86
7:14pm
Knight: Inihatid ka ulit ni Jay??
Shin: Dineliver ko lang sa kaniya 'yung order niyang ube. Tapos ang kulit, gusto niya raw ako ihatid, edi hinayaan ko na.
Knight: Ba't ikaw ang nagdeliver, delivery girl ka ba?
Shin: Ewan ko ba don sa taong 'yun. Kinausap ko na rin kanina na tantanan na ako.
Knight: Gusto mo kausapin ko siya?
Shin: Huwag na. Baka isipin nun sumbungera ako. At saka kaya ko naman ang sarili ko.
Knight: Hays paano pa ako magiging Knight in shining armor kung masiyado kang independent?
Shin: Tumigil ka na nga kung wala kang matinong sasabihin.
Knight: Alam mo, naisip ko lang, kapag kinasal tayo pwedeng maging hashtag 'yung #KNIGHTinSHINingArmor.
Shin: Alam mo, naisip ko lang din, pwede kong ilagay sa mata mo 'tong mga ube naming tinitinda. Gusto mo black eye?!
Knight: to naman si ssob, di na mabiro.
Shin: Tigilan mo ko kung ayaw mong gawin ko talaga sa 'yo.
Knight: Opo, ssob 🥺 masiyado mo naman akong ina-under
Shin: 🙂
Knight: Oo na nga titigil na! 😂
Shin: Good. Buti naman.
Knight: Maiba pala ako ssob, may nababanggit ba sa 'yo si Maine?
Shin: Na ano?
Knight: Ah wala, wala. Kalimutan mo na lang.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro