Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

COFFEE FIFTEEN

**FRAPUCCINO: MILKY CIRCUMSTANCES**

Kira's Point of View:
Ilang araw na rin ang lumipas simula nung nagtrabaho ako sa restaurant ng Uncle ni Kaede na Kitchen's Diner. Pagkatapos mismo ng shift ko sa cafe ay diri-diritso na ako sa restaurant para simulan ang shift ko. At dahil may shift ako sa restaurant, kailangan i-adjust ang shift ko sa cafe kaya mas maaga ang shift ko sa cafe. Pagkatapos ng klase ay diri-diritso na ako sa cafe para sa shift ko. Sina Kanade, Kaede, Takahiro at Yahiro lang ang nakaka-alam ng lahat. Utang na loob ko sa kanila to kasi pinayagan nila ako sadyang kailangan ko talaga ng pera para Kay Tatay. Sinabihan ko rin sila na huwag nilang sabihin Kay Sakuragi. Hindi naman siguro kailangan pa na malaman niya.

Nung unang gabi ko sa pagtatrabaho sa restaurant ay okay naman dahil tinuruan ako ng mga senior waiters namin doon. At saka meron na rin akong background being a waitress kaya medyo madali lang akong nakapag-adjust sa work. Mabait rin ang mga kasamahan ko kaya hindi ganoong mahirap. Ang medyo mahirap lang ay yung pagtulog ko kasi natatapos na ang shift ko ng madaling-araw kaya kulang ako ng tulog kaya after ng shift ay umuuwi na lang ako para magbihis para sa school tapos doon na ako natutulog sa classroom.

Kaso nga lang masama ang gising ko dahil mukha ni Sakuragi ang parati kung nakikita kapag nagigising ako. Ewan ko ba sa ugok na yun at bakit sinasadya niyang maaga pumunta sa school. Ang sarap niya ngang piktusan eh. Siguro para bwisitin ako at gambalain ang pagtulog ko.

Dahil nga sa trabaho ay hindi maiwasang mapagod at mapuyat. Ikaw ba namang halos isang gabi kang gising kakatrabaho. Hindi kalaunan ay naramdaman ko na ang pagsakit nga katawan ko. Five days had passed at naramdaman ko na ang pagod at puyat sa katawan ko. Madaling araw papauwi na sana ako ay biglang naramdaman ko ang panghihina ng buong katawan ko. Yun bang gusto ko na lang mahiga dahil parang sobrang init ng katawan ko. Pagpasok ko sa unit ay agad akong humiga sa may kama ko. Dahil parang giniginaw ako. Pinakiramdaman ko muna ang sarili ko. Iilang oras pa ay bumangon na ako mula sa kama para maghanda para pumasok. Pagkabangon ko ay para akong nahihilo at nahihirapan ako sa pagtayo. Dahil masama talaga ang pakiramdam ko ay napagpasyahan ko na lang na hindi pumasok. Bago ako bumalik ng kama ay kumuha muna ako ng gamot sa cabinet na nasa ibabaw nga sink. Pagkatapos kong uminom ng gamot ay bumalik na ako ng kama.

Bwisit na lagnat.

Natulog ako para naman makapagpahinga at bumaba ang lagnat ko. Nakahiga lang ako sa may kama. Iilang oras ang nagdaan ay nagising ko dahil sa pagtunog ng phone ko na nakalagay sa may mesa katabi ng kama. Agad ko iyong kinuha. Tawag iyong mula kay Kanade. Agad ko namang sinagot.

"Bakla? Buti naman at buhay ka pa! May nangyari ba? Absent ka kasi eh." sabi ni Kanade na nakakarindi dahil sa sobrang taas
"Sandali lang bakla, i-la-loud speaker ko muna para magkarinigan tayo ng maayos." dagdag pa niya
"Master, absent ka ata?" pambungad ni Yuuto
"Nagpapahinga lang ako dito sa bahay." sagot ko na medyo mahina ang boses
"Bakit ganyan ang boses mo girl? Okay ka lang?" tanong ni Kaede
"May lagnat ako. Nagpahinga muna ako instead na pumasok." sagot ko na medyo walang boses
"Yan na nga ba sinasabi namin sa'yo bakla ka. Ayoko munang magsermon pero girl, magpahinga ka ng maayos para maging okay ka." ani ni Kanade gamit ang sobrang taas ng boses na siyang dahilan para ilayo ko saglit ang phone ko sa tenga ko
"Ano kita? Nanay?" sagot ko
"Suplada!"
"OA."
"Girl, magsabi ka sa susunod ha kung aabsent ka, hindi yung para kang bula na bigla-biglang nawawala." ani ni Kaede
"Oo na." sagot ko
"Uminom ka na ba ng gamot, Kira?" tanong ni Natsuo
"Oo, kakainom ko lang ng gamot." sagot ko naman Kay Natsuo
"Oh siya, magpahinga ka na muna para mawala yang lagnat mo. Sayang tuloy wala kaming mapagtripan ngayon." ani ni Kanade
"Tss. Iba na lang pagtripan niyo huwag ako." ani ko

Yun ba talaga role ko? Ang pinagtritripan? Hay ewan.

"Oh siya, magpahinga ka na girl. Pagaling ka!" ani ni Kaede
"Get well soon, Master!" sabi ni Yuuto

Pagkatapos ng tawag na iyon nagpatuloy ako sa pagpapahinga at pagtulog ko. Dahil siguro rin sa puyat plus itong putang*nang lagnat pa ay hindi ko namalayang nakatulog ako agad-agad. At nung nagising ako mula sa pagtulog ko ay halos hapon na. At paggising ko pa ay ramdam ko pa rin ang pagsakit ng buong katawan ko. Agad kong nilagay ang kamay ko sa may noo ko para alamin kung wala na ba akong lagnat pero sa kasamaang palad ay umaapoy pa rin ang noo ko at pawis na pawis. Nakaramdam rin ako ng gutom dahil nga hapon na ako ng nagising. Dahil dun ay sinubukan kung tumayo para naman pumunta sa kusina at maghanap ng makakain.

Hinawi ko ang kumot at saka ko sinubukang tumayo ng dahan-dahan. Medyo mabigat man sa pakiramdam ay sinubukan kong tumayo. Pagtayo ko ay halos lahat ng makita ko ay umiikot kaya napahawak na lang ako sa mismong pader at yun ang naging tulog para makapunta ako papunta sa may kusina. Habang dahan-dahan naglalakad ay nakahawak lang ako sa pader. Habang naglalakad ay hindi ko mapigilang pumikit dahil lahat ng makita ko ay umiikot. Pagkarating ko sa kusina ay binuksan ko ang mga cabinet para maghanap ng pwedeng kainin pero halos lahat ng cabinet ay walang laman.

Napagpasyahan ko na lang na para maibsan ang gutom ko ay bibili na lang ako sa labas ng pwedeng kainin. Nakatingin ako sa may kwarto ko dahil andoon ang purse ko. Napabuntong-hinga na lang ako bago ako dahan-dahan na umusad ulit pabalik sa kwarto. Mga pader, lamesa at upuan ang naging gabay ko para makapaglakad. Dahil kapag hindi ako nakahawak sa mesa, upuan habang naglalakad ay pakiramdam ko na matutumba lang ako. Pagkarating ko sa kwarto ay agad kong kinuha ang pitaka at jacket. Nagsuot na rin ako ng mask. Pagkatapos ay dahan-dahan naman akong naglakad papunta sa may pintuan.

Dahil sa lagnat ay hindi ko maiwasang manghina. Yun bang nanghihina ang mga paa ko pati na buong katawan ko. Sobrang nagpapawis rin ako. Pakiramdam ko ay sobrang init pero sobrang ring ginaw. Mahirap rin na huminga ng maayos. Habang nasa pintuan nako ay naramdaman kong nanginginig ang mga paa ko. Wala akong lakas na lumabas pero kailangan. Inabot ko ng dahan-dahan ang doorknob. Pagbukas ko ng pinto ay may lalaking andoon na hindi ko masyadong ma-aninag.

Naoya's Point of View:
Hindi ko alam kung bakit pero parang kusang tumayo ang katawan ko at agad na tumakbo papalabas ng classroom pagkatapos ng hauling klase namin.

"Mauuna muna ako sa inyo dre. Ingat kayo!" ani ko na para bang kusang lumabas yun sa bibig ko.

Pagkalabas ko ng classroom ay agad akong dumiritso sa parking lot ng school. Sumakay agad ako sa kotse na dala ko at humarurot papaalis ng school. Hindi ko alam kung bakit pero may kung ano sa dibdib ko na hindi ko maintindihan. Para bang may nag-uudyok sa akin na puntahan si Sungit. Habang nagmamaneho ay napadaan ako sa isang convenient store. Itinabi ko ang kotse at saka bumaba. Dumiritso ako agad papasok ng store at ang una kong pinuntahan ay ang pharmacy. Bumili ako ng gamot para sa lagnat, pati na rin gamot para sa ubo at sipon. Pagkatapos ay dumiritso naman ako sa may mga pagkain. Pumili ako ng pwedeng kainin ni Sungit. Kumuha ako ng mga prutas at saka mga biscuits. Bumili rin ako ng pwedeng maluto na pagkain yung mabilis lang. Pagkatapos kung bayaran ang lahat ng pinamili ko ay dumiritso na rin ako agad sa kotse at nagmaneho papunta sa unit ni Sungit.

Pagdating ko sa may labasan ng unit ni Sungit ay agad kong kinuha ang pinamili ko at saka agad na umakyat sa ikalawang palapag kung saan ang mismong unit ni Sungit. Nung nasa pintuan nako ay kakatok na sana ako ng biglang bumukas ang pintuan at iniluwa nito si Sungit na nakasuot ng jacket at naka-mask. Nanghihina at halatang hindi pa okay. Pawis na pawis rin siya at halos hindi makatayo ng maayos. Papabagsak na sana siya sa sahig ng agad ko siyang sinalo.

"Hoy, Sungit. Okay ka lang?" tanong ko

Nung hawak-hawak ko si Sungit ay ramdam ko ang lagnat niya dahil sa mainit siya.

"Ang init mo, Sungit. Bakit ka ba kasi andito. Dapat andoon ka sa kama mo at nagpapahinga." ani ko sabay pumwesto sa may gilid niya.

Agad kong kinarga si Sungit sa mga kamay ko habang dala-dala ang mga pinamili ko para sa kanya. Agad kong dinala si Sungit pabalik sa kwarto niya. Pinahiga ko siya ng maayos sa kama niya. Hinubad ko muna ang jacket niya at saka ko siya kinumutan. Inilagay ko ang kamay ko sa may noo niya ulit para alamin kung gaano kagrabe ang lagnat niya. Nung paglagay ko na ay para akong mapapaso dahil sa sobrang init ni Sungit. Agad akong tumayo at saka kumuha ng malinis na planggana at kumuha ng maligamgam na tubig. Kinuha ko rin ang panyo ko at saka binasa iyon ng tubig. Pagkatapos ay piniga ko ang panyo at saka ko pinunasan ang mga kamay at paa ni Sungit para malamigan. Pinunasan ko rjn ang pawis niya at saka binasa ulit at piniga. Inilagay ko iyong naman sa noo ni Sungit. Nung parang komportable na si Sungit ay saka ako lumabas sa kwarto ni Sungit at naghanda ng pwedeng makain ni Sungit para makainom siya ng gamot pagkatapos.

Naghiwa ako ng mansanas at nagluto rin ako ng lugaw na pwedeng kainin ni Sungit gamit ang mga pinamili ko. Habang naghahanda ng makakain ni Sungit ay sumisilip rin ako sa kwarto niya para tingnan kung okay lang siya. Hay ewan ko ba kasi sa kanya, ang hilig pabayaan ang sarili pero kapag nagkasakit naman ay nag-iisa. Napabuntong-hinga na lang ako. Pagkatapos kong maghanda ng pagkain ay agad ko itong dinala sa may kwarto ni Sungit pati na rin ang gamot niya. Inilapag ko ang mga iyon sa may mesa katabi ng kama niya. Ginising ko na rin si Sungit para makakain siya at makainom ng gamot.

"Sungit, Kumain ka muna." tawag ko sa kanya

Minulat ni Sungit ang mata niya at saka tumingin sa may gawi ko na para bang hindi makapaniwalang may tao sa apartment niya.

"Sakuragi? Bakit ka andito...(cough)(cough)?". tanong niya
"Seryosong tanong ba yan, Sungit?" tanong ko pabalik
"Tss." singhal niya sabay dahan-dahang pumwesto ng nakaupo sa kama niya
"Andito ako kasi nag-aalala ako, okay? At kung hindi pa ako nagpunta dito ay hindi ko alam kung saan ka pupulutin, saan ka naman pupunta sana kanina?" seryosong tanong ko
"Lalabas. Bibili ng pagkain sana. (cough)." sagot niya
"Ewan ko sa'yo. Ang mga may sakit ay hindi na sana nagsisilabas para hindi mapano." seryosong sabi ko
"Paano naman ako kakain abir? Hindi ako mamatay sa sakit kundi sa gutom pag ganoon. Ulol." ani niya
"Suplada mo rin eh no kahit may sakit ka at saka, andito ako. Ako ang mag-aalaga sa'yo. Hangga't ako ang boyfriend mo, pwede mo akong utusang bumili ng pagkain mo o kahit pa ano iutos mo susundin ko" seryosong sabi ko
"Tss. Huwag ka ngang feelingero, hindi bagay sa'yo ungas!" ani niya
"Tss. Kita mo namang seryoso yung tao, binabasag mo." sagot ko
"Ayokong maging seryoso ka, maging Sakuragi ka na lang para astig." sabi niya
"Ewan ko sa'yo. Oh kumain ka muna para makainom ka na ng gamot." sabi ko sabay akmang susubuan si Sungit
"Ikaw nagluto niyan?" tanong niya
"Bakit? May iba ka pa bang boyfriend maliban sa akin?" tanong ko
"Tss. Fake hoy! Ambisyoso mo." ani niya
"Tss. Bumili na rin pala ako ng prutas at gamot mo. Sobra natong effort ko oh tapos ide-deny mo pang hindi mo ako boyfriend?" sabi ko
"Tss. Walang nag-utos sa'yo na mag effort ka no. Engot."
"Eh gusto ko eh para sa girlfriend ko."
"Che. Ewan ko sa'yo."
"Oh, Kumain ka na lang." ani ko at sinubo ulit kay Sungit ang lugaw
"Ako na. kaya kong pakainin sarili ko." sabi niya
"Alam ko Sungit na kaya mo pakainin mo sarili pero kahit ngayon lang, hayaan mo ako na mag-aalaga sa'yo. At saka huwag kang mag-alala, walang lason to." seryosong sabi ko
"Ako na, Sakuragi" pagdadalawang-isip ni Sungit
"Ako na, Sungit. Okay? Huwag ng masyadong mapilit. " seryosong sabi ko

Natahimik si Sungit dahil dun. Hinalo ko muna ang lugaw para medyo lumamig ng kaunti at kumuha ng isang kutsara. Hinipan ko iyon at saka ko sinubo kay Sungit. Halatang nagdadalawang-isip si Sungit na sumubo dahil siguro awkward para sa kanya o ano. Ilang saglit pa ay dahan-dahang lumapit si Sungit at kinain ang lugaw na sinubo ko sa kanya.

"Alam mo Sakuragi, mali ata ng landas ang binaybay mo. Dapat chef ka sana mas bagay sa'yo kaysa maging adik. (cough)." ani ni Sungit
"Tss. Hindi ako magaling magtulo no at saka natutunan ko lang ang magluto Kay Manang Ruka. At saka sabi ko di ba na kapag ako boyfriend mo, handa akong maging doctor, chef o kung ano mang propesyon pa yan para sa'yo." ani ko sabay
"Tss. Alam mo, nakakainis at nakakabwisit kapag ang ki-cringe nga pinagsasabi mo. Gusto mo masampulan?" ani niya
"As if kaya mo, tingnan mo nga kalagayan mo Sungit may sakit ka oh." sabi ko
"Teka, kumusta pala sa GIS? Anong balita? Lalo na yung Kay Agnes mo?" tanong ni Sungit
"Okay naman, Tinulungan ko siya sa council works nila para sa Grande Days. Okay naman at saka mabait naman si Agnes." sabi ko
"Ayos yan, makakajackpot ka na rin." sabi ni Sungit sabay kain ng lugaw
"Bakit nga ba si Agnes pinag-uusapan natin? Huwag mo na siyang alalahanin pa. Magpagaling ka na lang." sabi ko
"Hala. eh di ba, babae mo yun? Tapos ayaw mo pag-usapan? Gago ka ba?" tanong ni Sungit
"Tss. Pero mas nauna ka." seryosong sagot ko
"Anong naunang pinagsasabi mo?" tanong niya habang nakataas ang kilay
"Ikaw ang naunang naging babae ko. At sa'yo rin ako nagtagal." sagot ko sabay ngiting tagumpay
"Maghunos-dili ka nga. Kadiri ka." ani niya

Natawa na lang ako habang sinusubuan si Sungit. Iilang minuto pa ay natapos na ring kumain si Sungit. Inilapag ko ang plato sa may mesa sa gilid ng kama niya at kinuha ang gamot at tubig at saka ibinigay yun sa kanya.

"Oh ito, inumin mo tong gamot para mawala ang lagnat mo" ani ko sabay abot ng gamot at ng isang basong tubig

Kinuha ni Sungit ang gamot at ang isang basong tubig at saka ininom ang gamot. Pagkatapos niyang inumin ang gamot ay inabot niya ulit sa baso na inilagay ko pabalik sa mesa.

"Sungit, bago ka matulog ulit. Punasan mo natin yang katawan mo at saka magbihis ka na rin. Kukuha muna ako ng pwede mog pampunas." ani ko sabay kumuha ng panyo sa bag ko at saka kumuha na rin ako ng maligamgam na tubig na nakalagay sa isang maliit na planggana

Binasa ko ang panyo at binabad sa tubig bago ko piniga ng maayos. Umupo ako sa may kama ni Sungit na yun bang nakaharap ako sa kanya. Nakatingin lang din sa Sungit sa akin para bang pinagmamasdan kung ano ang ginagawa ko.

"Akin na kamay mo." utos ko
"Bakit?" tanong niya
"Ako na magpupunas." ani ko sabay kuha ng kamay niya

Pinunasan ko ang kamay ni Sungit gamit ang panyo na binasa at piniga ko. Tahimik lang siya habang pinupunasan ko ang kamay niya. Pagkatapos ng kaliwang kamay ay pinunasan ko naman ang kanang kamay niya.

"Oh ayan, maghubad ka para mapunasan yang katawan mo." ani ko
"Gusto mong bigwasan kita Sakuragi? Kahit may sakit ako kaya pa kitang batukan." sabi niya
"Tss. Sige nga. Bigwasan mo nga ako, kung kaya mong gawin tanong nag-aalaga sa'yo?" sabi ko sabay pang-iinis sa kanya
"Bwisit ka. Hindi ko maghuhubad sa harap mo no, manyakis!" sabi niya
"Ulol, Wala akong sinabi na ngayon ka maghubad habang nasa harap mo ako." ani ko sabay pitik sa may noo niya
"Tss. Ang sakit nun, Engot ka." sabi niya sabay hawak sa noo niya
"Hawiin mo muna yang damit mo para mapunasan ko ang likod mo." utos ko
"Tss. Ganito kaba talaga ka manyak ha Sakuragi?"
"Anong manyak, Sige nga, punasan mo likod mo kaya mo?" tanong ko
"Tss. Peste ka." sagot naman niya
"Peste pero crush mo." ani ko
"Gonggong. Ambisyoso!" sagot niya
"Huwag kang mag-alala Sungit kasi yung crush mo ay naging boyfriend mo na kaya solong-solo mo." ani ko
"Ungas."
"Suplada!"
"Manyakis"
"Oo manyakis ako pero kapag Ikaw lang ang kaharap ko." sabi ko sabay pang-iinis sa kanya Lalo
"Bwisit ka!"
"Oh siya, hawiin mo na yang damit mo sa may likuran para mapunasan ko yang likod mo." utos ko
"Tss. Oo na. Kung maka-utos Akala mo Tatay ko." pagdadabog niya
"Anong Tatay? Baka future Tatay ng anak mo." pang-iinis ko ulit
"Ge. Managinip Ka ng gising ungas!" sabi niya

Tumayo ako at pumwesto sa may likuran ni Sungit para punasan ang likod niya. Dahan-dahan naman na hinawi ni Sungit ang damit niya lalo na sa may likod niya. Habang hinahawi niya iyon ay napalunok na lang ako ng masilayan ko ang kulay puti na bra ni Sungit.

"Akalain mong baby bra pa gamit mo Sungit?" pagbibiro ko
"Peste Kang manyakis ka. Anong baby bra. Bra yan na tunay. Eh kung bigwasan kita?" singhal niya
"Eh di ba kasi puti ang baby bra usually kaya Akala ko baby bra." sabi ko
"Tss. Punasan mo na nga lang yang likod ko. Bwisit ka." singhal niya ulit.
"Oi, pikon dahil nalaman kong baby bra pa ang suot niya." pagbibiro ko ulit
"Tss. Eh kung piktusan kita? Peste ka talaga." singhal niya
"Huwag kang mag-alala, secret lang yan natin. Haha" ani ko
"Tss. Tukmol." ani niya
"Pero seryoso Sungit. Bakit ka nga ba nagkasakit? Ano bang pinaggagawa mo?" tanong ko
"Wala ka na don." maikling sagot niya
"Ayan ka na naman, Sungit eh. Alam mo mas nakakainis yang sinosolo mo lahat. May mga kaibigan ka namang pwede mong kausapin at mahingan ng tulong. Andito rin ako. Bakit kailangan mong sarilinin lahat?" seryosong tanong ko
"Bakit? Kapag sinabi ko ba sa'yo? May magagawa ka?" seryosong tanong niya na siyang dahilan para matigilan ako ng saglit
"Depende. Bakit? Ano ba kasing meron?" maikling sagot ko
"Wala ka na don."
"Sungit naman eh."
"Bakit ba napakakulit mo?"
"Ayaw mo kasing sabihin."
"Tss. Fine. May extra akong work okay? Aside sa cafe, may work ako pagkatapos ng shift. Kailangan kong nagtrabaho." seryosong sagot niya
"Kaya ba maaga kang umaalis sa classroom at sa cafe. Saan ba yan at bakit?" tanong ko ulit
"Oo kailangan kung maagang umalis para Hindi ako mahuli sa trabaho, sa restaurant na ang nagmamay-ari ay ang uncle ni Kaede." sagot niya
"Bakit kailangan mo ng isa pang trabaho?" tanong ko na naging dahilan para matahimik ng saglit si Sungit
"Sabihin na nating kailangan ko talaga yun para sa personal kong pangangailangan. At ang dahilang yun ay hindi mo maiintindihan kelan man." ani niya

Habang binibigkas niya ang mga katagang yun ay naramdaman ko ang pag-iba ng timpla ni Sungit. Ayoko naman na ipilit sa kanya na sabihin sa akin ang lahat dahil sino ba naman ako para kailangang malaman ko ang lahat na kung ano man ang nangyayari sa buhay niya.

"Hindi kita kukulitin sa kung ano man yan pero Sungit, huwag mong pabayaan yang sarili mo. Hindi porket kailangan mong magtrabaho ay aabusuhin mo katawan mo." seryosong sabi ko
"Tss. Oo na." singhal niya
"At saka, huwag mong kalimutan na kapag may problema, o ano pa yan, andito ako, andito kami ng mga kaibigan mo. Isang text o tawag mo lang ay andiyan kami agad." seryosong sabi ko
"Tss. Hindi bagay sa'yo maging seryoso ungas." ani niya
"Tss. Ako na nga tong nagmamagandang loob eh." ani ko
"Tss. Ewan ko sa'yo."

Nagpatuloy ako sa pagpunas ng likod ni Sungit. Hinawi ko ang buhok niya para mapunas ko rin ang batok niya. Pagkatapos kong punasan ang likod ni Sungit ay tumayo ako at inilagay sa may sink ang planggana. Inayos naman ni Sungit ng damit niya pero napansin ko na pinagpapawisan si Sungit.

"Sungit, magbihis ka muna, pinagpapawisan ka masyado oh. Asan ba dito ang mga damit mo?" tanong ko
"Andiyan sa may cabinet. Huwag mong subukang gumawa ng kalokohan Sakuragi. Iuumpog talaga kita diyan sa may cabinet." singhal niya
"Kukuhanan lang kita ng gamit pero kapag may panty ka dito na magustuhan ko ay baka tangayin ko at dalhin ko sa condo. Gagawing kong remembrance." ani ko hanggang sa binato ako ng unan ni Sungit
"Subukang mo talaga, Sakuragi. Makakatikim ka talaga." ani niya
"Biro lang yun, okay? Namamato ka naman agad."
"Eh manyakis ka eh. Gusto mo ipagkalat ko na manyakis ang idol nila?" pangbablack mail niya
"Sige gawin mo. Ipagkakalat ko lang rin naman na Ikaw lang ang minamanyak ko." sagot ko
"Peste ka!"
"Suplada ka!"
"Gago."
"Basagulera!"
"Tss. Kuhanan mo na nga lang ako ng damit at huwag mong susubukang gumawa ng kababalaghan." masungit niyang sabi
"Oo na. KJ!"
"Tss. KJ mong mukha mo." sagot niya
"Anong damit ba ah?" ani ko sabay tiningnan ang mga damit ni Sungit. Iilang sandali pa ay napansin ko ang jersey ko na sinuot niya nung naglaro kami ng basketball. Naka-hanger yun sa loob ng cabinet niya.
"Na sa'yo pa pala to Sungit? At Wala kang planing isauli?" dagdag ko sabay itinaas ng naka-hanger na jersey
"Tss. Isusuli ko sana yan, ungas kaso naging busy sa trabaho kaya nakalimot ko." sagot ni Sungit
"Isusuli o gusto mong gawing remembrance?" tanong ko na may panunukso
"Eh kung saktan kitang ungas ka? At saka tutal andito ka na rin lang dalhin mo na lang yan bago ko makalimutan" singhal niya
"Huwag na. Baka maging pa ang loob mo." ani ko
"Ano?"
"Ang sabi ko, huwag na, sa'yo na lang to at saka bagay rin naman sa'yo. At saka ito na lang rin suotin mo." ani ko sabay abot nung jersey sa kanya.
"Magbihis ka na. Sa labas lang ako ha." dagdag ko pa bago nagtungo sa labas ng kwarto ni Sungit na dala-dala ang pinagkainan ni Sungit. Sinarado ko ang pinto ng kwarto ni Sungit pagkatapos baka kasi akalain niya na minamanyak ko siya.

Habang nagbibihis si Sungit ay dumiritso ako sa may kusina kung saan ko hinugasan ang plato at kubyertos na pinagkainan ni Sungit. Pagkatapos kung manghugas ay bumalik ako sa may kwarto ni Sungit. Kumatok muna ako bago pumasok.

"Sungit? Tapos ka na magbihis?" tanong ko
"Oo. Tapos na. Pwede ka ng pumasok, engot." ani niya na siyang naging hudyat para pumasok ako
"Oh kumusta na pakiramdam mo?" tanong ko
"Mabuti-buti keysa kanina." sagot niya
"Mabuti kung ganoon. Dahil nakakain ka na at nakainom na rin ng gamot ang mabuti pa ay magpahinga ka muna." utos ko at tumango lang rin naman si Sungit
"Alam mo Sungit, masunurin ka rin pala minsan eh no" dagdag ko
"May choice pa ba ako? Eh kung hindi naman ako sumunod kukulitin mo naman ako." sagot niya at saka dahan-dahang humiga sa kama niya
"Mabuti at natuto ka na. Oh Sige na, magpahinga ka na para bumaba pa ang lagnat mo" utos ko ulit sabay check ng temperature niya
"Salamat, Sakuragi." mahinang sabi ni Sungit
"Ano yun, Sungit?" tanong ko kahit dinig ko naman
"Salamat, Sakuragi." sabi niya ulit
"Sorry, sorry. Sobrang hina kasi Sungit eh. Ano uli yun?" ani ko sabay kunyari nililinisan ang tenga ko
"Tss. Ang sabi ko, Salamat, engot!" singhal niya
"Hindi mo rin talaga kayang maging sweet kahit Minsan lang Sungit eh no?" sabi ko
"Paki mo ba?" sagot niya
"Pinaglihi ka ba sa ampalaya o tubig dagat ha?"
"Tss. Hindi nakakatawa, engot."
"Oh siya magpahinga ka para maging okay ka na." ani ko
"Paano ka?" biglang tanong ni Sungit
"Ah.. aalis rin ako kapag nakatulog ka na." sagot ko

Humiga ng maayos si Sungit para makapagpahinga ng maayos. Ako naman ay naka-upo lang sa may silya sa tabi ng kama niya. Patulog na sana si Sungit ng biglang may kumatok sa pintuan ng mismong unit ni Sungit. Napamulat si Sungit at napatingin sa akin na para bang nagulat kasi pareho naman kaming walang inaasahan na pumunta.

"Bakla!!! Buhay ka pa ba?" sigaw ni Kanade na dahilan para manglaki ang mata namin parehas ni Sungit at nagkatinginana kami.
"Bilis Sakuragi, magtago ka!" ani ni Sungit sa akin
"Ha, bakit?" tanong ko
"Gago ka ba, ano na lang iisipin nila na andito ka ng mag-isa." sabi niya
"Saan naman ako magtatago? Hindi naman ako magkakasya diyan sa cabinet mo." ani ko. Napalingon-lingon si Sungit sa paligid na para bang naghahanap ng matataguan ko.
"Sa ilalim ng kama. Bilis." sabi ni Sungit
"Sa ilalim? Sigurado ka ba?" tanong ko na may pagdududa
"Oo at saka huwag ka nang maging maarte. Bilisan mo na bago pa sila makapasok." sabi ni Sungit

Wala akong nagawa kundi nagtago na lang sa ilalim ng kama ni Sungit. Medyo masikip at may mga kahon pa na nandoon pero pinilit Kong magkaya at nagkasya naman. Habang nasa ilalim ako ng kama ay rinig na rinig ko ang mga yabag nina Kanade na papasok na mismo. At dahil hindi lang iisa o dalawa ang yabag na naririnig ko, sure akong sumama rin ang mga ungas na bumisita kay Sungit. Rinig na rinig ko ang pagpasok nila sa mismong kwarto ni Sungit at dahil nga nasa ilalim ako ng kama ay kitang-kita ko rin ang mga paa nila nung nasa harapan na sila ng kama ni Sungit.

"Hoy, bakla. Kumusta ka naman ba ah?" tanong ni Kanade
"Oo nga girl, Akala namin kung anong nangyari sa'yo eh, hindi ka kasi nagtext kaninang umaga." sambat ni Kaede
"Huwag nga kayong OA, may lagnat lang ako at saka nakainom na rin ako ng gamot kaya huwag na kayong mag-alala." sagot ni Sungit
"Kumusta naman pakiramdam mo Kira?" tanong ni Taruki
"Okay naman, kunting pahinga na lang at magiging okay na rin. Medyo bumaba na rin naman ang lagnat ko." sagot ni Sungit
"By the way Kira, we brought you fruits para tuluyan kang gumaling." ani naman ni Natsuo
"Salamat. Teka nga pala, bakit andito nga pala Kay Kanade at Takahiro, Wala bang shift ngayon?" tanong ni Sungit
"Ay huwag kang mag-alala girl, kinausap na namin si Yahiro na baka late kaming pumasok para kumustahin ka at pumayag siya." ani ni Kanade
"Pagaling ka raw, sabi niya." ani ni Takahiro
"Ahh. Ayos ah."
"At saka girl, huwag ka nag mag-alala Kay Uncle ako bahalng magpaalam sa'yo kaya pahinga ka today." sabi naman ni Kaede
"Teka nga pala, Master. Ikaw lang ba mag-isa dito?" tanong ni Yuuto
"Oo. Ako lang mag-isa." sagot ni Sungit
"Ahh okay. Ang weird lang." dagdag ni Yuuto
"Bakit weird?" tanong ni Kanade
"Ngayon lang kasi kami makapunta dito sa unit ni Kira at akala ko may kasama siya sa unit niya." sagot ni Taruki
"Hindi ka ba natatakot na mag-isa ka lang dito, Master?" tanong ni Yuuto
"Hindi naman, mababait naman mga kapitbahay ko at kung may magtangka man ay handa naman akong makipagsagupaan." sagot ni Sungit
"Iba rin kahambugan natin bakla eh no? Tandaan mo girl, may sakit ka ngayon." ani ni Kanade
"Oo nga pala, Taruki, nasaan ba si idol Naoya?" tanong ni Kaede
"Oo nga. Sa pagkakantanda ko ay nagmamadali siyang umalis kanina." ani ni Kanade
"Ah eh. tanong mo dito sa manager niya." sagot ni Taruki
"Ahh. Yeah. He texted me na he will be with his family for a family dinner." sagot ni Natsuo

Habang nasa kalagitnaan sila ng pag-uusap ay nakikinig lang ako sa kanila. At sa totoo lang gusto ko na silang umalis na para makaalis na ako sa kung saan man itong tinataguan ko. Iilang sandali pa ay biglang may sumipa sa paa ko na siyang dahilan para mapausog at mapa-ungol ako dahil sa gulat at sakit.

"Sh*t." sabi ko tapos sabay takip ng bibig
"May sinabi ka ba bakla?" tanong ni Kanade
"Ah oo eh. Sabi ko sh*t. May lamok kasi na dumapo sa akin." sagot ni Sungit

Dahil sa palusot na yun na Sungit ay guminhawa ng medyo maluwag-luwag. Hindi ko rin alam kung sino ang sumipa pero kapag nalaman ko kung sino ay malilintikan talaga. Iilang sandali pa ay dahil sa sobrang sikip ay napilitan akong gumalaw. Pag-urong ko ay nasagi ko ang mga kahon na sadyang katabi ko lang na siyang dahilan para gumawa ng mga ingay. Natigil ako sa paggalaw at pag-urong.

"Ano yun? Naririnig niyo ba yun?" tanong ni Kaede
"Oo nga, bakla." ani ni Kanade
"Girl, sure ka bang wala kang kasama dito?" tanong ni Kaede
"Wala. Ako lang mag-isa." sagot ni Sungit
"Sure ka bakla? Kahit mga you know na, mga floating floating na spirits." ani ni Kanade
"Tss. Eh kung meron man edi sana kinaibigan ko na para tumulong sa gawaing bahay. Huwag kayong OA, mga daga lang yan siguro. " ani ni Sungit

Wait what? Daga? Ang gwapo ko naman para maging daga.

"Oo nga pala bakla, kumain ka na ba?" tanong ni Kanade
"Kakakain ko lang, magpapahinga na nga sana ako bago kayo dumating." sagot ni Sungit
"Nakainom ka na ba ng gamot?" tanong ni Kaede
"Opo, nakainom na rin po." sagot ni Sungit
"Hahystt. Oh siya, para makapagpahinga ka na ng maayos ay mabuti pa at magsi-alisan na muna kami. Magpahinga ka ng maayos ha" ani ni Kanade
"Oo na. Nanay ko!" sagot ni Sungit
"Text mo kami girl ha kung may mangyari man." ani ni Kaede
"Oo ako bahala." sagot ni Sungit
"Pagaling ka Master. Sayang kasi walang episodes ng LASSINGERANG SUNGIT MEETS WEIRDONG IDOL. Ay teka, walang episode? O may namiss lang kami. Hehe" ani ni Yuuto
"Gago ka talaga Yuuto."
"Bakit, wala akong sinabing masama no."
"Pagpasensyahan mo na tong si Yuuto, Kira. Wala kasi si Naoya kaya ayaw matahimik, wala kasing nagbibigay ng lollipop sa kanya." ani ni Taruki
"Oi, nakiki-LASSINGERANG SUNGIT MEETS WEIRDONG IDOL na rin kayo ah." ani ni Kaede
"Aba siyempre naman, nakiki-NAOYA AT KIRA-stan na kaya kami. Solid fans. Haha" ani ni Yuuto
"Alam niyo para kayong mga baliw." sambat ni Sungit
"Mas mababaliw kami bakla kapag walang episode na ipalalabas this week." sagot ni Kanade
"Tss. Mga baliw nga."
"Oh siya Kira, bago pa sa kung saan mapunta itong pinaguusapan natin ay mabuti pa at umalis na kami, pagaling ka Kira at mauuna na kami." dagdag ni Natsuo
"Oh sige ingat kayo." ani ni Sungit
"Sige bakla, work muna rin kami sayang sweldo heh." sabi naman ni Kanade
"Sabihan niyo na lang si Yahiro na hindi muna ako makakapasok. Pahinga muna ako." sabi ni Sungit
"Kami bahala, Kira." ani ni Takahiro
"Oh siya girl, mauuna na kami, pagaling ka." dagdag ni Kaede
"At oo nga pala bakla, mag-tutuos tayo pagkatapos mong gumaling ha. Kapag okay ka na, ay saka kita sesermonan ng very very hard." ani ni Kanade
"Tss. Baliw."
"Seryoso ako bakla, pagaling ka ha."
"Oo na. Ingat kayo pauwi." ani ni Sungit

Iilang sandali pa ay nagsilabasan na sila sa kwarto ni Sungit. Kitang-kita ko ang mga paa nila habang papaalis sila. Nung tuluyan na silang nakaalis ay saka naman ako lumabas mula sa ilalim ng kama.

"Wala na ba sila?" tanong ko bago tuluyang umalis sa pinagtataguan ko
"Oo, umalis na sila. Okay lang rin kung diyan ka lang parang nag-enjoy ka naman ata diyan sa ilalim eh." banat ni Sungit
"Tss. Bakit kailangan ko ba kasing magtago, eh wala naman akong o tayong ginawang masama." tanong ko habang pinapagpag ang sarili ko
"Tss. Gago ka ba, eh kung ano ang isipin nila? Gago ka ba?" singhal ni Sungit
"Tss. Oo na. Oh siya, aalis na ako bago pa may ibang tao pumunta rito at kailangan ko uli magtago." asik ko
"Tss. Ulol. Geh." ani ni Sungit
"Pagaling ka at saka ka na pumasok kung okay ka na, huwag mo ng pilitin sarili mo at saka sa susunod ko na lang sasabihin yung para sa Grande Days na prod ng klase." ani ko
"Geh. Ingat ka pauwi."
"Sige, pagaling ka ah."
"Oo na at salamat."

Pagkatapos ng napakahabang araw ay umuwi ako sa condo gamit ang dala-dala kong sasakyan. Pagkarating sa condo ay agad na akong dumiritso sa banyo para magshower at saka bumaba para maghapunan. Pagkatapos kung magshower at kumain ay dumiritso na ako sa kama para matulog. Kinabukasan ay maaga akong dumating sa GIS. Pagkapark ko ng kotse sa parking lot ng school ay di kalaunan ay dumating na rin ang mga asungot. Bumaba ng kotse ang mga ungas na nakangiti na para bang may balita o may nalaman na kung anuman. Yun bang ngiti na parang may nalaman silang sekreto o anomalya.

"Kumusta ang dinner with the family natin dre?" pambungad ni Taruki
"Family dinner o dinner with Master?" dagdag ni Yuuto
"Huh? Anong pinagsasabi niyo mga tukmol." ani ko
"Don't deny it dre, we know na you've heard everything na pagtatakip namin sa'yo kahapon nung andoon kami kila Kira and we know as well that you were there." sagot ni Natsuo
"Kaya pala ang bilis mo kahapon ah, dinaig mo pa ang the Fastest man alive sa bilis mong umalis kahapon, akala mo may emergency talaga eh." ani ni Taruki
"Tss. Mga tukmol."
"So ano dre, kumusta ang dinner with Master? Ay teka dinner lang ba o baka taking care of Master?" pambara ni Yuuto
"Oh baka, konting solo leveling with Master." dagdag ni Taruki
"Tss mga ungas. Oo na, andoon ako, siyempre mag-alala ako Kay Sungit no, bakit kayo ba hindi? Di ba nagpunta rin naman kayo para kumustahin siya? Mas naunang lang ako sa inyo" sabi ko
"Kaya pala wala ka nung andoon kami. Ay teka, andoon ka pala nakatago lang. Ahha" sabi ni Taruki na siyang dahilan para maalala ko na may sumipa nga pala sa paa ko nung nagtatago ako sa ilalim ng kama ni Sungit
"Hoy mga ungas, sino sa inyo sumipa ng paa ko?" singhal ko
"Oi, Hindi ako yun." ani ni Taruki
"At mas lalong hindi ako." sambat ni Natsuo at dahil wala kina Taruki at Natsuo ay napatingin kaming lahat kay Yuuto
"Hala, hindi ko kaya yun sinipa, inusog ko lang kasing kitang-kita masyado yung paa mo baka isipin nila na may tinagong bangkay si Master sa ilalim ng kama niya." sagot ni Yuuto
"Oo nga dre, nagulat nga kami nung nakita namin yung paa mo eh. Akalain mong hindi ka pala talaga marunong magtago dre." dagdag ni Taruki
"Tss. Mga ugok."
"Bakit ka nga ba kasi nagtatago don dre?" tanong ni Natsuo
"Ewan ko ba kay Sungit, baka kasi daw ano isipin nina Kanade." sagot ko
"Ahh, so ibig sabihin ay hindi proud ang girlfriend mo sa'yo. Haha. Ay teka wala pala talagang kayo." ani ni Taruki
"Gago."
"Oo pala dre, kinausap mo na ba si Sungit tungkol sa prod natin for Grande Days?" tanong ni Natsuo
"Hindi pa. Saka na siguro kapag okay na at magaling na si Sungit." ani ko
"Ahh. Okay. Di ba ngayon simula ng practices?" tanong ni Taruki
"Oo at walang masyadong pasok dahil sa practice. Haha" ani ni Yuuto

Pagdating namin sa classroom ay napansin ko agad na andoon si Sungit na nakatanaw sa labas ng bintana. Agad kaming lumapit sa gawi niya pagkatapos naming maglagay ng mga bag namin sa kaniya-kaniya naming mga upuan.

"Oh Master! Kumusta ka na master?" tanong ni Yuuto
"Oo medyo okay na kaya pumasok na lang ako." sagot ni Sungit
"Sure ka ba diyan, Sungit? Hindi mo ba binibigla lang yang sarili mo?" tanong ko
"Okay lang ako" sagot niya. Iilang sandali pa ay dumating na rin sina Kanade, Kaede at Takahiro.
"Baklaaaaaa!" sigaw ni Kanade na medyo nakakarindi. Napatakip kami agad ng tenga dahil sa sigaw na yun ni Kanade
"Ano ba, itikom mo nga yang bibig mo, nakakarindi eh." ani ni Sungit
"Ayy sorry naman bakla ah, namiss lang kita no at saka dahil andito ka na may mapagtritripan na kami." sabi ni Kanade
"Eh kung piktusan kaya kita." banat naman ni Sungit
"Biro lang yun bakla, mapanakit ka rin talaga eh no."
"Girl, okay ka na ba? Kumusta pakiramdam mo?" tanong ni Kaede
"Okay na ako at pwede nang makipagbakbakan ulit." sagot ni Sungit
"Iba rin ang kahambugan nitong frenny natin dinaig pa ang bida sa Ang Probinsyano." ani ni Kanade
"Masaya kami na you're back girl at ang mas nakapagpapasaya sa amin ay may episode na ulit ng LASSINGERANG SUNGIT MEETS WEIRDONG IDOL." sabi ni Kaede
"Mga adik ba kayo?" tanong ni Sungit
"Malapit na girl kapag walang episode this week." sagot ni Kaede
"Tss. Ewan ko sa inyo."
"Oo nga pla girl, wala rin naman kasing masyadong lecture ngayon kasi practices ang aatupagin natin ngayon." ani ni Kaede
"Practices para saan?" tanong ni Sungit
"May prod number na naman kasi lahat ng sections for Grande Days. This time may pa Musical Concert ang klase natin by pairs daw. No exams dahil ang performance natin sa Grande Days would be the basis for the 50% of our grades." sagot ni Kaede
"May partners na ba?" tanong ni Sungit na halatang nagbago ang timpla niya
"Yes, You will be partnered with idol Naoya here at kayo daw ang nakatoka para sa finale." dagdag ni Kaede
"Ahh. Okay." maikling sagot niya

Nahalata ko ang pagbabago ng ekspresyon ni Sungit nung mabanggit ang tungkol sa prod number ng klase. Dahil siguro ay alam niyang kailangan niyang makipagcollab sa former bandmates niya at ang sabi nga nina Kanade at may feud daw sila noon pa. Iilang sandali pa ay pumasok na ang instructor namin. Agad kaming nagsibalikan sa kani-kaniyang naming mga upuan para simulan ang morning session.

"Good morning, class. So as promised, today will be the start of your practices for the upcoming Grande Days. I'll be expecting so much more from you guys this year. Last year, what happen was unexpected but again we our not slaves of the past. For your practices, you will be using the gym since the area of the gym is bigger for you to be able to plan and practice with your pairs and please make sure to use up your time in practicing. I'll still be supervising you guys. Understood?"
"Yes, prof." sagot naming lahat
"And by the way, I'm glad you're back, Ms. Enrique." ani ng instructor namin
"Thank you po." sagot ni Sungit
"Alright, let's move guys. Let's go to gym now." ani ng instructor namin.

Agad kaming nagsikilos lahat at dumiritso sa gym ng school kung saan gaganapin ang practices namin. At sa totoo lang medyo malaki nga ang gym. Pabilog ang gym tapos may malaking stage sa harap. Tapos yung both sides at harap ng stage ay for audiences na. Sa gym daw gagawin ang practices dahil sa gym rin daw naman gaganapin ang concert. Pagdating namin ay agad na kaming pinapunta ng instructor namin sa kaniya-kaniya naming partners para masimulan agad ang practices namin. Habang nagsi-punta ang iba naming kaklase sa kani-kaniyang partners ay napansin ko na hindi sumama si Sungit papunta sa gym. Hinanap ko siya sa buong gym pero hindi ko siya mahanap kaya agad kong pinuntahan ang instructor namin para magpaalam para hanapin si Sungit.

"Prof. Puntahan ko lang po si Ms. Enrique po prof. Wala pa po siya dito po eh baka nahuli lang." ani ko
"Sige, make sure to proceed with your practice afterwards." sagot ng instructor namin
"Yes po, prof." ani ko

Agad kong bumalik at pinuntahan si Sungit sa classroom pero pagkarating ko doon ay wala siya kaya hinanap ko si Sungit sa ibang mga rooms baka kasi may pinuntahan siya. Pumunta na rin ako sa may canteen, sa library o kaya clinic pero wala si Sungit don. Naghanap pa ako sa iba pang pwedeng puntahan ni Sungit. Tinakbo ko ang buong quadrangle ng school para hanapin si Sungit. Iilang sandali pa ay napansin ko sa di kalayuan na may babaeng nakaupo sa bench sa may ilalim ng malaking puno sa mismong gitna school ground. Agad akong lumapit at nung nakasigurado na ako na si Sungit nga ay umupo ako sa mismong tabi niya.

"Anong ginagawa mo dito, Sungit?" tanong ko
"Nagpapahangin." maikling sagot niya

Kira's Point of View:
Pagkarinig ko na may prod number na gagawin ang klase para sa Grande Days ay bumalik sa akin lahat nangyari nung nakaraang Grande Days. Naging miyembro ako nang banda sa GIS nung kalagitnaan nung first year ko. We competed mga battle of the bands representing the school at dahil hindi naman masyadong maingay ang banda at lalong-lalo na ang mga competition na sinalihan namin kaya hindi popular ang banda gaya ng cheerleading squad o kahit varsity players ng GIS pero naging masaya naman ang banda kahit ganoon. May sarili rin kaming band room sa school kung saan kami nagpapractice. May alitan pero naging okay naman sa amin.

Ako ang vocalist ng banda. Sa totoo lang wala naman talaga akong balak na maging vocalist o kahit kumanta man lang pero nung nakita ko yung poster nila na naghahanap sila ng vocalist ay napagisipan ko na subukan at hindi ko inasahan na, kinuha ako nila na maging vocalist nila. Okay naman ang lahat pero nagbago yun nung dahil sa nangyari nung nakaraang Grande Days. Inimbitahan ang banda na magperform sana sa Grande Days. Yun ang sanay magiging platform namin para makilala at maiparinig ang musika namin.

Pinaghandaan ng banda ang nasabing performance sana namin ngunit sa mismong araw na rin na iyun ay nakatanggap ako ng tawag mula kay Nanay sa probinsiya dahil ang Tatay ay na-ospital dahil inatake ng hypertension niya at sumasakit daw ang dibdib niya. Dahil sa balitang yun mula kay Nanay ay hindi ako nakapagperform dahil mas pinilit ko na umuwi sa probinsiya para kay Tatay. Hindi nakapagperform ang banda dahil wala ako—wala ang vocalist nila. Nung naging maayos ang kalagayan ni Tatay ay bumalik ako sa GIS at humingi ako ng tawad sa banda ngunit bago pa man ako magexplain sa kung anong nangyari ay hindi na nila tinanggap ulit o kahit hindi man lang nila ako hinayaang makapagexplain ng maayos.

Nagpunta ako sa may malaking puno sa gitna ng school ground kung saan ako usually nagpupunta kapag gusto Kong mapag-isa para makapag-isip ng maayos. Alam ko na kailangan kong makipagcollab ulit sa banda para sa gaganapin na Grande Days at sa totoo lang pagod na ako, pagod na akong sumubok pa na humingi ng kapatawaran, pagod na akong sumubok na mag-explain kung ang gusto lang nilang paniwalaan ay iniwan ko Sila sa ere. Hindi ko alam kung anong mukha ang maihaharap ko sa kanila na alam ko naman na hinding-hindi na nila ako mapapatawad pa.

"Anong ginagawa mo dito, Sungit?" tanong ni Sakuragi na siyang dahilan para mapa-mulat ako sa kalagitnaan ng pagmumuni-muni ko
"Nagpapahangin." maikling sagot ko
"Ang ganda dito ah kitang-kita halos buong view ng GIS. Tambayan mo dito, Sungit?" tanong niya
"Mm. Kapag gusto kong mag-isip o mag-muni-muni, dito ako pumupunta." sagot ko
"Bakit wala ka nga pala don sa gym, Sungit? Ayaw mong sumama o magpractice?" tanong ni Sakuragi
"Sabihin na nating ganoon na." maikling sagot ko
"Mmm. Ayaw mo na bang kumanta ulit, Sungit? Sinukuan mo na ba ang pagkanta?" tanong ulit ni Sakuragi na naging dahilan para matigilan ako saglit

Promise mo yan ha, dapat maging magpagaling tayo na singer paglaki natin. Promise?

Dahil sa tanong na yun ni Sakuragi ay biglang pumasok sa isip ko ang isang imahe ng isang batang lalaki na nakikipag-usap sa akin. Gumawa pa kami ng promise sa isa't-isa tungkol sa pangarap naming maging singer. Natawa na lang ako ng bahagya dahil sa ala-ala na yun.

"Sungit? Okay ka lang?" tanong ni Sakuragi
"Mmm? Ah oo. At saka hindi naman sa pagkanta ang concern ko Sakuragi." sagot ko
"Sa banda?" diritsong tanong ni Sakuragi na siyang dahilan para mapalingon ako sa kanya
"Sinabi sa akin nina Kanade. Gusto mo pag-usapan? Kung sapat na ako para pakinggan ka pero kung hindi ay pwede naman na maghanap ako ng ibang pwedeng makinig.." dagdag pa ni Sakuragi
"Nung nakaraang Grande Days ay magpeperform sana kami ng banda. Pinaghandaan namin ng banda ang magiging performance sana namin nun pero by the time na magpeperform na sana kami ay nakatanggap ako ng tawag dahil na-ospital ang Tatay ko. Naki-usap ako sa mga organizers nun pero dahil sobrang hectic at last minute na ay hindi ako pinayagan. Nung tinawag na ang banda ay wala akong nagawa kundi hindi umakyat at umalis para puntahan sa hospital ang Tatay." kwento ko
"Alam ba yan nung kabanda mo?" tanong ni Sakuragi
"Nung naging okay si Tatay ay bumalik ako, sinubukan ko sanang mag-explain kung bakit umalis ako sa mismong time na magpe-perform na sana kami. Pero ni-isang time man lang ay hindi nila ako pinagbigyan. Pero mas okay na yun kaysa ipilit ko ang gusto ko na kahit anong gawin ko ay ayaw din naman nila akong pakinggan. Nakakapagod rin. Nakakapagod na sumubok na makipag-usap ng maayos, nakakapagod mag-explain kung ang nasa isip lang nila ay ang ginawa kong pag-iwan ko sa kanila sa ere sa mismong araw na magpeperform sana kami" pagpapatuloy ko
"Hindi mo ba sila nami-miss, Sungit?"
"Tss. Ano ba namang klaseng tanong yan."
"Tanong na hindi mo kayang sagutin. At hindi ko man kilala yang mga kabanda mo ay sigurado akong nami-miss ka rin ng mga yun. Oo sabihin na nating masama ang loob nila dahil sa pag-iwan mo sa kanila sa ere pero sa tingin mo, yung sama ng loob na yun ay hindi pa rin yun nawawala hanggang ngayon? Matagal na yung nangyari na yun, Sungit. Ang pagkakaiba lang sa noon at ngayon ay noon, hindi ka sumuko ngayon ay sumuko kang makasama sila ulit." seryosong sagot ni Sakuragi
"Anong gusto mong gawin ko?" tanong ko
"Tss. Madali lang, subukan mo ng subukan hanggang sa maging okay ang lahat." sagot ni Sungit sabay ngiti tapos bigla niyang kinuha ang kamay ko at saka tumayo
"Tara." dagdag niya tapos agad niya akong kinaladkad papaalis don sa kinauupuan namin.
"Hoy, ungas! Saan mo ako dadalhin?" tanong ko
"Edi saan pa, sa banda mo!" sagot niya habang tumatakbo kami
"Bakit? Alam mo ba kung saan ang band room namin?" tanong ko na dahilan para matigilan kami sa pagtakbo. Tumingin siya sa akin at saka nagkamot ng ulo.
"Saan nga ba?" tanong niya
"Tss. Engot ka nga talaga. Diritsong lang papunta sa kabilang building sa may third floor." sagot ko

Nagpatuloy kami sa pagtungo namin sa band room para kausapin ang miyembro ng banda para magka-ayos kami at maayos kung ano man ang hindi namin pagkaka-unawaan noon. Dumiritso kami sa kabilang building at sa may third floor. Nasa labas pa lang kami ay dinig na dinig ko ang pagtugtog nila ng drums, gitara,  at piano. Iilang sandali pa ay bigla na lang kumatok si Sakuragi ng napakalakas. Hindi narinig ang unang pagkatok ni Sakuragi kaya nilakasan niya pa ang pagkatok.

"Yuusaki, paki-tingnan nga kung sino yan. May kumakatok eh." sabi nung isang miyembro ng banda

Iilang sandali pa ay binuksan ni Yuusaki ang pinto ng band room na siyang dahilan para magtago ako sa likod ni Sakuragi. Pagbukas ng pinto ng band room ay bumulagta sa amin ang isang room na punong-puno ng musical instruments. May mga pictures pa ng mga sikat na banda sa Pilipinas.

"Sino po sila?" tanong ni Yuusaki na kumakain pa ng lollipop

Hindi sumagot si Sakuragi na para bang hinihintay niya ako na humarap kay Yuusaki. Dahan-dahan akong umalis sa likod ni Sakuragi at nagpakita kay Yuusaki na ikinagulat naman ni Yuusaki. Ngumiti na lang ako sa kanya.

"Kira?? Ace, Dustin, Shinya! Andito si Kira!" sigaw ni Yuusaki. Yung sigaw na para bang wala lang ako sa harap niya
"Eh? Si Kira?" sabi ni Dustin
"Hala, si Kira nga!" ani ni Ace
"Pumasok ka Kira." ani ni Shinya

Nung tuluyang nakapasok na ako sa band room ay para akong maiiyak dahil sobrang miss na miss ko ang band room namin dati. Iilang saglit pa ay nagulat na lang ako ng biglang pinalibutan ako nina Ace, Dustin, Shinya at Yuusaki tapos naghawak-hawak sila ng kamay. Pagkatapos ay bigla silang nagsitalunan palibot sa akin na may halong pagkanta.

"🎶Bumalik si Kira. Bumalik si Kira. Bumalik si Kira.🎶

Tss. Mga timang. Pero namiss ko tong mga to.

"Itigil niyo nga yan para kayong mga timang." ani ko
"Teka nga, sino ba tong kasama mo, Kira?" tanong bigla ni Ace sabay lumapit kay Sakuragi at pinagmasdan si Sakuragi mula ulo hanggang paa
"Oo nga, parang pamilyar siya eh." sabat naman ni Shinya
"Boyfriend mo, Kira?" tanong ni Yuusaki
"Hindi no. Sinamahan niya lang ako." sagot ko
"Ayy teka, Ikaw yung idol. Tama, Yung Naoya! Tama?" ani ni Dustin
"Hello." maikling sagot ni Sakuragi
"Oo nga pala, magpakilala ka Sakuragi." utos ko
"Good morning, I'm Shaun Naoya Andvie, classmate ni Kira." sagot ni Sakuragi
"Ahh, classmate. Ako pala si Shinya Arellano, ang band electric guitarist." sagot ni Shinya
"Ako naman si Dustin Kyle Ramirez, ang band main guitarist." ani ni Dustin
"Ako naman si Paul Yuusaki Fuentez, ang band main pianist." sambat ni Yuusaki
"At ako naman si Ace Shoji Del Mundo, ang band main drummer." ani ni Ace
"And we are... The 5th Section." sabay na sabi nung apat
"Tama na nga ang introduction, napagod tuloy ako" sabi ni Dustin

Sa aming lima ang pinakamatanda ay si Dustin na kasalukuyang 4th year na tapos sumunod naman Sina Shinya at Ace na medyo matanda ng ilang buwan Kay Yuusaki. Pareho silang tatlo na parehong 3rd year katulad ko. Nung nabuo ang banda, ang nagpangalan ng The 5th Section ay si Dustin dahil sa lima raw kami tapos magkakaiba pa ng section kaya the 5th Section ang ginamit na pangalan ng banda.

"Bakit nga pala kayo andito, Kira?" tanong ni Ace na dahilan para magkatinginan kami ni Sakuragi
"Oo nga pala, maupo muna kayo." ani ni Yuusaki
"Ah eh ano. Gusto ko kayo sanang makausap." sagot ko
"Tungkol saan naman?" tanong ni Shinya na may pagbabago sa timpla niya
"Tungkol sa nangyari nung nakaraang Grande Days." sagot ko
"Ahh, yung pag-iwan mo sa amin?" sarkastikong sagot ni Dustin
"Hayaan niyo muna akong magpaliwanag." ani ko
"Oo nga, mga kuys, di ba usapan natin kapag babalik si Kira, susubukan nating pakinggan kung bakit niya tayo iniwan nung gabing yun." ani ni Yuusaki
"Yung araw na yun sa mismong performance natin para sa Grande Days, hindi ko ito agad nasabi sa inyo pero may natanggap ako na tawag mula kina Nanay sa probinsiya dahil isinugod sa ospital ang Tatay dahil inatake siya ng hypertension niya at pagsakit ng dibdib niya. Gusto ko man na ipagpatuloy ang performance natin pero hindi ko kakayanin kung ano ang mangyari kay Tatay kaya naki-usap ako sa organizer na pwede bang may pumalit sa akin para maipagpapatuloy niyo pa rin ang pagperform kaso ang sabi ay last minute na daw at wala silang mahanap na vocalist na pwede agad-agad kaya napilitan akong umalis para umuwi sa probinsiya para kay Tatay. Hindi ako umakyat sa stage na yun dahil mas pinili ko na puntahan si Tatay. Kaya humihingi ako ng tawad sa inyo dahil sa pag-iwan ko sa inyo. Alam kung masama ang loob niyo dahil sa ginawa ko." ani ko
"Alam mo Kira, hindi naman yan ang ikinasama ng loob namin eh. Ang mas masakit sa para sa amin ay yung Hindi mo agad pagsabi sa amin kung anong nangyari. Pwede mo naman kasing sabihin sa amin kung anong nangyari nung araw na yun dahil naiintindihan ka naman namin." ani ni Dustin
"Ang sinabi lang nung organizer sa amin ay umalis ka na lang daw ng biglaan kaya naging masama ang loob namin nung araw na yun." dagdag ni Ace
"Pero ngayon na alam na namin kung bakit ka umalis nung araw na yun ay naiintindihan ka na namin dahil lahat tayo uunahin natin ang pamilya natin keysa sa anong bagay man yan." sabi ni Shinya
"Salamat Kira at bumalik ka. Miss na miss ka na namin eh." ani ni Yuusaki
"At saka past is past no. At pasensya na rin kasi hindi ka namin pinakinggan noon." ani ni Ace
"Group hug mga Kuys." ani ni Yuusaki sabay group hug
"Aheermmmmm." pambasag ni Sakuragi
"Kira? Sure kang di mo yang boyfriend? Ang bilis magselos eh, kahit group hug lang naman yun." bulong ni Dustin
"Tss. Hindi no." sabi ko
"Ahh okay. Ang weird lang kasi." dagdag pa ni Dustin
"Teka, ano pala ginagawa niyo?" tanong ko sa kanila
"Nagpapractice. Ang sabi may concert ba yun mga kuys?" tanong ni Yuusaki sa kasamahan niya
"Oo, may Musical Concert daw para sa Grande Days. Kami daw tutugtog." sagot ni Shinya
"Hindi ba kasali ang section niyo sa concert, Kira?" tanong ni Ace
"Kasali ang section namin at kanina ko pa nga nalaman eh. Si Sakuragi ang partner ko para sa concert." sagot ko
"Sakuragi? Sinong Sakuragi?" tanong ni Dustin
"Ayan oh." turo ko kay Sakuragi
"Ahh. May endearment pa talaga ah." panunukso ni Dustin
"Hoy, Sungit. Huwag ngang kung ano-ano ang pinagsasabi mo sa kanila tungkol sa akin." sambat ni Sakuragi
"Wala akong pinagsasasabi tungkol sa'yo no kasi wala naman silang paki." singhal ko
"Tss. Suplada."
"Engot."
"Basagulera."
"Tukmol"
"Nagka-ayos na ba kayo?" tanong ni Sakuragi
"Ang laki ng tenga mo pero hindi mo narinig pag-uusap namin?" sarkastikong sagot ko
"Tss. Nagtatanong lang."
"Edi sumasagot lang din."
"Tss. So ano magpapractice pa ba tayo?" tanong niya
"Katatapos pa nga lang mag-usap eh."
"Nagtanong lang, suplada mo talaga eh no."
"Weirdo mo talaga eh no."
"Tss. Nagtanong lang kasi baka hinahanap na tayo sa gym."
"Eh di maghintay sila." sagot ko
"Tss."
"Bakit hindi ka na lang kaya mauna, Sakuragi. tutal atat ka namang bumalik."  sabi ko

Lumapit sa akin si Sakuragi na halatang medyo pikon. At siyempre hindi ko siya aatrasan. Tumayo ako at humarap sa kanya habang ang kabanda ko ay nakatitig lang sa amin yun bang parang nanonood ng telenovela. Iilang sandali pa ay nagulat na lang ako ng biglang hinawakan ni Sakuragi ang magkabilang pisngi ko gamit ang dalawang kamay niya. Yun bang parang naka-sandwich ang mukha ko sa mga kamay niya. Tapos inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko. Medyo napayuko pa siya dahil sa agwat ng height namin.

"Aray ko, Sakuragi." ani ko
"Ayokong mauna kasi sabay tayong pumunta dito at sabay rin tayong babalik, okay? Gets mo ba, Sungit?" sabi ni Sakuragi
"Oo na. Huwag mo isandwich tong mukha ko baka maging rectangle tong ulo ko imbis na bilog." sagot ko sabay binitawan ni Sakuragi ang mukha ko
"Edi mas okay pag rectangle kasi baka makadagdag sa height mo kung rectangle ulo mo. At saka kahit anong hugis ng ulo mo sure akong cute ka pa rin." sabi ni Sakuragi
"Oi, cute daw." sabi nung tukmol kung kabanda na parang tangang nag-tutulakan sa may gilid
"Sana all cute." dagdag pa ng mga tukmol
"Che. Cute mo mukha mo." singhal ko kay Sakuragi at saka ako umupo sa may bakanteng silya
"Ayaw mo nun, cute ka. Kasing cute ng nabasang sisiw. Haha" ani ni Sakuragi
"Eh kung saktan kaya kita para tumahimik ka?" singhal ko
"Chill. Biro lang." ani ni Sakuragi
"Oo nga pala, hindi ba kayo pupunta sa gym para sa practice para sa concert? Andoon kasi sila nagpapractice. Para lang rin malaman niyo kung anong mga kanta ang tutugtogin niyo." baling ni Sakuragi kina Ace, Dustin, Shinya at Yuusaki
"Ahh, tungkol diyan. Sinabihan na rin kami ng organizer na bukas na kami pumunta para maihanda rin ang mga instrumento para madali at smooth ang practice na gaganapin." ani ni Dustin
"Ahh ganoon ba."
"Eh kayo ba, may naisip na kayong kanta na kakantahin niyo?" tanong ni Ace
"Wala pa nga eh. Pero kapag meron na, sasabihin namin kayo." sagot ni Sakuragi
"Ayos. Sige Kuys." sagot ni Shinya tapos nakipag-brothers shake hands pa

Close na sila agad? Bilis ah.

"Oh siya, malapit na rin yung time ng practice ay ang mas mabuti pa at bumalik na kami sa gym baka hinahanap na kami ng instructor namin." ani ni Sakuragi sabay tingin sa akin
"Oo na." asik ko sa kanya
"Sige Kuys. Kitakits bukas." ani ni Shinya
"Kita tayo bukas, Kira!" sabi naman ni Ace
"Kitakits." sagot ko naman

Pagkalabas ng band room ay agad na kaming naglakad pabalik sa kabilang building pero imbis na magpunta pabalik sa mismong gym ay nagulat ako ng bigla akong hinila ni Sakuragi sa isang estante ng isaw sa may labasan. Bawal kasi ang mga ganoong pagkain sa loob ng school kaya halos lahat ng mga street food vendor ay nasa labas nagtitinda. At dahil wala naman masyadong klase ay pwedeng-pwede lumabas.

"Kumain muna tayo, Sungit. Nagutom ako sa kakatakbo natin eh." sabi ni Sakuragi sabay hila sa akin papuntang labas
"Isaw talaga? Akala ko ba puro mga pangsosyal lang kinakain niyong mayayaman ha?" sarkastikong sabi ko
"Hindi porket pinanganak ako na mayaman ay hindi na ako kumakain ng street food at saka ang sarap kaya nito." sagot niya sa akin
"Magkano po ang isaw ate?" tanong niya sa tindera
"Beynte lima po sir." sagot ng tindera
"Sige po ate, dalawang beynte po." sabi ni Sakuragi sabay kuha ng isaw tapos sinawsaw niya sa suka.
"Ayaw mo Sungit?" tanong pa niya sa akin
"Oo na. Kakain na. Namiss ko ngang kumain nito eh." sagot ko sabay kuha at saka sinawsaw rin sa suka.
"Magkano naman po yung kwek-kwek ate?" tanong ni Sakuragi
"Gutom na gutom ah." ani ko
"Sabi sa'yo eh, nagutom ako sa kakatakbo kanina. Bakit ba kasi tayo tumakbo eh pwede naman na lakarin pala yun." sagot niya
"Tss. Gago."
"Beynte rin sir." sagot ng tindera
"Pabili rin po."

Kumuha si Sakuragi ng kwek-kwek na nakalagay na sa disposable na cup tapos nakahati na. Kumuha si Sakuragi ng sauce na maanghang at saka inilagay niya don sa kwek-kwek niya. Nakatingin lang ako sa kanya habang ngumunguya pa ako ng isaw. Akalain mong hindi naman pala masyadong maarte tong idol na to. Kumuha si Sakuragi ng stick sa may lalagyan at tinuhog ang kwek-kwek at saka sinubo sa bibig niya. Akalain mo ngang gutom siya kasi halos masubo niya na ang isang buong itlog sa kwek-kwek.

"Gusto mo rin ng kwek-kwek, Sungit?" tanong ni Sakuragi dahil parang napansin niyang nakatingin ako sa kanya
"Ah. Huh? Ahh, may isaw pa ako." sagot ko
"Say ah." sabi niya
"Huh? Anong say ah?" sabi ko

Lumapit si Sungit sa akin yun bang nagpantay ang mukha naming dalawa. Tumuhog siya ng kwek-kwek mula sa binili niya tapos sinubo niya sa akin habang nasa harap kami ng stall ng nagtitinda ng street food. Kinain ko rin naman ang sinubong kwek-kwek ni Sakuragi. Pero sa kung anong dahilan sobrang anghang nung kwek-kwek.

"Ang anghang. Gaano ba kadaming maanghang na sauce ang nilagay mo?" tanong ko
"Ahha. Sobrang dami. Haha." sagot niya sa tanong ko sabay tawa
"Ate, pabili rin ng iced tea." baling naman niya sa tindera
"Oh, inumin mo muna para mabawasan yung anghang." sabi ni Sakuragi sabay abot ng iced tea na agad ko rin namang ininom.

Nanatili kami roon ng ilan pang saglit. Pagkatapos ng isaw at kwek-kwek ay kumain rin ng fishball at squid ball si Sakuragi. Habang isaw at saka fishball lang ako. Pagkatapos naming kumain ay saka na kami nagtungo pabalik sa loob ng campus diritso papuntang gym. Pagdating namin ay puspusan pa rin ang practices. Pagdating rin namin ay napansin kami ng prof kaya agad siyang lumapit sa amin.

"Mr. Andvie at Ms. Enrique, where were you. How's your practice?" tanong ng instructor namin
"Sorry po, prof." sagot ko
"Ah, nagpunta po kasi kami sa banda prof para itanong kung kailan sila makakasama sa practices para makumpleto sana ang practice. Nakipag-usap na rin kami sa kanila para sa ipeperform na rin. Ang sabi nila bukas daw ay ihahanda ang instruments dito sa gym para may accompaniment tayo para sa mga performances. Pinayagan na rin sila ng organizer para bukas daw smooth at kumpleto ang practices." sagot ni Sakuragi
"Oh I see. That's great to hear. You may go back to your practice na. I'll be expecting a great performance sa inyong dalawa." sabi ng instructor.
"Yes prof." sabi namin

Ayos din kung makasagot at makahanap ng lusot itong si Sakuragi kahit na Ang totoo ay saglit lang kaming nakipag-usap sa banda tapos kumain lang kami sa may estante ng street food sa labas. Pero dahil sa palusot na iyon ay nakahinga ako ng maluwag. Pero ang nakakabwisit ay mag-eexpect ng something great eh kahit nga title ng kanta na kakantahin namin ay wala pa kami.

----

THANKS FOR READING!!!
DON'T FORGET TO SHARE, VOTE AND COMMENT!!!

Get in touch with your author and his works by checking out his social media accounts:
Twitter: writeful_bunny
Facebook Page: Writeful Stories
Wattpad: writeful_bunny

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro