Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

1 : Are you okay?


        She


Someone once asked me, "what do you like more, day or night?"

"Day," I answered. "I see things clearly just the way they are. Beautiful."


        "Yung costume mo, ready na! B, where are you?!" tanong ng kaibigan ko mula sa kabilang linya kaya napabuntong-hininga na lamang ako habang hinahanap angbus na dadaan sa Filimon Heights—ang lugar na nagsisilbi kong pansamantalangtahanan. Tirik na tirik ang araw kaya napapatakip na lamang ako sa noo ko habang palakad-lakad at pinapasadahan ng tingin ang bawat bus na nakikita ko.

        "Nasa terminal na ako. Pabalik na ako diyan sa Filimon Heights. Leytuhs!" paalam ko at agad ko nang pinutol ang usapan namin saka binalik ang cellphone sa bag ko.

        "Miss, Filimon heights ba 'ka mo?" biglang lumapit sa akin ang isang lalakeng nagbebenta ng mani. Tumango na lamang ako. "Hayun oh! Papaalis na! Mamayang hapon pa ang susunod na bus patungong Filimon Heights," sabi niya sabay turo sa isang bus na nagsisimula nang umandar

        "Salamat po!" Na-triggered ako kaya agad akong kumaripas ng takbo. Di ko alintana kahit pa nakasuot ako ng wedged boots at black floral dress, humawak na lamang ako sa strap ng backpack ko at mas binilisan pa ang pagtakbo para sa kinabukasan ko. 

        "Teka sandali! Hintay!" Sumigaw ako nang sumigaw habang hinahabol ang bus, pakiramdam ko tuloy nasa pelikula ako—yung tipong hinahabol ng bida ang love interest niya na nasa loob ng bus, ganun. I embraced the moment; itinaas ko ang kamay ko na para bang gusto ko itong abutin, umarte pa ako na para bang naiiyak—shite, ganito talaga yun! Galing ko!


        Sa isang iglap, biglang tumigil ang bus kaya naman huminto na ako sa pagtakbo at tumigil na lamang sa pag-arte.

        I started skipping, a smile plastered on my face.

        "May bakante pa po ba?" Tanong ko sa kondoktor sa pagpasok ko sa bus.

         "May isa sa likod miss," sagot niya kaya agad akong nagsimulang maglakad, kaso bago ko pa man tuluyang marating ang upuan, bigla na lamang humarurot ang bus dahilan para mapahawak ako nang mahigpit sa pinakaunang bagay na naabot ko.

        "Aray!!!" Umalingawngaw ang napakalakas na sigaw ng matandang babae at kahit ako'y napasigaw rin nang napagtanto kong sa buhok niya pala ako napahawak nang mahigpit—nasabunutan ko siya!

        "Oh my God sorry! Lola, I love you! Sorry! Hindi ko po sinasadya!" sa sobrang taranta ko ay napahalik na lamang ako sa ulo niya sabay ayos ng buhok niya. "You are a very precious vintage human being and I am so sorry!" muli kong bulalas habang hinihimas ang ulo niya.

        "Bitawan mo ako!" sigaw ni lola at nang akmang hahampasin niya ang kamay ko, agad akong napabitaw mula sa kanya. Pero dahil sa ginawa ko, sarili niyang ulo ang napalo niya at napahiyaw na naman siya sa sakit. Uy hindi ko na kasalanan 'yon!

        "I haven't reached my seat yet! Respeto naman po!" Sumigaw na lamang ako sa driver at laking gulat ko nang sa isang iglap ay bigla na lamang huminto ang bus dahilan para mawalan ako ng balanse at bumagsak sa sahig, una mukha. 

        Ano ba! Masakit yun sa boobies at face ha! Shite! Amoy na amoy ko ang halo-halong lupa at putik sa sahig!

        I heard some people gasp out of shock, some even laughed—pero may isang tawang nangibabaw sa kanilang lahat. Sobrang lakas ng tawa niya na para bang kinikiliti na siya ni Satanas.

        Imbes na magwala, tumayo  ako at taas-noong naglakad patungo sa lalakeng tawa parin ng tawa, hindi para bigyan siya ng isang combo ng hampas at sampal, kundi para maupo sa tabi niya—sa tabi niya kasi ang bakanteng pwesto.

        Naupo ako at tinanggal ang backpack sa likuran ko saka kinandong ito. Nag-angat ako ng tingin at nakita kong nakatingin parin pala ang karamihan sa akin kabilang na ang driver at kondoktor.

        "Larga!" Sigaw ko at pinanlisikan pa sila ng mga mata kaya naman inalis na nila ang kanilang mga tingin sakin at bumalik na sa kanya-kanya nilang ginagawa. Hindi ko ugaling sumigaw, I even hate ordering people around. I'm usually chill and sweet pero hinahamon talaga ako ng mga tao ngayon.

        Umandar muli ang bus, tumigil narin sa pagtawa ang lalakeng nasa tabi ko kaya napasandal na lamang ako sa kinauupuan ko at napabuntong-hininga.

        "Lakas ng tawa natin ah?" biro ko sa lalake habang pinapagpagan ang sarili ko. Inis man ako sa kanya, hindi nalang ako magpapapekto. I trust in karma.

        Hindi kumibo ang lalake kaya napasulyap ako sa kanya. Nakasandal ang ulo niya sa nakasarang bintana. He looks kinda young, I guess he's still in his early twenties. Lubog ang walang kabuhay-buhay niyang mga mata, mukhang ilang araw na siyang walang tulog. Medyo maputla rin siya. Infareness, kahit mukha siyang stressed sa life, malakas parin ang dating niya. hindi ko masasabing pogi siya kasi pinagtawanan niya ako kanina nang madapa ako.

        Kahit mukha siyang stressed, neat parin siyang tingnan suot ang navy blue shirt niya na pinaibabawan niya ng kulay brown na jacket.

        Bigla siyang humarap sa akin, kunot-noo at parang sinisindak ako. Imbes na masindak, napa-poker face na lamang ako. Ngayon kasing nakikita ko na nang mas maayos ang kulay brown niyang mga mata, napagtanto kong medyo inosente pala ang dating ng mukha niya... yun nga lang mukhang nag-uumapaw ang stress levels niya.

        "An innocent-looking face is both a blessing and a curse, hindi ako nasisindak sa'yo boy-eyebags," biro ko na lamang saka bumungisngis. Sabi ng mga kaibigan ko, nakakainis daw ang ngiti ko kaya sana mainis siya hehehe.

      Binuksan ko ang backpack ko at kumuha ng libro, pati narin ang isang pack ng potato chips. Mula sa gilid ng mga mata ko, nakita kong sinuot ng lalake ang hoodie niya. Teka, akala niya ba talaga tinititigan ko siya kaya ngayon tinatago na niya ang mukha niya? Grabe ha! Pero tama nga naman, kinilatis ko nga naman kasi ang mukha niya kanina. My bad hehe.

        3 hours ang byahe pauwi sa Filimon Heights kaya sinimulan ko na ang pagbabasa ng libro upang review sa magiging exam namin bukas. Sanay na akong magbasa ng libro sa umaandar na sasakyan, nakakainis nga lang at naiwan ko ang headset ko sa dorm kaya hindi ako makapag-soundtrip.

        Sa kasagsagan ng byahe at pagbabasa, binuksan ko na ang potato chips at inabot ito sa katabi kong ipinaglihi ata sa stress. Akala ko kanina natutulog siya pero hindi, nakatulala lamang siya na para bang napakalalim ng iniisip.

        "Ayoko," aniya kaya tumango na lamang ako at nilingon ang mga taong nakaupo sa likod ko.

        "Gusto niyo?" I smiled and offered them my chips. Some of them got one or two, some kindly said no, but some also ignored me. Okay lang, it's the effort that counts.

        Biglang tumunog ang cellphone ko kaya naman dali-dali kong kinuha ang cellphone mula sa bag ko at tiningnan ang text na galing kay papa.


Anak, sinugod ulit ang kuya mo sa ospital. Nagka-allergic reaction siya sa bagong gamot pero ok na siya ngayon. Ingat ka lagi diyan.


        Agad naglaho ang ngiti sa mukha ko nang mabasa ang tungkol kay Kuya. Parang pinupunit na naman ang puso ko, ganito nalang lagi sa tuwing naaalala ko si Kuya. Kalakip ng message ni Papa ang isang picture ni Kuya.

        Buto't balat na halos si Kuya at hindi ko na makilala ang mukha niya dahil sa labis niyang pangangayayat. Nakaupo lamang si kuya sa reclining wheelchair niya na sadya talaga para sa kanya, hindi na niya kayang ngumiti gaya ng dati, hindi narin niya naigagalaw ang kanyang buong katawan maliban lamang sa iilan niyang mga daliri sa kamay. Pero sa kabila ng kundisyon niya, nagagawa parin niyang mag thumbs up.

        Makailang-ulit kong kinurapkurap ang mga mata ko upang huwag maiyak . Sa kabila ng sobrang sakit, pinilit ko paring ngumiti. Bago sila umalis ang patungo sa ibang bansa upang samahan si Kuya para sa kanyang treaments, nangako ako sa mga magulang ko na magpapakatatag ako lalo pa't hindi ko sila kasama. Nangako ako kay kuya na hindi na ulit iiyak para sa kanya, sinusubukan kong tuparin ang pangakong iyon pero napakahirap talaga.

        I took a few deep breaths and slowly closed my eyes. Our pastor said God always has a plan but I just can't think positively anymore. I can't see the silver lining in my brother's suffering.

        Ibinalik ko ang lahat ng gamit sa loob ng backpack ko at sumandal sa kinauupuan habang yakap ito. Nanatili akong nakatitig sa kawalan habang binabalikan ang bawat masasayang alaala. Lumipas ang mga oras at nakarating ako sa destinasyon ko; Ang Filimon Heights.

        

*****


        Napangiti ako habang pinagmamasdan ang mga kaibigan kong masaya habang nakikipagsayaw sa iba pa naming mga ka-eskwela. Natutuwa ako tuwing nakikita ko silang masaya pero sa pagkakataong 'to, pakiramdam ko'y nalulunod ako sa sarili kong pag-iisip.

        Nakakabingi ang lakas ng musika sa paligid. Nakakabulag ang kulay asul na neon lights sa kisame. Sana nakakahawa rin ang saya nilang lahat kaso kahit na anong gawin ko, nalulunod parin ako sa sarili kong panimdim.

        Lumabas ako mula sa bar, hindi alintana ang mga taong ngumingiti sa tuwing nakikita ako.  Hinubad ko na lamang ang ulo ng teddy bear costume na suot ko at pinunasan ang pawis na tumatagaktak mula sa noo ko. Habang hawak ang ulo ng teddy bear costume ko, suot ko parin sa buong katawan ang makapal at mabalahibong costume.

        Nasa gilid ako ng kalsada nang bigla na lamang huminto ang isang bus sa harapan ko. Bumukas ang pinto at nagbabaan ang mga pasahero rito, nagulat ang ilan sa kanila nang makita ang suot ko pero hindi ko na lamang inalintana ang naging reaksyon nila.

       Lumingon ako sa direksyon ng bar kung saan naroroon ang mga kaibigan ko. Ayokong madamay sila sa nararamdaman ko. Binalik ko ang tingin sa bus na nasa harapan ko. Nakabukas pa ang pinto at nakatingin na sa akin ang driver. "Hija, sasakay ka ba?" tanong nito na para bang nababagot na.

      Nalulunod ako sa sarili kong isipan. Ang gusto ko lang, lumayo at magpalipas ng oras. Humakbang ako paakyat sa baitang at papasok sa bus. Mula sa repleksyon ko sa salamin, nakita ko ang sarili kong suot parin ang makapal na teddy bear costume at yakap-yakap ang head piece nito. 

       Pumasok ako sa loob ng bus at naupo sa gitnang bahagi ng pasilyo, di alintana ang iilang pasaherong nakatingin sa akin. Naguguluhan sila, hindi ko sila masisisi--Makakita ba naman daw sila ng isang babaeng nakasuot ng teddy bear costume sa kalaliman ng gabi.


      Nanatili akong nakaupo habang diretso ang tingin. Unti-unti, ipinikit ko ang mga mata ko upang mapigilan ang mga luhang nagbabadyang pumatak mula sa mga mata ko. Hindi maalis sa isipan ko ang kalagayan ng kuya ko at ang sakit na nararamdaman ng mga magulang ko.

       "Okay ka lang?"

        Napadilat ako nang marinig ko ang isang boses mula sa likuran ko. Something about his words triggered the emotions I've been trying to bottle up ever since my brother was diagnosed with ALS.

        Okay ka lang?

        Three words, one question. To others this may seem stupid but for me it means everything. A simple question, a soothing message of concern.

        Masyado akong sanay na ako yung laging nagtatanong sa mga tao kung okay lang ba sila, masarap sa pakiramdam na sa wakas may nagtanong rin nito sa akin kahit pa galing ito sa isang taong di ko naman kilala.

        Sometimes that question may seem dumb, yung tipong nasaktan ka na nga eh tatanungin ka pa kung okay ka lang. But for me, it's not stupid kasi ibig sabihin lang nun ay may tao rin palang may pakialam sa'yo.

        Being asked if you're okay means that your existence matters.

        "Hindi," pag-amin ko sa saka bumungisngis, diretso parin ang tingin at hindi nililingon ang taong nakaupo sa likuran ko. Namalayan kong pumapatak na pala ang luha ko kaya naman dali-dali ko itong pinunasan. "Ikaw, okay ka lang?" tanong ko pabalik at sa pagkakataong ito ay nilingon ko siya.

       Nagulat ako nang makitang ang taong nasa likuran ko ay ang lalakeng nakatabi ko kanina. Yung mukhang stress at walang tulog. Ganun parin ang hitsura niya, pati na ang suot niya. Kung ako ang tatanungin, para siyang hindi umalis mula sa kinauupuan. Ngayon ko lang napansin, mukhang ito rin ang bus na nasakyan ko kanina.

        Dahan-dahan siyang tumango habang nakatitig sa mga mata ko. "O-okay lang," sabi niya na para bang nagdadalawang-isip na sagutin ang tanong ko. 

       Okay lang daw siya pero iba ang nakikita ko sa mga mata niya.

        "Kasinungalingan 'yan no?" Ngumiti ako.

        Dahan-dahan siyang tumango habang suot parin ang hoodie niya. Masakit na sa leeg ang posisyon ko kaya pinatong ko na ang dalawang paa ko sa upuan at sumandal sa bintana nang sa gayon ay hindi ako mahirapan sa paglingon sa kanya.

        "Thank you," kaswal ko na lamang na sambit. "I still hate you for laughing so much at my embarrassing moment, but thanks for asking me if I'm okay," dagdag ko pa.

        "A-anong nangyari sa kanya?" aniya kaya bahagyang nakunot ang noo ko.

        "Y-yung lalakeng nasa picture kanina," sabi niya na para bang alam na niya ang magiging tanong ko. Medyo weird kasi nakita niya pala ang picture ni Kuya at nagtatanong pa siya pero nakakatuwa kasi mukha siyang nagmamalasakit. 

        It's weird but sometimes opening up to a stranger can be cathartic.

        "He's my older brother, last year he was diagnosed with Lou-Gehrig's disease, others call it ALS. He used to be part of their school's basketball team, a very healthy and athletic person, but he's different now. He's paralyzed and he couldn't even talk or smile," paliwanag ko na lamang habang pilit na pinipigilan ang luha ko. Binuksan ko ang zipper na nasa tiyan ng costume na suot ko at inilabas mula rito ang cellphone ko. Pinakita ko sa kanya ang picture ni kuya na kuha noong naging mvp siya sa isang season at labis siyang nagulat sa kaibahan nito.

        "Yan ba yung sa ice bucket challenge noon?" tanong niya kaya tumango ako.

        "Yup, all donations from the ice bucket challenge participants go to the research of ALS in order to find a cure. Even if there's no cure yet, even if we're only relying on theories and experimental treatments, my brother is fighting," paliwanag ko pa. "Ikaw, anong nangyari sa'yo? Nagd-drugs ka 'no?" biro ko na lamang para gumaan naman ang hangin sa pagitan namin. 

        Katahimikan ang sagot niya sa katanungan ko. Binaling niya ang tingin sa bintana na para bang walang narinig. Siguro ayaw niyang pag-usapan. 

        "Insomnia," tipid niyang sambit kaya sa nakunot ang noo ko.

        "Insomnia?" Na-curious ako. "Bakit ka may insomnia?" tanong ko.

        Nakunot rin ang noo niya, mukhang susungitan na naman ako ni walking stress.

        "Ang ibig ko pong sabihin, may dahilan kasi kung bakit may insomnia ang tao. Stress and Anxiety will likely lead to Insomnia. So tell me, what's making you anxious?" usisa ko na lamang. 

        "I don't want to talk about my problems; I just want to get some fucking sleep," giit niya sabay pikit ng mariin. Bakas sa boses niya ang matinding inis at desperasyon. Siguro ito ang dahilan kung ba't parang ang sungit niya, kasi wala siyang tulog.

        "When was the last time you slept?" tanong ko na lamang.

        "Three days ago," aniya kaya hindi ko naiwasang mag-alala.

        "Not even a few hours or minutes?" tanong ko at dismayado siyang umiling.

        "Hala ka! Delikado na 'yan! Kaya pala mukha ka nang kampon ni Satanas!" bulalas ko kaya bigla siyang napadilat, nanlilisik ang mga mata at parang galit.

        "Ano?!" Bulalas niya.

        "Kidding!" biro ko na lamang sabay peace sign. "But seriously, try to get some sleep."

         "Ano ba sa tingin mo ang ginagawa ko?" sarcastic niyang sambit.

        "Get off this bus, go home, get some sleep, " giit ko.

        "Doon na ako galing pero wala parin, hindi parin ako makatulog," giit niya naman. He sounds so annoyed with me, I can't blame him.

        "So where are you going?" tanong kong muli.

        "I don't know, I just want to get some sleep," pag-uulit niya. This time ay muli niyang isinandal ang ulo sa salamin ng binta. Ang grumpy na ni the walking stress, three days ba namang walang tulog. Naalala ko tuloy bigla si Papa, sa tuwing stress siya sa trabaho ay lagi kaming nagpupunta—hala alam ko na!

        Hindi ko mapigilang mapabungisngis ulit,. "Hehehe"

        Unti-unting lumingon sa akin si the walking stress, kunot-noo at iritadong-iritado. Nang muli siyang humarap sa akin ay bigla siyang napangiwi, I guess my smirk freaked him out hehehe.

       "A-ano?" tanong niya na para bang nababahala.

       "You deserve sleep and I think I can help. Wanna go on a midnight adventure with a cute stranger on a bear costume?" biro ko sabay patong ng magkabilang palad sa magkabila kong pisngi sabay beautiful eyes.

        "Just promise me you won't do that again," nakangiwi niyang sambit sabay turo sa mukha ko. Ouch.


END OF CHAPTER 1!

THANKS FOR READING!

SPREAD HAPPINESS! <3

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro