Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Prologue

"Basang basa na tayo, ate Pink," ani Liam na nakangiti pa rin at tila hindi pinoproblema ang sitwasyon namin ngayon.

"Ilang beses ko pa ba'ng sasabihin sa'yo na huwag mo akong tatawagin gamit ang palayaw ko na 'yan."

Kakasilong lang namin ngayon dito sa waiting shed sa labas ng aming paaralan. Medyo hiningal ako sa ginawa naming pagtakbo dahil sa biglaang pagbuhos ng malalakas na pagpatak ng ulan.

"Bakit ba ayaw na ayaw mo sa palayaw mo, ate Pink?"

"Bakit ba nangingialam ka! Tsaka tigil-tigilan mo nga ang pagtawag sa'kin ng ate!"

"Nagtatanong lang ako, hindi kita pinapakialaman, okay."

"Kahit na, noh!"

"Maganda naman ang nickname mo, ah. Bagay na bagay naman sa'yo, parang tayo lang." Nakangisi nitong tugon na may halong pang-aasar.

"Ewan ko sa'yo!" Inis na singhal ko sabay hampas sa kanya ng hawak kong payong.

"Aray ko naman! Ang sadista mo talaga lagi sa'kin," reklamo nito. "Baka masira 'yang payong ko, na'ko kailangan mo talagang palitan 'yan 'pag nagkataon."

Napairap ako sa kawalan, tsaka ko ulit siya hinampas.

Bagay lang sa'yo 'yan dahil kanina mo pa ako iniinis, kairita!

William is my childhood friend, we're still friends until now. No wonder kung bakit halos ganito kami ka-close sa isa't isa.

Nagsasawa na nga ako sa pagmumukha ne'tong engot na 'to e.

Hindi ko alam kung bakit tinatawag niya pa rin akong ate kahit na dalawang buwan lang naman ang agwat namin. Pero minsan talaga ay gusto niya lang akong asarin.

Kakauwi lang namin galing school. At sa kamalas-malasan nga naman, eto, bumuhos ang ulan. Wala akong dala na payong dahil hindi ko naman inaasahan na uulan pala. Buti na lang may dala 'tong si Liam.

"Rosy, mauna ka na lang muna umuwi," sabi ni Liam.

"Huh?" Busy ako sa pagpupunas sa sarili ko kaya hindi pa masyadong nagsink-in sa'kin 'yong sinabi niya. "Wait, what? Bakit naman?"

"Naalala ko na may gagawin pala kami ngayon ng mga classmates ko."

"Diba ang sabi mo sa'kin kanina na wala ka nang gagawin, tapos sabi mo rin na sabay tayong umuwi. Ang gulo mo naman!"

Napatingin ako sa kanya nang bahagya siyang nawalan ng balanse at napahawak sa kanyang sintido. Pansin ko rin na biglang nagbago yung mood niya.

"Ngayon ko lang rin kasi naalala," sabi niya tsaka inabot sa'kin 'yong panyo niya.

"Teka, ayos ka na lang ba? May nararamdaman ka ba'ng hindi maganda? Tsaka bakit mo binibigay sa'kin 'tong panyo mo?" Sunod-sunod na tanong ko sa kanya.

"Ah, oo naman, I'm fine," tugon niya sabay na ngumiti sa'kin na kita ang mga ngipin nito.

Kinuha ko ang panyo niya tsaka ito ipinunas sa mukha at ulo niya.

"Alam mo, dapat sarili mo ang pinupusan mo dahil ikaw ang basang-basa sa'ting dalawa."

Kung noon na mga bata pa lang kami ay nasanay ako na ako ang matangkad sa'ming dalawa. But now, everytime when I'm with him, I feel like I'm too short, huhu.

He's now taller than me.

He grew up so well.

Medyo nahirapan akong punasan ang ulo at buhok niya dahil sa tangkad.

Habang pinupunasan ko siya, nagulat na lamang ako nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko. "You don't have to always do this to me."

"H-huh?!"

Muling nanumbalik ang aking ulirat nang bigla niyang hinila ang kamay ko palapit sa kanya.

Ngayo'y magkalapit na magkalapit na ang aming mga mukha.

Napalunok ako.

Mula sa mala-singkit nitong mga mata na napapaligiran ng makakapal at mahahaba nitong mga pilikmata, sa matangos nitong ilong at sa labi niyang mala— What am I thinking?

Shit!

Hindi ako makagalaw at makahinga nang maayos dahil sa sitwasyon namin ngayon. Dumagdag pa 'tong mga naiisip ko.

W-wait, why do I feel like there's something inside my stomach? I don't know how to explain it right now. Feel ko namumula na 'yong mukha ko dahil sa hiya.

Omg!

No, no, no way! He's just my friend, just a childhood friend to me.

Hindi ko na alam kung anong dapat na gawin ko. Nanatili kaming dalawa nang ilang segundo habang malapit ang mukha niya sa akin.

Nagulat ako nang kinuha niya ang panyong hawak ko, tsaka ito itinakip sa aking mukha.

"Palagi mo na lang akong itinuturing na parang bata." Sabay na ginulo pa nito ang aking buhok.

"Ahm... H-hindi naman sa gan—"

"You know what, mabuti pa't umuwi ka na."

Napalunok ulit ako. Hindi ko na lang siya kinibo, mabuti pa nga. Siguro kailangan ko na talaga umuwi.

Masyadong naging pre-occupied ang utak ko kaya hindi na rin ako nakapagpa-alam sa kanya.

Feel ko gutom lang talaga ang naramdaman ko at hindi ang kung ano-anong lumilipad na galing sa aking tiyan.

>>>

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro