
29
10:05am
Knight: Nasa biyahe pa ako papunta sa apartment mo. Nakuha ko na kay Gelli 'yung ID. Sorry ang trapik kasi
Seen 10:11am
Knight: Sorry. Malapit na ako. Sorry talaga.
Seen 10:29am
Knight: Sorry talaga, heto na pababa na 'ko
Shin: Alam mo, huwag na! Nakausap ko na 'yung isa sa mga prof ko at kahit pumasok pa akong late hindi na ako papakuhain pa ng exam. Kasalanan mo 'yun, sana dalhin mo sa konsensya mo 'tong pagbagsak ko ngayong sem.
Knight: Sorry na nga. Hindi ko rin naman alam na magiging sobrang heavy ung traffic. Sorry na poezxcs ssob
Shin: May magagawa ba iyang sorry mo? Kung sana hindi mo na pinatagal pa! Kung sinabi mo na sa 'kin noon pa na nasa iyo iyang ID ko, edi sana hindi na nagkandaleche-leche ang lahat. Alam mo, bwisit ka e! Gustong-gusto kitang murahin alam mo ba 'yun?
Shin: Kung matagal mo nang sinabi na iyan pala 'yung dahilan kung ba't ka nagchat sa 'kin, edi sana matagal ko nang nakuha iyan sa iyo. Edi sana nakapasok ako ngayon at nakapag-exam! Tangina talaga e
Shin: Ano hindi ka makapagsalita? Ganiyan na ganiyan ang mga taong walang magawa sa buhay kapag napagsasabihan. Wala na ngang ambag sa buhay ko, perwisyo pa.
10:46am
Knight: Binigay ko na rito sa kapitbahay mo. Kay Maine.
Shin: Sige. At hindi ka na naman siguro manggugulo pa dahil nasabi mo na ang dahilan kung ba't ka nag-chat. 'Yung dahilan na inabot pa ng ilang araw bago mo nasabi.
Knight: Oo, salamat 🙂
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro