16 : A November-night's dream
Third Person's POV
Bitbit ang naglalakihang mga bag ng grocery gamit ang dalawang kamay, hirap na hirap ang binatang si Apollo papasok nang bahay lalo pa't hila-hila rin niya ang tali ng asong si Moo.
Binuksan ni Apollo ang pinto at sinalubong siya ng kadiliman. Dahil abala ang kanyang dalawang kamay, idinikit na lamang ni Apollo ang kanyang noo sa dingding kung saan naroroon ang switch ng ilaw.
Nakahinga si Apollo nang maluwag nang magliwanag ang paligid. Umikot siya at agad siyang napabalikwas sa gulat nang makita si Denver na nakaupo sa sofa, duguan at tadtad ng sugat ang mukha. Namamaga rin ang sentido at kaliwang mata nito. Nakatulala lamang ito habang nakatitig sa hindi umaandar na telebisyon. Suot-suot pa ng binata ang kanyang basang-basang jersey na may bahid pa ng dugo. Pero sa kabila nito ay hawak-hawak ni Denver ang kanyang cellphone.
"Anong nangyari sa'yo?!" bulalas ni Apollo ngunit hindi kumibo si Denver.
"May sa demonyo talaga ang taong 'to," bulong ni Apollo sa sarili at naglakad na lamang patungo sa kusina. Nilingon niya muli si Denver at nagtaka siya nang mapansing ni hindi man lamang nito pinansin ang nanlalambing na si Moo. "Demonyo nga talaga," dagdag pa ni Apollo habang umiiling-iling.
Nagtungo si Apollo sa kusina at inilagay ang mga pinamili sa ref. Habang ginagawa ito ay napahikab siya kaya naman sinilip niya ang kanyang relo; 5:02 na pala ng umaga. "Ba't pala hindi pa nagbibihis yun? Kagabi pa ang laro ah?" tanong ni Apolo sa sarili, kunot-noo at naguguluhan na naman sa kanyang roommate.
Sinara ni Apollo ang ref at bumulaga sa kanya ang isang sticky note na nakadikit sa pinto.
Apollo:
research about RILEY BOGNACIA, LUCIANO POCHOLO MASIPAG
Naguguluhan man, napabuntong-hininga si Apollo at kinuha ang sticky note. "Lintik ka talaga Hawthorn, eh kung gumawa ka kaya ng facebook para ikaw na mismo ang mag-search sa kanila?"
Sa kabila nito, bumalik na lamang si Apollo sa sala at dito ay naabutan niya si Denver sa parehong pwesto at di parin gumagalaw; bagay na nakasanayan na niyang makita kay Denver.
"Ngayon ko lang nakita, sige ise-search ko. Para saan pala 'to?" tanong ni Apollo kay Denver.
"'Wag na," walang kaemo-emosyong sambit ni Denver habang nakatulala parin.
"Ha? Teka graveyard shift ako kaya di ako agad nakauwi. Para saan 'to?" tanong muli ni Apollo.
"Alam ko na anong koneksyon nila," sabi pa ni Denver dahilan para lalong mas maguluhan si Apollo.
"Teka, nag-away ba kayo ng textmate mo? Sinasabi ko naman kasi sa'yo eh, tantanan mo na yung babaeng taga Filimon University, tiyak gulo lang ang aabutin niyong dalawa lalo na't ikaw ang tinik ng Rosepike," giit ni Apollo na para bang isang magulang na pinapangaralan ang kanyang anak.
Muli, hindi kumibo si Denver kaya napabuntong-hininga na lamang si Apollo at naglakad paakyat ng hagdan saka kinuha ang cellphone mula sa kanyang bulsa. Dito ay mabilis niyang ni-research ang mga pangalan sa facebook.
Makaraan ang higit limang minuto, umalingawngaw ang napakalakas na sigaw ni Apollo habang tumatakbo pabalik sa sala kung saan naroroon parin si Denver na nakatulala at hindi gumagalaw.
"Pre! Pre! Tangina hindi basta-bastang estudyante ng Filimon University yung textmate mo! Braylee Emanuel ang pangalan niya!" Gulantang na pamamalita ni Apollo. "Magkakaibigan sila ni Warren! Tingnan mo oh!" pamamalita ni Apollo saka ipinakita ang mga litrato kung saan magkakasama sina Lucho, Riley, Warren, Piper, at Braylee sa iisang litrato.
"Nako!" sigaw muli ni Apollo habang pinagmamasdan ang iba pang litrato sa facebook account ni Riley. "Nalintikan na! Mukhang syota pa ata si Braylee ni Warren."
"Alam ko," tugon ng walang kaemo-emosyong si Denver.
"Kaya ba nagulpi ka?! Kasi naka-textmate mo yung syota ni Warren?!" bulalas muli ni Apollo ngunit hindi na kumibo pa si Denver. Walang magawa si Apollo kundi ibalik ang paningin sa kanyang cellphone.
"Teka ano 'to?" kunot noong sambit ni Apollo habang nakatitig parin sa kanyang cellphone. Makaraan ang ilang sandali ay nag-angat si Apollo ng tingin habang nanlalaki ang mga mata. "To-totoo ba 'to?! Sinuntok mo si Braylee sa mukha?!" bulalas ni Apollo.
Napapikit na lamang si Denver nang maalala ang mga nangyari. Matapos niya aksidenteng masuntok ang dalaga, agad itong nawalan ng malay. Galit na galit sa kanya ang mga kaibigan nito lalong-lalo na si Warren. Sinubukan ni Denver na lumapit at tulungan si Braylee ngunit sinugod siya at binugbog ng galit na galit na si Warren.
"Alamin mo kung kamusta na si Braylee," bulalas ni Denver saka tumayo at umakyat sa hagdan, patungo sa kanyang silid. Gaya ng nakasanayan, sumunod agad sa kanya ang asong si Moo.
****
Braylee's POV
Unti-unti kong idinilat ang mga mata ko at bumungad sa akin ang kisame kong tadtad ng mga stickers ng glow-in-the-dark stars. Nakapatay ang ilaw kaya naman kitang-kita ko ang kagandahan nila, napakasarap nilang pagmasdan, hindi ko maiwasang ngumiti.
Tumagilid ako at humarap sa dingding. Nakaramdam ako ng kirot sa mukha ko at naalala ko ang kamao ni Denver na patungo sa mukha ko. Totoo ba yung nangyari o nananaginip lang ako? Pero nakakaramdam ako ng kirot so nangyari talaga 'yon... pero what if panaginip parin 'to hanggang ngayon? Sana nga.
Nakita ko ang isang matamlay na liwanag sa ilalim ng bedsheet ko kaya naman hinugot ko ito. Ang cellphone pala ni Denver ang nagliliwanag. Nagulat ako nang makitang may 46 unread messages ako mula rito. Masama parin ang pakiramdam ko kaya ang huling mga mensahe na lamang niya ang binasa ko.
Denver:
Hindi ko talaga sinasadyang saktan ka
Nag-aalala ako sa'yo, mag-reply ka naman ng kahit ano
Tulog ka na ba?
Im really really sorry
Are you okay?
It was an accident
I'm really really really sorry
I understand if you never want to talk to me again but I just want you to know that I never meant to hurt you.
You:
Antok na antok parin ako at gustong-gusto ko pang bumalik sa pagtulog. Alam kong panaginip lang 'to pero gusto ko paring malaman niyang hindi ako galit sa kanya. Aksidente lang naman kasi talaga 'yon. Kasalanan ko rin yun kasi lumapit ako sa kanila habang nagsusuntukan sila. Hay, mabuti nalang talaga at panaginip lang ang lahat. Na hindi siya si Hawthorn na kaaway ng mga kaibigan ko.
****
Nagising ako dahil sa tunog ng alarm clock. Matapos itong mapatahimik, naupo ako sa kama at nagstretching habang humihikab. Kinusot-kusot ko ang mga mata ko at nagulat ako nang makitang kaharap ko na si Riley at Piper; nakaupo silang dalawa sa kama ni Piper.
Nagtaka ako nang biglang humagalpak si Riley kakatawa samantalang si Piper naman ay parang awang-awa sa akin.
"Anong mromlema niyo?" Nanlaki ang mga mata ko sa gulat nang marinig ang sarili kong boses. "Anyane? Ma't nganito moses ngo?" tanong ko sa sobrang takot kaso tumawa lamang lalo si Riley dahilan para agad siyang batukan ni Piper. Pero kahit si Piper tawang-tawa narin pero pinipigilan lang niya.
"B-baby B, okay lang 'yan. Mawawala rin yan," sabi ni Piper kaya mas lalo pa akong kinabahan. Dali-dali akong lumapit sa vanity mirror namin at naupo sa harap nito. Napatili ako nang pagkalakas-lakas ng makitang magang-maga ang ilong ko.
Hala! So totoo nga?! Totoong tinamaan ako ng suntok ni Denver kagabi! at Totoong si Denver at Hawthorn ay iisa!
"Hiniiiiii!" sigaw ko dahil sa sobrang dalamhati pero kasabay nito ang mas lalong paghagalpak ni Riley kakatawa.
END OF CHAPTER 16!
THANKS FOR READING!
VOTE AND COMMENT <3
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro