Bumaba siya ng kanyang sasakyan at gamit ang jacket niya at ipinulupot niya ito sa katawan ni Aphrodite upang lumapit sa kanya dahil ayaw niya itong hawakan.
Saktong pagharap ni Aphrodite ay tumulo ang kanyang luha na para bang kay tagal niyang kinimkim.
"Umiiyak ka ba?" tanong ni Asterran habang nakatingin sa mga mata ni Aphrodite.
"Iyak? Ano 'yun?" nagtatakang tanong ni Aphrodite.
♫♪So I lay my head back down
And I lift my hands and pray
To be only yours
I pray to be only yours
I know now you're my only hope♫♪
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro