COFFEE EIGHT
**EISKAFFEE: CAFFEINATED CONCERN**
Kira's Point of View:
Pagkatunog ng bell ay agad na nagsilabasan ang mga kaklase namin. And as usual, mas pinili namin na mahuling lumabas ng classroom. Agad kong inayos ang mga gamit ko. Tumayo na si Sakuragi pati na ang pangkat niya at saka nagsimulang maglakad. At eksaktong nung magkatabi na kami ay bumulong siya. Medyo abala ako pero dinig na dinig ko ang bulong niya na walang kakwenta-kwenta.
"YELO? Tumigil ka nga sa pagtakbo sa isipan ko at baka mayelo ako sa kakaikot mo!"
"Tch!"
Paglingon ko sa gawi niya ay nagsimula na siyang maglakad habang nakangiti na halatang nang-iinis. Kumunot ang noo ko habang nakatingin sa kanila na naglalakad papalabas ng classroom.
Weirdo mo! Corny pa! Badoy mo Sakuragi!
Agad akong bumaling ng tingin sa mga gamit ko at saka agad na nag-ayos. Kinuha ko ang bag at saka tumayo. Nakatayo na rin sina Takahiro, Kaede at Kanade na dala-dala ang mga bag nila.
"So ano bakla Tara na?"
"Geh!"
Nagsimula kaming maglakad papunta sa hallway para pumunta sa cafeteria para sa lunch break.
"Teka nga bakla, kailan ka ba mag-aapply sa restaurant na sinasabi nitong si Kaede?"
"Bukas siguro! Maghahanda pa ako sa mga kinakailangan sa pag-aapply!"
"Samahan kita girl?"
"Huwag na!"
"Aysus, pahumble ka pa! Sama na ako!, Nakakabored yung wala ka eh!"
"Tss. Huwag na! Pagkatapos bukas ng shift natin ay saka ako mag-aapply! Gabi na masyado kaya ako na lang!"
"Seryoso?Bukas pagkatapos ng shift? Gabi na masyado yun girl"
"Eh ano naman?"
"Baka marape ka o kaya makidnap!"
"Eh di magpaparape ako! Happy?"
"Tss. Hindi ka marunong magbiro! Alam mo ba yun?"
"Sinabi ko bang biro yun?"
"Kung Hindi man biro yun! Pangit pa rin yun na idea!"
"Sinabi ko bang idea yun?"
"Alam mo girl, suplada mo!"
"Teka, maiba nga tayo ng topic! Ano nga pala ang nangyari don kanina?" Kaede
"Anong kanina?" Kanade
"Yung kanina sa classroom natin?" Kaede
"Ano namang meron don?" Kanade
"Pangit pa rin?" Kira
"Hindi yun, ang ibig kong sabihin ay yung nangyari kanina!" Kaede
"Ahhh, yung kay idol Sakuragi?" Kanade
"Teka, Sakuragi?" Takahiro
"Hindi! Baka Takuragi? Hmm!" sarkastikong sabi ni Kanade kay Takahiro
"LQ?" Kira
"EQ!" Kaede
"BBQ?" Takahiro
"Tss. Ang papangit ng entry niyo!" Kanade
"Bakit Sakuragi?" Takahiro
"Aba Ewan ko, nakikisakay lang naman ako sa trip nitong si Kira!" Siya tanungin mo!"
"Sabihin na lang nating bagay na palayaw yun sa kanya!" Kira
"So ano ba ang nangyari don ah?" Kaede
"Ewan, parang may tumawag siguro sa kanya sa kalagitnaan ng klase!"
"Eh sino naman kaya?"
"Aba Ewan ko! Siguro sa trabaho niya or manager niya!"
"Oh baka jowa niya! Nag-aalala at hinahanap siya. O kaya nagtatanong bakit na sa Grande na siya nag-aaral!"
"Tindi rin ng utak mo eh no!"
"Yes, Imagination lang Ang meron ako kaya huwag kayong ano!"
"Eh, bakit nga ba andito yang idol na yan ah?"
"Sa totoo lang, Tanong ko rin yan! Kasi naman, sikat na idol tapos biglang lilipat sa isang school na walang dahilan?"
"Baka, may taping dito tapos Hindi Tayo na-informed!"
"Seryoso?"
"Bakit mukha ba akong nagbibiro! At saka bakla! Baka lang naman di ba?"
"Oh kaya ay exchange student! Ganerrn!"
"Oh kaya may sinusundan!"
"Ano to? Habulan?"
"Oh baka nagpapa-audition, charot!"
"Oh baka naman police yan at may sinusundan ditong criminal na galing preso o Anu!"
"Idol nga bakla di ba?"
"Hay, Ewan ko ba sa mga yan!"
Bigla kong naalala yung mukha ni Sakuragi nung mapahiya siya sa klase kanina. Yung mukha niya na alam mong nagulat at nahihiya. At ang mas nakakatawa ay mukha talaga siyang timang na tumingin sa akin nung mapahiya siya.
"Wow, may pangiti-ngiti tayo diyan bakla ah! Anong meron? Share naman diyan!"
"Tss. wala! Bilisan na nga lang natin at gutom na ako!"
"Galit? Period mo ulit bakla?"
"Baka naubusan ka na ng dugo niyan girl sa kakaperiod mo girl, Hindi ba masakit puson mo?"
"Tss. Hindi nakakatawa!"
"Alam mo ang sadista mo,"
"Hindi ka pa ba nasanay?"
"Well, nasanay naman wala naman kaming magagawa!"
"So kailangan ako yung mag-adjust?"
"Alam mo girl, ang suplada mo! Dahil ba yan don sa Peste na sinasabi mo at saka girl, mainit na sa Pilipinas! Huwag mo ng dagdagan pa ng init ng ulo! Heatstroke girl! Wala pa namang tindang halu-halo sa cafeteria para malamigan ka!"
"Tss. !"
"Ayun, ano ba kasing Peste yan at ipahuli natin dito kay Takahiro!"
"Teka, ako?"
"Hindi, baka kami! Sino ba si Takahiro dito?!"
"Tss. Huwag na nating pag-usapan at baka mapeste pa ako!"
"Alam mo girl, nalilito rin kami sa anong Peste yan kasi alam naming Peste yang mga yan pero huwag mong pestehen ang Sarili mo sa mga peste at baka mapeste ka pa!"
"Teka ano?"
"Huwag kayong ano! Hindi ko rin alam kung anong pinagsasabi ko!"
"Chill, bakla baka pumutok ka kami pa ang sisisihin! Joke!"
"Tss!"
"Oo nga girl, chill!" chillin' like a villain! Ay Hindi ka pala villain sabi ng author. charot!"
"Oo nga bakla, huwag masyado ang init ng ulo at baka maibalita pa yan! Sadistang bakla, pumutok at tulala ang sanhi, pesteng palaka! Charot!"
"Tss!"
Nagpatuloy kami sa paglalakad papunta ng cafeteria. Nag-uusap sina Kanade at Kaede habang nakikinig lang ako sa kanila. And as usual, nasa phone niya ang atensyon niyang si Takahiro habang nakaheadset. Iilang sandali pa ay biglang nagvibrate ang phone ko. Huminto ako at saka kinuha ko ang phone sa bulsa ko at saka tiningnan.
"Hoy bakla ka! Bago cellphone mo?"
Napalingon ako sa kanila na halatang gulat.
Kailangan ganyan talaga yung reaksiyon?
"Oo nga girl, kailan mo binili?"
Anak ng Putakteng Kalabaw.
Hindi ko pwedeng sabihin na galing to kay Sakuragi.
"Ahh, binili ko kagabi! Nasira phone ko kasi yung phone ko!"
"Nasira? paano? Bakit?"
"Nabitiwan ko nung ginagamit ko at nahulog kaya nasira!"
"At bakit mo naman nabitiwan abir?"
"May nabangga kasi ako kaya ayun nahulog!"
"Tao?"
"Hindi! Oso! Siyempre tao!"
"Ito naman, nagtatanong lang eh!"
"Tss!"
"Baka nga dapat palitan na gurl kasi naman mukhang pre-historic na mga tao ata ang gumagamit ng ganoon na phone!"
"Oo nga at saka may gumagamit pa ba ngayon ng keypad? Mukhang wala na nga siguro!"
"Hindi gumagamit ng cellphone ang mga pre-historic na mga tao! At saka ano namang masama sa phone na yun? Hindi ibig sabihin na luma at pangit ay hindi na pwede gamitin! at saka yun lang Ang meron ako tapos maghahanap pa ba ako sa wala?"
"Eto naman, cocorrectionan at sesermonan pa ako!"
"Tss"
Bumaling ako ng tingin sa cellphone at sa kasamaang-palad ay nagtext si Sakuragi. Agad kong pinindot at binasa ang text ni Sakuragi.
Inbox
Message Received
Weirdo
09*********
Hoy, sungit!
YELO?
Di ba yan yung tinitingnan
para malaman ang oras?
Anak ng Tokwa. Nagtext siya para lang sa joke niyang walang kakwenta-kwenta?
Agad akong nagtype ng reply sa kanya na medyo mainit ang ulo dahil sa walang ka-kwenta-kwentang text niya.
Inbox
Create Message
Weirdo
09*********
Anak ka ng Palaka!
Hoy weirdo! Tigilan mo nga yan!
Hindi nakakatawa Gago!
Message Sent
12:07 pm
Pagkasend ko nung text ay agad kong pinasok sa bulsa ko ang phone ko.
"Anong meron bakla?"
"May nambwebwesit lang!"
"Woah, napapadalas ata yang may nambwebwesit sayo ah! Jowa girl?"
"Jowa talaga? seryoso?"
"Baka lang naman, kaya nga nagtatanong di ba?"
"Tss."
"Eh sino ba kasing yang tinutukoy mo?"
"Wala! Huwag na nating pag-usapan at gusto ko pa naman umupak ngayon!"
"Alam mo ang suplada mo at mapanakit pa!"
"Wala Kang magagawa, tanungin mo author!"
"Hay Ewan ko sa'yo!"
"Maiba nga tayo, wala ka bang Plano Kira na gumawa ng social media account kaht fb or Instagram?"
"Aanhin ko naman?"
"Ito naman, gurl, trend yun ngayon tapos magpapahuli ka? at baka malay mo ay may mameet kang lalaki na kasing taray mo ganern!"
"Tss. Ayoko, Hindi ko kailangan yang mga ganyan! Hindi naman yan tumutulong sa mga problema ko."
"Alam mo girl, ang praktikal mo! For the sake of trend lang ito naman!"
"Tss. Ayoko at wala akong ka-alam-alam kung anong demonyo yang mga yan at saka Hindi ko kailangan yan!"
"Oo na, ito naman sesermonan pa ako!"
Nagpatuloy kami sa paglalakad papunta sa cafeteria. Iilang sandali pa ay nagvibrate ulit ang phone ko . Napahinto ako sa paglalakad at agad kong kinuha ulit Ang phone ko. Nagtext ulit si Sakuragi. Agad kong pinindot at saka binasa ang text.
Inbox
Message Received
Weirdo
09*********
Sungit mo naman sungit!
Magtatanong lang naman
kung saan ko makikita yung
mga babaeng sinasabi mo.
Ayy oo nga pala, Anak ng Baboy.
Agad kong binalik sa bulsa ko ang cellphone.
Anak ng Tokwa. Bwisit!
"Mauna na kayo! May pupuntahan muna ako!"
"Saan girl? Tawag ng kalikasan?"
"Tss. Hindi may pupuntahan lang ako! Mauna na muna kayo! At susunod na ako!"
"Samahan ka na lang namin!"
"Boring kaya girl kapag wala ka!"
"Tss. Mauna na kayo! Saglit lang ako!"
"Hindi girl, sasamahan ka namin at baka mapano ka pa! Alam mo namang bullies dito ay parang kampon ng demonyo!"
"Tss. Demonyo? kung demonyo sila pwes mas demonyo ako!"
"Angas ah! Basta sasamahan ka namin!"
"Mauna na lang kayo! Mabilis lang ako!"
"Hindi bakla, sasama kami at pag-uusapan natin yang Peste na sinasabi mo"
"Tss!"
"Joke, ito naman! pero sasama talaga kami at wala ka ng magagawa!"
"Tss. Sige na nga!"
"Mauna na ako sa inyo! Gutom na ako eh" Takahiro
"Tss. Patay-gutom!" Kanade
"LQ?" Kira
"Huwag na nating pansinin yun! Tara na!"
Kinuha ni Kanade ang mga kamay namin ni Kaede at saka agad kaming lumihis ng landas kay Takahiro. Pumunta siya agad sa cafeteria habang kami naman ay naglakad sa hallway ng school.
"Alam niyo naguguluhan na ako sa inyo! Away-bati palagi ang trip ninyo ni Takahiro! Anong pauso ba yan ah?"
"Tss. wala! Nakakapeste lang naman kasi yun si pangit eh!"
"Bakit?"
"Wala! Huwag na lang nating pag-usapan!"
"Nag-away ba kayo?"
"Hindi no!"
"Eh bakit nga away-bati kayong dalawa? Anong meron?"
"Wala nga! Huwag na nating pag-usapan at maiba nga tayo, saan ba tayo pupunta bakla ka?"
"May hahanapin lang tayo!"
"Hahanapin? Sino?"
"Crush mo girl? Gwapo?"
"Seryoso? Lalaki talaga? Di pwedeng babae?"
"So babae?"
"Hindi, baka bakla!"
"Alam mo girl, ang gulo mo kausap!"
"Sinabi ko bang Matino ako kausap?"
"Eh sino nga? Napakamysteryoso mo!"
"Basta, tao ang hinahanap natin!"
"Wow, Anu to girl? Hulaan? Anong akala mo sa amin, manghuhula?"
"Hindi ba?"
"Hindi no, mukha lang pero hindi!"
"Tss. Sino nga girl?"
Naglakad kami sa hallway habang palingon-lingon ako sa paligid ko para hanapin yung dalawang linta. Yung Myelie Yna Dominguez at Miyor Tuazon ang hinahanap ko para naman matigil namin tong kahibangang bahay-bahayan namin ni Sakuragi. Alam kong ikalawang araw pa lang niya dito sa Grande at bwisit na bwisit na ako kaya mas mabuting mahanapan na siya agad ng girlfriend bago pa mas gumulo ang buhay ko.
"Hoy, bakla sino?"
"Sinong ano?"
"Sino ba kasing hinahanap natin?"
"Oo nga girl, paano natin mahahanap yang hinahanap mo kung di mo sasabihin kung sino?"
"Sinabi ko bang maghanap kayo?"
"Alam mo ang suplada mo! Eh ano bang ginagawa namin dito?"
"Di ba sabi niyo sasamahan niyo ako?"
"Oo nga! Oh tapos?"
"Anong oh tapos? Ayan nga sinasamahan niyo na ako di ba?"
"Alam mo girl, naguguluhan na ako sa'yo!"
"Tss."
"Sino ba kasing hinahanap natin ah?"
"Mga tao!"
"Alam mo girl, matatagalan tayo diyan sa pauso mong hulaan!"
"Oo nga, gutom pa naman ako!"
"Gutom o gusto mo lang bumalik don dahil andoon yung ka-LQ mo? At saka gutom ka? Eh di ba sabi ko na ako na lang Ang maghahanap? May nag-utos ba na sumama kayo?"
"Oo na, ito naman sesermonan pa ako! Para ka nang Nanay ko!"
Nagpatuloy kami sa paghahanap sa dalawang bruha. Hindi ko na pinaalam kung sino yung hinahanap ko kina Kaede at Kanade at baka magduda sila kung bakit ko sila hinahanap. At saka ayokong madamay pa sila dito sa kahibangan ni Sakuragi. Dahil parang wala naman siya sa second floor ay nagsimula kaming pumunta sa third floor. Umakyat kami sa hagdan papunta sa third floor.
"Alam mo bakla, hindi maganda tong trip mo!"
"Sinabi ko bang trip to? At kung trip man to, sinabi ko bang maganda to?"
"Eh, ano to girl? Scavenger hunt?"
"Treasure hunting?"
"Hide and Seek?"
"Tss. Basta, makikita rin natin yung nga yun!"
Papaakyat na sana kami ng biglang sumulpot yung mga bruha. Pababa sila sa second floor siguro.
"Look who's here?"
"Ba't ka pa Magtatanong, eh kilala niyo naman kami?"
"No one's asking you, trash!"
"Kampon pala to ng mga demonyo"
"What did you say?"
"No one's talking to you either slut!"
"Wait! Oh you're the whore clinging to our Naoya!"
"What are you doing here, slut?"
"Tara na bakla baka bumuga pa yan ng apoy at baka matusta pa tayo!"
"Do I have to tell you, mongrel? You're not my mom so it's not my obligation to tell you what I am doing here, and besides, this school is not yours, isn't it?"
"Tigas rin ng ulo mo girl!"
"Yes, It's not mine but I guess you're still below me! I am rich not like you who lives in a slumps!"
"Hambog pala tong mga to!"
"And what's up with that? I live in a slumps in peace and I didn't bother you wealthy asses right?"
"Bakla, Tara na! Baka dumugo ilong ko at saka wala tayong mapapala sa mga yan!"
"Oh, sorry but no! You've taken our Naoya to us, so I guess you won't live in peace now!"
"Oh bring it on, I'm not scared of you asses!"
"Hoy, Tara na bakla! Baka may rabies yang mga yan! Hindi pa naman ako nagpabakuna ng anti-rabies nung kabataan ko!"
"Yes, because all of you are the poorest among the poor! Ahh, sorry that was rude, I mean you are the trash among the garbage!"
"We are rubbish? Look who's talking!"
"Tara na bakla! Baka Hindi ako makapagtimpi at baka ipakulam ko yang mga yan!"
"Akala mo kung sino!"
"Curse us? You're funny dear! I'll give you a chance to throw another best joke! Make me laugh trash!"
"Trash yang mukha mo! Kung kami basura! Basurahan ka naman!"
"Oo nga, magaganda pero walang magawang tama!"
"At least, we're beautiful unlike you three!"
"Eh di wow! self-declare lang? Yung ego! Sayang!"
"Yes you're beautiful! But I think it doesn't suit you! You're both beautiful but with ugly academic performance and personality. It's better to be ugly with beautiful academic performance and personality than being like you two!"
Nakakunot ang noo ko at nagsimula silang lampasan. Pero nung lampasan na namin sila ay biglang hinawakan ni Yna ang balikat ko at saka hinatak para mapabalik ako sa harap.
"We're not finish talking trash!"
Malakas ang pagkakahatak niya at pagtulak niya. Nagulat ako sa ginawa niya. Napaatras ako dahil sa lakas ng pagkakahatak niya at iilang sandali pa ay nahulog ako sa hagdan.
"Kira!"
Napasigaw si Kanade habang nagulat naman si Kaede. Parang wala akong marinig na kung ano habang papahulog ako. Hindi ko inaasahang mahuhulog ako sa hagdan. Iilang sandali pa ay eksaktong napadaan si Sakuragi sa ibaba. Gulat siyang napatingin sa akin habang papahulog ako. At.
Tsuug!
Napapikit ako dahil sa pagkakabagsak ko sa ibaba ng hagdan. Mga 7 steps yun mula sa kinatatayuan namin kanina kaya medyo mataas at masakit kapag nahulog ka. Yun ang nasa isip ko habang nahuhulog ako. Pagkabagsak ko ay alam ko na magiging masakit ang mararamdaman ko dahil sa impact. Pero nagulat na lang ako ng medyo malambot ang binagsakan ko. Napadilat ako at nagulat na lang ako dahil nasa ibabaw ako ni Sakuragi. Nakapikit rin siya dahil sa lakas ng pagkakabagsak ko sa kanya. Iilang sandali pa ay minulat niya ang mga mata niya. Nagtagpo ang tingin namin. Medyo malapit ang mga mukha namin sa isa't-isa. Ilang sandli rin ang pagtitig namin sa isa't-isa. Rinig na rinig ko ang pagbaba ni Kaede at Kanade ng hagdan at ang paglapit ng pangkat ni Sakuragi pero hindi yun ang pinagtuunan ko kundi yung pagtitigan namin ni Sakuragi. Yung parang walang ibang tao kundi kami lang. Iilang sandali pa ng pagtititigan ay natauhan na kami. At habang nasa ganoong posisyon ay biglang pumasok sa isip ko ang una naming pagkikita nitong si Sakuragi at yung kiss. Kasi ganoon na ganoon yung posisyon namin. Nasa ibabaw niya ako at magkalapit ang mga mukha namin. Bigla akong namula at nanlaki ang mga mata ko. Agad akong tinakpan ko ang bibig ko at saka tumingin sa gilid. Ganoon rin yung ginawa niya. Hindi ko alam kung bakit ganoon yung reaksiyon niya. Lumingon ako sa kanya at nakatakip pa rin yung kamay niya sa bibig niya habang namumula. Sinubukan kong tumayo kaya napaupo muna ako sa ibabaw ni Sakuragi.
"Dre, ayos ka lang!"
"Hoy, bakla! Okay ka lang?"
"Ano ba ang nangyari ah?"
"Oo nga at bakit nahulog tong si Kira?"
"Hoy! Wala kaming ginawa sa inyo ah kaya wala kayong karapatang gawin yun!" baling ni Kanade kina Yna at Miyori
"Bakla, ayos ka lang?"
"Oo ayos lang!"
"Naku, walang hiya talaga na mga bruha!" baling ni Kanade kina Yna at Miyori
Napalingon kami sa hagdan at biglang nawala Sina Yna at Miyori. Napatakbo siguro dahil sa ang kinabagsakan ko ay itong tatay nila. At pagnagkataon, bawas puntos na sila dito kay Sakuragi.
"Anak ka ng Tokwa! Nasaan na Ang mga bruhang yun?"
"Nilayasan tayo! Mga walang hiya!"
"Hoy, girl! Ayos ka lang?"
"Ikaw Dre? Ayos ka lang?"
"Ano ba kasing nangyari ah?"
"Eh kasi ganito yan! Napadaan lang naman kami dito eh kaso biglang sumulpot yung mga bruhang yun at pinag-eenglish pa kami ng kung anu-ano parang mga Ewan at yun nga nagkainit kaya nagkasagutan. Hindi na ako nakisali kasi mababa grades ko sa English. Ayun nung lalampasin na namin sila biglang hinatak ni Yna si Kira at napalakas kaya ayan!"
"Eh, ayos ka naman?"
"Woah, concerned ka pala pangit at saka magkasama kayo nitong mga to?"
"Sabi niyo mauuna ako di ba?"
"Tss. pangit!"
"Eh, ano ba kasing ginagawa niyo dito?"
"Tinutulungan lang naman namin tong si Kira, may hinahanap daw eh!"
"Hinahanap?"
"Huwag na nating pag-usapan!"
"At saka kailan ka ba aalis diyan sa ibabaw ko sungit?"
Ayy, anak ng pating! Nakaupo pala ako sa ibabaw nitong si Sakuragi.
"Ayy bakla ka, alam ko na ngayon kung bakit ka pinag-iinitan ng mga yun!"
"Huh?"
"Eh kasi naman girl, grabe yang flirting-flirting ninyo nitong si Sakuragi este idol pala!"
"Anong flirting? Tadyakan kaya kita?"
"Eto naman, mapanakit ka eh talaga no!"
"Oh siya buti pa at bumalik na tayo sa canteen at malapit ng matapos ang break!"
Dahan-dahan akong tumayo kaso sumasakit ang para ko. Natumba ulit ako at dumapo sa ibabaw ulit ni Sakuragi na nakahiga pa rin dahil sa pagkakabagsak ko sa kanya.
"Aray ko naman, tumayo ka ng maayos, sungit!"
Sinubukan ko ulit tumayo kaso natumba ulit ako. This time hindi na masyadong nagreact si Sakuragi. Parang alam niya kung anong nangyayari. Parang nagkaroon ata ako ng sprain sa paa dahil sa pagkakabagsak ko. Habang nasa ibabaw ako ni Sakuragi at medyo masakit ang para ay biglang bumangon si Sakuragi at napaupo habang nasa ibabaw pa rin ako. Magkaharap kaming dalawa at nakaupo na ako sa mga hiya niya.
"Ayos ka lang sungit? Masakit ba ang paa mo?"
"Wala to!"
Sinubukan ko ulit na tumayo pero mas sumakit ang para ko kaya wala rin akong nagawa. Agad na tumulong si Takahiro at Natsuo para maitayo ako. Umakbay ako sa balikat mina Takahiro at Natsuo at saka itinayo nila ako. Tumayo si Sakuragi pagkatayo ko. Pinagpagan niya ang damit niya. Tumayo ako na gamit lang Ang isang paa. Lumapit si Kanade at Kaede.
"Naku, bakla ka! Pumunta tayo ng clinic para magamot natin yan at baka sprain yan!"
"Oo nga girl,"
"Kaya ko to at saka baka mahuli pa tayo sa next class natin at saka hindi pa tayo nakakain ng lunch"
"Anong kaya? Punta ka ng clinic!" sambat ni Sakuragi.
"Kaya ko nga di ba?"
"Nakakailang bagsak ka na sa akin di ba? Kaya ipatingin na natin yan at baka lumala pa!"
"Ano kita tatay ko?"
"Ang tigas ng ulo mo eh rin no!"
"Oo na!"
"Sasama kami bakla!"
"Bakit?"
"Anong bakit?"
"Sinong aalalay sa'yo papunta ng clinic?"
"Ako na ang bahala diyan kay sungit! At Buti pa ay Kumain muna kayo at susunod na lang kami!"
"Sigurado ka?"
"Oo at saka hindi pa kayo kumain di ba?"
"Eh ikaw Dre? Kumain ka na ba?"
"Tss. Dalhan niyo na lang kami kapag matagalan kami!"
"Oh siya, sabi mo eh!"
Yumuko si Sakuragi habang nakaharap yung likod niya sa akin. Napatingin naman ako sa likod niya at Hindi ko alam kung anong trip tong pinaplano ni Sakuragi.
"Tara na!"
"Huh? Anong Tara na?"
"Bilisan mo nangangawit na likod ko!"
"Teka, ano bang sinasabi mo ah?"
"Bakla, sumakay ka!"
"Teka, ano?"
"May pilay ka di ba? Anong gusto mong gawin ko para madala kita sa clinic? Kakalagkarin kita?"
"Tss."
"O princess carry?"
"Tss. oo na!"
Inilalayan ako ni Kanade para sumakay sa likod ni Sakuragi. Hindi pa man ako sumakay sa likod ni Sakuragi ay amoy na amoy ko ang pabango niyang halatang bench. Bagay na bagay sa kanya yung amoy.
"Dalian mo sungit, nangangalalay na tong paa ko at likod ko sa kakayuko!"
"Teka lang naman, pilay nga di ba?"
"Tsss!"
Dahan-dahan kong hinawakan yung likod niya at nagdalawang-isip pa ako. Iilang sandali pa ay lumunok ma lang ako dahil parang nag-aalala Ang mga mukha ni Kaede at Kanade. Agad kong nilagay Ang kamay ko sa balikat niya at saka sumakay sa likod niya. Nakahawak naman yung kamay niya sa Binti ko para Hindi ako mahulog.
"Grabe, ang bigat mo pala, sungit!"
"Anak ng Tokwa! kaya nga ayoko dito sa kalokohan mo eh! Ibaba mo kung mabigat!"
"Tss. Nagbibiro lang! Pikon mo!"
"Tadyak gusto mo?"
"Geh, kung kaya mo pilay!"
"Tss! Sabunutan kaya kita!"
"Pwede ba itigil niyo yan! Pupunta kayo ng clinic o magbabangayan kayo dito all throughout the break?"
"Ikaw kasi!"
"Teka, ako?"
"Tadyak gusto mo?"
"Tss!"
Nagsimula ng maglakad si Sakuragi sa hallway habang nakasakay ako sa likod niya.
"Dre, ingatan mo Dre! Susunod na lang kami pagkatapos naming Kumain!"
"Bilhan niyo kami at baka ako Ang kainin ni sungit!"
"Akala mo naman ang sarap mo!"
"Tss. Try mo! Tingnan natin!"
"Sapak gusto mo?"
"Oo na!"
Nasa kabilang side ang canteen kaya naghiwalay kami ng landas nina Kanade at Kaede. Nagpunta sila ng cafeteria kasama Sina Natsuo, Taruki, Takahiro at Yuuto habang nakasakay naman ako sa likod nitong si Sakuragi papunta ng clinic. Wala masyadnong tao sa hallway dahil halos ng mga estudyante ay nasa cafeteria o kaya ay nasa quadrangle.
"Sakuragi pala ah!"
Tss. Ano na namang ang inuutal nitong bulateng to!
"Sakuragi? Halatang ikaw Ang nagpangalan sungit ah!"
"Ano bang pinagsasabi mo?"
"Eh di yung bagong tawag mo sa akin!"
"At ano naman yun abir?"
"Sakuragi! Ganoon ba talaga ako kagaling magbasketball para Sakuragi Ang tawag mo?"
"Hahah, timang! Huwag Kang feelingero pwede ba! At saka Hindi magaling sa basketball si Sakuragi! Mahangin lang kagaya mo, gwapong-gwapo sa Sarili gaya mo! Pasikat gaya mo! Gagu gaya mo at kasing Peste mo!"
"Thank you!"
"Tss!"
"So lumelevel-up na pala Ang tawagan natin, from sungit at weirdo naging Sakuragi at Haruko na?"
"Teka anong Haruko?"
"Bagong tawag ko sa'yo!"
"At bakit Haruko?"
"Kasi kung nagpapasikat man ako, ikaw Ang dahilan non! Kasi si Sakuragi di ba ay nagpapasikat kay Haruko kagaya ng pagpapasikat ko sa'yo"
"Tsss. Patayin kaya kita?"
"Hahah!"
"Anong tinatawa-tawa mo diyan?"
"Wala! Kailangan may dahilan?!"
"Tsss!"
"Oo nga pala Sungit! Huwag mong masyadong amoyin Ang likod ko at baka masanay ka baka hanap-hanapin mo eh!"
"Anak ng Nabitseng aso! Seryoso ka? Ang hangin ah! Sinong nagbukas ng Aircon?"
"Binuksan daw kasi Ang hot ko!"
"Ang sarap mong i-good job!"
"Seryoso sungit! Mabango ba?"
"Anong mabango?"
"Ako!"
"Amoy tae!"
"Tss. Kj!"
"KJ mo mukha mo!"
"Ang bango ko kaya! Huwag mo na lang ubusin sa pagsinghot! Kawawa fans ko!"
"Tae mo!"
"Hahaha!"
"Tss!"
Iilang sandali pa ay nakarating na kami sa clinic. Binuksan ni Sakuragi Ang pinto ng clinic. Kaso mukhang wala yung nurse na naka-assign baka dahil lunch break. Naglakad papasok ng clinic si Sakuragi habang pasan-pasan ako. Dumiretso siya sa kama na nasa gilid katabi ng dingdong na may kulay green na tela na nakapalibot. Hinawi ni Sakuragi Ang tela at saka niya ako binaba sa kama. Naupo ako sa kama. Napahawak si Sakuragi sa balikat niya na halatang masakit dahil sa pagkarga niya sa akin.
"Ang bigat mo naman sungit!"
"Tss, sinabi ko bang magaan ako?"
"Tss. Mukhang wala Ang nurse Teka lang ako na lang gagamot niya at baka lumala pa yan!"
"Tss. So ano to? Nurse ka na rin Ngayon?"
"Hindi, pero kapag ikaw Ang nasasaktan sigurado na ako ang magiging nurse at doctor mo!"
"Tss. Corny!"
"Tss. suplada mo!"
Tiningnan ni Sakuragi Ang mga cabinets, cupboard, at mga lalagyan na nasa clinic at parang may hinahanap na kung anoman. Nakaupo naman ako sa kama ng clinic.
"Ano ba yang ginagawa mo ah?"
"Naghahanap ako ng cold compress sungit kaya tumahimik ka muna!"
"Wow at kasalanan ko pa?"
"Sinabi ko bang kasalanan mo?"
"Ganoon na rin yun!"
"Tss. ano ba kasing ginagawa mo don kasi? Yan Tuloy!"
"Concerned ka?"
"Tss. Hindi ba halata?" sarkastikong sabi niya
"Tss. Kasalanan mo to eh!"
"Teka, anong kasalanan ko? Hoy, pasalamat ka nga at ako yung binagsakan mo!"
"Thank You ha! At saka ikaw Ang dahilan ng lahat ng to no! Kung hindi mo ako dinamay-damay sa gulo edi sana maganda yung buhay ko!"
"At bakit parang tungkol nato sa akin Ngayon?"
"Eh kasi naman po! Kung hindi ka nagtext at nagtanong yung tungkol kina Yna at Miyori edi sana kumakain ako ng mapayapa sa cafeteria"
"Huwag mong sabihing hinahanap mo?"
"At ano nga ba sa tingin mo ang ginagawa ko?"
"Hahah."
"Anong tinatawa mo Sakuragi?"
"So tinutulungan mo nga talaga ako, nung araw napakasungit mo sa akin parang nag-bago Ang ihip ng hangin ah. Huwag mong sabihing crush mo na ako?"
"Anak ng Putakteng Kalabaw, seryoso ka sa Tanong mo?"
"Tss. suplada! Sino ba kasi yung mga yun? At bakit ka hinatak ng malakas?"
Tumayo si Sakuragi at dala-dala niya ang cold compress na nasa cabinet sa bandang gilid ng nurse office. Lumapit siya sa akin at saka yumuko. Napatingin naman ako sa kanya habang nakayuko siya.
"Tanggalin mo yang sapatos mo para malagyan natin nito!"
"Tss."
"Huwag mong sabihing mabaho Ang paa mo?"
"Sapak gusto mo?"
"Tss. Sungit mo!"
"Tss. Pwes ang weirdo mo!"
"It's a tie!"
Tinanggal ko ang sapatos pati na Ang medyas. Medyo namamaga Ang paa ko at medyo masakit dahil sa pagkakabagsak ko kanina.
"Sino yung mga yun Haruko?"
"Anong Haruko? Gusto mo ng tadyak?"
"Bakit ako ba ang nauna? Sino ba ang tumawag sa akin ng Sakuragi di ba ikaw?"
"Oo tapos?"
"Anong tapos? Eh di, panagutan mo!"
"Utot mo!"
"Sino ba yung mga yun ah?"
"Tss. Sila yung mga hinahanap mo!"
Bigla niyang nilagay Ang cold compress sa namamagang parti ng paa ko. Yung pagkakalagay niya ay may halong gulat kaya biglaan. At saka dahil medyo malamig ay medyo humapdi Ang paa ko.
"Dahan-dahan naman!"
"So yung inerereto mo ay yung mga yun?"
"Oo bakit?"
"Seryoso ka?"
"Mukha ba akong nagbibiro?"
"Sungit naman eh! Hindi ko type Ang nanakit!"
"Eh di ba, Isa sa mga standards mo ang magaganda?"
"Magaganda nga pero Ang papangit ng ugali!"
"Pero maganda pa rin!"
"Alam mo sungit, hindi ko kailangan ng maganda na pangit Ang ugali!"
"Tss. Napakachoosy mo!"
"Choosy na kung choosy pero Ang type ko yung Hindi nanakit lalong-lalo na sa mga taong mahal ko!"
Napatitig ako sa kanya habang dahan-dahan niyang dinadampi Ang cold compress sa namamagang parti ng para ko.
Mahal? Anong pinagsasabi ng unggoy nato?
"Natahimik ka ata Haruko?"
"Anak ng Nagbigting kambing! Pwede pumili ka sa Haruko o sungit! Nakaka-inis pakinggan eh!"
"Sige, bago ako pumili, pumili ka muna Ang itatawag sa akin. Pumili ka sa mahal, love, honey, o babe!"
"Tss. Abnoy!"
"Abnoy sa'yo!"
"Hoy, ipapaalala ko lang sa'yo na this girlfriend stuff mo ay fake kaya huwag kang ambiyoso!"
"Tss. KJ!"
"KJ mo, mukha mo!"
Natahimik kaming dalawa habang dinadampi ni Sakuragi Ang cold compress sa paa ko. Seryoso niyang ginagawa yun habang seryoso naman akong nakatingin sa kanya. Iilang sandali pa ay tumigil na siya sa ginagawa niya.
"Oh, ayos na ba yan? Masakit pa ba?"
"Tss. Okay na Hindi na masyadong masakit!"
"Makakalakad ka na ba?"
"Sa tingin mo?"
"Nagtatanong nga di ba kasi Hindi ko alam!"
"Tss."
Umupo siya sa tabi ko. Hindi ko muna isinuot Ang sapatos ko dahil medyo humahapdi Ang namamagang parti ng para ko. Nakatinginkami pareho sa pintuan na para bang may hinihintay. Siguro ay pagkain dahil sa too lang medyo gutom na ako.
Eh kasi naman! Kung Hindi lang talaga malas Ang buhay ko eh di sana mapayapa Ang buhay ko Ngayon!
"Hindi mo kailangan masaktan sungit para matulungan lang ako"
Nagulat ako sa biglang pagsalita ni Sakuragi. Nabasag niya ang katahimikan. Napatingin naman ako sa kanya sa pagtataka kung ano Ang ibig sabihin sa sinabi niya.
"Bakit parang naging seryoso ka ata?"
"Seryoso naman talaga ako sa'yo!"
"Pwede ba tigil-tigilan mo yang ka-abnoyan mo. Pilay ako pero kaya pa rin kitang batukan kung gusto ko!"
"Tss. Alam mo ang suplada mo. Hindi ba pwedeng kiligin ka o matuwa ka!"
"Sa'yo? Seryoso ka?"
"Ayan ka na naman sungit eh! Seryoso nga kasi ako sa'yo!"
"Hindi yun Ang tinutukoy ko gagu!"
"Tss. Pikon mo!"
"Hindi ako madaling kiligin at matuwa! Yan Ang character ko!"
"Bakit kasi ganyan yung character mo eh! Paano na ako?"
"Anong paano na ako?"
"Paano na ako na seryoso sa'yo?"
"Tss. Baduy!"
"Pero kinilig ka?"
"Anong kinilig? Sapakin kaya kita?"
"Eto naman ang KJ eh!"
Medyo natawa ako sa sinabi niya na alam ko namang walang kakwenta-kwenta. Ngumiti naman siya na parang tingin. Natahimik kaming dalawa ng ilang saglit pero nabulabog rin ng biglang tumunog ang titan ko.
Grrrkkk.
"Hahahaha!"
"Anong tinatawa-tawa mo?"
"Hahahha. Ang lakas ah!"
Pesteng tiyan!
Tumayo siya agad-agad at nag-unat². Tumingin siya sa akin ng nakangiti.
"So ano? Tara na? Gutom ka na eh!"
"Tss."
"Baka magalit pa yang dragon sa tiyan mo! Baka kainin mo pa ako. Well okay naman sa akin na ako yung kainin mo para malaman mo kung gaano ako kasarap!"
"Tss. Wait lang masusuka ata ako!"
"Seryoso? Wala pa tayong ginawa pero buntis ka na agad? Magiging tatay na ako?
"Patayin kaya kita? Gusto mo?"
"Aysus nahiya ka pa, ayaw mo bang maging Nanay ng magiging anak ko?"
"Ayoko no!"
"Ahh, kasi gusto mo na maging baby ko?"
"Alam mo, idol ka pero napakabastos mo!"
"Ganito lang naman ako kapag ikaw kaharap ko!"
"Anong akala mo sa akin? Masochist?
"Tss. kJ mo naman sungit!"
"Ewan ko sa'yo!"
"Oh siya, Tara na at halatang gutom ka!"
"Tss."
"So ayaw mo?"
"Oo na!"
Dahan-dahan akong tumayo at dali-dali namang inalalayan ako ni Sakuragi para makatayo ng maayos. Hindi na siya masyadong masakit pero mahirap pa ring maglakad kasi namamaga yung paa ko.
"Teka nga pala sungit, Hindi ko nga pala nakalimutan yung atraso mo sa akin!"
"Anong atraso?"
"Yung sa classroom kanina!"
Anak ng Tokwa. Oo nga pala! Lagot ako Neto!
"Anong sa klase?"
"Yung pagtawag mo sa akin sa kalagitnaan ng klase! Ganoon ka pala magpatawad? Yung pinapahiya mo?"
"Hoy hindi ko yun sinasadya no! Napindot ko lang!"
"Pero napindot mo pa rin!"
"Tss. Eh ano naman Ngayon!"
"Gusto ko lang naman maghiganti!"
"Anong maghiganti? Hindi pa ba sapat tong pilay ako!"
"Hindi! kasi kapag may ginawa sa akin Ang ibang tao na hindi ko nagustuhan siguradong malilintikan!"
"Nananakot ka ba?"
"Takot ka ba?"
"Tss. Ewan ko diyan sa mukha mo!"
"Alam mo ang pikon mo, nagbibiro lang naman eh!"
"Tss. Ayaw ko sa mga taong biro lang Ang alam!"
"Tss. Nagbibiro ako kasi baka ikagulat mo kung magseryoso ako!"
"Naks, gwapong-gwapo sa Sarili ah!"
"Kasi Ang Ganda mo eh!"
"Tumigil ka nga sa ka-abnoyan mo!"
Habang tinutulungan ako ni Sakuragi na maglakad ay biglang bumukas ang pinto ng clinic at bumulantang sina Kanade, Kaede, Yuuto, Taruki, Natsuo at Takahiro na may dala-dalang pagkain.
"Bakla, ano? Kumusta yang paa mo?"
"Medyo namamaga pero okay naman ako!"
"Hay, Buti na lang at baka sabunutan ko pa yung mga bruhang yun!"
"Oh siya, bago mo sila sabunutan, pakainin muna natin tong dalawang to!"
Pumasok sila agad-agad sa clinic. Bumalik naman ako sa pagupo sa kama pagpasok nila. Magkatabi pa rin kami ni Sakuragi.
"Oh anu bakla? Okay na ba talaga yang paa mo?"
"Oo, huwag kang mag-alala at okay lang ako!"
"Ireport kaya natin bakla! Nakakailan na yang mga yan ah!"
"Anong nakakailan?" tanong ni Sakuragi
"Eh kasi naman, etong si Kira, simula ng pagdating ninyo dito, parang naging target ata ng mga bruha at mga maldita!"
"At bakit naman? Anong kinalaman ni Kira?" tanong ni Yuuto
"Eh kasi naman, tingnan ninyo naman yung eksena kanina na animoy pang Korean novela Ang peg!"
"Ayun! Nagseselos sila kay Kira? Pfft."
Eh kasi naman, dumating pa kayo sa buhay ko!
Eh di sana, naging payapa Ang buhay ko.
"Kasalanan mo pala to Dre!" Yuuto
"Tss."
"Dre, paano na yan? Parang nagseselos ata Ang mga fans mo! Hahah" Taruki
"Hindi naman siguro dahilan yun para manakit di ba?"
"Seryoso ah!" sabi ko
"Tss. Kumain ka na lang sungit at huwag kang sumabat! Ikaw kasi eh, bakit ka ba kasi nagpunta don! Eh di sana, wala Kang pilay!"
"Concerned Dre?"
"Tss. Eh ano naman kung nagpunta ako don? May angal ka?"
"Tss. Basagulera!"
"Tss. Gagu!"
"Pwede ba! Kumain muna kayo! Mamaya na yang bangayan niyo! From Korean novela parang magiging action movie pa ata yang eksena niyo eh at saka may klase pa Tayo!"
"Ikaw Kase eh!"
"Tss!"
Kumain kami ni Sakuragi habang nakatingin at nakabantay Sina Kaede, Kanade, Yuuto, Takahiro, Taruki, at Natsuo sa amin.
"Tanong lang, Idol Naoya! Sino yung tumawag sa'yo kanina sa kalagitnaan ng klase?" Kanade
Napahinto ko sa pagkain at napalingon kay Naoya na napatingin rin sa akin. Nag-iwas ako kaagad ng tingin at nagpatuloy na lang sa pagkain.
"Bakit mo naman natanong?"
"Wala lang, eh kasi naman sa kalagitnaan talaga ng klase? Emergency ba?" Kanade
"Oo nga Dre! Nagtataka nga kami eh bakit sa oras pa talaga na nasa klase Tayo?"
"Manager mo?" Kaede
"Hindi ako tumawag sa kanya ah!" Natsuo
"Teka, bakit ikaw Ang sumagot, Natsuo?" Kanade
"Eh kasi, itong si Natsuo kasi Ang manager niyang si Naoya!" Yuuto
"Teka, ano? Gosh! So si Natsuo Ang manager? Bakit? Paano?" Kanade
"Haha. It's a long story!"
"Yeah, very long story, anyways! Sino nga yung tumawag sa'yo Dre?" Taruki
"Family?" Kaede
"Impossible! I mean, independent Ang mga ate at Kapatid nitong si Naoya and busy sa work Ang both parents!"
Eh kasi naman, Ang yaman-yaman!
"Eh di sino? Jowa?"
Napatingin ulit sa akin si Sakuragi pero nagpatuloy na lang ako sa pagkain na para bang Ang inosente ko sa nangyari. Napasulyap ako kina Natsuo, Taruki at Yuuto na halatang nakatingin sa akin.
Anak ng Putakte! Magkakaibigan nga kayo!
"Ah eh, hehe!"
"My god so jowa nga?"
"So Kira, parang Hindi ka na lalapitin ng disgrasya dahil may jowa na pala tong si Naoya!"
As if no! Eh ako yung tinutukoy ng unggoy na yan no! Teka? Girlfriend?
Fake girlfriend!
"Oo nga Kira! Hahah!" Yuuto habang nakatingin sa akin na may nanunuksong titig
Ang sarap niyong pag-umpigon magkakaibigan!
"Bakit nga ba tumawag? Idol Naoya?" Kanade
"May nangyari ba?" Kaede
"Ahh ehh, nagulat nga rin ako don sa pagtawag!"
"Bakit daw? Nagtatanong kung bakit ka lumipat ng Grande? Alam ba niya na lumipat ka?"
Napatingin si Sakuragi ulit sa akin pero hindi ako kumibo at nagpatuloy na lang sa pagkain kahit namamawis na ako dahil sa Kaba baka ano pa ang sabihin ng weirdong to.
"Ah oo, alam niya!"
"Oh, eh bakit napatawag? Gustong niyang magdate kayo?" Kanade
Hikkk!
Cough*cough
Seryoso? Gusto kong idate niya ako? Baka ilibing ko yan ng buhay eh!
Uminom ako ng tubig at napatingin naman silang lahat sa akin.
"Okay ka lang bakla?"
"Oo, nasamid lang!"
"Ahh, yun nga Ang gusto kong malaman eh! Kung gusto niya ba na idate ko siya?"
Napalingon ako sa gawi ni Sakuragi at nakatingin siya sa akin nang nakangiti at may panunuksong titig. Mas nainis ako dahil halatang ginagagu na naman ako ni Sakuragi. Ganoon rin Ang ginawa nina Yuuto, Taruki at Natsuo. Nakatingin sila sa akin na halatang nanunukso. Biglang uminit at kumulo Ang dugo ko sa kagaguhan nitong si Sakuragi pati na Ang pagtutukso ng mga kaibigan niya. Nag-iwas ako agad ng tingin sa kanya at nagpatuloy na lang sa pagkain.
"Eh? Hindi ko gets!"
"Haha. Hindi ko rin siya gets minsan eh!"
"Maganda ba siya idol? Idol rin katulad mo?"
"Haha. Alam mo, you can drop the idol na tawag, you can call me Naoya at saka Hindi siya idol but she's beautiful that exceeds all female idols!"
Napatigil ako sa pagkain dahil sa sinabi ni Sakuragi na yun.
Ano bang pinasasa-sabi nitong weirdong to?
"Ashuuu! Ang swerte siguro ng jowa mo!"
Anong swerte? Baka malas!
Teka nga! Jowa? Tss. Para namang magiging jowa ako niyang Sakuraging yan!
"So anong meron?bakit daw napatawag?" Natsuo habang nakatingin sa akin na may panunuksong titig
Mga magkakaibigan nga kayo! Sarap tadyakan.
"Ahh. Namimiss daw ako!"
Hiikk!
"Anong nangyari girl? Nasamid ka?" Kaede
"Wala, may nakain lang na matigas!"
Tss. Punyeta ka Sakuragi!
Ikaw namimiss ko? Gwapong-gwapo sa sarili ah
"Matigas? Mahaba ba? Malaki?" Naoya
"Eh sapak? Gusto mo?"
"Tss. Suplada!"
"Bastos!"
"Anong bastos don?"
"Sabi mo kasi matigas tas Malaki tas mahaba!"
"Hahah. Ikaw yung bastos! Ang tinutukoy ko ay yung sausage na nasa kinakain mo!"
"Tss. Palusot!"
"Hindi ako palusot! Ikaw lang talaga tong madumi ang pag-iisip!"
"Tss. Eh di ikaw na Ang malinis!"
"Iba rin yung character mo, from sungit to lasinggera to suplada to delinquent tas ngayon bastos ka na rin! Hanep ng development ah!"
"Walang nagtatanong weirdo! Ikaw nga rin eh! From weirdo to pester to gagu to walang hiya to makapal Ang mukha to gwapong-gwapo sarili!"
"Teka nga! Tama na nga yan! Buti pa at mauuna na kami sa classroom! Malapit ng matapos Ang break! Sumunod na lang kayo! I-inform na lang namin Ang instructor!" Taruki
"Sige Dre!" Naoya
"Para masolo mo Dre!" Yuuto sabay tingin kay Naoya
Anong masolo? Tadyakan ko kayo parehas eh!
"Oh siya, Kira! Sasabay na kami ni Kaede sa kanila! Bakla! Huwag masyadong malandi! May girlfriend na yang idol na Kasama mo!" Kanade
"As if papatulan ko tong ungas na to!"
"Biro lang bakla! Ito naman!"
"Pero seryoso girl! Sumunod na lang kayo pag okay na yang paa mo!"
"Sige sige!"
Nakaupo pa rin ako sa kama ng clinic. Lumapit sa akin si Kaede at Kanade at bumulong.
"Ikwento mo yung episode 6 ng Ms. Lasingerang Sungit meets Weirdong Idol!"
"Teka, episode 6? Yung 5?" Kanade
"Hindi ba yung kanina?" Kaede
"Tss. Pwede ba lumayas nga kayo! Ewan ko sa inyo!"
"Sadista mo! Huwag kang mag-alala! Dinaig niyo pa ang Kathniel kaya walang makakatibag sa loveteam niyo! Ayy oo nga pala may gf na kaya sayang girl!"
"Anong sayang? Bigwas gusto mo?"
"Mapanakit ka talaga eh no! At saka biro lang eto naman!"
"At saka girl, Hindi oobra Ang astig mo sa mga bruha na nabubuhay pa! Muntik ka na ngang madisgrasya!"
"Tsss"
"Oh siya girl! Mauuna na kami at baka mapagalitan pa kami!"
"Sige na!"
"Oh siya, bawal Ang flirting-flirting!"
"Upak gusto niyo?"
Nagsimula Silang maglakad papunta sa pintuan. Tinanaw ko lang sila habang nakaupo pa rin ako sa kama ng clinic. Paglabas nila ay saka ako bumuntong-hininga.
"Lalim ah, huwag mong sabihing, nahot seat ka?"
"Sa tingin mo sino Ang dahilan?"
"Nakss, Thank you! It's a pleasure!"
"Utot mo!"
"Tss. Oh siya, okay na ba yang paa mo? Pumasok na Tayo!"
"Mauna ka na!"
"Bakit? Masakit pa ba?"
"Hindi na, ayaw lang kitang makasama!"
"Tss. Ang gwapo-gwapo ko tapos ayaw mo akong makasama?"
"Ang hangin ah!"
"Baka nakabukas Ang Aircon!"
"Tss."
Natahimik kaming dalawa. Nakaupo pa rin ako sa kama habang humiga naman si Sakuragi.
"Sabihin mo nga, sungit, ano Ang dahilan nung pagsugod nung mga yun sa inyo!"
"Bakit mo natanong?"
"Bakit ayaw mong sagutin?"
"Sinabi ko bang di ko sasagutin?"
"So sasagutin mo na ako?"
"Bugbugin kaya kita?"
"Seryoso sungit, bakit kayo sinugod nung mga yun?"
"Dahil sa'yo! Sino pa nga ba!"
"Bakit ako?"
"Kasi lumipat ka dito at panay lapit mo sa amin!"
"Yun lang?"
"Baka nagseselos o ano!"
"Gwapo ko naman para pag-agawan!"
"Bilib na bilib sa sarili ah!"
"Tss. Huwag kang mag-alala kasi ikaw lang!"
"Bugbug gusto mo?"
"Ikaw lang Ang fake girlfriend ko!"
"Tss. Tapos? Anong isasagot ko? It's my pleasure?"
"I love you!"
"I love you? Utot mo!"
"I love you too!"
"Sapak? O bugbug?"
"Sadista mo eh no!"
"Anong paki mo eh no?"
"Tanong lang sungit!"
"Mmmm!"
"Nabully ka na ba dito sa Grande?"
"Bakit mo matanong?"
"Wala lang, Gusto ko lang Malaman"
"Hindi naman siguro mawawala yang bullying. Lahat ng eskwelahan ay siguradong may bully and may victim Hindi lang napapansin!"
"So, nangyari na nga sa'yo?"
"Oo, eh sa'yo ba, ayy oo nga pala idol ka kaya Hindi mo siguro naranasan. Iba talaga kapag sikat!"
"Naranasan ko ring mabully, sungit!"
Napatingin ako sa kanya ng gulat na gulat kasi naman akalain mong isang idol naranasan Ang mabully?
"Eh, yung stalker at paparazzi di ba, bullying na rin yung ginagawa nila?"
"Tss. Eh di ikaw ng sikat!At Teka nga, bakit napunta sa bullying Ang usapan? From idol to nurse? so guidance counselor ka na rin Ngayon?"
"Eto naman Ang seryoso ng usapan eh!"
"Tss. Kailan ka pa naging seryoso?"
"Ngayon, sa'yo!"
"Ang sarap mong ipasagasa!"
"Hindi ka kinilig?"
"Sa'yo? Gosh, sa ihi na lang ako siguro kikiligin!"
"Tss."
Natahimik kaming dalawa. Humiga siya sa kama habang nakaupo naman ako. Nakatingin sa kisami habang nakatingin naman ako sa pintuan.
"Sungit! Hindi pa ba Tayo attend ng afternoon session?"
"Mao na ka na, medyo masakit pa eh, ipapatingin ko muna sa nurse!"
"Hindi na lang ako aattend!"
"Ano? Akala ko ba gusto mong umattend?"
"Ayokong pumunta ng mag-isa! Baka dumugin ako!"
"Tss. Eh di, magpadumug ka! Gusto mo yun di ba?"
"Selos ka?"
Tumingin ako sa kanya ng may nandidiring Mukha.
"Seryoso ka?"
"Oo sa'yo!"
"Seryoso rin ako, na nandidiri sa pinagsasabi mo!"
"Sadista!"
"Engot!"
Natahimik kami ng saglit. Tumayo bigla si Sakuragi habang nakaupo ako. Naglakad siya papunta sa pintuan.
"Hoy! Saan ka pupunta?"
"Papasok sa klase!"
"Teka, iiwan mo ako?"
"Ayaw mo di bang pumasok? Eh di Ako na lang Ang papasok!"
"Tsss."
"Bakit? Gusto mo ako lageng Kasama no?"
"Ambisyoso! Pilay ako kaya ayokong magpulot ng ego!'
"Tss. Sasama kang pumasok? O ayaw mo talaga?"
"Di pwedeng hintayin muna mating yung nurse bago ka pumasok?"
"So gusto mo nga akong makasama?"
"Utot mo!"
Iilang sandali pa ay biglang pumasok Ang nurse sa clinic na may nakasabit na stethoscope sa leeg. Malapit si Sakuragi sa pintuan kaya siya agad ang nakita ng nurse.
"Good Afternoon nurse, may pilay po si Miss Enrique gusto lang po naming ipatingin kasi po may nangyaring insidente kanina sa hagdanan."
Napatingin sa akin Ang nurse.
"Good Afternoon ma'am!"
"Good Afternoon!"
Lumapit siya sa akin sa kama habang nakasunod si Sakuragi sa kanya.
"Let me take a look at your feet and ankle, Miss Enrique. What accident had happen to you in the stairs Miss Enrique?"
Inayos ko ang pagkaka-upo habang tinitingnan ng nurse Ang paa ko.
"She fell in the stairs Miss. There's someone who pulled her with force while she's going to the third floor."
Ikaw yung tinatanong Sakuragi?
"Someone? Who's this someone?"
Napatingin ako kay Sakuragi at tinitigan ko siya ng masama para sabihin huwag niyang sabihin kung sino. Napatingin siya sa akin na halatang curious sa anong ginagawa ko.
Tanga ba tong idol na to?
"Who is this someone who pulled Miss Enrique, Mr. Andvie?"
Tinitigan ko lang ng masama si Sakuragi. Napalunok ako ng bahagya kasi ayaw ko na magkagulo. Hindi naman sa takot ako ayoko lang na magkagulo and the fact na they are influential students dito sa Grande baka masira pa ang peaceful life ko as student here.
Malilintikan ka talaga sa akin, Sakuragi kapag sinabi mo!
"I don't know miss! I haven't seen who it was since I am new in this school aside from that, Miss Enrique fell into me so I haven't seen or even a glimpse of who it was"
"You have a minor sprain, Miss Enrique! And I think you did a great job for putting a cold compress on the affected area."
Napabuntong-hininga na lang ako na yung para bang guminhawa Ang buong kalamnan ko mula sa thrilling na scene na yun. Tumayo Ang nurse at humarap kay Sakuragi at sa akin.
Buti na lang at Hindi mo sinabi kung sino Sakuragi!
"It was Sak- I mean Mr. Andvie po Miss who put po the cold compress!"
"Oh, That's a good first aid for sprain Mr. Andvie! Anyway, you're new here right? I went actually to a meeting of the faculty a while ago before going back here and they were talking about you so I am not quite convince of you transferring here but it seems like the rumors are true. Anyway, I hope you will enjoy your college life here."
Eh di ikaw na Ang sikat , Sakuragi!
"Thank you miss."
"So, you can go back to your class and it's just a minor sprain so within a day, it will not be painful that much Miss Enrique. Please assist her, Mr. Andvie!"
"Yes po Miss!"
"Thank you po Miss"
Lumapit si Sakuragi sa akin. Tinulungan niya akong tumayo. Nakahawak siya sa bewang ko habang naka-akbay Ang isang kamay ko sa balikat niya. Dahan-dahan akong naglkaad habang tinulungan ni Sakuragi. Naglakad kami papunta sa pintuan. Binuksan ni Sakuragi Ang pinto at saka kami lumabas ng clinic.
"Thank You again, Miss!"
Sinarado ni Sakuragi Ang pinto ng clinic after naming magthank you. Dahan-dahan akong naglakad habang tinutulungan ni Sakuragi sa hallway. Medyo masakit pa rin yung sprain kaya tiniis ko na lang para makabalik sa klase.
"Hmmm. Mr. Andvie"
"Ano naman Ang pinuputak mo diyan abir?"
"Tinawag mo akong Mr. Andvie, sana pala Mrs. Andvie Ang tinawag ko sa'yo kanina!"
"Anak ng Nagbigting Kalabaw! Sapakin kaya kita?"
"Geh, tingnan natin kung kaya mo, pilay!"
"Tss. Ugok!"
"Ito naman, nagbibiro lang eh!"
"Tss"
"Masakit pa ba?"
"Siyempre, anong akala mo sa akin hindi nakakaramdam ng sakit?"
"Huwag kang mag-alala dahil Hindi kita sasaktan!"
"Tss. Ang corny! Pwede ka na siguro gumawa ng popcorn diyan sa kacornihan mo!"
"Ang pangit mo palang magbiro, sungit!"
"Sinabi ko bang biro yun?"
"Pero Hindi mo rin sinabi na Hindi biro yun!"
"Tss. Pilosopo!"
"Mahal mo?"
"Sabunot gusto mo?"
"Sadista!"
Nagpatuloy kami sa paglakakad habang inaalalayan pa rin niya ako.
"Bakit ayaw mong sabihin, sungit kung sino Ang gumawa niyan sa'yo?"
"Ayoko ng gulo!"
"Huh? Hindi ko gets? Eh kung mas Malala pa diyan Ang Gawin nila?"
"Tss. Yun nga eh, sa tingin mo ba kapag magsumbong ako, mahihinto na tong mga ganitong insidente?"
"Bakit? I mean, Hindi ba?"
"Tss. Hindi no, they are influential students dito and the fact nga scholars lang kami dito it means lang na mas mababa kami sa kanila and if they are expelled or even suspended mas lalala ang sitwasyon dahil hindi lang sa school nila gagawin nila yun, it could be in other places para ibuntong nila ang inis nila sa akin. At saka dahil mayayaman sila at ma-impluwensya baka kami or ako pa ang maexpelled and masuspend at ayokong mangyari yun! And alam mo kung sino Ang dahilan? Ikaw!"
"Tss. Nanunumbat ka ba sungit?"
"Hindi ako nanunumbat but please huwag mong sabihin kung sino Ang may gawa nito sa akin ayoko ng gulo!"
"Oo na! Kung may mangyari kailangang mong sabihin sa akin!"
"At bakit?"
"I'm you fake boyfriend"
"So what?"
" So shut up and be protected!"
Natigilan ako sa sinabi niyang yun. Diritso Ang pagkakasabi at seryoso Ang tono. Napatingin na lang ako sa kanya ng may curious na mukha.
Anong pinagsasabi nitong unggoy na to?
Agad rin naman akong nag-iwas ng tingin sa kanya nung tumingin na siya sa akin.
"Tss. Nakakabwisit yang linyahan mo eh no! At saka Hindi mo kailangang gawin yang pinagsasabi mo! Ang atupagin mo ang maghanap ng taong mamahalin mo!"
" This is my fault because I included you with this shit in my life so please let me protect you and help you! And the fact the hindi ko kayang protektahan Ang fake girlfriend ko means that baka hindi ko rin kayang protektahan Ang magiging totoong girlfriend ko "
"Bahala ka nga! Ang seryoso mo! Oh siya, pagdating natin sa classroom, huwag mo na akong tulungan baka mas may magselos pa at baka patayin na ako sa susunod!"
"Kung papatayin ka nila, dadaan muna sila sa akin!"
"Bakit sila dadaan sa'yo? Ano ka kalsada?"
"Hindi! Pero ako Ang knight and shining armor ng prinsesa ko!"
"Iba na rin yang kacornihan mo eh no? Exceeds level 100!"
"Tss, Napakastoic mo! Wala ka bang taong nagugustuhan ni Ultimo siguro kilig Hindi mo nararamdaman!"
"Eh ano naman sa'yo kung may tao akong gusto?"
"Sasabihin ko sa kanya na baka mawawala ka na sa mundong to! Kasi titira ka na sa Mundo ko!"
"Buti at Hindi ka pa dinadaga diyan eh no dahil diayn sa kacheesyhan mo?"
"Ang Ganda na nun eh!"
"Bahala ka oh Basta huwag mo na akong tulungan pagdating natin sa classroom."
"Kaya mo ba?"
"Ako pa!"
"Yabang ah!"
"Gagu mo ah!"
"Tss."
Iilang sandali pa ay dumating na kami sa classroom. Sa may pintuan ay bumitaw na ako kay Sakuragi at ganoon rin siya. Binuksan ko ang pintuan sa may likod. Nakatingin naman Ang mga kaklasr namin sa amin. Napatingin rin Ang lecturer namin na si Mr. Dela Fuente.
"Good Afternoon sir!"
"Good Afternoon, are you okay now, Miss Enrique?"
"Yes sir!"
"Good to hear, you may sit down!"
Pumasok ako ng dahan-dahan habang nasa likod ko si Sakuragi. Medyo malayo ang upuan ko sa pintuan pero kinaya ko ang paglalakad ng walang tulong ni Sakuragi. Agad akong umupo sa silya ko. Ganoon rin Ang ginawa ni Sakuragi. Nagpatuloy Ang klase namin sa history.
"Anong Balita bakla, diyan sa paa mo?"
"Minor sprain lang sabi ng nurse so within this day hindi na daw to magiging masakit!"
"Hay Buti na lang talaga bakla, eh iba rin naman kasi Ang kapangyarihan ng mga bruha kasi pati Ang kapwa nila bruha ay naitumba pa nila!"
"Tsss!"
"Biro lang!"
"Tsss"
Lecture
Lecture
Lecture
Tumunog Ang bell at agad nagsitayuan Ang mga kaklase naman at naghanda para lumabas ng classroom. And as usual, nagpahuli uli kami ng pag-alis ng classroom. Naunang lumabas Ang grupo ni Sakuragi habang nakasunod naman kami.
"Bakla, ayos na ba yang paa mo?"
"Okay na, Hindi na siya masyadong masakit kaya kaya ko ng maglakad!"
"Hay, eh kasi naman bakla eh, mala demonyo pala yung mga bruhang yun akalain mong muntik kanang madisgrasya!Kung pwede ko lang talaga silang sabunutan ay ginawa ko na!"
"Pero girl, the fact na second day pa lang ng paglipat dito ni Naoya tas may nangyari na agad na ganito, what if there are more to come?"
"Try me!"
"Naks, tapang ni bakla ah! So may nangyari kanina after naming Iwan kayo?"
"Anong nangyari?"
"Sa inyo?"
"Seryoso ka? Anong akala mo sa akin papatulan ko sa s*x yung unggoy na yun?"
"Hindi yun Ang tinutukoy ko! Ang dumi rin ng isip mo bakla eh no! Ang ibig kong sabihin, may nangyari ba na kilig scenes or something? Episode 6 of Lasingerang sungit meets weirdong idol?"
"Tsss, Kailangan ba meron?"
"Alam mo girl, Ang KJ mo!"
"At sa girl akalain mong tanggap mo ang kababuyan ng Lasingerang Sungit meets weirdong idol?"
"Sinabi ko bang gusto ko yang kababuyan niyo?"
"Ito naman eh, hayaan mo na , nag-eenjoy naman kami eh!"
"Tss, umpugin ko kayo parehas diyan eh!"
"Tss. Suplada mo rin eh no?"
Tumayo ako habang dala-dala Ang bag ko at saka naglakad ng dahan-dahan habang nakasunod kina Kaede, Kanade at Takahiro.
"Pero bakla isipin mo ah, the incident kanina ninyo ni Naoya, perfect na perfect pang telenovela!"
"Tss."
"Nakakakilig yung eksena niyo lalo na yung muntik na kayong magkiss!"
"Oo nga girl, tapos titigil Ang paligid at that moment, yung para bang huminto Ang pag-ikot ng mundo. Tapos yung pakiramdam niyo ay kayong dalawa lang Ang tao. Nagkatitigan kayong dalawa na para bang kinabisado ang mukha niyo parehas. Tapos ang lakas ng tibok ng puso niyo at biglang tutunog Ang background music na 'someday, someone's gonna love me, the way someone's gonna take your place' Geez girl! Napakakilig nun!"
"Tss."
"Papasok ka Ngayon girl?"
"Oo naman, sayang yung sahod no!"
"Oh siya, magiging customer niyo ulit ako today!"
"Alam niyo, Ewan ko ba sa mga babae Ngayon akalain mong magagawa nilang manakit para lang sa selos na Wala namang basehan at Ang mas Malala, eh Hindi naman sila Ang nagmamay-ari!"
"Tss. Huwag na natin pag-usapan yung mga yun! Ang problemahin natin Ngayon ay kung matatanggap kaya ako don sa restaurant na pinagtatrabahuan ng uncle nitong si Kaede?"
"Alam mo bakla, matatangap ka dahil maganda ka like me at saka andito si Kaede kaya sure win ka don!"
"Tsss. Eh paano kapag hindi?"
"Alam mo bakla, napaka-nega mo!"
"Eh ikaw Takahiro, tahimik ata tayo ah?"
"Kailangan ba na magsalita rin ako?"
"Hindi naman! Nakakahiya naman sa'yo!"
"Alam niyo girl, nakaka-inis rin kayong tingnan nitong si Takahiro, itong si Naoya at Kira ay puro kadramahan tas kayo puro awayan? Ano tong serye nato? Types of love?"
"Anong love? Ito?, Tsss."
"Ano ba kasing dahilan at parati Ang init ng dugo niyo parehas?"
"Eh kasi ito eh Ang hirap kausap, napakatahimik!"
"So gusto mong kausapin?"
"Tsss"
"Hay Ewan ko sa inyo, bakla ka!"
Nagpatuloy kaming naglakad papalabas ng Grande. Nagpatuloy ang pag-uusap nila ng kung ano-ano samanatlang ako naman ay dahan-dahan lang na naglakad dhail medyo pa rin totally na gumaling ang sprain pero kaya ko namanang maglakad. Habang naglalakad kay ay natanaw ko Ang isang lalaki na halatang si Sakuragi na nakatayo sa may bandang gate habang nakasandal habang nakacross Ang mga kamay niya.
"Di ba, Si Sakuragi yun?" Kanade
"Anong ginagawa niya diyan?" Kaede
"Aba ewan ko, nag-aantay siguro ng masasakyan!"
"Pangit ng joke mo te, yang idol na yan? Nag-aantay ng sasakyan? Sigurado ka?" Kaede
"Sinabi ko ba? At saka malay mo, o kaya ng sasakyan para magpasagasa!"
"Harsh mo!" Kaede
"Pero ano nga ba ang hinihintay niyan diyan?" Kanade
"Aba ewan ko, Hindi naman kami close niyan!"
"Ayy bakla, Hindi ikaw Ang tinatanong namin!" Kanade
"Tss"
"Baka hinihintay yung pangkat niya!" Kaede
"Tsss"
Nagpatuloy kami sa paglalakad. Nung medyo malapit na kami sa gate ay napansin kami ni Sakuragi at agad siyang tumayo ng tuwid at tumingin sa amin.
Ano na namang kagaguhan to?
"Ayy, dito nakatingin! Lagot ka bakla ka anong ginawa mo diyan at grabe kung makatingin yang si Sakuragi?" Kanade
"Tss. Wala akong ginawa sa gonggong na yan!"
"Defensive ah!"
"Tsss"
Nagsimulang naglakad papunta sa amin si Sakuragi. Nakakunot naman Ang noo ko habang papalapit siya. Hindi ko alam kung ano na namang kabaduyan ang gawin nitong unggoy na to. Huminto siya sa harap ko. Wala na masyadong tao dahil uwian na. Nakatingin siya sa akin ng napakastoic habang nakatingin naman ako sa kanya ng nakakunot Ang noo ko. Katahimikan ang nangibabaw sa pagitan naming dalawa. Nakatingin naman sa amin Sina Kaede, Kanade at Takahiro na para bang may duel na mangyari sa pagitan namin. Hindi kami nagsalita at nagtitigan lang.
"Ahmmm, Idol Naoya, akala namin umuwi na kayo!"
Binasag ni Kanade Ang katahimikan. Bumuga ng malalim na buntong-hinga si Sakuragi sa harap ko.
"Kumusta na yang paa mo?"
Huh?
"Huh? Anong paki mo?"
"Bakit bawal? May angal?"
"Meron, papalag?"
"Teka lang ah, Ang init ng bangayan eh, may duel ba na mangyayari? Parang yung eksena naging mafia o gang na ah"
"Ano bang meron, Idol Naoya?"
"Kukumustahin ko lang tong si sungit!"
"Ayy sungit? Endearment?"
"Sungit? Tapos Tawag nitong si Kira sa'yo?"
"Hoy, weirdo, okay na ako kaya huwag kang haharang sa daan ko. Gusto ko pa namang manapak!"
"Sige nga, tingnan natin kung kaya mo! Pilay!"
"Tss!"
"Teka nga, Teka nga, concerned lang tong si weirdo mo Este itong si Idol!"
"Tss, Hindi ko kailangan ng concern niya!"
"Ang harsh mo rin eh no!"
"Hindi mo kailangan ang concerned ko? Anong gusto mo?"
"Huh? Anong pinagsasabi mong unggoy ka?"
"Ang tanong ko ay kung anong gusto mo!"
"Patayin ka!"
"Tss!"
Kinuha niya ang phone niya at saka nagtype ng kung ano. Nagtaka naman ako sa ginagawa niya. Iilang sandali pa ay natapos Ang pagta-type niya. Tumunog naman Ang phone ko na agad ko namang tiningnan.
Inbox
Message Received
Sungit
09********
Hindi mo kailangan ang concerned ko?
Eh yung alaga at pagmamahal ko?
Naghintay ako dito tapos susungitan
mo ang boyfriend mo?
Kumulo Ang dugo ko sa text na yun. Agad naman akong nagtype ng reply sa kanya.
Inbox
Create Message
Sungit
09*********
Tss. Utot mo, Tigilan
mo yang kabaduyan mo!
At saka Hindi mo
kailangang ganoon ka-concerned
Kasi we are a fake couple!
Message Sent
5:45 pm
Agad kung pinindot Ang send at saka naman niya binasa Ang text sa harap ko. Nakatingin lang sa amin sina Kaede at Kanade at Takahiro na walng ka-ide-ideya kung ano Ang ginagawa naming dalawa ni Sakuragi.
"Okay na ba talaga yang paa mo?"
"Okay na! Kaya huwag kang gumawa ng eksena!"
"Sigurado ka?"
"Oo nga, Teka nasaan ba yung pangkat mo at ikaw lang ang andito?"
"Nauna na! So papasok ka ba sa trabaho Ngayon?"
"Oo, bakit mo natanong?"
"Kaya mo ba talaga?"
"Kaya ko nga Ang kulit mo rin eh no?"
"Ang tigas rin naman kasi ng ulo mo eh no!"
"Tss. Sige na, padaan at papasok pa kami sa trabaho!"
Nilampasan ko siya habang medyo dahan-dahan pa rin naglakad. Iilang hakbang pa ay nagulat na lang ako ng biglang hinawakan niya ang kamay ko. Napatingin naman ako sa gawi niya.
"Sandali, ihahatid na kita!"
Seryoso siyang nakatingin sa akin habang hawak-hawak pa rin yung kamay ko.
Ano na namang pakulo to?
"Okay lang, kaya na namin to!"
"Hindi, ihahatid na talaga kita!"
"Bakit?"
"Anong bakit? Eh di ba pilay ka?"
"Kaya ko na nga di ba?"
"Alam ko na matigas Ang ulo mo sungit but please, don't forget what I have said to you sa clinic kaya please I insist, ihahatid na kita!"
I'm your fake boyfriend so shut up and be protected.
Nagpabalik-balik sa isip ko ang mga salitang yun. Napatingin ako sa kanya at seryosos pa rin siyang nakatingin sa akin.
"Tss. Sige na, pero just this time at baka Hindi lang pilay Ang abutin ko sa selos ng mga fans mo!"
"I can't promise!"
"Tsss."
"Ahh sorry to bother pero bakla mauuna na muna kami at may maghahatid pala sa'yo!"
"No, don't worry. Sumabay na rin kayo!"
"Sigurado ka Idol Naoya?"
"Nagdala ka ba ng kotse?"
"Hindi eh, motor ko ang ginamit ko papunta ng Grande but don't worry, I had ask Yuuto na siya muna Ang magdala ng motor at ako na muna Ang hihiram ng kotse niya para ihatid si sungit at pati na rin kayo!"
"Tss."
"Ayy bakla, maghanda ka na sa mga fans nito kapag nalaman nila na makikisabay Tayo!"
"Tss."
"Don't worry, no one is around so it's safe! Hahha!"
"Tss."
Gusto ko na sanang mauna sa kanila pero hindi ko magawa kasi nakahawak pa rin si Sakuragi sa kamay ko.
Anak ng Putakte! Bitiwan mo ang kamay ko unggoy ka!
Wala na akong nagawa kundi naglakad na lang ako para mabitiwan niya ang kamay ko. Pero, nung naglakad na ako ay na-conscious siya. Hindi pa rin niya binitiwan Ang kamay ko.
"So ano Tara na? Naiinip itong si sungit eh!"
"Tsss."
Naglakad kami habang nakahawak pa rin si Sakuragi sa kamay ko para alalayan akong maglakad. Naglakad siya ng dahan-dahan para masabayan ako habang nakasunod naman yung iba sa amin. Iilang sandali pa ay dumating na kami sa pwesto nung sasakyan ni Yuuto sa labas ng gate. Hindi pa rin bumitaw si Sakuragi sa kamay ko at binuksan niya pa ang pintuan ng kotse para sa akin. Sumakay ako sa kotse sa bandang harap katabi ng driver habang Sina Kaede, Kanade at Takahiro naman ay sa likod. Bumitaw si Sakuragi sa kamay nung isinarado na niya ang pintuan ng kotse sa mag passenger seat kung saan ako nakaupo. Binuksan niya ang pintuan ng kabila at saka sumakay sa driver's seat. Nagseat belt kami at saka minaneho ni Sakuragi Ang kotse. Napatingin na lang ako sa labas ng sasakyan habang tinatanaw Ang mga tanawin sa labas.
I'm your fake boyfriend so shut up and be protected.
We're a fake couple to your family and stranger for everyone, I don't need your protection and concern because we don't have a specific relation. I'm using you to earn and you're using me for your personal reason. We're totally different!
Napabuntong-hinga na lang ako.
"You're okay?"
"Yeah! Ako pa!"
"Yabang ah!"
"Yun Ang character ko, may angal?"
"Tss."
----
THANKS FOR READING!!!
DON'T FORGET TO SHARE, VOTE AND COMMENT!!!
Get in touch with your author and his works by checking out his social media accounts:
Twitter: writeful_bunny
Facebook Page: Writeful Stories
Wattpad: writeful_bunny
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro