Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

COFFEE THREE

**AFFOGATTO: TASTELESS PERSISTENCE**

Kira's Point of View:

"Bakla! May naghahanap sa'yo!"
"Sino?"
"Aba ewan! ang sabi kapit-bahay mo daw! May gusto daw siyang sabihin sa'yo!"
"Kapit-bahay? Sino naman kaya?"
"Pero in fairness gaga ka! Ang pogi ng kapit-bahay mo!"

Napataas ako ng kilay dahil sa totoo lang wala akong kaide-ideya sino yung tinutukoy nitong si Kanade na kapit-bahay ko. Kasalukuyan akong nasa counter na abalang nagpupunas sa mga baso.

"Sabihin mo may ginagawa ako!"
"Ayy, Hindi mo kakausapin?"
"Sinabi ko bang hindi ko kakausapin? Maghintay siya!"
"Harsh mo rin eh no?"
"Tss. Nasa trabaho tayo kaya wala akong panahon sa mga ganyan pero kung importante talaga eh di maghintay siya!"
"Oo na, sesermonan mo pa ako eh!"

May binigay na order si Kanade sa kitchen at saka tumabi sa akin.

"Gwapo ng kapit-bahay mo girl! Wala ka man lang kibo?"
"Tss. Gaga! Hindi ko halos kilala mga kapit-bahay ko no!"
"Eh seryoso? bakit kilala ka niya? Baka naniningil ng upa mo sa apartment?"
"Tss. Nakapag-advance na ako ng dalawang buwan no!"
"Orders Up!" Satou
"Sige girl! Ibibigay ko muna tong order sa kapit-bahay mo! Anong sasabihin ko?"
"Sabihin mo na maghintay siya! Malapit na rin naman akong matapos dito eh!"
"Sige! Aariba muna ako!"
"Gaga!"

Kinuha ni Kanade ang tray at saka tumalikod siya sa akin at dinala yung pagkain sa sinasabi niyang kapit-bahay ko. Nagpatuloy ako sa pagpupunas ng mga baso sa counter. Napa-isip ako sa kung sino yung sinasabi ni Kanade na kapit-bahay ko. Iilang minuto pa ang nakalipas ay natapos na ako sa ginagawa ko kaya agad akong umalis sa counter at pinuntahan yung sinasabi ni Kanade na kapit-bahay ko. Papalakad pa lang sana ko ng makita kong yung lalaking si Naoya pala yun. Iba na yung suot niya pero kilang-kilala ko siya kahit nakacap pa at nakaeyeglass siya. Sa pagkadawit ko pa lang kagabi ay halos kitang-kita ko ang pagmumukha neto.

Ano namang ginagawa niya dito?
Bakit niya ako gustong makausap?
'Pag ito talaga dinawit na naman ako! Sasapakin ko talaga to!

Naglakad ako papalapit sa kanya para naman siyang tanga na nakatanaw sa phone niya halatang may kachat.

"Aba, akalain mong nandito ka!"

Nagulat siya sa biglaan kong pagsalita. Napatingin naman siya sa akin na halatang gulat. Para siyang tanga na kulang na lang ay mapatalon sa upuan niya sa biglang pagsulpot ko.

"Anong meron? Pinatawag mo daw ako?"
"Hey, Please sit down!"
"Hindi pwede, waiter ako hindi customer!"

Ano kayang pinunta nitong putakteng to.

"Hey, I just wanted to talk to you!"
"Bakit? Anong meron?"

Biglang bumukas yung pinto ng cafe kaya napatingin ako, pero Isa lang customer. Ang pinagtataka ko ay parang nakita ko na yung lalaking yun sa kung saan. Ayy ewan, tinuon ko muna ang atensyon ko dito kay Naoya.

"So anong meron!"
"Ah. eh. I just want to ask..!"

Nagtaka ako sa kinikilos at sa pagsasalita niya dahil para siyang kinakabahan at parang nauutal.

Ano namang trip nitong lalaking to?

"Hoy, anong meron?"
"Ahh, I just.."
"Bilisan mo! Busy pa ang cafe oh! Marami ang customers!"
"I just wanted to ask you if..."
"Sige. Maiwan na kita!"
"Eh? Wait! I'm not done talking yet."
"Tss. Nakakabwis*t kasing pakinggan yang kaka-English mo eh! Nakakairita. Nakakabadtrip!"
"Pftt. Hahah!"
"Sarap mo ring sapakin eh no! Akala ko ba may sasabihin ka? !"
"Sorry! That was funny you know"
"Ouh, bakit ka naman andito? Ano bang kailangan mo? Bilisan mo may shift pa ako eh!"
"Ahh! Maybe your busy so go on! Okay, just do your job first. I'll wait! I mean what I have to say can wait!"
"Geh! Ikaw bahala, sabi mo eh! sige ah! trabaho muna ako!"

Napataas ang kilay ko habang tumatayo dahil kung weirdo na siya ay nadagdagan pa.

Parang tanga rin tong lalaking to.
Ay ewan, bahala nga siya.

Agad akong tumalikod sa kanya at saka nagbalik sa counter. Nandoon naman si Kanade at si Yahiro. Si Yahiro ang chief waiter namin.

"Anong pinag-uusapan niyo girl?"
"Wala!"
"Anong wala?"
"Nothing?"
"Gaga! Bakit wala? Akala ko ba may sasabihin siya sa'yo?"
"Oo nga pero mamaya na lang daw, tapusin ko muna daw ang trabaho ko."
"Maalahanin at maunawain pala yang kapit-bahay mo ah!"
"Anong meron?" Yahiro
"Ah, ito kasing si Kira may pamysterious effect ang life!"
"Mysterious? Bakit?"
"May secret admirer ata at ayaw ipaalam sa atin!"
"Tss. wala Gaga! Trabaho na nga tayo! Dami mong satsat eh!"
"Haha. The usual Kira. Hahah. Kwentuhan mo ako mamaya Kanade!"
"Isa ka pa! Pag-umpugin ko kaya kayong dalawa!"
"Haha. Oo na! Babalik na po! Dinaig mo tong si Yahiro sa pagiging chief waiter eh!"

Tumalikod silang dalawa at saka naglakad papabalik sa trabaho. Nasa counter lang ako dahil ako muna ang magsisilbing cashier kung baga. Nagpatuloy kami sa pagtatrabaho ng matiwasay. Iilang sandali pa ay biglang bumalik si Kanade sa counter.

"Alam mo weirdo yang kapit-bahay mo girl!"
"Hindi ba halata?"
"Tss. Eh kasi naman girl ang gwapo! Pinatawag niya nga lang si Manager kaya lang wala kaya si Yahiro na lang!"
"Huh?"
"Nagtanong kasi siya girl kung nandito ba daw si Manager ang sabi ko ay wala kaya si Yahiro na lang ang pinapunta ko!"
"Teka! Bakit daw? Bakit daw niya pinatawag? May problema ba sa food niya or sa service?"
"Wala naman daw! Aba ewan ko! Basta pinatawag niya lang eh!"
"Ano naman kaya ang problema niya? Ganyan na ba talaga siya kagago?"
"Aba malay ko, kilala ko ba yan?"
"Wala ka naman sigurong ginawa di ba na ikinagalit o hindi niya ikinatuwa?"
"Ayy Gaga! Wala naman! at saka kasasabi ko lang di ba nga hindi tungkol sa service o pagkain ang problema niya!"
"Tsss. Sasapakin ko talagang lalaking yan, ano na naman tong pa-andar niya!"
"Huh? Anong pa-andar!"
"Baka kasi may binabalak yang ungas na yan! Mukha pa lang ay alam mo nang may binabalak na masama"
"Hala, may binabalak agad? Di pwedeng may kailangan lang!"
"Tss. Kakampi ba kita o ano?"
"Eto na girl, huwag kang pikon! Sayang ang beauty!"
"Tss. Aba ewan ko sa gagong yan!"
"Ayan na pabalik na sa Yahiro!"

Naglakad pabalik sa amin si Yahiro. Nakatingin naman kaming dalawa ni Kanade sa kanya habang papalapit siya sa amin.

"Anong meron?" Kanade
"Yun ba ang tinutukoy nitong admirer ni Kira?"

Eh? Anong admirer!
Baka life-wrecker!"

"Tss. Hindi ko siya admirer!"
"Haha. Bakit ano bang nangyari!?" Kanade
"Parang pamilyar yung mukha niya! Parang nakita ko na siya eh!"
"Huh? Kilala mo?" Kanade
"Hindi ko sure! Ano bang kailangan nun sa'yo kanina?" Yahiro
"Hindi ako ang kailangan niya! Kundi si Kira!"
"Huh? Ako na naman? Hay ang kulit?"
"Wow, girl! Haba ng hair mo! Manliligaw mo ba yun o ano?"
"Tss. Gaga! Kakilala ko lang yun!"
"Ano daw ang kailangan niya kay Kira?" Kanade
"Gusto niyang kausapin!" Yahiro
"Busy tayo kaya wala akong panahon sa ganyan!"
"Ang sabi niya siya daw ang magbabayad sa sweldo mo sa oras ng pag-uusap niyo. Kakaltasan ang sahod mo ngayong araw depende sa oras ng pag-uusap niyo at siya na daw ang magbabayad nun!" Yahiro
"Eh? Ang haba ng hair mo girl! Gwapo na, mukhang mayaman pa!" Kanade
"Tss!"
"Parang ice cream lang ah! Three in one plus one, happy happy happy kaarawan!" pakantang sabi ni Kanade
"Haha." Yahiro
"Tss. Teka, magbabayad siya kamo?"
"Oo, So ano? Kakausapin mo?" Yahiro
"Oo, naman! Magbabayad siya di ba?"
"Ewan ko kung mukha Kang pera lang girl o may sayad yang utak mo!" Kanade
"Tss. Bahala na si Batman!"

Agad akong naglakad papunta kay Naoya. Iniwan ko naman sina Yahiro at Kanade sa counter. Habang naglalakad ako ay para namang tanga si Naoya na gulat nung bigla akong umupo sa harap niya.

"Anong meron?"
"Are you mad?"
"Hindi naman, buti at magbabayad ka sa oras na masasayang sa pag-uusap nato! Anong meron? Ano yung importante na sasabihin mo?"
"Ahh eh, I just want to..."
"Hep, hepp! Hindi ako makikinig kapag hindi ka magtatagalog!"
"But.."
"Ayaw mo? Geh! Bye!"
"Eto na! Eto na!"
"Nakakapag tatagalog ka naman pala! Papahirapan mo pa talaga ako!"
"Okay, Pasensya na! Nasanay lang!"
"Oo na! So ano na nga? Anong sasabihin mo?"
"Ahmm. Gusto ko lang sanang ibigay to!"

May kinuha siyang supot sa tabi niya at biglang inabot niya sa akin. Napataas na lang ako ng kilay nung iaabot niya ang supot sa akin.

Anong pa-andar ba to?

"Ano naman to?"
"Buksan mo!"

Kinuha ko ang supot at saka dahan-dahang binuksan. Pag bukas ko ay ang una kong nakita ang box ng cellphone na same brand ng phone ko na sira. Actually nasira siya kagabi dahil rin sa gonggong na to.

Cellphone?

"Para saan to?"
"Eh kasi, nasira ko yung phone mo!"
"Sino namang may sabi sa'yo na sira phone ko?"
"Huwag mo nang ipagkaila! Sinusubukan mong iopen yun di ba nung nasa kotse tayo habang hinahatid kita pauwi sa apartment mo at nagsinungaling ka na lowbatt lang yun!"
"Tss. Eh ano naman ngayon? Tapos?"
"Yan, sabihin na nating! Papalitan ko yung nasira kong phone mo!"
"Huh? Papalitan? Hindi ko to matatanggap! Ayoko ng mga ganito!"
"Teka bakit?"
"Anong bakit? Tanga ka ba, siyempre no Kung may magbibigay man sa akin ng nga gan'to siguradong may kapalit to! At saka hindi ako tumatanggap ng mga abubot sa iba!"
"Ahh eh!"
"Meron no?"
"Okay fine, pwede bang umattend ka ng anniversary party ng company ni mommy? Dapat daw nandoon ka!"

Party? Ano namang gagawin ko sa party abirr?
Teka, Peste, huwag mong sabihing!

"Party? An*k ng Tokwa! Dahil ba to sa pagpapakilala no sa akin sa kanila as girlfriend mo?"
"Ahmm. oo?"
"Lint*k! Bakit mo kasi ako dinawit sa mga kaguluhan diyan sa buhay mo! Pasensya na pero ayoko! Ayokong madamay ulit sa buhay mo kaya no!"
"But,!"
"Ayoko! Pag sinabi kong ayoko! Ayoko!"

Tumayo ako at saka sinubukang maglakad. Paghakbang ko ay agad niyang hinawakan ang braso ko. Napalingon ako sa kamay ko na hawak-hawak niya.

"Sandali lang! We're not done yet!"
"Tss. Pwede ba bitiwan mo ako! Sabi ng ayoko eh!"
"No, just hear me out!"

Uminit yung ulo ko sa pinagagawa niya. Nagtinginan halos lahat ng mg customer sa amin. Hindi ko na sila pinansin. Iilang sandali pa ay bigla akong hinila ng gonggong na to sa labas ng cafe.

"Hoy, Anu ba! Bitiwan mo nga ako!"

Hila-hila niya ako hanggang sa labas ng cafe. Nagpumiglas ako pero ang lakad ng pagkakahawak niya sa braso ko.

"Hoy, Bitiwan mo nga ako! Lint"k! Nakikinig ka ba?"

Pagdating namin sa labas ay huminto siya. Hawak-hawak pa rin niya ang braso ko.

"Hoy, Lint*k! Pest* Pwede ba bitawan mo nga ako!"

Binitawan niya ako at saka humarap sa akin na mukhang seryoso.

"Hoy, huwag mo akong dan-daanin diyan sa pagseseryoso mo! Ang sabi ko ayoko, period!"
"Please! Mom, Dad at Izuki insist na andoon ka as my date! After all you're my girlfriend!"
"L*ntik! Kasasabi ko lang na ayoko di ba? Hoy, tandaan mo kung hindi lang diyan sa medyo may saltik na utak mo eh di sana hindi mangyayari ang lahat ng ito! At saka correction, Hindi mo ako girlfriend!"
"Can you just pretend na date ko?!"
"Haha! Sira ka ba? Hoy problema mo yan kaya ayusin mo mag-isa mo! At saka huwag kang mandamay ng ibang tao. Lahat ng tao may problema huwag mo nang dagdagan pa!"
"Look, Oo sinabi ko na aayusin ko to but sa tingin mo maaayos ko to ng isang oras o minuto lang?"
"At sino namang may sabi sa'yo na ayusin mo sa loob ng isang oras? Gonggong ka ba? Siyempre Hindi madali ang pag-aayos ng gulo kaya kung ako sa'yo, ayusin mo yang problema mo para hindi ka makaperwesyo!"
"Tss. Look, please! I can't look a girlfriend in just one day! at saka napakilala na kita sa pamilya ko!"
"Tss. Sinabi ko bang ipakilala mo ako sa kanila?"
"Hindi madali tong pinagdadaanan ko ngayon you know? Kung problema mo ay pera pwes sweswelduhan kita magpanggap ka lang na girlfriend ko hanggang sa makahanap ako ng totoong girlfriend ko!"
"Haha. May sayad ba yang utak mo? Hoy, kung akala mo ay pera ang problema ng lahat ng tao pwes nagkakamali ka. At saka kung Pera man ang problema ko hindi ko kailangan ng pera mo!"
"Hey, please! Izuki insisted na dapat pumunta ka sa party! I don't want to disappoint them at ayokong magalit sila sa akin!"
"Tss. Eh di sana inisip mo yan bago mo ako idinawit diyan sa kaguluhan sa buhay mo at ipakilala sa pamilya mo biglang girlfriend mo!"
"Okay look, it was just a spur of moment! Nasaktuhang ikaw lang ang nandoon na kasama ko kaya wala na akong choice!"
"Wow! Iba rin! Hoy, may choice ka na sabihin sa kanila ang totoo at saka yusin yang gulo mo ng hindi nandadamay ng tao!"
"Look, kailangan ko talaga ng tulong mo!"
"Pasensya ka na dahil kung kailangan mo ako, pwes hindi kita kailangan!"
"I thought we were friends?"
"Oo, magkaibigan tayo! Kaya payong kaibigan! Kung gusto mo talagang ayusin yang kung anumang problema sa buhay mo! Huwag kang mandamay at ayusin mo ng mag-isa yang problema mo!"
"Hey, Hindi madali to no! At saka kung hindi rin naman kailangan eh Hindi rin naman ako pupunta dito!"
"Tss. so wow! At parang kasalanan ko pa ah!, Ayusin mo yang problema mo! Hindi yung gagawa ka ng eksena dito!"
"Look, Kira! I really wanted you to help me!"
"Sorry but no! Kung gusto mo ng babaeng gustong magpanggap na girlfriend pwes mali ang pinuntahan mong lugar! And by the way sir, please pay your food before going home sir!"

Tumalikod ako sa kanya at saka muling pumasok sa cafe. Napabuntong-hinga na lang ako pagkapasok ko sa cafe. Nakatingin naman ang mga customer sa akin pagpasok ko pero hindi ko na sila pinansin at saka nagtungo sa counter.

"Hoy bakla, Anu yun?"
"Anong ano yun?"
"Maang-maangan girl? Ano yung eksena kanina? Pang telenovela lang ah! Kulang na lang ay mag-emote ka tapos sasabihin mo na 'pangit ba ako? kapalit-palit ba ako? then why? di ba!"
"Tss. Hanep rin yang imagination mo eh no! Wala! Nakakabwisit lang!"
"Bakit ano bang meron?"
"Peste lang! Biglang may pesteng dumating sa buhay ko!"
"Gwapong Peste girl! Ang pogi nun kahit na may eksena kayo! Nagtaka nga ako bakit may palibreng sine ang cafe natin! Akala ko new promo! Sana pala ay may popcorn din dito para kapag may ganoong mga eksena ay handa tayo"
"Tss. Nangungulit lang yun kaya huwag niyo ng pansinin!"

Biglang lumapit naman sa amin si Takahiro at si Yahiro na may dala-dalang tray na halatang kagagaling sa pagse-serve sa mga customer.

"Anong meron?" Yahiro
"Eto, ang init ng ulo ni bakla! May mens ata!" Kanade
"Bakit ano bang nangyari?" Yahiro
"Aba ewan ko! Ayaw magkwento eh!"
"Ano namang eksena yung kanina?" Yahiro
"Yun nga yung tanong ko dito kay Kira pero tikom bibig ang Gaga! Peste daw kasi yun!"
"Ahhh! Tapos?" Takahiro
"Anong tapos? Alam mo nakakabullsh*t yang reaksiyon mo Takahiro!"
"Tss. Anung gusto mong gawin ko?" Takahiro
"Pwede naman sigurong magfeeling may pakialam ka naman?"
"Mmm! Bakit kapag ginawa ko ba yun ay mababago ang mga nangyari?"
"Awss! May pahugot ah! May eksena na nga, may pa-emote pa? Nagtaka na ako kung cafe to o tv channel?"
"Ahh. Hihihi. Hoy, Kanade ano ba kasing nangyari?" Yahiro
"Ayaw nga nitong magkwento eh! May hinanakit ata! May LQ siguro sila!"
"LQ? Jowa niya yun?"
"Gago! Long quarrel kasi! Hindi Lover's quarrel!"
"At saan naman galing yan?"
"Tanong mo dito kay Kira kung saan galing yun, siya nagpauso kasi nun eh!"
"Kanade? Nakapagbayad ka na ba ng tuition?" Takahiro
"Ah, eh! Hindi pa eh!"
"Hintayin mo ako mamaya sabay tayong uuwi!" Takahiro
"Ayshuu, Buti at nagbati na kayo mga ungas!" Yahiro
"Oo nga pala Kira! Katext kita kagabi di ba? Bakit hindi ka nagreply pagkatapos? May nangyari ba?" Takahiro

Sh*t. Oo nga pala, sira pala yung cellphone ko!

"Ahh! Nakatulugan ko kagabi eh! Napagod ako kagabi kaya pagdating ko sa apartment ay nakatulog agad ako!"
"Teka, magkatext kayo kagabi?" Kanade
"Selos ka naman?" Yahiro
"Tss. hindi no! Nagtanong lang!" Kanade
"Aysus! Halatang-halata ka Kanade! Grabe ka kung magselos, ang tanong kayo ba?" Yahiro
"Tss. Ungas!"

P*steng lalaki yun pumunta pa talaga dito para lang idamay ako sa kaguluhan sa buhay niya Peste. Sana talaga ay hindi na siya bumalik pa. L*ntik.

"Girl? Okay ka lang?" Kanade
"Ah, oo!"
"Yan na nga ba sinasabi ko eh, medyo galit pero naaawa rin naman pala. Bakit ano ba kasing nangyari ah? Kung magmuktol ka diyan para may nanghostage sa pamilya mo o kung ano man!" Kanade
"Tss. Wala to! Nakakap*ste lang talaga ang araw na to!"
"Hay, Ewan ko lang kung anong nangyayari sa'yo pero agree akong nakakapeste talaga ang araw nato, sayang may concert pa naman yung G34 na band, tapos nandito ako sa cafe at nagtatrabaho!" Kanade
"Tss, Yan talaga ang problema mo? Akala mo naman ang laki ng problema mo!" Yahiro
"Hoy, Malaki kaya kasi may pa-gift daw sa first thirty fans na dumating sa concert!" Kanade
"Tss. Bumalik na nga lang tayo sa trabaho!" Yahiro

Bumalik kami sa trabaho dahil baka ano pa ang mapag-usapan amin na kung anu-ano lalong-lalo na tong si Kanade na hindi nauubusan ng hugot sa buhay.

Naoya's Point of View:

Sa totoo lang hindi ko alam kung bakit ko nagawa yung kanina. Siguro desperado na ako na mapapunta siya sa party bilang date ko. Biglang nagvibrate ang phone ko kaya agad kong kinuha sa bulsa ko.

Messenger
Natsuo Warren
Active Now

Natsuo:
Hindi siya pumayag Dre?

Naoya:
Hindi eh!

Nagvibrate ulit ang phone ko kaya at dahil naman yun sa group chat namin.

Messenger
#Maysaltik
Active Now

Yuuto:
Kumusta na mga Dre?
Okay na ba?
Successful na ba ang #Oplansuyuinsiategirl?

Taruki:
Ang pangit Dre!

Naoya:
Hindi siya pumayag!

Yuuto:
(shocked)
Aba himala at nagtatagalog ka Dre!
Ang hirap mong kausap pag puro English eh
Teka!
Hindi siya pumayag?

Taruki:
Paulit-ulit Yuuto?

Natsuo:
After all that scene, hindi siya pumayag?

Yuuto:
Anong scene?
Yung kapag nagchat ka tapos titingnan lang niya at hindi magrereply?

Taruki:
Ulol!
Seen yun!

Yuuto:
(peace)
Anong scene?

Natsuo:
Hinila niya yung babae at saka dinala sa labas.
Nagtinginan nga sa kanila ang mga customers
Yung boyfriend na nalamang nagcheat yung girlfriend niya,
ganoon ang itsura ni Naoya kanina!

Yuuto:
(laughing)
(facepalm)
May improvement Dre ah!

Taruki:
Anong improvement don eh Hindi naman pumayag!

Natsuo:
Anong sabi niya Dre?

Naoya:
Hindi daw niya kailangan ng pera ko at saka sana daw inisip ko muna ang mangyayari bago ko siya idinawit at ipinakilala sa pamilya ko bilang girlfriend ko!

Taruki:
(shocked)
Bakit ano bang sinabi mo?

Naoya:
Yun nga, tinanong ko kung pwede bang maging date ko siya sa party kaya lang ayaw niya hindi niya rin tinanggap ang mga pinamili natin. Sinabi ko rin na babayaran ko siya para magpanggap na girlfriend ko habang wala pa akong totoong girlfriend. Nagalit siya at sabi niya na hindi daw niya kailangan ng pera ko.

Yuuto:
(facepalm)

Naoya:
Wala namang masama sa sinabi ko di ba?

Taruki:
(facepalm)
Dre, nung sinabihan mo siya na babayaran mo siya para magpanggap na girlfriend mo, maling-mali yun Dre. Parang tinapakan mo ang pagkatao niya.

Natsuo:
Uh huh, At saka Dre, Hindi lahat ng tao ay makukuha mo sa pera! Kasi Hindi naman mahalaga ang Pera pero ang dignidad oo!"

Yuuto:
Kahit na wala akong alam sa mga ganyan pero Tama sila Dre!

Naoya:
Paano na to?

Yuuto:
Naku Dre! Mahirap yan.
Hanap ka na lang kaya ng ibang babae na pagpanggapin mong girlfriend mo.

Taruki:
Mahirap yan Yuuto kasi attached na ang pamilya nitong si Naoya kay Kira kahit kaunting oras lang sila nagkasama.

Yuuto:
Kung sabihin niya lang na hiwalay na sila niyang Kira?

Natsuo:
Mahirap pa rin yan Dre kasi maaaring madisappoint ang pamilya ni Naoya kapag ganoon. Lalong-lalo na si Izuki at baka yun pa ang dahilan kaya masira ang party.

Yuuto:
Yun lang.
Mahirap yang pinasok mo Dre.
Para kang naglalaro ng Escape Room o kaya squid game niyan.
Tanong lang bakit squid game ang title nung movie pala na yun? Eh wala namang pusit don?

Naoya:
Paano na to?

Natsuo:
hahaha. That was sick Yuuto
Buti pa Dre!
Pumunta ka muna ng Photoshoot tapos balik na lang tayo mamaya pagkatapos.
Meron pa namang oras.

Taruki:
Buti pa nga Dre.

Yuuto:
Bilisan niyo lang.
Kailangan mo pang suyuin ulit si Ate Girl.

Taruki:
Oo nga Dre baka hindi na kayo umabot 'pag nagkataon.

Natsuo:
I'm coming Dre!

Naoya:
I guess I don't have a choice.

Inilagay ko sa bulsa ko ang phone at saka pumunta sa kotse ko. Sakto namang papasok na ako ay lumabas si Natsuo sa Café. Lumapit sa akin si Natsuo.

"Ano Dre! Tara na?"
"Sige Tara na!"
"Mamaya mo na problemahin yan Dre!"
"Anong oras ba simula ng party?"
"Mga 7 pm Dre! May pagkakataon ka pa kaya bilisan ana nating tong photoshoot mo!"

Agad kaming nagsipasok sa kotse namin. Pagkapasok ay agad namin pina-andar ang kaniya-kaniya naming kotse at saka nagpunta sa photoshoot. Nauna si Natsuo habang nakasunod ako sa kanya. Binaybay namin ang kahabaan ng EDSA hanggang sa makarating kami sa Brinton Beach and Resort kung saan gaganapin ang photoshoot. Pagdating namin ay bumaba ako sa kotse at ganoon rin si Natsuo. Pumasok kami sa resort at sumalubong sa amin ang photographer na si Keiji Truno. Sikat siyang photographer kaya halos lahat ng mga industry ay kinukuha siyang photographer para sa promotion or endorsement ng mga products and service nila.

"Hello, boys! Kumusta!"
"Maayos naman! Musta!"

Nagyakapan kami.

"So ano? Simulan na natin ang photoshoot?"
"Sige po! Medyo nagmamadali rin po kasi kami dahil sa anniversary party ng TriStar Arts! Naimbitahan na po ba kayo?"
"Oo, asahan niyo nandoon ako!"
"Ayos!"
"Oh siya, pumunta ka na muna sa wardrobe Naoya, para makapagpalit nung damit na susuotin mo!"
"Sige po!"

Agad naman akong nagpunta sa wardrobe kung saan ang mga stylist ko ay nandoon pati na ang make up artist ko. Agad akong nagbihis ng pangsummer na attire at cap dahil ang theme ng photoshoot ay summer. Pagkatapos kong magbihis ay agad naman akong nagpamake-up sa mga make up artist. Medyo matagal-tagal rin ang pagma-make up nila sa akin. Pagkatapos ng make up ay agad na kaming nagtungo sa pool ng resort para sa photoshoot. Nandoon na sina Keiji at Natsuo. Nakahanda na rin ang mga camera at plantsado na ang lahat.

"Simulan na natin ang photoshoot, I want you to do a hot pose!"
"Ok good!"
"Next pose!"

Agad naman akong nagpose sa gitna ng pool. Nakapaa lang ako dahil nasa gitna ako ng pool. Kita naman ang katawan ko dahil hot pose daw ang gagawin ko. Nakailang pose rin ako sa photoshoot. Nagphotoshoot din kami sa loob mismo ng resort. Ilang beses rin akong nagpalit ng damit sa photoshoot. Mga bandang 3:30 pm ay natapos rin ang photoshoot namin. Agad akong nagbihis ng damit yung sweater na suot-suot ko kanina bago ako pumunta sa photoshoot. Naghintay muna ako ng mga ilang saglit kay Natsuo dahil nag-usap muna sila ni Keiji para pumili ng photo don sa photoshoot na gagawing poster ng resort. Habang naghihintay ay panay naman akong sulyap sa relo ko dahil kailangan ko ulit bumalik sa cafe corner at imbitahin ulit si Kira sa party. Ilang minuto ang nakalipas ay dumating na si Natsuo.

"Tara na Dre!"
"Ikaw na ang bumalik sa cafe Dre kailangan kong tumulong sa preparation sa party!"
"Sige, sige! Mauuna na muna ako Dre!"
"Sige Ingat! Sana this time pumayag na!"
"Sana nga Dre!"

Agad akong pumasok sa loob ng kotse at saka nagdrive. Binaybay ko ulit ang EDSA pabalik ng cafe. Binilisan ko ang pagmamaneho dahil medyo kapos sa oras at baka hindi na kami maka-abot sa party kung saka-sakali man. Pagdating ko sa cafe ay agad na akong lumabas ng kotse. Kinuha ko ang binili ko sa kanyang phone at stuffed panda. Tumakbo ako at saka agad na pumasok sa cafe habang nakasuot pa rin ng cap at eyeglass dahil ayokong may makakilala sa akin. Medyo matagal-tagal na tapos ang photoshoot kaya bandang 4:00 pm na ako dumating sa cafe. Pumasok ako sa cafe at nakatingin sa akin ang mga customer ng cafe.

"Di ba siya yung kanina?"
"Ang gwapo niya pa rin eh no!"
"Ano kayang nangyari kanina no?"
"Magkakilala ba sila nung waiter dito?"
"Baka kilala nga!"
"Anong pangalan kaya ni pogi!"

Hindi ko na sila pinansin at saka pumunta na diritso sa counter. Pagpunta ko ay iginala ko ang mga mata ko para hanapin sana si Kira pero hindi ko siya mahagilap. Nang makarating na ako sa counter ay yung chief waiter lang nila ang nandoon.

"Hello, sir! How can I help you?"
"Ahmm, nasaan si Kira?"
"Ahmm, bakit niyo po ulit hinahanap si Kira sir?
"I really need to talk to her! it's very important! And I have something to return to her!" I lied
"Ahmm, sir! Si Kira po ay nag-out muna po dahil may pupunta daw po siya!"
"Saan siya pumunta?"
"Magpadadala po siya ng pera sa pamilya niya!"
"Mag-isa lang ba siya?"
"Kasama niya po si Kanade!"
"Ah, Babalik ba siya?"
"Yes po sir! Hindi ko lang po alam kung anong oras dahil out po kasi usually namin ay 8 or 10 PM po!"
"Ah, okay thank You! I'll just wait here!"

Agad akong naglakad papunta sa corner table kung saan ako umuupo. Nilapag ko ang mga dala ko sa tabi na upuan ko. Maya-maya pa ay may lumapit sa akin na waiter na lalaki.

"May I take your order sir!""
"Ahmm, I'll have espresso!"
"Is that all sir?"
"Yes please, and by the way, kindly inform me if bumalik na si Kira! I need to talk to her! Tinanong ko na kanina ang chief waiter at sabi niya ay lumabas muna!"
"Ah sige po sir!"

Tumalikod siya sa akin at saka naglakad papunta sa counter. Naghintay ako sa cafe. Habang naghihintay, kinuha ko muna ang phone ko sa bulsa ko at saka nagchat sa mga kaibigan ko.

Messenger
#Maysaltik
Active Now

Naoya:
She's out!
May pinuntahan si Kira!

Yuuto:
(shocked)
Ang malas mo Dre!
Paano na yan?

Taruki is active now.

Taruki:
Muzta Dre?
Ano ng gagawin mo niyan?

Naoya:
Hintayin ko na lang siya dito sa cafe.
Babalik naman daw siya agad sa cafe dahil 8 or 10 PM Ang out nila.
I guess I'm running out of luck!

Yuuto:
Anong luck?
Yung nilalagay sa pinto yung may kandado?

Taruki:
Lock yun! Gago

Natsuo:
Hahaha.
Sana lang bumalik siya agad.

Yuuto:
Magdasal ka na Dre!

Taruki:
Gonggong! Hindi nakakatulong Yuuto

Yuuto:
Paano kung medyo matagalan siya Dre?
Makakaabot pa ba kayo sa party?

Naoya:
Susunod na lang siguro kami kapag pumayag siya.
Kayo muna bahala kina Mom, Dad at Izuki habang wala pa kami.

Natsuo:
Sige Dre.
Out muna ako, maghahanda mo na ako para sa party.

Yuuto:
Ako rin Dre!

Taruki has logged out

Natsuo has logged out

Yuuto had logged out

"Here's your order sir!"

Inilatag ng waiter ang mga order ko sa mesa habang inilagay ko naman ang phone ko sa tabi nito.

"Thanks!"
"Enjoy your Meal sir!"

Tumalikod ang waiter at saka naglakad papunta sa ibang customer para kunin ang mga order nila. Ininom ko ang kape habang naghihintay sabay sulyap sa relo ko dahil nag-aalala ako sa oras. Binuksan ko ulit ang phone ko at saka hinanap ang account ni Kira sa kahit ano mang social media pero halos wala akong mahanap.

Old-fashioned nga siguro ang babaeng yun .
Antagal naman.
Please, Bumalik ka na Kira!
I need you!

Naghintay ako ng naghintay ng mga ilang oras. Nagsilabasan na ang ibang mga customer at may pumapasok na ibang customer pero wala pa ring Kira na bumalik sa cafe. Nakaka-ilang espresso na rin ako habang naghihintay. Tinanong ko na rin ang mga waiter pero hindi pa daw bumabalik si Kira. Napasulyap ako sa relo ko at malapit nang mag 7 pm at malapit na ring magsimula ang party. Habang naghihintay ay napang-hihinaan na ako ng loob dahil sa tingin ko ay Hindi naman talaga nagpadala si Kira ng pera sa pamilya niya dahil baka iniiwasan niya ako. Naghintay pa ako ng mga ilang minuto pero walang bakas ni Kira ang bumalik sa cafe. Napagdesisyunan ko na lang na umuwi na lang.

"Waiter! Pay-out na ako!"

Agad akong tumayo at saka iniwang ang bayad ko sa table. Kinuha ko ang mga binili ko para kay Kira at saka naglakad papalabas ng cafe. Binagalan ko lang ang paglalakad ko dahil medyo dismayado ako dahil hindi ko nagawang mapapunta si Kira at magpanggap na girlfriend ko. Alam kung madidismaya rin sina Mom, Dad, mga kapatid ko at si Izuki kapag umuwi ako at dumalo ng party ng wala si Kira. Paglabas ko ng cafe ay saka ako naglakad papunta sa kotse ko. Binuksan ko ang pinto ng kotse at saka pinasok ang supot na ibibigay ko sana kay Kira.

"Hoy,!"

May sumigaw pero hindi ko na pinansin.

"Hoy, Naoya!"

Nung narinig ko ang pangalan ko ay agad akong napalingon sa likod ko.

Kira's Point of View:

Nagpatuloy ako sa pagtatrabaho pagkatapos nung eksena kanina na ginawa nung lalaking yun dito sa cafe.

"Girl, lalim ng iniisip ah! Tungkol na naman yan kanina no?"
"Tss. At sinong may sabi sa'yo abirr?"
"Tss. Halata ka Te! Kanina ka pa kaya punas ng punas diyan sa mesang yan! Tingnan lang natin kung hindi yan ang pinakamakintab na mesa dito! Kita ko na nga reflection ko dahil sa sobrang kintab!"

Hindi ko napansin na kanina pa pala ako punas ng punas ng mesa dahil sa totoo lang nabwibwisit pa rin talaga ako dahil sa ginawang eksena nung lalaki kanina.

"Tss."
"Hoy girl! Salamat ah!"
"Para saan?"
"Sabi kasi ni Takahiro na tinext mo daw siya kagabi para makahiram ako ng pera para sa tuition ko!"
"Tss. Wala yun at saka tayong tatlo ni Takahiro ang nag-aaral sa Grande no kaya sino pa ba ang magtutulungan kung Hindi Tayo!"
"Kaya ng bestfriend kita eh!"
"Tss. Buti naman at wala kayong LQ ni Takahiro ngayon?"
"Tss. Wala muna akong balak baka sumakit pa ulo ko!"
"I-flanax na yan!" biglang kumanta si Yahiro
"Tss. Sira!Para sa arthritis ang flanax!"
"Hha. Anong pinag-uusapan niyo?"
"Pinag-uusapan namin kung bakit magkasunod ang letter A at B!" Kanade
"Seryoso ka ba?"
"Wala, nakikitsismis lang tong si Kanade!"
"Hoy Kanade, bumalik ka na nga sa trabaho mo hindi yung puro ka tsismis!"
"Ito na! Nagpasalamat lang eh at saka nagbibiro lang naman eh!"
"Haha. LoL!"

Bumalik na kami sa pagtatrabaho. Pagkatapos kung magpunas ng table at saka naman ako pumunta sa mga customers para kunin ang mga order nila.

"Good Day Ma'am, May I take your order?"
"Ah, mm. I'll have sashimi at season parfait!"
"It'll be serve in a minute Ma'am!"
"Thank You"

Nagsmile muna ako bago pumunta sa ibang customers.

"Hello Ma'am! I hope you're doing fine! May I take your order?"
"Ah, sure! I'll have seasonal tart and sundae!"
"I'll have tacos and Americano!"
"I'll have mango float and Americano also!"
"Is that all ma'am?"
"Ahmm, May we know, kung magka-ano-ano po kayo ng lalaki dito kanina!"
"Ah, Kakilala ko lang po Maam!"
"Ah, we thought kasi na jowa mo magkakilala lang pala!"
"Ahh, Your order will be serve in a minute Ma'am!"

Tss. Mga tsismosa. Akala mo naman maganda!

Napabuntong-hininga na lang ako at saka naglakad papunta sa counter. Ibinigay ko ang mga order sa kitchen para maserve.

"Ano namang mukha yan girl? May nangyari ba?"
"As usual, mga tsismosa!"
"Haha. Te, ilang taon ka na dito sa cafe tapos hindi ka pa nasanay! Ano ba kasing tsismis don?"
"Tungkol sa eksena kanina at pati na sa bwisit na lalaking yun!"
"Yun naman pala, kaya affected!"
"Tss. Hindi ako affected, nakakainis lang dahil sinali nila ako!"
"Te, ganoon talaga at saka bihira dito sa cafe ang may mga ganoong eksena na pang K-drama ang peg! Swerte mo at ikaw pa eh meron namang ibang waitress dito di ba?"
"Tss. Hindi yun swerte! Malas yun! Kung nagwagwapuhan kayo don, ako nabwibwisit ako dahil sa dala niyang malas sa buhay ko!"
"Wow, parang may hinanakit ka ata don ah!"
"Ex mo ba yun? O kaya jowa mo?"
"Tss. Nagbibiro ka ba? Yung Gagong yun? Hindi no, Kakilala ko lang yun na sobrang kulit!"
"Tss. pero in fairness bakla! Ang gwapo nun!"
"Tss. Hindi naman ah! Gago lang talaga yun!"
"Aminin! Denial bakla!"
"Tss. Hindi nga!"
"Hoy, bakla ka maiba nga tayo! Napadalhan mo na ba ng pera ang pamilya mo? Girl, nakalimotan mo ata na third Sunday ka pagpapadala ng pera sa pamilya mo!"
"Anak ng Tokwa! Oo nga pala, samahan mo ako!"

Nagpadala ako sa pamilya ko sa Cagayan De Oro ng pera every third Sunday of the month kasi yan before ang araw na yan ay swelduhan kaya ganoon kaso nga lang delay ata yung sweldo ngayon dahil wala si manager pero kahit ganoon ay magpapadala pa rin ako dahil nag-iipon rin naman ako. Si Kanade ang halos kasama ko kapag nagpapadala ng pera kaya alam niya kung kailan ako nagpapadala ng pera sa pamilya ko.

"Oo ba! Anong oras ba tayo aalis?"
"Teka, mamaya na siguro maaga pa naman!"
"Sige Ikaw Ang bahala!"
"Orders up!"

Bumalik kami agad sa pagtatrabaho. Kinuha ko ang mga orders at saka dinala sa mga customers. Naglakad ako papunta sa mga nag-order.

"Here's your order Ma'am!"
"Thank You!"

Inilatag ko sa mesa nila ang order nila habang nakangiti.

"Enjoy your meal ma'am! If you need anything just call me!"
"Ahmm. May I know Miss, anung pangalan nung lalaking kakilala mo kanina dito!"

Tss. Ito na naman to! Porket gwapo kailangan talaga malaman niyo?
Teka ano nga pangalan nun? Ayy oo Naoya nga! Naoya nga pala!

"Ahh, Nao po!" I lied

Anong akala niyo? Sasabihin ko? Tanungin niyo siya kung gusto niyong malaman! Tss.

Tumalikod ako sa kanila at saka naglakad papunta sa counter. Habang naglalakad ay dinig na dinig ko pa rin ang tsismisan nila sa nangyaring eksena kanina.

"Bes, Feeling ko talaga jowa niya ata yung lalaki!"
"I don't think so! Baka Tita siya nun!"

Anong Tita? Sapakin kaya kita miss!

"Hahha. Maybe she's just his acquaintance!"
"Kaklase siguro!"
"Ay naku ewan, sana lang hindi siya yung girlfriend! Sayang si pogi 'pag sa kanya napunta!"

Hindi ko na sila pinansin kahit nakakapikon ang pinagtsisismisan nila. Naglakad ako papunta sa counter para kunin ang mga order at iserve sa mga customer.

"Girl, ngumiti ka girl sayang ang beauty!"
"Tss. Eh kasi naman! Sinabihan pa naman ako daw ang Tita nung lalaking ungas kanina!"
"Haha. Seryoso?"
"Mukha ba akong magpapatawa?"
"Girl, resbakan mo na baka makadalawa pa yan!"
"Gaga! Bawal yun at saka customer sila! Nakakairita yung puro tsismis tapos akala mo naman na Ang ganda ng pinagsasasabi!"
"Wala kang magagawa girl! At saka wala naman talagang magandang topic sa tsismis! Ang tsismis ay parang pangingialam na rin no!"
"Hay Ewan ko na lang sa kanila!"
"Pero te! Affected much?"
"Tss. Hindi nga ako affected! L*ntik lang yang talagang mga taong pinag-uusapan ako! Kung wala silang magawa sa buhay nila! pwede naman di bang manahimik na lang sila?"
"Te? May hugot ah!"
"Tss. Hindi hugot yun! Pikon moments yun! Balik na nga tayo sa trabaho para makaalis tayo maya-maya! Buti na lang pinaalala mong mag-papadala pa nga pala ako ng pera kina Nanay at bunso!"
"Oh di ba, pasalamat ka! Pasalamat ka at maganda ako!"
"Tss. Oo na! Self-declare!"
"Orders up!"

Kinuha namin ni Kanade ang mga order at saka sinerve sa mga customers. Nagpatuloy kami sa pagtatrabaho hanggang alas tres ng hapon. Nagpaalam muna kami kay Yahiro na lalabas lang para magpadala ng pera kina Nanay at Bunso. Nasa counter si Yahiro kaya agad kaming lumapit sa kanya.

"Yahiro! Lalabas muna kami!"
"Bakit? Anong gagawin niyo?"
"Maghahanap ng gwapo! Charring lang!" Kanade
"Tss. Magpapadala muna ako ng pera kina Nanay at Bunso sa probinsiya! Papasama muna ako dito kay Kanade!"
"Paano yan! maraming mga customers?"
"Babalik rin kami agad at saka nandiyan naman si Takahiro at yung iba pa!" Kanade
"Sige! sige! Bilisan niyo lang! At sa ibang araw na lang kayo maghanap ng gwapo!"
"Yes po boss!" Kanade
"Sige! Mauuna na muna kami!"
"Ingat! Balik kayo agad!"
"Oo na!"

Agad naming tinanggal ang apron muna namin at saka kinuha ko ang shoulder bag ko. Tinanggal rin ni Kanade ang apron niya at sumunod sa akin. Agad kaming naglakad papunta sa labas ng cafe.

"Babalik rin kami agad Yahiro!"
"Ge! Bilisan niyo lang!"

Paglabas namin ay binilisan namin ang paglalakad papunta sa pinakamalapit na pwedeng magpadala ng pera.

"Sandali lang naman girl! Alam kong nagmamadali tayo pero girl kapag ako talaga nadapa dito nako, Hindi talaga kita sasamahan!"
"Tss. Bilisan daw natin dahil maraming tao sa cafe!"
"Alam ko girl pero hintay naman! Daig mo pa ang criminal kung lumakad-takbo eh!"
"Tss."

Binagalan ko muna ang paglakad-takbo ko para makasabay sa akin si Kanade.

"Ayan! Bait mo talaga!"
"Tss!"
"Maiba muna tayo girl, Kumusta na pala Nanay at Tatay mo pati na yung kapatid mo?"
"Okay naman siguro! Medyo matagal-tagal na rin kasi kaming Hindi nakapag-usap dahil sa trabaho natin sa cafe at saka pag-aaral!"
"Ahhh, Girl! Magkuwento ka Dali!"
"Anong kwento?"
"Gaga! Yung patelenovela niyong scene kanina nung lalaki! Yung tumayo ka tapos hinawakan niya ang braso mo tapos kinadkad ka niya sa labas! Tapos magco-confess siya sa'yo at kissing scene pagkatapos!"
"Yakss! Gaga! Walang nangyaring ganyan!"
"Oo nga pero ganoon yun eh sa mga telenovela na napapanuod ko!"
"Tss. Huwag mong ikumpara ang tunay na buhay sa telenovela! Hindi lahat ng nasa telenovela ay nangyayari sa totoong buhay!"
"Gaga! Alam ko yun! Sinasabi ko lang! Kasi naman girl! Kung pelikula lang yung eksena niyo kanina! Sigurado akong box office hit yun! Dinaig niyo pa ata ang linyahang 'stop acting like you know my pain, stop acting like you own it, Hindi ikaw si Celine and you will never be Celine! ganoon!"
"Tss. Eh, Imagination mo rin talaga eh no , yang sa inyo ni Takahiro? Wala pa ring improvement?"
"Yung si Pangit? Naku! Huwag na nating pag-usapan! Alam mo namang mas cold pa yun sa snow at yelo! Gaga! At saka kapag kausap mo naman ay parang nakikipag-usap ka lang sa hangin!"
"Pero MU kayo?"
"Mutual understanding?"
"Hindi!"
"Eh ano?"
"Mukhang Uod! Mukha kayoong Uod na hindi mapirmi!"
"Harsh nun te! Ang ganda ko kaya para maging Uod!
"Tss. Bilisan na nga natin at para makabalik tayo agad!"
"Girl, nagmamadali na nga tayo! Ang problema lang girl, Hindi naman siguro matatapos tong lakad natin do ba ng isang Segundo lang, kaya huwag kang atat girl!"
"Tss. Alam mo nakakbw*sit kapag Tama ka!"
"Ang harsh mo girl! Pasalamat mo kaibigan kita"
"Tss. Oy, Dala mo phone mo?"
"Oo bakit?"
"Pwede pahiram? Tatawagan ko lang sina Nanay!"
"Teka! Ito oh!" sabi niya habang iniabot sa akin ang phone niya.

Agad kong dinial ang number ng phone ni Nanay. Nagring ang phone. Hintay kong sagutin ni Nanay ang phone niya.

"Teka, nasaan ba phone mo?"
"Lowbatt kaya hindi ko dinala!" I lied
"Bakit hindi ka nagcharge?"
"Nakatulugan ko. Hihihi!"
"Seryoso? Hindi ka naman ganyan ah! Usually halos dala-dala mo araw-araw yang phone mo!"
"Eh, nakatulugan ko nga eh! dahil sa pagod!"
"Alam mo girl, alam kong mag-isa ka sa apartment mo pero ingatan mo sarili mo girl!"
"Tss. Oo na! Huwag kang mag-alala! Ako pa!"

Biglang sinagot ni Nanay ang tawag ko. Agad kong tinuon ang atensyon ko sa phone.

"Hello? Nay?"
"Oh, Nak! Ikaw ba yan Kira?"
"Opo Nay! Nakigamit lang ako ng phone kay Kanade!"
"Hello po Tita!" Kanade
"Nasaan ba ang phone mo Nak?"
"Nalowbatt po eh! Nakatulogan ko kagabi dahil sa pagod kaya nakalimtan kong i-charge!"
"Naku Nak! Huwag mong pababayaan yang sarili mo! Mag-ingat ka Lage!"
"Oo naman Nay! Ako pa!"
"Oh bakit ka napatawag Nak?"
"Nay, magpapadala ako ng pera ngayon! Muntik ko na nga pong makalimutan Buti na lang at pinaalala ni Kanade sa akin!"
"Salamat talaga Nak!"
"Naku nay! Kayo pa!"
"Nasaan po si Bunso?"
"Ito at kasama ko!"
"Pwede po pakausap?"
"Sige sige!"
"Hello Ate!"
"Oh Bunso! Musta kayo diyan!"
"Okay naman po Ate!"
"Muzta ang pag-aaral mo?"
"Okay naman po Ate! Ginagalingan ko po!"
"Ayus! Pagbutihin mo ah!"
"Opo Ate!"
"Hello, Yuki!" Kanade
"Si Ate Kanade po ba yun ate?"
"Oo, ang gulo nga niya eh! Gusto mong kausapin?"
"Sige po Ate!"
"Teka, i-loud speaker ko muna!"
"Hello, Yuki!"
"Hello Ate Kanade! Muzta po kayo ni Ate!?"
"Naku, ganoon pa rin, Bitter pa rin yung ate mo at saka wala pa rin kaming jowa."
"Ate Kanade! Huwag kayong mag-alala! Nandiyan naman di ba si Kuya Takahiro?"
"Hehp, hep! Teka at saan mo naman nakuha yan abirr?"
"Kay ate po!"
"Yuki, Huwag kang maniwala dito sa Ate mo! Pero ang paniwalaan mo ay ito, yang ate mo ay may kaeksenang lalaki kanina sa cafe!"
"Eh?"
"May boyfriend ka na Nak?"
"Huwag kayong maniwala rito kay Kanade nay!"
"Kayo talagang mga Bata kayo!"
"Kunwari ka pa Girl! Eh sino yung lalaki kanina abir?"
"Tss. Kakilala nga lang yun eh!"
"Tita, huwag kayong maniwala dito sa anak niyo! May lalaki pong nagpunta sa cafe kanina at hinanap siya!"
"Tss. Wala lang yun! Kinausap lang naman ako nung tao!"
"Sinagot mo Ate?"
"Hahah."
"Hindi no! Nag-usap lang kami, Yuki! Huwag kayong maniwala dito kay Kanade!"
"Aysus, Defensive!"
"Tss. Ewan ko sa'yo! Ako na nga lang ang kakausap. Kung ano ang masabi mo eh! Mahirap na!"
"Tss. Ayan Yuki oh, defensive ate mo!"
"Tss. Bahala ka nga diyan!"

Agad kong ti-nurn off ang loud speaker para ako lang ang makarinig.

"Yuki, huwag kayong maniwala dito!"
"Eh? bakit? hindi ba't totoo naman na may kaeksena ka kanina?"
"Tss. Oo nga pero kapit-bahay ko lang yun! kaya wala yun!"
"Talaga?"
"Oo nga! Wala nga yun!"
"Tss. Ito naman ang KJ eh!"
"Manigas ka diyan!"

Nagpatuloy kami sa paglalakad habang nasa phone ako. Iilang sandali pa ay dumating na kami sa papadalhan ng pera. Agad naman akong nagpadala. Pumila muna ako dahil maraming tao. Naghintay ako ng mga ilang minuto. Mahigit isang oras rin kami bago natapos ang pagpapadala ko.

"Nay, Kakapadala ko lang po ng pera!"
"Salamat talaga Nak!"
"Salamat Ate!"
"Kayo pa! Basta mag-aral ka ng mabuti Yuki!"
"Opo Ate!"
"Good!"
"Amm. Nak! Yung Tatay mo nga pala!"
"Bakit ano po bang nangyari kay Tatay?"
"Ah, Kasi! Pasensya na at hindi ko agad nasabi pero nasa hospital ang tatay mo!"
"Huh? Bakit po?"
"Biglang nalang kasing sumakit yung dibdib niya at sabi ng doktor ay may sakit daw siya sa puso!"

Biglang umiyak sa Nanay habang kausap ko siya sa telepono.

"Teka, sakit po sa puso? Ano po ba ang nangyari?"
"Galing ang tatay mo sa pamamasada ng bigla na lang sumakit ang dibdib daw niya pag-uwi niya. Masakit daw masyado kaya sinugod na namin siya sa hospital!"

Naiiyak ako habang nakikinig kay Nanay. Sa totoo lang, nagulat ako sa balitang yun ni Nanay. Tumulo ang luha ko habang kausap ko siya.

"Kumusta po si Tatay?"
"Nasa hospital siya at nagpapahinga kasama niya ang tiyahin mo, umuwi muna kami ni Yuki para kumuha ng mga damit at sakto namang napatawag ka!"
"Sabihin niyo po kay Tatay na magpagaling siya! Uuwi po ako kapag may pagkakataon!"
"Nak, malaki-laki ang babayaran sa hospital nak! Pwede ba munang makahiram sa'yo nak?"
"Sige po Nay, Magkano po ba Nay?"
"Mga 40, 000 Nak! Para na rin sa mga gamit ng Tatay mo nak! Pasensya na at sa'yo muna kami manghihiram ng pera! Kinulang kasi yung ipon namin ng Tatay mo sa pamamasada at panglalaba!"
"Ahh. Sige po Nay! Papadala na lang ako kapag sweldo na! At saka Nay balitaan niyo po ako sa anong kondisyon ni Tatay!"
"Pasensya na talaga anak!"
"Huwag kayong mag-alala nay! Anak niyo po ako kaya tutulong ako! Magsabi lang po kayo!"

Tumulo ang luha ko habang kausap si Nanay. Mahal na mahal ko ang pamilya ko, sila ang kahinaan ko. Kung malakas man ako at matapang sa tingin ng iba, kahinaan ko naman ang pamilya ko.

"Ano po bang sabi ng doktor nay?"
"May sakit daw sa puso ang Tatay mo! Dahil siguro sa pagod at saka sa tanda na rin!"
"Sige ho nay! Sabihan niyo lang po ako kapag may nangyari! Ikamusta niyo na lang po ako kay Tatay"
"Sige Anak!"
"Ingat po kayo Nay, huwag kayong masyadong magpuyat!"
"Oo Anak! Pasensya na talaga anak!"
"Wala po yun! Yuki! Alagaan mo ang Nanay at Tatay!"
"Opo Ate!"
"Sige Nay, Balitaan niyo ako ulit!"
"Sige Nak! Ingat ka diyan at alagaan mo sarili mo!"
"Sige Nay, Ingat rin po kayo!"
"Love you Nak!"
"Love you din po Nay, Yuki! Pakisabi kay Tatay na alagaan niya sarili niya at saka I love you!"

Binaba ko ang phone at medyo naluha. Nakatingin naman sa akin si Kanade. Binigay ko kay Kanade ang phone noya. Napaupo kami sa isang bangketa na malapit sa kung saan kami. Hindi ko napigilang manghina ang mga tuhod ko at ang pagtulo ng mga luha ko.

"Anong nangyari bakla?"
"Si Tatay! Naospital!"
"Teka, Huh? bakit daw? Anyari girl?"
"Sumakit daw yung dibdib niya galing sa pamamasada kaya sinugod nila Nanay sa ospital, napag-alaman na may sakit daw sa puso si Tatay!"

Tumingin siya sa akin at saka agad akong napayakap sa kanya.

"Hala kang bakla ka! Paano na yan? Kumusta naman daw si Tito?"
"Okay naman daw, Iniwan nila muna si Tatay kasama si Tiya para kumuha ng gamit sa bahay!"
"Sana gumaling na si Tito!"
"Ang problema lang ngayon ay saan ako makakuha ng 40, 000 para pamabayad sa ospital ni Tatay?"
"Huh? 40 000? Seryoso? Jusko ang laki niyan Te! Hindi mo yan makikita agad-agad!"
"Yun nga ang problema eh! Kulang kasi ang ipon nila Nanay at saka kunti na rin yung ipon ko kaya medyo kapos at marami ring daw kasing dapat bilhin na gamot!"
"Hala kang bakla ka, malaking problema yan!"

Inayos ko ang sarili ko pero hindi ko kaya. Naluha ulit ako dahil sa nangyaring to hindi ko inaakalang may ganitong balita na darating. Napasandal ako kay Kanade habang nasa tabi ko siyang nakaupo sa bangketa.

"Huwag kang mag-alala te! Tutulungan ka namin!"
"Salamat! Buti nandiyan kayo kahit papaano!"
"Sus! Sino pa ba ang magtutulungan eh tayo-tayo lang di ba! At saka mahal kita kaya ikaw pa!"
"Salamat talaga!"
"Aysus! Itigil mo nga yang drama mo at bumalik na tayo sa cafe at baka matalakan pa tayo ni Yahiro, alam mo namang seryoso masyado yun kapag trabaho ang pinag-uusapan!"
"Tss. Si Yahiro ba talaga ang dahilan kaya gusto mo bumalik agad? O si Takahiro?" natatawang sabi ko sabay punas sa mga luha ko.
"Tss. Alam mo Girl, kahit medyo mangiyak-ngiyak ka, nakakabwisit pa rin ang mga biro mong walang kwenta!"
"Bakit? Sinabi ko bang biro yun? Bakit? Hindi?"
"Hindi no! At saka, trabaho kaya ang babalikan natin hindi si pangit!"
"Owss? Peksman?"
"Sige girl! Ok lang naman din siguro na magstay muna tayo! Ok lang naman siguro until bukas tayo dito kahit huwag na tayong bumalik"
"Oo na! Tara na!"
"Tss. May pang-iinis ka pang nalalaman, eh bibigay ka rin naman pala!"
"Oo na! Tara na!"

Agad kaming tumayo at saka naglakad papabalik sa cafe. Medyo gumaan na ang loob ko dahil kasama ko si Kanade. Pero hindi pa rin mawala sa isip ko kung ano na Ang gagawin ko para sa makabayad sa ospital ni Tatay. Hindi kami mayaman at nabubuhay lang naman kami sa pamamasada ni Tatay at labada ni Nanay buti na nga lang at nakakuha ako ng scholarship kahit papaano. Napabuntong-hininga na lang ako habang naglalakad.

"Girl, Huwag kang mag-alala! Gagaling rin si Tito!"
"Sana nga!"
"Teka, maiba nga tayo! Naoya? Naoya pala pangalan nung lalaking yun! Akalain mo ang ganda ng pangalan nung lalaking hinahanap ka kanina?."

Eh? Paano niya nalaman?
Gonggong na Naoya? Siya na naman?

"Nagkakilala kayo?"
"Malamang girl, nagpakilala siya sa akin nung hinahanap ka niya sa akin! Gaga!"
"Tss. Sana hindi mo na lang kinausap!"
"Alam mo girl, ang sadista mo! at saka matitiis ko ba ang kagwapuhan nun?"
"Tss. Ang landi-landi mo!"

Pinilit kong ngumiti at maging katulad ng dati na parang wala lang nangyari. Kahit na medyo nalulungkot pa rin ako dahil sa kalagayanni Tatay.

"Eto naman biro lang! At saka girl! customer pa rin yun! kaya hindi pwedeng iligwak ko siya no!"
"Alam mo minsan naguguluhan ako sa'yo! Kasi puro ka tsismis pero ginagawa mo pala yang trabaho mo eh no ng maayos!"
"Matutuwa ba ako sa sinabi mo o maiinis? Compliment ba yun o insulto? Anu talaga girl?"
"Depende sa'yo! Bahala ka! It's your choice!"
"At saka girl, hindi ko naman alam kung anong issue niyong dalawa kaya paano ko siya hindi kakausapin Gaga! Ikaw lang naman ang kilala non!"
"Kaya nga! Sana hindi mo na lang kinausap!"
"Pero isipin mo girl kahit na ganoon ay maaari pa rin siyang magtanong sa ibang waiter di ba?"
"Eh di sasabihan ko silang huwag kausapin yung lalaking yun! Malas lang ang dala niya sa buhay ko!"
"Wow! Alam mo ang saidsta mo. Na-intriga na tuloy ako girl! Dadaigin ko talaga nito ang nga reporter para lang malaman kung anong issue niyong dalawa! Nagagalit ka kapag siya ang pinag-uusapan at nabwibwisit ka kapag nadadawit ang pangalan mo at ang mas malala ay yung nangyari sa inyo sa cafe! Meron kang hindi sinasabi sa akin girl! Anu yun ha?"
"Tss. Wala nga! Makulit lang talaga yun kaya ayoko sa kanya!"
"Ayaw mo? As in? Hindi ka nagwagwapuhan? Hindi ka interesado? Hindi mo gusto?"
"Huh? Ano namang klaseng tanong yan?"
"Owws? Really?"
"Ayoko sa kanya no! At saka kakulitan at kamalasan ang dala nun!"
"hep, hep, huwag mong kalimutan ang kagwapuhan at kagandahan ng katawan!"
"Tss. Ano namang gwapo sa lalaking yun abir? Mukha naman siyang bisugo ah, Parang itlog na nabulok!"
"Wow girl, Malabo ba mata mo o sadyang bulag ka? Girl ang perfect kaya nun! Sana ganoon rin kagwapo si..!"
"Si? sino?"
"Wala! Wala!"
"Talaga lang ah! We? Si Ano ba yan? Si.."
"Wala nga! At saka ang gwapo talaga nun girl, pwede mo ng isama kina Daniel Padilla at Enrique Gil sa kagwapuhan!"
"Tss. Sa tingin ko mas bagay siyang isama kina Kingkong, Godzilla o kaya kay kokey"
"Tss. Sige idawit mo pa lahat ng mga halimaw pati na artista!"
"Tss. Iba lang talaga ang tingin ko sa kanya!"
"Pero girl, parang narinig ko na yung pangalan niya sa kung saan hindi ko lang matandaan kung saan! At saka may hawig eh!"
"Bakit? Ang ibang mga tao ba ay walang hawig?"
"Hindi yun Gaga! Mayroon lang talaga siyang kahawig eh! Nakalimtan ko lang kung sino!"
"Tss. Pwede ba tigilan muna natin ang pag-uusap sa gonggong na yun!"
"Naku, hindi girl! Hindi mo pa sinagot yung tanong ko!"
"Anong tanong?"
"Bakit mainit yung dugo mo sa kanya?"
"Tss. Bakit, hindi pwede?"
"Alam mo girl! Ang tino mong kausap!"
"Thank You!"
"Gaga! Hindi compliment yun!"
"Tss, sabi mo eh!"
"Pero girl seryoso! Bakit nga?"
"Wala nga! At saka wala akong panahon na isipin yung gonggong na yun! Si Tatay mo na ang iisipin ko ngayon!"
"Ito naman! Oo na at saka huwag ka namang magalit, nagtatanong lang eh!"
"Tss. Hindi ako galit!"
"Owww? Talaga lang ah?"
"Tss!"
"Oo na! Ito naman hindi na mabiro!"

Naglakad kami pabalik ng cafe. Medyo malayo-layo rin kasi ang cafe. Habang naglalakad ay bigla naming nakasalubong ang Nanay ni Kanade. Parang may lakad ata siya.

"Oh, Mommy! May lakad ka po?"
"Hello po Tita!"
"Hello! Oo meron akong lakad! Teka saan pala kayo galing?" si Tita Sanae
"Ah, nagpasama lang po ako Kanade para magpadala ng pera kina Nanay!"me
"Ah, Musta naman ang Nanay mo?"
"Okay naman po!"
"Teka mommy? Saan ka po pupunta?"
"Ahh, may trabaho pa ko! Kailangan kumayod anak! Magka-college na Kuya mo eh kaya dapat mag-ipon tayo!"
"Ahh, huwag niyo pong pabayaan ang sarili niyo!"

Nag-usap sila mag-Nanay. Medyo matagal-tagal rin silang nag-usap ng Nanay niya.

"Salamat Nak, O siya! Mauuna na ako at baka mahuli pa ako!"
"Sige po Mommy! Ingat po!"
"Ingat po Tita!"
"Sige, nag-ingat rin kayo!"

Agad kaming naghiwalay ng landas ng Nanay ni Kanade.

"May trabaho Nanay mo kahit pagabi na?"
"Ah, Natanggap kasi siya sa call center! Alam mo namang madiskarte yang si Mommy kaya papasukin niya kahit anong trabaho para sa amin! At saka kami na lang ngayon kasi wala na si Daddy kaya todo kayod!"
"Ahh"
"Hoy, Bakla! Samahan mo muna ako?"
"Saan? Di ba babalik pa tayo ng cafe! Ano ka ba! May shift pa tayo!"
"Sige na Girl! Inutusan kasi ako ni Mommy na bumili ng grocery sa bahay! Hindi kasi siya nakapamalengke dahil sa ibang ibang raket niya!"
"Eh, bakit hindi pagkatapos ng shift?"
"Eh hindi pwede eh! sabay kaming uuwi ni Takahiro mamaya at saka isa pa baka magalit pa sa akin si Kuya dahil wala kaming kakain mamaya!"
"Oh sige na nga! Tara na! Bilisan na lang natin! Mag-aalas sais na! Ang tagal na natin ewan ko na lang kung hindi tayo mapapagalitan ni Yahiro nito!"
"The best ka talaga!"
"Oo na! Bilisan na lang natin!"

Agad kaming nagtungo sa pinakamalapit na store. Pumasok kami ng store agad. Bumili si Kanade ng grocery habang nakasunod lang ako sa kanya. Sa totoo lang, habang namimili si Kanade ay hindi pa rin mawala sa isip ko ang kalagayan ni Tatay sa probinsiya. Iniisip ko kung anong gagawin ko para matulungan sila Nanay na mabayaran ang gastos sa ospital at gamot ni Tatay. Para akong maiiyak, ha ang iniisip ang kalagayan nila sa probinsiya. Hindi ko na lang ipinahalata kay Kanade dahil baka mag-alala pa siya. Nagpatuloy kami sa pagbili ng mga grocery ni Kanade.

"Girl, anong pwedeng lutuin sa hapunan? Yung madali lang gawin?"
"Bakit mo natanong?"
"Girl, Wala akong talent sa pagluluto no! Pritong galunggong lang kaya ko! Nasanay kasi akong si Mommy ang nagluluto at saka minsan si Kuya tapos dahil ngayon ay may trabaho si Mommy sa call center, salitan kami ni Kuya!"
"Ahh, Pwede na yang pritong galunggong! Gawin mo na lang eskabetche!"
"Talino mo girl! Hoy, pag may pagkakataon! Paturo naman akong magluto sa'yo!"
"Dahil gusto mong lutuan si Takahiro?"
"Tss. Hindi no! Sinong may sabi sa'yo? Gusto kong matuto para naman hindi puro pritong galunggong ang ulamin namin kapag hapunan!"
"Tss, Huwag kang defensive! Nagtatanong lang!"
"Basta ah! Paturo ako!"
"Oo na!"
"Teka, maiba muna tayo girl! Sabi ni Mommy ay kung gusto mo raw ay pwede ka daw niyang hanapan ng raket para naman ay kahit papaano ay makatulong daw sa pamabayad sa ospital ng Tatay mo!"
"Ah, sinabi mo sa kaniya?"
"Aba, Oo naman no Gaga! Kilalang-kilala ka ni Mommy kaya siyempre dapat niya ring malaman!"
"Anong raket ba yan ah?"
"Huwag kang mag-alala babalitaan na lang kita kapag meron! Hoy kapag go ka ay sama ako! para matulungan rin kita at saka dagdag allowance na rin pambili ng K-drama collection ko!"
"Tss. Oh sige! Salamat ah! Sabihin mo kay Tita! Salamat!"
"Pasalamat ka at mahal ka namin ni Mommy!"
"Tss. Oo na! Baka manumbat ka pa eh!"
"Tss. Oh siya! Babayaran ko muna to para nakabalik na tayo!"

Agad siyang naglakad papunta sa counter at saka binayaran ang pinamili niya. Habang nagbabayad siya ay naglibot muna ako sa loob ng store. Sa totoo lang, ginawa ko lang yun para ilabas ang lungkot na nararamdaman ko dahil sa nangyari kay Tatay. Wala ako don para man lang makita siya at madalaw. Ang mas malala ay ang laki ng babayaran sa ospital. Pumunta ako sa isang sulok ng store at saka naiyak. Bigla lang bumagsak ang luha ko ng hindi ko namamalayan. Pinunasan ko agad ang mga luha ko pero kulang ang mga kamay ko para mapahiran lahat. Pinunasan ko ulit ang mga luha ko pero parang bumagsak lang siya ng bumagsak.

"Kira? Girl? Nasaan ka? Hide and seek lang Ang peg te?

Pagkarinig ko kay Kanade ay agad kong pinunasan ang mga luha ko at saka pinilit na patigilin ang pagluha ng mga mata ko. Pinunasan ko ang mga mata at saka ngumiti na parang walang nangyari. Agad akong nagpunta kay Kanade.

"Ang tagal mo naman!"
"Wow, te! Ang bilis kaya! Ikaw lang yung kung saan nagsususuot!'
"Tss. So ano Tara na?"
"Teka girl! Okay ka lang?"
"Oo, bakit?"
"Namumula kasi yang mga mata mo!"
"Tss. Wala to, napuwing lang! Ito naman! Tara na! Baka mapagalitan pa tayo! Malapit ng mga 7 pm Gaga!"
"Wow, grabe naman ang pagkapuwing na yan! Dalawang mata talaga?"
"Tss. Napuwing nga lang yan! Tara na! Mahigit isang oras na lang ay magko-close na tayo!"
"Oo na, sabi ko nga eh! Tara na!"

Agad kaming lumabas ng store habang dala-dala ni Kanade ang pinamili niya. Binilisan namin ang paglalakad namin. Iilang minuto pa ay dumating na kami sa cafe. Medyo hinihingal pa kami kaya binagalan na namin ang paglalakad namin dahil medyo malapit na naman kami.

"Girl, Di ba siya yung lalaking kaeksena mo kanina sa telenovela niyo?"
"Tss!"

Putakteng Peste! Siya na naman?

Napatingin ako sa lalaking tinuturo ni Kanade. Si Naoya ay papalabas ng cafe na nagmumuktol na parang ewan habang dala-dala yung supot na binigay niya sa akin kanina.

"Ano na namang ginagawa niyan dito?"
"Baka hinahanap ka ulit!"
"Tss, ako talaga? di pwedeng kumain lang o uminom?"
"Eh, ano ba kasi? Ang ba kasing nangyari kanina ah! Anong sabi niya sa'yo kanina! Pa mysterious effect pa kasi kayong dalawa eh!"
"Wala nga! At saka malay ko ba kung anung ginagawa niyan dito!"
"Tss. Alam mo Bes! Nagdududa na ako! Ang weirdo niyo parehas! Jowa mo yan no?"
"Gaga! Hindi no! Kakikilala ko lang sa ungas na yan! Hindi ko nga alam kung anong ginagawa niya kanina dito! Yun pala mangungulit lang!"
"Mangungulit na ano?"
"Tss. Wala! Nangungulit na bantayan yung apartment niya habang wala siya ganoon!" I lied
"Huh? Ganoon lang? Eh bakit bumalik pa yan dito!"
"Kasasabi ko lang di ba na baka kumain lang o uminom!"
"Hay Ewan ko sa'yo! Hindi pa rin ako naniniwala! Pagkatapos ng eksena kanina! Feeling ko may something eh! Ano ba kasing sinabi niyan kanina sa'yo ah? Nagconfess ba?"

Tss. Parehas lang kayong makulit eh.

Iilang sandali pa ay bigla kong naalala yung pag-uusap namin kanina.

Hindi madali tong pinagdadaanan ko ngayon you know? Kung problema mo ay pera pwes sweswelduhan kita magpanggap ka lang na girlfriend ko hanggang sa makahanap ako ng totoong girlfriend ko

Biglang sumulpot ang mga katagang yun sa utak ko.

Hindi Kira! Hindi! Hindi ka pwedeng madawit ulit sa lalaking yan.
Pero sinabi niyang sweswelduhan niya ako di ba?
Teka, Hindi Tama eh! Hindi Kira! Huwag kang magpapaloko
Paano na yung pera sayang yun! Malaking tulong na rin yun para sa pamabayad ng ospital ni Tatay pati na gamot niya.
Huwag mong ipagpalit yung dignidad mo Kira para sa pera.
Pero hanggang sa makahanap lang naman siya ng totoong girlfriend di ba? Para to kay Tatay.
Tama kaya to?
Pero kapag binawela ko lang ay baka matagalan pa ako para maghanap ng 40000 para kay Tatay.
Magbabayad naman daw siya di ba?

Naguguluhan na ang utak ko kong tatanggapin ko yung alok niya kanina sa akin. Sa totoo lang, ayoko talagang tanggapin pero kapag naiisip ko ang kalagayan ni Tatay ay maiisip ko na lang na para to sa kanya. Para sa pamabayad sa ospital at gamot niya. Malaking tulong to para naman ay maging maayos ang kalagayan ni Tatay pati na rin si Nanay at Bunso.

"Hay, bahala na nga!"
"Anung bahala na nga? Okay ka lang girl?"
"Ah, eh! Oo! Mauna ka na sa loob! May gagawin lang muna ako!"
"Anong gagawin mo? Kakausapin mo?"
"Hindi!"
"Eh anong gagawin mo?"
"Bibigwasan ko at babatukan!"
"Gaga! O siya! Mauna na muna ako sa'yong pumasok medyo mabigat rin pala tong mga dala ko! Huwag mong saktan sayang yung kagwapuhan"
"Pasensya na lang siya kapag hindi talaga ako makapagpigil!"

Pumasok ng cafe si Kanade at Ako naman ay naiwang nakatayo habang nakatanaw kay Naoya. Naglalakad siya papunta sa kotse niya. Binuksan niya ang pinto ng kotse niya at saka inilagay ang supot na dala-dala niya. Sa totoo lang, nagdadalawang-isip akong tanggapin yung alok niya pero kailangan kong gawin para kay Tatay. Napabuntong-hininga na lang ako at saka naglakad papalapit sa kanya.

Bahala na nga!

Naglakad ako papalapit sa kanya at sumigaw.

"Hoy,!"

Bingi ba siya? Sana matuluyan!

Inulit ko ang pagtawag ko sa kanya para marinig niya.

"Hoy!"

Inulit ko ulit ang pagtawag. Nairita ako dahil hindi pa rin niya narinig yung pagtawag ko. Sumigaw ako ulit.

"Hoy, Naoya!"

----

THANKS FOR READING!!!
DON'T FORGET TO SHARE, VOTE AND COMMENT!!!

Get in touch with your author and his works by checking out his social media accounts:
Twitter: writeful_bunny
Facebook Page: Writeful Stories
Wattpad: writeful_bunny

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro