Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

COFFEE ELEVEN

**MAZAGRAN: BUBBLY CHEERLEADING**

Kira's Point of View:
Pagdating ko sa unit ay napatapon ko ang sarili ko sa may couch dahil sa pagod. I'm tired from the work and from applying to other jobs. Not an easy life, yes but I have to. Napamasahe na lang ako sa sintido ko dahil sa sakit ng ulo. Think of it, I have to work sa cafe, work sa restaurant if matanggap ang application ko, I have to study, I have to help my parents, and now I have to meddle unto someone's life. Hindi ko tuloy alam kung minamalas lang talaga ako o talagang deserve ko itong mga nangyayari sa akin. Iilang sandali ay napapikit ako sa may couch at hindi namalayang nakatulog na pala ako.

Two days have passed and I am still waiting for the notification call sa restaurant kung tanggap na ba ako sa work. And as usual, aside from work, I have to handle the nosy and bullshit Naoya's lovelife. Nangmistula rin siyang tanga kasi he's been a teaser to me pero siyempre hindi ako nagpapatalo at saka panay pa rin ang paghihintay niya sa may gate para ihatid kami sa cafe. As usual, ang mga utak nina Kaede at Kanade ay nag-aassume ng kung ano-ano but nah it ain't happen. Truly impossible.

After ng lunch namin ay nagpunta agad kami nina Takahiro, Kanade at Kaede sa may gym para kunwari ay manonood ng practice ng cheerleading squad but well in fact, it's a part of the plan para makilala ni Sakuragi si Camille. Pumwesto kami sa may bleacher sa ring wing ng gym. Camille and the other cheerleading squad members have their practices and kahit nanood lang kami, I can ensure that flawless ang formation nila pero wala rin naman kasi akong alam sa ganyan-ganyan.

"Bakla, anong pumasok sa utak mo at nag-aya kang manood ng practice ng cheerleading squad?" tanong bigla ni Kanade dahil for the first time in my life, ako ang nag-aya sa kanila na manood ng cheerleading practice na alam na alam nilang hindi ako interesado sa cheerleading cheerleading o kung ano pa yan.
"Huwag mong sabihing gusto mong sumali ng cheerleading squad?" pabirong sabi ni Kaede
"O kaya gusto mong sumali sa tryouts?" habol pa ni Kanade
"Tss. Iba rin talaga ang pagiging overthinker niyo eh no? Di pwedeng maupo lang tayo para magpahinga?" sabi ko
"Oh kaya naman ay gusto niyang maging referee." Takahiro
"Ah ganoon ba, pangit?" Kanade
"Siguro." Takahiro sabay kuha ng phone niya at naglaro
"Pero nga girl, kumusta na? Wala pa rin bang notification mula sa restau na inapplyan mo?"
"Wala pa."
"Ipre-pray over na lang kita bakla!" Kanade
"Huwag na, baka maging abo ka pa! Paano na itong lalaking to?" tanong ko sabay tingin kay Takahiro na abalang naglalaro ng kung ano sa phone niya
"Anong paano siya? Wala akong paki sa kanya no." sabi ni Kanade
"Deny pa." ani ko
"Pero girl, hindi naman to ma-aabo no. Hindi pwede kapag hindi kasama si Takahiro." Kaede
"Edi magsama silang mag-pray over para sabay rin silang ma-abo. The couple that pray over together, magiging abo together. " ani ko
"Hindi ako ma-aabo dahil anghel ako hindi ko lang alam kay Kanade." ani ni Takahiro
"Ah talaga ba, pangit?" Kanade
"Baka lang naman." Takahiro
"Tsss." Kanade
"Pero seryoso girl, wala ka pa bang update sa kalagayan ni Tito?" Kaede
"Ayon kay Nanay, medyo mabuti-buti naman daw ang lagay ni Tatay. Kumakain na kahit paunti-unti pero sabi ng doctor kailangan talaga ang operasyon para talagang gumaling si Tatay." blangko kong sabi.
"Kawawa naman si Tito. Pero di bale, may blessing na darating. Imanifest natin yan!" Kaede

Iilang sandali pa ay biglang nagvibrate ang phone ko kaya agad ko itong kinuha. Dahil may harang ang bawat wings ng gym ay nakatayo lang sina Takahiro, Kanade at Kaede habang nakapatong ang mga kamay nila sa may harang. Napaupo ako sa may bleachers sa may bandang likod nila at saka binasa ang natanggap kong text.

Inbox
Message Received
Sungit
09*********

Sungit. Saan ka?

Napahinga na lang ako ng malalim at saka agad na nagtype ng reply kay Sakuragi. Ang sabi ko sa kanya kasi ay mauuna kami sa gym bago sila para hindi kami pagpiyestahan ng fans niya. Dagdag ko pa ay manonood sila ng practice tapos itetext ko lang kung sino ang Camille sa mga nagprapractice. Pero halatang hindi nagets ng ungas ang tugon ko sa kanya.

Inbox
Create Message
Weirdo
09*********

Ba't ko kailangang
sabihin sa'yo? Di ba ang sabi
ko ay mauuna kami dito
para hindi ako pagpiyestahan
ng fans mo kapag
nakitang magkasama
tayo.

Message Sent
12: 32 PM

Inbox
Message Received
Sungit
09*********

Magwa-wave hand
lang sana ako sa'yo.
Uwu

Inbox
Create Message
Weirdo
09*********

Peste ka.
Manood ka na nga lang
ng practice.

Message Sent
12: 37 PM

Inbox
Message Received
Weirdo
09*********

Pwedeng ikaw
na lang ang panoorin
ko? Heheh

Inbox
Create Message
Weirdo
09*********

Eh kung iumpog
kita sa may pader?

Message Sent
12: 37 PM

Inbox
Message Received
Weirdo
09*********

Mapanakit ka rin eh no?

Inbox
Create Message
Weirdo
09*********

Paki mo?

Message Sent
12: 39 PM

Inbox
Message Received
Weirdo
09*********

Kailangan ko
na sigurong
dalasan ang
pag-gy-gym ko

Inbox
Create Message
Weirdo
09*********

Oh tapos?

Message Sent
12: 39 PM

Inbox
Message Received
Weirdo
09*********

Para naman
kahit sinasaktan
mo na ako ay
titiisin ko dahil
ganyan ko
kamahal ang prinsesa ko.

Inbox
Create Message
Weirdo
09*********

Ahh. K

Message Sent
12: 39 PM

Inbox
Message Received
Weirdo
09*********

Anong k?
Ang ikli naman ng
sagot, sungit!
Wala ka sigurong
masabi dahil sa
kilig. Uwu

Inbox
Create Message
Weirdo
09*********

Tusukin kaya
kita ng barbeque
stick para naman
lumabas yang
hangin sa utak mo?

Message Sent
12: 39 PM

Inbox
Message Received
Weirdo
09*********

Hindi mo
na ba ako mahal?
Uwu

Inbox
Create Message
Weirdo
09*********

Tigilan mo
nga yan!
Pati yang uwu-uwu
na yan. Kakapikon
lalo eh. Pestee

Message Sent
12: 39 PM

Inbox
Message Received
Weirdo
09*********

Napipikon ka?
Eh bakit nakangiti ka?
Dahil ba sa akin yan?

Inbox
Create Message
Weirdo
09*********

Paano mo naman
nalaman abir
na nakangiti ako?
At kung nakangiti
nga ako
hindi ikaw ang dahilan
nun. Engot ka!

Message Sent
12: 39 PM

Inbox
Message Received
Weirdo
09*********

Tingin tingin naman
sa kaliwa at kanan, sungit!
Kasi minsan, wala naman
sa tabi lage ang kaligayahan
kundi nasa malayo minsan.
Minsan nakatingin, minsan
nakadungaw. Katulad ko
na nakasulyap sa bumubuo
ng aking araw at walang iba yun
kundi ikaw.

Pagkabasa ko sa reply niya ay agad akong napalingon kaliwa't kanan. Aligaga kong hinanap si Sakuragi mula sa left wing papunta sa right wing ng gym kung nasaan kami nina Kanade at Kaede. Sa di kalayuan sa bandang right wing rin ng gym ay nakangiting nakatingin sa may gawi namin si Sakuragi. Sina Taruki, Yuuto at Natsuo naman ay tutok sa panonood sa practice. Hinati rin naman kasi ang gym. Ang kalahati ay para sa cheerleading squad habang ang kalahati ay para sa sepak takraw at nakatuon ang atensyon nila sa laro maliban kay Sakuragi. Nakakapagtaka rin kasi ang nagprapractice ay ang cheerleading squad pero halos lahat ng mga babae sa gym ay nakatingin lang sa gawi nina Sakuragi. Halatang aware naman ang engot na pinagtitinginan siya ng mga babae sa gym.

Hindi lang nakangiti kundi nakayakap pa sa bag niya si Sakuragi habang ang ulo niya ay nakapatong dito. Halatang nag-hihintay siya na mahanap ko siya. Hindi naman masyadong madami ang nanood ng practice kaya madali ko lang nahanap ang kahambugan ni Sakuragi. Kumulo ang dugo ko habang nakatingin sa kanya. Oo napangiti ako sa kacheesyhan ng unggoy pero nang makita ko na ang pagmumukha niya ay parang gusto ko siyang tirisin. Inirapan ko lang si Sakuragi at agad na nagtype ng text.

Inbox
Create Message
Weirdo
09*********

Tsss. Kung tusukin
ko kaya yang mga mata mo?

Message Sent
12: 39 PM

Inbox
Message Received
Weirdo
09*********

Kung tutusukin mo
eh paano na ako
makakahanap ng
mga chix niyan?

Inbox
Create Message
Weirdo
09*********

Poproblemahin
ko pa ba yan?

Message Sent
12: 40 PM

Inbox
Message Received
Weirdo
09*********

Pwede rin para
alam ko na
ako lang talaga ang
nasa isip mo. Uwu

Inbox
Create Message
Weirdo
09*********

PESTE ka!

Message Sent
12: 40 PM

Inbox
Message Received
Weirdo
09*********

Huwag kang
mag-alala. Quits lang
tayo kasi nung
nakilala kita
mahirap ka nang
maalis sa isip ko.

Inbox
Create Message
Weirdo
09*********

Tss. Badoy!
Huwag kang mag-alala.
Matagal na kitang iniisip!

Message Sent
12: 41 PM

Inbox
Message Received
Weirdo
09*********

Ang honest naman
bigla.

Inbox
Create Message
Weirdo
09*********

Matagal ko ng
iniisip kung paano
kita paslangin! Kaya
kung ako sa'yo, atupagin
mo yang Camille mo
para hindi kita bunutan
ng ngipin ng walang anesthesia!

Message Sent
12: 41 PM

Inbox
Message Received
Weirdo
09*********

Yes, boss! ᕙ(⇀‸↼‶)ᕗ

Napahinga ako ng malalim pagkatapos ng palitan namin ni Sakuragi ng text para kasing napasabak ako sa digmaan dahil sa kabaduyan at kagagohan ng unggoy na yun. Napatingin ako sa gawi nila Sakuragi pagkatapos para tingnan kung tumigil na sa pagtetext si weirdo. Buti na lang at tumutok na siya sa practice ng cheerleading squad. Inilalag ni Sakuragi ang bag niya sa tabi niya at seryosong nanood ng practice. At halata na rin na ginagalingan ng cheerleading squad dahil nakatingin si Sakuragi sa kanila.

"Ang lalim nun bakla. Huwag kang sumigaw ha kapag nalunod ka na." sabi ni Kanade

Napatingin ako sa harap ko kung saan nakatayo sina Takahiro, Kanade at Kaede. Nakatingin sila sa akin na para bang kdrama ang pinapanood nila.

"Tss. Marunong akong lumangoy!" ani ko
"Text mo ako kung gusto mong mag-scuba diving. May gear ako." Takahiro
"Kumusta naman daw yang textmate mo? Peste ba?" Kanade
"Tss."
"Ayan tayo girl eh. Akala mo talaga hindi namin alam kung anong ginagawa mo sa cellphone mo?" Kaede
"Hindi ko rin naman kasi tinatago."
"Aysus. Aysus. Kanina ka pa kaya nakayuko diyan tulad nung poging mama kanina na nasa gawing right natin." ani ni Kanade sabay turo sa gawi nina Sakuragi
"Oo nga naman girl, nung dumating sila ay eksaktong nakaupo ka lang at eksakto ring nakatingin lang palagi si idol Naoya sa phone niya." Kaede
"Huwag mong sabihing coincidence lang?" Kanade
"Yan tayo girl eh, kaya ka natutulak sa hagdanan dahil sa kung ano mang meron kayo ni Naoya e." Kaede
"Wala kaming kung ano mang meron na sinasabi mo."
"Defensive. Oh sige nga, anong ba ang naging usapan niyo sa text?" Kanade
"Wala nga. Namemeste lang yung ungas. Pinagtritripan lang ako."
"Iba rin tong Naoya. Sa lahat ng pwedeng pagtripan ay itong frenny pa nating kasing cold ng winter at kasing wild ng alak." Kanade
"Iba rin namin kasi siguro ang type niya. Type niya siguro ang adik kaya itong frenny natin ang napili." Kaede
"Oh kaya ang type niya ay yung mala-mafia ang datingan yung uupak agad-agad." Takahiro
"Either way, Iba rin ang haba ng hair natin girl. Mag-ingat ka at baka matapakan mo." Kaede
"Tss. Pwede ba manood na lang tayo ng practice?"
"Manood? Seryoso ka bakla eh, halos iilang minuto ka ring nakaupo diyan at nakatitig sa phone mo tapos ngayon gusto mo na lang manood?" Kanade
"At saka, mas bet naming panoorin ang Ms. Lassingerang Sungit meets Mr. Weirdong Idol ngayon." Kaede
"Tss."
"Pero seryoso nga girl. Ano ba kasing meron kayo ng idol na yan ah?" Kaede
"Oo nga naman bakla, medyo nakakalito rin naman kasi eh." Kanade
"May kayo ba?" Kaede
"Huh? Teka lang masusuka ata ako. At saan mo naman napupulot yang assumption na yan?"
"Wala lang."
"Tinutulungan ko lang yang ungas na yan sa studies niya. Yun na yun." ani ko
"Talaga?" Kaede
"Oo. And nothing else."
"Arte neto. Pero bakit nakatingin na naman sa'yo ang idol?" Kanade
"Eh di tusukin mo ang mata para magtanda."
"Mapanakit ka rin eh no?"
"Thank you!"
"Hindi complement yun."
"May sinabi ba ako?"
"Suplada mo rin eh no?"

Naoya's Point of View:
Dahil sa pagkasadista ni sungit ay wala akong nagawa kundi panoorin ang practice ng cheerleading squad lalong-lalo na itong sinasabi nilang Camille. Pagpasok pa lang namin sa gym ay pinagpiyesta na kami ng mga kapwa estudyante na andoon. Halos lahat ng mga babaeng andoon ay nakadikit na ang mga mata sa amin. And as usual, hindi pa rin nawawala ang hiyawan at tili ng sang kababaehan. At dahil nga roon ay medyo natigil sandali ang mga practices.

"Naoya!!! Pa-autograph!"
"Ang pogi mo, idol!"
"Pwede pakiss?"
"Naoya!! Pwede akin ka na lang?"

Pagtapos nun ay sinubukan kong hanapin si Sungit kaso nga lang, hindi ko siya mahagilap. Napaupo na lang kami sa may right wing ng gym para makapagpatuloy sa pag-practice ang cheerleading squad at yung sepak takraw. Pag-upo ko ay nilibot ko ang tingin ko sa loob ng gym hanggang sa mahagilap ko ang anino at kasupladahan ni Sungit. At yun nga sinungitan naman niya ako dahil sa pagtext ko sa kanya. Dahil don ay itinuon ko na lang ang atensyon ko sa pagsulyap sa inirereto niyang babae, yung Camille.

Ayun kay sungit, she's the leader of the squad and yes, she's pretty at magaling ngang sumayaw. At halatang most of the boys like her. Her beauty resonates throughout the gym at maganda rin ang posture niya. There's no doubt na she's famous and the leader of the squad. They've been practicing their routines and stunts sa gym at halatang they're good at it. Sa kalagitnaan ng panood ko ng practice ay napasulyap ako sa may gawi nina Sungit. Iilang sandali pa ay tumingin rin si sungit sa may gawi namin. At ang nakakapagtaka ay galit siyang nakatingin sa akin. Yun bang para kang pinapatay ng titig niya.

Ano na namang ginawa ko don? Bakit ganoon siya makatingin?

"Dre. Wala diyan ang pinunta natin. Andito oh!" ani ni Yuuto sabay turo sa cheerleading squad na nagprapractice.
"Oo nga dre. Sino ba kasi tinitingnan mo diyan ah?" tanong ni Natsuo sabay lingon sa gawi nila Sungit.
"Ayun. Kaya pala" dagdag pa ni Natsuo
"Ewan ko na lang dre kung makahanap ka ng girlfriend eh ang inaatupag mo ay ang pag-sulyap kay Kira eh." Taruki
"Ano ba kasing meron at doon ka may gawi nila nakatingin?" tanong ni Natsuo
"Ewan ko. Ang sama kasi makatingin ni sungit eh."
"Hala ka dre. May ginawa ka na naman ba? Hahah." Binanatan mo na naman?" Yuuto
"Hindi ka pa ba talaga nasanay dre? Eh halos araw-araw ay may galit yan si Kira sa'yo. Mortal enemies nga kayo siguro nung past lives niyo" Natsuo
"Maiba nga tayo, dre. So, kailangan practice mo ng basketball?" tanong ni Taruki.
"Yan nga eh. So bukas na ang tryouts tama?"
"Oo. At exactly 1:00 PM in the afternoon." sagot ni Natsuo
"Bukas na lang rin siguro, in the morning siguro. Okay lang ba yun?" tanong ko.
"Well, wala ka namang sched for recording at photoshoot kaya walang problema. Pero dre sama kami ah?" Natsuo
"Oo nga naman dre. Nakakabored rin magpirmi sa bahay pag weekends." Yuuto
"Ang sabihin mo bored ka kasi wala ka namang ibang ginagawa kundi manonood ng kung ano-anong anime!" Taruki
"Well. Kaya nga medyo magkamukha na kami eh. Di ba, kasing gwapo ko ni Gray Fullbuster?" Yuuto
"Tss. Baliw. Mas kamukha mo si Chopper ng One Piece gago!" Taruki
"Cute naman." Yuuto
"Hindi no. Mas kamukha mo yung mga Yokai sa Yokai Watch! Haha" Natsuo
"Mabalik nga tayo. Isa na lang ang problema mo dre at yun ay kung papayag si Kira na tumulong sa practice mo on Saturday." Taruki sabay baling ng tingin sa akin.
"Pero teka nga dre. Bakit nga ba kasi kailangan pa andoon si Kira sa practice? Marunong ba siyang magbasketball?" Yuuto
"Malay natin. Eh. Mas lalaki pa nga dito kay Naoya yung si Kira eh." Natsuo
"Parang mali nga ata ang gender niyo. Nagkapalit ata nung pinanganak kayo. Haha." Yuuto
"Hindi nangyayari yun sa totoong buhay. Gago!" Taruki
"Eh bakit pwede sa anime? Eh di ba totoong tao rin naman ang gumawa nun?" Yuuto
"Ewan ko sa'yo Yuuto." Taruki

Iilang sandali pa ng pag-iisip, pagtataka at pagtutok sa practice ng cheerleading squad ay napagtanto naming papalabas na ng gym sina Sungit. Agad naman akong napakuha ng bag at saka isinuot sa may likod ko. Napatingin din ako agad kina Taruki, Natsuo at Yuuto na nakaturok sa speak takraw lalong-lalo na si Yuuto. Kasi hindi nga masyadong magaling sa studies itong ugok na'to pero kapag sports ang pinag-uusapan ay hindi siya nagpapatalo. He's a varsity don sa Skylar nga actually. Tinapik ko ang gilid ng mga timang.

"Dre. Malapit ng magsimula ang afternoon sessions! Tara na!" ani ko

Napatingin agad sila sa mga relo nila at dali-daling hinablot ang mga bag nila at saka tumayo sa bleachers. Nagpunta kami dito para sana sa oplan hanap jowa, ika nga ni Yuuto pero mukhanh hindi ako ang nag-enjoy kundi ang mga loko. Bakas sa mukha nila ang pagkadismaya lalong-lalo na medyo maganda na ang laro ng sepak tekraw team sa practice nila. Kulang na nga lang ay sila ang pumalit sa mga scorer o kaya referee ng game. Agad kaming naglakad papalabas ng gym papunta sa next class namin.

"Ang ganda na sana ng laro. Sayang!" Yuuto
"May pasok tayo mga dre. Hindi porket idol ako ay pwede na tayong lumiban ng walang dahilan lalong-lalo na kung panonood lang naman ng game ang rason." ani ko na may pabalang na tono
"May point ka nga naman." Taruki
"Teka nga dre. Parang naririnig ko na sayo si Kira ah." Natsuo
"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko
"Ang ibig sabihin nun dre ay magkamukha na kayo ni Kira. Haha" Yuuto
"Hindi yun! Gago!" Taruki
"Yung tono ng pagsasalita mo dre parang one strike na atake lang. Yung may naiiritang tono at pagkapilosopo. Parang ganoon! Parang Kira lang." Natsuo
"Oh, tapos?"
"Dre. Iba na talaga ang impluwensiya ni Kira sa'yo. Akalain mong may pagkasadista ka na rin!" Taruki
"Tss."
"Ayan na naman oh. May pasinghal-singhal na." Yuuto
"Tss. May iniisip lang." ani ko
"Ano naman yun dre?" Natsuo
"Yung mukha ni sungit kanina. Nakakabother lang." seryoso kong sagot
"Alin don?" Yuuto
"Yung tumingin siya sa akin ng may galit."
"Eh? Hindi ba normal lang yun sa kanya?" Natsuo
"Ahh so ang ibig mong sabihin, nag-aalala ka dahil baka may nagawa kang mali kaya galit siya kung makatingin sa'yo?" Taruki
"Iba rin talaga si Kira. Akalain mong nabingwit niya ang pogi, sikat, mayaman na bangus. Kaso nga lang ay late bloomer na bangus." Taruki sabay high-five kay Natsuo
"Hindi lang late-bloomer kundi clueless na bangus." Natsuo
"Anong bangus?" tanong ko
"Mukha ka daw bangus, dre. Haha" Yuuto
"Hindi yun! Gago!" Taruki
"Pero ano na dre. Handa ka na bang pakiligin yung Camille na yun." Natsuo
"Iba rin itong mga nirereto ni Kira dre, akalain mong jackpot." Yuuto
"Jackpot nga sa hitsura kaso masama naman ang ugali. Kasi yung iba ay medyo wild rin akalain mong malapit pang masaktan si Kira." Natsuo
"They better not do it again though." ani ko in a serious tone
"Hindi naman siguro ganoon yung Camille dre." Yuuto
"So ano, handa ka nang magpa-impress dun kay Camille?" Natsuo
"Ako pa. Practice tayo ha on Saturday morning!" ani ko
"Iba rin tong kahambugan neto." Taruki
"Hindi ako pinangalanang Sakuragi without reason." ani ko
"Baka nakakalimutan mo dre, si Kira ang nagpangalan ng Sakuragi sa'yo kaya pinagtritripan ka lang nun." Natsuo
"Tss."

Pagkadating namin sa loob ng classroom ay nandoon na sina Kira at kasama niya. Agad naman kaming pumasok sa loob at umupo sa kanya-kanyang mga upuan namin. Mala-matanglawin pa rin yung titig ni Sungit na hindi ko alam kung bakit ganoon siya makatingin. Oo nakakabother kaya pag-upo ko ay agad kong tinapik yung balikat niya ng ballpen. Hindi siya lumingon pero stil I wanna clear something out from her. Hindi naman big deal yung angry face niya but this time, I feel something's off. Hindk kon rin alam but para akong naging conscious the way she reacts and feels about me na hindi ko alam ang dahilan. Yung tipong I don't want to make a mistake to her. Yung tipong gusto ko na good boy ako sa kanya. Maybe because my life was a mess and I have dragged her into it. I'm not really sure.

"Hoy, sungit!"
"Mmm" sagot niya
"May nagawa ba akong mali?"
"Aba ewan ko sa'yo. Parang mali naman kasi ata lahat ng desisyon mo sa buhay."
"Hindi yun. May nagawa ba akong mali sa'yo?"
"Maliban sa pagpasok sa akin sa mala-end of the world na buhay mo? Pamemeste sa akin?"
"Not those, okay? At saka I have promised you na I'll fix this mess naman di ba so you can get rid of me." medyo kumirot ang puso ko after saying those words to her.
"Ano ba kasing problema ah?"
"You looked at me kanina sa gym with anger face so I was just bothered." sagot ko
"Tss. Hindi mo na kailangan malaman." maikling sagot
"Pero how will that put me at ease? How will that put me at ease na you're not mad at me?"
"Tss. Arte mo."
"Ano ba kasing meron sungit? Galit ka ba sa akin?"
"Sa tingin mo?"
"Bakit ka galit?"
"You don't have to know."
"Sungit naman eh."

Dumating na ang lecturer namin para sa afternoon session. Kaya iilang sandali pa ay nagsimula na ang classes namin for the afternoon. Habang nagkaklase ay nababother pa rin yung tingin ni Sungit sa akin kanina sa gym. Ayaw talagang maalis sa isip ko kaya hindi ko mapigilang mapatingin kay Sungit lalong-lalo na at nasa harapan ko lang. Sa kalagitnaan ng class ay nagvibrate ang phone ko kaya agad ko itong binuksan at binasa kung kanino galing yung text. And it was coming from Natsuo saying we have a recording schedule today mga 5:00 PM.

Camille's Point of View:
I've been the leader of the cheerleading squad ng GIS for 2 consecutive years maybe because I am the most charming among the charming cheerleaders here sa GIS. I won't deny but I am one of the famous student here in GIS. They call me the literal Goddess because of how pretty and admirable I am. Boys tend to chase after me. As in most of the boys here in GIS have a crush on me. Some of them actually courted me though lalong-lalo na ang mga varsity ng school for basketball and other sports. Since I am a cheerleader, boys tend to join sports club just to see me and impress me. This is really one of the perks of being a GODDESS. Ang daming naghahabol. And I am really having fun playing with these boys. Nanaka-aliw kasi silang tingnan especially when they try to get you but they couldn't actually. I even dated almost 1/8th of the boys here in GIS. That was my life here in Grande for almost 2 years at ang mas nakakatawa, since I am the Goddess, no one think and talk ill on me, MAYBE.

When the famous idol, Naoya Andvi transferred dito sa GIS. I never felt this thumping feeling in my chest. I am one of his fan. I even have a collection of souvenirs with his faces on it. I even manage an online fan group of him. When he started studying here, I really don't miss of taking a glance at him and he's super duper HOT. He's charming, handsome, and cool. And I really wish I could be with him. And since I am famous, I want the students to ship him with me. I wanted to hear people coupling us. They actually did it but only seldom. Then I never thought that he would actually come to the gym after days of praying that he would look at me. The gym was surrounded by a gentle scream when he entered the gym. We even stopped for a few moments just to look at him.

"Oy. Di ba si Naoya yun?" ani ng kasamahan kong cheerleaders
"Ang gwapo talaga niya."
"He's famous and sexy. Pangboyfriend material nga."
"He's hot kahit sa TV and he's even hotter sa personal."
"May girlfriend na kaya siya?"
"Girls, girls. Let's just continue with our practice, okay?" sabi ko.

Don't you dare nitwits. He's mine and mine alone.

His face was really admirable and handsome. He seated at the right wing bleachers ng gym facing us the cheerleading squad. My chest suddenly started to feel excitement when I knew that he will be watching our practice. And since he wanna watch, I want to impress him with my cheerleading skills. I want him to look at me. I want his eyes to be on me always. With that, ginalingan ko ang pagpractice, I made sure that he would look at me and he did actually. I can feel his gaze towards me and it excites me. There were time that he had check his phone but I know that he was just answering his managers or whatnots. He serious face while looking at the phone is very sexy even his smile is so addictive. After minutes of practicing, Naoya and his friends started to walk back to their classroom. It was a short time but I know that I like him. I love Naoya and as usual, I usually GET WHAT I WANT.

I followed him with my gaze as he walk towards the exit of the gym. His back is so wide that I really want to hug it. But let's save it for later as for sure, I will make him come after me next time.

Kira's Point of View:
Pagkatapos ng maha-underworld naming klase sa afternoon dahil sa sobrang init ay agad nagsitayuan ang mga kaklase naman. Halatang init na init. Meron namang aircon kaso mukhang tinipid na naman ata ng school. Grande is indeed a prestigious school pero kahit na no, hindi lahat ng school ay kakayanin ang straight na paggamit ng aircon. Lahat ng school may issue kaya ganoon. Anyhow, nauna nang lumabas sina Sakuragi kasama ang grupo niya halatang nagmamadali eh. Sumunod naman kami nina Takahiro, Kanade at Kaede na lumabas. Naglakad sa hallway papalabas ng school ground para pumasok sa duty namin.

"Sobrang init naman. Nakakahaggard. Nawala tuloy agad ang effect ng makeup ko." Kanade
"Oo nga eh. Ang sarap ngang kumain ng medyo malamig na snacks. " Kaede
"Sakto may mabibili naman sigurong gulaman diyan sa malapit." Kanade
"Pwede rin naman tayong doon na lang sa cafe, di ba?" ani ko
"Oo nga naman." Kaede
"Pero bakla, gusto ko na talagang malamigan grabe rin naman kasing tong init ngayon sa Pilipinas nangangagat!" Kanade
"Bakit? Gusto mo bang iba na lang kumagat?" tukso ko
"Tss. Pero eto talaga bakla ah. Bakit nga pala tayo nanood ng practice sa may gym kanina?" Kanade
"Oo nga naman girl, Sa pagkakakilala namin sa'yo ay hindi ka interesado sa mga ganoon-ganoon. Pwera na lang kung may dahilan ka para manood." Kaede
"Wala lang, nanood lang para maiba lang. Ganoon!"
"Wehhh? Promise? Huwag mong sabihing dahil kay idol yan?" Kanade
"Gaga. Eh di ba mas nauna tayong nagpunta keysa sa kanila?" sabi ko
"Oo nga naman. Pero what if lang naman di ba." Kanade
"O kaya ay may crush ka sa mga naglalaro ng sepak takraw?" Kaede
"Iba rin talaga yang imagination niyo. Ba't hindi niyo yan pagkakitaan yang pagiging assuming niyo. Sigurado akong in demand ngayon ang mga writers."
"Tss. Eh kasi naman girl, nakakacurious lang naman kasi parang this past few days parang may nag-iba sa'yo. Well, andoon na yung nangyari kay Tito but everything seems off lang. And we know you, bakla more than anyone sa Grande." Kanade
"Wala talaga. Gusto ko lang talagang maiba. Ang dami rin naman kasing kailangan kong atupagin kaya gusto ko lang mag-pahangin. Ganoon." sagot ko
"Hay. Ewan ko naman kasi sa mundo. Ang dami-daming tao, sa iyo pa talaga bumagsak ang kamalasan." Kanade

Well, aside sa problema ko kay Sakuragi at yang pesteng lovelife niya. Hindi ko rin maiwasan na makaramdam ng pagod, ng sakit kasi para akong sinakluban ng langit at lupa dahil sa mga nangyayari sa buhay ko at pamilya ko. Kaya hindi ko masasabi na lahat ng sinabi ko are just lies. Sa totoo lang, I really wanted to unwind. I really want to relieve these burdens and stresses that I have right now. Pero mahirap dahil what if magpahinga ako tapos that's the reason kung bakit mas matagalan ang pag-papaopera kay Tatay? I mean I wanted to but I don't want to regret it after lang din talaga. Naglakad na kami papuntang gate at as usual andoon si Sakuragi. Or so I thought. Hindi pala siya kundi one student sa GIS rin.

"Aba himala at wala ang driver este si idol Naoya." Kaede
"Oo nga. Di ba usually andiyan yan tuwing hapon. Nag-aantay na para bang magulang na nagsusundo ng mga anak niya?" Kanade
"Baka may pinuntahan lang?" Takahiro
"O kaya nagpunta sa girlfriend." Kaede
"O kaya ay nauna ng nagpunta sa cafe." Kanade
"O kaya ay may inaasikaso lang." Takahiro
"O baka may emergency." Kaede
"O baka may binili." Kanade
"Ano kayang nangyari?" mahinang tanong ko na out of nowhere.
"Hinahanap mo, bakla?" panunukso ni Kanade
"Tss."
"Aysus. Oh, baka naman ay inaabangan mo talaga?" Kaede
"Tss. Kung iumpog ko kaya kayong dalawa."
"Eh bakit mo tinatanong kung may nangyari ba o wala?" Kanade
"Wala lang. Baka lang naman may nangyari di ba?" medyo tense kong sagot
"So hinahanap mo nga?" Kaede
"Hindi no. Mabuti nga at wala para mapayapa ang buhay ko kahit ilang oras lang." ani ko
"Pero seryoso nga. Di ba andito na yun kapag ganitong oras?" Kanade
"Oo nga eh. Hay ewan." Kaede
"Baka naman kasi ay inaway mo bakla." Kanade

Ano nga kayang nangyari sa unggoy na yun?

"Hindi pa naman. Huwag kang mag-alala. Aawayin ko siya sa susunod tapos bububugbugin ko para hindi na mamemeste sa buhay ko."
"Suplada mo rin eh no. Hay, balik tayo sa dating gawi na paglalakad papuntang cafe." Kanade
"Bumili ka na ng kasi ng kotse para hindi na tayo naglalakad papuntang cafe."
"Bakla, eh hindi nga halos ako makabili ng damit, kotse pa kaya?" Kanade

Pagdating namin sa cafe ay agad na kaming nagtime in at nagbibihis para simulang ang shift namin ngayong araw. And as usual, si Kaede ay isa sa naging customer ng cafe. Habang kinukuha ko ang mga order ng mga customer ay hindi ko mapigilang mapasulyap sa may upuan na malapit sa windows kung saan parating nakapwesto sina Sakuragi. Medyo tahimik ang cafe kasi wala yung mga asungot. Nakakarelax pero nakakapani-bago.

Nagpatuloy ang shift namin sa cafe ng walang ni-isang bakas ni Sakuragi ang pumasok o kahit bakas man lang nina Taruki, Natsuo at Yuuto. Medyo tahimik at wala masyadong asungot. Kinagabihan, pagkatapos ng shift ay napagpasyahan namin na sabay-sabay na umuwi kami nina Takahiro at Kanade kasi hindi pa man masyadong gumagabi ay nauna nang umuwi si Kaede sa amin. Pero bago umuwi ay nagligpit at nag-linis muna kami ng cafe. Nakatoka na si Takahiro ang maglilinis ng floor, samantalang nasa counter naman si Yahiro, ako at si Kanade naman ang sa mga mesa at mga upuan.

"Alam niyo, nakakapanibago na walang episode 9 ng Ms. Lasingerang Sungit meets Mr. Weirdong Idol ngayon." Kanade
"Baka busy lang siguro." Takahiro
"Buti nga at wala masyadong asungot." ani ko
"Talaga ba bakla? Eh bakit kanina pa tahimik diyan?" Kanade
"Bakit mag-eend of the world na ba kaya dapat gamitin ko na lahat ng natitirang boses meron ako?"
"Alam mo napakasuplada mo, bakla ka." Kanade
"Hayaan muna. Early signs of missing someone ang tawag diyan." Yahiro
"Ano namang pauso yan?" ani ko ng walang imik na nagpupunas ng mesa
"Aysus. Dinideny mo pa. Isa sa mga early signs of missing someone ang change of attitude, girl. Number 5 yan." Yahiro
"Tss. Ganito na talaga ang ugali ko. Kahit tanungin niyo pa ang author."
"Ano naman yung Number 1-4 na signs, Yahiro the master?" Kanade
"Number 4, naiisip mo na lang siya bigla. Yung out of nowhere lang. Para ka lang natamaan ng kidlat, yung walang pasabi pero matindi. Number 3, minsan natatawa ka na lang sa sarili mo kasi namamalik-mata ka na lang. Kahit ibang tao ay napagkakamalan mong siya kahit hindi naman. Kakambal to ng pag-hahallucinate. Kasi adik kana as in adik ka na sa kanya. Number 2, hindi ka nakakatulog o hindi mo naipagpapatuloy ang routine mo o gawain mo dahil sanay ka nang parte siya nung gawain mo na yun. Yung para bang hindi kumpleto ang trabaho mo dahil wala siya. In short, he's part of your priority. And Number 1, the urge to see him badly. Yun para bang gustong-gusto mo siyang makita kahit saglit tapos kapag nakita mo na ay gusto mo na lang yakapin agad-agad. Those are the 5 early signs of missing someone." Yahiro
"Ayy bet. Palakpakan for Master Yahiro!" Kanade
"Saan mo naman napupulot yang mga yan, Yahiro?" Takahiro
"Naku, naku! Huwag mo nang itanong baka lovelife ko pa ang ma-ungkat kaya sabihin na lang natin na based on experience yun." Yahiro
"Alam mo Yahiro, sisikat ka kapag gagawa ka ng libro. Try mo kaya." Kanade
"At alam mo Kanade, magpatuloy ka na rin sa paglilinis para makauwi na tayo." Yahiro

Iilang sandali pa ay natapos na kami sa paglilinis at agad na kaming nagligpit. Nagbihis na rin kami at saka nagpa-alam kay Yahiro na umuwi. Kadalasan kasi ay si Yahiro talaga ang nahuhuli, malapit lang naman rin kasi ang bahay niya sa cafe kaya sabihin na nating siya ang guwardiya ng cafe.

"Master Yahiro, mauuna na kami! Kitakits bukas!" Kanade
"Salamat, Yahiro!"
"Mauuna na kami. Ingat ka!" Takahiro
"Oh sige, Ingat kayo ha! Tingin tingin sa kalsada hindi para hanapin ang namimiss o nawawala, tumingin sa kalsada para hindi mabangga!" Yahiro

Agad kaming lumabas ng cafe at saka naglakad papauwi. Medyo gumagabi na kaya hindi namin mapigilang mahikab. At saka buti na lang ay nagkasabay-sabay kaming umuwi nila Kanade at Takahiro dahil sa tingin ko ngayon lang kami nagkasabay muli na umuwi dahil nitong mga nakaraang araw ay si Sakuragi ang kasama ko. Nakatulala lang akong naglakad habang magkasabay sina Takahiro at Kanade sa may unahan ko. Ewan ko nga ba at bakit hindi pa rin to mag-on tong dalawang to eh halos mas-sweet pa sila sa mag-jowa. Napatingin na lang ako sa mga sasakyan na dumadaan sa may highway. Yun bang para hindi ko maisip na third wheel pala ako. Iilang sandali pa ay may napansin ko si Sakuragi sa isang sasakyan na dumadaan dahil nakababa ang windows. Sinundan ko iyon ng tingin. Pagkurap ko ay napagtanto ko na iba palang tao iyon. Namalik-mata yata ako. Medyo nakakahiya pero yun ang totoo. Agad kong inalis yun sa utak ko.

"Bakla, okay ka lang?" ani ni Kanade
"Mm? Oo. " sabi ko

Habang naglalakad ay eksaktong tumunog ang phone ko kaya agad ko yung sinagot. Nung mga nakaraang araw ay tumawag ako kina Nanay at Tatay para kumustahin sila pero hindi rin nagtagal ang pag-uusap namin dahil medyo busy. Nagulat na lang ako at si Nanay ang tumatawag.

"Hello, Nay?"
"Oh, nak? Kumusta?"
"Bakit ka po Nay? May problema ba?" tanong ko
"Wala anak, sabi kasi ng Tatay mo ay tawagan ka para kumustahin ka baka kasi daw nagpupuyat ka masyado para sa gamot niya."
"Si Tatay talaga oh. Okay lang po ako. Kakauwi ko lang po galing trabaho." ani ko
"Hello, anak!" sabi ni Tatay parang naka-loud speaker ata ang phone nila
"Oh Tay, kumusta po ang kayo?"
"Medyo umaayos naman ang pakiramdam ko anak! Malakas pa to sa kalabaw!"
"Tatay talaga, huwag niyong biglain sarili niyo po ha. Mag-ingat kayo!"
"Huwag kang mag-alala anak, ako ang bahala sa Tatay mo!" sabi ni Nanay
"Eh, ikaw diyan? Kumusta ka naman. Huwag mo masyadong pwersahin yang katawan mo ha. Kumain ka ng mabuti!" ani ni Tatay
"Huwag kayong mag-alala, ako pa. Eh si Yuki po?"
"Eto, nasa tabi ko. Oh magsalita ka na!"
"Ate! Kumusta ka po?"
"Okay lang ako, Yuki! Pumapasok ka pa ba sa school?"
"Oo naman ate. Ako pa!"
"Haha. Nahawa ka na sa pagkahambog ko rin eh no?"
"Oh siya, anak. Tumawag lang talaga kami si nag-alala kami sa'yo at saka medyo namimiss ka na rin namin eh."
"Namimiss ko rin po kayo. Huwag kayong mag-alala, magpapadala po ako bukas na bukas rin po."
"Salamat talaga anak! Mag-iingat ka ha at alagaan mo yang sarili mo."
"Opo Nay, Tay! Akong bahala."
"Sige anak. I love you!" Nanay
"Love you, anak!" Tatay
"I love you ate, ingat ka po!" Yuki
"I love you too!" ani ko sabay putol ng tawag

Ibinaba ko ang tawag at medyo gumaan ng saglit ang pakiramdam ko pagkatapos kong marinig ang tinig nina Nanay, Tatay at Yuki. Yun bang parang naalis lahat ng puyat at pagod ko sa katawan dahil sa kanila.

"Kumusta naman daw sina Tito, bakla?" tanong ni Kanade
"Okay naman, tumawag lang at nangungumusta." sagot ko
"Hay akala ko kung ano na." Kanade
"Akala ko rin eh. Mabuti-buti naman ang kalagayan ni tatay pero kailangan pa rin talaga niya ng operasyon para gumaling."
"Mabuti na lang talaga at malakas si Tito. At saka andoon naman si Tita at Yuki na mag-aalaga sa kanya." Kanade
"Yun nga eh. Miss ko na sila."
"Di bale, bakla. Gagaling rin si Tito. Imamanifest natin yan!" Kanade

Pagkadating namin sa may iskinita kung saan kami maghihiwalay ay agad na akong nagpaalam sa kanilang dalawa at nagpatuloy sa paglalakad hanggang marating ko ang unit. Pagka-akyat ko at pagpasok ay agad akong nagbihis at saka nagluto ng makakain. Medyo nagutom rin naman ako pagkatapos ng shift namin. Ika nga ni Sakuragi, bakit hindj daw kasi ako kumain sa cafe eh dun rin naman daw ako nag-tatrabaho. Iilang minuto pa pagkatapos kung kumain ay biglang may kumatok sa pinto ko. Manonood sana ako ng kdrama sana sa phone. Agad akong tumayo at saka binuksan ang pinto.

Naoya's Point of View:
Medyo ginabi kami sa pagrerecord ng kanta para sa irerelease kong album sa susunod na buwan. Medyo nakakapagod pero para rin sa mga fans. As of now, may lima ng kanta ang album and all of them are cover songs ng mga famous singers at bands sa Pilipinas and abroad. I guess I am living up to ge title 'King of Cover Songs'. Lumabas na ako ng recording studio at andoon sina Taruki, Natsuo at Yuuto na pumapalakpak sa akin sa success ng recording. Andoon rin ang aking music producer na si Shoto.

"Good job, Naoya. 5 more songs to go and your album will surely hit."
"Thanks, Shoto."
"Iba ka rin dre. Akalain mong hindi pa rin kumukupas ang talent mo kahit bugbug na yang boses mo sa pakikipag-asaran mo kay Kira sa Grande." ani ni Taruki
"Yan. May aabangan na ang Naoyanatics." sabi ni Yuuto sabay kuha ng photo namin sa studio at saka nagpindot-pindot sa phone niya na parang pinopost niya yung photo namin.
"Oh siya, paano ba yan? Anong plano?" Taruki
"Hindi ba kayo nagugutom?" biglang tanong ko dahil hindi pa kami kumain since nung pagdating namin sa studio. We actually never expect na matatagalan ang recording.
"Bakit mo tinatanong dre?" panunuksong sabi ni Taruki
"Tinatanong ko lang kung nagugutom ba kayo!"
"Kaya nga, ba't mo tinatanong?" Taruki
"Eh gutom ako eh. Eh kayo ba?"
"Bakit ka naman gutom?" Yuuto
"Kasi hindi pa tayo kumain?"
"Weeh. Gutom ka ba talaga dre? Oh gusto mo lang na pumunta sa cafe?" Taruki
"Oo nga dre. O kaya gusto mo lang pumunta sa cafe kasi may gusto kang makita?" Natsuo
"Ano bang pinagsasabi niyo mga ugok kayo?"
"Yun nga lang, malamang sa malamang ay sarado na ang cafe ng mga ganitong oras" Yuuto
"Yun lang." Natsuo
"Paano ba yan dre. Dahil sarado na so siguro, hindi ka na gutom? Hahaha." Taruki
"Ewan ko sa inyo. Tara na nga, umuwi na lang tayo!" ani ko
"Eh, bakit pikon ka?" Yuuto
"Wala. Tara na!"

Kinuha ko ang bag ko at saka nagsimulang lumabas ng recording studio. Agad namang nakasunod sa akin ang mga ugok. Habang naglalakad ay napasulyap ako sa relo ko at medyo malalim na nga ang gabi. Binilisan ko ang paglalakad ng hindi ko alam kung bakit. Hindi ko alam kung dahil lang sa gutom o ano. Usually kasi, kapag natatagalan ang pagrerecord ay nagdadala lang agad kami ng makakain o kaya ay nagda-drive through lang kami bago pumunta sa studio. Ngayon, nakalimutan naming magdala ng pagkain kasi hindi rin namin alam na matatagalan pala tong recording.

Nakauwi na kaya yun si Sungit?

"Dre. Gutom na gutom ka na ba talaga at parang nagmamadali ka?" Yuuto
"Oo. Eh kayo ba?"
"Oo naman no. Hindi namin akalaing matatagalan pala yung recording." Taruki
"At saka medyo nakakapagod." Yuuto
"Nakakapagod? Eh nasa labas lang naman tayo nanonood?" Taruki
"Bakit? Nakakapapagod rin naman kayang manood." Yuuto
"Ewan ko sa'yo." Taruki
"Pero, dre. 'pag irerelease na ang album mo ah pwede free na lang yung amin?" Yuuto
"Alam mo napakaburaot mo. May pera ka naman ah." Natsuo
"Eh bakit? Sa tingin niyo anong dahilan kung bakit yumayaman ang mga negosyante?" Yuuto
"Oo nga naman. May point ka." Natsuo
"Speaking of points. Nasabi mo na ba kay Kira dre na sa Sabado kayo magpapractice?" Taruki
"Anong Sabado? Ang sabihin niyo ay bukas!" Yuuto
"Hindi pa nga eh." ani ko
"Yun lang. Through thick and thin ka nga nung pagyaya sa kanya sa party. Mas lalo na siguro tong sa practice lang." Yuuto
"Sure akong sasama yun. Eh mukha naman kasing binlack mail nitong si Naoya." Taruki
"Eh paano kung hindi?" Natsuo
"Oo nga naman. Yun lang." Yuuto
"Sa pagkakatanda ko pa ay sumama lang naman yun nung party dahil nagpumilit itong si Naoya." Natsuo
"Halos, kinaladkad ko na nga si sungit nun." ani ko
"So, anong plano? Kailan mo sasabihin? Eh malamang sa malamang ay sirado na ang cafe ng ganitong oras." Natsuo

Tss. Bukas na pala ng hapon ang tryouts.

"Siguro. Itetext ko na lang sa kanya." sagot ko
"Eh, paano kapag ayaw?" Yuuto
"Pipilitin ko siya bukas ng umaga!"
"Ikaw ang bahala dre. Pero sabihan mo kami kapag kailangan mo ng resbak." ani ni Yuuto
"Hindi tayo fraternity para may resbak resbak! Pero if kailangan mo talaga ng company dre! Tawag lang!" Taruki
"Eh hindir rin naman tayo businessman para may company company ah!" Yuuto
"Tss. Ewan ko sa'yo." Taruki
"Oh siya. Ang mabuti pa ay tara na at umuwi na tayo kasi may tryouts pa itong alaga natin bukas, okay? Kaya tara na!" Natsuo

Nagsipasukan na kaming apat sa kanya-kanya naming kotse papaalis ng company building ng e-live. Nagsihiwalay kami ng direction at dumiretso papuwi. Habang binabaybay ko ang EDSA ay pumasok sa isip ko si Sungit. Oo ang sabi ko ay itetext ko lang o kaya ay pipilitin ko siya bukas na magpractice kaso lang hindi kasi madaling pilitin sa sungit. Kahit na binlack mail ko siya ay alam kong hindi yun magpapatinag.

Kung itetext ko ay mababasa pa kaya niya? Natulog na kaya yung supladang yun ng ganitong oras?

Habang nagdadrive ako ay may mga tanong na pumapasok sa utak ko. Maraming what ifs. Nagiging overthinker na ata ako. Baka lang naman kasi may plano na bukas si Sungit. Ewan ko rin naman kasi bakit ang tagal kong sinabi sa kanya kung kailan ako magpapatulong sa kanya na magpractice.

Eh, kung puntahan ko na lang kaya siya? Baka tulog na? Kung bukas ko sasabihin eh baka hindi siya pumayag kasi last minute na akong nagsabi. Itext ko na lang kaya sa kanya. Baka rin hindi siya magreply. Hay sige na!

Agad akong binaybay ang kalsada papunta sa apartment unit ni Sungit. Hindi ko alam kung gising pa ba yung supladang yun pero wala namang masama na subukang kumatok man lang sa unit niya. Habang nagmamaneho ay nahagip ng mga mata ko ang isang drive-thru. Hindi ko rin alam kung kumain na rin si sungit.

Kumain na kaya yung si sungit? Tss. Nagtatrabaho nga sa isang caffe hindi naman kumakin ng dinner. Ewan ko kung may sayad ang utak nun o nagdi-diet lang. Hay makabili na nga rin.

Huminto muna ako sa drive-thru at bumili ng makakain ni sungit. Kung kumain na siya ay pwede ko rin naman ibigay na lang yung food o kaya au dalhin ko sa bahay. Yun lang kapag gising pa. Umorder ako ng two sets ng fried chicken and fillet, spaghetti at saka float na rin. Nagdagdag na rin ako ng fries para na rin kumpleto. Iilang minuto pa ay nakuha ko na ang inorder ko. Nagpaalam ako sa crew. Buti na lang at hindi nila ako namukhaan masyado dahil agad-agad kong sinuot ang face mask ko. Baka kasi magwala sila. Inilagay ko ang pagkain sa may passenger seat sa tabi ko at saka pinaharurot ang kotse papunta kina Sungit.

Pagdating ko ay kinuha ko ang dala kong pagkain saka ako bumaba. Medyo tahimik ang paligid kasi nga almost maghahating-gabi ja. Hindi ko rin alam kung bakit pa ako magpunta ng halos hatinggabi na. Napabuntong-hinga na lang ako at saka pumasok ng complex at umakyat sa mismong pinto ng unit ni Sungit. Kumatok ako sa pinto ng unit ni sungit. Ilang beses rin akong kumatok at hindi pa rin sumagot si sungit. Napabuntong-hinga na lang ako ng medyo disappointed. Tumalikod ako sa pinto at nung akmang papaalis na sana ako ay biglang bumukas ang pinto ng unit ni sungit at iniluwa nito si sungit na nakaoversized na pink na t-shirt at maliit na shorts. Ang kanina kong mukha ay napalitan ng ngiti.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong niya
"Bakit? Bawal na ba ang mga lalaki na dumalaw sa girlfriend nila?"
"Gago. Wala kang girlfriend and remember na fake ang relasyon natin!"
"Pero relasyon pa rin."
"Kung sipain kaya kita diyan?"
"Mapanakit!"
"Gonggong!"
"Andito ako para magrecharge!"
"Anong magrecharge? May blackout sa inyo para dito ka magrerecharge? Kay yaman-yaman niyo tapos hindi man lang marunong magbayad ng kuryente." ani ni Sungit.

Napangiti na lang ako at saka inilapag ang dala kong pagkain sa may tabi ko at saka ako dahan-dahan na lumapit kay Sungit. Halatang hindi niya gets kung anong gagawin ko. Inilagay ko ang mga kamay ko sa may likuran niya at saka ko siya dahan-dahang inilapit sa akin. Niyakap ko sungit ng mahigpit habang ipinatong ko sa balikat niya ang ulo ko. Napangiti na lang ako kasi halatang gulat na gulat siya sa ginawa ko. Sino namang hindi mabibigla di ba kung isang Naoya Andvie ang yumakap sa'yo? Iilang minuto pa ay nagpumiglas na si sungit. Yung nagsink in na siguro sa kanya ang nangyari. Sinuntok-suntok niya ang dibdib ko para makawala siya.

"Hoy. Timang ka ba! Ano bang ginagawa mo ah?" galit niyang tanong sabay suntok sa may tagiliran ko.
"Eh di ba nga ang sabi ko pumunta ako dito para magrecharge?" ani ko sabay ngiti
"Eh gago ka pala eh. Anong recharge sinasabi mo? Gusto mo piktusan kita?" sabi niya sabay kumawala sa yakap ko.
"Eh bakit? Pagod ako kaya nagrecharge lang naman ako."
"Ugok. Ano tong recharge-recharge na sinasabi mo? Itong yakap-yakap mo? Gago ka ba?"
"Ouh bakit? Anong masama dun? Yakap naman talaga ang magpaparecharge sa mga lalaki ah. Tapos yakap mo naman ang magpaparecharge sa akin." ani ko
"Bigwas gusto mo? Pwede ba, huwag mo akong ma-yakap yakap. Maghanap ka nga ng babaeng gusto mo yakapin!" ani nito
"Kaya nga nagpapatulong sa'yo di ba? At dahil wala pa eh di ikaw na lang muna. Pagtiyatiyagaan ko na lang kahit para kang kahoy kapag nayakap."
"Wow. Pagtiyatiyagaan? Iba rin talaga kapag idol. Ang hangin na nga hambog pa. Tusukin ko kaya yang ulo para naman makalabas naman ang hangin diyan sa utak mo."
"Suplada mo! Hindi mo ba ako namiss?" tanong ko
"Ikaw na-miss ko? Gago ka ba? Importante ka ba sa buhay ko para mamimiss kita?"
"Umamin ka na sungit. Alam kong iniisip mo ako kani-kanina lang."
"Asa ka. "
"Owss. Hindi mo ba ako hinanap sa cafe?"
"At bakit kita hahanapin? Manager ba kita?"
"Oo na. Kahit simpleng oo hindi mo na lang talaga binigay."
"Paki mo ba? Teka nga, ano bang ginagawa mo dito ah?"
"Para magrecharge nga."
"Eh tapos na kaya pwede ka ng lumayas."
"Hindi pa!"
"Ano? So yayakapin mo na naman ako gago ka?"
"Oy. Namumuro sa yakap ko."
"Eh kapag tumama sa'yo tong kamao ko? Siguradong tumba ka."
"Tss. Oo na. Kumain ka na ba?"
"Ba't mo natanong?"
"Oo nga naman bakit ko nga ba tinanong eh alam kong hindi ka kumakain ng dinner. Ewan ko sa'yo. Nagtatrabaho sa isang cafe at panay serve sa customers pero yung sarili hindi niya naman kayang paghandaan kahit simpleng hapunan man lang." sabi ko sabay dampot sa paper bag na dala at saka pumasok sa loob ng unit ni Sungit.
"Hoy. Saan ka pupunta?"
"Eh di maghahanda. Ke-babae mong tao hindi ka man lang naghanda ng hapunan mo. Pasalamat ka at maalalahanin tong hubby mo." ani ko sabay kuha ng plato at inilapag sa mesa
"Hubby ko? Ahahhaha. Ang badoy mo kaya pala single ka pa until now."
"Tawang-tawa talaga? At sinong nagsabing single ako? Eh di ba girlfriend kita?"
"Fake girlfriend ouie! Unggoy!"
"Pero girlfriend pa rin."
"Sige, drugs pa."
"Hindi kaya ako gumagamit ng drugs! Ang hilig mo talagang gumawa ng issue eh no?"
"Paki mo?"
"Tss. Umupo ka na nga lang dito. Yakapin kita ulit diyan eh."
"Ang manyak mo talag eh no?"
"Anong manyak? Love language ko lang yun!"
"Anong love language. Walang love love ouoe, ugok! Maghunos dili ka!"
"Sinasabi ko lang. Eto naman napaka-OA!"
"Tapos ikaw yung nonchalant sa atin? Eh kung ihampas ko kaya sayo yang silya na nasa harap mo?"
"Oo na. Umupo ka na lang."
"Ano ba yan ah?"
"Pagkain po boss! Alam ko po kasi boss na hindi ka pa kumakain!"
"Tss. Anong pagkain ba yan ah?"
"Ito na po boss."
"Tigilan mo nga yang kaboss boss mo. Nagmukha tuloy akong leader ng mafia."
"Ayaw ko kasi kitang tawaging wifey kaya boss na lang."
"Kung iumpog kaya kita?"
"Mapanakit!"

Kumuha ako ng mga pinggan at saka inihanda ang mga dala-dala ko. Nakatingin naman sa pagkain habang inihahandan ko ang mga yun. Natawa na lang ako dahil halatang gutom si Sungit. Inilapag ko sa harapan niya ang mga pagkain at umupo na rin sa may harap ni sungit. Nagmukha tuloy na bahay ko ang apartment ni sungit dahil ako na mismo ang naghahanda para kasy sungit eh kung tutuusin ay ako naman ang bisita.

"Kumain ka na, sungit."
"May kapalit ba to?"
"Ayy grabe. May trust issue ka ba, sungit? o ganyan talaga ang tingin mo sa akin?"
"Pwede both? At saka kahit idol ka, mukha ka pa ring adik para sa akin."
"Tss. Kumain ka na nga lang."
"Tsa nga pala, umuwi ka ng maaga kanina?" tanong ni Sungit sabay kain
"So hinahanap mo nga ako?" panunukso
"Hindi no. Ipinagdasal ko nga na sana ganoon araw-araw. Yung walang peste kumbaga."
"Tss. May recording ako ng song kanina para sa new album ko."
"Mmm. Kailan irerelease ang album mo?"
"Baka mga next month siguro. Bakit mo natanong? Huwag mong sasabihin gusto mong maunang bumili ng album ko?"
"Tigil-tigilan mo nga yang pagiging assuming mo. Natanong ko lang para alam ko kung kailan walang engot na umaaligid sa akin. At saka wala akong pera para bumili kaya no thanks na lang diyan sa album mo."
"Huwag kang mag-alala kasi kahit na wala ka ng album ay na sa iyo naman ang ang singer mismo. Magsabi ka lang at kakantahan kita."
"Malala na nga siguro yang pagiging hambog mo. Pacheck-up ka kaya baka kasi pumutok ka."

Pagkatapos naming kumain ay iniligpit namin ang pinagkainan namin at hinugasan ang mga pinggan. At oo ako ang nanghugas. Nagmukha tuloy akong alila o maid nitong si sungit. Ewan ko nga rin at bakit ako nagrepresenta na ako na lang ang manghuhugas ng mga pinagkainan. Hindi ko na sinunod ang mga sabi-sabi o tugon ng mga matatanda na bawal daw manghugas ng pinggan sa ibang bahay lalong-lalo na kapag hindi ka pa nakapagpalipas ng gabi sa bahay na yun. Eh kasi namin kami dalawa ang gumamit nun at saka alam kong pagod si Kira. Oo pagod rin naman ako pero hindi ko maikukumpara ang pagod niya sa katatrabaho halos pagkatapos ng klase. Hindi siya yung tipong uupo na lang sa tabi at puro magpaganda lang ang gagawin. Pagkatapos kong hugasan lahat ng pinggan ay pumunta ako sa may living room kung saan naka upo si sungit sa couch habang nanonood ng tv. Umupo ako sa tabi niya at nanood rin ng palabas na pinapanood niya. Tutok na tutok si sungit sa tv dahil sa ganda ng palabas. May cable ata ang tv dito sa aaprtment niya dahil hindi bandila o o'shopping ang palabas niya sa tv niya kundi 1990s comedy movie.

"Ano ba yang pinapanood mo?" tanong ko sabay tabi sa kanya
"May magagandang palabas kapag ganitong oras usually throwback movies."
"Maiba nga tayo, sungit. May gagawin ka ba bukas ng umaga?"
"Bakit mo natanong?"
"So, wala nga?"
"Bakit nga?"
"Bukas yung tryouts di ba?"
"Ayy oo nga pala, oh ano na? Ready ka na?"
"Anong ready eh hindi pa nga ako nakapagpractice eh."
"Akala ko ba marunong ka?"
"Oo nga, marunong ako. Pero sungit, alangan namang maglaro lang ako dun ng basta basta ng hindi handa?"
"Oo nga naman. Magpapa-impress ka nga naman sa isang babae."
"Tss. So ano, bukas ng umaga?"
"Anong meron bukas ng umaga?"
"Magpapractice."
"Oh tapos? Ano namang kinalaman ko diyan?"
"Eh di ba nga sabi mo tutulungan mo akong magpractice?"
"Andiyan naman sina Natsuo, Taruki at Yuuto, di ba?"
"Sungit naman eh."
"Anong sungit naman eh. Totoo naman eh. Huwag mong sabihing hindi ka nga marunong magbasketball?"
"Marunong ako."
"Oh kung ganoon naman pala ay bakit andoon pa ako sa practice mo?"
"Para may paglala-anan ako ng mga shots ko, ganoon."
"Anong akala mo sa akin? Ring ng basketball?"
"Hindi ganoon! Ang ibig kung sabihin para motivated akong maglaro."
"Huwag ka ngang hangin. Eh hindi ka naman magaling."
"Patutunayan ko sa'yo na magaling ako kaya sumama ka na!"
"Saan ba yan ah?"
"Sa bahay ko."
"May court ka ba don?"
"Of course, dun sa mansion."
"So, makikita ko si Izuki?"
"Opo. Kakainis mas namimiss mo pa ata ang kapatid ko."
"Alangan namang mamiss kita eh peste ka sa buhay ko."
"Tss. So ano? Bukas?"
"Gegeg. Pero isama na rin natin sina Takahiro, Kanade at Kaede para mas masaya."
"Oh sige. Dapat andon ka ha?"
"Oo na at saka bakit? May mangyayari ba sa akin kapg hindi ako magpunta?"
"Well, tatawagin mo akong hubby ng isang buwan."
"Tss. So may punishment pala ah. Oh sige, kapag natalo ka bukas sa tryouts ay hindi mo ako kakausapin ng isang buwan."
"Ayy grabe. Ganyan ka tindi talaga ang parusa?"
"Oh bakit? Sa tingin mo hindi matindi ang tawagin kang hubby ng isang buwan?"
"Kahit tawag at text rin?"
"Yes, bawal na bawal. So ano? Deal?"
"Eh kapag ayaw ko? Eh di ako ang hindi kakausap sayo. Madali lang naman yun."
"Tss. Oh sige na. Deal! Siguruhin mong pupunta ka ha? Sa practice at tryouts."
"Oo na."
"Anong oo na? Dapat may hubby para mas astig!"
"Hubby mo mukha mo!"
"Teka ng sungit. Galit ka ba sa akin kanina?" tanong ko ng bigla kung maalala yung mukha niya ng tumingin siya sa akin nung andun kami sa gym
"Galit? Araw-araw naman akong galit sa'yo kasi ang weirdo mo."
"Yung andun tayo sa gym yung sinamaan mo ako ng tingin."
"Ahh. Hindi naman. Warning lang yun na huwag mo akong titigan. Kakabwesit kasi at panay ka text ng text."
"Ahh. Akala ko kasi galit ka. Magsosorry pa naman sana ako."
"Gago ka ba? Bakit ka magsosorry kung hindi mo naman kung may kasalanan ka?"
"Eh bakit? Ganoon naman talaga di ba? Kailangan ang mga lalaki ang magcompromise?"
"Misconception yan. At saka naniniwala ba talaga kayo na tama ang mga babae? Kung palagi kaming tama eh bakit hindi kami ang naging panginoon kung tama pala kami palagi?"
"Ganoon naman talaga. Kasi yung mga babae kahit na kasalanan naman nila ay pinagmumukha nila na kasalanan ng lalaki."
"Hindi lahat may point ka kasi naman isa sa mga katangian ng babae ang pagiging submissive. Mas gusto nila na sila ang bina-baby. Mas gusto nila sila ang pinagtutuunan ng pansin ng mga lalaki."
"Eh bakit hindi ka ganoon?"
"Siyempre. Hindi lahat ng babae ay submissive no. Independent ako."
"Oo nga naman. Kung tayo ang pag-uusapan ay mas submissive nga ako keysa sa'yo."
"Well, hindi rin naman kita masisisi lalong lalo na dahil sa family history mo."

Oo nga pala, alam niya na ampon lang ako.

"Saklap nga eh. Yung masaya ka na sana tapos nalaman mo pa na ampon ka. Sana nga ay hindi ko na nalaman pa."
"Nasaan ba tunay mong magulang?"
"Yun nga rin eh ang sabi daw ay namatay sila sa isang aksidente. Nung nalaman kong ampon pala ako ay parang gumuho ang mundo ko."
"Ilang taon mo nalaman na ampon ka?"
"Nung Grade 6 ata ako. Yun nga yung dahilan kaya naging idol ako. Kumbaga yun ang nag-udyok sa akin na maging idol. Gusto ko na may maputanayan ako hindi lang sa sarili ko kundi pati na rin kina Mom at Dad, kina Izuki at sa mga kapatid ko."
"Alam mo, ang sabi nila ay may dahilan daw ang lahat. Ako nga rin eh, minsan nakakalungkot isipin na kailangan kong malayo sa pamilya ko. Pero alam kong magkakareward rin tayo sa kung ano mang sakripisyo na ginawa natin para sa pamilya o para man sa sarili natin." sabi ni sungit
"Anong reward? Most Emo?" ani ko
"Haha. Gago! Hindi yun" sabi ni sungit sabay tawa
"Oh baka Best in Lifestory?"
"Ewan ko sa'yo!"
"Oh siya nga pala, itext mo na sina Takahiro na bukas don sa bahay namin."
"Pala-utos ka rin eh no?"
"Hindi kaya!"
"Eto na. Itetext ko na!"

Itinext ni sungit sina Takahiro, Kaede at Kanade na pupunta sila sa bahay ko. Pagkatapos nun, ipinagpatuloy namin ang panonood ng palabas. Iilang sandali pa ay hindi ko napagtanto ay nakatulog na pala ako. Kinaumagahan ay nagising na lang ako dahil sa sinag ng araw na dumampi sa mukha ko. Nagising akong nakaupo pa rin sa couch yung ulo ko lang ay nakahiga sa may sofa at suot na suot ko pa rin yung damit ko kahapon. Pagmulat ng mata ko ay nagulat ako dahil wala ako sa kwarto ko. Agad kong inilibot ang mata ko at napagtanto ko na nasa apartment pa rin pa pala ako ni Sungit. Napatayo ako ng bigla dahil ang mas ikinagulat ko ay nasa couch rin natulog si sungit. Nakahiga siyang natulog sa tabi ko. At oo ang inosente niya kapag tulog. Iilang sandali pa ay tumunog ang phone ko kaya agad kong kinuha ito sa bulsa ko. Tawag yun mula kay Taruki. Agad kong sinagot ang tawag.

"Good morning, dre! Saan ka na? Andito na kami sa mansion."

Oo nga pala, tryouts na mamayang hapon.

"Papunta na ako. Hintayin niyo na lang ako. Sinong kasama niyo diyan?"
"Kaming tatlo nina Natsuo at Yuuto tapos andito na rin si Takahiro, Kanade at Kaede. Nagtext kasi itong si Kanade. Hindi daw nila alam kung asan yung bahay niyo kaya sinundo namin sila. Eh hindi daw makontak si Kira eh."

Hindi niyo talaga makontak kasi tulog pa.

"Oh sige, papunta na. Isasama ko na rin si sungit."
"Teka, magkasama kayo?"
"Hindi no! Pupuntahan ko siya sa apartment niya baka kasi tulog pa."
"Oh sige dre. Ingat kayo"
"Oh siya."

Ibinaba ko ang tawag at saka agad na lumapit kay sungit. Tinapik ko ang balikat niya at saka tinawag ang pangalan niya para magising siya.

"Sungit! Gising na! Hoy! Kira!"

Iilang sandali pa ay gumising na si sungit. At halatang gulat siya nung pagmulat ng mata niya dahil nasa apartment niya ako.

"Bakit andito ka?"
"Hindi mo ba natatandaan kung anong nangyari kagabi?"
"Gago. Walang nangyari!"
"Wala nga, ang ibig kong sabihin ay nakatulog tayo habang nanonood ng palabas at late na tayo sa practice kaya bumangon ka na diyan. Andoon na sina Natsuo, Taruki at Yuuto pati sina Takahiro kaya mabuti pa ay maligo ka na. Maghahanda ako ng agahan habang naliligo ka!"
"Anong oras na ba?"

Tiningnan namin parehas ang orasan at eksaktong alas otso ang sabi kaya agad kaming tumayo at nagsikilos. Agad akong pumunta sa may kusina habang nagpunta naman si Sungit sa kwarto niya. Binuksan ko ang ref ni sungit at kumuha ng mga itlog para gawing omelette kasi madali lang gawin. Lumabas naman si Sungit sa kwarto niya na may dala-dalang damit at towel.

"Hoy, weirdo! Bawal mambuso!"
"Hindi ko gawain yan! Ikaw lang ang may kayang gawin yan!" ani ko sabay prito ng mga itlog. Pagkatapos kong magluto ay agad kong inihain ang pagkain sa mesa. Iilang sandali rin ay natapos si Sungit na maligo at lumabas siya sa banyo na nakasuot ng oversized shirt na green at shorts habang nakapulupot naman ang tuwalya sa may buhok niya. Nagpunta siya sa kwarto niya ulit at iilang sandali pa ay lumabas na may dala-dalang extrang tuwalya at damit.

"Kumain na tayo!" ani ko
"Maligo ka na rin!" sabi ni Sungit sabay hagis ng tuwalya at mga damit.
"Para saan to?"
"Maligo ka na at baka naghihintay na sila sa atin, gago!"

Lumapit si Sungit sa may mesa at saka nagsimulang mag-agahan habang dumiritso naman ako agad sa banyo. Hinubad ko ang mga suot kung damit at saka naligo na. Pagkatapos ay isinuot ko ang shorts na inihagis ni Sungit kanina at akmang-akam yun sa sukat ko. Lumabas ako ng banyo habang nang nakatopless. Pinunasan ko ang buhok at katawan ko para matuyo. Nagpunta na rin ako sa may mesa at saka nag-agahan. Habang si sungit naman ay nasa sink at nagto-toothbrush. Pagkatapos niyang magtoothbrush ay dumiritso siya sa kwarto niya.

"Hoy, sungit! Paano ako magtotoothbrush?" ani ko
"May extrang tootbrush sa cabinet diyan. Huwag kang mag-alala, hindi pa gamit yan!" ani nito bago dumiritso at pumasok sa kwarto niya.

----

THANKS FOR READING!!!
DON'T FORGET TO SHARE, VOTE AND COMMENT!!!

Get in touch with your author and his works by checking out his social media accounts:
Twitter: writeful_bunny
Facebook Page: Writeful Stories
Wattpad: writeful_bunny

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro