53
9:55pm
Knight: Bakit ka lilipat ulit, ssob 🥺 Ayaw mo ba 'ko makasama? 🥺
Shin: Patayin mo na lang ako
Knight: Bakit hindi ka pa ba patay na patay sa 'kin?
Shin: Ayan. Tas nagtatanong ka pa kung bakit ayaw kitang makasama sa iisang paupahan. Mababaliw akong kasama kayo ni Maine. Parehas kayong may sayad
Knight: Grabe ka naman, ssob. Masaya kaya ako kasama 🥺 Tsaka madali ako pakisamahan. If may utos ka gagawin ko kasi masunurin aq hehe
Shin: Masunurin ka?
Knight: Opo 🥺
Shin: Sige nga lumipat ka ng bahay
Knight: May limitations po pagiging masunurin ko huhu
Shin: edi okay, lilipat ako ng bahay kung ayaw mong ikaw ang lumipat
Knight: Ayaw na ayaw mo talaga sa 'kin, 'no?
Shin: Kingina di pa ba halata? Tinatanong pa ba iyan?
Knight: Sasaya ka ba kapag lumipat ako para di na tayo magkapitbahay?
Shin: Sobra
Knight: Sige hahanap na ako ng malilipatan, bukas na bukas magsisimula na akong mag-empake
Shin: Mabuti naman 🤗
Knight: 🙁
Shin: 🙂
Knight: ☹️
Shin: 😊
Knight: 😞
Shin: ☺️
Knight: 😔
Shin: 🤗
Knight: Thank you sa yakap 😥
Shin: Mas gugustuhin ko pang kainin ng leon kesa yakapin ka
Knight: Hugging emoji kaya iyan
Shin: Pag ba nag-agree ako na hug iyan, titigilan mo na 'ko?
Knight: Hindi po.
Shin: Madali lang naman ako kausap ☺️ Pwede ko naman sabihing hug iyan basta ba titigil ka na sa pampepeste ng buhay ko. Pero sige since lilipat ka naman na, wala nang chance na maging kapitbahay kita, sige payag ako na hug na iyan 👍
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro