Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

21

7:15pm

Gelli: Ate, may nangungulit sa akin. Knight ang pangalan, iunblock mo na raw siya. Kulit, eh.

Shin: Huwag mo na lang pansinin.

Gelli: Sino 'yun Ate Shin? Tinatanong ni Mama kung boyfriend mo.

Shin: Ano namang pakialam ni Tita? Lahat na lang sa buhay ko pinapakelaman niyan.

Gelli: Wow. Baka nakakalimutan mong pinatira ka namin dito sa bahay? Ate kita, nakatatanda kitang pinsan pero huwag mong babastusin mama ko.

Shin: Pinatira niyo 'ko sa bahay niyo para gawing alipin. Kaya nga ako lumayas diba?

Gelli: Lumayas ka kasi mayabang ka. Akala mo kaya mo na sarili mo. Tingnan mo ngayon kung nasaan ka? Naghihirap ka dahil sa kayabangan mo.

Shin: Mas mabuti nang umalis ako dahil kung hindi, malamang isusumbat niyo sa aking mag-ina lahat ng itinulong niya na kung tutuusin ay binayaran ko rin naman sa pagpapaalipin sa bahay ninyo.

Gelli: Whatever. Basta ingat ka riyan, Ate. Sabi ni Mama good night daw, iwasan mo raw maging inggrata.

Shin: Good night din, pakisabi lagyan niya ng busal bibig niya. Wala lang, para tumahimik na siya. Umaabot dito panchichismis niyo sa akin eh. Naturingang kamag-anak. Tss.

Gelli: Matulog ka na.

Seen 7:39pm

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro