47
8:03pm
Shin: Sa 'yo ba galing 'tong pera?
Knight: Luh anong pera? Nakakagulat naman 'to. Gusto mo ba 'ko maging sugar daddy? Okay lang din naman pero di ako ang nagpadala ng kung anumang pera 'yan. At ba't naman ako agad ang naisip mong nagbigay niyan?
Shin: Ikaw lang naman ang asungot na kilala ko
Knight: Hindi ba pwedeng may anghel lang na sinagot ang mga prayers mo? 🥰
Shin: Hindi ako nagdadasal. At kung magdadasal man ako, sisiguruhin kong sa burol mo
Knight: Ay grabe siya. Pero baka naman sa kamag-anak mo galing yan, o kaya sa nanay mo? Or tatay?
Shin: Wala akong tatay
Knight: Pwede ba 'yun? Nag-asexual reproduction 'yung nanay mo? Paturo naman, oh.
Shin: Tingin mo nakikipagbiruan ako sa 'yo? At bakit ba kita kinakausap?
Knight: Oo nga, akala ko ba ayaw mo 'kong kausap?
Shin: Sinong may sabi?
Knight: Na ayaw mo 'kong makausap?
Shin: Sinong may sabi na gusto kitang kausap?
Knight: Awts, ssob. Parang bumabalik 'yung sakit ko dahil sa sinabi mo.
Shin: Edi mas mabuti.
Knight: Huhu. Ang sama mo talaga.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro