Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

27

7:05am

Knight: May nawawala kang gamit 'di ba?

Shin: Don't tell me... nasa iyo ang ID ko?! Napulot mo?!

Shin: Tangina ibalik mo na! Kailangan ko 'yun para papasukin ako ng guard.

Knight: Sabi sa iyo magiging mabait ka sa 'kin kapag nalaman mo e

Shin: ???

Knight: Siyempre, ako ang magdedesisyon kung ibabalik ko o hindi. Kapag hindi ka mabait sa 'kin, hindi ko ibabalik hehe

Shin: Adik ka?

Knight: Sa iyo lang poezxcs

Shin: Ibalik mo na. Kailangang-kailangan ko iyan. Wala akong panahong makipagbiruan pa sa iyo. Mali-late na ako

Knight: HAHAHAHA hayblad ka naman masiyado ssob. Huwag ka mag-alala nabalik ko na

Shin: Nabalik?

Knight: Oo, nahanap ko 'yung address ng pinsan mo. 'Yung kachat ko nitong nakaraan. Ano na nga bang pangalan n'on? Gello? Gelli? 

Knight: Nagtataka nga ako kasi kahapon ko pa nabigay sa kaniya tas di pa pala sa iyo nasasauli. Chat ko na lang ulit. O kaya ikaw na mag-chat, pinsan mo naman 'yun e

Shin: Ibinigay mo kay Gelli?!

Knight: Bakit? Oo. Di ko kasi mahanap address mo, e. Isasauli ko sana sa iyo kahapon. Pinsan mo naman 'yun e

Shin: Kunin mo.

Knight: Ha?

Shin: Kunin mo kay Gelli.

Knight: Bakit?

Shin: Kunin mo!

Knight: Bakit nga?

Shin: Tangina kunin mo nga!

Knight: Hala ba't nagagalit?

Shin: Tangina mo, e. Desisyon ka ba? May sinabi ba akong doon mo ibigay? Ayos ka rin, e.

Shin: Kunin mo 'yun, Knight, sinasabi ko sa iyo. Mali-late na ako. Namumuro ka na sa akin, hindi ako nakikipagbiruan.

Knight: Hindi ba pwedeng pinsan mo na lang ang magbigay sa iyo?

Shin: Eh sino ba kasing may sabi sa iyong doon mo ibigay?! Ha?

Knight: May trabaho kasi ako ngayon

Shin: Ah, may trabaho ka pala. Pero kung makapanggulo ka ng tao dinaig mo pa ang walang magawa sa buhay.

Knight: Sige, ako na ang kukuha. Pakisend na lang ng address

Shin: Dito sa apartment katabi ng Vienna Mall.

Knight: Sige, ssob

Seen 7:31am

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro