Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

9 : Denver


THIRD PERSON'S POV


         "Moo naman eh! Ba't mo pa kasi hinabol yung pusa! Lagot na naman ako sa amo mo nito!" reklamo ng apuradong si Apollo sabay tulak ng pintong nasa kanyang harapan. Dumaan ang binata sa pinto at kasunod niya ang isang malaking German Shepherd na kumukumpas pa ang mabalahibong buntot. 

        Sukbit ang backpack sa kanyang balikat at bitbit ang mga plastic bag na naglalaman ng mga miryenda, pumasok si Apollo sa isang indoor gym at agad niyang namataan ang isang binatang nakaupo sa sahig. Tagaktak man ang pawis nito at mukhang pagod na pagod, bakas ang isang ngiti sa mukha nito habang nakatuon ang atensyon sa hawak na cellphone.

       "Nakangiti na naman si Thorn?" gulat na bulalas ni Apollo. Hindi sanay ang binata sa kanyang nakikita.

       "Akala ko nga hindi darating ang araw na makikita ko siyang nakangiti." May narinig si Apollo na isang boses mula sa kanyang likuran at nang mapalingon siya'y nakita niya ang isang matangkad at may-edad na lalakeng may hawak pang clipboard at bola sa basketball.

        "Coach Yu! Magandang gabi po," bati agad ng binatang si Apollo sa matanda. "Pasensya na po pala natagalan 'tong pina-deliver niyo. 'Tong aso po kasi ni Hawthorn, hinanap ko pa kasi nanghabol na naman ng pusa," paliwanag agad ni Apollo saka inabot ang mga pagkain sa Coach.

       "Ginawa ka na naman palang utusan ni Hawthorn," napailing-iling ang dismayadong matanda.

      "Inutusan mo rin ako kanina," bulong ni Apollo sa sarili habang may sarkastikong ngisi sa kanyang mukha.

      "Anong sabi mo?" bulalas ng matanda kaya agad namilog ang mga mata ni Apollo at agad itong umiling-iling. 

      "Wala po," patawa-tawang sagot ng binatang si Apollo at lumingong muli sa direksyon ng binatang si Hawthorn. Agad naglaho ang ngiti sa mukha ni Apollo nang makitang nakatingin na si Hawthorn sa kanila at sa pagkakataong ito ay naglaho na ang ngiting kanina ay nakikita nila sa mukha nito. 

       Tumango si Hawthorn bilang pagbati kay Apollo at tumango naman pabalik si Apollo sabay turo sa asong si Moo. "Yung aso mo, nanghabol na naman ng pusa. Pagsabihan mo 'yan!" pabirong bulalas ni Apollo.

      Agad na hinaplos-haplos ni Thorn ulo ni Moo nang lumapit ito sa kanya, kumukumpas ang buntot at parang tuwang-tuwa nang muling makita ang kanyang amo.


****

      

        "Coach, diba dapat pinapatulog mo na 'yan? Tingnan mo oh? Ala-una na ng madaling araw. Baka mamaya di na naman yan makatulog ng maayos," tanong ni Apollo sa Coach habang pinapanood nila si Hawthorn na naglalaro ng basketball kasama ang kanyang mga kasamahan.

       "Ha? Eh diba nga hindi siya makatulog?" naguguluhang sambit ng Coach.

      "Simula last week, nakakatulog na siya nang maayos. Yun nga ata ang dahilan at bumalik na siya sa paglalaro?" hinuha ni Apollo dahilan para agad na mapangiti ang matanda at muling ibinalik ang tingin kay Thorn na kasalukuyang iniiwasan ang mga kalabang nagtatangkang kumuha ng kanyang hawak na bola.

      "Mabuti naman kung ganun. Nga pala, sino ba 'yang ka text niya at lagi ko siyang nakikitang may hawak na cellphone mula noong nakaraang araw? Pangiti-ngiti pa siya. Masyado akong sanay na nakabusangot siya o di kaya parang hangin lang kaya para tuloy siyang nasapian ng lintik ngayon," komento pa ng Coach bagay na ikinatawa ni Apollo.

      "Di ko po alam, pero parang may ideya ako sino," ngumisi si Apollo.

     "Sino?" tanong ng matanda.

     "Ipasok niyo po ako sa team at sasabihin ko agad," biro ni Apollo dahilan para mapangiwi ang coach.


****


         Matapos ang pumito ang coach, agad na nagtatakbo si Hawthorn palabas ng court at papunta sa bleachers kung saan naroroon ang ang cellphone at kanyang inumin. Tagaktak man ang pawis at humahangos dahil sa pagod, agad na naupo si Hawthorn at binuksan ang kanyang cellphone.



Teddy:

Wait you have a dog?!

YOU HAVE A FREAKING DOGGG!!

AAAAAAAAAACKKKKK!

WHAT'S HIS NAME?!

BOY EYEBAGS WHAT'S HIS NAME?!

OMG CAN I MEET HIM?!

LET ME MEET HIM PLEASE!

11:03 PM

Teddy:

LET ME MEET HIM PLEASE

I WANNA BE FRIENDS WITH HIM PLEASE

PLEASE PLEASE PLEASE




        Hindi napigilan ni Hawthorn ang matawa dahil sa mga mensahe ng dalaga para sa kanya. Agad siyang lumingon sa kanyang aso na natutulog sa isang tabi. Kukunan niya sana ito ng litrato nang mamataan niyang tila ba may nakatayo sa kanyang likuran.

        Naglaho ang ngiti sa mukha ng binata at muling bumalik ang blankong ekspresyon sa mukha niya.

       Lumingon siya at nakita niya si Apollo na nakangiti at parang nanunukso. "Shit, is that the girl you were with at the coffee shop?" 

     "N-nakita mo kami?" gulat na sambit ni Hawthorn.

      "Gago, may shift ako nun! Ako pa nga ang nag-serve sa inyo!" natawa si Apollo dahil sa naging reaksyon ng binata. "Edi siya nga ang ka-text mo? Yung maganda pero mukhang tanga?" dagdag pa nito.

       Hindi na lamang kumibo si Hawthorn. Tumayo siya at itinago ang kanyang cellphone sa bulsa. Naupo siya sa bleachers at binuksan ang kanyang inumin. Di alintana ang matamang tinging ipinupukol na ni Apollo sa kanya.

      "Denver, ayokong manghimasok sa relasyon niyo pero pinapaalala ko lang sayo... Sa kabilang eskwelahan nag-aaral si Emanuel. Alam kong sa Filimon siya nag-aaral kasi kaibigan ko sa facebook yung kabarkada niya," sabi ni Apollo dahilan para makuha niya ang buong atensyon ni Hawthorn.

        "Nagkakatuwaan lang kami," walang kaemo-emosyong bulalas ni Hawthorn. "Gago kayong lahat kung gagaguhin niyo siya dahil lang sa taga kabila siya."

        "Pre, hindi yan ang problema. Ano sa tingin mo ang sasabihin ng mga ka-eskwela't mga kaibigan niya oras na malaman nilang nakikipag-usap siya sa tinik ng kalaban?" paalala pang muli ni Apollo.

        "Edi hindi na ako makikipag-usap sa kanya, tapos ang problema," bulalas ni Hawthorn saka tumayo at nagsimulang maglakad pabalik sa court. Taas-noo at walang kaemo-emosyon gaya ng dati.


****


Braylee's POV



5:30 AM


Denver:


You:

I. WANT. TO. BE. FRIENDS. WITH. YOUR. DOG


Denver:

Di pwede haha

You:

Bad ka po :(

Di na tayo friends :(

:(

:(

:(((((

Huy reply ka naman

:(

grabe ka naman 


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro