Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

71

4:15pm

Shin: Pauwi na 'ko.

Marivic: Salamat naman, anak. ❤️ Hindi ko na alam ang gagawin ko.

Shin: Siguraduhin mo lang na wala ka nang ilegal na mga ginagawa kundi aalis na talaga ako at hindi mo na ako makikita ulit.

Marivic: Pinagsisihan ko na ang lahat, anak. Hinding-hindi na ako babalik sa dati kong buhay. Sa totoo nga niyan ay magtatayo ako ng business ko. Binigyan ako ng suhestiyon ni Knight, pwede ko raw maibenta sa online ang mga ube halaya kong ginagawa. Payag daw siya maging delivery boy ko.

Shin: Nagtitiwala kayo agad sa kaniya? Kelan lang naman kayo nagkakilala.

Marivic: Dahil nakikita ko ikaw sa kaniya, parehas kayong masikap at madiskarte sa buhay.

Shin: Dahil wala naman akong choice. Kailangan kong mabuhay at dumiskarte nang mag-isa dahil wala naman na akong ibang aasahan.

Marivic: Pasensya ka na talaga, anak. Kung hindi lang sana ako natukso sa pera, wala pa rin sanang nagbago sa samahan natin. Hindi mo sana napagdaanan lahat ng hirap nang mag-isa.

Shin: 👍

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro