34 : Enemyship
Braylee
I was wrong when I thought my holiday break would be lonely because I was never alone thanks to Denver. He kept me company through the days and at nights we were always exchanging messages before going to sleep. Denver made me happy while I helped him get some sleep. We complemented each other in ways I could not explain.
Denver gave me free cooking lessons, not to mention cussing lessons too. Sometimes I berate him for being such a bad influence but he insists that they're my tools for keeping the fuckboys away. Denver and I also decided to spend Christmas together so we ended up putting Christmas lights on the living room since our landlady has a Christmas Tree.
Since my ankle quickly healed, nagawa ko narin ang gusto ko gaya ng pagjo-jogging at pagbibisikleta sa umaga. Minsan sinasamahan din ako ni Denver at Moo, yun nga lang lagi kaming talo kay Moo. Bilis niya eh.
Next thing I know it was already Christmas Eve; it's 7 in the evening and i'm waiting for Denver. Kanina pang umaga si Denver dito at nagtulungan kami sa pagluluto at paghahanda ng food. Sabi niya bibili lang daw siya ng special dog treats para kay Moo tapos magsisimba na agad kami pero hanggang ngayon hindi parin siya nakakabalik. Ibinaling ko na lamang ang atensyon sa cellphone ko at nagpatuloy sa pakikipag-usap sa mga kaibigan ko.
You:
Missed you lots my prensheps
Piper:
Hoyyy buti naman nagparamdam ka na!
Warennie:
VID CALL! VID CALL! VID CALL!
You:
Had to uninstall kasi wala puno na ang storage ni phone hihihi my uncle made me the photographer kasi using my phone
hala i can't vidcall ngayon :( sorry
Riley:
Why oh whyyyy?
You:
Kasi you need to be my boyfie muna, Ri :(
Riley:
DEAR, BABY B
Piper:
HAHAHAHAHAHAH!
Warennie:
Gago ka ri hahaha
I didn't understand Riley's meme kaya sinunod ko ang sinabi ni Denver at nag-google ako. I was horrified when I realized what balls means. GROSSSSSSSSS.
You:
Riley:
HOLY SHIT BRAYLEE EMANUEL HAHAHAHAHAHA
Piper:
That's my babygirl!!
Warennie:
Pinsan ata ni Bray nag-send hahahahacked
You:
I'm evil now, my friends
Warennie:
Di bagay sayo bray hahahaha
You:
Piper:
Nakakain ka ba ng expired food, b? hahahaha
Riley:
Sabi ko sayo sumama ka nalang dito eh! Atleast dito sasayaw ka lang lagi ng baby shark para sa lolo at lola ko hahahaha
Bigla akong nakatanggap ng text mula kay Mama kaya naman siya naman muna ang nireplyan ko.
Mama:
kamusta diyan kay Piper? Hindi ba delikado diyan?
Are you eating well?
You:
It's perfectly safe here ma
You remember that friend I told you? Yung may dog? I'm also going to spend
christmas with her and she's been feeding me well, she's even teaching me how to cook
Mama:
Braylee be careful with knives, don't handle it alone. Wag ka ring maghuhugas ng pinggan at baka makagawa ka pa ng kasalanan diyan. Be careful sa oil, baka matalsikan ka. Please anak, don't do anything risky. Don't get yourself hurt. Nag-aalala kami sayo lagi. Dalawa kayo ni Kuya Bryan mo na lagi naming inaalala.
You:
Ma, it's okay. I can handle it. You don't have to worry about me.
Look oh, yung dog ng friend ko super cute
Mama:
Hala ang laki! Naturukan ba yan ng anti-rabies?
Braylee wag kang masyadong lumapit diyan at baka makagat ka.
Di yan gaya ng aso natin noon na trusted na kasi matagal na nating kasama.
You:
Ma, please don't worry about me.
Show this pic to kuya Bryan, he'll be happy to see a cute dog
Napabuntong-hininga ako at ibinulsa na lamang muna ang cellphone ko. Minsan naiinis ako sa sarili ko kasi napaka-sensitive ko, heto ako at nasasaktan na naman kahit wala namang sinabi si Mama na masama. Ba't ba ako ganito?
"Bray!" Narinig ko ang boses ni Denver mula sa labas kaya naman agad akong napatayo at nagtungo sa pinto. Napatahol naman agad si Moo. Nag-alala ako bigla dahil sa naging tono ng pagtawag niya sa pangalan ko at nang buksan ko ang pinto ay nagulantang ako nang makita ko si Denver na may mga galos at bandaid sa noo at gilid ng labi, akay-akay niya si Lucho na mas bugbog sarado at hinang-hina. May mga benda siya sa ulo at braso pero ang damit niya ay may bahid padin ng dugo.
"Oh my God! What happened?!" bulalas ko at dali-daling tinulungan si Denver na maihiga si Lucho sa sofa. Amoy alak si Lucho, lasing siya. "Let's bring him to the hospital!" napasigaw ako sa sobrang pag-aalala. Parang sasabog ang puso ko sa kaba.
"Galing na kami doon pero ginusto na niya agad na umalis," sagot ni Denver at wala sa sarili namang tumango-tango si Lucho habang nakapikit ang dalawang namamagang mga mata.
"Who did this to you guys?!" bulalas ko pero hind sila kumibo.
****
"Braylee slow down, baka mamaya sumakit ulit yang paa mo," giit ni Denver habang nakasunod sa akin pero mas binilisan ko na lamang ang paglalakad patungo sa boys dormitory upang kumuha ng damit ni Lucho.
"What happened to him? Sinong gumawa sa inyo niyan?" tanong ko habang kapwa namin binabagtas ang walang katao-taong campus grounds.
"Nakita ko siyang pinagtutulungang bugbugin ng mga lalake sa parking lot ng isang bar, yung nasa tapat lang ng pet store. Mukhang naglalasing siya doon," paliwanag ni Denver bagay na ikinagulat ko. Awang-awa ako para sa kaibigan ko.
"Sinong kasama niya?" hindi ko maiwasang magtanong.
"Mukhang nag-iisa lang siya," aniya. Lucho can be wild but he's only wild when he's with Warren or some of his blockmates. Ba't siya maglalasing ng ganito?
Nang makarating kami sa Boys Dormitory, mabuti nalang at hindi naka-lock ang pinto. Minsan narin akong nakapasok rito dahil kay Riley kaya alam ko na kung saan ang kwarto nina Lucho at Warren. Dumiretso agad kami ni Denver sa silid nila at nang buksan ko ang ilaw ay nagulat ako nang bumungad sa amin ang isang napakagulong silid.
Malinis ang kaliwang bahagi kung saan naroroon ang kama ni Warren pero sa bahagi ni Lucho ay napakagulo, nasa sahig ang mga damit niya at pati narin ang mga empty cans ng beer at softdrinks. May mga maruruming pinggan at bowls din sa sahig at empty boxes ng waffle mix.
"Lucho," napatakip ako sa bibig ko dahil sa panlulumo. All this time Lucho never left for the holiday break. He's always been here.
"Akala ko ba nag-siargao siya?" tanong ni Denver sa akin.
"Apparently, he lied," napabuntong-hininga na lamang ako at kinuha ang pakay kong mga damit niya.
*****
Nakaupo ako sa sahig habang pinagmamasdan ang natutulog na si Lucho sa kama ko. Sa isang iglap, nagsising si Lucho at humilig sa dulo ng kama, parang nasusuka na naman siya kaya dali-dali kong inilapit muli sa direksyon niya ang trashcan ni Piper para doon siya maglabas ng sama ng loob. Napaungol siya dahil sa sobrang sakit ng bugbog na tinamo.
"You okay there buddy?" tanong ko habang inaalalayan siya ulit na mahiga.
"A-asan ako?" naguguluhan niyang sambit at napahawak sa benda na nasa noo niya.
"You're in our room. Humanda sa amin yung gumawa sa'yo nito!" paniniguro ko.
"'Wag.. Bray please wag mong sasabihin 'to sa iba," pakiusap niya kaya agad nakunot ang noo ko.
"You can't expect me to just let this slide! Kung hindi dumating si Denver, siguro nilumpo o pinatay ka na ng mga lalakeng yon! Lucho naman, mga halang ang kaluluwa ng mga gumawa sa'yo nito kaya dapat maparusahan sila," giit ko.
"A-anong oras na?" tanong niya kaya agad akong napatingin sa night stand ni Piper kung saan naroroon ang alarm clock niya.
"It's 10:21 pm, you've been asleep kanina pa. Feeling better na?" tanong ko at tumango naman si Lucho. Magagaling 'tong mga kaibigan ko pagdating sa walwalan, makalipas lang ng ilang oras, mahihimasmasan agad sila. Di gaya ko na pag nalasing, sa umaga pa ang gising.
"Gago ka bray, asan damit ko?" hinang-hina man, patawa-tawa si Lucho nang mapagtantong topless siya. "Teka, ano 'to?" tanong niya nang mahawakan ang tiyan niya. Itinaas niya ang kamay at pilit itong kinilatis gamit ang mga matang hindi niya halos maibuka.
"That's powder!" pagmamalaki ko.
"Pinaliguan mo ba ako ng pulbo?" bulalas ni Lucho na pulbos-sarado ang mukha, likod, at tiyan. Sa sobrang dami ng pulbo na nilagay ko sa kanya, para siyang munchkin na pinagulong-gulong sa powdered milk. Pero tama naman 'tong ginawa ko ah? Ganito rin kasi ang ginawa noon ni Piper kay Warrenat Lucho nang masobraan sila ng inom.
Napabuntong-hininga si Lucho at napatitig sa mga bituwin sa kisame. Hindi pa nag-glow ang mga stars kasi nakabukas pa ang mga ilaw pero patuloy padin niya itong tinititigan.
"Akala ko nasa siargao kayo ng family mo?" naupo ako ulit sa sahig at napahalumbaba sa kama habang nakatingin sa direksyon niya.
"Akala ko nagtungo ka sa lolo mo?" tanong niya pabalik kaya napangiti ako.
"Guess we're both liars huh?" biro ko na lamang. "You know i'm always here to listen to you right? Kung may problema ka, sabihin mo lang." giit ko.
"Bray, matagal ko nang alam na andito ka lang. Lagi kitang nakikita na naglalakad-lakad sa umaga pero hindi ko sinabi sa barkada, sana huwag mo ring sabihin sa kanila ang tungkol dito," pakiusap niya. Nakakapanlumo ang tono ng pananalita niya, malayong-malayo sa bibo at palabirong bunso ng barkada namin.
Napaupo ako nang maayos dahil sa sinabi ni Lucho. Nanikip ang dibdib ko sa kaba. "S-so I guess you're mad at me again?" halos manuyo ang lalamunan ko.
"Hindi..." aniya. Siguro sarcastic na answer 'to.
"No, you're just really mad at me," inunahan ko na siya.
Tumawa nang marahan si Lucho. "May itatanong ako sa'yo, Bray,"
"Ano?" kinabahan ako lalo.
"Mabait ba sa'yo si Hawthorn?" tanong ni Lucho kaya hindi ko napigilang mag-panic.
"Lucho, don't worry we're not friends. We're enemies. Tanungin mo pa siya," giit ko.
Bahagyang tumawa si Lucho. "Ang tanong ko, mabait ba siya sa'yo?" pag-uulit niya.
Napabuntong-hininga ako. "Yes. He's been really nice to me kahit enemies kami. Malayong-malayo sa sinasabi ng lahat, wala lang siyang ginagawa para magbago ang pananaw ng tao sa kanya. But please believe me when I say that Denver Hawthorn is a good person and he's been nothing but nice to me ever since we met," paliwanag ko. "At yung friends niya? They weren't his friends, Lu. They're just claiming it for the popularity and Denver's not doing anything about it. Denver's only friend is Moo.. and I think he's lowkey friends with Apollo," dagdag ko.
"Nakikita ko kayo nitong mga araw na magkasama. Mukhang napakasaya mo kumpara noon," aniya kaya agad nakunot ang noo ko. Binibigyan niya ba ng malisya ang enemyship namin?
"Lu, we're just enemies who doesn't hate each other. No malice please?" pakiusap ko dahilan para muling matawa si Lucho ng marahan. Nasasaktan guro siya kapag tumatawa siya ng todo dahil sa lagay niya. "Remember this, Lucho. Denver Hawthorn is my enemy," giit ko.
"Denver Hawthorn is your enemy," pag-uulit ni Lucho at tumango siya habang may ngiti sa kanyang mukha. Parang naiintindihan niya ang ibig kong sabihin at sapat ito para gumaan ang pakiramdam ko.
"You hungry?" tanong ko.
"Pahinga muna ako," aniya. "Ikaw?" tanong niya pabalik.
"Sobra," I giggled.
"Kain ka muna doon," giit niya kaya tumango-tango na lamang ako.
"How about you? Noche Buena pa naman?" sabi ko.
"Pahinga lang muna ako," pag-uulit niya.
"Okay, but if you change your mind, your red polo is there. Merry Christmas Lucho Boy, Juday and Ryan featuring Team Painkiller loves you," biro ko na lamang.
"Bwisit ka talaga bray," biro niya.
"Cute kind of bwisit?" biro ko pabalik dahilan para marahan ulit siyang matawa.
****
Bumaba ako sa sala at nadatnan ko si Denver sa sala at nanonood ng cartoons. Nasa tabi niya si Moo na kain na ng kain mula sa kanyang bowl. Ang cute ni Moo kasi dinamitan pa siya ni Denver ng red christmas cape at santa hat.
"Hindi ka pa kumakain?" tanong ko.
"Hindi ba sasabay sa atin ang kaibigan mo?" tanong niya pabalik.
Bigla na lamang tumahol si Moo kaya naman sabay kaming napalingon ni Denver sa hagdan at nakita namin si Lucho na dahan-dahang bumababa sa hagdan, dali-dali naman agad namin siyang inalalayan ni Denver. Napatingin sa akin si Denver na para bang nagpipigil siya ng tawa kaya agad ko siyang pinanlisikan ng mata, alam ko kung ano ang ibig niyang sabihin--ang pulbos-saradong mukha ni Lucho.
Next thing I know the three of us were already eating and laughing around as we exchanged some silly and funny stories. Denver and Lucho actually got along pretty well. I mean, Denver can be pretty weird pero marunong naman siyang makisama. Si Lucho naman, as usual napakadaldal at loko-loko kahit bugbog sarado kanina.
I thought my Christmas would be pretty sad but I was wrong.
END OF CHAPTER 34!
THANKS FOR READING!
VOTE AND COMMENT <3
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro